Pagtaas ng Unemployment Rate sa Pilipinas 2020 by Imma Lae Limpin

Pagtaas ng Unemployment Rate: Ano nga ba ang ibig sabihin nito?
Ang Unemployment Rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong naghahanap ng trabaho. Kasabay ng pagbaba ng Unemployment Rate ay ang pagbaba din ng Labor Force Participation sa ating Bansa. Ang Labor Force ay tumutukoy sa mga taong 15 years old pataas na nagtatrabaho (employed) at aktibong naghahanap ng trabaho (unemployed).

Kumbaga masasabi natin na sa isang banda ay maganda ang epekto ng pagbaba ng Unemployment Rate dahil nababawasan ang mga taong naghahanap ng trabaho. Pero masasabi rin natin na hindi ito maituturing na talagang “good news” dahil sa pagbaba ng Unemployment Rate ay ang pagbaba din ng partisipasyon ng Pilipinas sa Labor Force. Maaari kasi na ang dahilan kung bakit bumaba ang Unemployment Rate ay dahil tumigil na sa paghahanap ng trabaho ang mga tao.

Masasama ang isang tao sa Labor Force kung siya ay aktibong naghahanap ng trabaho o may trabaho na. Hindi kabilang sa Labor Force ang mga taong “tambay” o kaka-graduate pa lamang at naisipang mag-pahinga muna at hindi maghanap ng trabaho. Ibig sabihin lamang nito na hindi maituturing na “unemployed” ang isang tao kung hindi naman siya aktibong naghahanap ng trabaho. Kaya dahil sa pagbaba ng Unemployment Rate ang pagtaas naman ng bilang ng mga “tambay” o yung mga taong mas piniling hindi na magtrabaho. Hindi ibig sabihin na bumaba ang Unemployment Rate ay bumababa din ang mga taong walang trabaho bagkus ay bumababa rin ang bilang ng mga taong walang mahanap na trabaho.

Sa kabilang banda maituturing natin na “bad news” ang pagtaas ng Unemployment Rate. Ang pagtaas kasi ng Unemployment Rate ay nangangahulugan na mas dumarami ang mga taong walang mahanap na trabaho. Tulad na lamang ng nangyayari sa ating bansa ngayon, maraming tao ang nawawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Isa itong “bad news” dahil marami ring establisyemento ang nagsara kaya mas magiging maliit ang oportunidad na makahanap ng isang maayos na trabaho. Tumataas din ang bilang mga Underemployed. Sila yung mga taong may trabaho na pero dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin ay hindi nagiging sapat ang sweldo na nakukuha nila at mas piniling humanap ng isa pang trabaho.

Paano ito nauugnay sa Produksiyon?

Sa pagtaas ng Unemployment Rate ay bumababa din ang produksiyon sa Pilipinas lalo na ngayong may pandemya. Ngayong may pandemya, maraming establisyemento ang nagsara na naging dahilan sa pababa ng bilang ng mga kompanyang tumatanggap ng empleyado. Lumiliit din ang sahod ng mga empleyado kaya napipilitan na magbawas ng tao ang mga may-ari. Nagiging daan din nila kasi ang pagbabawas ng empleyado para hindi malugi ang kanilang kompanya o tindahan.

Sanggunian:

https://www.ceicdata.com/en/indicator/philippines/unemployment-rate  (larawan)

https://usapangecon.com/2018/10/11/pagbaba-ng-unemployment-at-pagtaas-ng-underemployment-nakakatuwa-o-nakakabahala/

Epekto ng Pandemya sa mga Empleyado
Nakaraang taon ay naging isang tigpaw sa ating lahat ng may sumalakay sa ating bansa na isang virus, ang COVID-19. Hindi natin inaasahan ang pandemyang naganap na kahit hanggang ngayon ay hindi parin naglalaho. Marami man itong iniwang sakit sa ating lahat, na-apektuhan rin ng labis ang buong ekonomiya ng Pilipinas. Karamihan ng mga negosyo ay nalugi kaya panandaliang huminto sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo at sa produksyon nito, ang iba’y nauwi naman sa pagsara na lang ng mga ito. Nangutang rin ang iba upang ipagpatuloy lang ang kanilang pagtitinda upang kumita subalit mas nagpadagdag din sa kanilang gastusin. Mayroon ring napilitang magtanggal ng mga empleyado sa kadahilanang walang ma-ipangswesweldo. Nagbunga ito ng labis na pagtaas ng mga Pilipinong walang trabaho. Ang ibang nawala sa trabaho ay ang nag-iisang bumubuhay lamang sa kanilang pamilya kaya naman uma-aray na sila sa kanilang mga gastusin. Ang masaklap ay wala silang makuhang ipangbabayad dito, idagdag pa ang kanilang gastusin para sa kakainin. Dahil sa kawalan ng trabaho at pagkukuhanan ng pagkikitaan mas lalong lumala.

Sa kabilang dako, nagkaroon din kahit papaano ng magandang bunga ang pagkakaroon ng pandemya. Sa pagtungtong ng buwan ng Hulyo noong nakaraang taon, mahigit 4 na milyon ang nabawas sa bilang ng mga unemployed dito sa Pilipinas. Maraming nagsimulang magtayo ng sari-sariling negosyo upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya. Ang iba na dati’y mga offfice worker o kaya nama’y walang trabaho, ngayon ay isang negosyante na. Pumatok sa mga online platforms ang pagbebenta nga mga pagkain at inumin, tulad ng mga brownies, milktea at cookies. Sa paraang ito, nagsimulang magtrabaho ang ibang walang balak o walang trabaho at kumita pa sila ng malaki na napakalaking tulong sa kanila upang matugunan ang mga pangangailangan. Bukod dito, dumarami rin ang nakakapagprodyus ng mga produkto lalo na sa usapang mga pagkain na nagbibigay kasiyahan at tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.

Pagsasara ng ABS-CBN
Napakalaking epekto ang pagpapasara ng ABS-CBN Corp. sa ating bansa. Nawalan ng hanap-buhay ang labing-isang libong (11,000) mga tao at mahigit pitong libo (7,000) pa ang mga regular na empleyado. Kung susumahin, ang pamilyang maaapektuhan ay aabot ng animnapung-libong (60,000) mga tao. Maliban sa nawalan ng trabaho ang libo-libong mga tao na nagpataas lalo sa bilang ng mga unemployed sa ating bansa, naapektuhan rin ang ating ekonomiya.

Nakasandig sa ABS-CBN ang mga advertising exposure ng maraming mga marketing industry at advertising company, tulad ng mga kumpanya ng mga pagkain at inumin, consumer goods manufacturers, at mga herbal medicine producers. Maliban dito, ang ibang mga investors sa ating bansa ay tiyak na mawawalan ng tiwala sapagkat ito’y tanda ng walang kasiguraduhang pagnenegosyo sa ating bansa. Labis ang epekto nito sa proseso ng produksiyon dahil maaaring mawalan tayo ng produksyon mula sa ibang bansa sa kadahilanang pinutol na ang negosasyon ng ibang investors sa Pilipinas. Wala na ring makakapaghikayat na bilhin ang isang espesipikong produkto na magbubunga ng pag-unti sa pagprodyus nito at ikahihina ng daloy ng ating ekonomiya.

Sanggunian:

https://news.abs-cbn.com/news/05/08/20/pagsasara-ng-abs-cbn-broadcast-malaki-ang-epekto-sa-industriya-ng-advertising-eksperto

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/02/17/1993671/mga-posibleng-epekto-sa-pagsasara-ng-abs-cbn

Mababang halaga ng sahod
Tinatalang bumaba ang bilang ng mga unemployed sa ating bansa subalit tumaas naman ang bilang ng mga underemployed o ang mga taong may trabaho na pero naghahanap parin ng karagdagang trabaho. Maraming mga tao ang kumakayod upang mas malaki pa ang kanilang kikitain para matugunan at makamit ang mga pangangailangan. Matagal ng problema sa ating bansa ang kaliitan ng halaga ng ipinapangsweldo kaya naman nagbunga ito ng paghahanap ng pangalawa o higit pang trabaho ng mga mamamayan para dumoble at mas marami ang kikitain. Malaki naman ang ambag nito sa produksiyon sapagkat mas dumarami ang mga mangagawang nag-aalay para sa ating bansa. Marami ang mga produktong nalilikha at serbisyong na-isasagawa para matugunan ang pangangailangan at kasiyahan ng bawat isa.

Sanggunian:

https://www.rappler.com/business/unemployment-rate-philippines-october-2020

Repleksyon
Sa aming pananaw, mas naunawaan namin kung ano at kung paano gumagana ang sistema natin dito sa ating bansa tungkol sa paghahanap ng mga trabaho. Nakakaapekto pala ang paggalaw ng unemployent rate sa produksyon sapagkat parte ng proseso ng produksyon ang mga manggagawa o mga empleyado. Mas lumalim din ang aming kaalaman tungkol sa Unemployment Rate at napagtanto namin ang iba't ibang salik na nagbunsod ng pagtaas ng bilang ng mga unemployed sa Pilipinas. Ang mga unemployed pala ay ang mga taong walang trabaho na aktibong naghahanap nito at hindi pala kabilang ang mga "tambay" doon na hindi naman aktibong naghahanap ng trabaho. Sa kabuuan, hindi talaga biro ang pinagdadaanan natin ngayon, lalo na sa mga oras na ito. Maraming mga establisyemento ang nagsara, nagbawas ng empleyado at bumaba ang bilang ng mga customers. Huwag tayong maging parte ng mga tambay dahil baka sa huli tayo'y magsisi kapag kinapos na sa pera at baka mahirapan tayong makapaghanap ng trabaho.