My Padlet by Cherry Fatima Mesa

ANG AKING SANAYSAY TUNGKOL SA COVID-19
Ang sanaysay na ito ay magbibigay sayo ng kaalaman tungkol sa pandemyang kasalukuyang nangyayari nararanasan ngayon ng buong mundo.Mahalagang ang bawat tao ay malaman kung ano nga ba ang COVID-19 at kung ano ang mga naging epekto nito sa mundo.Magbibigay rin ang sanaysay na ito ng paraan kung paano maiiwasan ang nakahahawang sakit na ito.

Sa paniniwala ng lahat,ang pandemyang ito ay isa sa pinakamalungkot na nangyari ngayong taon.Dahil sa pandemyang ito,maraming naapektuhan na tao at kanilang mga negosyo.Naapektuhan rin ng sobra ang turismo ng bawat bansa kasama na ang Pilipinas dahil sa sunod-sunod na lockdown na ipinatupad upang mapigilan ang pagdami ng mga nahahawahan o pagkalat ng virus.Ngunit sa kabilang banda,isa rin ito sa dahilan upang magkaroon tayo ng bonding kasama ang ating mga pamilya at naging dahilan rin ang pandemyang ito upang mapahinga ang ating kalikasan at kapaligiran.Dahil sa quarantine o lockdown na ipinatupad ng ating pamahalaan,nabawasan ang mga sasakyan sa kalsada na naging dahilan upang mabawasan ang polusyon na isa sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa.

Batay sa WHO o World Health Organization,ang COVID-19 cases ngayon sa buong mundo ay nasa kabuuang 38.4 milyon na.Nasa kabuuang 1.92 milyong katao na ang namatay sa buong mundo dahil sa COVID-19 ngunit mas malaki ang mga gumaling na nasa 28.8 milyon.Ayon sa balitang aking napanood,ang sintomas ng COVID-19 ay ubo,sipon,lagnat at kahirapan sa paghinga.Ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay nasa 1347+libo,294 libo dito ang gumaling at 6,443 ang namatay.Marami ang namatay ngunit mas marami naman ang gumaling.Upang matulungan ang pamahaalan at iyong maiwasan na rin ang virus na ito,kinakailangan mo lamang na huwag lumabas kung hindi kinakailangan at kung lalabas naman ay laging tandaan na magsuot ng "facemask" at "faceshield".Lagi ring tandaan ang 1 metrong pagitan upang mas lalong makaiwas sa sakit.Kung sa iyong pananaw ay ikaw ay may mga sintomas ng COVID-19 virus,agad-agad na mag-quaratine at sabihin sa mga awtoridad na ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 nang sa gayon ay makuhanan ka nila ng sample na gagamitin upang malaman kung ikaw ay positibo o negatibo sa sakit.

Ang buong mundo ay nagtutulungan at patuloy na hinahanap ang gamot upang mapuksa na ang virus na ito at marami na ring mga gamot ang pinaniniwalaan na posible o maaaring lunas sa sakit.Sa tingin ng ibang tao ay masyadong mabilis upang makahanap kaagad ng lunas sa sakit dahil baka hindi ito ligtas at magkaroon ng masamang epekto sa mga pasyenteng tuturukan nito samantalang ang iba naman ay nagtitiwala at naniniwala na ang gamot na ito ay ligtas at makapagpapagaling sa mga nahawahan ng sakit.

Hindi madali ang kinakaharap nating pagsubok ngayon ngunit kung tayo ay magsasama-sama at magtutulungan ay maaari nating mabawasan ang mga kaso at ito ay magiging malaking tulong na sa ating bansa at maging sa ating mga mamamayan.Magtiwala lamang tayo sa ating mga frontliners lalong lalo na sa Panginoon.Huwag mawawalan nang pag-asa at makakabalik rin tayo sa dati nating normal.