Hamon at Aral: Repleksyon sa Paglalakbay sa Pagbasa at Pananaliksik by Bb. Jem

APELYIDO, Pangalan

(Sagot)

Sentos

para sa akin ang pinaka mahirap ay yung pag hanap ng rrl, dahil ang iba ay hindi na puwede. At ang pinaka- least ay argumentatibo kasi tinuturo rito kung paano mo ipagtatanggol ang sarili mo. Ang natutuhan ko sa asignatura na ito ay pag hanap ng rrl at kung paano makipag salamuha sa ibang tao.

ABUEL, Philipp Russell

Para sa akin, ang pinaka challenging sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri sa iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ay ang pagbuo ng pananaliksik, dahil bukod sa mahirap magbuo ng pananaliksik ay dahil na rin hindi lahat ng grupo ay tumutulong at nagbabahagi sa paggawa. Ang pinaka-least naman ay kung paano ang pagkakasunod-sunod ng mga parte ng bawat kabanata at kung ano ang ilalagay sa bahaging iyon. Ang natutuhan kong aral mula sa asignatura na magagamit sa hinaharap ay ang pagbuo ng pananaliksik dahil alam kong hindi pa ito ang huli naming gagawin at ang pagpapahaba ng pasensya sa mga taong ayaw makinig at makibahagi sa pangkat. Idagdag ko na rin ang pagbubuo ng iba't ibang teksto na aking magagamit sa mga susunod.

valmadrid, xian railey

ang pinaka challenging na naranasan ko sa asignaturang pagbasa at pananaliksik ay ang research o pananaliksik, sapagkat wala akong clue o hint kung pa’no nga ba sisimulan ito, ngunit sa pamamagitan ng pag t-tyaga at sa hirap ng mga pinagdadaanan, hindi ako nagpa talo sa’king nararamdaman, sapagkat alam ko sa sarili ko na para sa’kin rin ‘to at para sa grades ko, worth it naman po yung mga pag t-tyaga at pag titiis kasi napalitan po ng mataas na marka, at ang pinaka least naman po para sa’kin ay wala, pantay-pantay po silang lahat para sa’kin, lahat ng ito ay pinaglalaanan ko ng oras at tiyaga. at ang magagamit ko naman po para sa hinaharap ay ang pananaliksik, sabi nyo nga rin po ma’am, hindi lang naman para sa inyo itong pananaliksik na pinapagawa nyo sa’min, kung hindi para sa’min rin po, may nakapag sabi rin po sa’kin na hanggang college na rin daw po gagawin itong pananaliksik namin. so ayun po, may clue na po ako kung paano ko siya sisimulan at tatapusin pati na rin yung pagka bigla ay mawawala na po, dahil naranasan ko na siya

Agullana, Shainahmae

Ang pinaka challenging sakin sa asignaturang pilipino ay ang pag gawa mismo ng pananaliksik. Bakit? Kasi dito nasukat yung tiwala ko sa aking mga miyembro lalo pat ako ay isang lider ng grupo sa pananaliksik dito din nasusukat yung kahusayan at kakayahan namin kasama na ang time management pag hahanap ng impormasyon na bihira makita at pag oorganize ng mga datos na mahirap ikalap. Bilang isang lider, malaking hamon din ito sa akin sa paghikayat sa mga miyembro na maging aktibo sa paggawa ng pananaliksik at siguraduhin na ang bawat isa ay may naiaambag. May mga pagkakataong may hindi pagkakaunawaan o kakulangan sa koordinasyon, kaya kinakailangan ang pasensya, pakikisama, at maayos na komunikasyon

Para sakin ang pinaka least naman ang patungkol sa tesktong naratibo, deskriptibo, at ekspositori. Bukod sa madali ang mga gawain madali din itong maintindihan at maunawaan dahil kadalasan ay ginagamit na natin ito sa pang-araw-araw na komunikasyon. Ang tekstong naratiboay tungkol sa pagkukuwento ng mga pangyayari, ang tekstong deskriptibo ay paglalarawan ng isang tao, lugar, o bagay, habang ang tekstong ekspositori ay nagpapaliwanag ng isang konsepto o ideya. Dahil pamilyar na ako sa ganitong mga uri ng teksto, hindi ako nahirapan sa pagbuo ng mga ito at mas mabilis ko ring naiintindihan ang kanilang layunin.

Ang aking natutuhang aral sa asignatura na maaari kong magamit sa hinaharap ay ang paggawa ng pananaliksik. Bakit? Dahil ito ay isang mahalagang kasanayan na hindi lamang ginagamit sa paaralan kundi pati na rin sa totoong buhay, lalo na sa college at sa propesyonal na mundo. Sa paggawa ng pananaliksik, natutunan ko kung paano mangalap ng tamang impormasyon, magsuri ng mga datos, at bumuo ng lohikal at organisadong ideya mga kakayahang makakatulong sa anumang larangan na aking tatahakin. Kasama na din dito ang sipag at tiyaga.

Para sa akin, naging isang pagsubok ang pagapply ng aking mga natutuhan sa Q4 lalo na sa paggawa ng ikalawang kabanata ng research. Naging challenging ito dahil dito nasubok kung may natutuhan ba ako o kung may mga bagay ba ako na hindi naintindihan. Isa naman sa naging madali sa akin ang Q3 dahil dito ay natalakay ang pinagkaiba-iba ng mga teksto. Dito rin ay natutuhan ko kung paano sumulat ng mga ito.

Lopez, Erich Yvonne C.

Maganda at talagang nakakatulong ang asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa aming mga mag-aaral lalong-lalo na sa paghahanda sa aming kakayahan sa pagbuo ng isang pananaliksik. Ngunit tulad ng maraming asignatura, hindi ito madali at karamihan din sa amin ng aking mga kamag-aral ay dito pinaka nahirapan o dito pinaka nagtuon  ng pansin nitong 1st set ng 2nd semester. Bilang lider ng Pangkat 9 sa pagbuo ng pananaliksik, naging mahirap po sa akin ang bigyan gabay ang mga kamag-aral ko sa paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral para sa Kabanata 2 ng aming pananaliksik. Kailangan na kailangan na ang aming pagkukunan ay talagang mapapagkatiwalaan at may kaugnayan sa aming pananaliksik. Ngunit maayos at masunurin ang aking mga nakagrupo kaya natapos namin ito agad sa mismong araw kung kailan ito pinapatapos ng aming mga guro. Ayon sa kanila, kinakailangan na lamang nito ng kakaunting pagbabago kung kaya ay sinunod namin agad.

Para naman sa naging pinakamadali at pinaka nagustuhan kong gawin sa asignaturang ito ay ang pagpepresenta na aming ginawa tungkol sa aming naging pag-aaral. Iyon ang kauna-unawan kong defense ngunit masaya naman ako na nagawa namin iyon ng aking mga kagrupo nang maayos. Noong una ay nakakakaba ito ngunit kung susundin pala ang laging payo ng mga guro na aralin nang aralin ang sariling pananaliksik, magagawa mo itong maipaglaban. Nang matapos namin ang defense ay labis ang tuwa ko sa aking sarili at pati na sa mga kagrupo ko na hindi ako iniwan at hindi nagpasaway sa aming pangkat.

Marami akong natutunan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri na sigurado akong magagamit ko sa pagtungtong ko sa Baitang 12. Nariyan na ang pag-iisip at pagbuo ng maaaring pamagat, pagsasagawa ng Kabanata 1 ng pananaliksik, paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa Kabanata 2, at ang pagdedepensa sa pananaliksik. Nangangako ako sa aking sarili na gagalingan ko pa sa susunod na pakikibaka ko sa paggawa ng mga pananaliksik. At lahat ng iyon ay ipagpapasalamat ko sa mga naging guro ko ngayong taon. Lalong maraming maraming salamat kay Binibining Shara at sa kaniyang mga katuwang na sina Binibining Jem at Binibining Ange sa kanilang walang sawa na pag-intindi at pagtuturo sa aming lahat sa HUMSS 5. Malaki ang pasasalamat ko sa kanilang mga dalang aral at sa pagiging maunawain sa aming lahat. Nanghihingi na rin ako ng pasensya sa aming mga pagkakamali minsan na aminado naman ang lahat. Bilang isa sa officers, sisiguraduhin ko po na mas makikipag-kooperasyon ako sa pagsasaayos ng aming pangkat. Ayun po, pasensya na po ulit at maraming maraming salamat. Mahal po namin kayo! 😘❤️❤️ ❤️

Cruz, Ashley Jane D.

Ang pinaka-challenging sa asignaturang Pagbasa at Pananaliksik ay ang pagbuo ng sariling pananaw at interpretasyon mula sa mga nabasa.  Dahil hindi lang basta pag-unawa ng teksto ang kailangan, kundi pagsusuri at pagbibigay ng sariling opinyon at pag-analisa.  Ang pinaka-least challenging naman ay ang pagkuha ng impormasyon dahil may iba't ibang resources ngayon na madaling ma-access, tulad ng internet at mga aklatan.

Ang aral na natutuhan ko sa asignaturang ito na magagamit mo sa hinaharap ay ang pagiging kritikal sa mga nababasa.  Mahalagang matutong magtanong, mag-isip ng iba't ibang perspektibo, at hindi basta-basta maniwala sa lahat ng nababasa.  Sa panahon ngayon na madaling ma-access ang impormasyon, mahalaga ang pagiging kritikal para ma-filter ang mga totoo at maaasahang impormasyon.

Bautista, Abigail

Ang pinaka challenging na aking hinarap sa asignatura ay ang pagsasaliksik o pagkakalap ng mga datos para mabuo ang pananaliksik kabanata 1. naging challenging ito sa akin dahil dito ko natutunan mag manage ng time at hatiin ang mga gawain. challenging ito sapagkat hindi ka lang pwedeng dagdag nang dagdag, kailangan mong basahin at aralin ang teksto kung pasok ba sa pag-aaral niyo. Huli, hindi naman ito pinaka-least sapagkat mahirap pa rin ito ngunit madali itong intindihon at sulatin. ito ang tekstong naratibo o pagsusuri ng iba’t ibang teksto, naintindihan ko ito at hindi ako masyado nahirapan sapagkat hindi ganon kalalim o ka-complicated ang pag-aaral. nailahad din ng ayos ang uri at kung paano ang pagsulat at pag gamit nito. Ang natutunan kong aral sa asignatura na ito ay marami, katulad nalang ng pagsulat ng maayos na nga sanaysay, pag-isip ng mga mabuting pamagat. paghahanap ng mga datos at pagpapadali na makahanap ng mga rrl’s, magagamit ko ito lahat sa hinaharap lalo na sa pagdating ko sa grade 12 sapagkat alam ko na at hindi na bago sa akin ang mga gawain. ito na rin ang nagsilbing warm up at training ko sa hinaharap.

Sa aking karanasan sa asignaturang pananaliksik, ang pinaka-challenging para sa akin ay ang pagbuo ng isang maayos at makabuluhang pananaliksik. Hindi ito isang gawaing matatapos sa isang upuan lamang at nangangailangan ito ng masusing pagsusuri, pagsasaliksik, at organisasyon ng mga impormasyon. Isa sa pinakamalaking hamon ay ang pagpili ng tamang mga sanggunian at pagsusuri kung akma at mapagkakatiwalaan ba ang mga impormasyong aking nakakalap. Kinakailangan ding magkaroon ng tiyaga at determinasyon upang maayos na maipresenta ang pananaliksik sa isang malinaw at lohikal na paraan.

Samantala, ang pinaka-madali o least challenging na bahagi para sa akin ay ang pagsulat ng tekstong naratibo. Madali ko itong naiintindihan at nagagawa dahil pamilyar na ako sa ganitong uri ng pagsulat. Dahil sa karanasan ko sa pagbabahagi ng mga kwento at personal na salaysay, mas madali para sa akin ang pagsunod sa istruktura ng isang naratibong teksto.

Sa kabuuan ng aking pag-aaral sa asignaturang pananaliksik, maraming mahahalagang aral ang aking natutunan. Una, natutunan kong magtiwala sa aking mga kasamahan sa paggawa ng pananaliksik. Ang matagumpay na pananaliksik ay hindi lamang nakasalalay sa kakayahan ng isang tao kundi sa epektibong pagtutulungan ng bawat miyembro ng grupo. Pangalawa, naging mas mapanuri ako sa lahat ng aking ginagawa, lalo na sa pagpili ng mga tamang impormasyon at pagsisigurong may basehan ang bawat detalye na inilalagay sa pananaliksik.

Drio, Eunice Aeona O.

Para sa akin ang pinaka challenging na aking kinaharap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa Pananaliksik, ay ang pag ayos at pagbuo ng kanata 2 dahil para akong nangangapa. Dahil bukod sa unang beses ko gumawa ng pananaliksik ako rin ay naatasan na maging lider ng aming grupo kaya isang malaking hamon para sa akin ang gumawa ng pananaliksik. At dahil din nagsabay sabay ang mga gawain kada asignatura ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin o unang pagtutuonan ng pansin. Pero sa huli, lubos akong nagpapasalamat  dahil marami akong natutuhan at nalampasan ko ito, hindi pa man totally dahil mayroon pang exam pero ang mga activities ay nagawa ko at naipasa sa takdang oras. Natutuhan kong hindi mahiya na humingi ng tulong sa iba, at 'wag rin magdalawang isip na tumulong sa nangangailangan. Dahil po sa  pananaliksik na aming ginawa ay nagawa namin ang sinasabi mo po na "unity" dahil kami pong lahat ng lider (may kasamang ibang miyembro) sa pananaliksik ay gumawa ng aming gc para doon magtanungan at magtulungan upang mapagtangumpayan namin ang hamon na naiatas saamin. Doon po naramdaman ko na hindi ako nag iisa at may mga taong handang tumulong para malampasan ang mga pagsubok, at lubos din po akong nagpapasalamat sa mga lider at ibang miyembro na hindi nag atubili na sagutin ang tanong ng aking miyembro dahil hindi ko alam ang isasagot sakanila. Sunod po ay natutuhan ko maging malakas ang loob lalo na sa pagsasalita sa unahan noong presentasyon, dahil iniisip ko nalang po noon na "matatapos din ito at makakayanan ko rin" na wala na akong magagawa kundi harapin ito ng puno ng tapang at determinasyon dahil ako ang lider at dapat ipakita at iparamdam ko sa aking mga ka grupo na kakayanin namin at malalampasan ito at natutuwa po ako dahil kinaya namin kahit hindi talaga maiiwasan ang mga pagsubok lalo na sa pakikipagkomunikasyon sakanila. At sa huli po, natutuhan ko na mas lalong i master ang time management para magawa lahat ng naiatas na gawain at matapos ito sa takdang oras.

Sa least naman po, ay ang pakikisama hindi man po ito kasali sa lesson na itunuro niyo, wala man po ito sa slides ng PPT pero ito po ang isa sa pinaka tumatak at natutuhan ko  habang ginagawa ang mga gawain sa asignaturang pagbasa.

Sa huli, lahat po ng ito ay nagpapasalamat ako lalo na po sainyo, Gng. Shara at mga gurong tagapagsanay Bb. Jem at Bb. Angge dahil andyan po kayo lagi para gabayan kami sa pag gawa makaka asa po kayo na itong mga aral na ito ay dadalhin ko at ibabahagi ko sa iba. Sa lesson man na kabanata 1&2 o sa mga moral na lesson na aking  natutuhan habang nasa proseso ng pag gawa.

Constantino Alexandrea O.

Sa aking paglalakbay at pagpasok sa asignaturang Pagbasa at Pananaliksik, napakaraming aral ang aking natutunan. Maraming mga bagay na akala ko ay alam ko na, ngunit may mas malalim pa palang konteksto sa likod ng mga ito. Sa iba’t ibang araling aming tinalakay, may isang paksa at gawain na itinuring kong isang hamon sa aking paglalayag, ito ay ang Kabanata 2 Ang Paghahanap ng RRL.

Napakahamon ng bahaging ito dahil nangangailangan ito ng sapat na oras, tamang estratehiya, at masusing pagsusuri upang magawa ito nang wasto, maayos, at higit sa lahat, tama. Mahirap ito dahil kailangang magdoble-ingat sa mga impormasyong isasama sa pananaliksik, kaya kinakailangan ang masusing pag-aanalisa at pagsisiyasat sa mga mapagkukunan ng impormasyon.

Samantala, ang paksa na itinuturing kong pinaka-madali ay ang tungkol sa pangangatwiran o tekstong argumentatibo. Mas naging madali ito para sa akin dahil mayroon na akong kaalaman tungkol dito, kaya mabilis kong naintindihan at naunawaan ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng ganitong uri ng teksto.

Ang lahat ng aking natutunan mula sa asignaturang ito ay aking babaunin at dadalhin sa mga susunod pang pagkakataon, lalo na ang mga araling may kaugnayan sa pagbuo ng pananaliksik. Ang mga ito ay magsisilbing gabay sa akin sa paggawa ng mga pananaliksik sa hinaharap. Lubos ang aking pasasalamat na ako ay nagkaroon ng kaalaman dito dahil malaking gaan ito sa aking susunod na gagawin. Sa tulong ng aming mga mabuting guro, malaki din ang ambag nila sa mga susunod ko pang gawain dahil anh mga ibinahagi nilang kaalaman sa likod ng mga magugulo naming klase ay maayos ay talgang maiintindihan. malaki ang pasasalamat ko sakanila dahil ang kanilang mga itinuro, na tiyak na magiging kapaki-pakinabang ito sa aking mga paparating na akademikong paglalakbay.

MARAMBA, JOHN CEDRHICK R.

Ang pinakamadaling bagay na aking ikinaharap sa asignaturang pagbasa ay ang pagsusuri sa iba't-ibang mga paksa na tinalakay, sapagkat ang mga ibang parte nito ay naituro na sa dating paaralan kung saan ako ay nag-highschool. Kagaya na lamang ng iba't ibang uri ng mga teksto (tekstong naratibo, tekstong obhetibo, at tekstong argumentatibo) na itinalakay sa amin noong highschool, at aking nalalaman sapagkat mahilig ako magbasa ng iba't ibang sulating elektroniko. Sa kabilang banda naman ay naging mahirap ang pagkompleto sa Kabanata 2 ng papel pananaliksik, dahil kung noong Grade 10 man ay nagkaroon na ako ng karanasang bumuo ng dalawang papel pananaliksik, ay hindi ko nagawang maging lider sa isang grupo. Ngunit sa pamamaraang ito, natutunan ko kung papaano makisalamuha sa aking pangkat, at natuto ako kung papaano mamuno sa pagbuo ng isang pananaliksik. Hindi man naging madali ang pagbuo ng Kabanata 2 dahil naging isang araw lamang ang takdang oras sapagkat naging gipit ang schedule pagkatapos ng intrams, ay natutunan naming pangkat 2 ang importansya ng pagkakaisa at pagsisikap bilang isang grupo. Ang karanasang ito ay maidadala namin hanggang sa aming kolehiyo at sa mga trabaho.

Miranda, rence

Para sa akin, ang pinaka challenging na karanasan ko sa asignaturang pagbasa at pagsusuri ay ang paggawa ng research defense, dahil ito'y panibagong karanasan lamang sa akin na mas maging mapanuri at kailangang bigyang ng kabuluhan ang iyong nilikhang gawain. Ang pinaka least naman ay ang pakikisama sa iyong grupo upang maging mainam o mas maging matagumpay ang inyong nilikha. Ang natutunan ko naman sa asignatura na tingin ko ay magagamit ko sa hinaharap ay ang paggawa ng research, dahil alam kong mas magiging challenging ang aking haharapin sa hinaharap Pero mayroon na akong karanasan dito dahil sa asignaturang pagbasa o pananaliksik.

Salvador, Ruffec Rhain C.

Para sa akin, ang pinakamapanghamong parte sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa Pananaliksik ay ang pag-aayos ng sanggunian sa APA format na '7th Edition' dahil inabot ako ng ilang oras dahil sa paggawa nito, mula sa pag-aayos nito sa 'chronological order' hanggang sa pag-aayos ng 'URL link'. Ang pinakamadaling gawin naman para sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa Pananaliksik ay ang pagbuo ng pamagat dahil dito lumalawak ang aming kaalaman at napapagana nito ang aming kaisipan na naghihikayat sa amin na maghanap ng mga posibleng makatutulong sa aming pananaliksik. Ang natutuhan kong aral mula sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa Pananaliksik ay dapat na tayo ay magtulungan upang madaling matapos ang ating mga gagawin dahil naniniwala ako sa kasabihang "Alone we can do so little; together we can do so much.” ni Helen Keller dahil makatutulong ang pagkakaisa na matapos ang isang gawain nang magkakasama.Para sa akin, ang pinakamapanghamong parte sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa Pananaliksik ay ang pag-aayos ng sanggunian sa APA format na '7th Edition' dahil inabot ako ng ilang oras dahil sa paggawa nito, mula sa pag-aayos nito sa 'chronological order' hanggang sa pag-aayos ng 'URL link'. Ang pinakamadaling gawin naman para sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa Pananaliksik ay ang pagbuo ng pamagat dahil dito lumalawak ang aming kaalaman at napapagana nito ang aming kaisipan na naghihikayat sa amin na maghanap ng mga posibleng makatutulong sa aming pananaliksik. Ang natutuhan kong aral mula sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa Pananaliksik ay dapat na tayo ay magtulungan upang madaling matapos ang ating mga gagawin dahil naniniwala ako sa kasabihang "Alone we can do so little; together we can do so much.” ni Helen Keller dahil makatutulong ang pagkakaisa na matapos ang isang gawain nang magkakasama.

Sharief aliah

Para sa akin, ang pinaka-challenging na bahagi sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa Pananaliksik ay ang paggawa ng pananaliksik mismo kasi panibagong karanasan po sakin ito. Mahirap itong gawin dahil nangangailangan ito ng masusing pagsusuri ng impormasyon, tamang pagkukuhanan ng datos, at maayos na pagsulat ng mga natuklasan.

Pinakamadaling bahagi para sa akin ay ang pagsusuri ng mga teksto, dahil nagagamit ko ito sa pang-araw-araw na buhay. Ang kakayahang umunawa at suriin ang mga binabasa ay mahalaga sa pakikipag-usap, pag-aaral, at paggawa ng desisyon.

Ang isa sa pinakamahalagang natutunan ko sa asignaturang ito ay ang kahalagahan ng kritikal na pag-iisip at tamang paggamit ng impormasyon. Sa hinaharap, magagamit ko ito sa paggawa ng mga desisyon batay sa makatotohanang datos at sa pagbuo ng mga argumento na may matibay na pundasyon.

VIDUYA, CHARMAY F.

Ang pinaka challenging saakin sa asignaturang ito ay pananaliksik kabanata 2, sapagkat oras at pasensya ang naging matinding hamon ko dito hindi lamang ako kung di ang aking mga ka miyembro at mga kaklase sa mga araw at oras na aming paggawa ng kabanata 2.

Para naman sa pinakamadali sa akin sa asignaturang ito ay yung sa tekstong naratibo at tekstong ekspositori dahil sa madaling unawain at gawin.

Ang natutunan ko naman sa asignaturang ito, na pinaka tumatak sa aking puso't isipan ay maging matiyaga at iisaayos ang paggamit ng oras upang mas mapabuti at mas mapadali pa ang iyong pag-aaral.

ACORDA

Ang pinaka challenging sa asignaturang

Pagbasa at Pagsuri sa iba't ibang Teksto sa Pananaliksik ay ang pagbuo ng kabanata 2 dahil kailangan mo ng malamin na pagsusuri sa mga kaugnay na literatura, mahirap din ang paghahanap ng mga mapagkakatiwalaang reference upang mapanatili ang kredibilidad ng pananaliksik.

Ang pinaka-madaling bahagi naman na aking natutunan ay ang mga tekstong naratibo, deskriptibo, eskpositori dahil ito ay may malinaw na halimbawa na iyong mauunawaan at ang isa ko ring natutunan ay kung paano ang pagkakasunod sunod o parte ng paggawa ng kabanata 2.

Ang pinakamahalagang aral na aking natutunan ay ang kahalagahan ng masusing pananaliksik at tamang paggamit ng impormasyon, at magagamit ko din ito sa susunod na s.y at sa kolehiyo dahil hindi pa lamang dito matatapos ang paggawa ng mga research paper at iba pa, at nagkaroon din ako ng ideya kung paano gumawa ng research at kung ano ang mga pagkakasunod-sunod ng parte na ito.

Pajo, Julia Cyrelle L.

Para sa akin, ang pinaka challenging sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ay ang pagbuo ng research dahil kailangan mong maging masuri at maingat sa paghahanap ng impormasyon, lalo na sa paghahanap ng mga kauganay na literatura dahil madami kang oras na dapat ituon dito dahil kailangan mong humanap ng mga literatura na may kaugnay sa inyong paksa na mayroon lamang 5-10 taon lamang.

At ang least naman, ay ang iba’t ibang uri ng teksto dahil ito ay mas madali maunawaan dahil kadalasan ito ay direkta at malinaw ang mga kahulugan at katangian ng bawat uri ng teksto.

Ang aking natutuhang aral sa asignatura na maaari kong magamit sa hinaharap ay ang pag gawa ng pananaliksik dahil batid kong kailangan din ito sa kolehiyo. Sa pag gawa ng pananaliksik, natutunan kong maging mas masuri sa pag hahanap ng mga tamang impormasyon .

Rovira, Jessi

Para saakin, ang pinaka naging challenging sa asignaturang pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik ay ang pag buo ng research. bakit? dahil ito ang unang beses na ako ay nakaranas ng matinding presyon pag dating sa isang gawain. ngunit nahasa rin nito ang aking kaisipan. sa pamamagitan ng gawain na ito, natutuhan kong mas maging responsable pag dating sa aking akademikong pagganap at nagkaroon din ako rito ng dagdag kaalaman na maaaring makatulong saakin sa aking journey bilang isang estudyante. Ang pinaka-least ay ang teksto, dahil parte na ito ng ating pang-araw araw na kabuhayan, mas naintindihan ko ito ng maayos at nang walang problema. Pati na rin ang pag depensa sa aming pananaliksik. parang natanggalan na po kami ng tinik sa dibdib nung naitawid na po namin ng maayos yung pananaliksik po namin. Na realize ko po sa sarili ko na kaya ko pala gawin yung mga ganung bagay, may kaba man, parte naman ito ng ating akademikong pagganap. Ang natutuhan ko namang aral na tingin ko ay magagamit ko sa hinaharap ay pagbuo ng pananaliksik. dahil ako’y nagkaroon na ng karanasan sa gawain na ito, magagamit ko ito balang araw upang mas maging hasa sa pananaliksik. At mas mapapaigi ko aking pag aaral dahil nagkaroon na ako ng kaalaman sa pag aaral na ito.

Tamayo, Ayesha Claire

Ang pinaka challenging para sa akin ay ang paghahanap ng rrl mas lalo na kung ito ay local, na kahit anong hanap mo sa ibang sites ay iilan lamang ang makikita at ang iba pa ay hindi na pwedeng kunin, dahil ito ay hindi na pasok sa taon na kabilang sa panahon na pwedeng isama sa iba pang rrl na nakakonekta sa topic na napili ng iyong groupo, ang pinaka-least naman ay ang pagsusuri sa isang ispesipikong tekstong ekspositori dahil naturo naman ito nang maayos at naging madali rin ito sa tulong ng aking kagrupo kahit tatlo lamang kaming nagtulungan dito. Ang natutunan ko naman na magagamit ko sa hinaharap ay ang gawin ng maaga at hindi lamang sa iisang subject mag focus upang hindi maghabol na maipasa sa tamang oras ang gawain.

Boado, Gillian

para sa'kin ang challenging na humamon sa akin ay ang pananaliksik dahil unang una bago ito sa iba, o ang karamihan naman ay naumpisahan na ito nung junior high ngunit bakit nga ba naging challenging sa akin ang pananaliksik, sapagkay gahol sa oras at araw upang matapos ang isang buong kabanata ngunit natapos pa rin namin sa sinabing deadline dahil may pagkakaisa ngunit nahirapan pa rin ako at ang aking mga ka grupo bukod sa gahol sa oras at bago para sakanila, at para naman sa least challenging ay ang pag suri sa panimula, gitna, wakas dahil naging madali sa akin ang pag tukoy dito sa tulong ng lesson ng aming mga st lalo na nuong kami ay pinag grupo upang tukuyin ang mga ito, at para naman sa natutuhan kong aral na aking magagamit sa hinaharap ay kung ano pa ang naging mahirap para sa akin ay yun din ang ang pinaka tumatak na madadala kong aral dahil ang pananaliksik ay magagamit ko pa pagtungtong sa baitang 12 at dahil dito mababawasan na ang hirap sapagkat may alam na ako sa pagbuo ng simula pamagat, hanggang kabanata 1 at kabanata 2 para sa akin hindi naging madali ang kinaharap ng aming grupo sa pagbuo ng mga ito hindi dahil mahirap kausap ang mga ka grupo ngunit nahirapan kami dahil sa apat na miyembro na dapat lima at inaasahan namin na kahit papaano ay makatutulong ay mas pinili nitong wag kami tulungan ngunit salamat sakaniya dahil mas pinili niyang hindi kami tulungan at mas naging maganda ang daloy ng aming grupo at naging maganda ang aming naging grado, at ang aking pinaka natutunan ay ang hindi dapat pilitin ang isang ka grupo upang makipag participate sa pangkatan dahil kung gusto nila ay kahit mahirap ay tutulong sila.

Hampac, Christian James B.

Para sa akin ang pinaka naging challenging ay ang pag buo ng research o pananaliksik dahil kailangan ito ng matinding pag susuri ng mga impormasyon at paghahanap ng mga impormasyon tulad ng rrl. Para naman sa pinaka least para sakin ay ang pag gawa ng naratibong teksto dahil magagawa mo ito base sa iyong karanasan . Ang mga natutunan ko naman sa asignatura na magagamit ko sa hinaharap ay ang mga naituro tungkol sa mga hakbang sa pag gawa ng pananaliksik/research simula sa pag buo ng pamagat at pag buo ng nilalaman ng pananaliksik na magagamit at makatutulong pa pag dating ng  grade 12 at college.