Kabanata 24-29 by 11_Padua, Yohann Arlo C.

Pangunahing Tauhan:

Paulita Gomez - Isang mayaman at magandang babae na naging kasintahan ni Isagani; Napangasawa ni Juanito Pelaez; pamangkin ni Donya Victorina.

Isagani - Pamanagkin ni Padre Florentino; Kasintahan ni Paulita Gomez.

Donya Victorina - Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio. Nagpapanggap bilang Europea nguit isa namang Pilipina.

Juanito Pelaez - Isang Indyo na may dugong metizo. Takdang ipapakasal kay Paulita Gomez

Talasalitaan:

Lulan - Nakasakay

Makaniig - Makapag-sarilinan

Manumbat - Manlait

Napadako - Punta

Buod:

Kinabukasan, araw ng Huwbes bago magtakipsilim naglalakad si Isagani patungo sa Malecon upang kitain sa Paulita.

Inaasahan ng binata na pag-uusapan nila ang nangyari sa dulaan. Sa kaniyang paghihintay at naalalang muli ni Isagani ang sari-saring gunita ng kanilang maliligayang sandali.

Naisumpa nita tuloy ang dulaan at ang nakikipag-tunggalian na si Juanito Pelaez. Marami na ang sumagi sa Isip ni Isagani at unti-unti naring dumidilim.

Nang lumingon ay nakita niya ang karwaheng dumarating lulan si Paulita, ang kaibigang kasama niya sa dulaan, at Donya Victorina. Lumapit si Donya Victorina kay Isagani upang makibalita sa nawawala nitong asawa, subalit hindi maituro ng binata sapagkat sa tahanan ng kaniyang amain nagtatago.

Nang magkaniig na ang magkasintahan, si Paulita ang unang nagpahayag ng kanyang nararamdaman. Hindi man lang daw siya pinansin ni Isagani dahil sa mga mananayaw nakatitig.

Sa halip na si Isagani ang manumbat ay siya pa ang nagpapaliwanag. Sinabi din ni Paulita na si Donya Victorina ang umiibig kay Peleaz at hindi siya. Napadako ang usapan sa bayan ni Isagani.

Umaasa ang binata sa pag-unlad ng kanilang bayan. Pinapangarap din niya magkaroon ng pagawaan sa bawat pook, mga daungan, at ng tanggulang bansa. Nag-aalinlangan si Paulita sa mga pangarap na ito ng binata.

Kahit ang nag-iisang buhay niya ay handa niyang isugal para makamit ang karapatang hinihingi ng bayan.

Pangunahing Tauhan:

Basilio - Anak ni Sisa at nakakatandang kapatid ni Crispin. Kinupkop ni Kapitan Tiago matapos mamatay ang kaniyang ina at kapatid. Nakapag-aral ng kursong medisina at kasintahan ni Juli.

Juli - Anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio.

Makaraig - Isang mayamang mag-aaral at isa sa pinakamasigasig na nakipaglaban upang magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila.

Talasalitaan:

Paksin - Isang limbang na tumutuligsa sa pamahalaan

Dampa - Bahay kubo

Piging - Handaan

Pinaghihinalaan - Pinagbibintangan

Pamantasan - Paaralan

Dinakip - Hinuli

Buod:

Maagang bumangon si Basilio dahil sa marami siyang nakatakdang gawin sa araw na iyon. Dadalaw siya sa kaniyang mga maysakit, tutungo sa Pamantasan para sa kaniyang lisensyura, at makikipagkita kay Makaraeg upang manghiram ng salapi para sa kanyang pagtatapos.

Ang malaking bahagi ng kanyang naimpok ay pinantubos kay Huli at pinambili ng isang maliit na dampa para sa kanilang maglolo.Nang makarating si Basilio sa San Juan de Dios at tanungin ng kaniyang mga kaibigan tungkol sa paghihimagsik ay napalundag si Basilio at naalala ang binalak ni Simoun na hindi natuloy dahil sa sakunang nangyari dito.

Nalaman ni Basilio na maraming mag-aaral ang nasasangkot. Lumayo ito sa mga nag-uusap. Sa kaniyang paglalakad ay may nakasalubong siyang isang propesor sa Klinika. Tinanong ang binata kung kasali ba ito sa piging at kung kasama ba ito sa kapisanan ng mga mag-aaral.

Pinayuhan ito ng propesor na iligpit ang anumang papel na maaaring magdala dito sa panganib. Nalaman nitong ang dahilan ay ang pagkakalagay ng mga paskin na may mga masasamang sinasabi sa pamahalaan.Ang pinaghihinalaang may kagagawan ay ang mga mag-aaral. Nang nagtungo si Basilio sa Pamantasan ay nakita niyang itinataboy ng gwardiya sibil ang mga estudyanteng lumalabas sa paaralan. Tumuloy si Basilio sa loob ng Pamantasan.

Nagtungo ito sa bahay ni Makaraeg upang manghiram ng salapi nang matapos pumunta sa Pamantasan. Sa kanyang pagpasok ay may sumalubong na dalawang gwardiya sibil at tinanong ang kaniyang pakay.Nang malamang siya’y si Basilio ay dinakip ito kasama ni Makaraeg.

Pangunahing Tauhan:

Isagani - Pamanagkin ni Padre Florentino; Kasintahan ni Paulita Gomez.

Padre Fernandez - Paring natatangi; may paninindigan; hindi nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle.

Talasalitaan:

Sigabo- malakas

Tisiko - sakit (isang kondisyon o tao na may tuberculosis)

kostumbre -ugali

Sumusupil- manaig

Ulos - kutsilyo

Orden- isang samahan

Buod:

Pinatawag ni Padre Fernandez si isagani. Labis na iginagalang ito ni isagani.Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa pagbibigay ng mensahe nito sa mga mag-aaral at kung kasama ba ito sa hapunan.

Nagpalit ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng argumento gayunpaman. Sinabi ni Isagani ang mga sakit ng lipunan at tinututulan naman ng patuloy na si Isagani at sinabi nya na ang kalayaan at karunurangan ay kasama sa pagkatao ng mga nilalang.nagsalita na din Si Isagani pa tungkol sa gawaiin ng mga pari sa pagpandadaraya at panlalalmang sa mga pilipino para manging maginhawa lamang sila.

Hindi na nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naransang maipit sa pakikipagaway sa isang estudyanteng pilipino

Pangunahing Tauhan:

Quiroga - intsik na mangangalakal; sa bodega nito ipinatago ni Simoun ang mga armas na gagamitin sa paghihimagsik

Simoun - isang mayamang mag-aalahas. Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere na nag balik para maghiganti.

Don Custodio - sang kontratista na nakatalaga sa pagbuo ng isang panukala para sa isang akademya ng wikang Espanyol.

Padre Irene - isa sa mga pari na kaanib ng mga mag-aaral sa pagtatayo ng akademya para sa Wikang Espanol

Kapitan Tiago - kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at libing

Talasalitaan:

Nagsiputan - Dumating bigla

Naghihinaglo - Nag aagaw buhay

Tulisan - Lumalabag sa batas

Tagapamahala - Nangangalaga

Buod:

Naibalita sa pahayagang El Grito ang nagkatotoong hula ni Ben Zayb na makakasama ang ang pag-aaral sa Kapuluan ng Pilipinas. Ang balita tungkol sa pagkuha ng mga paskin sa pinto ng Pamantasan ay ikinatakot ng mga Intsik maging ang Heneral.

Maging ang mga prayle na pumupunta sa tindahan ni Quiroga ay hindi nagsiputan. Malas naman si Quiroga dahil napataong natanggap niya ang bagong bahay. Nagtungo ito sa bahay ni Simoun dahil sa pag-aakalang iyon na ang oras upang gamitin ang mga armas na nasa kaniyang bodega. Ngunit ayaw makipagkita ni Simoun kaninuman.

Sunod itong pumunta kay Don Custodio upang itanong kung dapat ba nitong balutihan ang kaniyang tindahan. Katulad ni Simoun, ayaw ding makipagkita ni Don Custodio kahit kanino. Pinili nitong tumuloy sa bahay ni Ben Zayb upang doon makibalita.

Dinatnan niya itong nakabaluti mula ulo hanggang paa, at ang ginagamit na pabigat sa mga papel ay dalawang rebolber. Dali-dali itong umuwi, nahiga at nagdahilang maysakit. Patuloy parin sa pagkalat ang balitang magtutulong ang mga mag-aaral at ang mga tulisan.

May mga kumakalat ding nagtungo sa Malakanyang ang mag-aaral upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila.Ibinalita ni Padre Irene kay Kapitan Tiago na may ilang nag-uudyok sa Heneral na barilin ang ilan upang bigyan ng aral ang mga binata.

Ang pagkahuli kay Basilio at ang pagkahalughog sa mga akalat at papel nito ay lalong nagpalubha kay Kapitan Tiago. Samut’saring patayan ang nangyari dahil sa maling akala. Marami ang pinagkamalan at pinaghinalaan.

Pangunahing Tauhan:

Padre Irene - isa sa mga pari na kaanib ng mga mag-aaral sa pagtatayo ng akademya para sa Wikang Espanol

Don Primitivo - naniniwalang pareho sina San Pedro at Kapitan Tiyago ang mananalo sa pagsasalubong sa langit

Donya Patrocino - matandang kaagaw ng Kapitan sa pagpapataasan ng testamento ng kapitan

Kapitan Tinong - nag prisintang ihandog ang gulanit nang damit-Pransiskano

Talasalitaan:

Arsobispo - makapangyarihang panrerelihiyon ng Obispo

Prak - amerikanang may pabuntot na mahaba

Sastre - mananahi ng dami panlalaki

Opyo - isang uri na pinagbabawal na gamot

Buod:

Marangya ang libing ni Kapitan Tiago. Hinirang si Padre Irene na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Ang malaking kayamanan ng namatay ay nagpunta sa Sta Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. Ang dalawampung piso ay itinira pangmartikula ng mga estudyanteng mahirap.

Inalis ni Kapitan Tiyago ang dalawapu’t limang piso na pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang na na loob umano ngunit isang isinauli ni Padre Irene at siya na raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa. Pinagtatalunan nila kung anong damit ang susuotin ni Kapitan Tiyago. Ipinrisinta ni Kapitan Tinong ang kaniyang sirang damit-Pransiskano na nabili niya sa isang prayle sa halagang tatlumpu’t anim na piso.

Ang sastre ay tumutol at sinabing dapat prak ang ipasuot dahil ito ang suot ng kapitan nang magpakita sa mga mongha at ito ay laging naka-prak kapag dumadalo noong araw ng pagtitipon. Nag prisinta pa ang sastre na hindi sisingilin nang mahal kapag sa kanya ipinagawa ang ipababaong damit. Tatlunpu’t dalawang piso ang halaga ng niyari niyang damit. Ngunit sa bandang huli ay si Padre Irene ang nasunod kaya isang lumang damit ng Kapitan ang ipinasuot nito.

Usap-usapang nagpakita umano ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Dala ng namatay ang kaniyang sasabunging manok, ang pisngi niya ay nananambok sa nganga at nasa kaniyang bibig ang opyo. Ang mga kasama ni Kapitan Tiyago sa sabungang naroon ay pinag-usapan kung hahamunin kaya ni Kapitan Tiyago si San Pedro na pagsabungin ang kanilang manok sa langit. Sinalungat naman ni Martin Aristorenas ang teorya ni Don Primitivo. Para sa kanya, meron talagang mananalo at matatalo.

Tatlong pari ang nagmisa sa libing. Maraming kamanyang ang sinunog at agua bendita ang ipinandilig sa kabaong. Hindi rin mabilang ang ianawit na mga awiting Latin tungkol sa patay. Marami din ang sumakit ang ulo sa katutugtog ng plegarya. Humanga ang lahat sa libing ni Kapitan Tiyago.

Si Donya Patrocino na kalaban naman ng kapitan noon sa pagkabanal ay inggit na inggit sa libing ni Kapitan Tiyago at tila nagnanais na mamatay na rin kinabukasan upang magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing ng yumaong katunggali.

Pangunahing Tauhan:

Padre Irene - Isa sa mga pari na kaanib ng mga mag-aaral sa pagtatayo ng akademya para sa Wikang Espanol

Don Custodio - Isang kontratista na nakatalaga sa pagbuo ng isang panukala para sa isang akademya ng wikang Espanyol.

Sandoval - Isang empleyado ng gobyerno sa Peninsular na kinikilala ang layunin ng mga estudyanteng Pilipino.

Simoun - Isang mayamang mag-aalahas. Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere na nag balik para maghiganti.

Tadeo - Estudyanteng tamad magaral at pumapasok lamang para itanong kung may klase. Ngunit nakapasa pa rin at may magandang kinabukasan

Don Tiburcio - Nagtagago mula sa kanyang asawa na si Donya Victorina, at humingi ng kanlungan kay Padre Florentino.

Juanito Pelaez - ang Indyo na may dugong metizo. Takdang ipapakasal kay Paulita Gomez

Basilio - Anak ni Sisa at nakakatandang kapatid ni Crispin. Kinupkop ni Kapitan Tiago matapos mamatay ang kaniyang ina at kapatid. Nakapag-aral ng kursong medisina at kasintahan ni Juli.

Pecson - Mag-aaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria; isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas ngunit hindi umaasang matutupad ang hangaring ito

Padre Sibyla - kasama ni Padre Irene sa pagpapatalo sa Kapitan Heneral sa tresilyo.

Talasalitaan:

Kalutusan -pinaka lunas o solusyon sa suliraning pangkalusugan

Kabalbalan-kalokohan

Maganit -makapit

Sagitsit -tunog o ingay

Bantog - kilala

Buod:

May di- karaniwang naganap na handaan sa “Pansiteria Macanista de Buen Gusto” ang mga kabataan ay nagtitipon Dito ay nagtawanan sila at nagbiruan sila bagamat halatang pilit ngunit may takot parin kung ano ang magiging reaksyon ni don custodio sa kanilang hiling. Sa panagalawang pagkakataon, wala ulit rito si Basilio na ayon kay Tadeo maraming lihim na nalalaman, pinaghandaan ng mga kabataan ng pagkain Ang mga kilalang tao.

Kay Don Custodio ang pansit, kay Padre Irene ang lumpiang Intsik at sa mga prayle ang mga torta. Ngunit tumututol si Isagani sa pag kukumpara ng mga pari sa alimasag, na inayunan naman nito ni Tadeo.

Inukol naman ang pansit gisado sa pamahalaan at sa bayan, ayon kay Makaraig. Nag bigay ng mensahe sina Tadeo at si Pescon Kung saan inatake ang mga pari. Sinabi ni Pescon na mula sa kabataan hanggang sa libingan ay mga pari ang kasama natin. Nahuli nila ang sang utusan ni Padre Sibyla, biserektor sa unibersidad,na sumakay na sa karwahe ni Simoun.Nagmanman pala ito sa mga kabataan, na inkinagagalit ni Makaraig