Malipayong Panaw sa Mindanao by Irish Cudal

Ilocos Norte hanggang dulo ng Pinas ang tinahak ko maapakan lamang ang destinasyon na pinaghirapan ko. Kailanman, hindi ko nalimutan ang unang pag-apak ko sa Mindanao, ang kasiyahan na dinulot nito sa puso ko’y ‘di mapapantayan. Tunay ngang napakaganda at napakatamis ang katas ng pagkapanalo ko ng Regional Schools Press Conference noong ako’y elementarya pa. Nagbigay ito ng puwang sa puso ko na higit na mahalin ang bayang aking kinabibilangan.

Nabaliktad ang mundo ko nang nakalabas na ako sa Davao International Airport, iniba nito ang pananaw ko tungkol sa buhay sapagkat hindi tulad nito rito sa Luzon na mas maginhawa ang manirahan. Ngunit nasilaw ako sa napakagandang eskultura na gawa ni Kublai Milan, isang tanyag na iskultor, pintor at artista. Dito naipamalas sa akin na tunay ngang napakagaling ang mga Pinoy.

Tanda ko pa ang ala-ala na hindi na kailanman lumuwas sa isipan ko. Ang panloloko ng mga guro namin na kainin daw ang kahit kakarampot na lupa sa bagong lugar para hindi ka maliligaw kahit saan ka man mapadpad, na ginawa naman ng isang estudyanteng kasama kong nakipagpaligsahan doon.

Nang sumakay kami ng bus papuntang Sarangani, isa sa mga probinsya ng SOCCSKSARGEN, kita mo ang pagkakapantay-pantay ng mga tao. Hindi mo masasabing mayaman, ganoon din sa pagiging mahirap. Lahat ng bahay ay halos magkakapareho lamang. Kita mo ang mga batang nasa daan na nakikipaglaro sa mga kapwa bata nila, ganoon din sa mga ka-edad ko. Nakakatawang isipin na makikita mo sa mga mukha nila ang pagiging kuntento sa simpleng buhay na kinagagalawan nila.

Nang matapos na ang paligsahan namin, napagplanuhan ng punong-guro namin na pumasyal sa Heneral Santos, isang destinasyon na pwedeng lakbayin sa Sarangani. Una kaming pumunta sa SM Mall of GenSan, isa sa mga kilalang mall sa Mindanao. Pag-apak ko pa lang sa loob noon, hindi mo maipagkakaila na napakalawak ng anito talaga. Maraming tao ang pumupunta sapagkat lahat ng pwede mong bilhin ay naroon. Hindi mo rin mararamdaman na parang nasa panganib ka kahit nag-iisa ka sapagkat may mga pulis na nakabantay sa iba’t ibang palapag ng mall. Hindi ako bumili ng kahit ano, ngunit nagmeryenda na lang kami upang maibsan ang gutom namin. Mabubusog ka talaga sa Mindano, mapapamahal ka pa nga talaga rito.

Pagkatapos nang makapunta sa mall ay pumunta kami sa Queen Tuna Park, o ang Tuna Capital ng Pilipinas. Maaliwalas ang makaligo sa dagat pagkatapos ang paligsahang naganap sa aming magbabarkada. Dito kami naglaro at nakipag-usap pa kami sa kapwa naming Ilocano. Kung tutuusin, parag napagtanto naming na kahit ang layo ng nilakbay namin ay parang napakaliit pa rin ang mundo.  Maraming tao pero hindi marumi ang dagat para lumangoy. Sa ilang beses na pagpupumilit, napayagan din. Hindi mahirap makipag-talastasan sa mga tao roon. Lahat sila’y may nakatintang ngiti na babaunin mo pag-uwi. Dito nagtapos ang unang araw namin sa Sarangani.

Sa panibagong araw na tinahak namin, pumunta naman kami sa South Cotabato dahil hindi naman ganoon kalayo ang lalakbayin kapag nasa Sarangani ka lang. Ang drayber namin ay taga-Mindanao, kaya hindi mahirap ang maghanap ng direksyon para sa destinasyon namin. Siya rin ang nagbigay ng suhestyon sa kung saan pwede pumunta at mapagkakatiwalaan talaga siya kaya ipinakita niya sa amin ang Punta Isla, isa sa mga magandang puntahan sa Lake Sebu, South Cotabato. Kumain kami ng pananghalian doon at may mga pinanood pa kaming mga tradisyon na pagsayaw ng mga taga rito. Puro iba’t ibang putahe ng mga isda ang kinain namin sapagkat napapalibutan ng yamang dagat ang lokasyon na ito.  Namangka rin kami rito, iyon ang hindi ko malilimutan sapagkat sinabi nila ang pangalan ng bawat isla na natagpuan naming, iyon nga lang ay nakalimutan ko na, pero tanda ko pa rin ang imahe nito sa isip ko.
Pagkatapos kumain ay agad na nagtungo kami sa sikat na 7 Falls ng Lake Sebu, mahirap maglakad pababa kaya isa lang ang napagpasyahan naming puntahan. Hindi na namin natanong ang pangalan nito sapagkat nagmamadali na kaming umuwi noon.

Kung tutuusin, may mga bagay na wala ang Luzon at mayroon ang Mindanao, mapa-tanawin man yan o kaugalian ng mga tao. At sa buong buhay ko, roon ko naranasan ang higpit ng kahirapan, na madalas sila mawalan ng kuryente at ang tubig nila’y hindi malakas ang daloy na kagaya sa Luzon. Dito ko napagtanto na dapat kang maging masaya at mapagpasalamat sa kung ano ang mayroon ka, dahil ang mga bata sa Mindanao ay hindi nag-aasam ng mga bagay na tulad ng inaasam mo kung ‘di ay ang inaasam nila ay nasa iyo na ngayon. Masaya akong umalis at alam kong hindi kami nag-aksaya ng oras malakbay lang ang mga tanawin dito. At sa pagpunta mo'y sana isama mo rin ako.