Saan mo nakikita ang iyong sarili o ang institusyon pag-kalipas ng 10 taon? by KYLE TERENZE MAULEON

I-16_Zabala
Nakikita ko ang aking sarili na isa akong Early Childhood Educator na nakagradweyt sa Philippine Normal University at nagtuturo ako sa isang lansangan, sa mga maliliit na bata kung paano magsulat o magbasa, naniniwala ako na lahat ay may karapatan na makapagbasa at makapagsulat kaya ninanais ko na habang hindi pa ako guro dahil sa board exams ay nakakatulong ako sa ating lipunan.

1-4. DOMINGO
Nakikita ko ang sarili ko na naluluha sa tuwa sapagkat aakyat na sa higher level ang aking mga estudyante sa departamentong Special Needs Education. Naluluha ako hindi dahil sa pamamaalam lamang, kundi dahil nakita ko ang kanilang paglago, pagsusumikap, at maliliit ngunit makahulugang tagumpay. Kasabay ng aking saya ay ang pag-asa, sapagkat alam kong handa na silang harapin ang panibagong yugto ng kanilang pag-aaral. Bilang guro, malaking karangalan para sa akin ang naging bahagi ng kanilang paglalakbay—ang makasaksi sa kanilang pagbabago at patuloy na pagtupad sa kanilang mga pangarap.

I-16 Bautista
Nakikita ko ang aking sarili 10 taon mula sa kasalukuyan, ay nakatapos na ng pag-aaral sa PNU, isa nang ganap na guro at nagtuturo ng aking desired major, patuloy na natututo habang nagtuturo. Nag i-inspire at humuhubog ng aking mga estudyante upang lalo pang makilala ang kani-kanilang mga sarili.

I-16 BASCO
Pagkalipas ng sampung taon, nakikita ko ang aking sarili na patuloy na umuunlad sa larangan ng pagtuturo. Kasabay nito ang aking paglalakbay, bitbit ang mga kaalamang natutuhan ko sa pamantasan upang maibahagi sa kapwa. Maaaring ako’y nag-aaral pa rin, sapagkat marami pa akong nais makamit sa iba't ibang larangan. Kaakibat nito ang hangarin kong makapagturo sa inang pamantasang aking pinanggalingan.

I-16, PURO
Nakikita ko ang aking sarili bilang isa nang lisensyadong guro, na tinuturuan ang aking mga estudyante ng mga lesson at mabubuting asal. Ako rin ay nakikita kong nagsisilbing mother figure sa kanila, na sinisiguradong laging masaya at magaan ang aming mga klase.

1-4, Perez
Nakikita ko ang aking sarili na isang magaling na guro na nagtapos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.  Isang guro na may degree sa Values Education at nagtuturo sa isang publikong paaralan.

I-4, AGUIRRE
Nakikita ko ang aking sarili bilang isang guro, nasa pribado o pampublikong paaralan man makalipas ang sampung taon. Nakikita ko rin na pinagpapatuloy ko ang aking pag aaral sa lalong mas mataas na edukasyon upang mas mapagtibay at mapalawak ang aking kaalaman o mastery sa kung ano mang medyor ang aking kukuhanin.

1-4, DIAZ
Bilang isang future educator, nakikita ko ang aking sarili makalipas ang sampung taon bilang isang guro na hindi lang nagtuturo kundi patuloy na nakikibaka at ipinaglalaban ang tama. Nais kong maging bahagi ng isang institusyong lumalago at nagtataguyod ng kalidad at inklusibong edukasyon. Sa panahong iyon, nakikita ko rin ang sarili kong may mas malawak na karanasan, mas handa sa hamon, at mas aktibong nakikilahok sa pagpapatibay ng sistema ng edukasyon para sa kabataan at sa bayan.

1-16 Clet, Fauline Antoinette R.
Nakikita ko ang sarili ko makalipas ang sampung taon bilang isang guro na nagtuturo ang humuhubog sa mga mag-aaral, sa pag-asa ng ating bayan. Sampung taon ang makalipas hinihiling ko na isa na akong guro na palagi kong hinahangaan at inaasam na maging ako rin balang araw

I-16 , GUTIERREZ
Nakikita ko ang aking sarili matapos ang ilang taon na kabilang sa isang institusyon na malaya, makabata at makabansa at mayroong iisang polisiya na mag papahalaga sa maliliit na karapatan na dapat na ating tinatamasa.

I-16 TADEO
nakikita ko ang aking sarili pagkatapos ng 10 taon bilang isang ganap na lisensyadong guro na nagmumulat at gumagabay sa kaisipan at kaalaman ng bawat estudyante

1-16, Bantay
Nakikita ko ang sarili ko bilang isang propesyonal na patuloy na nagaaral at nagbabahagi ng kaalaman sa iba. Sa loob ng 10 taon, ang PNU ay patuloy pa ring nakatayo bilang tahanan ng kaalaman at oportunidad para sa mga kabaatan. Naniniwala ako na sa pagtitiyaga at determinasyon, makakamit ko ang pangarap kong ito.

I-4, PADILLA
Pagkalipas ng 10 taon, ako ay isang guro na nagsisilbi sa bata, bayan, at sarili. Dala ang pangalan ng pamantasan, habang tumutugon sa hamon nito. Isang guro na makatutulong sa mga bata na maabot ang kanilang mga pangarap, sa bayan na makamit ang tuntunin, at sa sarili na matupad ang mithiin.

1-16 Babao
Sa loob ng susunod na sampung taon, nakikita ko ang sarili ko bilang isang propesor na nagtuturo ng English at patuloy na nagbabahagi ng kaalaman sa mga susunod na henerasyon. Nais ko ring masiguro na sa panahong iyon ay natapos ko na ang aking Master’s degree o kaya nama’y nagsisimula na ako sa aking Doctorate upang mas mapaunlad pa ang aking propesyon. Pangarap ko ring makapagturo sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, kung saan masusubok ang aking husay at dedikasyon bilang isang guro. Higit pa rito, inaasahan kong magiging instrumento ako sa pagbibigay-inspirasyon sa mga mag-aaral upang mahalin ang pagkatuto at magtagumpay sa kanilang piniling landas.

I-16, PARROSA
Bilang nangangarap na maging guidance counselor at guro, nakikita ko ang aking sarili bilang isang patuloy na natututo at humuhubog sa sarili upang maging matatag, maunawain, at handang magsilbi sa kabataan—hindi lamang bilang tagapagturo, kundi bilang gabay sa kanilang personal at akademikong pag-unlad.

I-4, CORPUZ
Nakikita ko ang sarili ko sa 10 taon bilang isang guro na nagsisilbi sa nga kapwa ko pilipino, mayroon na akong lisensya sa tuturo(sana) at kasama ko ang pangalan ng institusyong pinanggalingan ko, sa pagkalipas ng isang taon ako ay nagsisilbi sa aking lipunan at mamamayan mula sa pagtuturo ng ingles at pagbibigay sakanila ng opportunidad alamin ang mundo mula sa lenguwahe ng ingles.

1-16 DEL VALLE
Nakikita ko ang sarili ko bilang isang propesyunal na guro sa larangan ng edukasyon, may sapat na karunungan at kakayahan upang hubugin ang mga kabataan sa hinaharap. Para sa pamantasan, nakikita ko pa rin ang unibersidad na ito bilang nangungunang institusyon hindi lang sa Pilipinas, kundi rin sa buong mundo dala ang mataas na kalidad ng pagtuturo at pananaliksik.

I-16, OTCHENGCO
Makalipas ang 10 taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang matagumpay, may dedikasyon at pursigidong guro sa isang paaralan dito sa Pilipinas o sa labas ng bansa. Nakikita ko ang aking sarili na masayang naguturo at nagiging isa sa mga  daan ng mga mag aaral upang maabot nila ang kanilang mga pangarap.

I-16 | TAN
Makalipas ang sampung taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang guro na dala-dala ang pangalan ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Kaakibat nito ay ang pagsasabuhay at pagsasakatuparan ng bisyon at misyon ng inang pamantasan. Sa pamamagitan ng pagiging isang produktibo at tapat na paglilingkod, ako ay magiging isang ehemplo para sa mga susunod na henerasyon ng kabataan na aking huhubugin.

I-4, Endab
Pagkalipas ng sampung taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang mahusay na guro. Isang gurong tunay na nakatutulong sa bawat mag-aaral o sa kapwa tao at isang inspirasyon din.

1-4, AGUILAR
Sa pagdaan ng sampung taon ay sigurado akong marami nang pagbabago ang naganap sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas. Pagkalipas ng sampung taon nakikita ko ang aking sarili bilang isang mabuting guro na naglalayong maging isang inspirasyon sa mga mag-aaral na aking nasasakupan.

1-4. PACHEO
Sa aking palagay, sa paglipas ng sampong taon ako ay nasa isa nang unibersidad nagtuturo. Sa tingin ko, tapos na ako sa pag-aaral ng PhD, at Masteral sa loob ng sampong taon. Hindi ko man masabi kung anong unibersidad ako'y mapupunta, pero sigurado akong ako'y nasa isang paaralan nagbabahagi ng aking kaalaman sa bawat estudyante na aking nasasakupan.

1-4, Nugara
Pagkalipas ng sampung taon, maaring isa na akong ganap na guro nagtuturo sa isang pampublikong paaralan. Nakapagtapos ng Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino; nakuha ko na rin siguro ang Master of Arts in Education, Major in Filipino. Bukod pa rito, nakapagsulat na ako ng sarili kong pyesa, tula, at literatura na makaaambag sa edukasyon.

Arcino, Andy I-16
Nakikita ko ang aking sarili paglipas ng isang taon bilang isang lisensyadong guro na nagtuturo sa isang pampublikong paraan at ginagawa ang aking makakaya upang mamahagi ng kaalaman at patuloy na gumagagabay sa tamang landas sa mga susunod na henerasyon.

I-4, FERNANDEZ
Sa loob ng sampung taon, bilang isang guro, hindi ko pa man lubos na nakikita ang eksaktong direksiyon na aking tatahakin, ngunit naniniwala ako na ang institusyon ang magsisilbing gabay at magbubukas ng mga oportunidad para sa aking magiging landas. Nais kong maging isang guro na hindi lamang nagtuturo ng kaalaman kundi nagbibigay rin ng inspirasyon at mabuting halimbawa sa aking mga mag-aaral.

I-16, LOZANTA
Nakikita ko ang aking sarili ay nakatapos na sa Inang Pamantasan at nagtuturo ng Social Studies sa harap ng klase ng may pasyon at kakayahan sa aking mga estudyante. Nakikita ko rin sarili kong nag-aaral pa for higher education at mapaghubog at mapalawak ang aking kakayahan at isipan sa aking mga ituturo.

TedPaths l-16 | Alarte
Makalipas ang sampung taon, nakikita ko ang aking sarili na nakapagtapos na ng aking pag-aaral mula sa Pamantasang Normal ng Pilipinas at isa na rin lisensyadong guro—dala-dala ang mga aral, payo, misyon at bisyon na itinuro sa'kin ng Pamantasan. Dagdag pa rito, nakikita ko ang aking sarili na isa rin lider sa komunidad na may layunin na makatulong sa bata, bayan at kinabukasan ng sangkapilipinuhan.

I-16, Dimayuga
pagkalipas ng sampung taon, nakikita ko sarili ko bilang isang guro ng Values Education sa isang school sa cavite kung saan ako nagaral dati. Malaki naging influence ng mga tao nakilala ko doon and malaki din ang tulong nila saakin noong  pumanaw ang aking mga magulang. Nakikita ko din sarili ko maging parte ng isang organization na tumutulong sa bansa, lalo na sa mga tao na nahihirapan. Nakikita ko din sarili ko bilang isang nanay at may masayang pamilya at kasama parin ang mga kaibigan ko na tinuturing pamilya.

I- 16 BAYLOSIS
Sa paglipas ng 10 taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang indibidwal na matagumpay sa aking pag- aaral sa Inang Pamantasang Normal ng Pilipinas. Nakikita ko din ang aking sarili na hindi lamang nakatayo sa apat na sulok ng silid- aralan bagkus patuloy na nag- aaral pa ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo at pagiging mabuting ehemplo sa aking mga estdyante sa hinaharap. Ang ating minahamahal na institusyon ay patuloy ding huhubog ng mga mahuhusay na gurong tagapagturo upang ipagpatuloy ang pagbibigay liwanag at pagpasa ng sulo ng kaalaman sa mga mag- aaral ng ating minahamahal na inang bayan.

I-16 DELGADO
Pag-kalipas ng sampung taon, nakikita ko ang aking sarili na nakatayo at nagtuturo para sa mga mag-aaral na kinabukasan ng bayan. Nakikita ko na ako ay tuluyang nahuhubog bilang isang guro na nakapagtapos sa loob ng sintang paaralan, ang PNU.

I-16, GALOSO
Sa loob ng sampung taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang propesyonal na may matibay na pundasyon sa edukasyon, bunga ng aking pag-aaral sa isang institusyong kinikilala bilang nangunguna sa larangan ng edukasyon sa bansa. Sa bawat hakbang ng aking paglalakbay bilang mag-aaral, dala ko ang pangarap na hindi lamang makamit ang personal na tagumpay, kundi maging bahagi ng mas malawak na pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Nakikita ko ang aking sarili na nagsusulong ng edukasyon para sa mga batang may espesyal na pangangailangan, dala ko ang isang malalim na layunin na maging tinig para sa mga hindi laging naririnig, at maging tulay para sa mga nangangailangan ng mas inklusibong sistema ng pagkatuto.

1-16 Salo
Nakikita ko ang aking sarili pagkalipas ng 10 taon bilang isang guro o psychologist/counselor na nakadepende sa kung anong major ang aking makukuha. Nakikita ko naman ang institusyon na mas maganda at tanyag at patuloy na lumalago.

I-16 | MARARANG
Bilang isang estudyante na nagpaplano maging guro, ang nakikita ko sa sarili ko sa loob ng sampung taon ay isang propesyonal na guro na may sapat na karanasan, may malalim na pag-unawa sa pagtuturo, at may positibong epekto sa mga mag-aaral. Nakapagbibigay inspirasyon at nagmamalasakit sa aking mga estudyante, tumutulong sa akademikong aspeto.

I-16 Carino
Bilang isang mag-aaral na nag sasanay ngayon upang maging Guro, nakikita ko ang aking sarili na magiging isang gurong may dedikasyon at tapat na namumuno upang magturo at magbigay kaalaman at inspirasyon sa mga susunod na henerasyon. Hindi lamang kaalaman ang ibabahagi, bagkus pananaw na huhubog sa isipan at pangarap ng mga bata.

I-16_SOLARTE
Pagkalipas ng sampung taon, nakikita ko aking sarili bilang isang lesinsyado at propesyonal na guro na marunong magreach-out sa kaniyang mga estudyante, at maalam kung paano magturo at magdevelop ng kanilang potensyal. Nais kong maging guro na hindi lamang nagbibigay ng impormasyon, kundi marunong mag inspire sa kaniyang mga mag-aaral na mangarap at maghangad na makapaglingkod sa bayan.

1 - 4, Anday
Nakikita ko ang aking sarili pagkalipas ng sampung taon na naglilingkod sa mataas na antas ng pampublikong paaralan bilang isang huwarang guro sa englis . Ako ay masaya na nagbabahagi ng kaalaman sa aking mga mag-aaral at ako ay nakapagtapos na ng aking masters sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit patuloy paring nag-aaral habang nagtuturo.

I-16, YORO
Sa susunod na sampung taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang mahusay na guro na nagtuturo sa larawan ng agham. Isang guro na magiging modelo at mabuti ehemplo ng kanyang magiging estudyante, isang guro na nakakaunawa sa bawat isa niyang estudyante. Dedikado at isang pursigidong guro na wala ibang gusto kung hindi makita lamang na matupad ang lahat ng mga pangarap ng kanyang mga estudyante. Nakikita ko rin na nagtuturo ako sa isang Unibersidad na kagaya ng moral sa ating inang pamantasan. Dala dala ko rin ang aking mga natutunang kaugalian at aral ng ating paaralan na aking ibabahagi sa aking mga magiging mag-aaral sa hinaharap

I-4, MUÑOZ
Bilang isang mag-aaral ng ating Inang Pamantasan, makalipas ang sampung taon ay nakikita ko ang sarili ko bilang isang guro na nagtuturo ng asignaturang konektado sa aking medyor sa isang pampublikong institusyon na s'yang magbibigay sa akin ng eksperehensyang aking kakailanganin upang magkaroon pa ng mas maraming oportunidad sa pagtuturo.

I-4, TURDIL, Dannise Glenn C.
Bilang mag-aaral ng PNU ngayon, nakikita ko ang aking sarili sa hinaharap na hasa ang kakayahan at handang gampanan ang tungkulin bilang isang guro. Nais kong maging tagapagturo na may sapat na kaalaman upang makapagbigay ng inspirasyon at paggabay sa mga kabataan. Sa loob ng sampung taon, bitbit ko ang tiwala na sa pamamagitan ng edukasyon ay makakagawa ako ng makabuluhang ambag sa pagbabago at pag-unlad ng lipunan.

I-16, Valle
Nakikita ko ang aking sarili na nakapagtapos na sa programang LIS at kumukuha o kumuha na ng masteral. Naway ako ay isang lisensiyadong guro at librarian na  nagtatrabaho sa isang malaking industriya.

1-16 — Cruz
Sa kasalukuyang yugto ng aking buhay, nakikita ko ang aking sarili bilang isang dedikadong guro na patuloy na nagbibigay inspirasyon at kaalaman sa aking mga mag-aaral, habang sabay na tinatahak ang landas patungo sa pagkamit ng aking pangarap na PhD in Values Education. Ang adhikaing ito ay hindi lamang personal na ambisyon kundi maging higit na epektibong tagapaghubog ng mabuting asal, wastong pagpapahalaga, at makataong pananaw sa hinaharap na henerasyon.

Habang ako’y nagtuturo, kasabay nito ang aking pagpupunyagi sa mas mataas na antas ng pananaliksik at akademikong gawain. Nakikita ko ang aking sarili na hindi lamang tagapagturo ng aralin kundi isang tagapagdala ng pagbabago sa moral at etikal na pamumuhay ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng aking pag-aaral sa Values Education, hangad kong makapag-ambag ng makabuluhang pananaliksik na magpapalalim sa ating pagkaunawa kung paano nahuhubog ang asal at pagpapahalaga ng tao, at kung paano ito maisasabuhay sa lipunan.

I-4|FELICES
Nakikita ko ang aking sarili sa susunod na sampung taon bilang isang dedikado at masigasig na guro sa ating lipunan. Masaya akong gumigising tuwing umaga, dahil alam kong muli akong makakapagbahagi ng kaalaman sa aking mga estudyante. Isa akong gurong masigla, palabiro, palangiti, ngunit mahigpit pagdating sa masasamang gawi ng mga mag-aaral.

Naniniwala ako na ang pagiging guro ay isang huwarang papel sa lipunan. Sila ang dapat tularan at bigyang-pansin ng bawat isa. Ipinagmamalaki kong sabihin na kaya kong maging isang huwarang modelo para sa ating lipunan.

I-16, GUMBA
Nakikita ko ang aking sarili na nasa publikong paaralan—hindi para mag-aral, kundi para magturo sa ating minamahal na estudyante. Sa aking palagay, ang tinututuruan at hinuhubog ko ay ang mga munting bata natin sa kindergarden, tinuturo ang pangunahing kakailanganin nila sa kanilang pagtanda. Hindi man tayo maalala ng mga batang ito pagtanda nila, ngunit bitbit nila ang ating mga tinuro.

1-16, Orbon
Bilang isang gurong nangngarap, nakikita ko ang aking sarili sa isang lugar na puno ng pagkatuto at nagsusulong ng makabayan at progresibong edukasyon. Hangad ko ring palawakin pa ang aking kaalaman sa lipunang ginagalawan at maiangkop ang bawat pagkatuto sa buhay. Hindi lamang sa paaralan matatapos ang aking layuning magmulat at magbahagi ng kaalaman. Titiyakin ko rin ang aking pakikibahagi sa talakayang kapaki-pakinabang hindi lamang sa larangan ng edukasyon bagkus kapakanan at kaunlaran ng ating bayan. Sa pamamagitan ng propesyong ito sisikapin kong magtanim ng binhi ng pagbabago  at gumbay sa pagbuo ng henerasyong matalino, makatao, at makabayan.

I-16 (Adrian O. Dubria)
Nakikita ko ang aking sarili na isang Let passer na nagiging inspirasyon sa mga kabataan. Nakikita ko rin ang aking sarili na isang matagumpay na guro na ginagamit ang kanyang mga experience at estado sa mga kabataan na kanyang tinuturuan at ako ay magiging isa sa mga kanilang tulay upang sila ay maging magtagumpay habang dalang-dala ko at isinasapuso ang mission at vission ng paaralan upang sila ay maging isang ganap at matagumpay na indibidwal o isang ganap na mamamayang Filipino.

1-4 Mendoza
Makalipas ang sampung taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang guro ng bayan na alumni ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Isang guro na paglilingkuran ang bayan, at magtuturo sa mga mag-aaral ng bayan, upang humubog ng mga panibagong kabataan na magiging pag-asa rin ng bayan.

1-4, LIM
Nakikita ko ang aking sarili pagkalipas ng sampung taon na nagtuturo sa isang pampublikong paaralan. Kung saan nakatutulong na ko sa kabataang Pilipino na maghatid ng kalidad at nararapat na edukasyon.

TEDPATHS I-16, INHAMBRE
Nakikita ko ang aking sarili sa sampung taon na nagtuturo at kumukuha ng panibagong programa patungkol sa multimedia arts dahil naniniwala ako na habang nabubuhay ako may determinasyon akong nabubuo sa aking sarili kaya nais kong ipagsabay ang pagiging guro at ang pag aaral muli. Naniniwala din ako na ako ay magiging matagumpay na guro na nakakapagbigay tulay ako sa mga kabataan sa mga daan na balak nilang tahakin, dahil naniniwala ako na bilang guro, isa sa mga misyon ko ang magbigay gabay sa mga kabataan at magbigay kaalaman patungkol sa takbo ng buhay. Bilang pagbibigay prediksyon naman sa kahihinapnan ng pamantasan sa sampung taon, naniniwala ako na hihikayatin pa nito ang mga guro na maipamalas ang kanilang kakayahan sa pagbibigay solusyon sa mga iba't ibang isyu sa ating lipunan sa pamamagitan ng pananaliksik.

1-16, SY
sa loob ng sampung taon, nakikita ko ang sarili ko bilang nakapag tapos na sa pamantasang normal ng pilipinas, nakikita ko ang sarili ko na nahanap na ang kanyang identitad at nag seserbisyo sa mga kabataan o sa susumod na henerasyon. nakakaangat sa buhay at may tungkulin. Ninanais ko rin paglipas ng sampung taon ay maaring ako ay isang nasa mataas na posisyoj bilang ako ay isang alumni ng inang pamantasan.

1-4 Austria
Pagkalipas ng sampung taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang guro o librarian na masayang nagtratrabaho sa aking dating elementarya o high school. Sa tuwing naglalakad ako at nadadaanan ko ang aking dating paaralan, ang tanging ninanais ko lang ay makabalik dito bilang isang guro na naglilingkod at nagtuturo sa mga bagong henerasyon. Ang paaralan kong iyon ay tunay na naghubog sakin kung ano ako ngayon, kaya naman nais kong ibalik ang aking natutunan at maglingkod sa aking alma mater.

I-16 Roanne Joyce Meñez Flordeliza
Nakikita ko ang aking sarili sa susunod na 10 taon bilang isang guro sa early childhood sa aking dating paaralan. Dito, ako'y nagtuturo at nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan upang huwag mahiyang ipahayag at diskubrehin ang kanilang sarili.

1-4, Del Monte
Sa susunod na mga taon, Nakikita ko ang aking sarili na isang guro na nagtataglay ng mga ideyal na katangian na nakapagtapos mula sa kinikilalang inang pamantasan. Isang guro na may degree sa siyentipikong edukasyon sa biyolohiya, at dala dala ang pangalan ng pamantasan sa aking mga susunod na hakbang sa pag-aaral sa siyensa at agham biyolohiya.

1-4, PIÑON
Pag-kalipas ng 10 taon, nakikita ko ang aking sarili na isang ganap na guro sa kursong early childhood education na dala ang pangalan ng ating inang pamantasan. Isang guro na bumubuo ng pundasyon sa karakter at pagkatuto ng mga bata. Nakikita ko rin ang aking sarili bilang isang mentor na nag babahagi ng aking mga karanasan at kaalaman sa ibang mga guro upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa epekto ng dekalidad ng edukasyon.

I-4, SULTAN
Nakikita ko ang sarili ko na nagtuturo na sa isang paaralan bilang isang mathematics teacher at masayang nakikinig ang aking mga estudyante sa aming discussion. Naiisip ko rin na ako ay patuloy na nag-aaral para sa aking doctorate o aattend ako ng mga training at conference. Ang responsibilidad ng pagiging guro ay hindi madali at ito ay masalimuot ngunit isa itong marangal na propesyon.

I-4, CUPAT
Nakikita ko ang aking sarili makalipas ang sampung taon na maaaring nagtuturo ako ng values education sa aking mga studyante o maaari naman na isa akong guidance counselor sa paaralan na tumutulong sa kabataan na may pinagdadaanang mga problema

I-16 - CABRILLAS
Nakikita ko ang aking sarili bilang isang graduate at LPT na nagtuturo ng kursong BEED O BSNED at sana ay maging isang mahusay na guro at kapag natapos ko ang kursong iyon, gusto kong ipagpatuloy ang pangarap kong kursong BSN, at makapagbigay ng magandang buhay para sa aking sarili at sa aking mga magulang.

1-4, YAMBOT
Nakikita ko ang aking sarili sampung taon sa hinaharap bilang isang lisensyadong Pisikolohista. Bilang isang mag-aaral ng PNU, alam kong ang pamantasang ito ay siyang magiging daan upang ako ay maging isang makabuluhang ehemplo sa propesyon na aking gusto.

I-16, CARUMBA
Sa loob ng sampung taon, nakikita ko ang sarili ko bilang isang guro sa Culture and Arts, lalo na sa musika. Gusto kong maging inspirasyon sa mga estudyante ko at maipasa sa kanila ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sining at kulturang Pilipino. Nakikita ko rin ang sarili ko na patuloy na lumilikha ng mga proyekto at gawain na magpapaunlad sa sining sa paaralan at komunidad, para mas maraming kabataan ang ma-engganyo at ma-inspire na mahalin ang ating kultura

I-4, CABELIN
Pagkalipas ng sampung taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang dedikadong lisensyadong propesyonal na guro sa elementarya na nagbibigay-inspirasyon sa mga bata na mahalin ang pag-aaral. Nakikita ko rin ang aking sarili na isang gurong bahagi ng isang paaralan na patuloy na lumalago at nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa bawat estudyante na aking mahahawakan.

(1-4)_Clarence Jasper L. Ventura
Sa loob ng 10 taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang matagumpay na guro. Na patuloy na hinahamon ang aking sarilin upang mas maging mahusay pa sa aking larangan, kasabay nito ay ang paghubog ng kaisipan ng mga bata, na hindi lamang nagtatapos sa pagbabahagi ng kaalaman ngunit kung hindi pati ang paghubog ng kanilang karakter at ng kanilang sarili. Di lang doon nag-tatapos, ako rin ay magsisilbing bilang ikalawang magulang sakanila, tatayo bilang taga-pagalaga. Nakikita ko rin ang aking sarili na patulog na nag-aaral upang mas lalong mapalawak ang aking kaalaman, ako'y rin ay patuloy na magsusumikap na sumoporta sa mga proyekto na makapag-papabuti ng ating bayan, paaralan, mamamayan, at ng ating mga sarili.

1-4 CANGREJO
Nakikita ko ang sarili kong masayang pinagsisilbihan ang bayan sa pamamagitan ng pagtuturo nang buong puso sa mga kabataan. Alam kong hindi magiging madali ang aking pagdadaanan ngunit ang makita ang mga batang aking matuturuan na natututo at nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral ay sapat na upang magpatuloy. Sa kabila ng nakakalungkot na sistema ng edukasyon ng ating bansa sa kasalukuyan, umaasa pa rin ako na pagkalipas ng 10 taon ay mababago ito, mapapaunlad, at mas marami pang kabataan ang maabot at matulungan ng mga guro lalo na ng mga gurong PNUan na nasisigurado kong  dedicated sa pagtuturo at pagsisilbi sa bayan.

1-4, Santos
Kung maaayon sa aking plano ang lahat, sana sa pagkalipas ng 10 taon, isa na akong propesyonal na naglilingkod sa larangan ng edukasyon, dala-dala ang mga natatanging aral at karanasan mula sa pamantasan. Nais kong hindi lamang maging guro-sikolohista, kundi tagapagtaguyod din ng karapatan ng mga tao sa mapagpalayang edukasyon at bansa gamit ang kamalayang aking natamo sa ilang taon kong pananatili sa pamantasan at sa paaralan at lansangan.

I-16 | GUTIERREZ APRIL ANNE C.
Nakikita ko ang aking sarili sa susunod na sampung taon bilang isang matagumpay na guro na nagtuturo sa mga pamantasan dito sa maynila. Isa sa mga bisyon ko bilang mag-aaral sa PNU, nakikita ko ang sarili ko na magiging mahusay sa maraming aspetong pang-edukasyon kung saan makakahubog sa kaalaman at karakter ng bawat estudyanteng mahahawakan ko. Dagdag pa riyan, ang propesyon ko bilang guro ay tiyak kong magagawa nang tama sa inaasahang taon na ito.

1-16, Dagal
Sampung taon mula ngayon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang matagumpay na guro na tumitindig para sa pagbabago at para sa paglago ng sistema ng edukasyon. Isa ako sa mga kagurang humuhubog sa mga kabataan na matuto at umunlad bilang isang tao. Bilang isang guro sa asignaturang Filipino, nakikita ko rin ang aking sarili na patuloy na nagpapalaganap ng pagpapahalaga sa ating sariling kultura, panitikan at wika. Ako ay magsisilbing daan upang ipaalala sa mga susunod na henerasyon ang kahalagaan ng panitikang Filipino sa ating pagiging Pilipino. Sa ganitong paraan, naniniwala ako na mapapanatili ko ang ating pagkakakilanlan sa kabila ng mga pagbabago ng ating lipunan.

1-16 Madrigal
Nakikita ko ang sarili ko paglipas ng 10 taon ay isa na akong propesyonal na guro ng Sipnayan sa Sekondarya ng Highschool. May naipundar na rin na sariling bahay para saaming pamilya. Masasabi kong istable na ang aking pinansyal, emosyonal, at pisikal na katawan. Mahalaga sa akin na sa panahong iyon, mas buo na ako bilang tao at mas malapit sa mga pangarap ko.

I-4 Dizon
Pagkalipas ng sampung taon, nakikita ko ang sarili ko bilang isang guro na handang gumabay at magbigay inspirasyon sa mga estudyante. Gusto kong lumikha ng positibong kapaligiran sa pag-aaral kung saan sila ay mahihikayat na abutin ang kanilang mga pangarap. Para sa akin, ang pagtuturo ay hindi lang trabaho kundi isang tunay na passion. Naniniwala ako na ang pagiging guro ay magbibigay sa akin ng layunin at kasiyahan sa hinaharap.

I-16 (Anglo, Kiersten Ivy L.)
Pagkalipas ng mahigit sampung taon, nakikita ko ang sarili ko na naglilingkod sa isang paaralan kung saan ako’y patuloy nahuhubog at nagbabahagi ng mga kaalaman. Nagtuturo ako ng mga asignatura ukol sa Ingles. Alam kong masaya akong naibibigay ko sa mga estudyante ang edukasyong karapat-dapat nilang matanggap. Bukod pa rito, sigurado akong mayroon na akong sariling pamilya, bahay, sasakyan, at negosyo. Naibabahagi ko ang tulong hindi lang para sa aking pamilya, kundi pati na rin sa mga nangangailangan, maari itong tao, institusyon, o mga hayop. Kampante rin ako na sa taong ito ay nakararanas na ako ng “Financial stability” na kung saan naibibigay ko sa aking sarili at pamilya ang mga bagay na aming gusto at bahagi ng aming pangangailangan. Kuntento na rin nawa ako sa kung anong meron man ako at patuloy na magpapasalamat sa bawat pagkakataong mabuhay sa mundong ito. Sa tingin ko ay tinatrato ko ang buhay bilang isang masayang bagay na dapat sulitin at itrato ang bawat araw na mahalaga at may kahulugan.

I-16 Alabat
Nakikita ko ang sarili ko sa hinaharap bilang isang propesyonal na guro na nag tuturo sa isang paaralan na akin ring pinanggalingan. Ngunit kung hindi ito ang plano ng diyos para saakin ako ay magiging isang propesyonal na manlalaro ng baseball o kaya naman ako ay nag tuturo ng sport na aking minahal at kinagiliwan. Hindi ko sasayangin ang oportunidad na ibinigay saakin ni inang pamantasan sa larangan ng pag tuturo dahil ito ay isang pribelehiyo.

1-4 Manucan
Pagkalipas ng sampung taon, nakikita ko ang aking sarili bilang isang propesyonal na guro na patuloy na nagbibigay inspirasyon at kaalaman sa mga estudyante. Inaasahan kong hindi magiging madali ang proseso na aking pinagdaanan bago makarating sa sitwasyon na iyon ngunit ang misyon ng Inang Pamantasan ang tunay na magiging sandalan upang magpatuloy at nagtulak sa akin upang makapagtapos at mahubog bilang isang guro na naka-align sa vision ng institusyon. Nakikita ko rin ang PNU bilang mas kilalang institusyon na patuloy na humuhubog ng mahusay at makabagong mga guro para sa bayan.

QUINALAYO | I - 4
Nakikita ko ang sarili ko bilang isang lisensyadong guro, na ngangalaga at nag sisilbing gabay sa aking mga mag aaral. Habang dala ang kaalaman na ibinihagi sa akin ng aking mga propesor, at ang pangalan ng ating Inang Pamantasan na patuloy kong ipagmamalaki na matatawag kong alma mater, hanggang sa ako'y makapagturo na.

IGNACIO_ I - 4
Nakikita ko ang aking sarili bilang isang guro sa pampublikong paaran bilang isang guro ng social studies o sa isang pasilidad ng special education. Sa panahong iyon ay mas nahubog na ang aking pagtuturo at ito ay akin nang maibabahagi sa aking mga estudyante at ang mga aral na natutunan ko sa ating pamantasan ay aking maisasabuhay at magagamit bilang halimbawa kapag ako ay nagtuturo na. Ito ang aking plano o pangarap na matamo makalipas ang sampung taon, sana ako ay nakatutulong na at nakapagtuturo ng mga mahahalagang impormasyon at aral sa aking mga estudyante na magagamit nila at maaaring maipasa sa ibang tao o sa susunod na henerasyon. Para sa ating pamantasan, nakikita ko na ito ay nangunguna pa rin sa paghubog ng mga susunod na guro ng bayan dahil sa angking galing ng mga guro at maging ng institusyon.