Suri - realidad by Puno, Theodore James V.

6. Kung ikaw ang papipiliin, mas gugustuhin mo bang sa loob ng bansa na lamang maghanapbuhay ang iyong mga magulang sa kabila ng hirap na maaari ninyong maranasan? Ipaliwanag ang sagot.
Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin kong sa loob ng bansa na lamang maghahanapbuhay kahit pa ma'y hirap ang aming mararanasan dahil ako'y nag-aalala at natatakot para sa kanilang kaligtasan at kalagayan, mas mabuti pang mamuhay ng hindi gaanong angat na kabuhayan kaysa isugal ang buhay, kalagayan, at kaligtasan ng aking minamahal na magulang. Ako'y natatakot dahil maraming panganib ang maidadala ng pangingibang bansa dulot ng trafficking at mga crime syndicates, kaya para saki'y mas mainam kung ang aking mga magulang ay nasa loob ng Pinas na nagtatrabaho.

7. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa ibang bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Hindi ko nakikita ang sarili ko sa hinaharap bilang isang manggagawa sa ibang bansa dahil natatakot ako sa mga panganib at hamon na aking haharapin tulad ng bago at hindi pamilyar na kultura, malayo sa aking pamilya at kaibigan, at ang posibilidad ng paghanap ng trabahong hindi ko pinili.

1. Saang bansa naghahanapbuhay ang iyong mga magulang o kaanak?
Marami sa aking mga kamaganak ay piniling makipag sapalaran sa ibang lugar upang magkaroon ng mas magandang opportunidad, kabilang na rito ang sarili kong mga magulang na nag trabaho bilang isang nurse sa Kuwait.

2. Kailan sila nagsimulang mangibang-bansa at ano ang nagtulak sa desisyon nilang ito?
Marami sa aking mga kamag-anak ay nagtatrabaho bilang Nurse sa Kuwait. Halos lahat sa kanila ay nagsimulang mangibang-bansa noong mga taong 2016 hanggang 2018. Nagsilbi sila bilang tagapangalaga at tagapagtaguyod ng mga may sakit, at doon ay naging ehemplo.

Ang nag-udyok sa kanila upang mag-trabaho sa ibang bansa, ay ang pag-asa na matutulungan ang kanilang mga pamilya, at magkaroon ng sapat na kita para sa kanilang mga sarili. Ang dedikasyon na mabibigyan nila ng maayos na pamumuhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang lahat ng ito ay ang tumulak sa kanila upang makipag-sapalaran sa bansang Kuwait.

4. Nang sila o isa sa kanila ay umalis, sino na ang nag-alaga at gumabay sa inyong magkakapatid?
Ang aming mga lolo't lola ang nag-alaga at gumabay sa aming magkakapatid nang umalis ang aming mga magulang. Sila ang nagturing na tagapagmana ng pagiging papel bilang tagapag-alaga naming magkakapatid habang ang aming magulang ay nangibang-bansa upang magtrabaho.

8. Nakabuti ba ang pangingibang-bayan ng iyong mga magulang? Ipaliwanag ang sagot.
Nakakabuti ang pangingibang bansa ng aming mga magulang sa gayon ay sa pamamagitan ng kanilang pangingibang bansa ay nasusuportahan nila ang aming mga pinansyal na pangangailangan at kahit man wala sila dito sa aking tabi, nakakahanap parin sila ng paraan maibigay ang emosyonal na pagmamahal ng magulang na aking kailangan.

3. Ilang taon na sila rito? Sila ba ay nagpaplano sa hinaharap na bumalik sa bansa at dito na lamang maghanapbuhay?Ipaliwanag.
Sila'y nandarayuhan sa Kuwait ng mahigit 7 na taon na at nagpaplano silang bumalik dito't maghanapbuhay kapag natapos na ang kanilang mga kontrata.

5. Mahirap bang mamuhay kung ang mga magulang o isa sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa? Maaaring maglahad ng karanasan na magpapatunay rito.
Napakahirap ng aming pinagdaanan sapagkat and aming lolo't lola lamang ang nandyan upang kami'y bantayan at maalagaan. Minsa'y nahihirapan ang aming lolo't lola dahil dalawa lamang sila upang matugunan ang aming mga kailangan sa bahay at marami naman kaming magkakapatid. Tulad na lamang kapag kami'y hihingi ng tulong sa mga gawain sa aming paaralan at sila'y nahihirapan dahil unti-unting nanghihina ang kanilang mga katawan.