AP Virtual Museum by jynx

Sining #1
Ang may likha nito ay si Michelangelo. Ipinapahiwatig nito ang pighating nadarama ng Birheng Maria habang hawak niya ang wala ng buhay na katawan ng kanyang anak na si Hesus. Napili namin ito sapagkat isa ito sa napakahalagang obra maesta o likhang sining ni Michelangelo noong panahon ng Renaisssance. Nagpapaalala ito sa pagliligtas ni Hesukristo sa mga tao na ikinabuwis ng kanyang buhay.  Ang likhang sining na ito ay maaaring magiging gabay at paalala sa mga Kristiyano na gumawa lamang ng mabuti at nararapat upang hindi masayang ang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa sangkatauhan.

Sining #2
Ang sining na ito ay nagsisimbolo sa paglikha ng Diyos Ama sa sangkatauhan at lahat ng mga nilikha sa mundong ito. Napili namin ito dahil isa ring ito sa mga napakahalagang obra maesta o likhang sining ni Michelangelo noong panahon ng Renaisssance na mapasahanggang ngayon ay dinarayo sa Sistine Chapel sa loob ng Vatican. Nais bigyang linaw ng sining ang Diyos Ama bilang mapagmahal na ama sa kanyang nilikha lalo na sa sangkatauhan na siya ang nagbigay buhay sa mga ito. Ito ay nagpapatunay na ang mga tao at lahat ng mga nilikha sa mundong ibabaw ay ang Diyos Ama ang siyang may gawa bunsod ng kanyang pagmamahal sa atin.

Literatura #1
Ang nagsulat nito ay si William Shakespeare. Ang isinulat na dula ni William Shakespeare ay umiikot sa damdamin ng pagmamahal tulad kila Romeo at Juliet na sa halip ng matinding tunggalian ng kanilang mga pamilya ay napatunayan nila ang kanilang matibay na romansa para sa isa’t isa. Sa kasalukuyang panahon, ang pagmamahal ay nagsisilbing tulay ng pagkakaisa at isang damdamin na nagpapakita ng malasakit at kahalagahan sa kapwa tao at ang ating mga sarili.  Pinili namin ang sikat na dula ni William Shakespeare na ang Romeo at Juliet sa maganda nitong mensahe ng pagmamahal at pagkakaisa hanggang sa oras ng kamatayan.

Sining #3
Ipinapahiwatig ng sining ang Inang Maria na bilang mapagmahal na inang umaaruga sa kanyang sanggol na anak na si Hesukristo. Ipinakikita rin nito ang Birheng Maria bilang reyna ng langit kasa-kasama ang mga kerubin at mga santo sa kalangitan. Bilang Katoliko, napili namin ito upang bigyang halaga ang Birheng Maria at kilalanin siya bilang ina ng Panginoong Hesukristo. Ito ay nagpapaalala at sumisimbolo ng huwarang ina mula noon at magpahanggang ngayon kung paano magaruga at magmahal ang isang ina sa kanyang anak. Ang likhang sining na ito ay tuwirang bumubuhay ng pananampalataya ng mga ina sa Kristiyanismo. Ito rin ay pinaghuhugutan nila ng pag-asa na sa tuwing may mga hamon sa kanila bilang ina ito ay nagpapaalala na mayroong Birheng Maria na katulong nila sa pagdarasal para sa kanilang mga anak.

Literatura #2
Ang nagsulat nito ay si Dante Alighieri. Ang layunin ng Divine Comedy ni Dante ay ipakita sa mga tao ang mga kakila-kilabot na pagdadaanan ng kanilang kaluluwa kung hindi nila susundin ang mga batas ng Diyos at mabuhay ng walang katapatan. Ang mensahe ng tula na ito ay ipinapakita na ang Diyos ay nakakakita sa bawat gawain natin araw-araw. Tayo ay inatasan na gumawa ng mabuti araw-araw sa ating buhay upang makarating sa paraiso, na ang langit, kapag tayo ay namatay. Napili namin itong tula dahil sa magandang mensahe nito na dapat ay gumawa ng kabutihan habang tayo ay nasa mundong ito. Dagdag dito, ang paglalarawan ng tula sa kahirapan ng isang tao hanggang sa ang kaluluwa nito ay mailigtas  at huling mamayapa sa kalangitan kasama ang Panginoon.

1. Ano kaya ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga likhang-sining noong Panahon ng Renaissance?
Ang pag-aaral ng mga likhang sining ng Panahon ng Renaissance ay isang magandang pagkakataon na bigyang-pansin at pahalagahan ang mga likhaing ito. Sa pag-aaral ng mga sining na ito, ito ay nakapagbubukas ng kaalaman sa pilosopiya ng mga manlilikha noong unang panahon.  Maliban pa dito, ito ay nagbibigay-kaalaman sa naging simula ng mga likhaing sining na nagagamit pa at nagiging inspirasyon ng mga artistang sining magpasahanggang ngayon.

2. Ano ang naidulot mga likhang sining sa lipunan at kasaysayan ng Europa?
Sa kasaysayan ng Europa, ang mga likhang sining ay nakapagdulot ng pagkakaisa

ng kahusayan ng mga tao sa iba’t ibang larangan bilang isang tao (humanismo).

Ang mga likhang sining na ito ay nagpasikat sa mga pangalan ng iba’t ibang manlilikha gaya nila Michelangelo, Leonardo da Vinci, Raphael, at iba  pa.

Sa kasalukuyan, kasabay na rin na sumikat ang Europa at nakapagsigla sa kanilang turismo.

3. Sa kasalukuyang panahon, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga likhang sining at maging sa mga manlilikha nito?
Maaari magpakita ng pagpapahalaga sa mga gawa ng sining at sa kanilang mga tagalikha sa pamamagitan ng pag-unawa ng simbolismo ng kanilang likhain, pagbabahagi nito at tumulong sa pagpapaliwanag sa mga tao.  Maaaring gamitin ang edukasyon at medya bilang mabisang pamamaraan sa malawakang pagbabahagi ng kaalaman patungkol sa mga sining at manlilikha nito. Ang pagtungo sa museo ay isang pagpapakita rin ng respeto, pagpapahalaga at interes sa mga pamana at ambag na sining ng mga manlilikha noong unang panahon at ng sa kasalukuyang panahon.