(Alfonso) Gawain #2: Ang Pagsilang: Nasyonalismo sa India by Joseph Jay V. Hernando

Giorgio Othello 'G.O.' O. Gumban
1. Aling linya sa sipi ang nagpapakita ng ideya ng nasyonalismo?
-"Despite the communal divisions, these two organizations, sometimes working together and sometimes apart, would eventually lead India to Independence." Ang linyang ito ang pinaka-nagpapakita ng ideya  ng nasyonalismo, sapagkat sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at opinyon sa relihiyon at politika ng dalawang pangkat na ito, ay nagawa nilang magkaisa at isa-alang alang ang nasyonalismo sa isip at puso ng bawat kasapi ng dalawang pangkat. Bunga nito ay naging malaking dahilan ang kilos at gawa ng dalawang pangkat na ito tungo sa pagsasarili ng bansa.

Giorgio Othello 'G.O.' O. Gumban
2. Ano ang Indian National Congress at Muslim League?
-Batay sa sipi, isang maliit na pangkat ng mga abogado at mangangalakal ang nagtatag ng Indian National Congress (INC) noong 1885 sa Bombay. Nakatuon ang INC sa pamimilit sa British na gumawa ng mga pagbabago sa konstitusyon upang matiyak ang pantay na karapatan at dagdagan ang pakikilahok ng mga Indian sa pamahalaang imperyal. Bago ang World War I, ang Indian National Congress ay nanatiling isang maliit, pawang mga mayayaman ang kasapi na kilusan sa lungsod na nagpupumilit na pag-isahin ang mga Indian. Ang mga pinaghiwalay na parte ng India — batay sa linya ng relihiyon — ay naghahati sa politika sa India. Bagaman sumali ang ilang mga Muslim, nangingibabaw pa rin ang mga Hindu sa INC.
-Batay sa sipi, noong 1906, itinatag ng mga mayayamang pinuno ng pamayanan ng Muslim ang Muslim League sa Dacca upang maprotektahan ang mga karapatan at pribilehiyo ng pamayanang Muslim sa India.

Giorgio Othello 'G.O.' O. Gumban
3. Ano ang naging papel ng dalawang pangkat na ito sa pagsilang ng nasyonalismo sa India?
-Ang dalawang pangkat ay kumatawan sa kanilang mga nasasakupang mga taong may magkaibang relihiyon; Hindu at Muslim. Ang Lucknow Pact ay isang kasunduan na naabot sa pagitan ng Indian National Congress at ng Muslim League sa magkasanib na sesyon ng parehong partido na ginanap sa Lucknow noong Disyembre 1916. Ang mga pinuno ng Muslim League ay sumang-ayon na sumali sa kilusan ng Kongreso na hinihiling ang awtonomiya ng India. Dahil sa pagkakaisang ito ay malaki ang naging papel ng dalawang pangkat na ito sa pagsilang at pag-usbong ng nasyonalismo sa India.

Joeff Toribio
1. Aling linya sa sipi ang nagpapakita ng ideya ng nasyonalismo?
"Over time, the Indian National Congress helped diverse ethnic, religious, and linguistic groups coalesce around the idea of resisting British rule."
-Ito ang nagpapakita ng ideya ng nasyonalismo sa sipi. Ang India ay binubuo ng pangkat ng tao na may iba't-ibang paniniwala, relihiyon at pamamaraan ng pamumuhay. Subalit dahil sa kanilang isang kasaysayan sa kamay ng mga Ingles, nagbuklod sila upang hanapin ang kalayaan mula sa kamay ng mga Briton upang magkaroon ng sariling pamamalakad sa kanilang bansa.

2. Ano ang Indian National Congress at Muslim League?
-Ang Indian National Congress ay isang partido-pulitikal na binubuo ng mga abogado at propesyonal na Indian. Ito ay pinamunuan ng isang administrador na Ingles na si Allan Octavian Hume. Isinulong nito ang mga repormang pulitikal at pang-ekonomiya, ang kinabukasan ng India, at mga pamamaraan upang makamit ng mga taga India ang kapantay ng kalagayang panlipunan sa mga Ingles.
Ang Muslim League naman ay organisasyong binuo ng mga pinunong Muslim sa India na nabuo noong 1906 bilang All-India Muslim League. Ang layunin nito ay bigyan ng boses ang mga Muslim sa mga usaping pampulitika sa India. Ito ay pinamunuan ni Muhammed Ali Jinnah. Ipinaglaban ng grupo ang “two nation theory” kung saan ang mga Muslim ay may karapatan sa isang hiwalay na estado na may sarling pamamahala.

3. Ano ang naging papel ng dalawang pangkat na ito sa pagsilang ng nasyonalismo sa India?
-Ang dalawang pangkat na ito ay  nagtaguyod ng mga interes at reporma para sa ikabubuti ng mga Hindu (para sa Indian National Congress) at Muslim (para sa Muslim League).  Magkaiba man ang paniniwalang pang-relihiyon, pareho nilang itinaguyod ang pagiging malaya ng kanilang mga kasapi mula sa pamumuno ng mga Ingles. Naghanap din sila ng mga pamamaraan upang makamit ng mga taga India ang kapantay na kalagayang panlipunan sa mga Ingles.

Marcus Isaac S. Sta. Maria
1. Aling linya sa sipi ang nagpapakita ng ideya ng nasyonalismo?
(a) "The INC focused on pressuring the British to make constitutional reforms to ensure equal rights and increase Indian participation in the imperial government." - Una sa lahat, kinakailangan malaman at matutong ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayan ng isang bansa. Ito ay isang malaking hakbang at lakas na loob na nagumpisa ng ideya ng nasyonalismo. Kinakailangan na magkaroon ng boses sa pamahalaan at pantay na karapatan.

(b) "Over time, the Indian National Congress helped diverse ethnic, religious, and linguistic groups coalesce around the idea of resisting British rule." - Maganda ang hakbang na ginawa ng INC sa pagtipon ng ibat ibang grupong etniko, relihiyon at pangwika para magsama-samang labanan ang pagsakop ng mga Briton sa India. Mas mabuti kung magkakaisa bilang isang nasyon ang mga mamamayan ng India.

2. Ano ang Indian National Congress at Muslim League?
- Ang Indian National Congress ay isang partidong pulitikal noong 1885 sa Bombay na binubuo ng mga abugado at mangangalakal. Ito ang unang makabagong kilusang nasyonalista na may layunin na matamo ang kalayaan ng India. Pinipilit nila ang mga Briton na gumawa ng mga repormang konstitusyonal upang matiyak ang pantay na karapatan at madagdagan ang pakikilahok ng India sa pamahalaang imperyal.

- Ang Muslim League ay itinatag noong 1906 ng mga mayayamang pinuno galing sa pamayanang Muslim. Dahil mas maraming Hindu ang kasapi sa INC, natakot ang mga Muslim bilang minorya na hindi magkaroon ng pantay na karapatan. Ito ay isang partidong pulitikal na may layunin na bigyan pansin ang interes ng mga Muslim.

3. Ano ang naging papel ng dalawang pangkat na ito sa pagsilang ng nasyonalismo sa India?
- Dahil sa pagkakaiba ng mga pananampalataya, dalawang partido ang naitatag. Kahit na nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang dalawang ito, iisa ang kanilang layunin na magkaroon ng kalayaan ang mga tao sa India at makilala ng Britanya ang karapatan ng mga mamamayan ng India. May mga pagkakataon na sila ay nagtutulungan. Mayroon din mga panahon na magkaiba ang kanilang opinyon. Dahil naririnig na ang kanilang boses laban sa pananakop ng mga Briton, ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagsilang ng nasyonalismo sa India.

Emilio Ramon T. Mendoza
1.) The INC focused on pressuring the British to make constitutional reforms to ensure equal rights and increase Indian participation in the imperial government.
2.) Ang Indian National Congress ay isang grupo na binubuo ng mga abogado at mangangalakal. Sila ay nag lumaban para sa pantay na karapatan para sa Indians at taasin ang partisipasyon ng mga Indians sa "Imperial Government". Ang Muslim League ay nag lumaban para protektahan ang mga karapatan at prebilehiyo ng Muslim Community. Ang dalawang grupo ay nagtulungan para maging independent ang India mula sa Briton.

Phoenix Ryley R. Deloso
1) Aling linya sa sipi ang nagpapakita ng ideya ng nasyonalismo?

The INC focused on pressuring the British to make constitutional reforms to ensure equal rights and increase Indian participation in the imperial government.

2) Ano ang Indian National Congress at Muslim League?

Ang India National Congress ay isang maliit na grupo na kinabibilangan ng mga abogado at mangangalakal na naglalayong pilitin ang Britanya na gumawa ng reporma sa konstitusyon upang masiguro ang pagkakapantaypantay ng karapatan at pagyabungin pa ang partisipasyon ng mga Indian sa imperiyalistang gobyerno. Ito ay tinatag noong 1885 sa Bombay. Ito rin ay ginamit ang iba't ibang pangkat ayon sa etniko, relihiyon at wika upang labanan ang imperiyalismong Briton.

Ang Muslim League naman ay
itinatag sa Dacca noong 1906 ng mga mayayamang pinunong Muslim upang pangalagaan ang karapatan at pribilehiyo ng mga Muslim sa India.

3) Ano ang naging papel ng dalawang pangkat na ito sa pagsilang ng nasyonalismo sa India?

Ang Indian National Congress ay ang unang sumulong ng nasyonalismo sa pamamagitan ng paghaharap ng repormang konstitusyonal sa pamamahalaang imperiyal ng mga Briton, samantala ang Muslim League ay itinatag sa takot na hindi maproprotektahan ang mga karapatan at pribilehiyo ng mga Muslim sa India sapagkat mas nakararami ang mga Hindu kahit sa INC. Ang dalawang pangkat sa kalaunan, bagamat may paksyon na sinamantala ng imperiyalismong Briton, ay nagtulungan sa pagsulong ng nagkakaisang layunin na protektahan ang karapatan at pribilehiyo laban sa imperiyalismong Briton gamit ang nasyonalismo.