Pinal na Rebisyon ng Rebyu ng Dulang Pinanood - ISO33 ROMERO, Joaquin Gabriel B. by HOY30 JOAQUIN Joaquin Gabriel B. Romero

Langhap Sarap: Ang Dula ng Korapsyon at Kahirapan - Rekomendasyon
Irerekomenda ko ang Langhap Sarap at ang Tagu-taguan sa Tambakan dahil pareho itong maganda at magaling na produksiyon at sigurado ako na pinaghirapan ito ng mga direktor at aktor. Lahat, kuwento, direksyon, pag-aarte, at ispektakulo ay sobrang ganda lalo na at kung iisipin ito ay gawa lamang ng mga mag-aaral at tinanghal ng mga guro. Parehong dula ay maaaring iugnay sa kasalukuyang panahon ng Pilipinas at nagpapakalat ng isang importanteng mensahe na kailangan nating lumaban sa korapsyon at lumaban para sa isang mahusay at pantay na gobyerno. Ako, bilang direktor ng aking grupo para sa Palig ay nagkaroon ng inspirasyon upang gumawa ng isang dula na tulad nila. Lahat ng nakita at natutuhan ko galing sa kanilang produksiyon ay sobrang nakatulong sa aming dula, at sinusubukan kong gawin ang lahat ng ginawa nila kahit ang mga maliliit na detalye na baka hindi mo makikita. Sana sa hinaharap ay mapanood ko ito ulit.

Langhap Sarap: Ang Dula ng Korapsyon at Kahirapan - Tahi
Pumunta naman tayo sa kuwento ng Langhap Sarap. Ang Langhap Sarap ay tungkol sa mga senador na nagdedebate kung ano dapat ang pinakamagandang solusyon para sa kahirapan. Marami silang naisip na panukala para rito tulad ng pagpapaunlad ng edukasyon at iba pa, ngunit sa huli ang napili ay ang ideya ni Senador Prospero na sunugin at lutuin ang mga mahihirap na bata. Sa simula, lahat ng mga senador ay sumalungat kay Prospero ngunit, dahil sa kanyang pamamaraan sa pagbibigay ng kanyang mga ideya ay nakumbinsi ang lahat ng mga senador, maliban kay Senador Domini na umalis sa pagtatapos ng dula. Ang kuwentong ito ay nagpapakita ng korapsyon ng mga politiko dito sa Pilipinas at ng kanilang hindi pagkakaunawa at kawalan ng pagpapahalaga sa ating mga mahihirap na kapatid.

Ang ikalawang dula na nakita ko pagkatapos ng Langhap Sarap ay ang Tagu-taguan sa Tambakan. Ito rin ay tungkol sa korapsyon ngunit habang nasa opisina ng gobyerno ang unang dula, nasa tambakan naman ang ikalawa. Sa dulang ito mayroong apat na bata na naglalaro ng tagu-taguan sa isang tambakan at nakakita ng isang bangkay ng “adik.” Sa pagtatapos ng dula nakita sila ng dalawang pulis at naglaro ulit ng tagu-taguan ngunit ang mga pulis ang manghuhuli. Bago maka-sampu ang sila ay binaril nila ang apat na bata.

Parehong tungkol sa korapsyon at kahirapan ang dalawang dula na ito ngunit kailangan natin tahiin ang mga ito upang maintindihan talaga natin ang mensahe. Ang Langhap Sarap at Tagu-taguan sa Tambakan ay parang ang dalawang mukha ng barya ng siklo korapsyon at kahirapan. Ang unang dula ay ang sanhi ng problema habang ang ikalawa naman ay ang bunga. Kapag nahihirapan ang isang bansa at walang kakayahan at pakialam ang kanilang mga pinuno, gumagawa sila ng mga masasamang desisyon na nakakatulong lamang sa kanila at mas pinalalala ang problema (Langhap Sarap). Kapag masama ang mga desisyon ng pamahalaan, ang mga mahihirap ay lalong-lalo nahihirapan. Naglalaro ang mga bata sa isang tambakan na puno ng mga bangkay ng mga tao hindi dapat mabuhay sa mata ng pamahalaan. Ang mga kapulisan ay nakakuha ng sobrang daming kapangyarihan na ayos lang sa kanila na patayin ang mga bata para sa pamahalaan. Ang nakakatakot na siklo na ito ay magpapatuloy at hindi titigil kung hindi natin aayusin ang problema na pinanggagalingan sa pamahalaan.

Langhap Sarap: Ang Dula ng Korapsyon at Kahirapan - Suri
Ang Langhap Sarap ay isang napakaganda at napakagaling na dula na nakita ko noong Disyembre, 2023. Ito ay isang panggagaya sa isang pagpupulong ng mga senador sa ating bansa na gawa ng mga dating mag-aaral ng AJHS na muling itinanghal ng AJHS Kagawaran ng Filipino para sa Palig-A ng mga Obra, 2023. Ipinakikita ng dulang ito ang korapsyon na nangyayari ngayon sa Pilipinas na nakaaapekto sa ating mahihirap na kabataan. Marami akong dahilan kung bakit nagustuhan ko ang dulang ito gaya ng kanyang ispektakulo, kuwento, direksyon. Iisa-isahin ko ito kaya magsimula tayo sa ispektakulo.

Maraming bagay ang tumutulong sa ispektulo ng isang dula una muna ang mga kagamitan. Ang masasabi ko dito ay, kahit hindi ganoon karangya ang mga props, ginamit nila ang mga ito nang maayos at nakatulong sa pagsasalaysay ng kuwento. Halimbawa, ang ginamit nilang saligan para sa dula ay mga pader na kulay rosas at isang poste ng bandila na may kulay gintong bandila na nagpapakita na nasa isang opisina ng gobyerno ang dulang ito. Nakatulong na maipakita ng tauhang si Senador Prospero, na ginampanan ni Ginoong Alvarez, ang kaniyang argumento ukol sa kahirapan at kung paano ito inayos, sa pamamagitan ng pagsusunog, pagbebenta, at pagkakaingin ng mga mahihirap na bata, sa paggamit ng isang tsart at karne. Ang ginamit niyang tsart ay naipakita kung gaano ka sustansya ang karne ng isang tao at pinakain niya ang karne sa mga ibang senador.

Ikalawa, ang mga kasuotan. Maganda ang piniling kasuotan para sa dulang ito dahil tradisyonal na pampolitiko ang ginamit nila tulad ng barong para sa mga lalaki at ang terno para sa mga babae. Maaari kang sabihin na mga politiko ang mga tauhan sa dula dahil lamang sa kanilang kasuotan. Isa pang dahilan ay nagtutugma ito sa mga personalidad ng mga tauhan. Halimbawa, nakasuot si Senador Estrella ng medyo hindi pormal na damit, isang makintab na relo, at nakasalamin dahil siya ay isang politiko na dating artista.

Ikatlo, ang ilaw at musika. Para sa mga ilaw, nakabukas ang mga ito sa buong dula at hindi nagbago. Para naman sa musika, simple ngunit epektibo ang pinili nilang musika para sa Langhap Sarap. Medyo mahina ngunit nakakatakot ang ginamit nilang musika na nakatulong sa pagpaparamdam ng emosyon na hindi mapanatag at pagkasuklam sa nangyayari sa kuwento.

At huli, ikalima, ang blockings o pagsasaayos at pagkilos ng mga aktor sa entablado. Simple din ang mga blockings sa dulang ito ngunit sobrang epektibo sa pagpapakita ng isang pagpupulong ng mga senador natin. Nasa gitna ang Punong Sendaor habang nasa mga gilid ang iba. Mayroon silang mga upuan na ginagamit upang tuntungan at ipahayag kung ano ang gusto nilang sabihin sa isa’t-isa at para iboto ang kanilang mga desisyon. Hindi ako makaisip ng mga sitwasyon na naging pangit o masyadong paulit-ulit ang mga blockings dahil palagi silang gumalaw sa yugto at ginamit nila talaga ang buong espasyo nito. Isang halimbawa ng mga magandang blocking na ginawa sa dula ay sa wakas ng kuwento na kinain ni Senador Estrella ang karne galing kay Prospero. Nasa kaliwa sina Prospero, Estrella, at ang Punong Senador, nasa gitna si Senador Placido, at huli, nasa kanan si Senador Domini. Ang blocking na ito ay ipinakita kung kanino pumanig ang mga senador. Isa pang halimbawa ay sa simula na naman ng dula kung saan nagdedebate ang mga senador kung ano ba ang kanilang pag-uusapan. Makikita mo sila ng sabay-sabay at ang indibidwal nilang reaksyon sa mga sinasabi ng kanilang kapwa senador.

Sa aking palagay, naging epektibo ang mga desisyon ng direktor upang maihatid ang mensahe ng dula dahil sa kuwento mismo, sa paraan ng pagkukuwento, ispektakulo, at sa pag-aarte ng mga aktor. Naintindihan ko talaga ang mensahe ng dulang ito at medyo nalungkot ako dito dahil magkatulad ang mga tauhan sa mga tunay nating senador at ang kanilang paraan ng pamamahala. Mayroong mga dating artista, ang mga laging nagbabago ang opinyon base sa kung sino o ang ang mas popular, ang mga konting oposisyon, at ang mga gusto lamang ng kapangyarihan.  Alam ko naman na hindi gagawa ang mga senador ng isang batas na magsasabi na dapat sunugin ang mga bata, ngunit hindi ito malayo sa mga nangyayari sa Pilipinas na hindi ako masyadong magugulat kung mangyayari ito sa hinaharap. Para sa akin, dahil sa sobrang sama ng mga senador at ng kanilang mga desisyon, naniniwala ako na maaari silang maging mga tunay na politiko at iyon ang nagpapakita kung gaano kahusay ang dulang ito.