Radyo by GABRIEL MIRO GEDA

Gising, Pilipinas!
2006-2013. Tuwing umaga, may diyaryo, kape, at baraha sa lamesa sa kainan. Pumapasok ang sinag ng araw mula sa mga bintana sa salas. Sa tabi ng bentilador, ang radyo na Sony ang tatak, at ang model, CFDS01. Kasama sa radyo ang cd player, casette recorder, at pinaka-importante, ang antena. Sa loob ng isa't kalahating dekada ng pamumuhay, maririnig ang programa sa radyo na tinatawag na "Gising Pilipinas" sa DZMM Radyo 630 (sais-trenta).

Tinidor
Kinakailangan ng radyo ng antenna para klaro ang koneksyon sa mga FM at AM na istasiyon. Noong nakaraang mga kabanata, mayroong antena ang radyo, ngunit sa daloy ng panahon, paunti-unting nababawasan ang paggamit dito. Nakakaapekto ang posisyon at tingin sa radyo sa pagpalit ng mga yaya sa bahay, lalo na sa isang nagdulot ng disgrasiya rito. Nang naglilinis ng kainan, nasagi ang antena, sumabit at naputol ito matapos ang mabilisang pangyayari. Nang buksan ang radyo, gasgas na estatiko ang maririnig. Sa halip nito, isang ideya ang ginamit sa paggawa ng paraan para mailusan ang suliranin. Ang antena ay gawa sa bakal, pati na rin ang tinidor; nang isaksak ang kalapa ng tinidor sa base ng antena, isang himala! Bumalik sa normal ang radyo, at naririnig na ang balita.

Kuryente at Yolanda
Sa buwan ng Nobyembre, tumama ang bagyong Yolanda sa Pilipinas. Paputol-putol ang balita sa radyo, nang mawalan ng kuryente dulot sa ulan at hangin na binubuga ni Yolanda. Habang may panahon pa, naghihintay ang lahat ng balita sa sitwasyon sa labas, nakikinig sa kung anumang balita ang mailalabas ng radyo bago mawalan ng kuryente. Nang magsimula na ang ilang araw na brownout, ang mabangis na hangin ang pumaligid sa mga tenga sa loob ng tahanan.

Bagong Taon
Dalawang uri ng tao ang makikita sa tahanan sa gabi ng Bagong taon, ang mga natutulog na magigising sa paputok nang tumama ang hatinggabi, at ang mga nagpupuyat hanggang matapos ang pagtalon, pagkain, pagligpit, at paglinis ng kainan. Habang naghihintay ng hatinggabi, gamit na gamit ang cd player ng radyo. Kung ang Lolo ang nakikinig, mga kanta nina Paul Anka, Tony Bennett, at Frank Sinatra ang maglalaro. Ipinapakita ng musika na nilalabas ng radyo sa panahon na ito ang personalidad at interes ng isang kasambahay, nang nagkaroon siya ng pagkakataon na pumili ng kanyang musika gamit ang teknolohiya ng cd.

Libing
Matapos pumanaw ang ulo ng tahanan, ang Lolo na mahilig makinig sa mga lumang kanta ng Hollywood, malimit pa rin gamitin ang radyo sa umaga, ngunit may nagbago na. Nawala ang kape, baraha, at dyaryo. Nawala ang pampagising ng "Gising Pilipinas". May nawala rin sa radyo.

Wakas
Paunti-unti, dumadami ang alikabok, paunti-unti, pumapabor ang tahanan sa pagkuha ng impormasyon sa bagong bili na Samsung TV sa sala, palagi namang balita at radyo serye ang pinakikinggan sa radyo, mas klaro at makikita na ang mga mangyayari sa telebisyon kumpara sa radyo. Matapos ang libing, sumama na rin ang buhay ng radyo. Sa susunod na mga taon, mapapalitan ang balita at tunog galing sa radyo, ng balita at tunog galing sa telebisyon, ngunit sa panahon na ito, nagsisimula na ang praktis na sa smartphone na gagawin ang karamihan ng pang araw-araw na gawain, kasama na rito ang pag-alam ng mga balita, at entertainment.