Q4 Pagninilay by RHEMA PARESSIA DELA ROSA

• Para sa akin ang katapatan ay ang pagiging totoo sa iyong sarili at kapwa sa lahat ng pagkakataon. Ito din ay tumutukoy sa pagpapahayag ng katotohanan sa iyong salita at gawa.
• Kabaligtaran ng katapatan ang pagsisinungaling. Ito ay ang pagsalungat sa katotohanan o pagtatago nito.
•May ilang dahilan kung bakit nagagawa ng isang tao ang magsinungaling at isa na dito ang pagtatago ng katotohanan upang makapanakit. Maari ding magsinungaling ang isang tao upang protektahan ang kanyang sarili mula sa pambu - bully at kahihiyan. Ngunit may iba din na gumagawa nito upang hindi makapanakit ng ibang tao. Tinatago nila ang katotohanan upang maprotektahan ang taong ito mula dito dahil maaari silang masaktan.
• Napagtanto ko sa aking sarili na napakahalaga ng katapatan at ang pagiging tapat sa anumang pagkakataon. Anuman ang ating dahilan o rason, kailangan nating magsabi ng totoo. Ang katotohanan ay ang realidad na kailangan nating tanggapin, masakit man ito sa atin.
• May karanasan din ako tungkol sa pagsisinungaling at ginawa ko ito upang hindi masaktan ang aking kaibigan. Palagi kong sinasabi sa kanya na maganda ang kanyang naisulat o kaya naman bagay sa kanya ang kanyang damit kahit sa tingin ko may iba pang damit na maaaring bumagay sa kanya. Isang araw naranasan ko din ito ngunit natuklasan ko ang totoo na hindi gaanong maganda ang aking naisulat sa pamamagitan ng ibang tao. Dito ko napagtanto na kailangan nating magsabi ng totoo at ibahagi ang ating tunay na opinyon upang matulungan natin ang mga tao upang mabago ang ilang bagay para sa mas nakakabuti sa kanila.