Repleksyong Lasalyano M by Elliana Therese Sto. Domingo

1. Masid-Danas
Mula sa mga isyu at sitwasyong pangwika na tinalakay, napili kong talakayin ang globalisasyon at mass media. Ang globalisasyon ay napakalawak at nakaaapekto hindi lamang sa wika kundi pati sa negosyo at teknolohiya (isa na rito ang paggamit ng mass media. Halimbawa, sa Instagram marsmi kang makakausap na mag Tao na nakatira sa kabilang bahagi ng mundo. At Hindi lang icon, maraming ding advertisements ng mga pagkain at araw araw na gamit, ang nagpapakita dito). Alam naman natin na lahat ng bansa ngayon ay konektado sa isa’t isa, at ang Western na kultura ang madalas mangibabaw sa ating lipunan. Dahil dito, marami sa atin ang mas nadadalian, o Kaya naman, mas sanay sa Ingles at mas pinipili itong gamitin kaysa sa Filipino. Sa aking karanasan, mas madalas kong ginagamit ang Ingles dahil mas komportable ako rito, lalo na kapag nakikipag-usap ako sa mga kaibigan o kaklase. Minsan, nahihirapan akong mag-Tagalog, lalo na sa paggamit ng mas malalalim na salita. Ganito rin ang sitwasyon ng maraming kabataan ngayon: mas mahusay sila sa Ingles kaysa Tagalog, at kadalasan ay nahihirapan sa Filipino dahil na rin sa impluwensya ng globalisasyon at mass media.

2.Suri-Nilay
2. Para sa akin, maraming salik ang nagpapalubha sa hamon o isyung ito. Una, mass media. Araw-araw, marami tayong nakikita sa social media ( iba’t ibang mag influencers, “memes,” trends, etc) kadalasan nito, ay galing sa banyaga o Western culture. Kaya kung ano ang mas ginagamit nila sa ibang bansa, iyon din ang ginagaya natin dito. Karamihan ng mga nagpo-post sa social media ay mga Westerners o Western-based, kaya mas exposed tayo sa Ingles kaysa sa sarili nating wika. Mabuti naman na natututo tayo ng Ingles dahil nagagamit natin ito, pero minsan, napapabayaan na natin ang sarili nating  kultura at wika. Para sa akin, isa ring dahilan ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang anak. May mga magulang na walang gaanong oras para turuan ang kanilang mga anak, kaya’t binibigyan na lang sila ng gadgets o hinahayaan sa social media. Dahil dito, mas nae-expose ang mga bata sa Ingles kaysa sa Filipino. May mga magulang din na mas gusto na matutong mag-Ingles ang kanilang anak dahil iniisip nilang mas magagamit ito sa hinaharap kaysa sa Tagalog.

3. Taya-kilos
3.Bilang Lasalyano, ang mga nakikita kong hakbang upang makatulong sa problemang ito, kahit ito ay maliit at personal, ay ang masigasig na pag-aaral ng Wikang Filipino. Hindi lang sa paaralan tayo maaaring matuto ng Filipino kundi pati din sa ating mga magulang at mga tao (kaklase, katrabaho, mga kamag anak na marunong mag Tagalog) na nakakausap natin f2f. Dapat hindi lang basta inaalam Ang mga kahulugan ng mga salitang Tagalog, kundi, dapat alam din natin kung paano at kailan ito dapat gamitin (maraming mga libro at websites Ang ma kakatulong dito, ngunit Ang pakikipag usap gamit Ang wikang tagalog Ang pinaka epektibong pamamaraan dito). Para sa akin, mahalaga din malaman natin Ang dahilan kung bakit kailangan natin matutunan ang ating wika, kasi sa Toto lang, bakit ka magbibigay ng oras sa isang gawain kung hindi mo alam bakit mo iyon ginagawa (para masagot ko ito, kailangan natin matutunan mag Tagalog dahil ito ang ating wika na sumasalamin sa ating kultura, sining, tradisyon, at kaugalian.) Maari din natin ipakita at ipromote ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng wika at mas media; Halimbawa,  ay ang pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga pangyayari sa bansa, sa pagpo-post ng mga sining, at sa pag-promote ng mga produktong Pilipino, tradisyon, at kaugalian. Maaari rin tayong mag-educate o magturo sa mga taong nahihirapan sa Tagalog upang mas mapalaganap ang tamang paggamit ng wika (pwede natin tulungan ang ating mga kaklase, katrabaho, kaibigan, etc).