Pagsulat ng Lathalain (3B) by Hasmera Pacio

Pangalan: Aliah L. Lacadon BSEDFIL-3B. Pagsulat ng lathalain.
" Taong Bahay at Paaralan"

Ganito ako nabuhay simula noong ako’y elementarya hanggang sekondarya, hindi

marunong makahalubilo sa iba. Kaya nga tawag nila sa

akin “taong bahay” at sa

paaralan kalimitan akong nakikitang tahimik at nag-iisa. Pero hindi talaga ako ganoon. Isa akong madaldal at bungangerang tao. Kaya maraming nagtataka kung bakit minsan tahimik ako kasi nga hindi ako nakikihalubilo sa kanila. Nag tataka din sila minsan kung , hindi ako nakikihalubilo lalo na sa aking mga kamag-anak at mga pinsan. Sa totoo lang, sa aming magkakapatid ako lang ang hindi mahilig makihalubilo sa aming mga kamag-anak at pinsan hindi ko rin alam kung bakit. Minsan nga, maraming tumatawag ng “insan” sa akin pero hindi ko sila pinapansin kasi hindi ko naman sila kilala. Tama, mayroon man kaming reunion, kasal subalit hindi ako

sumasama sa aking mga magulang. Pero simula nang ako’y naihiwalay sa aking mga

magulang at nagpatuloy ng pag-aaral dito sa lungsod ng Mati, marami akong natutunan at nalaman sa aking sarili. Natuto akong mabuhay mag-isa at makisama sa ibang mga kultura kahit kung minsan mahirap silang pakisamahan. Ang dating nag-iisa,marami ng kaibigang nasasandalan at nagbibigay kasiyahan sa oras ng lumbay. Talaga

namang “No man is an island”. Ang dating hindi kilalang tao, marami nang

pumapansin. Ang pagiging masayahin kong tao ay naibabahagi ko na sa iba, isang daan upang magkaroon pa ng maraming kaibigan. Minsan nga, hindi ko na pinapansin ang

dating mga kaibigan kung sila’y nagmessage sa facebook pero nagpapasalamat ako sa

kanila dahil hanggang ngayon andyan pa rin sila. Pero dito mo masusukat ang tunay nakaibigan.Napakahalaga pala ang presensya ng iba dahil sila humuhubog ang iyong pagkatao. Dito mo malalaman kung sino ka sa kanila bilang tao. Kung ano ang halaga mo sa kanila at halaga nila saiyo.

Fili 110: Introduksyon sa Pamamahayag (Pagsulat ng Lathalain)
Hindi ako makapaniwala habang nakatayo ako sa gilid ng bangin, humahampas ang hangin sa buhok ko. Ang berdeng tubig sa ibaba ay kumikinang sa sikat ng araw, tumatawag sa akin. Ito ay isang sandali na magpakailanman ay nakaukit sa aking memorya – kung makakaya ko ito magiging masaya ba ko?

Nagsimula ang lahat sa isang bakasyon sa tag-araw kasama ang aking mga kaibigan. Napagpasyahan naming tuklasin ang isang liblib na beach sa 'di kalayuan. Habang tinatahak namin ang luntiang kagubatan at ang malawak na lupain, lalo kaming nanabik.

Nang nakarating na kami sa dalampasigan, para akong tumuntong sa paraiso. Ang malinis na puting buhangin ang tumambad sa aming harapan, at ang asul na tubig alat ang nag-udyok sa amin na tumalon kaagad. Ngunit may iba pang nakatawag ng aming pansin - isang matayog na bangin sa isang dulo ng dalampasigan.

Isa-isang tumalon ang mga kaibigan ko, sumisid sila sa kailaliman ng dagat. Ang kanilang mga hiyawan ay hiwatig ng sobrang kagalakan, ang kanilang mga puso ay parang tambol na dumadagundong. Ako ay nababalot sa pagitan ng takot at kuryosidad. Makakakuha ba ako ng lakas ng loob na sumama sa kanila?

Habang nakatayo ako sa gilid ng bangin na iyon, ang bilis ng tibok ng puso ko, magkahalong pananabik at kaba ang aking nararamdaman. Ang takot ay bumalot sa akin, ngunit sa loob loob ko, alam ko na ito ay isang pagkakataon upang hamunin ang aking sarili. Huminga ako ng malalim at pumikit sandali.

Sa isang iglap, itinulak ko ang aking sarili para tumalon. Ang lagaslas ng hangin sa aking mukha at ang pakiramdam ng kawalan ng timbang na parang nagpapahinga ako. Parang isang segundo lamang, tumigil ang oras. Pagkatapos, binalot ako ng malamig na tubig, at bumulusok ako sa kailaliman ng dagat.

Nang muli akong bumangon isang malaking alon ang lumagpas sa akin. Nagawa ko na! Nagtagumpay ako sa aking takot at nakaranas ng hindi maipaliwanag na kilig. Ang mga hiyawan at palakpakan ng aking mga kaibigan ay umalingawngaw sa aking mga tainga, na nagpalakas ng aking pakiramdam.

Pangangaliwa na nagdudulot ng malaking epekto sa Pamilya

Sa dami ng karanasan natin na nakikita at nasasalamuha mayroon talagang isang bagay na yaon na hinding hindi natin malilimutan. Simula pa nung bata pa lang ako, akala ko hindi mangyayari sa aming pamilya na katulad ng nakikita ko sa TV/telebisyon na nagkahiwalay ang mag-kapamilya. Akala ko lang masaya kami, akala ko pagsubok lang na mag-aaway lang mag-asawa ngunit magkabati rin ngunit mali ako. Maling-mali ako. Naaalala ko pa noon si ina na napakasaya tingnan ang mata kapag magkasama sila ni ama, walang halong lungkot, gayundin si ama kapag kasama si ina, ngunit sa likod nitong lahat mayroon pa lang nakatago na bahid ng lungkot habang sila ay magkasama.

Habang sila’y nagkasakitan, nag-aaway, nagbabatuhan ng masasakit na mga salita. Saksi ng aking mga mata at dinig ng dalawa kong mga tenga kung gaano nila sinasaktan ang kanilang mga sarili. Sa mga oras na yaon akala ko mabubuo pa kami, akala ko maging okay lang kami. Akala ko lang pala lahat. Kung hindi kami lumaki, kung hindi kami nagkaroon ng tamang pag-iisip, atsaka pa nangyari ang mga bagay na ito. Ang aking ina naghanap ng ibang kalinga, pagmamahal, aruga at pamilya.  Oo tama ang narinig ninyo, ang aking ina ay naghanap ng iba. Kung tatanungin ninyong bakit? Kahit ako hindi ko rin alam kong bakit? Ang alam ko lang mahal siya ng aking ama, ibinigay lahat ng gusto niya, pinagsilbihan at higit sa lahat minahal. Ngunit kulang pa pala. Walang-wala sa nararamdaman kong sakit ang nararamdaman ng aking ama nung umalis ang aking ina sa amin. Kitang-kita ko sa mata nito kung gaano niya ka mahal si ina at nagmamakaawa pa ito. Simula nung umalis si ina sa amin, lubos na lugmok si ama sakit, ayaw kumain at mugto ang mata. Pilit ko man na pakainin kahit walang sakit ay ayaw niyang kumain. Minsan, sinisilip ko siya sa kwarto ay umiiyak, ang sakit!. Masakit na makita mong nagdurusa sa sakit ang mahal mo sa buhay, hindi dahil sa sakit sa katawan kundi dahil iniwan siya ng mahal niya. Kaya minsan hindi ko na lang pinapansin dahil ba ka iyun ang paraan para mabawasan yung sakit na dinadala niya.

Ilang taon din na dumaan ay masasabi ko na okay na lahat, okay na si ama, okay na din ako. Yung mga panahon na nararanasan namin ay yun yung pinakamasakit na naranasan ko at hinding-hindi ko makakalimutan. Ngunit, naniniwala ako na yung sakit na dinulot nung nawala si ina sa amin at iniwaan kami ay nawawala, ngunit yung ala-ala namin nung panahon na kami magkasama at hindi kami iniwan ay nung panahon na masaya pa kami ay mananatili sa puso at isipan parin namin. Kung nasaan man ng lupalop ang aking ina ngayon, sana naging masaya siya sa mga desisyon niya sa buhay. At makahanap ng totoong mamahalin niya at hindi yung pandalian lang. Kahit anuman ang desisyon niya sa buhay mahal ko parin siya dahil ina ko siya at kadugo, nagkamali man siya sana hindi na niya piliin pang magkamali u

lit.

FILI 110-Fil 3B [TTh 2:30-4:00 PM] Pangalan: Jimboy A. Guinawatan
"Biyayang Hindi Malilimutan"

Noong una, isang araw ng tag-init, napadpad ako sa isang lugar na puno ng mga ala-ala. Ang aking puso ay napuno ng masasayang karanasan, ngunit kasabay din nito ang lungkot at pag-iiyak. Hindi ko malilimutan ang mga ngiti at yakap mula sa mga taong minsan ko nang nakasama. Ang oras na iyon ay tila isang kaharian ng ligaya at halakhak, ngunit sa paglipas ng panahon, ang saya ay unti-unting naglalaho.Bakit hindi ko malimutan ang mga pangyayaring iyon? Sapagkat ang bawat sandali ay may kasamang sigla ng damdamin na tumatak sa aking kalooban. Ang karanasang iyon ay nagbigay sa akin ng bagong perspektibo sa buhay, ng mas malalim na pag-unawa sa halaga ng bawat saglit. Kaya't kahit ang mga napakadalang lang sa nating kasanayan, hindi nila kayang burahin ang aral at mga biyayang iniwan nila sa ating puso.Sa mga larawan ng nakaraan, natutunan kong tanggapin ang pagbabago at patuloy na mag-alaga ng bawat gabay na iniwan ng mga minsang dumating sa aking buhay.

JERIZA A. MAONGAT- FILI 110
Ilang taon na ba akong walang ama?

Magaapat na taon na pala. Tila'y isang pasalubong mula sa nakaraan na patuloy na humuhubog sa aking kasalukuyan. Kakayanin ang buhay na ito?  Kung iyong paglisan ama ay durog na ako?

Sa bawat pagtunog ng orasan, tila ba'y nagiging mas mabilis ang pagdaloy ng mga sandali, at sa pag-ikot ng kalendaryo mas nararamdaman ko ang bigat ng pagkawala mo.

Akoy namangha sa kasipagan, at kabaitan na pinapakita niya, isang bayani na ama ang gumabay at nag-aruga sa malaking palad ko't matamis na luha. At

upang matumbasan ko ang pagod at hirap na iginugol ng aking ama, akoy lubos na nagsusumikap sa pag-aaral upang mahandog ko ang diploma at medalya sa kanya. Walang ibang nais kundi makita ang anak na umaakyat sa entablado, suot ang toga at may hawak-hawak na diploma.

Isang araw, biglang naglaho ang lahat ng kasiyahan. Ang amang masigasig at mapagkumbaba ay biglang nagdusa sa sakit sa baga. Oo, sakit sa baga! Tila'y mabangis na parusa ang binigay sa akin.

Sa kabila ng aking pagsisikap na magbigay ng lunas at kaginhawaan, ang kanyang kalagayan ay patuloy lamang lumala. Ang bawat alon ng kalungkutan ay sinusugpo ng aming pagmamahalan at pananampalataya. Sa bawat pagpilit ko na labanan ang alon ng kahirapan, siya ay tuluyan ng lumisan.

Sa bawat hakbang na aming tinatahak, ang kanyang mga pangaral ay patuloy na nagbibigay ng gabay at inspirasyon.  Ang kanyang alaala ay mananatili sa aking puso't isipan, patuloy na nagbibigay ng lakas at determinasyon sa bawat hakbang ng aking buhay. Patuloy kong aabutin ang aking pangarap at kahit litrato mo na lang ang aming kapiling.

Shailyn Mae B. Longyapon- FILI 110
Sa buhay ay ibat iba ang mga nangyayari may mga pangyayari na nagbibigay sa atin ng aral na nakakatulong sa  mga sarili upang mapagaan ang mga nararamdaman. Maraming mahalaga ang nangyayari sa aking buhay na mabuti at yun ang magkaroon ako ng magulang na katulad ngayon ng mama at papa ko. Sila ang binigay sa akin ng panginoon na hindi masusuklian ng kahit sino. Kahit saan man ako magpunta sila ay ipagmamalaki ko, sila ang magulang na gagawin ang lahat para sa kanilang mahal sa buhay.

Ngunit hindi lahat ng panahon ay parati tayong masaya, minsan hindi natin alam kung kailan darating ang mga pagsubok sa ating buhay. Isang pangyayari ang hindi ko malilimutan ang biglang pangpanaw ng aking mahal na Lolo.  Pastor ang Lolo ko at sa panahon na iyon ang nagsisimba kami, habang siyay nagsasalita sa harapan ito ay natumba dahilan ng pagkawala ng kanyang hininga. Sakit at hirap ang nararamdaman hindi namin akalain na ganun ang mangyayari dahil ito ay bata pa at wala kaming alam kung ano ang dahilan kung bakit ganun na lang ang nangyari sa kanya. Masakit man na mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung ang isanv tong nawala ay nagbigay sayo ng simbolo para mabuhay sa mundo. Matapos man ang libing ng aking Lolo ito ay naging masakit parin sa akin kahit na matagal na ang panahon ng kanyang pagkawala  itoy magiging buhay pa rin sa aking pananaw dahil sa kanyang kabutihan.

Ngayon kapag mayroon okasyon ay parang walang pakialamanan wala ng sigla kagaya noon. Dati paman ay kapag may kaarawan sa kanyang mga apo siya ay palaging pumupunta kaya nakasanayan na namin ngunit sa kasamaang palad nawala siya at dahil doon ay nawalan narin ng saysay ang mga araw na importante sa akin ngunit gayunpaman naniniwala ako na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan. Hindi tayo ang may hawak ng ating buhay, minsan sinusubok tayo ng panahon kung hanggang saan natin kaya harapin at labanan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Ang bawat pangyayari sa aking buhay ay ang nag bigay ng mga aral na hanggang ngayon ay dala dala ko at ito’y nag bigay sa akin ng lakas para magpatuloy sa takbo ng buhay.

KIMBERLY P. ASIO BSED FIL-3B FILI110
KEM

Tatlong magkakaibigan na palaging nagtutulungan, sa pag-aaral man o sa personal na buhay. Kimberly , Eden, at Mariel yan ang pagpapakahulugan sa aking ginawang pamagat. Nagplano at nilagyan ng kulay. Pumunta kami sa GREGORIO-DITA WHITE SAND BEACH RESORT na matatagpuan sa Mati, Davao Oriental. Para sa akin, isa ito sa pangyayaring hindi ko malilimutan. Kasama ko ang dalawang taong tinuturing kong mga kapatid. Nagsaya at nagkaroon kami ng oras sa isa't isa, matagal na rin kaming hindi nagsama ng ganito nagkikita kami sa paaralan ngunit hindi kami masyadong nag uusap tungkol sa pangyayari sa aming buhay. Sa araw na ito, napakasaya ko dahil marami kaming napag usapan. Masasabi ko na silang dalawa ang aking kaagapay sa lahat sila ang aking kakampi, tagapayo, at karamay sa lahat ng bagay. Itong araw na ito ang kauna-unahang gala naming tatlo na magkasama, hinding hindi ko ito makakalimutan nagsaya, tumawa, kumain, at nagkwentuhan hanggang inabot ng takipsilim. Ang aking saya kapag kasama ko sila ay naiiba. Napakasaya ng aking puso sa araw na ito na para bang sasabog ito. Sa buhay, masasabi kong may mga tao talagang darating at magkakaroon ng ito ng halaga sa atin. Inaamin kong merong mga bagay na hindi kami magkakasundo ngunit mangingibabaw parin ang aming pagmamahal sa isa't isa.

DARLENE M. AGUDO BSED FIL-3B FILI110
"Pamilya "

Pamilya ang siyang masasabi kong  pinakamasayang pangyayari sa aking buhay na hindi ko kailanman malilimutan. Pamilyang masaya, malungkot at magkasamang hinarap ang mga problemang dumarating. Maraming mga bagay ang nagbabago ngunit ang pamilya lamang ang siyang kasama mo sa hirap at ginhawa.

Bilang isang anak masaya akong nakikita ko ang aking pamilya na masaya at buo, minsan man ay hindi magkasama sa loob ng tahanan ngunit alam kong darating din ang araw na kaming lahat ay magkikita-kita.

Sa larawang aking pinakita ay iyan ang araw na kaming lahat ay magkasamang naligo sa dagat, sa araw na iyan ay naramdaman ko ang pagmamahalan ng aming pamilya. Hindi namin iniisip ang mga problemang aming kinakaharap dahil mas inisip namin na maging masaya ang araw na kaming lahat ay nagkikita-kita.

Sa araw na iyan ay naisip ko na hindi ako maging masaya sa buong buhay ko kung hindi kompleto ang aking pamilya. Hindi ko man maikakaila na minsan may mga bagay na hindi napagkasunduan ngunit dahil sa mas mahalaga ang pamilya kaysa sa sariling pag-iisip lamang ay mas pinili naming intindihin ang bawat isa.

Mga ala-ala na hindi malilimutan iyon ay ang mga ala-alang kasama ang aking pamilya.

Mary Joy O. Saygad BSED FIL 3B -FILI 110
ANG PANGUNGULILA NG ISANG ANAK

Taong Setyembre 23, 2020 ang namatay ang aking ina. Sa panahong iyon sobrang sakit ng aking dinanas para bang sasabay na lang ako sa pagkamatay niya. Bawat araw, gabi na nilalamay ang aking ina, lagi ko nalang siya nakikita kahit saan man ako tumingin at naamoy ko ang kaniyang amoy noong siya ay nagkasakit pa lamang dahil siguro sa sobrang lungkot ko na kaya ganito ang resulta, at siguro sa matagal kaming nagsama kasi ako yung nag-aalaga simula noong nagkasakit siya kaya ganito ako.                                             Dumating ang araw na huling gabi na lamang siya sa aming bahay at hinatid na namin siya sa simbahan para sa kaniyang huling hantongan, yong oras na iyon parang hindi ko kayang pumasok sa simbaham kaya nakikiusap ang aking mga kapatid at mga tao na pumasok na ako sa simbahan dahil sisimulan na ito para sa huling pamamaalam. Hanggang sa umuwi na kami sa bahay iyak ng iyak pa rin ako at doon na nagsimula ang aking pag-iisa sa buhay at parang nawawala na ang lahat sa akin.

Sa araw ng aming Senior High na Pictorial/Graduation akala ko pinakamasaya ito na nangyari sa aking buhay iyon pala ay hindi kasi sa araw na ito wala na ang aking ina na siya sana ang sumasabay sa akin sa paaralan pero wala. Pero sa araw na iyon nilakasan ko ang aking loob para dito dahil natatandaan ko pa nong sinabi ng aking ina, dapat kung may okasyon raw sana maging masaya ako kasi hindi lahat ng pagkakataon raw na makakasama ko siya, habang naiisip ko ang mga sinabi niya sa akin ay hindi ko mapigilan na mangiyak ngiyak sa harap ng aking mga kaklase. Kaya sa araw na iyon pinipilit ko na lamang maging masaya kahit sobrang sakit na sa aking puso. Masaya naman ako na may halong lungkot dahil nalagpasan ko ang mga dinanas ko sa aking buhay at nakapagtapos ako nito sa pamamagitan ng gabay at pagsusumikap ng aking ina noong siya ay buhay pa.

Simula nang nawala ang aking ina dito na nagsimula ang hindi na pagiging masaya puro na lamang lungkot ang aking naranasan. Dumating ng araw na napakahalaga sana sa akin pero ang lahat pala ay mawawala. Ito yong araw na nagdiriwang ako ng ika-18 kaarawan o tatawagin nating debu. Naiisip ko naman na sana nandito pa lamang ang aking ina sobrang saya ko sa ngayon dahil kompleto kami sa araw ng pagdiriwang ng aking kaarawan.  Kapag talaga mayroong ganitong okasyon maguguho talaga ang aking mundo dahil nga sa mga hindi magandang nangyari sa aking buhay. Pero hindi ko inaasahan na magkakaroon ng pagdiriwang sa araw na iyon kasi wala namang nagpaparamdam sa akin, iyon pala ay may surpresang nagaganap, dahil sinorpresa ako ng aking mga kapatid, kamag-anak at mga kaibigan.

Kaya nagpapasalamat ako sa lahat at sa Panginoon sa araw na iyon kasi mayroon pang mga tao ang dinadamayan ako sa lahat at pinaparamdam pa nila sa akin na hindi lamang ako nag-iisa.

EDEN ROSE C. MAGKIDONG FILI 110 BSED FIL- 3B
OH, NOBYEMBRE! BAKIT HUMANTONG SA GANITO?

Masaya, nagtatawanan, nagkukwentohan, kumakain at nagtitripan ang bawat isa. Hindi kami mayaman, subalit masaya ang bawat isa kapag kaming lahat ay magkasama. Hindi man sa lahat ng pagkakataon masaya subalit kasabay naman nito ang ay ang labis na kalungkutan.

Buwan ng Nobyembre, ika-2 taong 2023. Masaya at nagkakaisa upang magdiwang ng araw ng kagitingan. nagkasiyahan, subalit kapalit pala nito ang labis na kalungkutan. Kalungkutan na walang sinuman ang makapagbibigay ng kasagutan kundi ang Maykapal.

Aking kapatid na lalaki ay humantong sa hindi inaasahanang pangyayari at muntik ng mamatay habang nagmamaneho ng motor. Mahirap isipin na iyon na pala ang araw ng aming paghihirap. ako ay lumiban sa klase upang bantayan at alagaan ang aking kapatid. lumipas ang ilang buwan, ang pangyayari pala na iyon ang magiging rason sa aming pagkalugmok. Pera, kasiyahan, mga importanteng kaganapan ay hindi na nabibigyan ng pansin. Kalungkutan, luha, at pagkabahala ang aming nararamdan at maging ako ay mas apektado. Bakit parang may mali? Unti- unti kaming nanghihina at nawawalan ng gana sa mga bagay dahil sa bigat na aming nadarama. 2OO,000 mahirap hanapin at pagkakakitaan, subalit pinilit namin na hindi sumabay sa agos ng kalungkutan at kahirapan. Lahat kami ay nagsakripisyo, sa aking pag-aaral at sa ibang bagay. Masakit isipin, nakakasakit ng damdamin, hindi makatulog at hindi mapakali habang aking magulang ay nagtitiis.

Alam ng lahat na ang mga bagay na dumadating ay parte ng buhay ng bawat isa saatin, pilitin man nating ilihis lalapit at darating din.

Hangad namin lahat ang mabuting kalusugan at marisolba ang mga problema at sakit na aming pilit nilalabanan ngayon. Buhay na kay sakit isipin na mahirap ang lahat na pasan ng magulang natin. Hindi ko masasabi na simula noong nobyembre ay naging masaya ako, dahil hanggang ngayon pasan ko/namin ang hirap hanggang ngayon. Ang hirap na sana hindi humantong sa ganito. Hanggang ngayon mapapa-iyak ako sa sitwasyon namin ngayon. Subalit, lahat ng unos at hamon ay pilit ko at namin ng pamilya ko na labanan ito.

Kaya ko! Kaya namin ito! Makakaraos at malalagpasan namin ito.

Janna Joy A. Roldan Kung pwede lang sana
Pwede bang humiling na ang aking kapatid ay muli kong makapiling?

Sa buhay, minsan binabato tayo ng mga hamon at problema na humuhubog ng ating sariling kakayanan at katapangan. Kasabay ng pagsubok na iyon ay ang mga di malilimutang karanasan.  Kung may pagkakataon sana na bumisita sa langit, sana ay matagal ko ng nagawa. Kung may pagkakataon sana na pwedeng makipag-palit ang isang taong nasa lupa sa isang taong nasa langit, siguro nagawa ko na sana. Sa aking murang edad pa lamang, namulat na ang aking mga mata sa mga problema; mula sa kakulangang pinansiyal, iba’t ibang pasanin, sakit, gutom at hanggang sa pagdidildil ng asin upang maibsan lamang ang sikmura. Ngunit, sa kabila ng mga ito nanatiling matatag ako at ang aking pamilya. Ako ay isang mandaya, ako ay mayroong simpleng pamilya, matatag sa kabila ng mga problema ngunit, hindi sa lahat ng pagkakataon. Lalong-lalo na nang mawala ang aking nakababatang lalaking kapatid, para akong nilamon ng lupa, gumuho ang aking mundo, sakit, galit at lungkot ang aking nararamdaman sa mga panahong iyon. Marahil hindi kapanipaniwala na ang sanhi ng pagkamatay ng aking kapatid ay ang mga duwende, ngunit ito ang siyang tunay.

Oktubre 16 taong 2016 gabi ng bumili ng bigas ang aking pinsan at sinama niya ang aking kapatid. Pagdating sa tindahan, pinagsabihan siya ng tindera na umuwi muna upang kunin ang boteng pinagbilhan niya ng coke. Dahil sa takot at masunurin ang aking kapatid umuwi siya upang kunin ang bote, wala siyang dalang ilaw at ang aming bahay ay nasa maliblib na lugar na kung saan napapalibutan ng mga puno. Pagdating niya sa bahay hiningi niya ang bote at  nagmamadali. Nang makauwi na sila ng bahay, bitbit ng kapatid ko ang isang cheese ball agad siyang pumasok sa loob ng aming kuwarto, hindi siya mapakali, at takot na takot, sinasabi niyang may sumusunod sa kaniya, tinatakot siya at ang kaniyang ngipin ay unti-unti ng nalalagas. Pinuntahan ng papa ko ang lolo naming nagseserbisyo sa simbahan upang alayan ng dasal ang aking kapatid. Pagsikat ng araw dinala ng mga magulang ko ang aking kapatid sa hospital ngunit, ang sabi ng doktor hindi nila makita ang dahilan ng pagkalagas ng ngipin at parang may kakaiba talagang nangyayari sa aking kapatid. Kaya napagdesisyunan ng mga magulang ko na dalhin siya sa isa pinakamagaling na manggagamot. Sinabi ng manggagamot na sinampal at gustong isama ng mga duwende ang aking kapatid. Nagbigay siya ng mga gamot at pangontra laban sa mga duwende dahil kahit paman sa biyahe ay sumasama sila. Ang buong akala namin ay gagaling na ang aming kapatid, ngunit ng makalipas ang ilang araw, Oktubre 18, 2016 gabi ng pumanaw ang aking kapatid.

Sobrang sakit at hindi namin alam ang aming gagawin dahil walong taong gulang palamang siya, nasa ikalawang baitang, matalino, mabait, responsable at marami pang gustong maabot sa buhay.

Wala kaming magawa, kundi tanggapin kahit napakahirap. Maraming pagsubok na kaming napagdaanan at pagdadaanan pa. Walang makakapantay sa sakit na naramdaman ko bilang isang ate, kaya palagi kong sinasabi na kung pwede lang sanang magpalit kami ng katayuan ng aking kapatid, hinding-hindi ako magdadalawang isip dahil kahit kailan ma’y hindi niya naranasan ang mga masasayang gawain ng isang bata rito sa mundo. Hindi tulad ko na kahit papaano ay marami na akong naranasan, gusto kong maramdaman niya ang mabuhay na kasama ang pamilya. Ngunit, hanggang doon nalamang siguro ang pahina ng kaniyang buhay, wala kaming magagawa kundi umiyak at manghinayang. Marami ako napagtanto sa buhay, na kahit anong pagsubok man ang dumating kailangan handa tayong harapin at magpatuloy, dahil walang permamente sa mundo. Hanggang ngayon, hindi ko masasabing kompleto ang aking pamilya dahil nariyan parin ang bahid ng sakit sa aming puso, lalong-lalo na ngayon na magtatapos na sana siya ng junior high. Ngunit, magpapatuloy parin ako sa buhay dahil sa bawat problema na iyon ay may natututunan ako, at dahil sa huli hindi ibang tao ang may hawak ng ating bukas kundi ang nasa itaas.

RHINE C. BALTAZAR BSED FIL3-B

Pangalan: Sherlyn Villahermosa. Seksyon: BSEDFIL-3B
Bakit ba nagkakaroon ng broken family? Nagloko yung tatay nagloko yung nanay? Hindi nagkaintindihan,may problema sa pera? Maraming dahilan kung bakit nasisira ang isang pamilya. Marami din na kabataan na naaapektuhan dahil sa kakaisip kung bakit wala syang nanay o tatay. Ano ang nangyari ? Bakit nawala ang dating saya ng pamilya ?

Sa tuwing naririg ko ang mga salitang “Broken Family “ nararamdamamn ko ang kanilang lungkot at may halong pagkaawa dahil mula noong ako’y bata pa hindi ko ito naransan. Masaya at simpleng pamilya ako namulat . Sa kakaunting pagkain kami ay nagsalo-salong  kumakain sa hapag kainan at kompleto. Apat kaming makakapatid na binubuhay bg kompleting pamiya . Napupunan ng pangangailangan at pagmamahal na kinakailangan namin. Nasanay sa piling ng dalawang magulang na nagmamahalan . Naiisip na kahit mahirap ang buhay ay masaya kami ngunit bakit ganito ? Sa paglipas ng panahon ay unit-unting nagbabago.

Ang pangyayaring ito ay hindi tipikal ng paghihiwalay ng magulang . Kung ang iba ay sa murang edad ay naiwan na kaya’t hindi nila masyadong nararamdaman ang kirot at puro palaisipan kung bakit sila naiwan . Ako ang nakakatandang kapatid kaya pasanin ko ang lahat ng pagkukulang nila . Sa buwan ng Abril taong 2024 opisyal ng naghiwalay ang aking mga magulang . Gulat-gulat at hindi makapaniwala ang aking sarili . Nasasagip sa isip paano kaming mga anak? Malalaki na kami, kami ba ay iiwan at hahayaan na lamang mabuhay? . Ang masakit pa ay nagkaroon agad ng panibagong pag-ibig ang isa sa kanila.  Kaya’t bilang anak talagang hindi natin ito matatanggap . Ang dating luha ay napapalitan ng luha , masayahing Ako ay unti-unting nawala dahil sa pighati at sakit na nadarama.

Gabi-gabi iniisip at umiiyak sa  nangyayari sa buhay . Batid naming may pagkukulang ngunit bakit ganito kabilis . Hindi namin gusto magkaroon ng bagong pamilya. Dahil dito sobrang laki Ang epekto mula sa utak , pag-uugali at kakayahan. Maituturing na isa itong  heartbreak na hinding hindi gagaling o hindi mo makakalimutan sa buong buhay mo. Naaapektuhan yung pagaaral mo kakaisip kung bakit kayo iniwan, pati teacher mo magtataka na bakit ang baba ng nagiging grades mo, bakit hindi ka na ganon ka active sa school na kahit yung mga kaibigan mo pinoproblema na yung problema mo kasi nga sobrang bigat na ng dinadala mo. Naapektuhan din yung ibang tao dahil nakikita nila sa mata mo kung gaano kalungkot yang mga mata mo.

Ang paghihiwalayan na ito ang mga anak ang nagdurusa . Nakaramdam ng pagkaawa sa mga sarili at pagkahiya sa ibang tao. Gayunpaman , hindi namin maibabalik ang dating kasiyahan at pamilyang nabiyak na.

RHINE C. BALTAZAR BSED FIL3-B

Marundan, Winnie Jean Q.

DAHILAN
Bakit mahirap ibigay ang aking nais? yung tipong pangarap ko simula bata pa ako ay hindi lang man mabigay o maiparanas sa akin. Meron bang kulang? Merong ba akong kasalanan nagawa? O meron ba mali sa akin.

Maganda ang buhay kapag buo ang iyong nais, yung hindi pinagkait ang iyong gusto simula nung panahon na iyan ang hiling. Kunusta kaya ang batang iyon? Kinaya ba niya ang lahat ng bigat ng panahon, sanay naging okay ang lahat ng oras. Ano kaya ang dahilan kung bakit ito ang nangyari. Tadhana ba ito o merong

dahilan sa bawat yugto ng aking hinanakit bilang isang anak ng dahilan. Ito ba talaga ang para sa akin? O naging dahilan lang ako upang mawasak ang kanilang

buhay? Masakit isip kapag ako ang dahilan kung bakit nasira ang kanilang buhay. Pero wala akong alam sa lahat, hindi ko kontrolado bawat pangyayari habang ako

ay ginawa pa ng panginoon. Ang alam ko, kung bakit ako narito dahil merong dahilan. Ang tanong, Okay lang ba ako? Naging palaban ba ako? Pero kailangan kung lumaban sa lahat ng panahon. Oo, mabigat ang aking dinadala ngayon, hindi ko maipaliwanag bawat pintig ng aking puso sa bawat sigundo na nagaganap sa aking buhay. Ika nga nila "lahat ng hamon ay may dahilan." “Ang hamon ang magsilbing kalaban mo upang maging matatag ang isang tao” Matatag nga ba ako? Pero lumalaban ako sa bawat oras ng aking buhay, para sa aking pamilya.

Meron akong siya na naging lakas sa araw-araw kasama ko sa lahat ng hamon, nakakalungkot lang dahil alam kung hindi siya magtatagal sa mundo, pero iniisip ko na tatagal siya dahil alam kung merong dahilan ang lahat at siya ang naging dahilan

ko. Meron akong ina na hindi pinagkait sa akin ang pagmamahal, kaht hindi ako sa kanya lumabas. merong dahilan ang lahat kung bakit siya ang naging ina ko. May dahilan kung bakit hindi buo ang aking pamilya, kung bakit malungkot ang buhay ko, pero masaya ang puso ko dahil meron akong pamilya na naging ina at ama sa panahon na aking gusto.  Ngayon, kumusta na kaya ako? Sagot ko, hindi sa lahat ng panahon naging okay ako dahil hinanap ko parin yung aking nais, pero inisip ko na lang “ bakit ko yun

dinadala kung ayaw ibigay.”hindi pa sa binigay sa aking ng panginoon kaya okay  na ako. May dahilan ang laban kung bakit nasa ganitong buhay ako. Nilagay ako  dito, dahil merong dahilan ang lahat. Oo, lahat ng pangyayari ay may dahilan.

Aking tinapos ang dahilan sa aking buhay, lumalaban sa panahon na kailangang merong tatayo upang maging matatag. Merong pundasyon sa bawat buhay natin. Inisip ko nalang kaya ako nilagay sa ganitong sitwasyon dahil merong plano ang

panginoon sa akin, oo malungkot ang aking umpisa pero alam ko sa huli ngiti ko at ng aking naging pamilya ang aking msilayan bago ako mawala sa mundong ito.

Ailyn Magbutong Baug BSED-FIL3B
'' Pangarap sa Pamilya''

Bakit kaya kailangan muna natin maranasan ang lahat ng pagod sakit bago maging matagumpay sa buhay?

Ako si Ailyn Magbutong Baug, pang pito sa aming magkakapatid kami ay mahirap na naninirahan sa bukid, ang trabaho ng aking magulang ay ang pagsasaka doon ako lumaki, naranasan kong paano mamuhay sa bukid, noon kasi sobrang hirap wala pa kami ng sariling tirahan hindi katulad ngayon, kaya na isipan ng aking magulang na mag - aral ako sa probinsya  bilang working, dahil wala silang pantustos sa akin, ako ay isang mabuting anak sa aking mga magulang at mapagmahal sa aking mga kapatid.

Nagsimula Ang paglalakbay ko sa buhay noong ako'y dinala ng aking ama sa aking aunte upang mag-aral bilang working student, doon ko naranasan lahat ng pagod, sakit ang malayo sa pamilya marami akong pangarap sa buhay upang makamit ito gusto kong makatulong sa pamilya. Sa dalawang taon ko  bilang working student, nararamdaman ko lahat ng sakit dahil malayo ang aking mga magulang at  walang malalapitan   napakahirap sa lahat.

Paglipas ng ilan taon  ako ay nakapagtapos ng high school, at nagpatuloy rin ako sa aking pag-aaral kahit na mahirap ang buhay hindi gaanong  matalino sa ngunit ako ay  nagpupursige, at may tiwala sa sariling kakayahang dahil marami akong gustong patunayan sa ibang tao na kung kaya nila ay kaya ko rin maabot ang aking pangarap sa buhay. Upang makatulong sa aking pamilya na nagpapa-aral sa akin kaya't patutunayan ko na balang araw maabot lahat ng pangarap dalangin sa Panginoon na malagpasan ko lahat ng aking paghihirap at alam kong hindi niya ako pababayaan.

Kaya ngayon na nasa 3rd year college na ako sisikapin ko lahat para kay MAMA AT PAPA na makapasa at maka graduate at para din sa aking mga kapatid sa pangarap nila  na  makapagtapos ng pag-aaral kahit na mahirap ang buhay lalong pagpupursige,  kahit gaano pa kahirap ang buhay, hangga't kaγα ko  ay magpapatuloy  ako, at hinding hindi susuko kahit madapa man ako ay babangon muli dahil gusto ko maging isang guro sa hinaharap o kaya magkaroon ng trabaho para hindi na namin maranasan pa ang paghihirap sa buhay.

Maraming Salamat Bb. 🫶❤️ At Magandang hapon po. 😊

EUDILLA, ANGELINE A.
KAPATID

May mga bagay o pangyayari na hindi natin makakalimutan sa ating buhay, malungkot man ito o masaya, lalong lalo na kapag ito’y tungkol sa pamilya. Hindi pa ako naisilang sa panahong iyon, pero nakikita ko ang sakit sa mga mata ng aking ina habang ikinuwento  ang panyayari sa aming pamilya noon.

Masakit mawalan ng mahal sa buhay, masakit mawalan ng lalakeng kapatid, dahil sa pangyayari iyon hindi na nagiging masaya ang pamilya namin noon, araw-araw umiiyak aking ina, walang ganang kumain, ang aking ama ay araw-araw nag iinom at uuwing lasing, at halos araw-araw nagtatalo ang aking ama at ina sa kadahilanang hindi nila matanggap ang pagkawalay ng anak. Sayang junior pa naman iyon, gwapo, matangos ang ilong at maputi manang-mana sa aking ina kapag nakakita siya ng mga batang lalake ay mapapaiyak nalang siya dahil sa lungkot, parang pinipiga ang kaniyang puso, hanggang sa nagkasakit narin ang aking ina na hindi parin nawawala hanggang ngayon. Lumipas ang limang buwan na unti-unti ng natatanggap ng aking ina ang pangyayari, at buntis ulit si ina, subra ang kaniyang tuwa dahil binigyan ulit siya ng panibagong regalo ng panginoon. Laking  tuwa ng aking ina at ama. Matapos ang siyam na buwan ay isinilang ang batang lalake na nagngagalang Angie, napaiyak si ina dahil kamukhang kamukha niya ang isang anak ni mama na namatay . Nang dumating si kuya Angie sa kanilang buhay, mas lalong inalagaan at iningatan ng maayos ni ina. Hanggang sa tatlo na ang naging anak ni ina at isa na ako doon grabe ang pag-aalaga at pagmamahal na ibinigay ng aking ina at ama sa aming tatlo.

Ito ang aking karanasan na hindi ko malilimutan, araw-araw akong napaisip siguro pag buhay pa ang aming nakakatandang kapatid magiging masaya at kompleto kaming pamilya, pero ganyan talaga ang buhay, kailangan nating tanggapin ang pagsubok na dumarating sa atin, kailangan nating  magpakatatag at harapin kung ano man ang hamon ang darating sa ating buhay. Dahil sa mahirap na pagsubok, susuklian naman ito ng magandang kinabukasan.

Arian C. Umbokan BSED FIL-3B FILI110
“Aking Anghel na si Nathaniel”

Mayroon talagang mga bagay na hindi mo inaasahan, masakit man ito, masaya, malungkot o mapait. Sa ika-21 na taon ko dito sa mundo ay mas marami pa pala akong mga mararanasan sa buhay na hindi ko inaasahan na mangyayari. Ipinanganak ako ng aking Ina na may takot sa diyos, mabait, matulungin ngunit ang hindi ko lang gusto ay ang sinusunod ko ang aking puso kaysa sa aking utak. At dahil doon marami akong mga sana at mga pinagsisihan.

Isa na akong Ina sa mag-tatatlong taon na batang nagngangalang Samantha. Dahil sa pagsunod ko sa aking puso ay may nabuo na. Noong tatlong buwan pa lamang si Samantha ay nasundan agad siya ng kapatid. Napakahirap dahil habang ako ay nagbubuntis ay patuloy parin sa pag-aaral, pag-aalaga sa aking panganay at naglilinis sa bahay. Dahil sa bata pa nga nag-asawa ay may mga away talaga na lagi o minsan na nangyayari sa iyong kinakasama, hindi iyon maiiwasan lalo pa at hindi pa sulit ang pagkabinata at dalaga. At sa mga away na iyon ay iyon na pala ang napakasakit at hindi ko malilimutang mangyayari pala sa buhay ko. Yung inaakala kong sa teleserye lang ito mapapanood pero sa akin pala mangyayari. Naipanganak ko si Nathaniel na anim na buwan pa lamang siya sa tiyan ko, akala ko mawawala na siya dahil sabi ng doktor na hindi na daw dapat pa kaming umasa na buhay pa kasi kulang pa ito sa buwan, ngunit paglabas niya sa aking sinapupunan ay may narinig akong iyak, buhay siya. ICU, wala dito sa Mati, sa Probinsya ng Davao oriental kaya pinailawan lang siya ng kulay dilaw na ilaw upang mainitan. Ang isa pa ay Tubo ang solusyon ng mga doctor dito sa Mati kaya wala kang mapagpipilian at mapipilitan kang pomerma sa kontrata. Hindi sana ako papayag ngunit ang kinakasama ko ang nagdesisyon dahil akala niya matutulungan at maaagapan pa ng tubo ang anak namin. Sa paglipas ng araw ay binantayan namin si Nathaniel, ngunit hindi ako makapagbantay dahil hindi ko kayang nakikita siyang naghihirap dahil sa tubo na nakakabit sa kanya, gusto niyang umiyak ngunit di siya makaiyak dahil may tubong naka-bara sa kaniyang bibig, bumubuka pa ang kaniyang mga mata kaya kinakausap ko siya kasi alam kong naririnig niya ang boses ko at ang napakasakit sa akin ay nakikita ko siyang nahihirapan sa sitwasyon niya. Naisip ko na wala pa nga siyang siyam na buwan pero nakakaranas na siya ng mga sakit dito sa mundo na sa tingin ko na ang gusto niya lang naman ay mabuhay at ang napakapait at napakasakit pa ay yong nawala na talaga si Nathaniel. Hindi na Nakaya ng kaniyang katawan ang mga sakit at hirap na naramdaman niya dahil oras-oras din siyang tinuturukan ng karayom at tinanggap ko nalang iyon na tumititig sa kaniya habang nagdurugo at wala ng hininga.

Sa paglipas ng taon ay natanggap ko rin naman ang pagkawala ng nag-iisa sanang lalaki sa aming pamilya, hindi talaga siguro tinadhana sa amin na magkaroon ng lalaki. Sa kasalukuyan ay nagpatuloy parin ako sa takbo ng aking buhay, hindi ako nawalan ng pag-asa na matupad ang aking mga pangarap dahil nawalan man ako ay may nanatili parin. Dahil sa aking anak na si Samantha, ang panganay ko ay hindi ko kinalimutan na maging matatag at maging malakas para sa kaniya. Kaya patuloy akong lumalaban.

Bacus, Marriel
Masaya magkaroon ng ama na tila’y mga anak tinuturing prinsesa. Anak nila ay minamahal ng lubos , sinusuportahan, ibinibigay ang gusto. Napakaswerte ng ibang anak na kahit papaano naranasan nila ang ganung pakiramdam ng pagmamahal ng isang ama. Ang mundo ay napakadaya sapagkat, hindi ako nabibiyaan ng ganun kabuting ama. Anong magagawa ng isang tulad ko? Kahit bilog-bilogin man ang mundo ay ama ko pa rin ang aking ama at ako’y isang anak lamang. Ibabalik ko ang mga karanasan talagang walang masasayahan, karanasang di ko malimot-limot at baon ko pa rin sa kasalukuyan.                                                    Nakakadismaya bilang isang anak yung tipo ama mo mismo ang mananakit. Sa di ko malimutang mga gunita noong dumating ang aking ama galing sa trabaho, nakikita ko siya sa malayo ang bilis maglakad papunta sa amin. Nang malapit na siya ay may kakaiba akong napansin, ang kanyang mga mata ay mapupula at nanlilisik ito na tila galit na galit na may dalang gulok. Habang kami ng pamilya ko ay nag-uusap sa aming mga kaibigan, napansin namin na ang aking ama ay papunta na ng mabilis sa amin. Muntikan na kaming patayin gamit ang gulok. Sa awa ng panginoon nakatakbo ako sa palayan ang iba nakapasok sa kanilang mga bahay. Labis ang takot na aking nararamdaman. Mabuti na lamang naudlot ang kasamaan ng aking ama dahil may sundalong dumating sa amin. Sa mga panahong iyon, ninanais ko na lamang na sana wala na lang akong ama, Alam kong mali aking mga nasabi ngunit dulot ng mga takot ay hindi ko maiwasan sabihin iyon. Hindi lamang isa ang kasalanan ng aking ama kundi niluko din niya kami. Kami ng ina ko ang nag-aalaga sa kanyang hayop araw-araw ngunit isang araw nalaman na lang namin na ibininta na ng ama ko ang hayop. Labis kami nasaktan ng ina ko subalit wala na kaming magawa. Kahit isang kusing ay hindi kami biniyayaan.

Sa mga pagsubok na naransan, nagdasal kami at ipinaubaya na lamang namin ito sa panginoon. Isang gabi, bigla namin nalaman na nadisgrasya ang aking ama. Lahat ng salapi na kanyang inimbak sa sarili ay naubos sa kanyang burol.

LABAN NG PAGIGING ISANG INA
CASANAAN, HANANI B. BSED FIL3B

Salha S. Tambuco BSED FIL3B FILI 110
TAGUMPAY

Paano nga ba natin makakamtan ang tagumpay? Madali nga lang ba ito? o dadan ka pa sa butas ng karayom upang ito'y makamit mo?. Para sa akin, ang lahat ng laban at tagumapay sa buhay na naipanalo ay hindi madali at tiyak na paghihirapan mo. Sa likod ng lahat ng pagod, tiyaga at paghihinayang kapalit nito'y tagumpay na hindi masusuklian ng kahit ano man.

Bilang isang binibining lumaki sa napakagandang relihiyong Islam ay dala-dala ko ang bigat ng responsibilidad at pagkamit ng tagumpay. Hindi lamang tagumpay sa mundo ang aking pinagsisikapan pati na rin ang tagumpay sa pangalawang buhay. Tunay ngang hindi madali ang pakikipagsapalaran sa mundong aking ginagalawan. Kinakailangang sumabay sa agos ng mundo upang balang araw makatulong sa mga magulang at makamit ang tagumpay rito. Ngunit nangunguna pa rin ang pagkamit ko sa totong panalo. Panalong hindi madaling pagtagumpayan ngunit kapag ikaw ay nanalig tiyak na  tagumpay ay makakamit. Ang larawan na aking ibinahagi ay nagsisilbing larawan ng tagumpay sa aking buhay at sa pangalawang buhay. Sa araw na iyan hindi masusukat ang saya at pasasalamat dahil sa wakas nakamtan ko rin ang tamis ng panalong aking ipinaglaban. Sa mga araw na walang pahinga, sa mga tiyaga na aking inilaan at sa mga pagsubok na aking nalampasam. Lahat ito'y naglaho at napalitan ng sayang walang kapantay. Hindi lamang sarili ko ang masaya sa araw na iyan kundi ang aking mga magulang na walang hangad kundi ang aming tagumpay sa buhay. Kahit na ako ay nakikipagsapalaran sa mundong ito nananatili pa rin ang aking pagsisikap at responsibilad na makuha ang totoong tagumpay ko. Sa bawat tagumpay na aking makakamtan ay bumubukas ang pinto sa tagumpay na naghihintay. Alam kung malayo pa ako ngunit patuloy pa rin akong mangangarap, magsusimikap na abutin ang mga panalo at tunay na tagumpay na nakalaan sa buhay ko.

Mariel S. Cañabano BSED-FIL3B
Ngiping Purwesyo

"Isang ngipin na masakit buong katawan lumalangitngit"

Mas gugustuhin ko pa na lagnatin wag lang sumakit ang aking ngipin. Hindi biro ang magkaroon na masakit na ngipin. Maliit na piraso lamang ngunit damay buong katawan. Kapag sumakit ang ngipin, hindi makakain, hindi makatulog, at ang sungit. Kasi ang biggest nerve sa ulo natin ay galing sa ngipin, ito ang nerve number 5, the biggest nerve of the 12 cranial nerves. Isang ngipin lang ang masakit buong katawan ang sumasakit. Kasi nga ang pinakamalaking ugat ay kunektado sa ngipin.

Noong ika-3 ng Mayo naramdaman ko ang kaunting pagsakit ng aking ngipin. Hindi ko agad ito ininuman ng gamot dahil kampante ako na mawawala lang ito. Naging pabaya ako sa ngipin kaya noong sabado ng gabi ika-4 ng Mayo ramdam ko ang tila pagtibok sa ilalim ng aking ngipin. Napapangiwi ako sa sakit ng dulot nito. Kaya hindi na ako nag-atubiling bumili ng gamot para sa ngipin.

Kinabukasan, naligo ako ng maaga para kahit papano ay maibsan yung sakit at pagkatapos ay kumain at uminom ng gamot. Naging maayos ang takbo ng oras at nagagawa ko ang mga gusto kong gawin na walang sumasakit. Naging kampante ulit ako na tuluyan na itong mawawala. Kaya ramdam ko ang kunting galak sa aking puso. Ngunit, pagdating ng gabi biglang sumakit na naman ang ngipin ko hindi lang isa kundi dalawang magkatabing ngipin. Nahihirapan akong makatulog dahil mas nananaig ang sakit kaysa sa aking antok. Halos ginawa ko na ang mga alternatibong paraan panglunas sa ngipin para kahit papano ay mawala ang sakit. Pero wala itong epekto nanatili parin ang sakit at mas lumala pa ito. Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha sa mga oras na iyon. Napaiyak nalang ako sa sakit na aking nararamdaman.

Ang hirap ng ganito, malayo sa ina na siyang umaalalay at gumagawa ng paraan para maibsan ang sakit. Kaya nilakasan ko ang aking loob at iniisip na mawawala din itong sakit. Paputol-putol ang aking tulog dahil ginigising ako ng sakit ng aking ngipin. Kaya kinabukasan nagpasya na akong ipapabunot ito.

Araw ng Martes pumunta kami sa malapit na dentista, ang Torres Dental Clinic sa Mati City upang ipabunot itong dalawang masakit kong ngipin. Pinangunahan ako ng takot dahil unang beses ko itong magpapabunot sa dentista. Buti nalang andyan si Eden upang samahan ako at suportahan. Pagdating namin sa clinic pinaupo muna kami saglit at lumipas ang ilang minuto ay pinapapasok na ako. Tinusukan ako ng pangpamanhid upang hindi ko maramdaman ang sakit pagbubunotin na ang ngipin. Hinayaan muna ng ilang minuto at pagkatapos ay sinimulan na itong bunutin. Napapapikit ako sa tuwing bubunotin na ito. Sa oras na iyon iniisip ko nalang na isang sakitan lang ito at hindi ko na mararamdaman ang nakakabaliw na sakit araw-araw. Nilakasan ko ang aking loob at pinilit ko na huwag maiyak. Nakahinga ako ng kunti nang mabunot na ang isang ngipin. Pagdating sa pangalawa ay tila nahihirapan ang dentista na bunutin ito. Napapamura nalang ito sa tigas ng aking ngipin. Maraming tools ang ginamit mabunot lamang ito. Pagkabunot ng panghuling ngipin para akong mahihilo. Pero nilabanan ko ito at dahan-dahang tumayo.

Yun ang karanasang hinding-hindi ko makakalimutan at babaonin ko hanggang sa aking pagtanda. Nagpapasalamat ako dahil nalagpasan ko ang isa sa aking kinatatakutan. Dahil sa pangyayaring iyon mayroon akong natutunan. Huwag nating pabayaan ang ating ngipin bagkus atin itong alagaan at mahalin. Hindi biro ang magkaroon ng masakit na ngipin kaya umiwas sa mga pagkaing nakakasira sa ating ngipin dahil sa huli tayo ang kawawa. Ngayon ko man ito natutunan hindi parin huli ang lahat para alagaan ang aking mga natirang ngipin.

Kaya ngipin ay alagaan at huwag pabayaan.