2. Ako si ____________ at ako ay rehistrado/hindi pa rehistradong botante. Kapag sinabi ang salitang boto, ang naiisip ko ay __________. Ano ang naging karanasan mo sa pagpaparehistro? Anong nag-uudyok o pumipigil sa iyo (kung hindi pa rehistrado)? by Peter Jonas David

Ako si Pia at ako ay isang rehistradong botante. Kapag sinasabi ang salitang boto, ang naiisip ko ay ang salitang "karapatan".

Noong panahon ng aking pagpaparehistro, napansin ko na halos lahat ng nakapila upang mag parehistro ay mga kabataan.

Noong kakasimula pa lamang ng community quarantine sa Pilipinas, aking napagtanto na maraming butas ang ating gobyerno, lalo na ang ating healthcare system. Dahil doon, naenganyo akong magparehistro.

Ako si Jj at ako ay rehistradong botante. Kapag sinabi ang salitang boto, ang naiisip ko ay "mahalaga".

Isa talaga sa bucket list ko na pag tumungtong ako ng edad na 18 ay magpaparehistro agad ako.

Mabilis lang naman yung proseso pero parang hindi siya user friendly o friendly para sa kakatungtong lang ng 18? May mga salita sa form na hindi ko alam kung anong ibig sabihin, at wala ring nakatatak na step-by-step na gagawin kaya kinailangan ko ng nakakatanda upang gabayan ako sa proseso.

Noong mga panahong ito estudyante pa ako ng Political Science, kakatapos lang ng senator's elections noon at napansin ko na sa pamilya ko palang wala nang pag-asa na magbago ang Pilipinas. Merong hindi bumoto, at yung iba ayaw rin nilang makinig sa akin na wag iboto si ganito kesyo bata pa raw ako at walang alam. Siyempre dahil "bata" ako at wala nga raw alam, tulad ng mga batang naiinis sa magulang nagrebelde ako nila at nagparehistro nalang para wala na silang masabi sakin...

Ako si Nikki at ako ay rehistradong botante. Kapag sinabi ang salitang boto, ang naiisip ko ay "responsibilidad".

Nahirapan akong magparehistro dahil sa COVID-19. Hindi ako makalabas dahil sa takot na mahawaan ng virus sapagkat maraming kabataan ang nagpaparehistro sa bayan namin. Madali lang naman ang proseso, mahaba lang ang pila.

Simula nung namulat ako sa realidad ng ating bansa, doon ako nag karon ng layunin at motibasyon magparehistro.

Ako si Breanna at ako ay rehistradong botante. Kapag sinabi ang salita boto, ang naiisip ko ay "pagbabago".

Umaga pa lang ay agad na kaming tumungo ng aking tito sa munisipyo dahil akala namin na mahaba ang pila. Buti naman at wala gaanong tao nun, kaya lang hiningan ako ng valid ID ng Taytay dahil hindi pa raw sapat ang aking school ID kaya akala ko pa ay hindi ako makakapagparehistro, buti na lang at hinanap na lang nila ang data ng magulang ko sa system nila kaya mabilis ang naging proseso.

Pinatunayan ng gobyerno kung ano talaga sila ngayong pandemya, at napagtanto ko na ang pagboto ay hindi lamang tungkol sa tungkuling sibiko dahil kahit na isang boto lang yan, maaari nitong baguhin ang mundo para sa lahat. At, naniniwala ako na ang isang kandidato ay higit na mahusay kaysa sa isa, at nasa posisyon ako upang malaman kung alin iyon.