Ang "Electric Stove" by MARIA JEKATERINA MATVEI CARDENAS

PANIMULA
Noong 2018, ang Avanti Intelligent Master Cooker o ‘electric stove’ ang isa sa mga appliances na dinagdag ng pamilyang Cardenas para sa kanilang munting apartment. Dahil makabago ito, madaling gamitin at swak sa espasyo ng maliit nilang kusina. Bilang isang pamilyang OFW, ginagamit lamang nila ito kapag sila ay nagbabakasyon sa Pilipinas. Kapag hindi naman sila nakakauwi, ito ay ginagamit ng kanilang kamag-anak na lumuluwas ng probinsya para magbakasyon sa Manila tuwing holiday. Ibang tao ang madalas gumagamit ng electric stove na ito.

MULING PAGGAMIT
Lumipas man ang 4 na taon, nandoon pa din sa apartment nila ang electric stove na ito. Madalas hindi ginagamit, kaya nakakatulong makapagtipid sa kuryente tuwing babayaran na ang apartment. Dumating ang Hunyo 17, 2023, bumalik na ang pamilyang Cardenas sa kanilang apartment para gamitin ito ng tuluyan.

PAGTAAS NG KURYENTE
Dahil madalas nang ginagamit ang electric stove, kasama na doon ang iba pang appliances sa bahay nila, tumaas ang kanilang bayad sa kuryente. Subalit, hindi ito naging problema sa kanilang magulang dahil dito nila nalalaman na madalas na nagluluto ang mga anak nila.

PAGLILINIS
Dahil madalas nga itong ginagamit, dumadami ang naipon nitong dumi. Tulad ng mantika, o tumalsik na tira-tira ng ulam. Ito ang sinasabing ‘maintenance’ ng tatay ni Maria para “Hindi mabilis masira” ang kanilang electric stove dahil ito lamang ang lutuan nila. Nakikita ng lutuan na ito ang lahat ng pinagdaanan ng magkakapatid sa kusina. Sa bawat ‘trial-and-error’ at tumatalsik na mantika o sa kumukulong kanin na sinasaing. Lahat ay napagdaanan nito. Kaya ito ay pinahahalagahan ng mga magulang ni Matea at Maria, dahil ito ang naging simula ng pagsasarili ng kanilang anak at pagiging mas malapit sa kanila.

PAGIGING “MATURE”
Sina Maria at Matea na lamang ang natira sa kanilang apartment, kasama ang kanilang maliit na shitzu. Kinailangan ni Maria matuto magluto ng iba’t ibang potahe na hindi prito. Dagdag pa nito ang pagiging akting nanay ni Maria sa kaniyang nakababatang kapatid at pag-aaral niya sa kolehiyo. Madalas man sila magpa-deliver noon, onti-onti na silang natuto na magluto. Karaniwang hotdog, itlog, pancit canton at delata. Ang magkakapatid, ay nakakapagluto na ng mga ulam tulad ng may sabaw, pasta, glazed at iba pa.