Sa Norte'y Nangingibabaw! by Irish Cudal

Mula sa pagkaway ng mga kamay kasabay ng pagngiti sa kapwa nating Ilokano,
Hanggang sa pakikipagkamay na simbolo ng pagbating taos-puso,
Sa pananamit ng mga pangkat etniko,
At wikang ginagamit nang maayos at wasto.

Dahil sa paglago ng ating wika, nagkaroon ito ng mga iba’t ibang barayti sa kung paano natin ito gamitin. Sa lipunang ating kinagagalawan ay may grupo tayong kinabibilangan. Ayon nga kay Rubrico noong 2009, may isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ang isang lipunan na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Dito natin mababatid ang mga paraan kung paano ipinapakita ng mga taga-Ilocos Norte ang paggamit nila sa wikang kanilang kinagisnan at kung paano ito nagbabago.

Nang dahil sa wika, nagkakaroon tayo ng komunikasyon. Sa komunikasyon na nagaganap, may layunin tayong gustong iparating gaya ng pagbati: “Naimbag nga bigatmo”, pagbatid: “Nakitam didiay napasamak idiay Sarrat? Nagkaro!”, pag-utos: “Sophia, ingka aginnawen! Tay malabaan haanmo pay narugrugyanan ket aldaw manen!”, at paki-usap: “Nanang, mabalin kadi nga innak makiay-ayam inton malem?” Nagkakaroon din ito ng pagbabago ayon sa pangangailangan ng tagapakinig o sitwasyon: “Maestra, mabalin kadi ng ingkami agmeryenda?”, at natututunan din nating sumunod sa tuntunin ng usapan at pagkukuwento o naratibo. Ito ang mga ordinaryong pamamaraan ng pakikipagtalastasan at agad na naiintindihan.

Pagtuonang pansin natin ang mga kabataan. Dahil sa iba’t ibang uso ng pakikipagtalastasan, paiba-iba rin ang pamamaraan kung paano nila ipabatid ang nais nilang sabihin. Dito nahango ang conyospeak o isang baryant ng Taglish gaya ng “Wait lang.” Dito rin napagplanuhan ng mga LGBTQ+ na magkaroon ng sariling wika at tinawag itong Gay Linggo gaya ng “shugpes” na ang ibig sabihin ay “patay tayo riyan” o mapapagalitan. Dahil sa pagkasarkastiko o sa takot nab aka masaktan mo ang isang tao, iniiba natin ang gusto nating sabihin ngunit may ibang binabatid gaya na lamang nung nahalata ng kaibigan kong may putok sa kilikili ang isa naming kamag-aral. Sinabi niya na “Baka ‘di ka naligo?” O “Nakalimutan mong magpahid?” Hindi ba’t nakakatuwa talaga?

Uso rin ngayon ito, lalo na sa mga estudyanteng may iisang sagot ngunit iniba lang ang mga salita na may iisa namang kahulugan! Nagkakaroon tayo ng oras upang palawakin ang bukabularyo natin tungkol sa sarili nating wika. Dito nagiging mahilig ang mga Ilokano sap pagpapahaba ng kanilang nais sabihin para na rin maintindihan nang mas malinaw.

Sa komunikasyon, hindi mawawala ang di-berbal kung saan hindi mo kailangang magsalita ngunit nakapagbibigay ka pa rin ng ideya kung anong gusto mong sabihin. Mula sa paglaki ng mga mata ng nanay naming na nangangahulugang “Italnam ta ububraemon.” o sa pagkindat mo sa kasama mong nangangahulugang “haan mo ibagbaga iti ususto.” Makakakita rin tayo ng iba’t ibang karatula sa daan o mismo paaralan kung saan mahihinuha natin ang ibig ipahiwatig nito kahit walang kahulugang nailagay.

Sa mga pangkat etniko naman dito sa Ilocos Norte, malimit lamang ang mga salitang alam naming sabihin sapagkat eksklusibo lamang ang kanilang wika at ito’y para sa kanila lamang. Isa na rito ay ang “mo’ma” na nangangahulugang “nguyain mo”. Nakikita rin na iba talaga ang kanilang wika sa kanilang mga suot at ito’y palaging bigyang respeto.

Salamat sa pakikipaglakbay sa amin kung saan makikita nating walang pinagkaiba ang Ilocos Norte sa ibang sulok ng Pilipinas. Lahat ay may iba’t ibang pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon ngunit pare-pareho lamang tayo kung paano natin gamitin ang ating wikang kinagisnan.