MGA URI NG TEKSTO MMA4 by Bianca Baltazar

FORMAT
Pls check. (maaaring gumamit ng mga larawan upang gawing malikhain ang padlet na naglalaman ng pagsusuri)

PAKSA
Sa tekstong "Ang Pagmamahal ng Isang Ina", masasabi kong naging makabuluhan ang teksto sapagkat nabuksan nito ang aking isip ukol sa mga katotohanan ng buhay.

Ang paksa ay tungkol sa isang mag-ina kung saan sa kabataan ng anak, lubos niyang ikinamuhi ang kanyang ina tulad sa pagkamuhi niya sa kanilang tinitirhan. Buong buhay niyang ikinahiya ang kanyang ina hanggang sa lumayas na ito at nagbagong buhay sa ibang lugar. Kinalimutan na niya ang dati niyang buhay pati na rin ang kanyang ina. Ngunit pinagtagpo muli sila ng tadhana; walang pinagbago ang anak pero hindi nagbago ang puso ng kanyang ina. Dito pinatunayan ang pagmamahal ng ina na hindi na mamagawang ibalik ng kanyang anak.

Mayroong mga sakripisyo na ginagawa ang ating mga magulang at hindi lang natin alam na ito ay buhat ng pagmamahal nila sa atin. Walang magulang ang hindi naghahangad ng isang masaya at magandang buhay para sa kanilang anak.

Estruktura
Pagkatapos kong basahin ang kwento, matatag akong naniniwala na ang estruktura na ginamit dito ay ang 'generic istraktura ng tekstong naratibo' na karaniwang ginagamit sa maraming kuwento.

Batay sa pananaliksik na ginawa, ang mga bahagi ng 'generic istraktura ng tekstong naratibo' ay ang Pag-aangkop o Orientation, ang Komplikasyon o Complication, at ang Kinalabasan o Resolution.

Sa Orientation, ipinapakilala ang mga kalahok at nagpapaalam sa oras at lugar ng istorya. Ang Complication naman ay ang bilang paglalarawan sa tumataas na krisis kung saan ang mga kalahok ay maghahanap ng paraan upang lutasin ang problema. At sa huli, ang Resolution ay ang parte kung saan ipinapakita ang paraan ng kalahok upang malutas ang krisis, para sa mas mahusay o mas masahol na kinalabasan.

Sa susunod na mga puntos, matatagpuan ang bawat parte ng kwento na pwedeng ihambing sa bawat bahagi ng 'generic istraktura ng tekstong naratibo.'

Pag-Aangkop/Orientation1: Malaki ang pagkamuhi ko sa aking kinalakihang lugar. Liblib kasi at malayo sa kabihasnan, tanging kuliglig lamang ang aking naririnig pag gabi. Nasa gitna kami ng kagubatan. Kasama kong naninirahan dito ang aking ina, sa katotohanan lamang katulad ng aking pagkamuhi sa lugar na ito, namumuhi din ako sa aking ina. Dahil sa itsura nyang parang halimaw, sunog ang kalahati ng mukha at talaga naman nakakatakot. Ang bawat batang kanyang masalubong ay sumisigaw ng  mayroong halimaw.

Komplikasyon/Complication1: Noong gabing iyon, lumabas ako ng kwarto upang kumuha ng tubig. Sa sulok ng mesa nakaupo sya't tahimik na  umiiyak. Nakikita ko pa ang mga luhang dumadaloy sa kanyang sunog na mukha. Alam kong nasaktan ko sya sa aking mga sinabi, may kirot sa aking puso ang makita syang ganon.  Noon din, ipinangako ko sa sarili kong hindi ako magiging tulad nya.

Kinalabasan/Resolution1: Nag-aral akong mabuti, nagkamit ng karangalan sa pagtatapos sa mataas na paaralan. Umalis ako sa aming bahay ng walang paalam at nakipagsapalaran sa ibang lugar. Malaki ang naging epekto sa akin ng aking ina, iyon ang aking naging kasangkapan upang pagbutihin ang trabaho sa umaga at pag-aaral sa gabi . Mahabang panahon ang lumpias hangang sa dumating ang panahong ako ay nagtagumpay at naging isang Arkitekto. Nakabili ako ng magarang bahay sa isang subdivision, nakabili ng magarang sasakyan at nagkaasawa  at nagkaron ng isang anak.

Komplikasyon/Complication2: Naglalaro ang aking anak sa hindi kalayuan sa amin habang kausap ko ang ibang kakilala nang narinig kong sumigaw ang aking anak at tatakbong lumapit sa akin. May halimaw daw na lumapit sa kanya.

Kinalabasan/Resolution2: Agad kong nilapitan ang sinasabi ng aking anak, nabigla ako sa aking paglapit. Ang halimaw na sinasabi ay ang babaeng matagal ko ng hindi nakikita... ang usapan namin ng babaeng iyon. Laking pasasalamat ko at ako ay hindi nya nakilala.

Komplikasyon/Complication3: Malapit ng matapos ang proyekto ng isang aksidente ang nangyari, hindi sinasadyang matrasan ang isang mixer truck ang patas ng hallowblocks na malapit sa akin. Nagbagsakan ang hollowblocks sa akin at  hindi ko na namalayan ang mga pangyayari.

Kinalabasan/Resolution3: "May nagligtas sayo Hon, utang natin sa kanya ang iyong buhay. Bago pa man bumagsak sayo ng mga bagay na yun, isang matandang babae ang mabilis na tumakbo papalapit sayo at yumakap. Sa kanya lahat tumama ang mga hollowblocks bago pa sayo. Nakakaawa ang matandang babae, kahit na ganon pa ang kanyang itsura, may dakila syang puso para iyon ay gawin"

Komplikasyon/Complication4: Bigla ang pamamanhid ng aking katawan sa aking narinig. Bigla ang lakas ng tibok ng aking puso na para akong aatakehin. HIndi ko alam ang aking sasabihin, sari saring damdamin ang aking nararamdaman. HIndi ako makapaniwala sa aking narinig. Lumuha ang aking mata ng hindi ko namamalayan.

Kinalabasan/Resolution4: Noong araw ding iyon, Ipasya kong puntahan ang aming tahanan noon. Tinahak kong muli ang landas pabalik sa aking nakaraan hanggang sa marating ko ang munting kubo na iyon. May kurot sa puso kong tinitigan ang kabuuan ng bahay. Ito ang aking naging tahanan, dito sa bahay na ito nabuo ang aking mga pangarap. Ito ang aking tinakasan.

Komplikasyon/Complication5: "At noon nga, noong nabalitaan nyang nandito ang kanyang anak, araw araw syang nagpupunpunta sa pagawaang iyon. Nakatanaw sa malayo, nakita ko sa kanya ang tunay na kasiyahan. Saksi ako sa pagmamahal na walang katulad, sa pagmamahal ng isang halimaw na tinatawag ng marami, na iniaalay ang sariling buhay para lang sa kaligtasan ng nakalimot nyang anak. Amang, sinasabi ko ang lahat ng ito upang kahit paano ay maging malinis ang kanyang pagkatao sa iyong isip at damdamin. Batid ko ang pagkamuhi mo sa iyong nakaraan. Linisin mo na ang iyong puso, matagal ka na nyang pinatawad amang."

Kinalabasan/Resolution5: Luhaan akong nakayuko matapos kong marinig lahat ng kwento tungkol sa aking Ina. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya. Ako pala ang dahilan kung bakit sunog at mukha syang halimaw. Ako ang dahilan kung bakit nagtitiis sya sa dusa na ako pala ang may gawa. At ako din ang dahilan ng kanyang pagpanaw. Ngayon ako naliwanagan, na walang ibang halimaw sa aming dalawa kundi ako. Ako na walang inisip kundi ang kamuhian sya. Ako ang halimaw na pumatay sa kanya. Umalis ang matanda, Hinayaan nya kong mapagisa sa harap ng puntod na iyon. Sa puntod na aking ina, sa puntod ng  isang taong sa akin ay labis na nagmahal. Isang taong itinuring ko noon na halimaw, halimaw na may busilak na puso at napakadakilang damdamin.

*Paumanhin para sa mahabang post.

Tunggalian
Sa "Ang pagmamahal ng isang ina",ang anak ng tunggalian sa sarili , dahil sa gusto niyang lumayo sa tirahan nila at patunayan hindi siya tulad ng kanyang ina ,ito ay sa dahilang may kinikimkim siyang galit sa kanyang ina kung bakit sila ay tumira sa liblib na lugar at sa hitsura ng kanyang Ina.

Pamamaraan ng Narasyon
Ang mga pamamaraan ng narasyon na ginamit sa kwento na pinamagatang, "Ang Pagmamahal ng Isang Ina", ay 'Plot Twist' o ang tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng kwento, at 'Diyalogo' na isang pamamaraan ng narasyon na ginagamitan ng usapan ng mga tauhan upang isalaysay ang pangyayari sa halip na direktang pasalaysay.

Masasabing ginamitan ito ng pamamaraan ng narasyon na 'Plot Twist' dahil ito ay nakapagbigay ng hindi inaasahang kalalabasan ng kwento gaya na lamang ng sa bandang dulo, ang pagbibigay ng dahilan ng kaibigan ng isa sa mga pangunahing tauhan kung bakit ganoon na lamang ang itsura ng kanyang Ina at ang hindi inaasahang pagkamatay ng Ina na inakala ng halos lahat ng mambabasa na ito ay mabubuhay at matatanggap ng kanyang anak. Ang nasa ibaba ay isa sa mga patunay ng hindi inaasahang  kaganapan sa kwento:

"Araw ng linggo noon, araw iyon ng aming pahinga bilang kasambahay ng pagpasyahan naming kami ay mamasyal at noong hapon ng paguwi nadatnan naming nasusunog ang bahay ng aming amo. Sa kabila ng malakas na apoy, lakas loob syang sumugod sa loob ng bahay upang iligtas ang aming amo. Wala akong nagawa para sya ay pigilan. Wala na kong pag asa na may mabuhuhay pa sa sunog na iyon. Pero lumabas sya na dala ang isang bata, iyon ang anak ng aming amo. Walang pinsala ni isa sa bata pero ang aking kaibigan, sunog na sunog ang kalahating bahagi ng mukha. Iyon ang dahilan kung bakit sunog ang kanyang mukha, at tinatawag syang halimaw."

Bukod dito, ginamitan rin ito ng pamamaraan ng narasyon na 'Diyalogo' dahil ito ay ginamitan ng may akda ng usapan ng mga tauhan sa halip na gawin ang direktang pasalaysay. Ang bahagi ng kwento na ginamitan ng mga diyalogo ay matatagpuan sa bandang dulo ng kwento. Ilan sa mga ito ay ang bahaging nagtagpo na ang pangunahing tauhan at ang kaibigan ng kanyang Ina:

"Magandang hapon po amang, tila po yata kayo ay naliligaw?" ang tanong sa akin ng matandang babae.
"Ah eh manang, kayo po ba ang nakatira sa bahay na ito, ayon po sa aking narinig eh may isang..."
"Halimaw ba ang narinig mo sa kwentuhan sa bayan? Hindi na ko magtataka, pero kung sya nga po ang inyong tinutukoy, wala na po ang aking kaibigan, pumanaw na po sya may talong araw na ang nakakaraan. Kung hindi po ako nagkakamali, ikaw ang lalaking kanyang iniligtas, ikaw ang lalaking matagal na nyang hinihintay."

Para sa karagdagang impormasyon, ang anyo ng pag-papahayag na ginamit sa akda ay 'Flashback' o ang masining na pamamaraan ng pag-sasalaysay sa pamamagitan ng pag-balik sa simula bilang pag-gunita o pag-alala. Isa sa mga patunay dito ay ang bahagi na matatagpuan sa simula ng kwento kung saan tinutukoy ng pangunahing tauhan kung gaano kinamuhian ng mga kaklase niya ang itsura ng kanyang butihing Ina:

Umuulan noon, hindi ko akalaing makikita ko sa labas ng paaralan ang aking ina na may dalang payong. Iiwas sana ko sa kanya subalit ako'y kanyang tinawag at dinig na dinig ng aking mga kaklase ang kanyang boses. Nagtakbuhan sila ng makalapit sya sa akin.

Orientasyon
ANG PAGMAMAHAL NG ISANG INA
By: ISTAMBAY

Ang kaligiran ng tauhan:
* Ang Ina
-Isa siyang masipag, malasakit at makapasakripisyo na tauhan sa kwento

*Ang Anak
-Siya ang tagapagsalaysay sa kwento at siya ay isang masipag din na tauhan pero iresponsable at ignorante sa kwento

*Ang Asawa ng anak
-Malasakit sa kanyang asawa at mapagunawa sa kanyang ina

*Ang isang Magulang ng bata
-Offensive at hindi mapag-unawa sa Ina.

Lunan o setting:
*Isang barangay
*sa sakahan
*bukid
*paaralan
*konstruksyon site

Oras:
Sa Modernong panahon.

Pamagat ng akda at may-akda
Pamagat ng akda:
Ang Pagmamahal ng Isang Ina

Base sa aking pagkakaunawa, ang naging dahilan kung bakit ang pamagat ng kwento ay "Ang pagmamahal ng Isang Ina" ay dahil sa mismong ideya ng kwento. Ang kwento ay naka-sentro sa walang kundisyong pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak kahit pa puro sakit, pagpapa-hirap at pangungutya na lamang ang dulot at kahit na buhay niya na mismo ang kapalit nito. Sa kwento, ipinakita na kahit hindi pantay ang natatanggap na pagmamahal ng Ina mula sa kanyang anak sa kanyang pagmamahal na ibinibigay dito, patuloy pa rin nitong ginagampanan ng maayos ang tungkulin ng pagiging Ina at iyon na lamang siguro ang dahilan kung bakit ito pinamagatang 'Ang pagmamahal ng Isang Ina' dahil kung ano ang pinakita ng butihing magulang sa kwento ay ganoon na lamang din ka-totoo ang pamamahal ng isang Ina sa kanyang mga anak.

May-akda:
"ISTAMBAY"

Hindi tinukoy ng may-akda ang kanyang tunay na pangalan at sa halip na ipaalam sa lahat ang kanyang buong pagkakakilanlan, ginamitan nya na lamang ito ng kanyang 'pseudonym'. Base sa kanyang pamamaraan ng pag-sulat at pag-bibigay konsepto sa mga kwentong inilalathala, isa syang magaling na manunulat na ang pokus ay ang ipaalam sa bawat mambabasa ang kahalagahan ng pamilya at kung saan na lamang aabot ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang mga anak.

Lucky Me! Commercial
Lucky me! 'The Most Disturbing Dinner'

Ipinapakita sa commercial na mayroong dalawang bagay na nakaukit sa kultura ng mga Pilipino -- ang pagkain at pamilya. Ito rin ang dahilan kung bakit importante sa pamilyang Pilipino ang pagkain nang magkakasama. Ngunit sa panahon ngayon, unti-unti na itong nawawala.

Ang commercial ng Lucky Me! ay isang mensahe tungo sa mga magulang na nagsasabing ibalik sa hapagkainan ang kanilang mga anak.

Ito ay nakapukaw sa aming interes sapagkat nakikita namin itong nangyayari sa tunay na buhay at masasabing ang mensaheng ito ay mahalaga at nararapat iparinig sa lahat.

Ang komunikasyon o pakikipagugnayan ay kailangan upang makamit ang isang magandang relasyon tungo sa isa't isa. Sa simpleng pagupo sa hapagkainan upang makasalamuha ang pamilya, magkakaroon na tayo nang saglit na panahon para maglahad at makinig sa isa't isa.

Lucky Me! Commercial
Lucky me! 'Magnifico'

Araw araw bumabangon tayo na may mga sariling plano, mga bagay na dapat gawin at mga pangarap na nais abutin. Tulad ng batang lalaki sa commercial, umuwi siyang umiiyak dala ang mga salitang "12 lang ang kinuha sa tryout, pang 13 ako. Practice naman ako ng practice. May uniform na ko. Ma, bakit?"

Sa mga salitang yon mararamdaman mo yung sakit kung paano hindi umayon sa gusto nya yung plano, yung ginawa naman niya yung dapat niyang gawin pero bakit ang hirap pa din abutin ng simpleng pangarap niya na mapili sa tryout. Pero sakabila ng lahat nandun pa rin yung nanay niya para suportahan siya, pagaangin yung loob niya at para ipaalala sakanya yung mga salitang "never say die" at "tomorrow is another day" Na sakabila ng lahat ng pagsubok may mga tao pa din na susuportahan tayo at magpapalakas ng loob natin.

Nakakapukaw ito ng interes kasi ipinapakita ng commercial na ito na
madalas kasi masyado tayong maraming plano at gusto sa buhay na akala natin okay pero hindi nangyayari kasi may mas better pala na dadating tulad sa huling parte ng commercial kung saan tagumpay na tumutula yung bata. Sabi nga nila, kaya nagsasara yung pinto, kase may bintana na magbubukas basta ang mahalaga wag tayo aalis agad, wag tayo susuko.
Kaya nga may sunrise na sumisimbolo na may bagong umaga para sa bagong simula at sunset na sumisimbolo na kung di mo man nagawa ngayon, baka bukas.

- Anne Valmeo

Mahusay ang ginawang pagsusuri, may ilang bahagi lamang na di nasuri nang mas malalim. 39/40