PAPEL NG MGA KABATAAN SA BAYAN NGAYON by Reghina Marie Angat

Kamusta ang mga kabataan na pag-asa ng bayan ngayon?
"Kabataan ang pag-asa ng bayan " isa ito sa nabanggit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan. Ngunit sa henerasyon ngayon, masasabi mo pa bang tayong mga kabataan ang siyang pag-asa ng ating bayan? Kung kahit saang anggulo natin tignan, parang naiimpluwensyahan na tayo ng mga makamundong kagamitan. Marami nang Kabataan ngayon na imbes na gamitin sa pag-aaral ang pera, mas binibigyan pa nila ng halaga ang importansya ng droga , Kaysa igugol ang oras sa pagsskwela. mas iginugugol pa natin ito sa pamamasyal kasama ang mga barkada. Marami naring mga kabataan ngayon na sa murang edad palang ay nagkakaroon na ng sariling pamilya.  Kung ito ang ating pagbabasehan masasabi mo pa bang ang "Kabataan ang pag-asa ng bayan" ? Magiging pag-asa lamang tayo kung mag pupursige tayo sa ating pag-aaral. Ngunit kahit mga mag-aaral ngayon ay Hindi na marunong magbigay ng importansya sa pag-aral. Mga guro na walang ginawa kundi intindihin tayo, at ipaintindi ng mabuti ang diskusyon sa ating mga kabataan, ngunit tayo mismo ay hindi pinapahalagahan ang kanilang pagod at sakripisyo. May kasabihan nga tayo na "Ang kabataan ay hindi lang basta pag-asa ng bayan, kundi dapat maasahan din ng bayan " . Ngunit tayo nga ba ay maasahan ng bayan? sa nakikita ko ngayon ay hindi.  mga estudyanteng konting ulan lang suspensyon na ng klase agad ang nasa isip. ma swerte na tayo't hindi natin dinanas ang dinanas ng mga kabataan noon, mga kabataang mga walang hiling kundi makapagtapos upang makatulong, ngunit sa dami ng sagabal o balakid ay hindi nila nagagawang makapag tapos. Subalit gumagawa parin sila ng paraan upang sila ay matuto. At isipin din natin ang sakripisyo ng ating mga magulang, dugot, pawis ang kanilang puhunan upang matustusan ang ating mga pangangailangan. Paano natin magagampanan ang " Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" kung tayo mismo ay walang ginawa kundi kalokohan. Maging ma disiplina tayo at gampanin natin ang sinabi ni Gat. Jose Rizal, upang sa huli ay hindi tayo magsisi, at isisi sa iba ang naging pagkakamali natin. May papel naman ang ibang mga kabataan ngayon gaya ng mga kabataang nakakatulong sa kanilang baryo o lugar na tinatawag nilang SK o sangguniang kabataan. Mga kabataang gustong makatulong sa kanilang kapwa kabataan. ibinibigay nila ang kanilang oras at panahon sa pagtulong. Mga kabataang walang nais kundi makatulong lamang.