[M1] 💚 Repleksyong Lasalyano by Anshnoor Kaur

Mula sa mga isyu at sitwasyong pangwikang tinalakay, magbigay ng isang personal na danas na nagpapakita ng mga hamon at isyung kinahaharap hindi lang ng Wikang Filipino kundi maging lahat ng mga wika sa bansa?
Sa dati kong paaralan, mayroong patakaran na “no-English,” sa elementaryo at kapag nagsalita ka ng Ingles, magbibigay ka ng piso at ilalagay sa class fund. Pagdating ko sa Junior High School, nahirapan ako sa Filipino dahil hindi ko gaanong naiintindihan ang mga kuwento at paksa. Nakalimutan ang iba kong kaibigan mag tagalog at ang kanilang sariling wika kagaya ng Ilonggo at Bisaya, Dahil dito, makikita na hindi gaanong pinapahalagahan ang Filipino kumpara sa Ingles sa mga paaralan.

Ano-ano sa tingin mo ang mga salik na nagpapalubha sa hamon o isyung ito?
2. Sa aking opinyon, malaking isyu pa rin ito ngayon at isa sa mga dahilan ay ang sistema ng edukasyon. Sa pagtanda ng mga mag-aaral, unti-unting bumababa ang pagtuto ng Filipino sa kurikulum. Halimbawa, sa kolehiyo, iilan lamang ang mga kursong nagtuturo ng Filipino.

Isa pang dahilan ay iniisip ng ilang magulang na kung mahusay kang magsalita ng Ingles, mas matalino ka. Dahil dito, pinipilit nilang magsalita ng Ingles ang kanilang mga anak kahit nasa bahay. Dahil dito, unti-unting nakakalimutan ng mga bata ang kanilang sariling wika.

Sa wakas, may epekto din ang paglipat sa ibang bansa. Kapag ang isang pamilya ay lumipat sa isang bansang nagsasalita ng Ingles, ang mga bata ay napipilitang gamitin ito araw-araw. Kung hindi sila gagamit o nagpraktis ng Filipino, unti-unti nila itong nakakalimutan.

Bilang Lasalyano, ano-ano ang mga nakikita mong hakbang na maaaring gawin sa personal at pampamayanang lebel upang matugunan ang isyu o hamong ito?
Bilang isang Lasalyano, naniniwala ako na kailangan nating alisin ang maling tingin na mas maganda ang pagkamahusay sa Ingles kaysa sa paggamit ng ating sariling wika. Dapat nating mahalin ang Filipino sa pamamagitan ng madalas na paggamit nito sa araw-araw at sa paaralan. Mahalaga ring isulong ang ating kultura sa pamamagitan ng mga kantang Filipino, orihinal na akda, at mga tradisyon. May kakayahan din ang Filipino na magpahayag ng damdaming walang katumbas sa ibang wika, gaya ng salitang “kilig.” Bilang mga estudyante, responsable tayo sa pagsisigurado na manatiling buhay at ipinagdiriwang ang ating kultura. Isa pang paraan para magawa ito ay ang panonood ng mga palabas sa Filipino at pagbasa ng mga kuwentong Filipino, dahil marami sa mga ito ang sumasalamin sa ating wika at kultura.