G7: MAKABULUHANG MGA LARAWAN: PHOTO BLOG by Jessica Marie Cuesta

"Life is a Mountain of Licos Peak to Climb" ni Rudelyn T. Pitogo
Ang larawang ito ay kuha 4 na taon na ang nakakaraan sa buwan ng Disyembre 28,2018.

Ang Licos Peak ay isa sa mga pook pasyalan na makikita at mararating sa Licos, Danao. Naaalala pa ni Rudelyn ang araw na kung kailan siya pumunta at nagpakuha ng larawang ito sapagkat isa ito sa mga magagandang ala-ala na kailan may hindi niya malilimutan at hindi na rin mabubura sa kanyang puso't isipan.  Ang Licos Peak ay naging tanyag sa kakaibang ganda na makikita rito.

"Dito ko nararamdaman ang dalisay na simoy ng hangin sapagkat dito ay walang mga usok ng sasakyan at polusyon. Ang tanging naririnig ko lang dito ay ang mga himig ng mga ibon na nagsisiliparan sa himpapawid at tunog ng mga punong kahoy na tila nagsasayawan." - Rudelyn T. Pitogo, 2022

Ani niya, walang magandang bagay sa buhay na madaling dumarating, sigurado iyon. Nang tayo ay isinilang ay binibigyan tayo ng bundok na akyatin. Kung aakyat ka sa bundok na ito, malalaman mo na ang bundok na ito ay malinaw na kumakatawan sa iyong mga tunay na karanasan sa buhay.

Upang maabot ang magandang tanawin ng bundok, kailangan mong magpumiglas, makakaharap ka ng maraming mga hadlang dito dahil kapag umakyat ka dito ay may mga matutulis na bato, makikitid na daan na kung hindi ka sanay dito ay maaaring masugatan ka pa.  Ngunit kung ikaw ay sapat na malakas upang harapin ang lahat ng ito sa buong daan, at maabot mo ang tuktok nito ikaw ay mamangha sa mga berdeng magagandang tanawin. Ang paglalakbay sa bundok na ito ay maihahalintulad kung ano ang tungkol sa buhay. Kailangan mong tiisin ang lahat ng mga pakikibaka at hamon at maglaan ng oras upang tamasahin ang tanawin.

Si Rudelyn ay isa sa mga taong mahilig sa adventures kagaya ng mountain climbing kasabay ng kanyang mga "circle of friends." Kung ikaw ay isa rin sa mga taong mahilig umakyat ng bundok pwedeng pwede kang sumubok at magkaroon ng karanasan dito sa Licos Peak ng Danao.

ANG MAGANDANG KATAPUSAN NG ISANG ARAW ni Jessica Marie Cuesta 🌇❤
Sa bawat simula ay may katapusan. May katapusan na maganda, may katapusan na medyo pangit. Ang larawang ito ay kuha ni Jessica Marie Cuesta noong 2019 ng Nobyembre na kung saan pauwi palang siya sa kaniyang bahay. Ani niya, pagod na pagod siya dahil ang daming mga gawain sa paaralan na kailangan ipasa. Madaming mga proyekto na ipapasa na agad bukas. Natataranta na siyang umuwi dahil malapit na mag gabi at trapik pa sa daan at wala pa siyang nasimulan na gawain.

Sa pagtingin niya sa itaas ng langit, natanaw niya ang napakagandang tanawin. Naging memorable itong araw para sa kaniya kasi sa buong buhay niya nakaramdam siya ng ginhawa at kalayaan. Sa pagod ng kaniyang naramdaman, nagkaroon siya ng lakas nung kunan niya ang litrato.

"Ang ganda ng paglubog ng araw, nagpapahiwatig ito na kahit katapusan na, may maganda din na dadating sa iyong buhay. Naiisip ko na ang bilis ng ating panahon, hindi natin ito namamalayan. Sa sandaling minuto, nawala ang aking problema at nakaramdam ako ng pagyakap ng mga ulap na kung saan hindi ako nag-iisa." - Jessica Marie Cuesta, 2019

Ani ni Jessica Marie, ang paglubog ng araw ang isa sa pinakagusto niyang tanawin sa buong mundo. Nagbibigay kulay ito sa ating mga mata na kung saan puwede itong makita ang iyong kaluluwa. Sa pag-daan ng panahon, ang katapusan ay hindi palaging panget, may maganda din ito.

LIWANAG SA DILIM ni Jessica Marie Cuesta 🌙
Sa pagtama ng bagyong Odette sa probinsya ng Cebu, higit na ilang buwan ang kadiliman. Madaming tao ang naging malungkot at lugmok sa kawalan sa kadahilanang nawalan sila ng matitirhan o masisilungan. Walang pinipili ang bagyong Odette, mapayaman man o mahirap.

Ang larawan ay kuha ni Jessica Marie C. Cuesta noong Disyembre 17, 2021 na kung saan ang tanging liwanag lamang ay nakikita sa kalangitan. Sa bawat masamang trahedya, mayroon itong magagandang bunga.

" Ang buwan ang siyang nagbibigay liwanag sa atin. Masasabi kong may magandang naidulot naman pala ang bagyo kasi dahil dito mas napapahalaga natin ang kagandahan ng kalikasan. Mas nakapagbonding kaming pamilya. Pero masasabi ko din na ang bagyo ay kadahilanang magkakaaway na ang mga tao, imbis na magtulungan sa nasabing trahedya mas naging makasarili na ang iba. Sinasamantala ang sitwasyon na kung saan hindi ito puwede, lahat tayo ay may kaniya-kaniyang pagsubok dapat tayo magtulungan sa mga oras na ito. " - Jessica Marie Cuesta, 2021

Ani ni Jessica Marie noong naganap ang bagyo, madami siyang natutunan at naunawaan. Isa itong leksyon o aralin sa kaniyang sarili na habang buhay niyang papahalagahan. Sana magsilbi itong aral hindi lang para sa isang tao kundi na rin sa kabuuan.

Ang larawan ay nagdadala ng libu-libong salita na naglalarawan sa nangyari noong nakaraang 2021. Napakaraming alaala ang hatid nito na kung saan maidadala natin sa huli nating paghinga. Dala-dala padin natin ito sa ating puso na kung saan hinding-hindi natin makakalimutan.

"Bawat bulaklak ay namulaklak na may sariling ganda, gayundin ikaw" ni Lyn Joring
Ang larawang ito ay kuha ni Lyn Joring noong  Hunyo 17, 2020. Ang larawang ito ay kuha mismo sa kanilang bakuran. Kapag siya ay nababagot ang pagkuha ng larawan ay isa sa mga bagay na makapagpalipas nito. Sa kanyang pagpapalipas oras hindi niya namalayan na nakakuha na pala siya ng napakagandang larawan at ito ay labis niyang ikinatuwa. Sa kanyang  pagkuha ng larawan ang gusto niya  kunan sa kanyang potograpiya ay ang mga bulaklak sapagkat naniniwala siya na  ito ay siyang bumubuhay sa mga kulay ng ating kapaligiran at siyang napakagandang pagmasdan.

Sa mga kaganapang mga iyan napagtanto niya na ang bulaklak ay sumisimbolo ng katauhan na kung saan meron tayong angking kakayahan.  Tulad ng mga bulaklak na may iba't ibang kulay makikita din natin ito bilang isang tao na kung saan tayo din ay mga iba't ibang pagdadaanan bago makamit ang magandang kinabukusan. Maganda man yan o masama piliin parin ang bumangon para magsimulang muli.

"Dito masasasabi ko na ang bulaklak ay nagbibigay ng malalim na kahulugan sapagkat ito ay tatak ng pagbabago. Alam naman natin na bago namumulaklak o namumukadkad ang isang bulaklak ay dapat itanim muna at alagaan ng mabuti hanggang sa ito ay lumaki. Ganon din tayong mga tao bago paman natin makamit ang atin inaasam na tagumpay kailangan nating magsipag ng mabuti upang tagumpay ay ating makamtan." - Lyn A. Joring, 2020

Dagdag ni Lyn Joring, ang mga bulaklak na ito ay siyang repleksyon ng kanyang pagkatao sapagkat tulad ng isang bulaklak siya ay patuloy na nagsipag sa kanyang pag aaral upang siya ay mamumulaklak ng napakaganda na siyang ikakatuwa sa mga taong nakapaligid sa kanya lalong lalo na sa kanyang Pamilya.

"Ang Magandang Tanawin Dito Sa Amin" ni Lyn Joring
Ang larawang ito ay kuha ni Lyn Joring noong ika 2 ng Agosto taong  2021. Matatagpuan ang tanawing iyan ilang hakbang pataas mula sa kanila. Sa araw na yan pumunta sila ng kanyang Pamilya diyan para pagmasdan ang napakagandang tanawing iyan. Marami na ang gusto pumunta diyan sapagkat kitang kita lahat ng lugar lalong lalo na ang malawak na karagatan.

Sa larawang iyan makikita talaga natin kung gaano tayo kamahal ng ating mahal na Panginoon dahil binigyan tayo ng ganyan kagandang kapaligiran. At sana naman tayong mga tao ay kaya itong alagaan sapagkat nakapagbibigay ito sa atin ng kabutihan lalong lalo na sa pagkakaroon ng preskong hangin. Kailangan nating alagaan at pagyamanin ang mga ito. Huwag nating hayaan na tayo mismo ang sisira sa mga lugar na kaya tayong bigyan ng magandang pamumuhay.

"Maging isang responsableng mamamayan tayo mahalaga ang pangalagaan, pahalagahan, at pagyabungin ang ating kapaligiran sapagkat nag-iisa lamang ito at wala nang kapalit kung lubos na natin itong mapabayaan." - Lyn Joring, 2021