Chapter 5: Democritus by Hans Raphael Mercado
Question for Essay
Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa? Ipaliwanag kung bakit.
Abogado, Olen Simon E. • 2/24/2021 • 5:49 P.M.
Simula pa noong bata kami ay na-imprinta na sa aming mga isipan ang konsepto ng pagkakaroon kaluluwa. Ito daw kumbaga ang counterpart ng ating pisikal na katawan sa espiritwal o astral na mundo. Bagama't ito'y hindi pa napapaliwanag ng siyensiya, naniniwala ako na ang konseptong ito ay tunay at totoo. May mga pagkakataon na wala naman tayong sakit o malakas pa ang ating katawan ngunit bigla tayong nanghihina at nawawalan ng gana. Maaaring dahil ito sa hindi natin pinapangalagaan ang ating espiritwal na kalagayan. Isa din sa mga masasabi kong ebidensiya ng pagkakaroon ng kaluluwa ay kapag tayo'y nananalangin. Kahit tayo'y kinakabahan o natatakot sa mga bagay-bagay, kapag tayo'y nananalangin, gumagaan bigla ang ating pakiramdam. Naniniwala din ako na konektado ang kaluluwa sa ating pananampalataya. Naka depende na ito sa paniniwala ng isang tao.
BRAVO, LOUIESA CHLOE A. (2-24-21) (7:44 PM)
Ako ay isang puro at mataas ang paninindigan sa simbahang katoliko, naniniwala ako na lahat tayo sa mundong ibabaw ay may kaluluwa. Maaring hindi natin ito ramdam o kita ngunit ito rin ay pinangangalagaan natin. Ang pinagkaiba lng, tayo ngayong gumagalaw at tumitibok pa ang puso ay namamatay ngunit ang kaluluwa ay hindi. Patuloy siyang gagalaw bilang tayo, sa langit man o impyerno tayo mapunta. Mananatili pa din ang ating kaluluwa bilang tayo, kahit pa tayo ay patay na. May tinatawag tayong mga ligaw na kaluluwa na karamihan sa atin ay kinakatakutan ito, ngunit hindi tayo dapat matakot sa mga ganoon sa halip dapat ipinagdadasal sila dahil maaaring noong tao pa sila ay may mga bagay silang nais makamit ngunit di nila nagawa/nakamit dahil nabawian agad sila ng katawang lupa.
Ison, Edwin Aldrin S. 2/24/2020 7:54pm
Ako ay naniniwala na tayo ay may kaluluha dahil ito ay ipinaliwanag sa bibliya at ako ay isang kristyano na naniniwala sa diyos at sa bibliya, isinaad din sa bibliya na ito lamang ang ating madadala sa langit o sa impyerno kapag ang katawang lupa natin ay mawala na sa mundong ito.
Lanuza, Nastasja Alexie C. [10-Narra] 2/24/21 - 8:08 PM
Ang kaluluwa “pwede” o hindi pwede natin makita iyon. Naniwala ako na mayroon tayung kaluluwa sa bawat isa, hindi man natin nahahawakan o buong buo nakikita ang solid na kaanyuan nito, ay naramramdaman natin ang presesnya nito. Napaka vital sa atin maisama rin sa dasal na ang pagiging spiritually connected, sa iba at sa Panginoon natin. Oo, mukhang isang malaki kababalghan man ito sa iba, ngunit isipin rin natin ng mabuti, bakit ang dami natin nararamdaman na hindi natin basta - basta maipaliwsanag sa iba? Bakit pag nakikipag kaibigan tayo ay nararamdaman natin ang konneksyon o mutual na feeling sa mga kasama natin. Isa rin sa halimbawa na mabibigay ko na sa tignin ko konnektado rin ito sa kaluluwa na nasa sa atin, ay pag may naalala ka sa iyong nakaraan ngunit hindi mo naman naransan iyon. Sabihin natin parang may naalala ka sa past life mo, na ang ibang tao ay naranasan yun subalit kayo ng ibang tao na yun ay paparehas lamang. Naniwala ako na may kaluluwa tayo, sapagkat ito ay nagsisilbeng bilang konneksyon sa atin sarili at sa iba.
Sarmiento, Rui Nemiel S. [2.24.2021] - 8:25 PM
Sa aking palagay, ang lahat ng tao sa mundo ay mayroong sariling kaluluwa sa loob ng kanilang pisikal na anyo. Ang ganitong konsepto ay aking pinaniniwalaan simula noong ako ay bata pa lamang. Ayon sa mga palabas at sabi-sabi, ang kaluluwa ay ang core ng ating buong pagkatao. Ito ay sinasabing naglalaman ng ating karakter at kung sino tayo. Ang kaluluwa ay mahiwaga, sapagkat ito ay maiiwan kahit mawala na ang iyong pisikal na katawan. Isa pang ideya na aking nalaman, at medyo pinaniniwalaan na ang bawat kaluluwa ay mayroong tinatawag na ‘soulmate’. Ito man ay hindi nasa aklat ng siyensya, ay sapat na ang mga ideya ukol sa kaluluwa upang ako ay maniwala. Ito din ay ang ating paraan upang magkaroon ng koneksyon sa Diyos at sa ating kapwa.
ROBLES, Cracianne Lei G. (8:27 PM) (02-24-2021)
Bata pa lamang ay batid ko na ang katotohanang ang ating pagkatao ay hindi lamang binubuo ng kung ano ang nakikita natin sa salamin. Pinaniniwalaan kong tayo ay pawang mga kaluluwa na pansamantalang nananahan lamang sa ating katawang lupa.
Gaano man kahirap paniwalaan ang mga bagay na hindi natin nakikita, hindi maikaiilang mayroon din tayong mga bagay na nararanasang mahirap ipaliwanag. Mayroon pa rin kaya tayong patutunguhan pagkatapos ng kamatayan? Mayroon kaya tayong kasamang nananahan sa daigdig bukod sa mga nakikita ng ating mga mata? Tulad ng kaluluwa, kung oo ang sagot sa mga katanungang iyan, ito ay mahirap agad na paniwalaan.
Hindi man natin makukumpirma kung mayroon tayong kaluluwa gaano man karaming debate ang isagawa, naniniwala akong ang katotohanan pa lamang na mayroon tayong kagustuhang alamin ang kawalan ay sapat nang rason upang mahinuha na hindi lamang tayo mga buto't laman na kontento na sa makamundong mga bagay kundi mga kaluluwa rin -handang suungin ang misteryo.
Gallardo, Pia Denisee M. 02.24.21 (8:32 PM)
Ang paniniwala sa  konsepto ng pagkakaroon ng kaluluwa ay matagal ng bumabagabag sa aking isipan. Paminsan minsan ay bigla na lamang akong mapapaisip at kwekwestiyonin ang mga bagay bagay sa aking paligid. May kaluluwa ba talaga tayo? Pagnamatay ba tayo ay magiging kaluluwa na tayo? At mapupunta sa langit? Ilan lamang ito sa mga tanong na aking naiisip. Ngayon ay kung tatanungin ako kung naniniwala ba ko na mayroon tayong kaluluwa, ay oo ang sagot ko. Ang sagot ko na ito ay hinango ko sa paniniwala ko sa katolisismo. Naniniwala ako na kapag gumawa tayo ng mga kabutihan dito sa lupa, ay tatanggapin ng Diyos ang ating kaluluwa sa langit kapag tayo ay pumanaw na. May mga nabasa rin akong mga "article" na totoong may kaluluwa ang tao, at ito ay nakaapekto sa aking paniniwala. Ang bawat tayo ay may kaluluwa na naiinterpreta ng iba bilang ating konsensya. Kaya naman ang ating mga pagdedesisyon ay nakakaapekto sa ating kaluluwa. Maaring maging mabuti o maging masamang kaluluwa ka sa hinaharap.
Centeno, Melissa Jane C. (2-24-21) (8:40 PM)
Ayon man sa siyensiya na ang ating mga emosyon ay nililikha ng ating utak, naniniwala ako na mayroon tayong kaluluwa.
Ang soul o kaluluwa ay ang espiritwal na bahagi ng tao na pinaniniwalaang nagbibigay buhay sa isang tao.  Ang kaluluwa din daw ay binubuo ang mental abilities ng isang tao na mag bigay ng dahilan, tauhan, pakiramdam, kamalayan, memorya, pang unawa, pag iisip, at iba pa. Ngunit bakit ko ito ininclude kung kaya rin naman iyan gawin lahat ng ating utak? Narinig mo na ba ang mga katagang "Wala ka bang kaluluwa?".
Wari mo sa isang sitwasyon na pinatay nito si ganire ang sasabihin kaya ng nakakita ng krimen ay "Wala ka bang utak?" (maliban na lamang kung mayaman ang pinatay katulad ng mga nasa pelikula). Ngunit madalas natin naririnig ang mga kataga na "Wala ka bang kaluluwa?". Ang rason kung bakit nasasambit ang mga ito ay dahil sa pakiramdam natin. Na para bang ang nasa isip natin at pinaniniwalaan na natin, ay ang utak ay nasa ating katawaan upang tayo ay makapag isip, ang ating puso upang tayo ay mabuhay  at ang ating kaluluwa upang makaramdam ng mga emosyon at kakaibang pakiramdam.
Kung ala tayong kaluluwa dahil nga nagagawa din ng ibang parte ng ating katawan na makiramdam para sa ating katawan, paano naman mapapaliwanag ang pagkakaroon din ng pag unawa sa nararamdaman ng kapwa nating mga tao o pagkakaroon ng empathy at sympathy.
Paraiso, Samantha Nicole B. (2-24-21 8:52PM)
Para saakin, ako'y naniniwala. Ngunit hindi naman natin iyon nakikita, napapaisip rin ako kung mayroon ba tayo kaluluwa dahil hindi naman natin ito nakikita.
Naniniwala pa rin ako dahil una sa lahat, bakit tayo nakakaramdam ng mga emosyon? Kalungkutan, kasiyahan, atbp. Ang kaluluwa ay ang espiritwal na bahagi ng tao na pinaniniwalaang nagbibigay buhay sa isang tao. Ito ang nagbibigay sa atin ng buhay, kaya napapaisip ako, paano kung wala tayo kaluluwa? Buhay pa din ba tayo ngayon? Maraming tumatakbo sa isip ko kung paano ba tayo nabubuhay sa mundong ito dahil nakakahanga. Puso at utak nga lang ba bumubuhay saatin o pati ang kaluluwa?
Oo, hindi pa napapatunayan ng siyensya kung mayroon nga ba tayo nito, pero para saakin ay mataas na talaga ang paniniwala ko na mayroon tayong kaluluwa. Nilikha tayo ng Diyos hindi lamang mabuhay, kundi pahalagahan na tayo ay nakatayo at humihinga sa mundong ito.
Arellano, Amanda Leigh V. (2/24/2021 - 9:55 PM)
Bilang isang batang laki sa simbahan, Ako'y naniniwala na ang bawat tao sa mundo ay may kaniya-kaniyang kaluluwa. Ito ay maaaring hindi natatanaw ng ating mga mata. Naniniwala ako na kapag tayo'y gumawa ng mabuti ay tatanggapin tayo ng poong may kapal sa kalangitan pati narin ang ating kaluluwa.
Maraming tao ang naniniwala "to see is to believe" dahil rito'y ang bawat tao'y hirap maniwala sa mga bagay na hindi nila natatanaw. Para saakin, tuwing tayo ay nananalangin nararamdaman natin ang ating kaluluwa.
Ngunit para saakin, kapag tayo ay namayapa na maaring mamatay narin ang ating kaluluwa. Bakit? Dahil ang isang taong namatay ay nawawalan ng pag-iisip, dahil ang diwa o espiritu ay siya nating pag-iisip, pandama, Lahat ng ito ay mawawala sa isang tao kapag siya’y patay na dahil sa aking paniniwala ito rin ay binabawi ng Diyos. Ngunit, may mga kaluluwang hindi parin natatanggap sa langit at pagala gala lamang. Marami saatin ang kinakatakutan ito ngunit sa aking palagay, imbis na katakutan ang mga ito ay marapat na lamang natin silang ipagdasal upang sila'y matahimik. Ang kaluluwa ang siyang paraan upang tayo'y manatiling konektado sa Panginoon.
DALIGDIG, Khryzel M.
Pagkamulat pa lamang ng aking isipan sa buhay ay may paniniwala na itinatak sa aking utak at puso na lubos ko ng pinagkatiwalaan magpasa hanggang ngayon. Sa eskwelahan, simbahan at sa bahay na aking kinalakihan ay ganito na ang paniniwala na aking nadatnan, paniniwalang ‘di lamang tayo binubuo ng pisikal na ating katawan kundi mayroon pang mas-“inner” na parte bukod dito at ito ay ang ating kaluluwa. Sadyang may pagkakaiba ang siyensya sa pilosopiya dahil ‘di pa ito naipapaliwanag na “fact” sa siyensiya marahil wala pa kasing “evidences”. Pero base sa aking mga pandama o karanasan ay naniniwala ako na mayroon nga tayong kaluluwa kahit na ‘di ito pinatunayan ng siyensiya, Ito ang ilan sa aking mga ebidensiya, sa tuwing nagdarasal, may tinatawag din na “ligaw na kaluluwa” kapag namatay ang isang tao at nagmulto at may kakaiba tayo “nararamdaman” na sa pisikal na anyo natin ay ayos at walang problema, pero may mga pakiramdam talaga na kahit ang doktor ay ‘di maipaliwanag kyng bakit ito nangyayari na maaaring may kaugnayan sa ating kaluluwa, sa pagdarasal naman ay ito ang nagiging paraan ng koneksyon at komunikasyon na nagaganap mula sayo patungo sa Poong Maylikha. Pero wala pa rin kasiguraduhan ang lahat, bilang isang Kristiyano ay mastumimbang ang ganitong paniniwala sa akin kaya’t akin itong naipapahayag ngunit may takot pa rin ako, takot sa ‘di mo siguradong “future”, kung ano na nga ba ang kahihitnatnan natin pagkatapos ng ating kamatayan, Oo may pinaniniwalaan ako pero may pursyento rin naman doon na ‘di talaga ako sigurado dahil wala naman talagang makakapagsabi nito.
Tenorio, Carl Vincent C. (2/25/21)
Kahit hindi natin nakikita ang ating kaluluwa. Naniniwala ako na may kaluluwa tayong lahat. Dahil naniniwala rin ako na kapag wala tayong kaluluwa hindi tayo buhay ngayon sa mundong ito, makakapag-isip at makakagalaw.
ESTOMO, Althea Julianna C. (2/25/21 - 8:37 am)
Naniniwala ako na mayroon tayong kaluluwa, at naniniwala ako na ito ang dahilan upang maintindihan natin kung ano ba talaga ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang tao.
DE JESUS, Dave Anthony R. 10-Narra (2/25/2021 - 8:52 Am)
Kaluluwa o ang immortal na katauhan ng isang tao. Musmos pa lamang ako ay may naikwento sa akin ang aking lola na lahat daw ng nilalang sa mundo maski na ang mga hayop at mga halaman ay may kaluluwa. Sabi rin niya na ang kaluluwa ng isang tao ang pinakabanal at pinakamalapit sa Diyos dahil ito ang umaakyat sa langit kapag tayo ay namatay na at ito rin ang ginagamit natin upang makipag-isa at makipag-usap sa Diyos. Ngunit noong tinanong ko sa kanya kung paano niya ito nalaman at ano ang kanyang pruweba na ang lahat ng bagay na nabubuhay sa mundo ay may kaluluwa, ang sagot ng aking lola ay, "kailangan mo lang magtiwala apo. Dahil doon nagsisimula ang kaliwanagan at natatanggal ang pagaagam-agam ng ating puso at isipan."
Maniwala. Madaling isipin at sabihin ngunit mahirap isagawa. Likas sa tao ang pagiging mausisa. Hindi agad tayo naniniwala sa isang bagay kapag hindi natin ito nakikita. "To See is to Believe" ika nga nila. Pero bakit tayo naniniwala na mayroong Diyos gayong hindi naman natin siya nakikita ngunit sa ibang simpleng bagay ay hindi natin kayang paniwalaan.
Pagdating naman sa siyensiya, naniniwala din sila sa na mayroong kaluluwa ang lahat ng tao ngunit wala din silang maipakita na ebidensiya ang siyensiya kung tunay nga na mayroong kaluluwa ang isang tao. Paniniwala rin ang naging pundasyon ng siyensiya ukol rito.
Ayon din sa ilang mananaliksik ang ating kaluluwa at ang ating kamalayan ay iisa. Ito rin ang nagsisilbing centro ng ating isip at nagbibigay sa atin ng iba't ibang kakayahan na mental. Nakakapag dahilan tayo, nakakapagisip at iba pa dahil mayroon tayong kaluluwa.
Mayroong kaluluwa ang lahat ng tao. Kung walang kaluluwa ang tao ay parang may kulang sa pagkatao natin na mahalaga. Halimbawa lang nito ay ang Hangin hindi natin ito nakikita ngunit naniniwala tayo na nageexist ito sa mundo natin. Ganoon din ang ating kaluluwa. Hindi natin ito nakikita ngunit andito lamang iyon sa ating kalooban at ito ang daan upang tayo ay maging konektado sa ating Panginoong Diyos.
Clemente,Paul Ashley M. 10-Narra (2/25/2021)
Simula nung ako’y nabuhay ay naniniwala na ako na meron tayong kaluluwa dahil ito ang itinuro sakin ng aking relihiyon,naniniwala ako na ang kaluluwa ang bumubuo sa isang tao.Hindi lamang ang pisikal na anyo.Maaring hindi natin ito madama o kita ngunit ito rin ay pinangangalagaan natin.Ang kaluluwa ay misteryoso dahil ito ay maiiwan kahit mawala na ang iyong pisikal na katawan.At kaluluwa din ang tumutulong satin upang makagawa ng tamang desisyon.Oo, hindi pa napapatunayan ng siyensya kung mayroon nga ba tayo nito, pero para saakin ay mataas na talaga ang paniniwala ko na mayroon tayong kaluluwa. Dahil nilikha tayo ng Diyos.
BERNARDO, FRANCESCA MAXENE A. 02/25/21
Ako ay naniniwala na meron tayong kaluluwa, hindi man natin ito nakikita ngunit ito ay nararamdaman. Dahil naniniwala ako sa Diyos na lumikha lahat ng meron tayo. Ang kaluluwa ay nagsisilbi ng ating buhay, ito ay ang pinakaimportante sa lahat.
Kaya rin ako naniniwala na tayo ay may kaluluwa dahil nakakaramdam tayo ng mga emosyon. Tulad din ng pagkilos natin.
Iniisip ko din pano kung pano tayo mabubuhay kung walang kaluluwa. Maraming tanong na magulo na hindi masasagot ng karamihan sa atin. Pero ako ay naniniwala na meron tayong kaluluwa dahil tayo ay buhay.
BAGUISA, Carl Benedict SD. 10 - NARRA (25/02/21) 11:49 AM
Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa? Ipaliwanag kung bakit.
Mayroon nga ba tayong kaluluwa? Sa kadahilanang ako ay isang batang laki sa simbahan at dahil sa mga magulang kong may malaking pananampalataya sa Diyos at sa Simbahang Katoliko ay nabuo na sa aking isipan na ang mga tao, tayo ay binubuo ng katawan at kaluluwa lamang at ang kaluluwa natin ay walang kamatayan.
Kapag namatay ang isang tao ay humihiwalay ang kaluluwa at pumupunta kaagad sa Langit o kung hindi kaya ay sa Purgatoryo o ang tinatawag nilang Impiyerno.
May mga oras din na kapag namatay ang iyong katawan ay hindi kaagad napupunta sa Langit o Impiyerno at ito ay pagala gala pa sa mundong tinatapakan natin.
MARTINEZ, Emmanuel M. 02/25/2021 11:56 AM
Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa? Ipaliwanag kung bakit.
Noong bata pa ako tinanong ko sa aking sarili kung may kaluluwa nga ba ang mga tao? at habang tumatanda ako ay nalinawan na ako sa aking tanong dahil nung bata pa ako ay hindi pa ako gaano nakakapag isip ng maayos pero ngayon ay naiintindihan kona ang mga bagay bagay at nabasa ko sa Biblia ay kapag namatay ka ay may dalawang pwede puntahan ang ating kaluluwa impyero o sa langit kaya naniniwala ako na may kaluluwa ang mga tao dahil ang lahat na nakasulat sa Biblia ay totoo.
Fajardo, NJ O. (2 - 25 - 2021)
Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa? Ipaliwanag kung bakit.
Para sa akin ang kaluluwa natin ay ang ating pagiging tao. Oo, mayroon tayong pisikal na katawan at parte din iyon ng ating pagiging tao. Ngunit, kung ang isang pisikal na katawan ay walang kaluluwa, ito ay purely flesh. Walang buhay.
Maaring buhay sa galang na humihinga at nakakapaglakad, ngunit para sa akin ang kaluluwa natin ay ang nagbibigay sa atin ng ganang gumising sa umaga at ipagpatuloy ang ating buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng layunin at katuwaran sa ating ginagawa dito sa mundo. Ito ang tangi nating  katangian na nag-iiba sa atin sa mga hayop at iba pang buhay na organismo sa mundo.
Na kahit ang isang hayop o halaman ay buhay, wala itong pasyon. Na puro primal instincts lang ang nag didikta sa kanila ng kanilang mga aksyon. Ngunit, tayong mga tao ay hinid ganun. May kakayahan tayong mag isip, mag proseso at makaramdam ng mga emosyon, at mag tanong ng mga pilosopikal questions dahil mayroon tayong kaluluwang nag bibigay sa atin ng dagdag na layer sa ating personalidad at pagiging tao.
At kaya para sa akin, mayroong kaluluwa ang mga tao.
RIVERA, Hanna Elizabeth R. 10-Narra
Naniniwala ako na may kaluluwa tayong mga tao. Naniniwala akong lahat ng nabuhay na tao ay may kaluluwa. At ang kaluluwa natin ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Ang isa sa pinakamahalagang natutunan ko sa bibliya ay ang paksang ito. Ayon sa bibliya ang lahat ng tao ay may kaluluwa. Ginawa ng Diyos ang tao mula sa alabok at nilagyan ng kaluluwa. Ang kaluluwa ng mga tao ay mula sa Diyos at ang kaluluwa ay walang kamatayan. Ang kaluluwa ay hindi katulad ng ating panglupang katawan na napapagod, tumatanda at namamatay.
Bukod dito, naniniwala din ako na kapag tayo ay namatay ay aalis ang ating kaluluwa mula sa ating katawan at magtutungo sa langit o impyerno. Ngunit habang tayo ay buhay pa, ang ating kaluluwa ay nasa ating mga katawan pa. Nakikiisa ang ating kaluluwa sa ating katawan kaya hanggang ngayon ay humihinga at nakakapagsalita pa tayo.
Kahit ang mga masasamang tao ay may kaluluwa rin, dahil kung wala ay matagal na sana silang patay. Hindi nila pinakikinggan ang kanilang konsensya ngunit nasa kanilang katawan pa rin ang kaluluwa nila.
Cruz, Ashley Mae D. 10-Narra (2/25/2021) 2:57pm
Para sa akin na lahat ng bagay na may buhay ay may kaluluwa dahil kapag tayo ay namatay ang ating kaluluwa ay nananatiling buhay. Maaring di natin ito nakikita, nahahawakan o nararamdaman ngunit isa ito sa mga bagay na nag bibigay ng buhay sa atin. Ang isang tao mayroong kaluluwa ito ay nanatiling buhay kapag tayo ay namatay na ito ang nagsisilbing simbolo na nabuhay tayo sa mundong ibabaw. Ang kaluluwa ay patuloy na nag lalakbay kahit ay nag mamay ari sa kaluluwa na ito ay patay na.
Ang kaluluwa ay isang elemento na nag bibigay buhay sa isang tao. Kuna ano ang ginagawa ng ating katawan ay ito din ang ginagawa ng ating kaluluwa. Ito ay nag bibigay sa atin ng ating memorya at pag iisip. Ang kaluluwa ay di man natin nakikita ngunit malaking bagay ang kanyang ginagampanan upang tayo ay mabuhay. Sa konsepto ng mga katoloko ay totoo ang kaluluwa dahil kapag namatay daw ang isang tao ay ang humuhiwalay ang kaluluwa nito sa katawan ng isang tao. Ito ay patuloy na nag lalakbay para marating niya ang kanyang destination at kung saan dapat sya naroroon. Sa amin ay naniniwala kami na may kaluluwa ang isang tao. Dapat natin pag dasal ang mga kaluluwa na hinde matahimik dahil nag hahanap ito ng  hustisya dahil maaaring hinde makatarungan ang kanyang pag kamatay. Maaaring may roong pag kakaiba ang katawan ng tao sa kaluluwa at iyon ay kapag namatay na ang katawan ng tao ang ating kaluluwa ay nananatiling buhay bilang simbolo na nabuhay tayo.
Nuñez Enrike Patrick B. 10 Narra 2/25/2021 3:23pm
Para sa mga katolikong katulad ko, Naniniwala kami na meron kaming kaluluwa dahil ang paniniwala namin na pag kami ay namatay, Mapupunta ang aming kaluluwa sa Impyerno o sa langit depende kung gaano ka kabait sa mundong ibabaw.
Blanco, Jamil Kristan M. 2.25.2021
Ako ay naniniwala na meron tayong kaluluwa dahil ito ay ipinaliwanag sa bibliya at ito ang tumutulong saatin para makarandam ng emosyon..
Chico, Arvin Ryan P. (2-25-2021) (4:28PM)
Maraming tao ang namamatay at nabubuhay kada araw, noong bata pa ako lagi nang sinasabi sa akin ng aking lola na tayong mga tao ay may kaluluwa. Palagi akong nagsisimba at ang aking lola ay may malaking pananampalataya sa Pangninoon kaya nabuo na sa aking isipan na tayong lahat ay binubuo ng kaluluiwa na natatakpan ng ating panlabas na anyo.
Kaluluwa, ito ang nagbibigay ng buhay sa ating pisikal o panglabas na anyo. Dahil sa kaluluwa na nakapaloob sa atin, nabibigyan tayo ng kakayahang gumalaw, makapag-salita, makahinga at gawin ang mga gusto nating gawin. Binibigyan din tayo nito ng emosyon at dahil dito nagagawa nating ilahad ang ating mga saloobin. Kung ano ang ginagawa at iniisip ng ating kaluluwa, ay siya rin daw ginagawa ng ating katawan.
Naniniwala ako sa kaluluwa dahil kapag namayapa ang isang tao, ipagdadasal natin ang kaniyang kaluluwa para mapatawad ang kaniyang mga kasalanan at para mapunta siya sa langit. Turo rin sa akin na kapag tayo raw ay namayapa o namatay na, ang ating mga kaluluwa ay maaaring mapunta sa langit o sa impyerno, depende sa iyong ipinakitang pag-uugali noong nabubuhay ka pa. Kaya dapat habang nabubuhay pa tayo, gumawa na tayo ng kabutihan dahil ang kapalit naman ay kaginhawaan.
Alday, Nicholas B. (2-25-2021) (5:36PM)
Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?
Para sa akin, hindi. Hindi dahil sa aking pagtanda, mas mahirap na para sa akin para maniwala sa mga bagay na wala pang eksplanasyon. Hangga't walang patunay mula sa siyensya, para sakin ay medyo paniwalaan dahil nga, sa aking mga naranasan, nasanay ang sarili kong naniniwala base sa aking instincts. Kaya't madalas ay namamali ang aking mga decision sa buhay. Binago ko ang katangian kong ito kaya't mula noon ay hindi na ako agad agad naniniwala sa mga bagay na wala pang patunay.
Ngunit di dahil dito ay isinasara ko na ang mga ideolohiya ng ibang mga tao. Rinerespeto ko rin ang kanilang mga paniniwala. At hindi rin dahil dito, di na rin bukas ang aking isipan sa posibilidad ng pagkakaroon ng mga kaluluwa.
Chavez, Candice A. (02/25/21) (7:00pm)
Bagamat maraming babasahin na ang nabasa ko na totoo nga ang kaluluwa, taliwas ito sa kaisipang sinasabi ng aking utak sapagkat wala naman talagang patunay na mayroon nga talagang kaluluwa. Ang ganitong ay kinakailangan na tayo muna ang makasubok bago natin malaman ang katotohanan.
Maraming mga libro o sources na mapagkakatiwalaan na nagsasabing totoo nga ang kaluluwa ngunit wala namang patunay. Sa tingin ko ay hindi naman masamang humiwalay sa kaisipang umiiral sa mundo kung gusto mo talagang ikaw mismo ang tumuklas kung mayroon nga talagang kaluluwa.
Samakatuwid, hindi ako naniniwala sa kaluluwa hanggat ako ay nabubuhay, madaling sabihin na mayroon ngunit nasaan ang patunay, ang mga napapanood sa tv? ang sinasabi ng mga eksperto? bakit tayo maniniwala doon kung sila mismo ay babasahin lamang ang basehan na ginamit upang magbigay ng patunay. Marami na rin akong kapamilyang namatay ngunit hindi sila nagparamdam sa akin tulad ng sinasabi ng iba.
Naniniwala ako sa konsepto ng Diyos, ngunit sa kaluluwa hindi sapagkat ang lahat ay hirap itong ipaliwanag at hindi pa ako nakararating sa puntong ako ay kaluluwa na lamang. Sa puntong tayo ay nabuhay sa tingin ko ay mga parte ng katawan natin ang nagpabuhay sa atin hindi ang ano pa mang espiritu.
Magpayo, Kurt Angelo DL. (02/25/21) (8:21pm)
Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?
Para sa akin naniniwala ako na meron tayong kaluluwa. Sa panig kong Kristyano, mula pagkabata ay meron tayong kaluluwa na binigay ng Diyos at sa pagkamatay natin ang ating kaluluwa ay mapupunta sa kanya o sa madaling salita mapupunta ang ating kaluluwa sa langit.
Sa panig kong sarili naman. Sa aking pagtanda at sa mga aral na natutunan ko may nagsasabi naman na meron o wala tayong kaluluwa, nirerespeto ko naman ang paniniwala nila at di ko hinuhukom sila. Lahat tayo ay may sariling paniniwala at dapat natin tong respetuhin.
Eugenio, Andre Dennise C. (02/25/21) 8:38pm
Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?
Para sakin lahat ng tao ay may kaluluwa dahil ito ang ibinigay sa atin ng panginoon, at kung tayo ay mamatay sabi sa akin ng akin lola na may pwedeng dalawang puntahan ang kaluluwa, ito ang langit at impyerno. Noong bata din ako may na ikwento ang isa sa aking mga magulang na kapag namatay ka ay parang mapupunta ka daw sa isang madilim na lugar at nakasakay ka sa bangka at para daw ma guide ang kaluluwa natin sa tamang landas ay kailangan mong manalangin kung sino man ang namatay..
Eugenio, Angel Dennis C. (02/25/21) 9:05
Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?
Naniniwala ako na may kaluluwa tayo dahil sabi nga ng tao eh para hindi tayo mag karoon ng mental problems ay palakasin natin ang spiritual power, naniniwala din ako dahil sabi nga sa akin noon ay pwedeng mapunta ang kaluluwa natin pag namatay na tayo sa dalawang lugar kapag mabuti ka ay mapupunta ka sa langit, kapag naman masama ka ay mapupunta ka sa impyerno.
LADIA,Tobby Josef C. (02/25/21) (9:04pm)
naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?
Para saakin hindi, Hindi dahil habang ako ay lumalaki parang naiiba na ang aking paningin o paniniwala parang di na ako naniniwla sa mga kaluluwa na yan pero bilang isang kristiyano may side din ako na naniniwala na mayroon na kaluluwa kasi turo saatin ng mga matatanda at ng simbahan na mayroong kaluluwa kapag tayo ay namatay kaya nga tayo nagdadasal tuwaing may patay tsaka pag nagsisimba.
pero wala pang proweb na totoo na may kaluluwa tayo walang pang patunay mula sa siyensya kaya para saakin ay hindi ko ito pinaniniwalaan. At sabi ng iba ay mayroon daw kasi parang may nararamdaman daw sila ganon ganto at dapat maranasan ko muna bago ako maniwala na meron talagang ganon para mapatunayan ko at maniwala ako. kaya ngayon ay hindi na ako agad agad naniniwala kaya dapat mangyari muna saakin o makita ko ng personal yung mga bagay na dapat kong paniwalaan upang ako ay maniwala o bumilib.
Hindi ko isasara ang aking isipan ukol sa mga ganyang bagay kasi malay ko ba kung totoo ba talaga yun. Nirerespeto ko din ang mga sabi sabi o mga opinyon ng iba hindi ysa opinyon ko lang kasi may posibilidad na mayroon talaga tayong kaluluwa.
De Leon, Felise Anne Faith C.
Sa aking pananaw ay hindi, dahil lahat ng emosyon na nararamdaman natin ay gawa lamang ng utak, kahit ang pagiging inlove ay gawa lang din ng utak kahit maraming nagsasabing nararamdaman nila ito sa puso. nahahalintulad ko lamang yun sa sinasabi nilang kaluluwa. may mga nagsasabi na masaya ang kaluluwa nila ngunit PARA SA AKIN ay paano sila magiging masaya kung hindi dahil sa Utak? may mga brain dead ba na may nararamdamang emosyon?
Torres,Trevor Basti G. (10:21pm-2/25/2021)
Bilang isang katoliko ay ako ay naniniwala na mayroong kaluluwa,Tayo ay may kaluluwa dahil tayo ay nakakaramdam ng ibat ibang emosyon at damdamin.Kung wala naman tayong kaluluwa ay tayo ay walang mararamdaman o parang mga wala tayong pakialam sa ating buhay dahil ang kaluluwa ay tumutulong sa atin upang makaramdam
Halog, Reinan Russel Royz A. (2/26/2021) 7:17 am
Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?
Ako ay naniniwala na tayo ay may kaluluha dahil ito ay ipinaliwanag sa bibliya at ako ay isang kristyano na naniniwala sa diyos at sa bibliya, isinaad din sa bibliya na ito lamang ang ating madadala sa langit o sa impyerno kapag ang katawang lupa natin ay mawala na sa mundong ito.
TORRES, Sophia Hannah V. 10-Narra 2/25/21
Naniniwala ba ako kung mayroon akong kaluluwa? Ang ibang tao rin ba ay naniniwala kung may kaluluwa sa kanila? Para sa akin ang paniniwala na kung mayroon kang kaluluwa ay depende. Depende dahil may mga karanasan ang mga tao upang mapatunayan na mayroon o walang kaluluwa ang isang tao. Depende din ito sa kanilang paniniwala simula nung sila ay ipinanganak.
Para sa akin naniniwala ako na mayroon tayong kaluluwa. Ang lahat ng tao dito sa mundo ay may kaluluwa. Sinabi ko ito ay dahil sa paniniwala ko na may Diyos na nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Kung hindi naniniwala ang iba sa Diyos ay sila na ang bahala sa mga sinasabi nila. Hindi naman magkakaroon ng Bible at ng mga propeta kung wala talagang nangyari noon. May mga pangyayari na nagpapatunay na totoo ang kaluluwa.
Ang mga taong nakakita ng multo, diba ang multo ay kaluluwa din ngunit hindi natin alam kung masama o mabuti siya. Bakit pa nagkaroon ng mga taong nakakakita ng multo kung hindi totoo ang kaluluwa. May mga tao din na ekspert sa mga multo. May mga kagamitan sila na nagpapatunay na totoo ang kaluluwa. Nakakarinig ng mga boses ang mga kagamitan nila na magiging daan upang makausap nila ang kaluluwa na iyon. Kaya para sa akin naniniwala ako dahil sa mga nakita kong mga pangyayari na naranasan ng mga tao dito sa mundo.
Estrella, Raychelyn Liezel N. 10-Narra (02 /26 /21) 12:42 pm
"Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa? Ipaliwanag kung bakit."
Naniniwala ako na mayroon tayong kaluluwa dahil ako ay isang ganap na katoliko. Noong bata pa lamang ay sinanay  na ako ng aking mga magulang na maniwala sa ganitong bagay kaya nga naman noong namatay ang aking tatay, naniniwala ako na andiyan parin ang kaniyang kaluluwa na nagbabantay sa amin araw-araw kahit hindi namin siya pisikal na nakakasama. Wala mang matibay na pruweba na kumakatawan na totoo na may kaluluwa ang tao ngunit buhay na buhay sa pamilya at relihiyon namin ang paniniwala na ito ay nag eexist.
CRUZ, Fedes G. (2/26/21) 2:58 PM
"Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?"
Tayong lahat ay may sariling paniniwala, maaaring binabase ito sa ating relihiyon na pinaniniwalaan o iba pang mga paniniwala. Malaya tayong maniwala sa mga kuro-kurong bagay na ating mga natututunan.
Itinuro saakin ng aking magulang at ng aking simbahan na mayroon tayong kaluluwa. Base sa bibliya, tayo ay may kaluluwa na maaaring nagkakasala ngunit pinapatawad ng ating Diyos na pinaniniwalaan. Ngunit noong bata pa ako, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba talaga ang aking simbahan na pinupuntahan tuwing linggo,  para lamang ba ito linisin ang aking kaluluwa? ano naman ang mangyayari kapag hindi ako pumunta sa simbahan, kasalanan ba iyon? Ang mga tanong na iyon ang tumatak sa aking isipan hanggang ngayon, ngunit ang mga tanong na iyon ay nasagot ng aking mga magulang. Na tayong mga tao ay may sari-sariling kaluluwa at espirito na nagpapapbuhay saatin, di lang ang ating puso na tumitibok at ang ating mga utak na nagpapatakbo para tulungan tayong mag-isip. Ang ating mga kaluluwa ay hinditumatanda, nabubulok, o namamatay. Dahil ang ating kaluluwa ay magpakailanman na nasa atin, ito ang bigay ng Diyos sa atin na nagrerepresenta na tayo ay anak niya. Kaya ako ay naniniwala na bawa't isa sa atin ay may kaluluwa na nasa ating mga kamalayan.
Serviano, Mary Leila A. 10-Narra (02/26/21) 3:14
Ako ay naniniwala sa Kaluluwa sapagkat kung hindi dahil dito hindi tayo makakakita, makakaamoy, makakahawak, makakaramdam, makakarinig at iba pa na meroon sa isang tao na kung saan ang nagpapagalaw lang sa loob ng katawang ng tao ay ang kaluluwa man lang at Diyos na pinaka matalino sa ating lahat ay ang nag create sa pagkakaroon ng ating kaluluwa sa loob ng isang katawan ng tao. At ganun din tayo pag namatay, pag tayo ay namatay ang katawan man natin ay ating maiiwan sapagkat ang ating kaluluwa ay mabubuhay habang buhay.
Dela Cruz, Curt John T.
Landayan Ashley Nicole B.
10-Narra
"Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?"
Naniniwala ako na ang mga tao ay may kaluluwa kasi,pag walang kaluluwa ang tao para lang tayong isang manika o laruan na walang nararamdaman walang emotion.may kaluluwa tayo kasi tayo ay nakakaramdam ng sakit at may emotion katulad ng pagiging masaya,malungkot,nagagalit at marami pang iba.
Collantes, Arianna Beatrice R. 10-Narra (02/26/21) 9:00 pm
"Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?"
Ako ay isang taong hindi ganoon kalapit sa Diyos, hindi ako madalas nag-sisimba o anupaman ang ginagawa ng ilang miyembro ng aking pamilya. Kaya kahit ano pa man ang aking gawin o sabihin, hindi ko lubusang mapilit ang aking sarili na ang konsepto ng pagkakaroon ng Kaluluwa ay totoo. Ako ay isang Rationalist at Existentialist, naniniwala ako sa mga bagay na nakikita ng aking sariling mga mata, ako din naman ay open-minded. Subalit ang konsepto ng kaluluwa ay masyado nang far-fetched na para sa akin. Ang tanong na ito ay mahirap sagutin dahil maraming masasaktan o magagalit, at ito rin ay maaari lamang sagutin ng personal na paniniwala. Ang aking pinaniniwalaan ay naiiba sa madami sa inyo, ngunit dahil ang tanong naman ay walang maling sagot dahil base ito sa personal na opinyon, para sa akin ang mga tao kapag pumanaw na ay hanggang duon na lamang, babalik ang kanilang katawan sa kalikasan, at magsisilbing pataba sa lupa, maihahalintulad sa isang cycle. Para sa akin, ito ang katapusan ng isang tao, walang kaluluwang hihiwalay sa ating katawan at mapupunta sa Purgatoryo.
Abdala, Raiven Kamille 10-Narra 02/26/21 9:05pm
"Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?"
Para sa akin ay oo, naniniwala akong mayroon tayong kaluluwa. Para sa akin, ang kaluluwa ay ang isa sa mga sumisimbolo sa katauhan natin. Lahat tayo ay may kaluluwa sapagkat pinaniniwalaan ko na lahat tayo ay may abilidad na makaramdam. Ang kaluluwa natin ay ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagkakaron ng mga pananaw at paniniwala. Ang lahat ng ating mga kagustuhan, kinaaayawan, paniniwala, at iba pa na bubumubuo sa pagkatao natin ay napapanatili ng dahil sa ating kaluluwa. Ang ating kaluluwa din ay pang walang hanggan at ito pinaniniwalaang mapupunta sa langit o impyerno kapag tayo ay nawala na sa mundo.
Budaño, Gabriel C. 10-Narra 02/26/21 9:14
"Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?"
Para saakin wala. Dahil pag namatay tayo ay masisira lang ang atin katawan at babalik na sa lupa. Hindi ako naniniwala na mayroon tayong mga kaluluwa na kung saan kapag ikaw ay namatay malilipat lang ang iyong kaluluwa sa bagong katawan. Dahil kung ito ay totoo ede dapat sobrang daming kaluluwa sa mundo dahil kung posibleng ma reincarnate ka sa katawang ng insekto ede lahat ba ng insekto sa mundo may kaluluwa ng tao. Lahat din ba ng halaman may kululuwa dahil sa sinabi ni plato sa eternal place na kung saan lahat ng molds ay nakatago lahat ng nilalanng ay nagkakaroon ng kaluluwa. Kung totoo nga ito ede pagnagtanim lang tayo ng madaming puno dadami na ba kaluluwa sa mundo?. Hindi ba sinabi nga na hindi ka pwedeng gumawa ng bagay na wala naman talaga o isang example ay ang diyos sabihin na natin siya ang gumawa satin ede sino gumawa sa kanya. Kaya nga bawal tayong gumawa ng infinite na souls. Dahil kung Finite lang talaga ang souls sa beginning ede dapat finite lang talaga kahit magtanim tayo ng sobrang dami madadamihang natin ang pagkamatay ng mga tao at hayop ede ano mangyayari sa mga puno na walang kaluluwa?. Dagil dito sa theory of finite resources. Hindi ako naniniwala sa kaluluwa.
Belen, Norella Franceska B.
Ito ay isang madaling tanong ngunit mahirap sagutin.
Oo, naniniwala ako sa kaluluwa. Kung ang isang tao ay hindi naniniwala sa kaluluwa, nangangahulugan ito na wala siyang relihiyon. Para sa akin, ang paniniwala sa kaluluwa ay kakambal sa paniniwala at pananampalataya sa Diyos. Kapag hindi mo nararamdaman ang kaluluwa gayung “mayroon ka,” malinaw na hindi mo rin nararamdaman ang Diyos. Pero kapag nauunawaan at nararamdaman mo ang sarili mong kaluluwa, walang duda, mayroon kang Diyos.
Lopez, Louise Bernadette R.
Oo, naniniwala akong mayroong kaluluwa ang tao. Para sa akin, ang depinisyon ng kaluluwa ay ang ating pagkatao. Binubuo tayo ng iba-iba nating katangian at ang pinagbabasihan natin ng ating katangian o moral ay ang ating konsenysa. Ang tao ay ipinanganak na may konsensya at ito ang isa sa mga bumubuo sa atin bilang tao. Kung wala tayong konsensya ay matatawag pa ba natin ang ating mga sarili na tao? Para sa  akin, ang tao ay may kaluluwa. Binibigyang buhay ng ating kaluluwa ang ating katawan sa pamamagitan ng ating pag-iisip at pag-uugali.
Para sa akin, ang kaluluwa ay unti-unti nating nahuhubog mula sa ating araw ng kapanganakan hanggang sa tayo’y mamatay ngunit sa ating kamatayan ay naniniwala akong patuloy tayong maglalakbay tulad ng nakasaad sa Bibliya.
REYES , KYLE ANDREI P.
10-narra
Minsan sa ating buhay , naglalakad , tumatakbo, nagluluto o ano man ang ating ginagawa ay bigla nalang papasok sa ating isipan ang katanungang tayo ba ay may kaluluwa , ngunit isa itong komplikadong tanong para sa bawat isa sa atin , isang tanong na maaring ibat iba ang sagot.
Ngunit kung ako ang tatanungin , ay oo ang kasagutan. Nasabi ko ito kaugnay sa aking relihiyon, relihiyong naniniwalang may kaluluwa , relihiyong naniniwalang may buhay pagkatapos mamamatay ng lupang katawan. Relihiyong naniniwala sa Diyos na lumika ng sangkatauhan.
Magkakaiba man tayo ng kasagutan at paniniwala sa buhay , ay huwag nating kalimutang , ang pagkatuto at pagtuklas sa mga bagay bagay ay hindi basta basta natatapos.
Bartolome, Loraine Ann M.
"Naniniwala ka ba na mayroon tayong kaluluwa?"
Sa siyensya, sinasabi na utak ang pinakamataas at ito ang nagdidikta ng pagkatao ng isang tao. Ngunit dahil mula sa pamilyang katoliko, naniniwala ako na mayroon tayong kaluluwa. Sinasabi na ito raw ang pinakapundasyon o pagkatao ng bawat tao. Ito rin daw ay may kalalagyan kapag ang isang tao ay namatay, sa langit o di kaya'y impyerno. Depende raw ito kung ikaw ay naging mabuti o masama habang ikaw ay nabubuhay pa lamang. Ito rin ay binigay ng Diyos upang tayo ay mabuhay dito sa mundo. Lahat ng ito ay itinuro sa akin ng aking pamilya at nang simbahan. Kaya't hanggang ngayon ay naniniwala ako na mayroon tayong kaluluwa. Iba-iba man ang bawat isa ng paniniwala, wala namang makakapagsabi kung ano ang totoo. Ngunit para sa akin, alam ko na ang kaluluwa natin ang gumagabay sa atin sa buhay. Dito tayo konektado sa Diyos. Nakakaramdam tayo ng tila ba panghihina o di kaya'y may pagkukulang sa atin kapag nalalayo tayo sa Panginoon. Dito niya tayo kinakausap at pinangangalagaan. Kaya't naniniwala ako na mayroon tayong kaluluwa.
Victoria, Lian Janel SD.
Masasabi ko na noon ay lubusan akong naniniwala na ang mga tao ay mayroon ngang kaluluwa dahil madalas ko itong mapanood sa mga palabas sa telebisyon at itinuturo din sa simbahan na mayroon tayong mga kaluluwa dahil pagkatapos nating mamatay ay ito ang magiging anyo natin kapag tayo ay mapupunta na sa langit o kaya naman ay paparusahan sa impyerno, sinasabi nila na ito ang dapat nating paniwalaan at dahil ito ang nakasulat sa bibliya. Sa aking patuloy na pag-aaral at paglaki marami akong mga bagay na itinatanong sa aking sarili kagaya na lamang nito, kung totoo ba na may pupuntahan tayo pagkatapos nating mamatay, kung totoo ba ang reincarnation at kung mayroon nga bang mga ligaw na kaluluwa na naglalakbay sa ating mundo. Sa ngayon, ang nasa isip ko ay totoong mayroon nga tayong kaluluwa ngunit hindi ko ito pinapaniwalaan ng buong puso dahil mayroon pa akong mga pag aalinlangan ukol sa bagay na ito.
Navarro, Marc kent G.
Oo naniniwala ako ngunit ito ay sobrang hirap sagutin dahil kung hindi ka ba naniniwalang mayroong ka kaluluwa hindi ka na rin ba naniniwala sa sa diyos o saiyong sariling relihiyon? Eto ay hindi nag kaka hiwalay dahil ano ba ang sabi sa bible kung ikaw ay mamatay ay mapupunta ang iyong kaluluwa sa langit na ksama siya.
Ferrer, Czarle Hyacinth N.
Naniniwala akong may kaluluwa ang mga tao dahil bukod sa ako ay isang katoliko, laging sinasabi ng aking pamilya ang mga bagay na patungkol sa mga kaluluwa. Kami ay naniniwala na ang isang tao daw ay mayroong kaluluwa at kung pumanaw man ay nandito pa rin daw ang kaluluwa nito sa lupa hanggat eka nga ay hindi pa daw ikaw 40 days at kailangan daw namin itong bigyan ng panalangin. Sa pamamagitan ng relihiyon na aming pinaniniwalaan at syempre ang mga tao na nasa paligid ko, ako ay namulat at naniwala na nageexist ang mga kaluluwa sa mundong ito. Para sa akin, ang kaluluwa ng isang tao ay buhay at nananatiling nandirito pumanaw man ang tao o hindi. Hindi man natin ito makikita, ngunit para sa akin ito ay ating nararamdaman. Sa pamamagitan ng kaluluwa na mayroon tayo ay nagiging buhay at masigla ang isang katawan ng tao. Marami man na nagsasabi na wala itong ebidensya na nagpapatunay na nag eexist nga ang mga ito, ngunit para sa akin at sa paniniwala ko at ng relihiyon ko, ako ay naniniwala dito.
Alejandrino,Johanne B.
Masasabi ko na ako'y naniniwala na ang tao ay mayroong kaluluwa sapagkat pagsilang palang natin ay naitututuro na ito saatin na kapag tayo ay naging mabait ang ating kaluluwa ay mapupunta sa buhay na walang hanggan,ako ay naniniwala dito sapagkat isa ako sa mga tao na naniniwala na tayo ay may diyos, na tayo ay nilikha lamang at binigyan tayo ng maikling panahon para mabuhay at  maranasan kung paano mabuhay, siguro magiging mahirap sa atin kung tayo ay walang kaluluwa dahil para na itong pagkatao natin. Ang iba naman ay hindi naniniwala rito malamang ay dahil wala silang relihiyon na hindi naniniwala sa mga Diyos.
Obedo, Jhayries Michael C.
LIM, ROVI PAULO C.
Oo, dahil sa kung kang kaluluwa bakit may pagkatao ka ngayon. Ang kaluluwa para sa akin ay ang iyong personalidad mga mannaresims mo mga gusto mo mga ayaw mo o kungsino ka ngayon. At sa sinabi din sa Bible na lahat ng nabubuhay na nilalang ay may kaluluwa