IW4P |Michael Candelaria by PETA School of People's Theater

Introduction Poster
"most relaxing"                                                                                                   "tito chills"

Pano maging kumportable kung alam mong malubak at malayo pa ang tatahakin

"DAILY BASIS"

sa panulat ni Michael Candelaria

Sense Poetry
Galing ako sa lasa ng sariwang talaba na natikman ko na nagpapa-alala sakin ng pagpunta sa dagat

Galing ako sa amoy ng durian na galing sa bahay namin sa Quezon, bawang at gatas.

Galing ako sa tahol ng masayang beagle

Galing ako sa makakita ng manta tay at namalas ko kung gano sya kalaki at kabait

Galing ako sa lamig ng ulan at hangin nung nasa tuktok ako ng bundok Amuyao

Galing ako pagkakabado dahil sa pagkakamaling nung scuba-diving nung biglang natanggal yung regulator sa bibig ko at di ko maibalik agad

Drama Element
Isa akong character na nangangailangan ng safe space para magpamalas ng vulnerability

Isa akong setting na kung saan maraming distraction tulad ng mga hugasin na plato at maduming sahig

Isa akong plot na nagsisimula pa lang

Reflection
Dumikit sa aking yung "what resonates with us might resonate with others". Magandang . Saka yung madalas na diskusyon sa vulnerability. May struggle pa rin ako sa vulnerability pero yung yung isa sa mga plano kong pagtagumpayan.

Pagmulat sulat Day 1
Paggising ko kanina una kong naisip yung homework. Pati na rin yung nauna meeting sa office kasi nakatatak pa rin sa akin yung mukha ng boss ko na masayang masaya dahil naka uwi na sya ng Pilipinas galing Denmark. Bakas na bakas sa mata nya na masaya syang nakikita kami at naririnig ang boses ng harapan sa halip na online lang. Kahit naka face mask kami. Mata lang ang napansin ko sa kanya kasi balbas-sarado sya siguro dahil sobrang lamig sa Denmark. Nag video conference kami at nakipag meeting sa mga kasama namin sa kumpanya pero naka base sila sa Denmark. Nabakas ko sa mukha nya yung pagka – inggit kasi nakita nya yung boss ko na nakapag lakbay sa labas ng Denmark at kasama ang mga paborito nyang empleyado.

Natapos ang meeting at bumalik ang mga tao sa mga dati nilang ginagawa, napansin ko na sa sobrang tinagal naming nawala sa opisina eh parang tumigil lang ang oras walang nagbago. Nagsisigawan pa rin sila kahit malapit sila sa isa’t isa habang naguusap. Matatakaw pa rin sila sa pizza.

Napaisip ako kung babalik ba uli ako sa pagpasok sa opisina para kahit papano makabalik sa “normal” ang mga working days ko.

“Normal” working days kasi nahihirapan pa rin akong magtrabaho sa loob ng apartment dahil gusto ko parin na wala nang iisipin na trabaho pag uwi sa bahay. Pag uwi sa bahay gusto kong gawin yung mga bagay na nagpapasaya sa akin na kung kaya ako nagtatrabaho eh para masustentuhan ang mga ito. Ang mga itoý naghalo halo na kaya’t mahirap nang sabihin kung productive paba ako o hindi.

Katagalan nagging kumportable na rin ako sa araw araw na pag-iisip kung productive pa ba ko o hindi, ang mahalaga ay natatapos ko ang araw ng masaya nat matututulog at excited para sa mga darating na pagsubok pag-gising sa umaga.

Mga pamilyar na boses ng kapit bahay sa labas ng apartment. Akoý masaya dahil nakapagtayo na ng sari-sari store ang katabi kong apartment. Mas marami nang pagkaka-abalahan si Ate Baby dahil kwento nya sa akin ay nababagot na sya siguro nga dahil sa lockdown at pandemic. Maganda na rin kasi hindi na rin ako masyadong nakakaramdam ng isolation. Oo pati rin yung tricycle.

Nagsisimula na ulit mag tag-init, natatakot akong bumalik uli yung panahong hirap akong makatulog sa gabi dahil sa init. Nararamdaman ko na ang mga puyatan.

Pagmulat sulat Day 2
Gigising na dala ang kaning bahaw ng kahapon. Ang panghihinayang ng nung huling taon. Pilit na itutulog ulit subalit hindi na kaya dahil mainit na at maingay na ang kapitbahay. Maingay ang radio ng kapitbahay. Mainagy sila pero kelangan bumangon, sayang ang sikat ng araw. Sikat ng araw dahil sa paniniwalang maraming ipapamalas na magagandang pagkakataon ang bagong araw.

Pinag – iisipan ko kung bibili ako ng bagong thermos. Thermos para mainit na tubig para kape.

Ang ingay ng radio ng kapitbahay, di ako makapag – isip. Siguro dahil hindi ako masyadong nakabyahe ng matagal. Pakiramdam ko sa bawat sulok na lang ng apartment tumatalbog ang utak ko. Ang utak ko ay naglalambitin na lang sa kisame, sa mga bumbilya, babagsak sa ibabaw ng ref tapos paulit-ulit lang.

Paglalakbay – nakakapagod sa katawan pero nakakapagpahinga ang isip. Ang isip ay nababanlawan ng lumang nilalaman at sa ibang lugar ay napupunan ng iba naman. Iba naman kasi yung namamalas mo yung lawak ng lugar lalung lalo kung nasa tuktok ka nag bundok o kaya’y nasa harap ka ng dagat. Dagat na kahit anong alat ng tubig eh magbibigay naman sayo ng panibagong mga kulay sa pagtingin sa mundo.

Isdang mailap

Tubig alat na guguhit sa ilong

Malamig na simoy ng hangin na dadampi sa pawis

Tuba para sa almusal

Kelangan ko lumabas ngayon kahit papaano. Papaano ba maglaro sa loob ng napakasikip na hangganan. Hangganan sa ngayon. Mahirap umasa mukhang kelangan ko na lang gamitin kung ano yung bitbit ko ngayon. Ngayon ay kelangan kong maniwala na sapat na sya. Sapat sapagkat kung mag-aalala pa ako ay bababalik na naman ako sa walang katapusang pagtalbog ng aking isip sa bawat sulok ng apartment.

Dejavu
Ranger station, malamig lagi sa Mountain Province kaya ang sarap balik-balikan. Nagsimula na kaming umakyat sa trail. Nagsimulang umulan at mas lalong lumamig ang paligid kasama na rin ang medyo kapansi-pansin na ihip ng hangin. Parang may paparating na bagyo. Hindi ko maintindihan pero parang napanaginipan ko na to dati. May tatlong pugo at isang lawin ang nakita kong lumipad. Napangiti ako pero di ko alam kung bakit. Nagsabay nang mag-ingay ang ambon at mga kuliglig. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at sandali pa lamang ay may naramdaman na akong konting sakit sa kanan kong tuhod. May nakita akong kahoy na pwedeng pangtungkod. Mukhang nahawakan ko na dati pa itong piraso ng kahoy. Tiningnan ko yung bagong bili na tent sa loob ng aking bag. Pakiramdam ko ay nagamit ko na sya. Buti na lang at di ko nakalimutang dalhin.

Directions
Sa isang maliit na condo unit sa ganap na alas 4 ng hapon

Si Jhemerlyn ay isang probinsyanang katulong na 3 buwan nang namamasukan sa Maynila. 25 anyos. Maliit na babae at may kapayatan.

May natanggap na text ang celphone ni Jhemerlyn kaya't binasa nya ito.  Ang text ay galing sa amo nya.

Makikita nyang nakalimutan nyang naiwan na bukas ang ilaw ng banyo at papatayin ito.

Nabanggit sa text na basahing ang papel na nakadikit sa ref.

May iiyak na sanggol sa kwarto

Bubuksan ni Jhemerlyn ang bintana na sya namang ikakatuwa ng sanggol

Dadating ang amo nyang si Delilah at pupunta sa kwarto. Makikita nya ang sanggol na masaya.

Jhemerlyn: Mam Delilah ihahanda ko na po yung gatas ni Baby Ariel buti na lang nagiwan po kayo ng sulat para masundan ko.

Delilah: Maraming salamat Jhemerlyn. Hulog ka ng langit.

Kumusta ako as a Scene
Tagpuan: Isang apartment sa Pasig. Mainit ang panahon pero naiibsan ang banas sa loob ng apartment sa pamamagitan ng isang maingay na bentilador. Alas - otso ng gabi.

Makikita si Michael nakaupong nakaharap sa laptop. Minsaý mag sasalubong ang kilay dahil merong di pa maintindihan at minsaý mapapangiti sa pagsang-ayon.

Michael: Haaaayyy buti nalang may FB group ang klase saka ina-upload yung slides na ginamit.

Papatayin ang laptop at tutungo sa lababo ng kusina upang ituloy ang natigil na paghuhugas ng pinggan.

Reflection
Dumikit po sa akin ang katagang "show don't tell" bilang guideline sa paggawa ng directions.

Pagmulat sulat Day 3
Si Jobert ay isang 16 anyos na batang lalake. Kayumanggi at payatin subalit maliksi. Nakasuot lang ng manipis at itim na short.

Sa tulay ng Pasig Boulevard Extension. Ala una y media ng hapon at sikat na sikat ang araw. Sa gitna ng tulay ay may mga nakatanim na malalagong bouganvilla at puno ng mangga na maaring silungan o taguan ng tao.

Aahon mula sa mga malalagong bouganvilla si Jobert. Bakas na bakas ang ngiti sa mukha nya. Titingin sya kanan at makikita ang mga sasakyan rumaragasa sapagkat biglang nag green light ang traffic light sa rotondang malapit sa tulay.

Magiging red light ang traffic light at hudyat na ito para makatawid na sa kalsada ng tulay si Jobert. Lalong lalaki pa ang ngiti nito at lalabas ang mga ngipin.

Pagkatawid sa kalsada ay lulukso sa ng maliliit at sisigaw ng mahina sa tuwa.

Dududungaw sya pababa sa gilid ng tulay at mamamalas ang ilog Pasig. Kakaiba ang pagkaberde nya ngayon at makikita ang mga malalaking janitor fish na umaahon ng pakonti-konti na tila mga dolphin.

Sasampa sya sa gilid na bakod ng tulay at biglang tatalon

Ambilis maubos ng kape

Nagsisismula nang uminit ang panahon. Malapit na mag expire ang tea na binili ko, di ko pa rin maubos.

Ang sarap ng kare kare na pinadala sa aking ng ina ko.

Gumising ako ng may pakiramdam ng panghihinayang.

Nagsisimula nang uminit ang panahon pero kampante ako ng alam ko na ang susunod na gagawin para makatulog.

Pagmulat sulat Day 4
Pagmulat sulat Day 4

Hawak ni Jojo ang celphone, ngingiti at tatawa. Magtatago ilalim ng malaking lames ana gawa sa talisay. Lilipas ang limang segundo ay mapapatili, bilglang mapapatayo at mauuntog   ang ulo sa ilalim ng mesa. Mapapahimas ito sa ulo tapos ay lalabas sa ilalim ng lamesa at tatakbo sa sa may sofa. At sisilip sa bintana.

Halakhak na napapaka tinis

Kapit na mahigpit sa tasa ng kape

Magwawalis ng sahig

Buntong hininga ni yaya at sisigaw

Dinig ito sa kabilang bahay

Sisilip si Ezekiel habang may hawak na celphone sa sa bintana at may tututong pawis sa kaliwang mata. Masisilam sya kukusutin ang kaliwang mata sabay punas ng pawis sa noo. Biglang ngingiti at tatawa. Tatakbo sa kwarto ng ate nya at magtatago sa aparador ng mga damit. Aakyat si Ezekiel sa ibabaw ng mga damit at tatahimik.

Malamig na milk tea

Inaninag ang mga boba sa milk tea. Napangiti ng ng konti at aalugin ang plastig na baso ng milk tea.

Paupo na ng paboritong upuan.

Biglang tumili si Ezekiel. Narinig ito ni Ate Myla at sabaw takbo sa kwarto nya. Makakasalubong nya si Ezekiel sa pinto at makikita nya yung mga damit nya sa loob ng aparador na nakakalat na sa sahig.

Sugat sa kamay at ngawit sa likod.

Pangako sa sariling aalagaan ang batang kapatid.

Tatakbo sa may bintana si Ezekiel sa bintana habang pawis na pawis. Sisilip sa bintana at titili.

Pagmulat sulat Day 5
Mga pamilyar na boses ang naririnig ni Wesley Go sa loob ng kanyang silid. May mga violet na ilaw sa loob ng silid. Mapapangiti si Wesley Go sa usapan ng dalawang boses na narinig at biglang tatawa. May isang malaking salamin at titingin siya sa kwarto. Aayusin nyang ang suot nyang wig at bandana.

Biglang lalabo yung mga boses. Lalapit si Wesley Go sa celphone na pinanggagalingan ng mga boses. Kukunin ito at biglang babagal at magiging putol putol ang dating ng mga boses. Mawawala ang ngiti niya at titingin sa lahat ng sulok ng silid. Mapapalingon din sya sa mga violet na bumbilya na pinang-gagalingan ng ilaw.

Alas - nuebe ng umaga at panghihinayang.

Kape at pagtanaw sa mga obligasyan ngayong araw.

Patuloy pa rin ang pagsagawan sa paglipas ng bawat minuto.

Bubuntung hininga si Wesley Go at papatayin ang celphone. Bubuksan ang pinto at lalabas sya ng silid. Bubungad ang isang kalsada na may iba’t ibang mga tao na naglalakad, ang iba ay nag-uusap ng malakas ang boses. Aaninagin ni Wesley Go mga mukha ng tao sa salabas ng silid. Mag sasalubong ang kilay nya at iiiwas ang tingin sa mga mukha ng taong dumadaan. Babalik uli sya sa loob ng silid at isasara ang pinto.

Titingin nya sa celphone na iniwan nya sa sahig. Punpunta sa gitna ng silid at uupo sa sahig, mapapatulala. Hihiga sya sa sahig at bubuntung-hininga. Mapapatulala ulit. Pipikit sya at katagala’y mumulat ulit. Mababakas ang pagka-inis sa mukha nya.

Tatanawin ang celphone, lalapitan at bubuksan ulit. Pagkabukas ng celphone ay may pinindot sya sa screen at nagsimula ulit marinig ang mga boses na nag-uusap. Mawawala ang pagkainis ni Wesley Go. Ningiti sya at biglang matatawa.

Hinubad ni Wesley Go ang kanyang bandana at wig. Tumingin sya sa salamin. Magtatawanan ang mga boses na mariring galing sa celphone. Mapapangiti siya at sabay tatawa na rin.

Koronang gawa sa bulaklak. Buhanging puti at pino. Maaninag na sandbar sa malayo. Als-kwatro ng hapon. Isang malamig na San Mig Light. Kaibigang masarap magluto. Isa pang kaibigan na nagnanais iangat ang kalagayan ng lipunan.

Lalangoy papunta sa sandbar. Amoy gasolina ang tubig. Mapapahalakhak subalit may titilamsik na tubig alat sa bibig.

Neutral Lines

Pagmulkat Sulat Day 6
Lumabas sa kanyang kwarto sa opisina sa Mrs. Villarama papunta sa mga cubicle ng mga staff nya.

Narinig ng mga staff niya ang pagpinid ng pinto ng kwarto. Mapapalingon silang lahat sa kanya at nagsitayuan mula sa kanilang pagkakaupo.

May sasabihin si Mrs. Villarama, lalaki ang mata at ngingiti sa saya nina JunJun at Sam pero si Mara ang mas may malaki na ngiti.

Sa may pinaka dulong cubicle ay naroon si Rose na ngumiti lang ng konti.

Magpapalakpakan lahat pagkatapos at nakatutok ang atensyon ng lahat kay Mara. Hindi mabura nag ngiti kay Mara. Ang lahat ay nag-abot ng maligayang pagbati kay Mara.

Nagsalita si Rose at biglang tumahimik lahat. Nabura ang ngiti ng lahat at nagsalita si Sam. Pagkatapos ay si JunJun. Huling nag salita Mara ng may pagkaseryoso.

Kinuha ni Mara ang laptop nya. Kinuha naman ng iba ang notebook at ballpen nila. Lahat sila ay nagtungo sa conference room.

Binuksan ni Sam ang pinto ng conference room pero pinanunang makapasok si Mara. Sumunod ang lahat sa loob.

Binuksan ni JunJun ang ilaw at binuhay ang Overhead Projector.

1 Page Script

Pagmulat sulat Day 7
Nagwawalis ng mga tuyong dahon sa ilalim ng lumang puno ng balete si Ronalisa. Nang mapagtipon tipon nya ito’y sisindihan naman nya.

Nag-liligpit si Francesca ng mga bote ng alak at plato sa harap ng computer table nya. Ilalagay ang bote sa basurahan at plato ay iiwan lang sa lababo. Babalik uli sya sa harap ng computer table at uupo. Kukunot ang noo at magsasalubong ang kilay. Ipapatong ang mga siko sa harap ng computer table. Hahawakan ang ulo at mamasahihin ang anit. Mapapakit si Francesca sa sarap.

Mapupuno ang kwarto ng konting amoy ng usok ng nasunog na tuyong dahon. Mapapamulat si Francesca at lalabas ito ng kwarto patungo sa ilalim ng lumang puno ng balete.

Magkikita ni Ronalisa na paparating si Francesca. Mapapangiti si Ronalisa. Masisilaw sa sikat ng araw si Francesca.

Sabay silang tutungo sa kusina at sisismulan na ang pagluluto. Kukuha ng malamig na tubig mula sa ref si Francesca at iinumin ito.

Dumungaw ang pag-asa kagabi. Ang mga ulap ay imiikot at sumasayaw sa bawat kumpas ng bilog na buwan.

Iyaw muna makita ang bukas subabalit ipipikit ang mga mata sapagkat pagod na sa kakaisip.

Maramdaman ang haplos sa noo. Subalit ito ay isang ala-ala lamang

Inspired by your your post-it, Write an opening moment of a scene
Sa isang kwarto sa loob ng isang bahay sa Guijo St. Alas-otso ng umaga. Si Jason, 41, kalbo, balbas-sarado, ay bagong ligo at nagbibihis. Magsususot ng bagong bili na long sleeves na polo, pink. Titiklupin ang manggas ng polo. Tititig sa salamin.

JASON:
(sisisgaw pero malalim ang boses) You are enough

Kukunin ang script ng tinagalog na bersyon ng Oedipus Rex at lalabas ng kwarto.

Writing scripts for different spaces and platforms
Improvise a proposal scene
Platform:  Street Theater / Invisible Theater
Setting: In the middle of a fiesta/rally/street gathering/crowded area

Pagmulat sulat Day 8
Ang panghihinayang ay dumadating sa umaga at nagpapakilala sya lagi na gamit ang iyong mukha.

Ipapasyal mo ako lagi sa mga lugar na gusto kong puntahan, sa dagat, sa gubat sa palengkeng maingay.

Tuwing umaga yan walang mintis.

Aabutin ni Missy ang punyal na nakasabit sa pinto ng cabinet at gagayatin ang mga kamote. Nadudurog ang mga kamote sa halip na nahihiwa ng maayos dahil sa sobrang kapal ng talim ng punyal.

Ilalabas ni Ariel ang coffee grinder nak ulay pula mula sa telang sisidlan nito. Kukunin ang coffee grounds nakalagay sa isang Lock & Lock mula sa refrigerator. Bubuksan ni Ariel ang Lock & Lock at lalanghapin ang amoy ng mga coffee beans. Bubuksan ni Ariel ang coffee grinder at lalagyan ng coffee beans pagkatapos ay ibabalik ang takip at sisimulang paikutin ito ng daha-dahan na para bang isang maselan na kagamitan ang hawak nya. Payabang na ngingiti si Ariel.

Umaga na at pumapasok na ang sikat ng araw sa loob ng kwarto.Nakahiga sa kanyang kama si Dingdong at may nakapatong ng na maliit na unan sa ibabaw ng mukha nya. Mumulat ang kanyang mga mata at dahan dahang babangon. Lalabas ng kwarto at bababa ng dahan dahan sa hagdanan. Pupunta si Dingdong sa celphone nya, pipindutin ang harap ng celhpne pero hindi ito mabubuhay. Aakyat uli ng hagdanan si Dingdong pabalik sa kanyang kwarto. Hihiga uli sya at tatakpan ang mukha ng maliit na unan at pipkit.

Ang mga kamay mong lagi akong tinutuksong hawakan hawakan at wag nang pakawalan.

Reflection notes
When collaborating:
Feel the room
Do not over-direct
Accept and build

1 Page Zoom Play

Pagmulat sulat Day 9
Naiintindihan ko ang mapang-akit pakiramdam na pagtulak ng pusa ng noo nya sa sayong pisngi.

Naiintindihan ko ang mapang-akit na ngiti mo habang inaamo mo yung maliit na aso sa Opera House.

Tatlong oras na ang nakakalipas at hindi pa rin imiikot ang kwarto. Ibibagsak ni Stella ang kanyang mga balikat at bubuntung hininga. At ngingiti sya sa harap ng laptop, makikita sa screen ng laptop ang anim na mukha.

Magpapakilala si Silvia at mawawala ang lima pang mga mukha sa loob ng screen, mukha na lang nya ang matitira. Magpapakita ang mukha ni Marc at tatanungin si Silvia kung alam ba nya kung gaano kabigat ang kasalanan na nagawa.

Binibini alam mo bang mas pinaigting na ngayon ng gobyerno ang pakikipaglaban sa droga?

Magpapakilal sia Sheila at mawawala ang lima pang mga mukha sa loob ng screen, mukha na lang nya ang matitira. Magpapakita ang mukha ni Sammy habang inilalapit ang kamay sa camera na para bang may ibinibigay kay Shiela.

Anak eto ang baon tipirin mo yan, magkita na lang uli tayo sa sususnod na lingo.

Magpapakilala si Berting at mawawala ang lima pang mga mukha sa loob ng screen, mukha na lang nya ang matitira. Magpapakita ang mukha ni Justin habang habang may hawak na lanyard sa dalawang kamay. Ihahampas ni Justin ang lanyard sa desk nya.

Di rin magtatagal at aamin ka rin Bwahahahahaha!!!

Reflection
1. Consider other aspects of the story ( e.g. setting ) to tell more about character/protagonist.
2. Let people you are comfortable with read your work even on whatever stage it's in even if they are not professional writers or actors. Be comfortable with comments and suggestions.
3. Fail faster fail better.

Select a dish representative of how you are this past week/today

Writing for Silent Bodies

Pagmulat sulat Day 10

Pagmulat sulat Day 11

Pagmulat sulat Day 12

Make a script of your chosen performative story/text (1 page minimum, 3 pages max)

Pagmulat sulat Day 13

Pagmulat sulat Day 14

Reflection
1. Para akong kabayo sa kalesa na tinanggalan ng takip sa mata nung nakikita kong tinanghal na yung script ko.

2. Kelangan ko i - "research" ang mga language ng characters ko sa halip gamitin nila ang pananalita ko.

3. Nag-fafantasize ako na ako si William Shakespeare sa sineng "Shakespeare in Love" na ginagawa nya yung script ng Romeo and Juliet habang nakakasalamuha nya yung mga aktor hahahahahahahah!!!!!!!!!!!!!