Teacher's Introduction by Norlyn

Magandang araw, mga mag-aaral!

Ako nga po pala si Binibining Marian Cipriano, o maaari ninyo akong tawagin bilang Ma’am Marian o Teacher Marian. Ako ang magiging guro niyo sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), at layunin kong gabayan kayo sa pag-unawa at pagsasabuhay ng mahahalagang pagpapahalaga at birtud sa inyong pang-araw-araw na buhay.

Inaasahan ko ang isang makabuluhang paglalakbay kasama kayo tungo sa mas mabuting pagkatao.

Magandang Araw sa inyong lahat! ako si binibining Norlyn Traya, pwede niyo akong tawaging ma'am Lyn. Ako ang inyong magiging gabay sa paglalakbay sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga. Alam niyo ba na parang mag-aaral lang tayo ng "superpowers" dito? pero hindi tayo lilipad o lalabas ng kakaibang powers, kundi ang superpowers natin ay ang pagiging mabuting tao, mapang-unawa sa kapwa at ang paggawa ng tama.

Kaya't kung naghahanap kayo ng klase na kong saan ay pwede niyong matutunan kong paano mag "teleport" sorry mali kayo ng pinuntahan na silid, pero kong gusto niyong matutunan kong paano maging "heroes" sa inyong buhay at para sa iba, kayo ay nababagay dito, dahil sa silid na ito ay matutunan natin kong maging "matapang" at maging "invisible" sa ano mang negatibong impluwensya. Ngayon! Handa na ba kayong maging isang "hero"? dahil dito ay hindi lang kayo isang mag-aaral, kundi ay isang bayani sa sarili niyong kwento, halika na't simulan na natin ang ating paglalakbay.

Magandang araw po sa inyong lahat! Ako  si Binibining Vina Dolor G. Dela Cruz, o pwede niyo ring tawagin  Ma'am Vy. Ako ang inyong magiging guro sa Edukasyon sa Pagpapahalaga sa buong semestre. Sa kursong ito, ating tutuklasin ang mahahalagang prinsipyo ng pagpapahalaga, at paglinang ng inyong kritikal na pag-iisip at personal na pag-unlad.  Magkakaroon tayo ng mga talakayan, mga gawain, at mga proyekto na magtuturo sa inyo kung paano mailapat ang mga natutunan sa inyong pang-araw-araw na buhay.

Inaasahan ko ang isang produktibo at kapaki-pakinabang na semestre kasama kayo. Upang mas maging maayos ang ating pag-aaral, may ilang alituntunin at limitasyon po tayong susundin.

Una ang regular na pagdalo sa klase ay napakahalaga.  Kung hindi kayo makakadalo, mangyaring ipaalam ninyo sa akin nang maaga.

Pangalawa ay ang pagrespeto magpakita tayo ng respeto sa isa’t isa sa lahat ng oras.  Mahalaga ang pagpapahalaga sa opinyon ng bawat isa, kahit pa magkaiba ito.

Pangatlo ang pagpapasa ng mga gawain.  Ang mga takdang-aralin ay dapat ipasa sa takdang oras. Ang huli ay may kaukulang bawas sa marka.

Pang apat ay ang paggamit ng Gadgets sa tamang oras.  Ang paggamit ng gadgets sa klase ay pinapayagan lamang kung may kaugnayan ito sa ating aralin.  Mangyaring i-silent ang inyong mga telepono.

Sa Huli ay ang pakikipag-ugnayan. Huwag mag-atubiling lumapit sa akin kung mayroon kayong katanungan o kailangan ng tulong.  Handa akong tumulong sa inyo sa anumang paraan.

Nagagalak na akong makilala kayong lahat at makasama sa inyong paglalakbay tungo sa mas malalim na pag-unawa sa inyong sarili at sa mundo.  Muli, magandang araw po!