Repleksyong Lasalyano by Angela Mae Pamaos

Louis Arceo ( HUMSS D )
Kung minsan po ako nag grogrocery, kailagan ko po bumili ng fresh vegetables at yung mga nagtitinda po ang pure mag tagalog kaya minsan na sostroke po ako sa sinasabi po nila. Yung mga factors po na nagpapalubha ay ang language barrier po. Bilang isang lasalyano, dito sa humms strand po, may oppurtunidad na pwede ko po matutunan ang wikang filipino at gamitin po ito sa araw araw ko po.

Jill Alexa Halasan - HUMSS 11 - D
Siguro, ang aking personal na danas ay ang mga pagkakataon na kailangan kong magsulat ng mga pangungusap sa Filipino, ngunit hindi ko maisip ang nararapat na salita dito. Bagamat, alam ko ang nais kong sabihin, hindi ko ito malikha sa Filipino. Isa pang pagkakataon ay sa tuwing nagbabasa ako ng aklat o nanonood ako ng pelikula, mayroong mga malalalim na salita na hindi ko gaanong naiintindihan, kahit ako naman ay purong Pilipino at lumaki sa Pilipinong pamamahay. Sa aking palagay, sa pagiging dinamiko ng ating wika, natututunan nating i-adapt ang mga wika ng ibang bansa na nakikita natin sa social media. Kung kaya’t imbis na lumawak ang ating bokabularyo sa Filipino, mas lumalawak ang ating bokabularyo sa ibang wika. Isa rin sigurong salik ang mga napapanood natin sa iba’t ibang plataporma, na kung saan mas gamit ang wikang Ingles. Bilang Lasalyano, ang magagawa ko para sa aking sarili ay ang panonood ng mga iba’t ibang Filipinong pelikula upang mahasa ang aking bokabularyo, pati na rin ang pagpapanood ng mga bidyo sa iba’t ibang plataporma na ang layunin ay mapalalim ang Filipinong bokabularyo gamit ang mga malalalim na salita. Ang magiging suhestiyon ko naman sa pamayanang lebel ay ipantay ang pagbibigay ng pansin/pagtuturo sa wikang Filipino at sa wikang Ingles. Sa ganitong paraan, habang bata pa lamang, nahahasa na ito sa Filipino pati na rin sa Ingles, tutal, kung kaya naman nating pagsabayin, bakit hindi? Dahil dito, sabay lang na lalago ang bokabularyo ng mga kabataan sa Filipino at Ingles, walang lalamang, at walang babawas — dahil, pareho naman itong importante sa ating wika, kultura, at paraan ng pakikipag-usap. Sa kabilang banda, hindi rin natin maaaring basta nalang tanggalin ang wikang Ingles, sapagkat ito ang ating paraan upang makisabay sa daloy ng komunikasyon at pag-unlad sa iba’t-ibang larangan.

Bilang isang estudyante, naranasan kong mahirapan minsan sa paggamit ng Filipino sa ilang asignatura dahil mas binibigyang-pansin ang Ingles. Sa klase, may mga pagkakataong mas pinapahalagahan ang pagsasalita ng Ingles kaysa sa sariling wika. Sa kabilang banda, napapansin ko ring hindi masyadong nagagamit ang mga rehiyonal na wika na bahagi rin ng ating kultura. Dahil dito, nakikita kong hamon ang pagpapanatili ng balanse sa paggamit ng Filipino, Ingles, at mga katutubong wika sa iba’t ibang larangan.

Jakin Jiao ( HUMSS D )
Para sa akin isang isyu na nakikita ko sa mga wika ngayon ay ang mga kabataan ko kung saan mas konti na ang gumagamit ng kanilang sariling wika dahil sa paggamit ng Ingles. Ang isang danas nito ay sa mga panahon kung saan pag meron akong binabasa o pinapapakinggan sa Filipino marami akong salitang hindi ko maiintindihan, kaya minsan hindi ko naiintinidhan ng kumpleto kung ano and binabasa ko. Sa tingin ko isang dahilan dito ay dahil sa globalisasyon at ang paggamit ng internet kung saan karamihan ng media dito ay nasa Ingles, at habang ito ay hindi naman masamang bagay, kailangan natin wag kalimutan ang sarili nating wika at gamitin pa din ito sa pang araw araw na buhay bilang isang Lasalyano at Pilipino.

Max Jefferson Yu HUMSS 11-D
Madalas kong maranasan na kapag kausap ko ang isang tao ng Ingles at may biglang kumausap sakin ng tagalog, nahihirap ako mag-adjust dahil naguguluhan ako kung paano maipagpapatuloy ang usapan. Isa sa mga salik na nagpapalala nito ay ang impluwensya ng globalisasyon at ang pagiging laganap ng Ingles sa edukasyon at teknolohiya, kaya’t minsan mas sanay tayong gumamit nito kaysa sariling wika. Bilang isang Lasalyano, maaari kong gawin ang hakbang na masanay sa parehong wika sa pamamagitan ng mas madalas na paggamit ng Filipino sa pang-araw-araw na usapan at pagbibigay-halaga sa mga pagkakataong gamitin ito, at sa antas ng komunidad, maaaring magtaguyod ng mga gawain o programa na nagpapalakas ng paggamit at pagmamahal sa sariling wika upang mabawasan ang ganitong hamon.

Gabriel Xanti Reyes- HUMSS D
Ang  isang isyu na naranasan ko ay ang language barrier. Dahil mga iba ay hindi sila sanay saknailang wika.  Ang mga nagpapalubha sa hamon o isyung ito ay dahil sa mga tinuturuan.                                         Bilang isang lasalyano, ang pwede kong gawin lamang ay sanayin ang sarili sa pagsasalita ng sariling wika

Alleana Sofia M. Alerama / HUMSS-D
Bilang isang mag-aaral na Pilipino, ramdam ko ang mga hamon na kinahaharap ng ating wika lalo na sa panahon ngayon na mas pinapaboran ng marami ang paggamit ng Ingles sa paaralan, trabaho, at social media. Halimbawa, sa mga klase o presentasyon, may mga pagkakataon na mas inuuna ang Ingles kaysa sa Filipino, na nagiging dahilan para unti-unting mabawasan ang paggamit ng ating sariling wika. Isa ring hamon ang pagkalimot o pagkakalimutan ng mga kabataan sa kanilang sariling diyalekto dahil sa globalisasyon at impluwensya ng teknolohiya. Ang mga salik na nagpapalubha nito ay ang kolonyal na pag-iisip na mas mataas ang Ingles, kakulangan ng pagpapahalaga sa wikang Filipino at iba pang wika, at kakulangan ng mga programang nagsusulong ng paggamit ng sariling wika sa iba’t ibang larangan. Bilang isang Lasalyano, maaari kong gawin ang hakbang na gamitin ang wikang Filipino hindi lamang sa loob ng klase kundi pati sa pang-araw-araw na komunikasyon, gumawa ng mga proyekto o content sa social media na gumagamit ng Filipino, at hikayatin ang mga kaklase at komunidad na mas pahalagahan at gamitin ang ating mga wika upang manatili itong buhay at mahalaga.

Bella Vergara (HUMSS 11-D)
Para sa akin, minsan nahihirapan ako magsulat ng mga pangungusap sa Filipino. Naiintindihan ko naman ang Filipino, minsan hindi ko lang masulat ng maayos ang nais kong ipahatid. Isang factor na nagpapalubha sa hamon na ito ay ang katotohanan na mas pinipili kong magsalita at magsulat sa wikang Ingles dahil mas komportable ako dito. Bilang Lasalyano, sisikapin kong gamitin ang wikang Filipino ng mas mandalas, para masanay ako at hindi na mahirapan.

Mary Therese Peñaranda - HUMSS 11-D
Naranasan ko na ring mahirapan sa paggamit ng Wikang Filipino lalo na kapag may mga kaklase akong mas komportable sa Ingles kaysa sa sariling wika. Isa ito sa mga hamon na kinahaharap hindi lang ng Filipino kundi ng iba’t ibang wika sa bansa — ang unti-unting pagkalimot at pagbibigay-halaga sa kanila. Isa sa mga salik na nagpapalubha dito ay ang kolonyal na kaisipan na mas mataas ang tingin sa Ingles at ang kakulangan ng pagtuturo at pagpapalaganap ng mga katutubong wika. Bilang isang Lasalyano, nakikita kong makakatulong kung magsisimula tayo sa personal na antas — gamitin at linangin ang Filipino at iba pang wika sa pang-araw-araw na usapan at pagsusulat. Sa pampaaralang antas naman, puwedeng magkaroon ng mga programa o gawain na nagtatampok sa yaman ng ating mga wika upang mahikayat ang kabataan na pahalagahan at ipagmalaki ang mga ito.

Pinky Gallardo - HUMSS 11D
Bilang estudyante na galing sa pamilyang Tsino, naranasan kong maging hamon ang paggamit ng iba’t ibang wika tulad ng Filipino, Ingles at Mandarin dahil minsan ay mahirap magpalit-palit ng lenggwahe at may pagkakataon din na mas pinapaboran ang Ingles kaysa sa Filipino at iba pang wika. Nakikita kong isa sa mga dahilan nito ay ang impluwensya ng edukasyon at media na mas nakatuon sa Ingles pati na rin ang kolonyal na kaisipang mas mataas ang tingin sa marunong mag-Ingles. Bilang Lasalyano, mahalaga na patuloy kong gamitin at ipagmalaki ang Filipino sa araw-araw na komunikasyon at makilahok sa mga gawain ng paaralan na nagtataguyod ng wika upang makatulong ako sa pagpapanatili ng kahalagahan at dignidad ng sariling wika at kultura.

Carissa Nicole C Gequillana (HUMSS D)
Lumaki po ako sa Bacolod City kung saan Hiligaynon ang pangunahing wika, kaya minsan ay nahihirapan akong magpalit sa Filipino sa paaralan. Dahil dito, nababawasan ang kumpiyansa ko sa pagpapahayag ng aking sarili. Bilang isang estudyante ng DLSU, sisikapin kong mas gamitin ang Filipino sa aking pagsasalita at pagsusulat. Naniniwala akong ang paggamit ng sariling wika ay isang paraan ng pagbibigay-halaga sa ating kultura at pagkakakilanlan.

Gracey Dela Cruz - HUMSS11-D
Ang isa sa mga hamon ng wikang filipino para sa akin ay ang pagsasalita ng tagalog ng buo ang mga salita sa mga asignatura na kinakailangan magsalita ng wikang Filipino. Sa aking mga karanasan, ang mga salik na nagpapalubha sa hamon o isyung ito ay ang social media kung saan lahat ng short form content na lumalabas ay nasa wikang ingles. Bilang isang lasalyano, ang mga hakbang na nakikita ko sa personal ay ang pagsasalita ng wikang tagalog pag ako ay kinakausap ang aking pamilya, at sa pampamayanang label naman ay ang pag hikayat sa mga tao na nasa paligid ko (mga kaibigan, pamilya) na sila ay magsalita lamang sa wikang tagalog upang sila ay makapagsalita at mahasa ang kanilang kakayahan sa sarili nilang wika.

Heira Sofia Laynes - HUMSS D
Nahihirapan ako sa pagsasalita ng Filipino. Naiintindihan ko itong mabuti ngunit hindi ako makakagawa ng sarili kong mga pangungusap nang hindi ito mali sa gramatika, at palagi akong nahihiya kapag kailangan kong itanong ang kahulugan ng ilang salita. Dahil dito, hindi ako masyadong nakikisalamuha at mas nahiwalay sa aking mga kaibigan, at hindi ko alam kung talagang gusto nila ako o kung nag-uusap sila sa likuran ko. Ang pangunahing dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa La Salle ay dahil sinabi ng aking mga magulang na baka mas madali akong mag-socialize doon. Ngunit ngayon, mayroon na akong pagkakataong mas matutunan ito kasama ng mga kapwa ko Lasalyano at mas gamitin ito sa pang-araw-araw kong buhay.

Evasco, Kim Denise T. (HUMSS 11-D)
Sa aking karanasan, may mga pagkakataon na mali ang bigkas ko ng isang salita sa mga pag-uusap sa Filipino kung saan pipiliin ko na lang na manahimik o magsalita ng Ingles. Pareho din ito sa ibang mga wika, kung saan, muli, maling bigkas ng isang salita. Ngunit hindi ito isa sa mga mas malaking isyu, ito ay ang katotohanan na sa Filipino, minsan ay hindi ko alam ang mas malalalim na salita at ang mga kahulugan nito, ito ay nagpapalala sa isyu para sa akin dahil ito ay nalalapat din sa ibang mga salita na sa tingin ko ay alam ko ang kahulugan, ngunit huwag at guluhin ang usapan. Sa antas ng komunidad gayunpaman, nakikita ko na marami ang madalas na hindi nakakaintindi o hindi marunong magsalita ng Filipino, at hindi ibig sabihin ng pagkakaroon ng accent, ibig sabihin ay hindi alam ang mga simpleng salita o kung paano bumuo ng BUO at wastong mga pangungusap. Nakikita ko ang problemang ito na umuusbong lalo na sa mga nakababata kong pinsan, kung saan mas gusto ng kanilang mga magulang ang pagsasalita ng Ingles kaysa Filipino dahil ito ay "sophisticated". Bilang isang Lasallian, ang mga hakbang na maaaring gawin upang matugunan ang mga isyung ito; ay isa, sa isang personal na antas ay ang pagsasanay lamang at pagsasalita nito nang higit na walang galit, tulad ng palagi kong ginagawa ayon sa marami, at ang dalawa, ay ang marahil ay subukang impluwensyahan ang kanilang mga magulang at talagang turuan ang mga hindi gaanong bihasa sa wika upang maaari silang makipag-usap sa kapwa Pilipino sa isang mas malalim at karaniwang paraan.

So napansin ko na mas madalas yun gamitin ng kabataan ang ingles kaysa sa filipino, and minsan pati ako ay mas nasasanay magsasalita ng ingles kaysa filipino. kase na impluwensya ako ng social media kase puro ingles, at iniisip din ng iba na mas maganda o sosyal pag nag ingles ka. As a student, maari ako mag simula sa paggamit ng filipino araw-araw at hikayatin ko din ang mga kaibigan ko na pahalagahan at gamitin and sariling wika.

Hazzy Rein A. Cruz (HUMSS-D)
Para sa akin, mas komportable ako makipagusap o makidaldal sa mga kasamahan ko gamit ang Filipino. Kahit sila ay mas madalas mag Ingles at ako ang kadalasan ang nagtatagalog, nakikita parin na nagkakaintindi kami kahit iba ang mga ginagamit naming wika sa isa't-isa. Hindi dapat natin pilitin magsalita sa isang wika lamang dahil may mga ibang hindi sanay o lumaking nagsalita ng ibang wika. Hindi naman din sinasabi na maaaring gamitin ang ibang wika sa lahat, may mga panahon din na kinakailangan gamitin ang Ingles o Filipino lamang para sa ibang bagay kagaya sa mga ibang klase na nagtuturo ng wikang Pilipino o ang Ingles. Pero pag dating sa usapang di-pormal, maaaring ipanatiling ligtas ang espasyo para sa lahat ay kung ipagtatrato natin nang maayos ang isa't-isa. Kahit iba ang wikang iginagamit nila, iba naman din ang ginagamit mong wika.

Paola Aboloc - HUMSS 11D
Ang aking personal na hamon ay kapag ako ay nanonood ng mga pelikula mas pipiliing kong panoorin ito sa Ingles kaysa sa Filipino o kung ano mang orihinal na wika. Ang maaaring salik neto ay ang impluwensiya ng media na mas gamitin ang wikang Ingles. Nakakalimutan na natin ang sari-sarili nating wika kaya'y ito ay nakakalungkot. Mas "normal" nang gamitin ang wikang Ingles sa pang araw-araw kaya't siguro nahihirapan ako manood sa wikang Filipino. Ang maaari kong subukang ay panoorin ang mga pelikula o palabas sa Filipino o sa iba pang katutubong wika. Maaari rin akong mag-rekomenda ng lokal na content sa mga kaibigan at sumuporta sa mga artistang Pilipino upang maitaas ang pagpapahalaga sa sariling wika at kultura. Dahil sa aksiyon na ito maaring mas lumaki o mas maging bukas tayo sa ating sariling wika.

Tepase Jhaedee Paolo T - HUMSS-11-D
Ina-admit ko na hindi ako magaling sa pagsasalita ng wikang Tagalog, o Filipino, at marami din akong hindi alam na salita at ibang wika, kaya medyo nahihirapan ako sa pagsasalita kasama ng mga matatandang kaibigan. Dahil ito sa paglalaki ng aking magulang; sila ang nagturo sakin na dapat ako magsalita ng wikang Ingles sa lahat-lahat ng oras, at ang wikang Filipino ay para sa mga matatatanda, o walang kapera-pera. Bilang Lassaliano, mayroon nako ginagawang hakbang para dito. Ako ay nagsasalita na ng ikang ibang wika ng mas madalas, maspinapahalaga ko na ang pagsasalita ng Tagalog, at nawawala na ang relasyon ng wika na ito sa pagiging kapos-pera.

Jan Aisha Mendoza (HUMSS 11-D)
Siguro po pag tuwing lumalabas ako kasama ng pamilya ko, lalo na sa mga tindahan, nahihirapan po akong intindhin kung ano po ba yung price na sinasabi nila. Kahit na malawak naman po ang kaalaman ko sa Filipino at sanay akong magsalita in Filipino, nahihirapan pa rin ako. Para saakin, hindi na masyado naaral ng mga bata ang wikang Filipino sa tahanan, lalo na at puro Ingles na ang pinapanood nila. Bilang Lasalyano, mas makabubuti kung sinasalita pa rin sa tahanan ang Filipino para hindi na mahirapan. Importante rin na may awareness ang mga tao upang hindi na tuluyang mawala ang ating wika.

Venice Anne B. Cruz - HUMSS 11D
Ang aking mga personal na hamon sa Tagalog ay nangyayari kapag kailangan kong ipaliwanag ang isang bagay nang detalyado. Nahihirapan akong gumawa ng mga pangungusap sa Filipino na sapat upang ilarawan ang isang bagay. Madalas akong gumamit ng mga tagasalin para sa mga salitang hindi ako pamilyar,  ginagawa ko ito kapag alam kong wala akong sapat na mga salita sa bokabularyo ng Filipino upang ilarawan nang sapat ang gusto ko. Sa palagay ko ang dahilan kung bakit ko nahaharap ang hamon na ito ay madalas na hindi ko masyadong nalalantad ang aking sarili sa Tagalog. Maaari akong magsalita nito kasabay Ingles at marahil ay nakakapagsalita pa ng purong Tagalog kasama ang aking pamilya, ngunit ito ay hindi talaga consistent. Bilang isang Lasalyano para pagbutihin ko ang sarili ko sa personal kong hamon na ito, magbabasa pa ako ng Filipino media at hangga't maaari ay iiwasan kong gumamit ng translator, dahil ang paggamit ng translator ay naglilimita sa utak ko sa pag-iisip ng mga salita na alam kong nasa bokabularyo ko na.

Isang personal na danas ay ang aking dahan-dahang pagkawala ng alam sa pagsasalita ng Tagalog. Kahit mga simpleng bagay kagaya ng mga pangalan ng mga gulay at prutas. Hindi lang iyon, nahihirapan na din ako gumawa ng isang pangungusap sa Tagalog ng walang tulong sa google translate. Ang nangyayari ay nawawala na ang ating identidad dahil nawawala na ang ating bansa, at hindi lang sa mga nagsasalita ng mga Tagalog ang nagyayari ito. Sa buong bansa, nasasanay na tayo magsalita nang Ingles kumpara sa Tagalog, at ang gobyerno natin ay nagtatanggal na din ng mga pagtuturo ng Tagalog. Ang pinakamalaking salik nito ay ang ating edukasyon, kung saan halos lahat na ng ating mga eskwelahan ay gumagamit na ng Ingles kumpara sa Tagalog. Isa pang epekto ay ang ating kultura, kung saan ang mga Pilipino, dahil meron madaming sumakop satin, ay naging parang isang hunyango, kung saan tayo ay parang isang halo ng mga Americano, Hapones, Espanol, at iba pa. Kaya bilang isang Lasalyano, isang paraan kung paano pwede ko mailaban ito ay ang pagsasalita at paggagamit ng Tagalog araw araw. Ito ay makakasanay saking na ilalahanin ang mga salita sa tagalog. Para naman sa aking komunidad, maaari kong gawin ito ng pagbubunyi ng ating pambansang wika, lalo na pagka buwan ng wika na natin. Ito ay makakasanay sa ibang tao na ipagdiwaan ang ating wika at magbigay ng masmalaking kahalagaan dito.

Kheizel Belmonte - HUMSS 11-D
Para sa aking personal na karanasan bilang isang mag-aaral, madalas kong nararanasan ang hamon sa paggamit ng ating wikang Filipino. Isang halimbawa nito ay ang simpleng paggawa ng mga pangungusap, dahil ako ay nabablanko at nalilimutan ang tamang mga salita para dito. Sa tingin ko, dulot ito ng madalas na paggamit natin ng wikang Ingles at paghahalo nito sa ating wikang Filipino, kaya’t marami sa ating mga Pilipino ang nahihirapang gumamit ng dalisay na wikang Filipino. Sa aking palagay, ito rin ang nagiging dahilan ng hamon at unti-unting paghina ng iba pang mga katutubong wika sa bansa. Bilang isang Lasalyano, dapat nating mahalin at tanggapin ang ating sariling wika at huwag itong ikahiya. Mahalaga ring aktibong gamitin ito sa paaralan, sa social media, at sa mga talakayan upang masanay tayong lahat. Sa ganitong paraan, mas mapatatatag natin hindi lamang ang wikang Filipino kundi pati na rin ang ating mga rehiyonal at katutubong wika, at mas mapapalalim ang ating pagkakakilanlan at pagkakaisa bilang tunay na Pilipino

Giana Ong HUMSS D
Bilang isang mag-aaral na Pilipino, isa sa mga hamon ko sa wikang Filipino ay ang paggamit nito sa pormal na pagsulat at mga talakayan. Minsan nahihirapan akong malinaw na ipahayag ang aking mga ideya sa Filipino. Gayunpaman, naniniwala ako na mahalaga pa rin na paunlarin ang aking mga kasanayan sa ating sariling wika upang mapanatili ang ating kultura at mas mahusay na makipag-usap sa ibang mga Pilipino.

Adrian Lugtu - HUMSS 11-D
Madalas na lumalaganap na issue para sa akin ay ang hirap kong gumawa ng pangugusap ng gamit wikang Filipino, kahit may naisip, hindi kayang ilagay sa salita. Bilang Lasalyano, bibigyan ko ng pokus ang wikang Filipino at kahit mahirap ay maibubuti sa kinabukasan, at magagawa ko ito mula sa pagkonsumo ng mga libro, pelikula o kahit anong porma ng libangan na gumagamit ng wikang Filipino.

Anton Mortos // HUMSS 11-D
Isang isyu na lagi, o madalas kong nararanasan dito sa Pilipinas ngayon, ay ang paghihirap sa pakikipag-usap sa iba't ibang tao. Kasi, minsan ay hindi ganon kasanay ang isang tao na kausap ko sa sarili nating wika. Minsan naman din, ako naman ang hirap na hirap sa paggamit ng Filipino—naiintindihan ko siya pero nahihirapan din ako sa pag anyo ng sariling salita. Isang dahilan kung bakit ito nangyayari, ay ang paglaki ko o ng ibang tao sa 'English-speaking areas'. Kaya bilang isang Lasalyano, ang matutulong ko sa isyu na ito ay maging mas pamilyar sa sarili nating wika. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng panitikang Pilipino, mga palabas na Pilipino, at iba pa. Sasanayin ko ang sarili ko sa paggamit ng sarili nating wika.

Mik Pang - HUMSS 11D
Isa sa mga isyu na nararanas ko ay ang paniniwala ng sambayanang Pilipino ukol sa Ingles at Filipino. Marami saatin na nakikita ang Ingles na mas-mataas at propesyonal pakinggan kaysa sa Filipino; mas respeto nila ang kapwa na magaling sa Ingles, at mababa ang tingin sa mga Filipino lamang ang nakagalingan. Sigurado ako na lalong lulubha ang isyung ito dahil sa onti-onting pagtanggal ng Wikang Filipino sa kurikulum at pag-aaral. Naniniwala ako na kaya natin ibaliktad ang isyung ito sa pagababago ng ating tanaw tungkol sa Filipino. Alalahanin natin na ang Ingles ay wika na naroroon sa napakadaming bansa sa buong mundo; pero tayo ang Filipino ay wikang para saatin lamang. Nandito ang ating identitdad, kung saan walang ibang tumutulad sa ating wikang pambansa. Tayo ay dapat ipinagmamalaki ang Filipino at hindi, kahit kailan pa man, tignan ito na patiwarik.

Miguel Bona - HUMSS D
Isang isyu na kinakaharap ko ay ang paggamit ng iba’t ibang wika dahil ako ay taga Ilocos at ang ginagamit namin na wika doon ay Ilocano kaya naman ay naguguluhan rin ako minsan. Isang dahilan nito ay ang environment o kung saan ka nakatira, sa amin ay ang mostly na ginagamit namin ay Ilokano kaya minsan ay mahirap rin mag-adjust. Bilang Lasalyano, ang maaari kong gawin para matugunan ang isyu na ito ay paggamit pa ng mas matindi ang sarili nating wika.

Kassandra Ramos (HUMSS-11-D)
Isang personal na danas na ikinahaharap ko ay ang paggawa ng mga pangungusap o pagsasalita gamit ang Wikang Filipino. Nais kong husayin ang aking paggamit ngunit minsan ay binibigyang-pokus ko nalang ang wikang Ingles sapagkat ito ay halos ginagamit ko pang komunikasyon o sa aking akademiya. Sa aking klase ay marami kaming kurso na gumagamit ng wikang Ingles dahil mas iniintidihan ito. Dagdag pa rito, nakikita ko na parang mas pinapahalagahan rin ang wikang Ingles dahil ginagamit ito pang komunikasyon sa mga tao, hindi lang sa mga Pilipino kundi sa mga nananinirahan sa ibang bansa, gamit ang teknolohiya o social media apps na puwede kang mag-interact. Sa aking palagay, ang hakbang na puwedeng makatulong upang palawakin ang aking pagkakaintindi o paggamit ng Wikang Filipino ay sa uri ng pananaliksik ng iba’t-ibang porma ng pag-aaral ng literatura o sining na nagpapakita ng kahalagahan sa ating wika at kultura ng Pilipinas.

Mielana Clara De Jesus - HUMSS-11 D
Mula sa aking karanasan, napansin ko na maraming kabataan ngayon ang mas bihasa at mas komportableng gumamit ng Ingles kaysa sa Wikang Filipino o iba pang katutubong wika. Halimbawa, sa social media at kahit sa klase, mas ginagamit ang Ingles para magpahayag. Dahil dito, may hamon na baka unti-unting makalimutan o hindi na pahalagahan ang sarili nating wika. Hindi lamang Filipino ang apektado kundi pati mga lokal na wika tulad ng Kapampangan, Ilokano, at iba pa. Bilang isang Pilipinong Lasalyano, maaari kong maipalaganap muli ang pagsasalita sa ating wika sa pamamagitan ng mas aktibong paggamit ng Filipino at sariling wika sa pang-araw-araw na komunikasyon, lalo na sa pagsusulat at pakikipag-usap. Maaari ring magbasa ng mga akdang pampanitikan sa Filipino at mga rehiyonal na wika. Pagsali at pagtaguyod ng mga proyekto tulad ng Buwan ng Wika, patimpalak sa pagsulat o spoken word poetry gamit ang Filipino at lokal na wika, at magbahagi ng nilalaman sa social media na gumagamit ng sariling wika. Hikayatin ang iba na pahalagahan ang ating wika bilang bahagi ng ating pagkakakilanlan at kultura.

Carl Berenguer - HUMSS D
Para sa akin, ang paggamit ng wikang atin ay nababawasan dahil sa impluwensya ng social media at ang pananaw ng ibang tao na mababang uri ng wika ang sariling wika, naranasan ko ito sa aking pamilya kung saan sinasabihan ako na gumamit ng Ingles sa pakikipagusap sa ibang tao dahil panget o masama daw pakinggan kapag nagtatagalog ako. Lumulubha lang naman ang isyung ito dahil sa nakikita at naririnig sa social media at ang nararanasan sa araw-araw, nang dahil dito naiimpluwensyahan ang ating pananaw o tingin sa sarili nating wika, dahil nakikita natin kung paano tinitignan ng ibang tao ang ating wika at hinahayaan natin ang sarili natin na maimpluwensya dahil ito ang pananaw ng nakakarami. Bilang Lasalyano, ang simpleng paaran lamang para matugunan ang isyu na ito ay sanayin ang sarili na makipag-usap gamit ang wikang Filipino.

Jayred Castro (HUMSS 11 D)
Ang aking personal na karanasan ay ang miscommunication. Paminsan-minsan, hindi ko kayang maintindihan ang ibang mga wika, kaya nagtatapos ito sa hindi pagkakaunawaan. Sa tingin ko, kaya nating lutasin ito kung tuturuan natin ang ating sarili ng mga wikang ito.

Juan Caleb Delos Santos-HUMSS 11 D
Kahit halong tagalog at ingles ang pagsalita ng pamilya at ng mga kaibigan ko, mas nasanay ako gumamit ng ingles pag mayroon akong kinakausap. Kadalasan ay nahinirapan ako magsalita at makaintindi ng tagalog, pero kahit kung kausapin ako ng mga pinsan ko na galing sa probinsiya, naiintindihan ko sila, kahit kung kaunti lang. Para saakin ito ang nagsumasagisag sa ating pagiging pilipino at ang ating identidad. Bilang isang Lasalyano kaya kong patalasin ang aking filipino una sa paggamito sa araw-araw na mga pag-uusap, pangalawa sa pamamagitan ng panonood ng mga palabas na mayroong at gumagamit ng filipino dahil paano ko naman sasabihin sa iba na dapat natin gamitin ang ating wika kung hindi ko ito ginagamit.

Kyle tuazon
Ang isang issue ko ay ang pag pili ng wikang ingles sa mga palabas na aking napapanood kaysa sa tagalog, siguro dahil sa impluwensya ng aking mga nararanasan at nababasa. Bilang isang lasalyano, magkakaroon po ako ng pag asa para mabago at maayos ang issue na ito para sa akin.

Dean Matthieu Maitim - 11HUMSS-D
Ang daming personal karanasan sa aking buhay na pwede gamitin para sa mga problema tungkol sa wika sa ating bansa. Ang isang problema na medyo karaniwan sa ibang tao ay tungkol sa ideya na lahat ng mga tao ngayon ay hindi gamit ng Tagalog sa lahat ng mga sinabi nila. Ito ang rasyon kung paano ang conyo ay mabuhay sa nakababatang henerasyon. May mga bagay na lumala ang isyung ito at isa sa mga bagay ay ang pagbago ng lipunan. Ang daming bagay ngayon na ginamit ang maliit na Ingles sa mga bagay nila. Ang isa pang bagay na lumala sa itong isyu ay sa mga paaralan na hindi magturo ng wika ng Tagalog sa mga bata ngayon. May mga hakbang na pwede gagawin para tumutulong ang isyung ito. Pwede lang na mas gamitin ang Tagalog sa ating buhay. Ang DLSU Manila ngayon ay gamitin ng Tagalog sa maraming bagay at pwede makikita ito ay parang isang hamon para pagbutihin. Kailangan lahat gawin ito, hindi ikaw lang pero pwede lahat ng mga kaklasa mo.

Jonas Villapeña - HUMSS11-D
Napansin ko na mas pinapahalagahan ng ilan ang paggamit ng Ingles kaysa sa Filipino. Madalas isipin ng iba na mas “sosyal” o mas “matalino” pakinggan kapag Ingles ang gamit. Dahil dito, may mga pagkakataon na napapansin kong maraming nahihiya o nagdududa na magsalita sa Filipino kahit mas malinaw nilang naipapahayag ang kanilang sarili gamit ito. Ipinapakita nito ang hamon na kinakaharap ng Wikang Filipino at iba pang katutubong wika sa bansa, ang unti-unting paglaho ng tiwala at paggamit sa sariling wika dahil sa impluwensiya ng mga dayuhang bansa. Isa sa mga salik na nagpapalubha sa isyung pangwika ay ang mabilis na pagbabago ng teknolohiya na nagdadala ng bagong termino at ekspresyon na kadalasang galing sa ibang bansa o kultura. Kasabay nito, ang paglipat-lipat ng mga Pilipino mula probinsya patungong siyudad ay nagiging dahilan ng pagkawala o paghina ng paggamit ng mga katutubong wika. Hindi rin maikakaila na mas “praktikal” ang Ingles pagdating sa trabaho at oportunidad, kaya’t napapabayaan ang ating sariling mga wika. Bilang Lasalyano, maaari kong gamitin ang Filipino sa aking mga gawaing pag-aaral at pang-araw-araw na komunikasyon. Makatutulong din ako sa pamamagitan ng pagtangkilik at pagbibigay-suporta sa mga proyektong gumagamit at nagtataguyod ng lokal na wika. Sa ganitong paraan, naipapakita kong mahalaga ang wika hindi lamang bilang asignatura kundi bilang bahagi ng ating pagkakakilanlan.

Billie Balbuena HUMSS11B
Nahihirapan akong magsalita ng Filipino sa akademikong paraan dahil sa dati kong paaralan, Ingles ang pangunahing ginagamit na wika. Mas nasanay ako na magpaliwanag at magsulat gamit ang Ingles kaysa sa Filipino, at pati na rin sa mga taong nakapaligid sa akin, madalas Ingles ang gamit namin sa araw-araw. Ngunit bilang isang Lasalyano, natutunan kong mahalaga ang pagiging matatag at marunong mag-adjust sa iba’t ibang sitwasyon. Hindi sapat na isipin na ang ibang tao ang mag-aadjust para sa akin, kundi kailangan ko ring magsikap upang makibagay at mas malinang ang aking kasanayan sa wikang Filipino.

Martin Zaccheus Tinio HUMSS11-B
Kung minsa'y nararanasan nating lahat na mahirapan sa pag gamit ng Filipino, hindi ito dahilan upang manatili tayong ignorante sa ating pambansang wika. Nakakalungkot ang mga isyung nakapalibot sa ating wika, na karamihan sa ating mga Pilipino ay hindi marunong magsalita ng bihasang Filipino, kasali na ako doon. Sa kalagayan ng ating wika sa kasalukuyan, ito ay tanda upang kumilos sa pagpapahalaga ng ating wika, at mas lalong sanayin ang ating sarili sa wikang pambansa na'tin. Ang wikang Filipino.

Ayiesha Rosse Palaca (HUMSS11-B)
Minsan ay nahihirapan akong bumuo ng mga pangungusap na purong Tagalog, dahil nakasanayan ko na ang paggamit ng code-switching o Taglish. Sa palagay ko, isa itong epekto ng pagiging malapit ng mga Pilipino sa kanluraning kultura, na dulot ng social media at ng mabilis na paglawak ng globalisasyon. Unti-unting nagiging normal para sa marami sa atin ang pagsasama ng Ingles sa ating wika, kaya’t nababawasan ang kasanayan at kumpiyansa natin sa paggamit ng sariling wika. Naniniwala ako na isang mabisang solusyon dito ang mas madalas na pagsasanay sa pagsasalita ng Tagalog, lalo na sa araw-araw na pakikipag-usap. Mahalaga ring hikayatin ang iba na ipagmalaki at pahalagahan ang ating sariling wika, sapagkat bahagi ito ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.

Ariele Francesca Cayanan - HUMSS B
Sa aking pinagdaanan, hindi naman sa inaapi po ako, pero ginagawa nilang biro ang aking mahinang pagkatagalog. Nakakapagsalita naman ako ng dire-diretso, pero yan ang nangyayari. Pagkamerong discussion din sa wikang Filipino, minsan paputol-putol ang aking sinasabi para makaisip muna ako. Itong isyu ay nagpapalala dahil sa masgusto ng mga kabataan ngayon na Ingles ang ginagamit wikang makipag-usap. Dahil dito, nakakasanayan talaga ng mga bata ngayon ang hindi marunong magtagalog o mali ang kanilang pagkabigkas. Ang isang solusyon na maaaring ibigay ko ay mas maging inclusibo sa mga taong ito, pero bigyan mo din ang mga kabataan ang tamang pagkakataon upang matuto ang wikang Filipino. Ang isang malaking isyu dito sa Pinas ay kahit ang sistema ng edukasyon ay tinatanggihan na ang ating wika. Dapat nating payagan ang dalawang ito na magsama, habang tinitiyak ang ating pagka-Pilipino.

Angela Mingo (HUMSS 11-B)
Bilang isang estudyante na nanggaling mula sa isang eskwelahan na binibigyan pansin ang paggamit ng wikang Ingles, nahahanap ko ang sarili ko sa mga sitwasyon na nahihirapan ako makaintindi ng wikang Filipino. Ang mga salik na nagpapalubha sa hamon na ito ay ang pag-i-implement ng "English speaking only policy" sa mga paaralan, na nagiging dahilan kung bakit maraming estudyante katulad ko ang nahihirapan sa pag-uunawa ng Filipino kapag nakikipag-usap sa kapwa Pilipino o kaya nanunuod ng mga bidyo na wikang Filipino ang gamit.

Bilang Lasalyano, masasabi ko na makakatulong ang mga asignaturang Filipino sa pagpalawak ng "vocabulary" ng mga estudyante katulad ko. Maaari itong matupad sa mga paaran ng pagbabasa ng mga nobela o aklat na isinulat ng mga Pilipinong manunulat o kaya naman sa panunuod ng mga movies o films na ginawa ng mga Pilipinong directors. Dito, mabibigyan ng oportunidad ang mga estudyante na mas lalong ipalalim ang Filipino vocabulary, at hindi lang sila masasanay sa paggamit ng Ingles.

Angela Kate Lo - HUMMS 11-B
Isang personal na danas ay tuwing ako ay pumupunta sa ibang bansa, nahihirapan akong makipag-usap dahil hindi ako marunong ng kanilang wika. Ang isang solusyon na maaari kong gamitin ay ang Pidgin. Lahat ng tao ay naaapektuhan ng language barrier dahil lahat tayo ay naghahanap ng paraan kung paano magkakaunawaan. Sa palagay ko, maraming salik ang nagpapalubha sa language barrier. Ang isang halimbawa ay pagkakaroon ng accent dahil mas nagiging mahirap unawain ito. Bilang Lasalyano, susubukan ko intindihin at unawain ang kanilang sinasabi. Kapag dumating naman sa punto na hindi na kami magkaintindihan ay maaari namang gamitin ang google translate. Habang sa community level naman, maaaring magkaroon ng activities kung saan ay ituturo nila ang iba’t ibang lenggwahe. Sa ganitong paraan, mas magiging madali na ang pakikipag komunikeyt sa ibang tao.

Shi Jasmine Xinyi C. - HUMMS 11B
Ang isyu na nararanasan ko ay ang language barrier. Dahil hindi Filipino o Ingles ang aking unang wika, hindi ako masyadong sanay sa dalawang ito. Kaya kapag nakikipag-usap ako sa iba, nakasanayan ko nang gumamit ng Taglish. Minsan, para mas maayos at kumportable akong makapagsalita, kusa na lang akong naghahalo ng dalawang wika.

Sa tingin ko, ang isyung ito sa wika ay malaki ang kaugnayan sa kapaligiran natin, tulad ng wika na ginagamit sa paaralan, sa bahay, at sa mga kaibigan. Bukod pa rito, malaki rin ang epekto ng social media. Karamihan sa mga content ngayon ay nasa Ingles o Taglish, kaya mas nasasanay ang mga tao sa ganoong paraan ng pagsasalita. Dagdag pa rito, bihira na tayong makakita o makapakinig ng mga pormal na gamit ng Filipino, kaya hindi rin tayo ganun kahusay sa paggamit ng tama at malalim na Filipino.

Bilang isang Lasalyano, maaari kong subukang makipag-usap nang mas madalas gamit ang Filipino para mas masanay ako sa paggamit nito. Maaari rin akong sumali sa mga gawaing may kaugnayan sa wika, gaya ng mga patimpalak sa pagsasalita, pagbasa ng tula, o pakikinig sa mga seminar o talakayan tungkol sa kultura’t wika. Bukod dito, maaari rin akong makinig sa mga Filipino podcast, pormal na talumpati, o magbasa ng mga artikulong nakasulat sa Filipino upang mapalawak ang aking bokabularyo at pang-unawa.

Pariz Gan - HUMSS 11 B
Ang isang personal na danas na aking maibabahagi ang aking mga pakikibaka sa pakikipag-usap sa mga tao sa Wikang Filipino, dahil sa aking kapaligiran mas nasanay akong makipag-usap sa Wikang Ingles. Alam kong marami ding mga Pilipino ay hinaharap ang problemang ito dahil sa totoo lang, hindi natin matatakasan ang Wikang Ingles dahil pinapaligiran tayo nito. Habang tayo'y lumalaki kapag palaging nasa Wikang Ingles ang media na ating kinokonsumo, hindi tayo ma-eexpose ng maayos sa Filipino at mas matututo pa tungkol dito. Bilang Lasalyano, ang mga hakbang na maaari kong gawin upang matugunan ang isyung ito ay sanayin ang sarili ko na makipag-usap sa iba sa Wikang Filipino, kahit minsan magkamali ako sa paggamit ng mga salita, o kaya sa gramatika, mas mabuti pa iyan kaysa manatili sa aking comfort zone na nagsasalita ng Ingles. Kung hindi ko subukang sanayain ang sarili ko at gumaling sa pagsalita nito, walang magbabago.

Clyde Javier Humss-11B
Bilang estudyante ng DLSU, naging hamon saakin ang pag sasalita ng wikang ingles kahit may kaalaman ako rito. Bagamat sanay ako sa pagsasalita ng wikang tagalog, minsan na raramdaman kong napagiiwanan ako dahil hindi ako masyado magaling sa wikang ingles. katulad nalang kapag nag uusap ng mga kaibigan nahihirapan akong umimik pabalik sa wikang ingles kaya minsan ginagawa kong taglish. Sa tingin ko ang mga salik na nag papalubha nito ay kapag may mga recitations o kailan magsalita ng purong ingles kapag sasagot ako. Isa pa kapag hindi nakakaintindi ng tagalog ang aking kausap sapagkat lumaki siya sa wikang ingles, syempre ako po ang mag aadjust. Bilang lasalyano, sisikapin kong pagaralan ang parehas na linguwahe nang sagayun ay hindi ako mahihirap umimik sa kapwa na nagsasalita nito. Isa pa kahit Filipino and aking madalas binibigkas hindi ko ito pababayaan at lalo pang pagyayamanin sapagkat ito ang pambansang wika ng ating Bansa.

Clarke Christlaire A. Nilo HUMSS 11-B
Mula sa aking personal na danas, isa sa mga hamong pangwika na madalas kong nakikita ay ang pag gamit ng mga ibang tao ng ingles imbes na tagalog sa mga paaralan, at sa pang araw araw na gawain. Nakikita ko rin na ginagamit nila eto dahil siguro mas "classy" o "sosyal" sa tunog ng iba. Dahil dito, minsan ay medyo nahihirapan ako gumamit at linangin ang ating wika ng buo.

Mula sa aking obserbasyon, malaki ang impluwensiya ng globalisasyon, dahil ingles ang lingua franca sa buong mundo (universal language). Mas lalong binibigyan ito ng kahalagaan.

Bilang isang lasalyano, maari kong paunlarin ang aking sariling kasanayan sa lengwaheng Filipino sa pamamagitan ng pag gamit neto, pagbabasa ng mga Pilipinong gawa katulad ng mga tagalog fils, etc. Maari din akong makiisa sa mga grupong nagpapaunlad ng wikang Filipino. Naniniwala ako na kahit simpleng bagay lang, napapanatili ko parin ang aking identitad bilang Pilipino at nakakatulong din ako sa pagprotekta at pagbigay-halaga sa yaman ng ating wika at kultura.

Gavin Hingada (HUMSS-B)
Bilang isang englishero sa eskwelahan  noon, palagi akong nahihirapan na makipag-usap sa mga kaklase at kaibigan ko kase hindi ko maintindihan ang mga malalalim na salita ng wikang tagalog, palagi sila nagsasalita ng purong tagalog at nagiging "Language Barrier" at nahihiwalay ang pagsasalita ko ng ingles at sa kanila na nagsasalita ng wikang tagalog. Bilang isang Lasalyano, kinailangan kong maging magaling sa wikang tagalog para makipag-usap sa mga kaklase ko at makapag-adjust para sa kanila. Ito din ay para mapahalaga ko ang pambansang wika natin, para mapreserba ang wika at kultura ng ating bansang minamahal natin.

Simone Amara Belonio (HUMSS 11-B)
Ang isang problemang pinaniniwalaan ko na kinakaharap ng lahat ng katutubong wika ay ang kalitawan ng Ingles sa modernong mundo ngayon, at kung paano nito sinasabi sa atin na ang Ingles ang "pinaka-importanteng wika." Nangangahulugan ito na dapat nating unahin ang pag-aaral ng Ingles dahil ginagamit ito sa maraming pormal na sitwasyon tulad ng ngunit hindi limitado sa trabaho, mga panayam sa trabaho, at paaralan. Bilang isang Lasalyano, naniniwala ako na makakapag-ambag ako dito sa sarili kong paraan, ngunit gamit ang aking mga kasanayan sa pagsulat ng "baybayin", at ang pagiging mahusay sa pag-aral ng aking mga asignaturang Filipino.

Cassandra Cortez - HUMSS B
Isa sa mga hamon na kinakaharap ko nang walang wika ay ang kahirapan sa pagsasalita ng matatas. Oo marunong akong magtagalog pero hindi ako matatas. Nahirapan ako sa pagsasalita ng malalalim na salitang Tagalog at paggamit ng mga tamang salita para sa ilang sitwasyon.

Siguro ang paglaganap ng Ingles sa ating bansa at pag-sikat rin nito kung saan sinasabi na kung mas matatas ka sa Ingles ay mas matalino o nagmumukhang mayaman na para bang "symbol of luxury" na ito. Dahil doon mas kinahihiya ng mga Pilipino ang ating wika kaya naman marami nang nahihirapan sa pagsasalita ng Filipino, lalo na't mas gamit ang Ingles sa ating mga paaralan at opisina.

Bilang isang Lasalyano, dapat gamitin ko ang aking kaalaman para makatulong sa mga taong na may kaunting kaalaman sa ating wika. Hindi dahil tayo ay may pribilehiyong tao ay hindi nangangahulugang wala na tayong pakialam sa iba -- sa halip ay kabaligtaran. Gamitin natin ang ating mga natutunan para ipalaganap ang wikang Filipino sa ibang tao.

Sophia Katrina Ysabel T. Payot
Lumaki ako na nalantad sa wikang Filipino at mahusay ko itong natutunan. Pero sa kalaunan, nag-aral ako sa mga paaralan kung saan Ingles ang kadalasang ginagamit, kaya't nahirapan akong makapagsalita ng buong Filipino. Nagtulungan ito sa akin na maunawaan kung paano unti-unting nalilimutan ang ating sariling wika kapag lagi tayong gumagamit ng Ingles. Ang pagkakaroon ng pabor sa Ingles sa maraming paaralan at sa media ay isang salik na nag-aambag dito. Hindi gaanong ginagamit ang Filipino dahil sa pagkaakala ng mga tao na ang pagsasalita ng Ingles ay nagpapatalino o nagbibigay ng higit na karangalan. Ang iba ay nahihirapang ipagpatuloy ang pagpapahalaga at paggamit sa ating wika bilang resulta. Maaari kong gamitin ang Filipino nang mas madalas sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan at online bilang isang Lasallian. Bukod dito, maaari kong suportahan ang mga inisyatiba o materyales na nagpapalaganap ng kulturang Filipino at wika. Mas maraming pagmamalaki at pagmamahal para sa ating sariling wika ang maaaring mapalago sa pamamagitan ng kahit simpleng pagsisikap.

Ira Remulla (HUMSS11-B)
Ang mga isyu na dinaanan ko po ay hindi ko pong sanay mag pure Tagalog, at kung uusap ko po ng mga kababayan na sumasalita sila ng Tagalog, para pong may language barrier ako sa kanila. Ang problema ko lang po ay kung sumasalita ako, pero intindihan ko naman ang Tagalog. Ang dahilan kung bakit ganito ako ay noong bata pa po ako, paglumalaki po ako, puro Ingles ang kinoconsume ko sa media, mga pelikula, TV shows, at pati sa dati ko pong eskwelahan. Puro pong Ingles ang mga subject namin, at lalo na kung nagsasalita ka, at once a week lang po ang aming Filipino subject. Dapat po, para saakin, may balance kung Ienglish o' Tagalog ang wika ng gumagamit mo sa araw-araw para mas-masanay po ako sa Tagalog.

Izabella Nicole Ymadhay HUMSS 11-B
Para sa akin, isa sa pinakamalaking problema sa wika ay ang pagbaba ng paggamit ng Filipino lalo na sa at pormal na usapan. Mas ginagamit kasi ang Ingles at minsan mas pinapahalagahan pa ito kaysa sa sariling wika. Isa rin itong isyu ng pagkakakilanlan at pagkakaisa ng mga Pilipino. Nakakadagdag sa hamon ang kolonyal na mentalidad, globalisasyon, at ang tingin na mas maganda o sosyal ang Ingles. Pati ang media at mga institusyon ay mas nakatutok sa Ingles kaya mas nasasanay ang kabataan dito. Bilang Lasalyano, pwede kong simulan sa simpleng paggamit ng Filipino araw-araw at paggawa ng maliit na proyekto na nagpo-promote ng ating wika. Kahit maliit lang, ang pagpili na gumamit ng Filipino ay isang paraan para manatili itong buhay at hindi mawala.

Breana Margaret C. Magaddatu (T-HUMSS 11-B)
Paano nga ba natin maipapakita ang tunay na halaga ng wikang Filipino sa gitna ng isang mundong unti-unti nang pinaghaharian ng mga wikang banyaga at modernong teknolohiya? Bilang isang mamamayan ng ating bansa, nadarama ko sa bawat araw ang mabigat at masalimuot na hamon ng ating lipunan upang panatilihin, pagyamanin, at linangin ang sariling wika sa kabila ng paghahari at dominasyon ng mga wikang banyaga, partikular na ang wikang Ingles, lalo na sa edukasyon, media, at komunikasyon. Sa aking nababanaag, hindi lamang ito isyu sa wikang Filipino, sapagkat ito rin ay isang salamin ng ating mga pag-aalinlangan, at ating mga kakulangan sa pagpapahalaga sa ating sariling pagkakakilanlan. Sa aking nakikita, maraming salik ang lubos na nagpapalubha sa sitwasyong ito. Isa rito ang limitadong pagtuturo ng wikang Filipino sa paaralan, nariyan din ang impluwensya ng kulturang banyaga na nagtataguyod ng "mabilis at magaan" na komunikasyon, at lalong lalo na ang "stigma" sa paggamit ng Filipino sa akademya or propesyon. Bilang isang Lasalyano, at bilang isang mag-aaral na nagnanais maging guro, nakikita ko na ngayon pa lamang ang aking misyon. Responsibilidad ko hindi lamang ituro ang wika, kung 'di maging isang nabubuhay na halimbawa ng pagmamahal at pagpapahalaga rito. Gampanin ko na hikayatin ang mga kabataan na gamitin ito sa malikhaing paraan, at ipakita na ang Filipino ay wika ng karunungan, damdamin, at pagkakakilanlan. Sa personal na antas, nagsisimula ito sa simpleng hakbang, at ito ay ang matapat na paggamit ng Filipino sa araw-araw na pakikipag-usap, pagsusulat ng mga akdang may lalim at damdamin, at pagiging aktibo sa mga proyektong nagtataguyod ng wika. Sa pampamayanang antas, mahalaga ang kolaborasyon 'tulad na lamang ng mga programa sa paaralan, komunidad, at social media na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng sariling wika, pati na rin ang pagsuporta sa mga malikhaing gawa ng Pilipino. Sapagkat sa bawat salitang ating pinapahalagahan, sa bawat tula o kuwento na ating isinasaulo at isinusulat, hindi lamang natin pinagyayaman ang wikang Filipino, bagkus ay pinagtitibay din natin ang ating identidad at ang kinabukasan ng ating kultura, at ito ay isang pamana na hindi dapat makalimutan o mapag-iwanan ng panahon.

Samantha Cano HUMSS11-B
Tuwing nagkwekwento ako sa pamilya ko kung kumusta ang araw ko, mas komportable ako magsalita ng Ingles sa kanila kesa sa Filipino. Marunong naman ako mag Filipino ng tuloy-tuloy pero minsan ay napapagod ako . Isa pang karanasan ay nakakalimutan ko na ang ibang salitang Filipino, na dumadating sa punto na ginagamit ko na ang Google translate para lang maalala ang mga salitang ito. Minsan ay kinahihiya ko na hindi ko alam ang mga ibang salita sa Filipino kaya nagtataglish na lang ako. Nahihirapan akong umintindi ang magsulat ng mga sanaysay na malalalim ang salitang gamit. Maraming Pilipinio ang naniniwala na kapag ikaw ay nagsasalita sa wikan Inlges, nakakataas ka na. Kaya mababa ang tingin ng ibang Pilipino sa ating wika at mas tinatangkilik ang mga wikang banyaga.

Sa aking palagay, mas pinipili kong mag Ingles dahil halos lahat ng aking pinapanood sa social media ay gumagamit ng wikang  Ingles. Dito ako nasanay. Gayunpaman, pinahahalagahan ko parin ang paggamit ng Filipino at nagpapasalamat ako na kaya ko parin magsalita nito.  Hindi ako mahilig magbasa ng literature kaya naman ang aking maaaring gawin para matulungan ang personal na problema ko ay ang pakiinig ng mga OPM. Mahilig ako sa musika kaya naman ay sinasanay ko ang sarili ko na makinig ng kantang purong Tagalog. Sa paraang ito, mas nasasanay ako sa tamang pagbigkas ng mga tagalog na salita at sa ibang lyrics ay nalalaman ko ang mga kahulugan ng mga ito

Jan Marine Biscocho (HUMSS-B)
Para sa akin, pag ako ay may bibilhin sa mga sari-sari store, madalas na hindi kami magkaintindihan ng tindero dahil hindi ko maintindihan ang mga presyo. Madalas na gamit ng mga tindero o tindera ang espanyol pag pinaguusapan ang presyo. Para saakin, hindi na kasi naituturo ang pagbibilang sa espanyol na ginagamit parin na madalas ng mga matatanda. Upang matugunan ang problema na ito, siguro puwede natin sanayin ang pagbibilang sa espanyol dahil makakatulong din ito sa pag unawa kapag tayo ay nagtatanong ng oras o kung ano ang halaga ng isang bagay. Puwede rin ito i-suggest sa mga magulang na turuan nila ang kanilang mga anak paano magbilang sa wikang espanyol.

Joaquin Marasigan (HUMSS 11-B)

Kung ako'y tatanungin, ang hamon na kinahaharap ko sa Wikang Pilipino, ay patungkol sa aking abilidad na sumulat, gumawa, unawain o basahin ang mga malalalim o pagsulat ng mga pangungusap sa Tagalog.  Kung bakit ganito ang aking idinadanas, ito ay dahil sa aking kasanayan sa Wikang Ingles. Ako at marami pang kapwa Pilipino ay nakasanayan na ang Wikang Ingles dahil sa mga impluwensiya ng ating mga pinapanood o naririnig noong tayo'y bata pa, at pati man hanggang ngayon. Bilang isang Lasalyano, maari ako mas manood pa ng mga iba't ibang mga klase ng Pilipino media na gumagamit ng wika natin upang lalo pang lumaganap ang aking kakayahan sa Wikang Pilipino, higit pa man, may kakayahan rin ako bilang isang estudyante na ishare ko ang aking mga karanasan at tuluyang impluwensiyahin ang aking mga kaibigan o kamag-aral.

Kathleen Uddin (HUMSS11 - B)
Para saaking personal na danas, may pagkakataon na nahihirapan akomg makipag ugnay sa mga tao na meroong malalim na bokabolaryo sa wikang filipino, sapagkat hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mga salita na binabanggit nila. Isa sa mga salik na nagpapalubha sa isyu  na ito ay ang kakulangan ng pagtuturo at pagpapaliwanag ng mga malalalim na salita, gayunpaman ang mas paggamit ng wikang ingles kaysa sa filipino sa mga silid aralan at media ay ang nagdudulot din ng isyu na ito.  Bilang Lasalyano,maaari kong gawin ang mas madalas na paggamit ng Filipino sa araw-araw,magbasa ng mga akdang Filipino para masanay,at makibahagi sa mga gawain na nagpapalaganap ng wika upang mas mapanatili at mapahalagahan ito.

Beau Cedric DELOS SANTOS - HUMSS-B
Mula sa mga mata ko na nakakakita at mula sa aking katawan na nakakaranas ng mga pangyayari sa ating lipunan, napansin ko na maraming mga mamamayan ang pinapabaayan na ang ating wika—nakakalungkot sabihin, pero isa rin ako sa mga taong ito.

Kahit ano pa man ang maging kaso, ang ating wika ay dapat hindi kalimutan; ito'y ang ating "label" at ito'y dapat pahalagahan—sapagkat ito'y sumisimbolo ng ating kalayaan. Pinaglaban ng ating mga bayani ang ating bansa, kasama na po roon ang wikang ginagamit natin na makipag-usap.

Nangyayari ito dahil maraming mga tao ang mas pumipili na makipag-usap sa "wikang banyaga" kesa sa wika ng ating bansa. Ito'y dapat tangkilikin at ang isyung ito ay dapat kilalanin

Bilang isang lasalyano, dapat bigyang importansya ang ang ating wika—ingatan at pahalagahan. Maaari na dapat paghasaan ang pakikipagusap sa wikang Filipino at sa iba pang mga diyalekto na kaya nating sabihin.

Jose Troy Tan - HUMSS
Sa aking mga karanasan, napapansin ko na marami sa mga kabataan ngayon ay mahilig gumamit ng paghahalo ng Ingles at Tagalog sa kanilang pagsasalita na itinatawag na "Taglish." Ang problema nito ay nasasanay sila sa ganitong pagsasalita kaya nakakalimutan na nila kung paano magsalita ng purong Tagalog. Ginagawa nila ito kung sakali na may nakalimutan silang mga salita sa wikang Tagalog kaya sinasabi na lang nila ito sa Ingles. Ang mga maaaring salik kung bakit nangyayari ito ay baka dahil nasanay na sila sa ganitong pagsasalita sa kanilang pamilya o kaibigan, o dahil din sa paraan ng komunikasyon sa kanilang mga paaralan.

Bilang lasalyano, maaari nating maayos ang isyu na ito kung mas masanay tayo mag salita ng Tagalog sa ating mga paaralan at sa mga araw-araw na pagsasalita na rin.

Andrea Regondola | HUMSS 11 B
Bilang isang Lasalyano, napansin ko na isang malaking hamon ng wikang Filipino at ang mga iba pang wika sa bansa ay ang malakas na impluwensya ng wikang Ingles at teknolohiya,  lalo na sa pagkagamit ng social media kung saan mas pinipili ng marami ang pagkagamit ng ibang wika higit pa kaysa sa sariling wika natin. Isa pang hamon na nagpapalubha nito ay ang kaisipan na mas nakakaangat o mas prestigious ang pagkagamit ng Ingles kaya unti-unting nababawasan ang pagpahalaga sa wikang Filipino at ang mga iba pang katutubong wika rito. Maari kong magsimula sa simpleng hakbang katulad ng mas madalas gamitin ang wikang Filipino sa aking pakikipag usap, pagbabasa, pagsusulat, at sa social media.

Maria Angela R. Sanido (HUMSS 11B)
Bilang isang mag-aaral, minsan ay nahihirapan akong magsulat at magpaliwanag ng puro Tagalog dahil hindi ko maisip ang tamang translation ng mga salita at minsa'y hindi ko rin masyado maintindihan ang mga sinasabi sa akin kapag ito ay patuloy tuloy na tagalog lang dahil mas nasanay ako sa Taglish o Ingles dahil sa mga tao na nakapaligid sa akin. Dahil mas nasasanay na ang mga tao ngayon na gamitin ang Ingles kesa sa wika natin, ang mga kabataan ngayon ay hirap na makaintindi at makapag salita ng Tagalog. Bilang isang Lasalyano, maaari kong gawin ang pag sasanay ng pagsalita sa Tagalog at maghikayat sa ibang mga tao na makipagusap din sa Tagalog.

Samantha Isabel D. Castillo (HUMSS 11-B)
Noong bata pa ako, ang unang wikang natutunan ko ay ang wikang Ingles sa halip ng wikang Filipino. Dahil dito, isa ako sa mga maraming Filipino na nahirapan sa pakikipag-usap sa wikang Filipino dahil mas ginagamit ko ang wikang Ingles sa pang araw-araw na pamumuhay. Sa tingin ko, isa sa mga salik na nagpapalubha sa isyung ito ay ang madalas na paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa iba’t ibang bagay kaysa sa wikang Filipino at ang pagkalat ng western media. Kailangan ko pang gumamit ng translator minsan 😅. Bilang Lasalyano, matutugunan ko ang isyung ito sa pamamagitan ng pagsisikap sa pag-aaral ng paggamit ng wikang Filipino at sa paggamit nito ng mas madalas.

Montaner, Sabrina Nicole L. (HUMSS11-B)
Isa sa aking karanasan na nagpapakita ng mga hamon sa wikang Filipino ay ang mga Filipino words na malalalim ang salita o mga salitang hindi ako pamilyar. Kahit na ako'y mas sanay makipag-usap sa wikang tagalog ay nahihirapan parin akong intindihin ang mga salitang malalalim, kaya naman ay kinakailngan ko parin tanungin ang kahulugan nito sa aking kausap o kaya naman ay itranslate pa ito sa google translate upang maintindihan ko ang nais ipahiwatig ng aking kausap. Sa tingin ko'y isa sa salik na nagpapalubha sa hamon o isyu na ito ay hindi madalas na ginagamit itong mga salita o kaya naman ay hindi naririnig sa aking mga pinapanood o binabasa sa social media. Bilang isang lasalyano, maari kong gawin ay mag basa ng mga libro na may wikang Filipino at subukan intindihin ang mga salitang hindi ko pa naeencounter o mga malalalim.

Isabelle P. Garcia - HUMSS11-B
Mula sa mga isyu at sitwasyong pangwikang tinalakay, ang isang personal na danas na sa tingin ko ay nagpapakita ng mga hamon at isyung kinakaharap ng mga wika sa ating bansa ay ang hindi pagpapakilala ng mga ito sa mga kabataan sa panahong ito kagaya po ng aking pinsan na pitong taong gulang. Siya po ay nahihirapan din kagaya ng ibang mga bata na magsalita ng ating wikang pambansa, kung kaya ay hirap silang umintindi sa mga teksto na nakasulat sa Filipino, gumawa ng mga talata o sanaysay na may tamang paggamit ng gramatika, at marami pang sitwasyon na kaakibat sa kontekstong ito. Sa aking palagay, ang mga salik na nagpapalubha sa hamon o isyu na ito ay ang hindi paggamit ng mga wika sa tahanan, panonood ng mga bidyong pang-edukasyon sa wikang Ingles, at marami pang iba. Bilang Lasalyano, ang mga nikikita kong hakbang na maaring gawin sa personal at pamayanang lebel upang matugunan ang isyu o hamong ito ay ang pagtutuon ng pansin sa pagpapahalaga sa ating mga Pambansang Wika, kagaya na lamang ng pagtuturo sa mga bata sa pre-school upang hindi sila mawala sa ating kultura at tuluyan nang maglaho sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.

Raphael Tanap ( HUMSS - B )
Sa aking personal na danas na isyung pangwika. ito ay ang pag gamit ng wikang Ingles kaysa sa Tagalog o Filipino. Lalo na sa modernong panahon ngayon, ang wikang Filipino ay mas lalong nabababaon at nakakalimutan ng sangkatauhan.

Isa sa mga salik na nagpapalubha ay ang Ingles ay mas ginagamit sa mga pormal na setting at kahit sa mga kaswal na pag uusap. Ngunit hindi natin masisisi na mas maganda gamitin ang Ingles sa pormal na pagkakataon dahil marami din ang mga taga ibang bansang dumarayo didito.

Bilang isang Lasalyano ang maaari kong gawin sa isyung ito ay pwede akong magpalaganap ng isang kaganapan sa loob ng campus na pwede sa lahat. Ito ay isang palaruan at kung maka buo sila ng iilang pangungusap gamit ang wikang tagalog lamang habang pinapaliwanag ang isang bagay ay may mapapanalunan silang magandang premyo. Ito ay maganda para lalo't makahakot ito ng mga estudyante na sumama at makipaglaro.

Jaimee Andrea Rojales - HUMSS 11-B
Para sa akin mas komportable ako sa pagsasalita sa wikang Ingles dahil pinalaki ako gamit ang wikang ito kung kayat nagiging isyu ito para sa akin pag kinakausap ako ng ibang tao na mas matatas sa wikang filipino, nahihirapan din ako sa pagiintindi ng mga malalim na salita sa wika natin.

Ang maaring salik sa mga isyung ito ay ang impluwensya ng social media dahil ito ay kadalasang binubuo ng mga taong nagsasalita sa ingles. Nasanay din ako sa wikang Ingles dahil ayan yung wika na ginagamit namin sa bahay.

Bilang isang lasalyano, nirerekomenda ko na sumali sa ibat-ibang mga kaganapan at organisasyong bumubukal sa ating kulturang pilipino

Karla Espiritu - HUMSS B
Sa aking sariling karanasan, isa sa mga hamon na aking nakikita at patuloy pa rin nangyayari ay ang mababang paggamit at pagpapahalaga sa Wikang Filipino, lalo na sa mga paaralan at opisyal na usapan kung saan mas pinipili ang Ingles. Dahil dito, nahihirapan ang bansa na ipanatili ang sariling wika at kultura. Sumasanhi ito sa globalisasyon at kakulangan ng suporta sa mga katutubong wika. Bilang isang Lasalyano, importante na isimula iresolba ito sa sarili. Gamitin at ipagmalaki ang Filipino sa araw-araw, mag-adbokasiya, at tutunan ang halaga nito upang mapalaganap ang kamalayan at mapanatili ang pambansang identidad.

Khyla Francheska Koizumi (HUMSS 11-B)
Ang isang hamon na aking naranasan nang firsthand ay ang hirap sa paggamit ng Wikang Filipino minsan. May mga pagkakataon na nahihirapan akong magsalita ng Filipino dahil ang madalas na ginagamit ko pong wika sa bahay at sa labas ay Ingles. Sa tingin ko po, ilan sa mga salik na nagpapalubha rito ay ang colonial mentality, naniniwala ang iba na mas edukado o mas maayos pakinggan po kapag Ingles ang gamit na wika. Isa pa rito ang paggamit ng wikang Ingles sa karamihan ng mga paaralan, lalo na sa mga pribadong paaralan, na nagiging dahilan para masanay ang mga estudyante sa Ingles kaysa sa Filipino. Para matugunan ito, mas papalalimin ko pa po ang aking kaalaman sa wikang Filipino at mas gagamitin sa pang araw araw na buhay.

Calvin San Jose (HUMSS11B)
Para sa akin, sa panahon ngayon na mas malaganap ang wikang Ingles  ay minsan nararamdaman ko na onti-onting napapalayo ako sa isang bagay na nagpapatunay na isa akong Pilipino. Mula sa social media hanggang sa iskuwelan, mas ginagamit ang wikang Ingles sa lipunan ngayon, siguro, isang paraan ito upang masanay ang mga Pilipino para maging mapagkumpitensya ang Pilipinas sa global na antas. At dahil doon, mas komportable tay gamitin ang wikang Ingles sa araw-araw kaysa sa sarili rating wika. Nakakalungkot isipin na mismong mamamayan ng bansa ay itinuturing mababa ang tingin sa sariling wiki. Bilang isang estudyante, maaari kong maayos sng isyung ito sa pagsasanay sa wikang Filipino pang mas madalas at mas masanay ako gamit sa aking buhay

Mikelle Silvala (HUMMS 11-B)
Para sa akin, hindi naman ako hirap sa pagsalita ng wikang Filipino (Tagalog) sa konteksto ng akademiko o pormal, at sa pang araw-araw na paguusap, pero may mga ilang beses, lalo na sa kontekstong akademiko, kagaya ng pagbasa ng mga panikitikan na nahihirapan akong umintindi ng mga malalalim na salitang Filipino (Tagalog) dahil para sa akin ang pagsasanay ko sa wikang Filipino ay hindi gaanong kabihasa. Sa aking palagay, karamihan ng mga bagong henerasyon at mga estudyante sa kasulukuyan ay hindi nakakaintdi o hindi magaling sa wikang Filipino, sanhi nito ay ang pagbawas ng mga paksa na tinuturo sa wikang Filipino. Kagaya na dito ay ang pagpalit ng paksang Araling Panlipunan na tinuturo gamit ng wikang Filipino sa Elementarya pero pag tungtung ng JHS, SHS, at kolehiyo ay tinuturo na bilang Social Studies sa wikang Ingles. Bilang Lasalyano, ang makikikitang kong mga hakbang na maaring gawin sa personal na lebel ay ang pagsalita at pagmahal ng Wikang Filipino. Halimbawa lang dito ay imbes na conyo na Taglish ang paraan na pagsasalita sa araw-araw na pag-uusap, gawing magsalita ng matuwid na Tagalog na iwas sa code-switching. Sa pampayanang lebel ay dapat magdagdag o ibalik ang mga paksa sa klase na tinuturo sa Filipino, kahit sa kolehiyo, JHS, o SHS ay dapat ituro ang Wikang Filipino para mas lalong maging bihasa ang bagong henerasyon at mga estudyante sa ating pambansang wika.

Justin Limbo (HUMSS 11-B)
Mula sa mga isyu na tinalakay, ang isyu tungkol sa edukasyon para sa wikang Filipino ay isa sa niranasan ko. Di ako masyadong confident sa lokal na wika. Marami rin sa mga Pilipino ngayon ay hindi nila kaya magsalita ng Filipino na tuloy tuloy—kasama na rin ako dyan. Ang dahilan dito ay sa kolonyalismo. Noong panahon ng Amerikano, di na pinapahalaga ang wikang Filipino sa pangunahing kurikulum, sa halip gumagamit sila ng Ingles para sa midyum ng pagtuturo. Nagpadala rin ito ng "colonial mentality", na sinasabi na kung anumang lokal ay bulok, na pinadala ng Kastila, at  lumala sa panahon ng Amerikano. Isa pa sa dahilan ng isyu nito ay ang globalisasyon, sa mga pinapanood namin, integrasyon ng wikang Ingles sa ating kultura, at iba pang mga salik sa paligid.

Bilang isang Lasalyano, maaari tayong ipahalaga natin ang wika natin lokal, dahil ito rin ay nagbibigay sa atin ng pagkakilanlan. Sa personal na solusyon, maaari tayong gumamit ng Filipino media; ito ay tumutulong sa vocabulary habang nag-aaral ng wika. Wag natin matahin ang ating wika, dahil ito ay ating mga ugat bilang isang Pilipino.

Jerome Mitchell Go (HUMSS 11-B)
Bilang isang tao paglaki sa pamilyang Chinese, hindi ako masyado nagsasalita ng Tagalog sa pamilya ko kundi ang yaya ko. Mas nasasanay ako sa pagsasalita ng Ingles at Hokkien. Napansin ko rin na ang mga bidyo ninood ko ay puro wikang Ingles at hindi nakaugnay sa wikang Pilipino.

Ngunit sikat ang wikang Ingles, maraming bidyo na gumawa ng ibang sa social media ay wikang Ingles para sa mga tao ng ibang bansa.

Bilang isang estudyante ng DLSU, gusto ko ihikayatin  ng school na gawin Pilipino ang mga modules, assignments, at iba pang gawain

Sebastian Miguel Aquino A. (HUMSS11-B)
Mahirap ang karanasan ko sa paggamit ng tagalog. Dahil karamihan sa media na nakonsumo ko at ang mga taong nakausap ko ay sa ingles. Ngunit nakakapanood ako ng ilang nilalamang filipino tulad ng balita, at nakikinig ako sa mga usapan ng mga lokal. Naiintindihan ko ang tagalog ng mga keyword ng speaker, body language, at tono ng boses. Ang mahirap kasi kung gaano ka-convenient ang ingles. Sinubukan kong palibutan ang sarili ko ng mas maraming nilalamang Tagalog. Dahan-dahan akong nag-taglish, pero mahirap talaga pa ang purong tagalog. Kung nahihirapan na ako sa paggamit ng tagalog dahil sa pagdomina ng ingles, mas lalo itong nakakaapekto sa iba pang wika sa bansa na unti-unti nang nalilimutan