FILI 11 MESA [Calivo, Micah Shane D.] by MICAH SHANE CALIVO

Dulang Tables
Sa tradisyunal na isang kwartong bahay kubo, ang ginagamit na muwebles na nagsisilbing mesa sa tahanan ay tinatawag na Dulang. Ito ay gawa mula sa pira-pirasong kahoy o bamboo strips at ginagamit sa tuwing kumakain, nagsusulat, at nagpa-plantsa.

Ang Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Noong ika-19 na siglo, panahon ng kolonisasyon ng mga Espanyol, nadiskubre ng mga prayle na mabilis masira ng lindol at sunog ang mga mesa at iba pang muwebles na gawa sa kahoy at bamboo. Ito ang naging dahilan sa paggawa ng Bahay na Bato, gayon din sa paggamit ng ibang materyal sa paggawa ng mga mesa gaya ng volcanic stone at bricks.

Mesa Altares
Simula nang maitayo ang Bahay na Bato, nagbago na rin ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa tahanan. Sa halip na iisang mesa lang ang gamitin ng pamilya sa iba't ibang aktibidad na ginagawa sa tahanan, mayroon na ring mesa para sa altar na nagmula sa impluwensiya ng mga Espanyol sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Chinese K'ang
Noong panahon ng Galleon Trade, ang iba't ibang mga estilo ng mesa sa Kanluranin ay naibahagi sa Pilipinas bunsod ng globalisasyon. Ang internasyonal na agos na ito ang nagbigay daan sa mga nangangalakal na Tsino na magtungo sa Pilipinas upang magbenta ng K'ang, isang mesa na hawig sa Dulang dahil sa magkaparehong tangkad nito.

Estilong Borbon
Noong ika-17 siglo, nagsilbing impluwensiya ang estilo ng Kanluranin, o mas kilala sa tawag na Baroque style, sa modernong disenyong adaptasyon ng Pilipinas sa paggawa ng mga muwebles gaya ng mesa. Gayunpaman, ang estilong ito ay hindi nagtagal dahil sa hindi nababagay ang materyal na  ito upang maangkop sa tropikal na panahon na mayroon ang Pilipinas. Ito ang naging daan sa adaptasyon ng estilo ng mesa na mayroon ang England, o mas kilala sa tawag na Estilong Borbon, isang bilog na mesa na may iisang makapal na tayuan na tila'y mukhang tripod ang itsura.

Ang Pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas
Noong taong 1898, panahon ng kolonisasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas, ang praktikalidad ang naging sentro ng estilo ng mga Amerikano pagdating sa paggawa ng muwebles gaya ng mesa. Ang ganitong klaseng estruktura ng mesa ay gawa sa plywood dahil sa kakulangan noon ng suplay sa matitigas na kahoy. Karaniwan, ang itsura ng mesa sa panahong ito ay hugis parisukat na may nakapatong na manipis na salamin sa ibabaw, na hanggang ngayo'y siyang ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang tahanan.