IW4P | Abigail Taniegra by PETA School of People's Theater

Introduction as a Poster
Ad-blurbs: Maligalig Ngunit Kontento

Tagline: Ano ang mas mahalaga, ang proseso o patutunguhan?

Title: Ang Naghahanap at Sumusubok sa Panunulat ni Abigail Taniegra

Sense Poetry
Galing ako sa Crepe na creamy na maraming mga mangga na kinain ko noong kabataan ko kasama ang aking mga kaibigan at kapatid.

Galing ako sa mga lumang libro sa bookstore na parang dinadala ako sa sinaunang panahon.

Galing ako sa kantang "Flowers" ng Hadestown na napanood ko ngayong linggo lang.

Galing ako sa Motorcycle driver nakahiga sa kalsada, nakahelmet, puro dugo sa may bandang ulo niya na nakita ko noong lumingon ako sa bintana ng kotse namin.

Galing ako sa paghawak sa balahibo ng aso ko na nanglalagas pero malabot at madulas.

Galing ako sa biglaan akong sinupresa ng mga kaibigan ko sa birthday ko, first time ko lang siya naranasan, unexpected siya sa akin.

Ako ay Isang Multipotentialite
Isa akong taong nangangailangan ng direksyon, tapang, at determinasyon na magsulat ulit.

Conflict: Maraming gustong gawin ngunit hindi na alam kung paano ang mga ito pagsasasama-samahin, pagsasabayin, o pagkakasiyahin

Setting: Pandemic at nasa bahay lang

Theme: Multipotentiality

Reflections (February 26, 2021)
Napaalalahanan muli ako na mauulit at mauulit naman talaga ang mga kwento. Naalala ko 'yung sinabi ni Sir Ricky na ang mahalaga ay kung papaano mo ikukuwento yung kuwento mo. Experiential daw ang panonood ng pelikula, actually sa lahat naman, 'yun ang kakaiba sa sining. Hindi siya patungkol sa what or why, pero mas patungkol siya sa tanong na "how?"

Alam ko sa sarili ko na vulnerable talaga ako kapag nagsusulat ang problema ko lang, nahihirapan akong ibahagi siya sa iba. Gaya nga ng sinabi sa huling workshop namin, mayroon at mayroon na makaka-relate sa'yo. Higit pa sa pagbabasa ng mga libro, kinakailangan marunong akong makinig sa side ng iba. Kunwari gusto ko magsulat ng isang bagay na may mga ideal, hindi ba mas maganda kung nakikita rin ang pros and cons nito? Kung bakit hindi to tinatanggap ng iba at kung bakit naman tinatanggap ng iba?

Sa totoo lang ilang beses ko na narinig itong mga bagay na 'to, sa mga workshop palang sa Rebelde na nag-sit-in ako at sa mga workshop ko kay Sir Ricky. Ang kalaban ko nalang talaga ang sarili ko, 'yung tamad kong katawan.

Natutuwa lang ako na tumatapang na akong magsalita ngayon. Kung kausap ko yung 5 years younger na ako, hiyang-hiya na yun sa sulok, ang dami niya kasing iniisip, may mga mali siyang mga ideal.

Learn more. Be bolder and exert more effort in creating stories.

Kung hindi ngayon, kailan pa?

Pagmulat Sulat #1 - Pebrero 27, 2020 (Sabado)
Medyo tanghali na ko nagising. Plano kong gumising ng mga 6am pero nagising na ko ng mga 8:30am. May mga gagawin pa dapat ako para sa mga kliyente ko. Tapos mamaya dadating pa si Pat. Kailangan ko pa siyang tulungan sa ginagawa niyang kanta. Grabe. Ilang buwan na rin pala akong di nakabubuo ng kanta. Dati kapag school project siya napipilitan ako kaya talagang pinagpupuyatan ko siya, di ko tinitigilang gawin. Naghahanap ako ng alone time para gawin ‘yun.

Ewan ko kung nakatulong talaga ‘yung pagkakaroon ko ng trabaho sa pagpursue ko ng mga gusto ko sa buhay. Ang dami ko kasing gusto e. Music, writing for films and plays, painting, pagguhit, graphic designing, pagkuha ng mga larawan at mga video at pag-edit ng mga ito. Ilang taon kong ginugol yung oras ko para i-pursue talaga yung visual arts. Naisip ko baka pwede akong mag-start as a video editor, yung taga color grade sa mga pelikula o shows.

Hindi siya kasing frustrating last year. Mas okay na ko ngayon. Ewan ko, parang nakawala ako sa thought na dapat by the age of ganyan, ganyan na dapat. Nakatulong siya. Pero ang nawala naman, yung pagmamahal ko sa pagguhit at pagpinta. Oo, natutuwa pa rin ako na manood ng IG videos ng mga artist, pero honestly ako, ilang buwan na kong hindi umupo para gumuhit. May isang beses lang matapos noong araw na ‘yun. Tuwing nakikita ko minsan yung mga paintbrush at mga marker ko, parang may kumikirot sa kaloob-looban ko. Parang sa kakaunting paraan bumabalik yung sakit.

Medyo di na rin ako makarelate sa mga naging ka-batch ko noon, pati na rin sa mga kaibigan ko. Tuwing magvivideo chat kami o noong nagkikita kami personally, madalas pinag-uusapan yung mga karanasan sa colleges kung asan sila ngayon. Kung ako ang tatanungin, hindi ako naiingit e, parang mas nalulungkot ako na wala man lang akong maibahagi sa kanila, na hindi ako nakakarelate sa kanila.

What if kaya no? What if kung hindi ko ginugol yung oras ko sa pagguguhit, pagpinta, pag-aaral mag-edit? Sa halip ginugol ko nalang siya sa isa pang passion ko - music. Siguro magaling na kong magbasa ng mga nota ngayon. Siguro nakabuo na ako ng isang maganda musical ngayon. Iniimagine ko lang.

Kaya lang wala na. Hindi ko pinipilit yung sarili ko na balikan ang visual art. Pero binibigyan ko pa rin siya ng pagkakataon. Sa ibang colleges ang inapplyan ko naman ay fine arts. Ang pinagkaiba ngayon, kung dati fine arts lang ang pinagbibigyan ko, binuksan ko na ang isipan ko sa pagkuha ng theater arts at music. Kaya lang sa music ekis agad, di ako marunong magsulat ng mga nota. Medyo natutunan ko na siya, simula noong kailangan kong medyo magbasa sa sheet ngayong may voice classes ako sa Repertory.

Tatanggapin kaya ako ng theater arts? At kung matanggap nga ako, what comes next? At kung hindi naman ako matanggap, am I happy to pursue visual arts na ba? It’s quite unclear, but I’m opening myself up to the opportunities na mayroon. Malaking part ng pera ko ginagastos ko sa mga workshop, equipment na pang-music.

May thought ako minsan na kailangan kong humabol sa pag-aaral ng music. Kasi it takes time to write a good musical, kaya kailangan grounded na ko bago ko gawin yun. Kung sisimulan ko nalang din naman, dapat handa ako.

Ayan, nagbebell na yung simbahan malapit sa bahay namin. 8:51 na, actually marami pa akong dapat gawin pero na-strestress na rin ako. Nakakapagod kaya yung babangon ka trabaho, kain, ligo, trabaho, tapos tulog. Tapos ulit nanaman. Goodness, kailan ko ba ulit mararamdaman yung dati? Noong bata ako, tuwing papasok ako ng school, yung pagdampi ng malamig na tubig sa katawan ko sa umaga, sobrang nagdadala siya ng excitement sa akin. Para akong kinikilig na ewan. Pero partially kinikilig talaga ako noon kasi naalala kong makikita ko na ulit si Nico.

Nico, isa rin sa mga taong natutunan kong i-give up simula noong mangyari yung nangyari last year. Grabe, tol. Ilang bang years kita nagustuhan, 8 or 7 years? Hindi ko na mabilang. Possible ba talaga ‘yun. Elementary crush ko lang naman siya e. Bakit hanggang ngayon, paminsan-minsan naiisip ko siya? Pero ang masaklap, kahit anong gawin kong pagpapapansin sa Facebook, kung dati sumasagot siya, ngayon hindi na.

‘Yan nanaman ‘tong utak ko, sinasabi na baka tinototoo lang niya yung sinabi kong “maybe after college”. Ang hirap kasi malaman kung i-gigive up ko na. Kasi unlike other crushing stories, na-reciprocate yung akin. Hindi rin ako sure kung seryoso siya roon kasi after 2 years of him having a crush on me, Grade 6, tandang-tanda ko ‘yun, nagkagusto na siya sa iba. Parang damit lang, hahaha. Natatawa talaga ako. Anyways, ayun, alam ko rin naman na baka hindi na kami magkakasundo sa mga bagay-bagay? Kasi ayun, englishero ‘yun bulol noon sa Filipino, pero ang alam ko mas magaling na siya ngayon. Ako, tuwang-tuwa akong mag-Filipino, yung English, kasisimula ko pa lang mag-try na palawakin pa siya.

More than the love, parang gusto ko pa siyang makilala. Hindi ko malaman kung bakit. Gusto kong malaman kung kamusta siya, paano siya sa school niya ngayon. Talo ba talaga kami? Techy ‘tong si Nico e, while me, artsy. Sa palagay ko, pareho naman kaming nakaka-appreciate sa arts so doon siguro may similarity. Kaya lang, ayoko na ituloy. Nagmumukha na akong desperada. Kasi after naming mag-graduate ng elementary, ako ang laging nagsisimula ng convo, literally. Kung talagang gusto niya pa ako dapat nagpapakita siya ng motive pero ni hint ng isa wala. Iniisip ko lang din kung may pagkaflirt siya? Kasi noong nagkita-ktia kami noong mga, kailan ba yun, 2-3 years ago, inaasar siya ni Cheiron sa akin. Noong naghi ako, ewan ko parang nag-hi siya pero pa-cute. Ako naman, that time, wala na kong pake. Tapos ngayong bumabalik, hay basta bahala na.

Buong high school life ko wala akong kahit na anong love life, puppy love ganiyan. Ang highlight lang ng high school life ko ay ang academics. Boring na kung boring, pero medyo natakot na rin ako mag-open up. Magulang ko kasi strict. Gusto mga 25 na ko magboyfriend? Hahaha. Pero it’s not about the age naman e. It’s about how mature you are already. Ako, yes I can be childish sometimes, like literally. Nag-aact na Boyet sa bahay, kung minsan dancer, minsan ballerina, minsan zombie. Ngayon ko lang napansin na at some point, I love playing characters. I feel like I can experience being others for some time. Noong bata pa ako, kapag lumalangoy pa ko sa swimming pool, hinu-hum ko sa ilalim ng tubig yung Dyesebel theme song, tapos yung pinagdidikit ko yung legs ko lumalangoy na parang sirena. Hilig ko rin na mag-role playing, kahit ngayon actually. Pag nakikinig ako ng music, pakiramdam ko may nakikipag-usap sa inner self ko. It unnumbs me, ewan ko kung word talaga ‘to pero ako lang naman kausap ko so okay na ‘yan.

Kaya sobra kong mahal yung mga musical e. Gusto ko gumawa ng musical, something different dito sa Pilipinas. Sa broadway nag-eexperiment na sila sa genres, actually sa’tin din, long time ago na. May mga ethnic songs, rap, rock, etc. nang musicals sa atin matagal na. Naisip ko nga, pwede kaya yung EDM sa musicals? Hindi yung disco na disco type, parang music nila Maggie Rogers o 1989 at Folklore ni Taylor Swift. What if ganoon yung genre? Gustong-gusto ko yung tunog ng mga ibon, lata, babasagin na baso, tapos i-hahalo mo sa electronic sounds. Siguro mas papatok sa mga tao, pero more than that siguro mas makakarating yung mensahe sa kanila kasi there’s something familiar with the experimental musical they’re watching. Naniniwala ako na hindi mo pwedeng piliting gustuhin o paniwalaan ng tao ang isang bagay, wala lang din mangyayari. Pero kung paghahaluin mo yung something new to them plus something familiar to them. Baka mas lalo nilang tanggapin at ma-appreciate di ba? I’m still working on this, makakapunta rin ako rito balang araw. Just need to learn and create more. Kailangan ko nang magtrabaho, 9:29am na pala.

Pagmulat Sulat #2 - Pebrero 28, 2021 (Linggo)
May mga bisita kami ngayon sa kuwarto namin kaya di ako makapagsulat pa sa laptop. Nagsusulat ako ngayon sa Notes app ng cellphone ko.

Balak ko sanang gumising ng mga 5am ganiyan. May gagawin pa kasi ako, lagi naman. Magagawa ko naman sana yun kahapon kaya lang may bisita rin ako kahapon, si Pat nga. Medyo napapaisip ako sa sinabi ng Amerikanang asawa ng kuya ko. Sabi niya sa akin kung nakipagkita lang 'yung kaibigan kong iyon sa akin dahil kailangan niya ng tulong sa school project niya. Di ko alam, gusto ko lang siya kausapin kaya nakipagkita na rin ako. Pero tinatamad din akong makipagkita. Minsan hassle kasi magpabisita ng di mo tropang-tropa.

Nandito sila kuya Jayvee ngayon tsaka yung asawa niya. Double deck yung kama ng kuwarto namin. Malaking portion ng kuwarto kulay puti na galing sa kinita ko sa pagtatrabaho. Kasi kung ako lang, kung estudyante lang ako, 'di ko afford na bumili ng electric fan, kama, kobre kama, pero iba pala talaga kapag may trabaho ka na. Iba rin kapag nag-aaral ka. Pareho namang maraming ginagawa, magkaiba lang ng weight sa pinagagawa. Kasi kapag estudyante ka nagtatrabaho ka para literal na matuto tsaka para sa sarili mo, sa grades ganoon. Sa trabaho, may mga kliyente kang dapat alalahanin, hindi lang ang sarili mo, nakakatulong ka at kumikita ka rin. Either way natututo ka naman. Alam mo na yun kung bakit.

Iniisip ko pa rin kung paano mamaya. Makakapag-bond ba ko sa mga bisita kasi ang hirap-hirap ng video na pina-eedit ng kliyente ko. Basta't magkamali siya sa sinasabi niya, inuulit niya, pero buong sentence uulitin niya pa. Umaabot ng mga 17 minutes yung isang video niya. Mga 3 ganoon tapos 1-2 video na maikli. Tapos binigay pa niya yung video ng late na, sabi niya Wednesdays her time siya magbibigay e, pero Friday night her time na siya nagbigay sa akin ng raw files. Unlike before, di naman ako ganoon ka-stressed. Alam kong kaya kong tapusin 'to, pero alam ko rin na minsan may mga dapat kang isakripisyo. E kung mag-edit nalang ako habang nanonood sila? Ganoon nalang siguro.

Ayan, 6:45am na. Mga 7:30 kailangan ko mag-test ng mic at midi controller. Nag-invest pala ako sa microphone na medyo mahal pero di naman sobra, depende sa tao kasi yun, tsaka midi controller na keyboard 25 keys lang yata ito. 'Di ko pa sila sobrang gamay, inaaral ko palang silang gamitin lalo na yung keyboard.

Okay, alalahanin ko nalang yung mga dapat kong gawin ngayon. Una, i-revise yung video ni Carla. Pangalawa, tapusin yung video ni Barb. Pangtatlo, tapusin yung thumbnail no Barb. Pang-apat i-message yung boss ni Ate Hannah (ni-recommend niya ko sa isang graphic design work). Panglima, yung project ko with Sir Randy pero pwede ko nang gawin 'yun ng mga Monday morning. Para mas maayos, bago mag-service, kung kaya pa i-edit ko na yung video ni Carla. After service may mga 4-5 hours pa ako before workshop so dun ko gagawin yung may Barb. Kung sakaling hindi ko pa matapos, after workshop ko gawin, mga 1-2 hours pa, isama ko na rin doon yung paggawa ng thumbnail. Tapos sa umaga ng Monday, gagawin ko yung kay Randy (before 10pm dapat matapos ko siya). Kung may free time din pala ako throughout the day kailangan kong magbigay ng video sample kay AJ. Sa tanghali ngayon na rin ako mag-message sa boss ni Ate Hannah. Okay na. Sana magawa ko nalang lahat.

Gusto ko nang kinain ng Honey Stars na may gatas. Pero sige mamaya nalang. Magsusulat muna ko. Naalala ko di nanaman pala ako ng dinner. Pero nag-dinner din pala, technically, kasi kumain ako ng malaking burger kahapon ng hapon.

Medyo malungkot buhay ko no? Wala kasi akong tropang-tropa na nasasabihan ko ng lahat. Ang outlet ko lang talaga sa buhay ay ang sining. Kaya sabihin mo nang ma-drama ako, nakakagawa naman ako ng sining sa drama-drama ko. Minsan, hindi mo nga lang maiwasang isipin kung saan papunta lahat ng ito. Totoo ba yung statement na Huwag mo Pipilitin? Kaya lang hindi ko alam kung kailan yung signal na okay stop ka na Abby. Habang kaya ko pa, may determinasyon pa ko, tuloy lang ng tuloy.

Saan kaya ako papasok this school year no? Medyo kinakabahan din ako kasi kung saan man 'yan, malaki ang magiging epekto niyan sa next 4 years ng buhay ko. Wala naman talaga akong pakialam kung manuna mag-graduate mga ka-batch ko ng isang taon. Di ako nagmamadali. Minsan lang maging estudyante, samantalahin. Tsaka mahirap din mag-trabaho kung alam Lang nila. Ang masaya nga lang siyempre kumikita ka na kasi kaya nabibili mo na 'yung mga gusto mo.

Naririnig ko pa rin sa utak ko yung mga kanta ng Hadestown. Nakakaubos 'tong utak ko kapag na-hook sa kanta o sa isang palabas, uulit-ulitin niyang pakinggan yun o panoorin hanggang sa magsawa siya. Ngayon 'di pa rin ako nagsasawa. Ang ganda e. Minsan lang magalaw ulit yung puso ko.

Sa ngayon, ito pala ng naman mga nasa utak ko. Kung may sumagi man sa utak ko mamaya, ikuwento ko bukas ulit ng umaga. Kakain muna ako kasi nagugutom na talaga ako.

Hanggang sa muli, bukas ulit.

Pagmulat Sulat #3 - Marso 1, 2021 (Lunes)
Okay, hindi na talaga ako bagong gising ngayon. Sa totoo lang gabi na, pero ngayon ko palang sisimulan yung mga tambakan kong mga trabaho. Paano ba naman kasi, sobrang sakit ng ngipin ko. Tinutubuan na ako ng wisdom tooth. Wala sa timing hay, kung kailan kailangan ko ng complete focus. Anyways, nakatulog naman ako ng hapon ng mahaba-haba, ganoon kasi ako e, kapag may masakit itinutulog ko nalang. Physical o kahit emotional pain, wink wink. Sobrang nagpahinga lang ako ngayong araw. Kaninang umaga lang ako nagtrabaho kasi may mga hinahabol akong deadline kaya rin di ako nakadiretso agad sa laptop ko para magsulat, baka mawalan ako ng kliyente, hahaha.

Pero ito ako, nagsusulat pa rin kahit hindi na bagong gising, gusto ko lang ilabas lahat dito. Ngayong araw, wala mashadong ganap. Nanood lang ako ng mga meme, yung mga interview na nilalagyan ng autotune, tapos ginagawang kanta. Ang witty nga ng mga gumagawa n’on, sobrang ma-effort pa. Iyong isa ang title “Regardless of the Scoreboard” napaka-inspirational pa na maraming mga viewer ang natulungan sa anxiety at depression nila. Cool diba. Nakakatawa rin yung “Ain’t Nobody Got Time For That”, ang ganda ng pagkakagawa ng mga kantang meme, sobrang nakakahook, parang pwedeng pang-musical lol.

After ng ‘di ko pagka-move-on sa mga ‘yun, may mga bisita ulit kami. Context lang, mga pastor kasi mga magulang ko, kaya buhay na nila ang makipagkita sa mga tao, kaligayahan nila ‘yun. Ewan ko sa’kin, depende siguro sa pinag-uusapan namin ng bisita, kung puro lokohan at mga joke lang na nabanggit na rin noong huling pagkikita, parang medyo waste of time siya para sa akin. Hindi productive, sa palagay ko. Pero game ako sa mga lokohan, ‘wag lang paulit-ulit diba?

Dumating sila Kuya Abet, Ate Ayie, si Iya yung baby nila, si Jas (panganay nila) Kuya Marlon, at Ate Lala. Sinigang na Baka yung ulam, chicken wings, sushi, at marami pang iba. Wala lang talaga sa timing ‘tong pagtubo ng wisdom tooth ko. Sabi nga raw sa internet mga 3 buwan pa raw ito. Nakakaiyak, ganito ba mararamdaman ko madalas sa loob ng 3 buwan. Lord help me. Hahaha. Tapos ayun, nakipagkamustahan lang kami sa kanila ng mga kapatid ko, kasi ‘di ko sila sobrang ka-close pero mababait sila.

Biglaan ko lang naalala, noong nag-chat sa akin si Ate Junie, na may lifegroup pala kami. Lifegroup ‘yung ginagawa namin para sa spiritual life namin, ika nga nila. Bale nagkikita kami once a week, tapos kamustahan sa lahat ng mga aspect ng buhay, tapos inaaral namin yung tinuturo every last Wednesday. Pinag-usapan namin ngayon ay ‘yung patungkol sa YOLO mentality. Ito ‘yung nabubuhay ka sa ngayon, at hindi sa kinabukasan. Sabi ko sa kanila na positive naman sa akin minsan ang salitang YOLO kasi ginagamit ko naman siya para paghandaan ‘yung kinabukasan. Kunwari ako, hindi ako maluhong tao, hindi ako palabili ng make-up, sapatos, bag, o anumang ikagaganda ko. Mga necessity lang ‘yung mga binibili ko, tsaka mga bagay na investment para sa akin gaya ng kama, kobre kama, table, upuan, midi controller, condenser microphone, at iba pang pakiramdam ko makakatulong sa kinabukasan. Sinabi ko sa kanila na kung mayroon pagkakaroon ng YOLO mentality sa akin, ‘yun ay ang pagiging crammer ko. Pinaplano ko naman kung kailan ko gagawin, pero kung gawin ko isang bagsakan. Ngayon ko lang napagtantuan, na minsan maganda rin ‘yung unti-unti mong ginagawa ‘yung mga gawain mo kasi sa ganoong paraan hindi ka sobrang nabuburn-out. Okay, so ‘yun na nga rin ang ginagawa ko, at gagawin ko mamaya. Plus, masakit pa ‘tong ngipin ko so help me God.

Kung tatanungin niyo naman ako kung paano ba maging anak ng Pastor ng Born Again Christian na church, mahirap din siya sinasabi ko. ‘Yung mga magulang mo, mas may oras talaga sila para kausapin ‘yung ibang mga tao, pero at the end of the day maiintindihan mo nalang kasi way of service nila ‘yun kay God. Mas isipin ang iba kaysa sa mga sarili nila. Though, confession lang, hindi kami perfect family. Baka nga mas banal pa ‘yung ibang mga pamilya kaysa sa amin. Only by the grace of God lang talaga nakakapag-serve kami. Imagine mo kung di pa kami committed Chrisian, riot na. Hahahaha. Totoo. Maiksi temper ng nanay ko, na nakukuha ko rin kung minsan, at iniiwasan kong magaya. Si dad, medyo di magaling humawak ng pera yun. Like nahihirapan sila mag-budget, stuff like that. Pero diba, wala namang perpektong tao? We are all just aiming to be a better version of ourselves everyday and there’s nothing wrong with that. Doon tayo natututo, doon tayo lumalago bilang tao. Isa pang struggle ng pagiging isang anak ng pastor, kung nasaan sila, nandoon ka rin. Lumaki ako na may kasamang iba’t ibang mga tao sa iba’t ibang lugar. Name it. Bicol, Baguio, Mabate, Bacolod, at kung minsan pati sa ibang bansa gaya ng UK, Singapore, at US. Nakakapagod pre, yung pakiramdam na gusto mong pumasok sa school o kaya gusto mong maging homie, kaya lang minsan kailangan mo talagang pumunta. Lalo na noong bata pa ako. Aaminin ko, thankful din ako roon. ‘Di ako maarteng matulog kung saan man o kumain ng anuman dahil doon.

Naalala ko nga noong papunta kami sa Burias Island, isang virgin island sa may Masbate, nagbangka kami noon kaya lang dumaan pa siya sa kung saan-saang mga isla. Nakasakay kami noon sa bangka ng ala-una ng tanghali, tapat na tapat yung araw sa mga ulo namin, naka-scarf nalang kami. Nagsabog kasi ng mga bubong ang langit, katiting lang ang nakuha ng bangka naming iyon, ewan ko ba. Kung saan-saang isla kami nakarating, kung sino-sino rin ang kasama namin. Siguro mga nasa 20-30 seaters ‘yun. Gabi na, nakasandal lang ako sa pole ng bangka, at sinasabi ko, ang sarap ng tulog ko. Hahaha. Hindi lahat nakakagawa n’on. Nakarating kami sa Burias Island mga 11pm na ata kung hindi ako nagkakamali. Tapos ‘pag dating namin doon, islang-isla talaga siya, puro bahay lang. At nataong pagdating namin doon wala nang kuryente, pinapatay kasi ‘yung kuryente nila pagsapit ng 10pm. Naka-generator lang kasi ata sila. Ang sarap ng seafood doon. Naranasan kong kumain ng hilaw na malaking pusit na hinuli ng pastor roon. Nilagyan lang namin ng asin? Hindi na ako sigurado, o toyo ata? Tapos grabe, ang hirap nguyain hahaha. Pero ang saya kasi nagbonfire lang kami sa may tabing-dagat kasama ‘yung mga local doon tapos wala talagang ibang tao, kami lang. Kasi nga virgin nga. White sand pa roon, sabi ng isang pastor roon, doon daw kinukuha yung buhangin sa Boracay, pinapadala raw doon. Akalain mo ‘yun may pagka-peke pala ang Boracay? Kung hindi nag-mimission trip yung mga magulang ko, ‘di ko mararanasan ‘yung mga araw na iyon.

Isa pang karanasan, sa Bacolod. Mga 13 taong gulang ako noong una ako nakapunta rito. Talaga namang, ang una madalas ang pinakamasaya. May camp kasi sila roon at dahil unang beses lang namin doon, lahat naman ng treat at hospitality isinabog sa amin. Ang masaya para sa akin dito ay ‘yung marami kaming mga kasama. Mga taga-Manila na branch ng church, tapos kasama rin namin sa mga gala ‘yung mga taga-Bacolod. Sobrang vivid pa ng lahat sa akin. Kasama namin yung mga kapatid ko na hindi na madalang nang sumama ngayon dahil sa trabaho: Si Kuya Benjo at si Kuya Jayvee. Namimiss ko na rin kung paano kami dati. Para pa silang mga bata noon, lahat kami. May ikakasal din si Dad noon, sinasabay na, tapos one or two nights ata kami sa isang magandang resort doon. ‘Yung room namin saksakan ng kaliitan pero masaya ako na kumpleto kami noon, plus may swimming pool na maliit pero mahaba sa harap. Tuwang-tuwa na kami noon na may The Voice app sa Ipad ni Dad na na-download namin dahil may wifi roon. Pataasan kami ng score sa kantang “It’s Time” ng Imagine Dragons. Para tumaas kasi ang score doon kailangan nasa tono ka. E mataas ‘yung kanta, at babae ako, kaya ako ang nananalo. Habang nasa resort din kami patuloy pa rin ako sa pag-update ng fan account ko kay Janella Salvador na nakaka-1k followers na ata noon. Ugh, di ko alam kung bakit ako ganoon kalala maging fan, pero nagsimula ‘yun noon sa panonood ko ng “Be Careful With My Heart”.

Kaunting segway lang, “Be Careful With My Heart” yung teleseryeng kinaadikan ko noong mga 10 taong gulang palang ako. Ito ‘yung tipong pagkagaling ko sa school, dahil wala kaming internet noong mga panahon na iyon, didiretso agad ako sa computer shop, magbabayad ng 30 pesos para sa 2 oras na panonood ng mga na-miss kong mga episode. Naalala ko ‘yung website, PinoyTambayan ang pangalan. Malabo ang mga video, pero napagtitiisan ko. Gandang-ganda ako sa pagiging simple at natural ng teleserye na ‘yun. ‘Yun yung mga panahon na kinikilig ang buong sambayanan sa simpleng paghawak ni Sir Chief ng kamay ni Maya, o di kaya i-kiss lang si Maya sa cheeks nagtretrend na agad sa Twitter?! Ohmaygahd. Phenomenal talaga at sana maulit ‘yung mga ganoong mga teleserye na ang conflict ay talaga namang usual sa buhay gaya ng age-difference sa ka-partner, o ‘di kaya may disability ‘yung tao kaya kailangan siyang tulungan, o di kaya pera. Ewan ko, may mga ganoon din naman na conflict sa mga teleserye ngayon, pero ‘yung atake ng BCWMH very natural and realistic. Tsaka good vibes lang, kapit-bisig. Hahaha. Medyo na-cricringe pa rin ako sa pagiging sobrang fanatic ko noon na tao, pero di ko pinagsisisihan na nanood ako ng mga ganoon. Pakiramdam ko nakaapekto siya sa kung paano ko gusto isulat ‘yung mga kwento ko.

Hanggang sa mag-16 years old ako, nagbago na ‘yung mga hilig ko. Nahilig naman ako sa local indie music at films. Kaya from mainstream, nagka-view naman ako sa world ng indies. Para sa akin both mainstream and indie styles are okay, lagi namang tanong diyan ay kung anong part sa kanila ang nakarelate ang mga tao o nakatulong para maparating ‘yung mensahe sa mga tao. :)

Sa mga mission trip adventure ko at mga kuwento ng aking pagkabata, sa susunod ko na ulit ikukukuwento, hindi magkakasya itong gabi para ikuwento lahat. Walang edit ‘to, i-cocopy paste ko lang sa padlet, baka hindi ko rin ipabasa ‘yung mga sinusulat ko sa mga kakilala ko. Mabubunyag ako sa mga sekreto ko, hihi.

Hanggang sa muli, marami pang trabahong dapat gawin.

Reflections (February 28, 2021)
Grabe, tuwing may pinapa-activity, laging patungkol sa hindi ko natapos na kuwento 'yung naisusulat ko. Ganoon ko talaga siguro siyang dapat tapusin at pakawalan para hindi na ko parang aligaga lagi.

Challenging 'yung mga activity ngayon. Lesson din siguro sa akin na ihanda yung utak ko bago mag-workshop. Nataon lang na Linggo noon at galing ako sa maagang pag-aasikaso ng livestreaming ng church at pagtatrabaho pagkatapos.

Masaya ako na nahahamon na ulit ako sa pagsusulat. Na-refresh din sa akin 'yung  elements of a story, at saka yung format. Thankful ako na may mga sinend din sa group na formats for play, film, and, telenovelas. Hopefully ma-explore ko lahat ng mga 'yan kasi masaya naman talaga na sumubok ng bago.

Naalala ko rin 'yung sinabi ni Sir Ricky sa lesson ngayon, 'yung alamin mo muna at aralin 'yung rules, tapos kapag gamay mo na, saka mo siya guluhin, o saka ka maging experimental. Actually ito nga 'yung motto ko sa buhay: Learn the basics, then be an avant-garde.

Natuto rin ako ng sobra sa mga kuwento at mga comment ng teachers namin sa iba ko pang mga kaklase. 'Di man ako nakapagbahagi talaga ng kuwento ko, natututo ako sa pagkakamali ng iba. Nakikita ko na "ay parang kailangan ko rin i-improve 'yung ganiyan ko". Masaya siya, 'yung makikinig ka lang. Wow, na-practice ko na pala agad 'yung lesson noong Friday. Hahaha.

Looking forward sa next lesson at sana may biglang kakaibang ideya na sumagi sa utak ko. 'Yung tipong hindi ako patutulugin hangga't 'di ko pa naisasalin siya sa papel!

Mga dapat tandaan (note to myself): Learn the basics first, after that be an avant-garde. Ipahinga utak, puso, at katawan bago magsulat, ang pagsusulat ay parehong mental at physical activity. Tapusin mo na 'yang kuwento mo, para matahimik ka na. Hahaha.

Pagmulat Sulat #4 - Marso 2, 2021 (Martes)
Pagmulat Sulat #4 (Marso 2, 2021)

Nagbabalik nanaman ako. Good morning. Marami naman akong nagawa sa mga plano kong gawin kagabi pero as usual ‘pag kagising ko ang bumabati muli sa akin ay ang sandamakmak na revisions na lumabas sa notif ng phone ko. :) In fairness, masaya rin ako kasi every week may mga nag-rerecommend sa akin at may mga gustong kumuha sa akin. Sana kayanin ko pa. Gusto ko silang tulungan lahat pero gusto ko rin tulungan ‘yong sarili ko. Kailangan ko ba ng extra work? O baka kailangan ko rin kasi wala naman akong magawa sa bahay kapag wala akong trabaho. O baka mas kailangan ko ng oras sa iba pang mga bagay. Hindi ko rin alam. Pero kasi ‘pag mas marami akong trabaho, mas nabibili ko ‘yung kailangan ng pamilya ko, sa ngayon naman wala naman na akong gustong pag-ipunan, gusto ko lang mag-aral at gumawa. Masaya ako roon.

Pag-iisipan ko muna kung anong isasagot ko mamaya sa e-mail. Titimbangin ko muna kung kakayanin ko ba o baka kasi gusto nang mag-vacation mode ng katawan ko. Okay so 10:21am na, medyo late ako nagising, 1am something naman ako natulog, pero at least well-rested ako para sa panibagong araw. Panibagong araw na baka umulit lang din, o ulitin lang din ang kahapon. Minsan mapapaisip ka nalang, sana may mga kakaibang engkwentro sa araw na ito. Makakilala ng bago, makaranas ng bago, makakita ng bago, diba? Ako sa sarili ko gusto ko ‘yung unexpected at spontaneous. Kaya kunwari may gusto akong puntahan, gusto ko bigla-bigla nalang akong pupunta roon sa di inaasahang pagkakataon, tapos gagala-gala lang ako sa mga unfamiliar places.

Naalala ko dati nagawa ko pang gumala ng mag-isa sa may Intramuros. ‘Di ko talaga alam kung paano ‘yung pag-commute doon. Ang ginawa ko nag-search ako sa Google kung paano makakapunta roon gamit LRT 1 & 2 at saka jeep. Okay, so wala akong extra money noon, kung ‘di ako nagkakamali, gusto ko lang talagang mamasyal ng mag-isa. ‘Di ko maalala kung nag-museum ako noon, siguro hindi na kasi ang laki rin ng Intramuros. Paborito ko talagang lugar ‘yung bandang doon, kasi dikit-dikit lahat ng, paano ba i-describe ‘yun, historical places? Ang saya pumasok sa tatlong national museum, tahimik na, libreng aircon pa. Tapos minsan hindi mo naman talaga babasahin ‘yung mga nakasulat sa mga description ng bawat artwork, pero at some point nagsasalita ‘yung mga lumang mga painting at mga gamit sa akin. Favorite ko ‘yung National Museum of Anthropology. Iba ‘yung tama sa puso ko ng mga lumang bagay. Akalain mo, sa kanila taga-future na ako. Paano kaya ‘yung mga susunod na henerasyon pagkatapos ko no? Totoo kaya ‘yung sa mga futuristic o dystopian films? Na napupunuan na ng robots ang mundo, o di kaya sira na ang mundo kaya maghahanap na tayo ng ibang planeta, pwedeng sa galaxy na ito, o pwedeng sa iba pa. Gaano kaya kalawak ‘yung kalawakan? Ano kayang meron beyond sa galaxy natin? May iba kayang mga taong nabubuhay doon o kung hindi tao, kakaibang nilalang? Hindi ko mapigilang magtanong. Baka may isa pa palang mundo na kagaya natin, hindi lang natin alam kasi sa halip na mag-explore pa tayo, ang dami nating mga internal conflict na hanggang ngayon hirap pa rin tayong kalabanin. Paano pa kaya natin haharapin ‘yung mayroon sa outer space diba?

Minsan, parang naiisip ko, paano kaya mabuhay noon sa Intramuros? Noong mga panahon ng Kastila? Alam kong maraming deprived sa kalayaan noon, pero kahit isang araw lang ang ganda sigurong makitang malinis ‘yung ilog doon tapos maraming mga bangka. Sabi ng kuya ko, dapat nga raw sinasamantala natin na napapaligiran ‘yung bansa natin ng tubig. Imagine raw ‘yung mga ilog na mode of transportation, edi bawas traffic. Tapos kung maayos daw yung, ano ngang tawag doon sa tren na hindi LRT na nasa lupa, di ko maalala basta ‘yun yung tren na nakakapunta rin sa mga probinsya, hanggang Bicol daw ‘yun. Imagine mo kung maayos at mapapabilis pa ‘yun no. Balita ko ‘di na ginagamit yung mga railroad sa Quezon na nakikita ko tuwing umuuwi kami sa probinsya namin. Malamang sa malang pati rin sa Bicol. Paano kaya kung maayos ‘yung tren na ‘yun sabi ng kuya ko. Siguro hindi na natin kailangan magsiksikan dito sa Metro Manila. Baka umunlad pa ‘yung iba pang mga siyudad kasi di na nila kailangan na dito pa pumunta at mag-settle down. Baka makatulong din sa ekonomiya diba. Pakiramdam ko ang isa ring problema nating mga Pilipino ay ‘yung pagiging fixated natin sa kung paano i-sosolve yung problemang pang-ngayon lang. Bakit di natin gayahin ‘yung iba pang mga bansa na nag-iinvest sa mga ganito, gaya ng Japan sa mga tren nila. Kaya ang dali-dali ng transpo sa kanila. Ay nga pala, internal conflict. ‘Yung mga politiko nga natin hirap nang unahin yung bansa kaysa sa sarili nilang mga interest, maisipan pa kaya nilang maayos ‘yung tren?

Ang dami ko rin palang natutunan sa pakikinig sa mga kuya ko. Si Kuya Jayvee, palabasa ‘yun, so more on psychological and philosophical thoughts ang binabanggit niya. Ma-english din siya, in fact siya ‘yung may asawang Amerikana. Nag-stay din kasi siya sa US ng 6 months, for immersion ata? ‘Pag balik niya rito naging matured nang tao. Marami sa mga libro ko rito sa kuwarto, galing sa kaniya, kasi nagdedeclutter daw siya e. Kinuha ko ‘yung mga ilang mga classics tsaka mga fiction (mostly dystopian). Kapag nakikipag-usap siya madalas tungkol sa kung paano mag-handle ng pera ng maayos? At sa human behavior kung di ako nagkakamali.

Si Kuya Benjo naman, ma-political ‘tong tao. Pero hindi siya ‘yung tipong nag-rarally ganun. Hindi kami ganoong type e, pero sa social media active ‘tong lalaking to. Siguro siya ‘yung may pagka-YOLO. Medyo impulsive buyer, nangungutang para agad na bumili ng computer at motorsiklo (yung hindi scooter). Pero in fairness dito, nababayaran niya talaga pagkatapos ng ilang mga linggo. Gusto niyang manirahan, mag-stay for good sa Baler, Aurora. Magsusurf ata roon day and night kasama ng magiging asawa niya. Anyways, girlfriend pa lang niya si Ate Hannah, pero parang 4-5 years na ata sila. Long distance relationship e, gaya ng kay Kuya Jayvee at Ate Anna dati. Ito namang girlfriend ni Kuya Benjo taga-Singapore, gusto rin atang mag-stay for good sa Pilipinas. Ilang beses na rin akong nakapunta ng Singapore, sinasabi ko, pagkatapos ng isa o dalawang punta mo baka magsawa ka na mga tourist spot. Ang pinakagusto ko sa Singapore, ‘yung variety ng mga pagkain. Hindi ko nga lang natitikman lahat kasi medyo mahal doon, at medyo gipit kami. Hahaha. At least nakatungtong at nakatulog doon sa lugar.

Kaysa Singapore, o pagkatapos nalang ng Singapore, gusto ko dumiretso ng Malaysia at Thailand. Parang Pilipinas, pero may iba sa kanila syempre. Ayoko ng mashadong maayos, sa Singapore kasi parang pare-pareho yung mga itsura ng mga street at mga building. Natutuwa lang din ako sa tren nila, kaya mo nang pumunta kung saan mang lupalop ng bansa nila gamit lang ng isang card. Naalala ko noong bata pa ako kinakabisado ko pa yung pagkakasunod-sunod ng mga pangalan ng estasyon sa isang rail line. Dove, tapos ano nga bang susunod? O diba nakalimutan ko rin naman. Masaya ako sa mga pagsakay-sakay din. Minsan mas na-eenjoy ko ‘yun kaysa sa mismong destinasyong pinupuntahan namin. Last 3 years ago ata yung huling punta ko roon kasama ‘yung mga pinsan, pamangkin, at tita ko, dami ring ganap noon e in a span of one week. Hahaha.

Mas matagal kami sa Singapore noon tapos puro lakad lang kami, dahil medyo mahal din ang mga bilihin doon, hindi na kami nag-Universals ganun. Hay pero naalala ko noong una kong Universals sa Singapore kasama pamilya ko. Medyo ‘di masaya kasi parang nireregla nanay ko. Ewan ko pero sobrang iritang-irita siya noong araw na iyon sa hindi ko malaman na dahilan. Baka dahil sa menopause? Pero hanggang ngayon medyo ganoon pa rin siya, sinusumpong minsan. Ang tagal namang menopausal stage ‘nun. Okay, balik sa kuwento. Sa Hotel NuVe kami natulog, maliliit lang ‘yung mga room pero very comfy! Tsaka dala-dalawa lang kami kada kuwarto. Ang kasama ko sa kuwarto si Ate Jaleen. Noong bata ako si Ate Jaleen ‘yung pinakaka-close kong pinsan. Lagi kong kasama, ganiyan. Madalas kasi family outing noon. Ewan ko ngayon, hindi na. Tapos noong gabi nanood pa kami ng “Carrie”, ‘yung horror film, tapos takot na takot ako. Siya, ewan ko mahilig siya sa mga ganoon, parang si Rossa ‘yung kakwentuhan ko lagi sa mga film things.

Puro gala lang sa mga mall sa Singapore. Ang na-enjoy ko roon ay yung kumain kami sa mga Thai na kainan. O diba mura na masarap pa. At saka di ko alam yung mga pagkain pero may pagkahawig sa Filipino foods kaya hindi nakakapanibago. After ng Singapore nag-two days lang yata kami sa Malaysia. Pero para sa akin, ‘yung Malaysia ‘yung pinaka-memorable. Iisa lang ‘yung room namin sa hotel noon. Pero sobrang ganda at saka laki. Suite siya na may dalawang kuwarto, may living room, at kusina. Doon sa isang kuwarto, si lola at si Tita Marie, doon naman sa kabila, kaming lahat: Si Tita Aileen, si Josh, si Justin, ako, si Ate Grace, si Ate Jaleen, Ate Micy, at si Xave. Sa lahat naman ng matitipuan nilang laro ay ‘yung jelly beans! Nabili namin siya sa candy store sa Universals Studios (sa labas lang), naalala ko si lola nag-casino. Hahahaha. Funny ‘yun kasi mga Kristiyano kami, mostly. Okay, tapos ayoko talaga kumain ng mga ganoon, nakakasuka! Hahaha.

After ng gabing ‘yun, nag-bus tour kami. Alam mo kung pagandahan lang ng mall mapa-Malaysia o Singapore, mas maganda at saka malalaki sa Pilipinas. Ayan, so doon kami sa tuktok ng bus, medyo late kasi kami karating. Kaya mainit ang aming pagbibiyahe. Pero halos lahat nadaanan namin. Pagkatapos n’on may choice ka kasing bumaba sa isang tourist attraction tapos babalikan ka sa bus stop ng isa pa nilang bus. Bumaba kami sa Twin Towers, pero sa baba lang din naman kami. Hahaha. Mall lang din yung baba ng Twin Towers. Tapos naalala ko si lola may kausap pa na OFW ata. Ang kulit talaga ni lola mahilig makipag-usap sa kahit na kanino. Ayun, tapos pagkatapos ng Twin Towers, pumunta kami sa parang botanical garden na sobrang laki, mayroon din doon na parang garden na may mga ibon ata? Pero ‘pag punta namin doon sa bird garden ata ‘yun, hindi naman namin nakita ‘yung hinahanap namin. Hahaha. Lastly, sa temple kami pumunta, pero sa labas lang din, puro picture lang. Sa garden pala, kumain kami!~ Sa parang karinderya, sobrang mura, parang buffet kasi kukuha ka lang ng ulam mo tapos mamaya bayad kapag nasa hapag na lahat ng pagkain. Doon ako ulit nakatikim ng Teh Tarik, authentic milk tea!~ Nakikita ko kung paano siya ginagawa ng mga taga-roon ang bilis nila. Tapos nilalagay nila yung Teh Tarik sa plastic bag, na pwede mong ipatong at tumatayo siya ng mag-isa FYI. Hahaha. Masaya ako na kasama ko lang din ‘yung mga pinsan, sila tita, at si lola noon, at syempre ang makulit naming pamangking si Xave.

Okay bukas na ulit, naka-3 pages na ako. Baka di nanaman ako matapos sa kuwento ko.

Pagmulat Sulat #5 - Marso 3, 2021 (Miyerkules)
10:21 am na ngayon. Medyo late ako natulog kagabi e. Pero marami akong nagawa kagabi, kape lang pala ang katapat. Ang hina ko kasi sa kape. ⅓ kape, ⅔ fresh milk, tapos ‘di na ko makakatulog nito ng ilang mga oras. Kapag nasobrahan naman ako, ‘yung tipong puro ‘yung paiinom mo sa akin, baka hindi na talaga ako makatutulog sa araw na iyon. Minsan nag-cocontrol ako para hindi tumaas ‘yung tolerance ko at hindi ako makarami. Mga magulang ko kasi adik sa kape. Siguro walang araw na hindi nag-kape ‘yung mga iyon. Lalo na si Kuya Jayvee, puro iniinom n’on maraming cups pa. Kaya siguro hirap siya sa pagtulog. ‘Yung tipong mabilis siyang magising. Ako sa naranasan ko, sobrang bumibilis yung heartbeat ko na parang nakakapagod pero kahit anong higa o pahinga mo, hindi nawawala ‘yung mabilis na pagtibok ng puso mo. Ayoko ng gan’ong feeling.

Marami sa mga gagawin ko ngayon patungkol sa mga medyo challenging na mga video. Medyo kailangan kong maging experimental this time, unlike dati na same format lang. Kasi vlogs lang naman ng mga realtors ‘yun. This time, online na pagtatanghal na? Tsaka ‘yung isa medyo highclass editing ang kailangan sa vlog niya. Pag-aaralan ko muna kung paano gagawin para hindi masayang oras ko.

Kahapon pala, sobrang galang-gala na ako. Nang-aya ako bigla kila kuya Benjo (ibang Benjo), Ate Junie, at Rossa na umakyat sa Rizal, sa Mt. Binacayan o Mt. Pamitinan. Kasi panigurado naman mas less yung exposure sa COVID sa mga bundok. Bukod sa hiwa-hiwalay kayo, hindi lahat may tiyagang mamundok. Hahaha. 2 years ago ko pang gustong pumunta roon e. Noong may short film competition kasi sa school, naghahanap kami ng location, asa Batangas pa kami noon. Tapos nakita ko ‘tong lugar na ‘to sa phone ko. E kaya lang nag-settle down na lahat sa Batangas. Sayang, saktong-sakto pa naman sana ‘yung Mt. Pamitinan at Mt. Binacayan sa concept namin.

Ganito kasi ‘yung kuwento ni Mela, direktor namin sa pelikula na ito, gusto niya may pagka-Himala ‘yung story. ‘Yung kulto ganiyan tapos buntis din daw. So mapupunta raw ‘yung isang researcher sa isang bundok na may mga kulto, dito niya makikilala si Mater Luciana at saka ‘yung mga tauhan niya. Tapos sasali raw si Jeffrey, yung main character, sa kulto. Mamamatay ‘yung anak ni Mater, malalaglagan siya, which is going to be unexpected sa mga tauhan niya (ang alam ko ako ang nagdagdag nito para biglang may conflict), tapos ang ending kailangan na nilang lahat magpakamatay ng sabay-sabay sa ilog kasi namatay na ‘yung tagapagligtas nila, kailangan na nila siyang sundan sa kabilang mundo. Tatakbo si Jeffrey habang naglalakad sila pa-batis tapos hahabulin siya. Ang ending ata nila pag-uwi ni Jeffrey ‘yung nanay niya pinatay na ng mga taga-Kulto, tapos nandoon ‘yung mga taga-Kulto. Napaisip lang ako kung paano nila naunahan si Jeffrey at paano nila nalaman na taga roon siya, wala naman siyang binabanggit tungkol sa personal life niya. Siguro may something mystical sa kulto na ito?

Okay naman siya, kaya lang naisip ko, parang ‘di pa believable. Bakit sumali nalang bigla si Jeffrey sa mga taga-Kulto? Dahil lang curious siya? Hindi ba researcher siya ng mga ganoong type of organization, kaya dapat mas aware siya na hindi niya salihan ‘yun. Plus, nagdagdag din pala ako sa kuwento niya na parang habang naglalakad siya papunta sa bahay ng mga taga-kulto may makikita siyang naglalaba tapos maaalala niya ‘yung scene ng nanay niya na naglalaba, tapos sobrang religious na hindi na siya nagiging normal na bata na nakakapaglaro. Semi-abusive siguro, hindi sobra, pero meron, the way na parusahan s’ya dahil hindi lang nasusunod ‘yung mga religious tradition. Doon palang, dapat sobrang nagdududa na siya sa mga ganiyan. Sabi ko sa sarili ko, kailangan niya ng motivation to make that unprobable decision.

Ito naman ‘yung version ng kuwento ko na naisip namin overnight sa bahay ni Mela. Ganoon pa rin, researcher siya na pupunta sa Barrio para pag-aralan itong kulto na ito. Nilagyan ko siya ng context. Biglaan ko kasing nakita sa ICT (parang computer shop namin sa school lol) ‘yung picture ng Mt. Banahaw at Mt. Cristobal. Sabi ko sa kanila ang ganda n’on pwede i-incorporate. Base sa mga nakita kong mga article ang Mt. Banahaw daw ay itinuturing na Holy Mountain o Banal na Bundok, habang ang Mt. Cristobal naman ang devil’s mountain. Mag-iinsert ako ng pictures dito para mas ma-visualize ko lang din, at kung may babasa man nito. Kaya naisip ko, nasa Mt. Cristobal itong kulto na ito, tapos hindi sila makatawid sa Mt. Banahaw kasi wala pa ‘yung tagapagligtas nila. Kapag ipinanganak na ni Mater Luciana ‘yung anak niya (actually question din kung sino ama, hindi na rin pala naman na-itackle), doon sila makakatawid sa kabila. Kaya lang may makakalapit si Jeffrey na teenager na may sakit na lumaki na at pinalaki na ng mga taga-Kulto, ang pangalan niya ay Idale. Alam ni Idale na hindi na siya tatagal at baka hindi na niya maabutan pa ang tagapagligtas. Naniniwala kasi sila na gagaling ka kapag nakarating ka sa Mt. Banahaw, kahit na anong sakit, gagaling ka. Pinaniniwalaan din ito ni Idale. Iba si Idale, may iba sa kaniya, may something na bago sa kaniya. Hinikayat nito si Jeffrey na subukan lang na sumali sa grupo nila. At dahil napalapit na si Jeffrey kay Idale, at medyo naawa siya rito kasi nga may sakit, mananatili pa siya. Isang gabi, biglang mawawala si Idale. Pagising ni Jeffrey, hahanapin niya itong matalik niyang kaibigan, pero hindi na niya ito mahanap. Tinanong din Jeffrey ‘yung mga taga-Kulto pero parang patay malisya sila rito at wala silang mga pakeng hanapin o mag-alala man lang kay Idale. Noong umagang iyon, mababalitaan ding namatay ang tagapagligtas na ipinagbubuntis ni Mater Luciana. Kaya kailangan na nilang magpakamatay. Hindi pa alam ni Jeffrey ang mangyayari, pero habang naglalakad siya kasama ang mga taga-Kulto sa batis, nagsisimula na siya lalong magduda na hindi lang ordinaryong kulto ang napasok niya. Maaalala niya si Idale sa mga dinadaanan nila. Bigla siya tatakbo palayo, pero para sa mga taga-kulto, parte na siya ng pamilya, kailangan kasama siya sa ritual. Maghahabulan sa gubat, pero makakauwi rin si Jeffrey. Basta basically, noong papunta siya sa Mt. Cristobal, marami siyang mga tanong, na medyo masasagot ng mga mararanasan niya sa lugar na iyon.

Na-inlove talaga ako roon sa version namin. Marami kasing mga tanong na pwedeng mag-intrigue sa audience gaya ng: Saan napunta si Idale, nabuhay ba siya sa Mt. Banahaw? Nakarating ba talaga siya sa Mt. Banahaw? O baka namatay siya kasi di siya sumunod sa protocol, o baka rin ang mga taga-Kulto ang pumatay sa kaniya dahil nasira ‘yung plano nila. At kung titignan mo parang may kinalaman ‘yung ‘pag attempt o pagpunta ni Idale sa Mt. Banahaw, namatay ‘yung tagapaglitas. Sinadya ba iyon ni Mater Luciana, na ilaglag ang bata? O sadyang may something, may mysical connection sa dalawang event na iyon. Maraming mga tanong na hindi naman necessarily kailangang sagutin, pero something na magpapagana sa utak ng audience. Plus, ang nagustuhan ko rito, ay may context yung setting. Naka-base rin sa lugar, may kakaunting facts ka ring malalaman.

Dapat sa Mt. Banahaw kami magshoshoot, may inn kasi roon si Syra, yung production designer namin. Pero ang nangyari sa Batangas na kami kasi delikado raw sa Banahaw, maraming NPA ata at saka mga kulto talaga. Di ko alam, di ako sigurado.

Suggestion ko sa Mt. Pamitinan at Mt. Binacayan na sana. Una dahil malapit, sa Rizal lang, pwede kaming dumiretso at makapagshoot ng makatagal from school. Pangalawa, saktong-sakto sa hinahanap namin. Dalawang bundok na magkatabi (Cristobal at Banahaw) at may ilog. ‘Pag dinrone shot namin ‘yun, ewan ko nalang talaga. Kita pa ‘yung buong Wawa Dam, grabe, ganda n’on. May kuweba pa roon, at saka mga bangkang bamboo na pwedeng mag-add ng flavor sa cinematography namin.

Kaya lang ng paboto sa majority. 16 kaming lahat sa klase. Tapos pinakuwento ni direk sa akin sa harap ‘yung version ko. That time, aminado ako ‘di ako magaling magsalita at wala rin akong charisma, nakikita ko habang nagkukukuwento ako na parang di nila naiintindihan, nabigla lang din ako na kailangan ko palang ikuwento that day. Sana pala nagpapowerpoint ako para mas ma-visualize nila lahat. Ako ‘yung unang pinagsalita. Tapos kinuwento niya na ‘yung sa kaniya na mas simplified version, pero para sa akin medyo kailangan pang gawing believable. Sabi niya, mga 15-20 minutes lang kasi dapat ‘yung film, baka di raw magkasya sa time. Sabi niya gusto niya ‘yung concept ko pero kulang sa time. “Ano ba palagay niyo guys?” parnag ganun, di ko maalala ‘yung exact words. Nagtaasan sila sa simplified version ni direk.

Medyo frustrating ‘yun sa akin kasi I worked hard to make the story more flavorful and convincing. It’s actually fine with me, naaksayahan lang ako. Kasi may saying nga na “Kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging mayroong paraan”. Anong mas pipiliin mo, film na simplied yung story, pero may kulang naman, o film na nakakasakit ng ulo sa dami ng naisiksik sa loob ng ilang mga minuto pero malaman?

Ngayon ko lang napagtantuan na, we can actually make it work. Pwedeng ang simula ng eksena, nasa mismong kulto sa si Jeffrey. Ilang araw na siya roon, kaunting glimpse lang o kahit wala na ng nangyari before, pwedeng di na pahabain ‘yung parts na iyon. Pakiramdam ko talaga, puwede siyang mag-work. Kasi sa film na nagawa namin puro ritual ganiyan tapos takutan. Parang doon naubos ‘yung oras. Ewan ko ba. 3rd place naman kami sa buong Senior High, tapos panalo naman ‘yung film poster ko, 2 consecutive times na, hehe. :)

Excited na akong mag-shoot kami ni Rossa roon. Gagawa siguro muna kami ng kuwento tapos ‘yung mga kasama namin gagawin naming artista. Hahaha. Trip lang, para mailabas lang namin ‘yung gusto namin ilabas.

Okay, hinto na muna ako, may work pa. Lagi naman.

Hanggang sa muli.

Pagmulat Sulat #6 (Marso 4, 2021) - Huwebes
Nagsusulat na ulit ako ng gabi. Kasalukuyan akong may ni-rerender na video. Hay salamat natapos ko na rin. Tambakan na ‘yung mga trabaho, pakiramdam ko pati sa weekends di na ko makakapagpahinga. Nakakapagod din na humarap sa computer araw-araw. Ramdam ko na nga ‘yung pagod at sakit na dinadanas ng mga kamay ko e. Hindi ko sobrang nagagamit yung katawan ko, walang exercise. Pinakanagagamit ko: Kamay, Mata, at Tenga ko. At pagod na silang tatlo. Isang linggo ba naman silang walang tigil sa kakagalaw, ewan ko nalang.

Nagsabay-sabay lahat. Iniisip ko pa rin kung paano ako gaganahan pang mag-trabaho. Nakaka-urat kasing maging video editor, ang lagi mong kaharap yung screen, at madalas wala ka ring freedom na i-express ‘yung sarili mo kasi sumusunod ka lang sa mga demand ng mga kliyente mo. Ohmaygash. Pero tinutuloy ko pa rin. Mapalad daw ako sabi ni kuya na kahit ‘di pa ako nag-cocollege mas nalalamangan ko pa sweldo niya, haha. Ganoon talaga kapag nagtatrabaho ka para sa mga foreigner. Kasi naranasan ko nang mag-trabaho para sa isang kumpanya rito sa Pilipinas, actually more like organization siya. Tapos ang nangyari, ‘yung one week na sinweldo ko sa kanila, as in whole day every day minsan pati weekends, kaya ko kitain ng 4 na oras sa pagtatrabaho ko para sa mga foreigner. Sobrang demanding, underpaid ka naman. Maraming ganito e, alam ko, kahit kapag writer ka, narinig ko sa kuwento ni Antoinette Jadaone ‘yung nagsisimula pa lang siya. Mga 40 something k for the whole project, mga 6 months ‘yun. So kailangan din niyang rumaket. Dito ko napagtantuan na kapag artista ka pala, kung gusto mo mabuhay sa passion mo, kailangan madiskarte ka rin. Kasi kung hindi, baka magutom ka at saka ‘yung pamilya mo. Kung nagpatuloy ako sa pagiging estudyante ngayong taon at ‘di ko naranasang magtrabaho, di ko masasabi ‘tong mga ‘to.

Sa totoo lang, pagod na ‘tong mga daliri ko para mag-type. At hindi na rin ako bagong gising pero natulog ako ng hapon at uminom ng kape (na maraming fresh milk syempre) para makapagtrabaho ako ng maayos ngayon. Masaya naman ako, na kahit papaano may natapos ako.

Kanina pala, halimaw ‘yung voice class ko. Ang taas ng kanta, at aminado akong kailangan ko ‘pang matutunang mag-headtone at saka ‘yung articulation ko. ‘Yung pakiramdam na nangangapa ka, hindi mo malaman kung anong iisipin mo, ‘yung breathing mo, articulation mo, grabe pinaulit-ulit ako ng teacher ko kanina. Hahaha. ¾ din yung time signature, ‘yung parang sa mga kundiman, pero Espanyol ‘to, which makes sense kasi na-colonize nila tayo ng matagal. Pati timing sa pagbigkas ng mga salita mahirap! Hahaha. ‘Yung kinanta ko “Breathe” ng In The Heights, sa panunulat ni Lin Manuel Miranda. Ang taas talaga sa bandang pa-dulo ‘yung tipong napipiyok ako, kasi nga di ko pa gamay mag-headtone pero i-prapractice ko talaga ‘to para naman sa kawawa kong lalamunan. Ang dami ko pa palang hindi alam sa pagkanta kahit na bata palang kumakanta na ko sa videoke kasama tatay ko, wink wink. Kailangan nga talagang alam mo ‘yung right way of doing things para hindi masayang mga oras ng pag-eensayo mo.

Okay, na-send ko na sa kliyente ko ‘yung first draft ng video. For sure, maraming iparerevise pa ‘yun pero masaya ako na makakahinga ako ng kahit na kakaunti kasi natapos ko na s’ya. Ako nalang din ata gising sa bahay, at baka early morning na ko matulog kasi mas trip ko magsulat kapag madaling araw. Maraming pumapasok na mga ideya, wala kasing mga istorbo, o kahit na anong ingay. Bigla mo nalang makikita ‘yung sarili mong nag-dadaydream. Kahit kapag gumagawa ako ng mga kanta, tuwing madaling araw ako effective. Mas nagiging totoo at vulnerable ako kasi walang makakarinig sa akin o biglang makakakita sa akin.

Hindi ko pa rin alam kung Theater Arts ang kukunin ko sa college ngayong pasukan. To be honest, balak ko talagang mag-fine arts, pero last year, ayaw ng fine arts sa akin kahit na buong high school life ko mas binuhos ko sa pag-aaral ng visual arts. Ngayong taon na hindi ako pumasok sa paaralan, napagtantuan ko na parang hindi ko na-iimagine ‘yung sarili ko na guguhit at gagawa ng visual art every single day. Oo, masaya ako gumuhit, pero parang hindi ako sobrang saya na gawin siyang pang-araw-araw na trabaho. Mas naging extrovert kasi ako this year e. Weirdly, kung kailan nasa bahay lang, doon kumapal mukha ko. Doon din tumaas confidence at tiwala ko sa sarili ko. Iba na ‘yung pakiramdam ko ngayon, parang gagawin ko lahat ng makakaya ko, kung ano ‘yung dumaan sa life, tatanggapin ko, ayon man sa plano ko o hindi. Wildest dream ko lang na mag-teatro dahil buong high school life ko saksakan ako ng pagiging mahiyain, as in. Pero sa kabila noon, very attentive ako sa details. Sa naririnig ko, nakikita, at nararamdaman ko. Tapos noong nag-grade 12 ako at naging student leader ako, ayun na, tinanggap ko lang lahat ng hamon. Sabi ko sa sarili ko kung hindi ko gagawin kailan pa? Kung hindi mo susubukan anong mangyayari sa buhay mo? Kaya lahat ng kakapalan unti-unti ko nang inilabas. Tapos ngayong pandemic pa ang dami kong mga nakilala. Mula sa workshop ni Sir Ricky, mga workshop ng PETA, pag-volunteer ko sa mga event ng mga UPD Theatre Arts Students, grabe. At di ako nagsisisi. In a span of 7 months ang dami kong nakilala, natuto ako sa maraming mga tao. Paano nalang kung pumasok ako this year diba? Baka hindi ko na sila nakilala. Baka hindi ko na lahat ‘to naranasan. May dahilan pala talaga si God sa lahat. Buti nalang at nagising ako sa ideal path na nilalatag ko sa sarili ko. Ang tanong ko nalang kung i-pupursue ko ba ang theatre arts. Sabi nila mahirap daw magkaroon ng trabaho roon dahil medyo marami kang kakumpitensya, pero naisip ko nakakapagtrabaho na naman ako bilang editor, at least naaaral ko at nagagawa ko ‘yung gusto kong gawin. Bakit theatre arts? Multipotentialite kasi ako e. Lahat ng mga interest ko pasok sa Theatre Arts: Visual arts, writing, directing, acting, singing, medyo sa dancing (nakaka-appreciate lang ako pero hindi ako dancer) hahaha. Mas tumatapang at nagiging mas pursigido pa ako dahil sa teatro. Aware ako na nakakapagod sa teatro, e kaysa naman umupo ako buong mag-araw para mag-edit lang di ba? Hahaha. Kung uupo man ako ng matagal, mas pipiliin ko pa magsulat, nag-eexercise ‘yung utak ko ng todo.

At syempre hindi lang na sa akin ang desisyon. Na kay teatro rin, kung tatanggapin niya ako. Wala akong lovelife e, passion ko nalang lovelife ko hahaha. Kung hindi, okay lang, patuloy ko pa rin siyang mamahalin mula sa malayo, char. Pero kung tanggapin man niya ako, magpupursige pa ako na makilala at matutunan pa kung sino siya.

Minsan dahil marami akong gustong gawin sa buhay, at dahil ang lovelife ko ay ang aking mga passion, madalas pala wala akong social life. Like ‘yung mga ka-close talaga na laging kausap tungkol sa personal life every week. Well recently merong isa, si Rossa. Magkatrip kami n’on sa mga bagay, except sa genre na gusto namin. Gayunpaman, bukas na bukas naman kami sa mga new idea and mga opinion na ipinapasa namin sa isa’t isa. ‘Yun yung gusto ko sa kaibigan kong ito, kahit na hindi laging magkita o magkausap, ‘pag nag-usap kami parang kahapon lang din. Walang mga demand na dapat magkita kami, mag-usap lagi, kung kailan lang pakiramdam namin may mai-shashare kami, doon kami nag-uusap. At dahil pareho kami ng passion, talaga namang madalas kami mag-usap. Kakakuwento ko nga lang sa kaniya tungkol sa mga crush ko na part ng film at theater industry dito sa Pinas. Sobrang lungkot ko kasi lagi akong nagkakagusto sa mga bading. :( Hindi ko man lang na-rerealize na lalaki pala type nila. Ayun na nga, yung mga ganoong topic hahaha. Tinatawanan namin ‘yun sa chat.

Antok na ko, pero gusto ko ring magsulat. Kapag nagsusulat lang ako rito, ‘yun lang ‘yung mga oras na nagiging malaya ako sa sarili ko. Nasasabi ko kung anong gusto kong sabihin, no buts no ifs.

Nakakapagod, pero worth it naman kasi kapag mas lalo akong nahihirapan mas lalo akong natututo, at kumikita. Hahaha.

Excited na ako sa mga matutunan ko pa sa writing workshop, voice class, sa mga trabaho ko, at volunteer work ko. Sana kayanin ko. Kailangang kayanin para sa iba at para sa sarili :) Sinasamantala ko na habang di pa ko pumapasok. Iba na kasi kapag pumasok na ko e. Di ko na talaga hawak oras ko. May schedule na akong sinusunod.

Bukas, magsusulat pa ulit ako. Tapos mag-eedit ng lahat ng video ni Susan, sisimulan ko na ‘yung sample video para sa Entablado 3, aaralin pa ulit ‘yung kanta, at sa Sabado, tatapusin ko na lahat ng sample video at graphics ng SocialFin para sa Sunday, kahit papaano makapagpahinga ako.

Galingan mo Abby, kaya mo yan.

Hanggang sa muli.

Pagmulat Sulat #7 (Marso 5, 2021) - Biyernes
Medyo tanghali na ko nagising. 10:32AM. Bale kaninang madaling araw natapos ko ‘yung mga kailangan ko gawin. Medyo nakapagsulat din ako. Sa umpisa naglagay din ako ng mga what ifs. Tapos doon ako nagsulat noong wala na akong maisip sa what if. Effective naman kasi sinala ko muna kung ano sa palagay ko ‘yung workable na gawin.

Gustong-gusto ko na talaga lumabas. Hindi ako mahilig sa mga mall ganiyan, pero minsan feel ko na pumunta sa mga mall, pero usually ang hilig ko talaga mga museum, mga historical landmark, o di kaya nature. Halata namang di ko active na tao physically, pero gustong-gusto kong umakyat, mapagod sa paglalakad, pulikatin, kasi ang daming nabubuong memories tuwing naglalakad ako kasama mga kapatid o mga kaibigan ko. Iba ring pakiramdam ‘yung mapuntahan mo ‘yung destinasyon mo sa paglalakad. Minsan ka parang iniisip kong manirahan nalang sa probinsya e. Laking Maynila kasi ako. ‘Yung nanay ko taga-Quezon, pero malapit na ‘yung probinsya namin doon sa siyudad e. Kaya hindi siya probinsyang-probinsya. Tatay ko naman, Bicolano, pero hindi pa talaga nakapupunta sa Catanduanes, kung mayroon man, isang beses lang. Kaya malaking parte sa kaloob-looban ko na gustong makaranas ng provincial life. Alam mo ako, basta may seafood, isda, kahit na ano, maligaya na ko. At naisip ko posible kasi siya base sa mga nagiging trabaho ko. Work from home naman ako, freelance pa, basta malakas-lakas ‘yung signal, pwede na akong magtrabaho sa ibang lugar.

Dati ko pang gustong mag-Baguio. Di lang natuloy ‘yung pag-aaral ko roon. Ready na sana lahat e. Naghahanap na nga ako ng room for rent, ang ganda pa ng nakita ko. Tapos nakita ko hindi naman sobrang mahal na mahal ‘yung gastusin doon. Inlove na inlove ako sa Baguio, pati na rin sa iba pang mga probinsya sa Cordillera. Pero kung gusto mo pa ring may reach ka sa city life, maganda mag-Baguio. Ang saya ng mga gabi roon, parang buhay, parang maraming taong di natutulog ‘pag gabi. At saka ‘yung lamig kasi, parang may kilig na dinadala sa’yo tuwing umaga o gabi. Parang excited ka na ‘di mo malaman, pareho sa kapag unang dumadampi sa’yo ‘yung malamig na tubig ‘pag umaga. Kaya medyo masakit din noong di natuloy.

Gusto kong maging independent bago man ako magkaasawa. Wow, iniisip na agad ‘yun e no. Gusto kasi ng mga magulang ko, sa kanila ako titira, tapos kapag nagkaasawa ako, roon lang ako hihiwalay. Hindi naman sa ayaw ko silang makasama. Pero ayokong dumating ‘yung time na maisip ko na hindi ko man lang naranasang mapag-isa at mga independent. Hindi nila maintindihan. Pinapaliwanag namin ni kuya, nanay kasi namin. Mga 16 pa nga lang ata nag-aral nang mag-isa rito sa Maynila. Nag-dorm ganiyan. Kaya noong nag-asawa siya ng 24, lahat ng pag-iisa nagawa na niya. Same kay dad, yung parents ni dad, sobrang busy sa kanilang business, kaya para rin siyang may sariling buhay noon.

Alam ko namang ma-hohomesick ako e. Pero alam kong makakaranas ako ng mga bago kapag umalis ako sa nakasanayan kong tirhan. Baka may mga karanasan pa akong pwedeng maranasan doon, mga opportunity, mga taong pwedeng makilala, kaya lang napipigilan kasi nasa iisang lugar lang ako.

Tignan natin. Basta kung sakaling dumating ‘yung opportunity gusto ko sanang kunin.

Medyo gutom na ako ngayon. Mga 4-5 hours lang din ang tulog ko. Baka umidlip ulit ako mamaya para gumana ‘tong utak ko habang nagwoworkshop. Dahil urat na urat na ako at pagod, laging sumasagi sa isip ko na magde-stress sa Rizal, kaya lang di ko alam kung kaian ako pupuwede at kung kailan pupuwede ‘yung mga gusto ko isama. Natutuwa lang din ako, na hindi ko na kailangang humingi sa mga magulang ko tuwing may gusto akong gawin. Kumbaga, hindi na rin ako nagiging pabigat sa maraming gastusin nila. At madalas pa nakakatulong na ako. Hindi nila ma-treat minsan ‘yung mga sarili nila ng takeout foods kasi minsan walang pera, pero ngayon nagagawa ko na silang malibre.

March 5 na pala. Malapit nang mag-16th. 25 years na pala matapos ‘yung Ozone Disco Tragedy. Gustong-gusto ko talaga ito isulat. Kasi ka-edaran ko ‘yung mga biktima roon e. Naiisip ko nalang, ano kayang gagawin ko kung ako ‘yung nasa sitwasyon nila? Kung sakaling mamatay man ako roon, nagawa ko na ba ‘yung gusto kong gawin? Nagawa ko na ba yung purpose ko sa buhay at sa mundo? ‘Yung pakiramdam na nag-aral ka buong buhay mo, ilang taon ‘yun, tapos mauuwi lang sa wala. Ni hindi mo man lang magagamit ‘yung pinatrabahuhan mo. Ni di mo man lang makikitang natutupad ‘yung mga pangarap mo, o di kaya’y magkaasawa at magkaanak. Minsan ang sakit isipin. Tuwing nasa Tomas Morato kami, gustong-gustong kong dinadaanan ‘yung GoodAh doon. Pero hindi pa ako nagtatangkang pumasok. Tinitignan ko lang siya mula sa malayo. Minsan surreal pa rin na may mga nangyari roon at parte nalang ‘yun ng nakaraan. Paano kaya ako no? Balang araw parte na rin ako ng nakaraan. May makakaalala kaya sa akin? Di ko rin alam. Di ko rin alam kung nag-mamatter pa ‘yun kasi patay na ko n’on.

Actually hindi ko pa talaga napapanood ‘yung Ang Huling El Bimbo noong sinusulat ko ‘yung Dagitab: Isang Daan at Animnapu’t Dalawa. Noong napanood ko ‘yung Ang Huling El Bimbo sa YouTube noong pandemic, grabe pala, malaki ‘yung pagkakahawig. Siguro dahil parehong mga kabataan ‘yung mga tauhan. Nagkakaiba rin naman sa conflict. Pagkaka-rape kay Ligaya ang conflict doon, tapos walang ginawa ‘yung mga ka-tropa niya. Sa amin naman syempre ‘yung Ozone Disco Tragedy, pero more than that, may isang character kasing nang-aya na pumunta sa disco bilang celebration ng kanilang graduation. May freshman (pinakabata sa tropa) na character, may ate siya (kapatid) at pinakakaclose siya sa grupo (‘yung nang-aya sa disco). Unfortunately, nauna itong bata sa disco, tapos ‘yung kaclose niya lumabas para bumili ng yosi (medyo mga fact to, nangyari talaga ‘yung may nagyosi kaya di nadamay, mayroon din talagang magkapatid pero ang alam ko mga 15 at 16 lang sila). So masakit talaga noong ang namatay pa ay itong bata sa tropa nila. At saka gusto ipakita ‘yung mabagal na hustisya rito sa Pilipinas dahil 18 years bago nila nakamit ‘yung hustisya (wala kasing fire exit at paloob pa yung pagbukas ng pintuan, pero kung hindi ganoon, baka maraming nakaligtas). Gusto ko ring ipakita na it takes time bago humliom ‘yung mga sugat. Yes, nandoon pa rin siya, somehow nababawasan lang kapag unti-unti mo nang natatanggap. At syempre may mga kaniya-kaniya rin lovelife ang mga characters doon, pero hindi lahat. May mag-syota roon, matagal na, pero hirap sa commitment ‘yung lalaki, ‘yung babae naman may pagka-controlling at gusto laging nasusunod ‘yung mga bagay sa mga ideal niya. May dalawa namang magkababata. ‘Yung ate ni Majoy (yung bata) na ang pangalan ay Maanne, at saka si Emi, high school palang classmate na itong dalawa. Love and hate relationship sila. Si Emi hirap na aminin na gusto pa rin niya si Maanne (naging MU yung dalawa noong high school kaya lang sinabi ni Maanne na gusto niyang mag-focus sa studies), ang conflict nga lang biglang magkakaboyfriend si Maanne ng guwapo. Which is kind of unfair kay Emi, na naghintay, kaya lang hindi naman kasi alam ni Maanne na may gusto pa rin to sa kaniya. Sa mag-syota rin pala, si Ysabelle (yung controlling) medyo makikita rin ‘yung side ng mga Pilipinong gustong mangibang bansa to live a better and more comfortable lives. Gusto ko lang din sabihin na hindi mo rin sila pwede sisihin kasi sa ibang bansa mas nabibigyan sila ng opportunity na sundin ‘yung mga pangarap nila. Unlike dito sa bansa natin, hindi laging ganoon ang case. Minsan pa underpaid ka, lalo na sa sining, pero ay ilang mga kumikita talaga sa sining dito sa Pinas, so hindi ko siya nilalahat. Si Kurt naman, simpleng buhay lang ang gusto sa buhay. Si Rachel, mayaman pero ayaw na sumunod lang sa yapak ng mga magulang niya. Si Maanne, gusto maging lawyer dahil sa nangyari sa tatay niya (massacre sa Nueva Ecija ng mga magsasaka), na eventually magagamit niya for dealing with the ODT case. Si Emi, hopeless romantic ito, kay Maanne na umikot ang buhay pati sa pagpili niya ng course niya. Eventually magiging high school teacher ito sa Nueva Ecija o sa Australia, pinag-iisipan ko pa kung saan sa dalawa. Mapagtatantuan ni Emi na mahalagang natutulungan at naipapass-on na niya ‘yung pagiging hindi niya bulag sa mga kabataan. Lastly, si Majoy, yung namatay nang bata, sobrang idealistic niya in a good way. Talented at sobrang desidido na i-pursue ‘yung passion niya sa music. Nagkakilala pala ‘tong mga ito dahil nasa iisang music org sila ng university.

Tuwing sinusula ko ‘tong kuwento, may ilan palang mga ideya ng mga kaklase ko, kumuha rin ako ng mga insight nila, tuwing sinusulat ko na ulit siya nagiging iba siya. Parang kumbaga isang iskrip na maraming bersyon. Natutuwa rin ako kasi kahit papaano na-eexplore ko kung paano siya ikukuwento. Ito nga pala yung isa sa mga kuwento kong di ko pa mapakawalan kaya napapaisip ako lagi. Binabagabag ako nito lagi. Kaya alam kong kailangang tapusin ko na siyang isulat. Maitanghal man o hindi. May kahawig man o wala.

Okay, hindi ko man gustong aminin, pero nakikita-kita kong mahilig talaga ako sa romance na genre. Hahaha. Pero ayoko ng pure romance lang, gusto ko nahahaluan siya ng contemporary issues. Kasi kung hindi, nauumay ako. Kunwari nanonood ako ng pelikula, puro skip ang abot niyan sa akin. Minsan nga kapag nanonood ako ng mga pelikulang predictable na ‘yung ending, like yung usual na okay magkakatuluyan pa rin sa huli, wala mashadong ganap sa process para maging sila, or di sapat yung conflict, literal skiniskip ko mula umpisa papunta sa ending. Ayoko rin kasi mag-ubos ng oras sa hindi worth it na pelikula o series. Marami rin kasi akong ginagawa. Hahaha.

Basta in short ayoko ng walang context na mga istorya. Dapat at some point may social relevance para may maiimbag naman sa bansa natin. Kaya rin siguro mahirap magsulat ng dystopian dito sa Pilipinas, kasi ma-utopian tayong mga Pilipino. Okay lang tayo masaktan (in terms of love) pero ayaw nating na-didisturb tayo. May ilan lang sa katotohanang tinatanggap tayo, ‘yung iba, it’s the same story lang. Kaya history repeats itself ika nga. That’s why I love learning and reflecting about what is in the past. It helps us to be better versions of ourselves and to appreciate what we have. Dystopian films naman give us more fear, since na-visualize na natin ‘yung pwedeng mangyari sa future, iiwasan na natin siya. Kunwari ‘pag may nagsabing maraming naaksidente sa daan na ‘yun, maraming iiwas na dumaan sa daan na ‘yun kasi takot sila sa pwedeng mangyaring masama. Parang ganun yung mga dystopian. Parang mga babala sa buhay.

Ito ‘yung ilan sa mga gusto kong i-explore na genre. Sa uulitin na ulit marami pa kong isusulat at gagawin hehe. Byeeee~

Dejavu

Kumusta ako as a scene

Magsasalita Ako (A Dystopian Monologue)

Directions

Pagmulat Sulat #8 - Marso 6, 2020 (Sabado)
Gabi na ulit ako nakapag-sulat ngayon. Sobrang nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Actually napagod talaga ako roon sa voice class kasi nakatayo na ko tapos semi-arte na. Pero mas effective pala ‘pag nakatayo kaysa nakaupo, parang mas madaling kumanta. Tapos ayun nag-breathing exercise kami kanina. Last session kasi, noong Tuesday, parang, parang lang naman, nawawalan na ng pasensya ‘yung teacher ko. Minsan kasi may mga panahon na ‘pag pagod yung utak ko, walang nag-reregister na idea. So in short, medyo lumulutang, matagal bago ko makuha. Ni-record ko naman (audio lang) ‘yung session namin para mabalikan ko ‘yung kailangan kong ayusin. Pero iba ‘yung kanina hahaha. Laughtrip naman. Alam mo ‘yung kapag kumakanta ka, tapos alam mo na nagkamali ka na ng sinabi o ginawa kaya lang kailangan mo ipagpatuloy ‘yung ginagawa mo. Ayun, pinakanakakatawa ‘yung kapag sinasabi ko raw yung “remember” na salita. Na papahaba ‘yung m kaysa sa e. Sabi niya very filipino raw, tapos kinanta niya ‘yung mga kinakanta nila Manny na “remember me” hahaha. Tawang-tawa ako roon at saka sa sarili ko. Kahit pagkatapos ng session pinapractice ko pa rin ‘yung pagbigkas. Articulation at saka breathing ‘yung kailangan kong i-work on talaga. I’m getting there, step by step naman ‘yan.

Ewan ko rin sa kliyente ko, maya’t maya ‘yung tanong sa kung ano ‘yung end screen. Pang-apat na beses ko na atang na-explain sa kaniya. Pagkatapos ng ilang mga linggo lagi niyang tatanungin ulit at ilalagay sa mga revision n’ya. Hay, nakakapagod din.

Tapos nagkameeting din kanina para sa Entablado 3, ay pero parang rehearsal pala ‘yun. Pinasama ako ni direk para makita ko raw itsura para raw mas madali kapag ineedit ko na. ‘Yung part namin, mga less than 10 minutes lang ‘yun, tungkol siya sa pagiging baliw sa art at sa mga kumukutsa rito. Basically, doon talaga siya umiikot. Kakagaling ko lang ng voice class noong oras na ‘yun kaya antok na antok ako. Habang nagrerehearse sila ng paulit-ulit ieedit at nirerevise ko ‘yung mga video ng kliyente ko na pinag-iisipan ko na kung pakakawalan ko na. Medyo nahihirapan na akong katrabaho itong kliyente ko. Walang tapos na revisions. Akala ko tapos na dahil 2-3 months na natapos ‘yung isang video na ‘yun, tapos bigla niyang babalikan. Nakaka-urat promise. By hour kasi bayad ko kaya hindi rin talaga advantage sa akin ‘yung may milyong mga revision kasi nag-uubos din ako ng oras sa paghahanap ng file na matagal ko nang kinalimutan dahil akala ko tapos na.

Hanggang ngayon, wala talaga akong social life. Like ‘yung may mga kaibigan talagang kakuwentuhan. Si Rossa lang talaga. Kapag may biglaang kahihiyan na nangyari sa akin, o maganda, o masama, sa kaniya ko agad sinasabi. Hindi kasi siya judgemental, pero hindi rin siya nangungunsinti. Tama ba ‘yung word ko? Ewan ko rin, minsan kasi may mga pinaghahalo-halo akong salita, lalo na noong bata-bata pa ako. Naalala ko sinasabi ko ‘yung word na sinaluma, hahaha. Makaluma plus sinauna. Kaya ayan, lagi ko ring nireremind sarili ko tungkol dito.

Kakaiba itong oras na ito. Parang wala akong masulat mashado. Natulog naman ako ng hapon hanggang gabi. In fact, kakakain ko lang din. May kakaunting pakiramdam sa loob ko na parang paulit-ulit lang ‘tong buhay ko. Parang may longing na makaranas ng bago, makakilala ng kaibigan, makapunta sa lugar na di ko pa napupuntahan. Gusto ko huminga. Gusto ko kumawala. Gusto kong may isang araw na hindi ko kailangang humarap sa screen ng computer ko. ‘Yung tipong wala akong pinoproblema. Wala akong iniisip na iba. Malaya akong kumain at matulog kung kailan ko gusto. Malaya ako manood ng netflix film o series na gusto ko. Malaya akong pumunta sa probinsya anytime I want. Malaya akong magbasa lang buong araw at uminom ng mango graham shake. Malaya akong mag-aral tumugtog ng piano at gumamit ng midi controller buong araw. Malaya akong mag-bike sa buong village. Malaya akong matuto mag-drive. Malaya nga ba talaga ako? Hindi ba choice ko rin ‘to? Hindi ko alam kung pwede nilang tawaging kaduwagan ang hindi mo magawang iwasan ‘yung mga responsibilidad mo, pero hindi ba ‘yun ang kailangan. At kahit magpakasaya ako ng isang araw, isang linggo, isang buwan, itong mga hinaharap ko ngayon ang bubulaga sa akin sa araw na gusto ko nang magseryoso. Pero sana lang, sana lang talaga, may isang araw na pwedeng huminga, magpahinga.

Okay, ikukuwento ko na. Vulnerability ika nga. Kahapon noong workshop, medyo sabog ako, ‘yun na nga. May group activity. Nagbato naman ako ng idea ko. Tapos may napagusapan sila na idea, tapos ako naman parang lutang. Nandoon ako, pero parang nagtime-lapse, biglang tapos na nila pag-usapan ‘yung gagawin. Akala ko pagsasamahin ‘yung mga idea namin kasi ‘yun ‘yung huling nagregister ‘yung utak ko. Kaya lang noong nagsusulat na kami separately, iba pala sinusulat ko! Ang layo sa naisip nila. Kaya hinihintay kong makita ‘yung gawa nila. Sakit ko kasi ‘yung pagiging mahiyain ko. May mga pagkakataong nahihiya akong magtanong kasi may nagsasalita sa utak ko na parang pabigat ako. So ayun na nga, 1 minute and something something seconds nalang tapos nagpapaste na sila ng mga ginawa nila sa Google Docs. Ohmaygash. ‘Di ko pa rin maintindihan ‘yung istorya kahit na nasesemi-basa ko na. Dahil isang minuto nalang ang natitira at nababalot na ako ng kahihiyan kasi wala pa akong nalalagay sa docs at mali ang sinulat ko, hanggang dulo ng workshop nag-off cam ako. AaaaaAAA. Nahihiya ako sa kanila. So ayun na nga, medyo nag-extend ‘yung grupo namin hanggang binisita na rin kami ni Ms . J-mee. Tapos kami unang grupo na nagpresent. Nagbasa silang lahat maliban sa akin. Siguro na-realize lang nila noong hindi ako nagbasa tapos kailangan ng i-wrap up ng isa kong kagrupo. Huhuhu. Hiyang-hiya ako noon. ‘Di ko alam kung maiiyak ako sa hiya (pero di naman na ako ganun, no worries), o maleleave nalang ako sa zoom (pero bawal ‘yun hahaha). Agad-agad akong nagmessage kay Rossa pero offline pa siya. Hindi naman ‘to mababasa no? Parang wala naman sigurong magbabasa ng buong padlet ko, mahaba naman e. So ayun kinakabahan ako kasi baka kami-kami ulit ‘yung magkakagrupo. Nahihiya ako sa kanila. Pero actually, noong nagbabasa na ‘yung mga susunod na mga grupo, doon na gumana utak ko, na-gets ko na kung ano ‘yung sinusulat nila, unusual lang din pala sa akin kaya nanibago rin ako. Basically, mga diyos pala na nagdidiskusyon kung anong klaseng nilalang ‘yung ipapanganak nila sa mundo. Medyo comedy. Nakapagdagdag na ako, habang nagsasalita ‘yung ibang mga grupo (naka-off cam kasi hahaha), sana maisama nila sa padlet nila. Bale ang ginagawa ko nalang diyos na gustong gumawa ng Panday version na babae, na papatay (ay brutal) sa mga kurakot na politiko. Tapos noong tinatanong ng beta version ng babaeng to kung anong bansang uunahin niya, Pilipinas ang sagot ng diyos. Anyways, sana wala silang hard feelings sa akin. Takot ako sa ganoon e. Kasi naranasan ko na ‘yun noong junior high ako. Kaya ako naging introvert at laging takot magsalita. ‘Yun yung sinasabi ko dati pa na pakiramdam ko na-let down ko ‘yung mga tao, umaatras ako. Pakiramdam ko kasi na kahit ano nang gawin ko, di na nila akong pagkakatiwalaan. Kaya lesson din siguro sa akin na mas maging mapagpatawad, kasi naranasan ko na rin na mapunta sa sitwasyon nila. Nahihiya talaga ako. Di ko alam kung masasabi ko s’ya ng harap-harapan, pero sorry na naging pabigat ako.

Nakahinga-hinga na ako kasi nailabas ko na s’ya kahit sa paraan ng pagsusulat. Pero kinakabahan pa rin ako ‘pag nagkita-kita na kami bukas.

Bale mamaya, magpupuyat pa rin ako. Kaya natulog muna ako kasi pagod na pagod na ‘tong katawan ko. Body and mind. Magsusulat ulit ako mamaya tapos mag-eedit ulit. Walang araw na hindi ako nag-edit. :( Tapos bukas mag-aayos ng set-up para sa livestreaming ng church. Gagawin ‘yung graphic images para sa pinagtatrabahuhan kong kumpanya at magwoworkshop. Siguro sa Monday medyo makakahinga na ako ng slight. Hopefully walang magpa-urgent nanaman na kliyente.

Gustong-gusto ko na talagang pumasok. Minsan, gusto kong sabihin doon sa mga nagrereklamo na buti nga sila nakakapasok sila. Ako gustong-gusto ko kaya lang wala rin kaming budget noong umpisa ng pandemic. Pero at least natutunan kong maging madiskarte at kumitang kabuhayan. ‘Yun naman ‘yung naging bawi. At saka ‘di na nagrevolve mundo ko sa pag-aaral kaya lang ngayon parang narerevolve naman sa pagtatrabaho. Lord help me, huhuhu.

Saan kaya ako mag-aaral no? Actually this year, ‘di ko na sinasara ‘yung sarili ko, bukas na bukas ako sa kahit na anong opportunity. Nag-try na ako sa UST, Ateneo, PUP, itatry ko rin sa iba kapag bukas na sila. Kung sino tumanggap sa akin, game lang ako.

Minsan natatakot ako kapag umuusad ‘yung orasan. Napagtatantuan ko na unti-unti na tayong nawawala. Iniisip ko kung mamatay ‘yung aso ko, kakayanin ko ba? O kaya kung sino man sa kapamilya ko, parang naiisip ko palang ang sakit na. Parang naiiyak na ko. Ang bilis ng panahon. Kahapon grade schooler lang ako na-excited na excited pumasok sa school para makita si crush. Sumasayaw sa isang school event kahit hindi dancer. Sabik na sabik magfield trip. Tuwang-tuwang makipaglaro ng pogs, sungka, at makipagriff-off kasama ‘yung mga kalaro at ka-tropa ko noong elementary. Unti-unti na akong nilalamon ng katotohanan na baka bukas, baka sa isang linggo, o isang taon, mawala na ako o ‘yung mga taong mahal ko. Parang puwede bang magrewind? Pwede bang bumalik sa dati? ‘Yung mga panahon na sobrang ligaya ko, panahon na excited ako sa bawat araw na dumadating. ‘Yung mga panahon na nagschoschool service ako at natutuwa sa mga eksenang nagaganap sa loob ng van, na parnag jeep naman. ‘Yung mga panahon na pumupunta kami ng kaibigan ko sa paprintan sa may tapat ng school namin para magpaprint lang ng lyrics ni Taylor Swift (sa akin) at Beyonce (sa kaniya), piso isa. Kung minsan wala kaming pera kaya sinusulat namin ‘yung lyrics sa notebook at kinakanta lang namin buong araw habang nagtatap-tap ako sa table ng upuan ko sa school. May mga panahon ding naglagay si crush noong Grade 5 kami ng love letter sa bag ko, inaaya na agad akong maging syota akalain mo ‘yun, pero humindi ako, sabi ko after college nalang. ‘Yung mga panahong 10th birthday ni Kath, invited lahat ng mga kaklase namin sa TGIF sa Eastwood. Magkakasama kami pumunta ng mga teacher at mga kaklase ko tapos habang nagpaparty sila, kaming apat kasama si crush namasyal-masyal kami sa Eastwood. Nanglibre si crush ng DQ, tapos nagbungee jumping sila, pero hindi ako kasama kasi nakapalda ako. ‘Yung mga panahon na sinabi sa akin ng bestfriend n’ya na pinatinginan pala ‘yung kuko sa paa, lol, tapos natuwa s’ya na walang cutics, dahil hindi talaga ako kikay na tao. ‘Yung panahon na nasaktan ako kahit Grade 5 palang ako kasi ‘yung isa pang crush ni crush, sinayaw niya buong gabi kasi nagkataon na sila pa ‘yung magpartner sa Candle Garland (parang prom). ‘Yung sa gabing iyon nalaman ko rin na may crush sa akin, yung kaibigan namin ni crush at nakita niya akong medyo nalungkot noong gabi na iyon. Sinabi n’ya siguro ‘yun sa akin para medyo gumaan ‘yung loob ko. ‘Yung gabing pagkauwi namin sa tapat ng school mula sa Eastwood, kinindatan ako ni crush noong bumaba s’ya sa van (nasa loob lang ako, sasama ako roon sa kaibigan ko sa bahay n’ya), at doon ko na nalaman na ni-rereciprocate na n’ya ‘yung feelings ko. ‘Yung araw na may sinisi akong iba sa pagkasira ng balloon pump, isang taon pagkatapos lumipat na ‘yung sinisi ko ng school. Binubully na rin kasi s’ya bago ko siya sinisi, at nilalamon ako hanggang ngayon ng ginawa kong iyon. Kung mababalik ko lang ‘yung dati, hindi ko na gagawin ‘yun. May pagkamaldita at pagkademonyita kasi ako noong bata. Hay. Pero ngayon nagbago nanaman na ako, simula high school. Pero naging reserved naman ako, kasi natakot na ako.

Biglang tumawag ‘yung mga kaibigan ko sa church. Hahaha. ‘Yung feeling na naiiyak na ako sa pagiging nostalgic ko ngayong gabi tapos sabay may tumawag, na very timely naman kasi kakasabi ko lang na gusto ko ma-break ‘yung routine. Bago ‘to ha. That’s good.

Hanggang sa muli na ulit. Paalam.

Zoom Play

Opening Scene

Reflections (Marso 6, 2021)
Pinakana-enjoy ko sa workshop, 'yung pinakita sa amin nila Ms. J-mee and Ms. Mingu 'yung mga previous work nila. Nakakainspire at saka ang ganda tignan, parang maiisip mo, "ay ganito pala itsura ng mga draft nila", parang ang fulfilling na matapos mo kahit isang draft lang. Nalinawan din ako sa kung ano 'yung importansya ng formats: para mas madaling maintindihan at basahin ng team, lalo na ng mga aktor.

May iba't ibang method din ng pagsusulat at depende iyon sa'yo kung alin 'yung magiging effective. Ako, ang ginagawa ko, sulat o isip ng what ifs, lahat ng maiisip ko isusulat ko muna sa papel (bullet type), pagkatapos pwedeng mag-research ako, pagkatapos isusulat ko na siya subconsiously, at panghuli lilinisin ko na siya. Minsan kasi 'yung mga kakaibang ideya nangagaling sa kapag hindi natin sobrang iniisip 'yung sinusulat natin. 'Yung para kang lumulutang, ganun!

Nahihirapan pa akong makipag-collaborate sa mga bago ko lang na kakilala sana mas masanay na ako. Mas marami akong nakuwento sa Pagsulat Mulat patungkol dito, pero sana walang magbasa hahaha. Nahihiya ako.

Looking forward sa mga susunod na lesson.

Mas maging matapang, mapusok, at baliw sana ako sa pagsusulat ng mga ideyang naiisip ko. Aja~

Pagmulat Sulat #9 - Marso 7, 2021 (Linggo)
Okay, magiging honest ako. Tanghali na ngayon hahaha. Katatapos lang ng church service namin at ngayon lang ulit ako magsusulat. Kadalasan kasi inaabot ako magsulat ng mga isang oras madalas lumalagpas pa roon. Ayoko rin namang magsulat ng nagmamadali. Okay, bale kanina antok na antok pa ko kasi nakatulog na ata ako mag-4am na tapos nagising ako bago mag 8am para maghanda para sa livestream. Kaya habang nagseservice lumaklak muna ako ng kape na maraming gatas kasi mababa naman tolerance ko gaya ng sinabi ko dati.

Tapos ewan ko, for an unknown reason, may naaalala akong specific na tao. Hahaha. Nakakainis, pakiramdam ko, after a long time nagkakacrush nanaman ako. Kaya lang nakakatakot baka mamaya lalaki nanaman type nitong cinucrush ko. Talagang cinucrush e no, hahaha, ang sama pakinggan. Hindi ako magiging specific, in case lang na biglang may maligaw dito at basahin ito. Ewan ko kasama ko kasi ito kumanta, tapos akala ko noong una masungit siya pero may sense of humour naman pala. Basta nagtatawanan kami. ‘Pag napatawa mo ako, iba na ‘yun. As in ‘yung matatawa talaga ako na totoo. Kasi madalas ‘pag nagbibiro ‘yung mga tao ‘di naman talaga ako natatawa, magtatawa-tawanan ako for the sake na hindi siya mailang o mapahiya, ride on and support lang ika nga nila. Kaya lang okay lang ba maging crush ko siya, kasi sobrang laki ng tanda niya sa akin? Sa kutob ko mga late 20s na ito o baka early 30s na. Hahaha. Okay lang siguro ‘yan. ‘Di naman seryoso. Inspo lang. Mas na-inspire akong magpursige sa pag-aaral ng music. Ah Lord, sana wala talagang magbasa nitong padlet ko. Pero ipopost ko pa rin ‘to as a sign of my pure vulnerability. Wow, may ganun. Tsaka saglit ko lang din siya makakasama, kaya I’m sure happy crush lang talaga ‘to. In a span of 6 hours, nagkacrush ako sa taong ‘to na ‘di ko rin naman na-memeet pa personally. Anyways, nagkakacrush nga tayo sa mga artista sa TV e, what more pa kaya sa mga taong nakakausap natin kahit panandalian lang. ‘Di ako makapagconcentrate ngayon, dahil karerealize ko lang na may bago na akong happy crush. Sana hindi ako ma-awkward sa harap niya. *crossed fingers*

Okay, ‘di na ako magfofocus doon kasi baka lumalim pa. Hahahaha. Bale, pagtingin ko sa Clickup, ohmaygash, parang 9 na graphic designs pala ang kailangan kong gawin. Deadline bukas ng 8am! Siguro nakatakda na talaga sa akin ang puyat, para nilalayo ako kay tulog, baka hindi kami meant to be ni tulog. Hahaha. Sana matapos ko siya kasi di ko pa rin tapos ‘yung sample video para sa Entablado, ginawa ko siya buong madaling araw pero hindi pa kontento. Parang may hinahanap pa ako na effect. Kaya todo experimentation nanaman ako, pwedeng ngayon pagkatapos nito o mamayang gabing-gabi. Sana makatuklas ako ng maganda para sa video para makabawi naman kay direk at sa team. At nawa’y matuwa sila sa gagawin ko. Medyo challenging kasi ‘yung effect na kailangan, pero syempre ako, alam mo na tinanggap ko pa rin kasi alam ko namang kayang-kaya ko na aralin ‘yan sa dami ba naman ng nagkalat na resources sa internet, internet is my guide!~ Kung matapos ko lahat ‘to ngayong araw, bukas makakahinga na ako ng maluwag-luwag. Bale pwedng bukas ‘yung maging nag-iisang holiday ko. Nakikita-kita ko na, hihiga lang ako buong mag-araw, manonood, o baka mang-aya pumunta sa malayo o sa lugar na ‘di ko pa napupuntahan, tapos magbibike na rin ako kasi hinang-hina na ‘tong mga binti ko. Nagmamakaawa na sa akin, gusto raw nilang magamit, puro nalang daw kasi si mata, tenga, at kamay ang ginagamit ko. Okay, baka pagbigyan ko sila kapag sinipag ako. :-) Basta, Abby tapusin mo talaga lahat ngayon, literal na para sa kinabukasan mo ‘yan! Aja aja~

1:37 na maya-maya magwoworkshop na ulit ako.  Pero aminado akong medyo pagod na ‘yung diwa ko, pati katawan ko. Nahataw talaga sila last week. Sana mag-function utak ko. Baka naman gumana ang mahiwaga kong Cappuccino na ⅔ naman ay gatas. At sana nakalimutan na ng mga ka-team ko ‘yung alam mo na kung nabasa mo ‘yung huli kong mulat sulat.

Hindi ko nga rin alam kung gagawa pa ako ngayong hapon ng graphic designs o matutulog ako o ano para hindi ako sabog mamayang workshop. Ako kasi ‘yung tipong, kunin mo na kain at ligo ko, ‘wag lang ‘yung tulog ko. ‘Pag ako tinanggalan mo ng tulog, yari ka, sasabog talaga ako. Actually ang mas tamang term ay “lulutang” ehehehe.

Buti nalang din hindi sobrang init ngayong tanghali. In fact medyo presko at mahangin kaya naman tumatawag na ang siesta sa akin lalo na kakain ko lang sandamakmak na pizza. :-) Labanan ang antok Abby para bukas tulog all you can ka.

Wala na akong makuwento. Kuwento ko nalang ‘yung mga favorite spot ko sa Pilipinas (yung mga napuntahan ko na ha). Una, syempre ang Intramuros, ‘di ko pinagsasawaan ‘to. Pangalawa, Maginhawa, dahil sa pagkain at saka vibe na mayroon ito kapag gabi na. Gusto ko ‘yung mga lugar na buhay na buhay o kaya sobrang tahimik kapag gabi. Napansin ko lang na mahilig ako sa opposites. Ayoko ng neutral. Gaya sa mga genre ng pelikula, mahilig talaga ako sa historical dati pa, pero ngayon nahihilig na rin ako sa dystopian, lalo na kung libro, natatapos ko siya, amazing. Okay balik sa fave places. Siguro pangatlo ko, Baguio, generally ‘yung buong Cordillera provinces pala, sama mo na ‘yung Sagada. Nostalgic kasi ang Baguio sa akin, lumaki ako na pabalik-balik doon, actually may mga kakilala rin kami roon. Pang-apat ko naman, hindi ko maalaala teka, parang kanina naisip ko na e. Ah ayun, mas lamang pala ito, ‘yung Mandaluyong. Weird no? Bakit sa lugar na may pagkagulo at binabaha ‘yung gusto ko, nostalgic din kasi. Doon ‘yung childhood ko. Ang daming ganap doon at ang gusto ko pa maliit lang, o parang pag titignan mo pinagsama-samang maliliit na community ‘yung Mandaluyong, si kuya nga kilala na lahat ng tao roon e. Niloloko pa naman siyang pwede siyang tumakbong mayor roon kasi kabisadong-kabisado na niya ang Manda. Speaking of Manda, puntahan ko na kaya si Kate? Si Kate ‘yung pinakamahabang naging kaibigan ko. Marami akong naging kaibigan noon, pero si Kate, ‘pag nag-uusap kami n’on parang kahapon lang kami nagkita. Kumbaga ramdam ko ‘yung connectedness namin. Naisip ko rin baka it’s time to reconnect na rin sa mga dati kong kabarkada noong elementary. Sabi nila ang High School daw ang pinakamemorable sa lahat. Pero para sa akin Elementary ‘yun. Pareho nga kami ni Kate ng sinasabi tungkol diyan kaya siguro kami nagkakasundo pa rin hanggang ngayon. We love reminiscing kasi.

‘Yung ibang mga tropa kasi namin may sari-sarili nang mga buhay. Yung ka-MU ni Kate dati na ka-tropa rin namin, sikat na tiktoker na. As in sikat talaga ha. Walang halong biro. Last time, I’ve checked 2.2 million subscribers na siya, e ang bilis dumami ng followers niya. Mausisa mo 3m na ‘yun ngayon. Sa IG parang 60k ata. Updated e no. Actually more like curious lang ako sa kung ano nang nangyayari sa buhay n’ya kasi simula nag-graduate kami noong Elementary, hindi na kami nakapag-usap. Kasi everytime rin na may pa-meet up kami di na siya sumasagot o kaya naiilang si Kate. Hahahaha. Natatawa nalang siya ngayon tuwing naiisip n’ya ‘yung dati.

Minsan, iniisip ko na baka hindi ko naman talaga crush si Elementary crush ngayon. Siguro naalala ko lang sa kaniya yung nostalgic moments ng pagkabata ko. ‘Yung mga firsts ko. Kaya siguro ganun. Sa past siguro ako naiinlove at hindi sa kaniya. Alam kong hindi maganda na isinasaksak ko pa ‘yung sarili ko sa nakaraan, pero ewan ko parang ayaw kong kalimutan lang ‘yung nakaraan kasi hanggang ngayon tinetreasure ko s’ya. ‘Yung mga taong kasama ko noon, at ‘yung mga alaalang ginawa namin noon. Parang kahit anong gawin kong pagpapabusy sa sarili ko, bumabalik ako roon.

Pero sana kahit minsan, sumagi lang din ako sa isipan nila. Maalala nila ‘yung good memories na nagawa namin noong mga bata kami. Tapos maisip din nila na maligaya rin sila noong mga panahon na iyon. Kahit hindi na kami magkita pa kahit kailan, o magkausap man.

Okay kaka-suggest ko lang sa ASM ng mga bagay na pwedeng gawin para sa itsura ng video. Sana okay lang sa kaniya na nagsusuggest ako HAHAHA. Well masasabi ko naman na ang dami ko nang karanasan pagdating sa online shooting. E paano, mula sa 9 months na paghahandle ng livestreaming ng church, sa online shooting natmin ng kapartner ko para sa Musical theater, ewan ko nalang hahaha. Baka naman may natutunan talaga ako roon.

Naiihi na rin ako pero tatapusin ko ‘tong 3 pages na ito sinasabi ko. Proud naman ako na kahit minsan ibang oras ako nagsusulat ng Pagmulat sulat napaka-consistent ko naman na magsulat. Wala akong pinalagpas promise. Di ko ugali ‘to, kaya proud na proud na ko nito. HAHAHAHA. Sana proud din ‘yung padlet ko sa akin.

Okay sumagot na ata si ate. Check ko saglit kung anong sinabi. Ayun, okay naman, i-relay niya raw mamaya sa meeting. Hehehe.

Wala na talaga akong masulat. Wala akong madescribe sa paligid ko kasi sobrang tahimik. Kahit nakabukas na lahat ng bintana ko. Parang probinsya ata ‘tong nalipatan namin sa Cainta. Electric fan lang naririnig ko, at faint noises ng aso sa bahay sa likod ng bahay namin. Ano raw? Hahaha. Tapos kalabog lang ni kuya sa kuwarto, dahil ang nipis ng pader sa amin. HAHAHA. Madalas pagnagsosound-trip siya, rinig din namin dito sa kuwarto namin ni Marco. Laughtrip. Tapos kapag nag-voivoice classes ako, may naririnig ako sa kabilang kuwarto na nangangasar sa pagkanta ko. O diba? Kaya talaga ako nagka-kuyas e. Sila ang mga pambansang tagapangasar sa buhay ko. Simula bata pa ako take note! Hahaha. Kaya di ako basta nagkukuwento sa kanila tungkol sa mga crush ko kasi babarahin ako ng mga ito. Actually barahan kami. Si kuya Benjo naman inaasar kong lolo. Kasi parang matanda na ‘yung buto n’on. Unting galaw masakit ang likod. Hahaha. Sabi na kasi sa kaniya magpachiropractor na e. Baka this first week of April, ngayong Holy Week magpaganun kami sa probinsya. May magaling kasi na chiropractor doon. Na-try na nila dad.

Mangaya kaya akong mag-Bataan bukas? O kaya para malapit-lapit, Rizal? Pwede pwede pero parang gusto ko pang masabik para sa April 9. Doon kami aakyat nila kuya sa bundok sa Rizal, para sana mas exciting sa akin.

Okay, alis na ko ulit. Marami pang gagawin. Matatambakan nanaman! Jusmeyo.

Hanggang sa muli, paalam, adios, sayonara.

Eksenang Patungkol sa Pagkain