Portpolyo sa Pagsulat by Angelo Gabriel Romo

TALA- BASA
Ngayong araw ay nabasa ko ang maikling kwento na may pamagat na “Ang Reyna ng Espada at mga Pusa” na isinulat ni John Carlo I. Pacala etong maikling kuwento na ito ay ginawaran ng Gawad Palanca noong 2015 at ito ay nagkamit ng unang gantimpala.

Ang maikling kwento na ito ay tungkol sa presong matagal nang na bilanggo. Mayroong preso na ang pangalan ay Jose T. Clutario III o mas kilala bilang Clutario. Si Clutario ay nasistensyahan na palayain dahil sa katandaan. Ngunit ayaw niyang lumaya dahil siya ay wala
naming patutunguhan. Kaya siya ay nag plano na pumatay ulit ng tao upang siya ay hindi lumabas sa kulungan. Etong kanyang plano ay kinuwento niya sa kasama niya sa selda na si Peng ngunit ang sabi ni Peng ay huwag niyang ituloy naglabas si Peng ng baraha upang maglaro ng solitaryo. Ang sabi ni Peng kay Clutario kapag ang baraha ay nag ”dead end” hindi siya makakalabas ng kulungan. Nagtagal ang gabi na nagsosolitaryo si Peng at ang lumabas ay
makakalabas si CLutario at eto ay sinabi ni Peng kay Clutario at silang dalawa ay natulog na. Ngunit si Clutario ay biglang narinig si Peng na nagsalita at tinanong eto ito ni Clutario kung mayroon bang problema. Hindi kumibo si Peng at noong lumapit si Clutario sa kanya eto ay niyakap at hinalikan ni Peng at sila ay nagkapatungan at kung saan ay parang sila ay nagging
isang solitary na kung saan Pumaibabaw ang Hari ng mga puso sa Reyna ng Espada. At sinabing lalabas na siya bukas at ang gabing iyon ay hindi niya malilimutan.

Ako ay nagulat sa mga pangyayari dahil ang aking buong akala ay papatay uli si Clutario at matutuloy ang kanyang pagkulong. Hindi ko inaasahan na ang kanyang kasamahan sa selda ay may pagtingin sa kaniya. Subalit huli na ang lahat kaya’t ang alaalang iyon ay tatandaan ni Clutario. Maganda ang gawa ng manunulat binigyan ng manunulat ng makabuluhan na makling kuwento.

Mapanuring Sanaysay
Kahirapan, Paano ba Masosolusyunan?

Ang kahirapan ang problemang hindi masolusyunan sa ating bansa. Bakit nga ba naghihirap ang mga Pilipino. Dahil ba sa paglaki ng populasyon?, Dahil ba sa pagbabayad sa mga nagtatrabaho ng mababa?, o dahil ba sa korap na mga opisyal?. Pala isipan sa mga tao kung bakit ang ating bansa ay naghihirap. Narito ang maari pang maging dahilan kung bakit naghihirap ang Pilipinas.

● Sobra sa Populasyon - Dahil sa pagdami ng populasyon dumarami din ang naghihirap sa ating bansa sa kadahilanang wala ng pang tustos ng pag-aaral sa kanilang mga anak at nahihirapang kumayod para sa makakain nila pang araw-araw.

● Baon sa Utang - Ang mga tao ay umuutang ng malaking halaga ngunit walang pang bayad kaya naman ay sobrang naghirap sila sa kadahilanang ang kanilang mga ipon ay napupunta lamang sa bayaran ng mga utang. Hindi lamang ang mga tao sa Pilipinas ang mayroong utang ngunit ang mismong Pilipinas ay baon din sa utang galing sa mga ibang bansa upang pang suporta sa mga pinansyal na pangangailangan ng ating bansa. Kaya naman tayo rin ay naghihirap dahil sa kakulangan ng badyet ng ating pamahalaan.

● Edukasyon - Kakulangan ng edukasyon ang ibang mga tao. Kaya’t mayroong mga tao ay dumadaan sa patalim upang mabuhay tulad ng

pagbenta ng mga masasamang gamot. Ang edukasyon ay ang pinaka-importante sa mga tao dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng tao. Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay iba sa mga Edukasyon ng ibang bansa.

● Korupsyon - Mayroong nakaupo sa gobyerno na pagnanakaw lamang ang intensyon. Sa kadahilanang nahulog tayo sa mga pangako nilang walang nangyari puro lamang sila pangako ngunit walang aksyon. Kaya naman ang mga mayayaman lamang ang yumayaman at ang mga mahihirap ay mas lalong humihirap dahil sa kanila.

Ito ang mga kadahilanang naghihirap ang ating bansa. Ang aking masasabi ay kapag tayo ay nagkaroon ng maayos na pamamahala magiging masagana ang ating bansa at maari tayong mapabilang sa mayayaman na bansa kaya naman ay sana pumili tayo ng matino at makapaglingkod ng tama sa ating bansa upang magkaroon ng tunay na pagbabago sa ating bansa at ang kahirapan ay mabawasan o kaya naman ay masolusyunan.

Pagpupulong
Mga dapat malaman upang maging ligtas sa Covid - 19.

Nilalaman ng Pagpupulong

Agenda
Simula

3:00 pm - 3:10 pm | Nagsimula ang pagpupulong pagkatapos magkaroon ng mahigit 15 ang pumunta, pinangunahan ni Ibasco sa dasal at pagkatapos magpakilala ay nagbigay ng pahapyaw kung patungkol saan ang pagpupulong na magaganap.

3:10 pm - 3:30 pm | Bago mag patuloy simulan ang pagpupulong ay nagkaroon muna ng icebreaker. Ang icebreaker na pinapangunahan ni Romo at Reyes ay binubuo ng stretching, at bring me. Pagkatapos ng ilang minuto ay ang premyo ng nanalo ay 100 peso. Pagkatapos ng icebreaker ay makikita na lumuwag ang kondisyon ng mga dumalo para sa pagpupulong.

3:30 pm - 3:45 pm | Ang tagapagpanalita na si Mejia ay nagsimulang magpakilala sa mga dumalo at kung ano ang layunin ng pagpupulong na ito. Nagsimula siyang magtanong kunng ano ang mga alam na protokol ng mga tao para sa kaligtasan. Pagkatapos malaman na ang alam lang ng mga tao ay ang pagsusuot ng mask, face shield, at ang social distancing ay maagang natapos ang parte na ito dahil nais nang magpahayag ng panibago at iba pang mga protokol na kailangan sundin ng kanilang komunidad para sa kani-kanilang kaligatasan.

3:45 pm - 4:10 pm | Mga pangunahing punto ng pananalita ni Mejia na kanyang ibinahagi sa mga dumalo na nais niyang ipakalat sa komunindad niya;
- Sinasabing kapag gumamit ka ng surgical facemask mayroon kang 95% safety at kapag gumamit ka ng face shield mayroon karing 95 % safety sa mga viruses. At kapag magkasama mo silang ginamit mayroon kang tiyansang 99% safety sa mga viruses at bacteria.
- At ang paggamit ng alcohol at hand sanitizer ay makatutulong makalaban sa mga viruses at bacteria upang malinisan ang kamay at madis-infect ang mga hahawakan.

4:10 pm - 4:20 pm | nagtapos ang pananalita ni Mejia pagkatapos siguraduhin na naintindihan at natandaan ng mga dumalo ang kanyang mga sinabi. Nagwakas ang pagpupulong sa isang dasal na pinangunahan ulit ni Ibasco.

Wakas

REPLEKTIBONG SANAYSAY
Paglagay ng Artipisyal na Buhangin sa Manila Bay

Bakit nga ba isinagawa ng gobyerno itong proyekto na ito. Dahil ba sa kagustuhang maipaganda ang Manila Bay. Ngunit ang mga artipisyal na buhangin ngayon sa Manila Bay ay unti-unting nawawala at natatangay ng alon. Ang artipisyal na buhangin ay Dolomite sand. Ang dolomite ay isang mineral na dinurog durog upang eto ay mailagay sa Manila Bay at gawing buhangin.

Ang artipisyal na buhangin raw ay nakakapagpagaling ng depresyon ayon sa gobyerno. Ngunit ngayon unti-unti nang nauubos ang mga buhangin kaya’t naman ang mga taong bayan ay nagagalit sa kadahilanang ang pera na ginamit sa pagpagawa ng mg aartipisyal ay nasasayang lamang. Maari naming pagandahin ang Manila Bay sa iba’t ibang paraan.

Maari silang humingi ng iba’t ibang ideya sa mga propesyonal bago nila gawin ang proyekto. Sana ay nagkakaisa ang ating bayan para sa mga ganitong mga proyekto sa kadahilanang mahirap ang magpatayo ng mga kung ano ano mang bagay kapag hindi nagkakaisa ang mga tao. Dapat ay may iba pa silang pinasa na proyekto upang ito ay pagpilian at kung ano sa tingin nila ang makakabuti dito.