Sasakyan by LIANA ALEXA AGUILA

Kuwento tungkol sa sasakyan
Limang taong gulang pa lamang si Liana noong binili ng nanay niya ang sasakyan. Tuwing sasakay siya, lagi siyang nakapuwesto sa likuran sapagkat ang kaniyang mga nakakatandang kapatid ang nasa harapan o di kaya ang nanay nila. Kapag umuupo naman siya sa harapan, tanging ulap lang at mga puno ang kaniyang nakikita. Pagkalipas ng sampung taon, si Liana na ang umuupo sa harapan. Ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae na si Nika ay pumunta na ng Maynila para mag kolehiyo at ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki ay nag trabaho na sa ibang bansa kaya siya na lang ang naiwan na sumunod sa magkakapatid.

Pinakamalayong nilakbay ng sasakyan
Sa Vigan, Ilocos Sur ang pinakamalayong biyahe ng sasakyan. Ito ay noong Oktubre ng 2017. Pumunta ang pamilya sa Vigan upang manood ng laro niya dahil isa siyang manlalangoy at doon ginanap ang paligsahan na ang tawag ay Batang Pinoy.

Tungkulin ng Sasakyan
Taong 2010 ng Hunyo, nasira ang lumang sasakyan na Toyota Hilux 4x4 na kulay pula. Nasira ito sa kadahilanang naaksidente ang isa sa magulang sa isang tulay at wasak ang naging kondisyon at hindi na kayang ayusin pa. Tumagal ito ng pitong taon at sa pitong taon na iyon naging maging maganda ang serbisyo nito sa pamilya. Nag desisyon ang magulang na bumili ng bagong sasakyan noong Hulyo ng taong iyon. Nabili ang bagong sasakyan sa Pampanga. Parehas itong Toyota Hilux ngunit ang pinagkaiba ng dalawang ito ay 4x4 na pula ang isa at 4x2 na silver naman ang isa. Mas mura nabili ng magulang ang bagong sasakyan kaysa sa luma. Pinangalanan ng magulang ito ng “Aldo” at nakuha ang ideya sa tatak ng sapatos na Aldo.

Sa unang tingin pa lamang, makikita nang matibay ito at maraming puwedeng ilagay sa likod sapagkat isang uri ito ng truk. Pagkapasok naman sa loob, mapapansin na maluwag ito at kasya ang pamilya na may limang miyembro. Tatay ang magmamaneho, nanay ang nasa passenger seat, at ang mga anak naman sa likuran. Ngunit sa mga unang taon ay isa lamang ang tumatayong magulang kaya nanay ang nagmamaneho, nakatatandang kapatid ang nasa unahan.

Bukod pa sa maluwag ito mapaloob man o labas, may mga tampok itong mga katangian. Una, puwedeng magpatugtog ng mga gusto at paboritong kanta, kailangan lamang pindutin ang aux at isaksak ang selpon sa cord. Kapag nagsawa sa musika, puwede namang makinig sa radyo, itataas lamang ang antenna na nakalagay sa bintana sa labas ng upuan ng drayber. Pangalawa, mararamdaman talaga ang lamig na nilalabas ng aircon kaya may dala laging jacket. Kapag gusto naman ng mainit, ay puwede naman din. Panghuli, ang pagmamaneho ay manual, mas mahahasa ang nagmamaneho.

Nagsilbing serbisyo ang bagong sasakyan sa pamilya. Ginawa itong pang-hatid ng mga muwebles patungong Maynila sapagkat mayroong negosyo ang pamilya ukol sa paggawa ng mga muwebles para sa tahanan dati. Naging importanteng bagay sa pamilya ito. Hindi lang sa trabaho kundi sa tuwing pag pasok sa paaralan. 15 kilometro ang layo ng bahay sa paaralan kaya malaking tulong ang sasakyan dito.  Kung lalakarin ay mahigit tatlong oras ang itatagal ngunit kapag may sasakyan ay 20 minuto lamang. Para sa mga magulang naman,