3J - MALASAKIT SA KAPWA SUSI SA PAG-UNLAD by rosalynn martinez

PANG EDUKASYON - Lucas Inigo Bagulbagul
Ang programang pang edukasyon ang pinaka importanteng programa na dapat bigyan ng pansin at solusyon sa bawat lungsod. Dahil sa edukasyon, magkakaroon tayo ng mga mabubuting lider at mamamayan na marunong sumunod at umintindi sa batas na ating pinapatupad.

Ang edukasyon din ang mag sisilbing susi sa pagbabago ng bawat lugar dahil magiging marunong umintindi ang bawat mamamayan.

Pang edukasyon - Claire Scarlet Aura A. Caldeon
Ang programa na edukasyon ay pinaka importante na programa lalo na sa mga batang 2020's. Dahil natututo sila magsulat,maging mapag bigay at natututo rin sila mag salita ng maayos at magbasa. at dahil sa pag aaral nang mga bata pwede sila maging mabuti na lider at iba pa.

Ang edukasyon din ang mag sisilbing susi sa bawat na lugar upang matuto ang mga bata.

- Scarlet Calderon

KADIWA Program " Bilihing Abot-Presyo " likha at sinulat ni Bb. Gavin Alexandra Riate Sienes 3-J # 31
Ang layunin ng programang ito na magbigay ng mas murang alternatibong mga produkto na  may kalidad para sa mga mamimili sa gitna ng pagtaas ng mga mga bilihin katulad ng mga sibuyas, bigas, asukal at maraming pang iba.
Ginaganap ang programa 2 beses kada linggo sa naka iskedyul na barangay at iikot sa 16 na barangay dito sa aming lungsod na Paranaque, City.
Ito ay pinamumunuan ng ating butihing mayor Eric L. Olivarez kaagapay ang unang ginang  Aileen Claire Riate Olivarez.
Ang Kadiwa Program ay isa rin sa maraming  solusyon sa kakulangan ng trabaho sa aming lungsod dahil nabibigyan ng pagkakataon na maibenta at maitanghal ang mga produkto na gawa mismo ng mga miyembro ng aming " Livelihood Programs " gaya ng mga  produktong sabon, mga kandila, pabango, longganisa, tocino, mga pagbuburda at pananahi.
Ito rin ay sagot sa mga limitadong produkto  na magagamit sa merkado dahil maaring sumali ang lahat ng mga maliliit na negosyante na may ibat-ibang produkto tulad ng pagkain, damit, pangangailangan sa katawan, mga gamit pang eskwela at iba pa, sa abot kayang halaga kumpara sa mga mabibili sa mga malls, at pribadong supermarket.
Ito ay  hindi lang sinasalihan ng  mga taga Paranaque kundi bukas ito sa iba pang  mga lungsod at lalawigan sa ating bansa.
Kaya ngayong darating na bakasyon, nais ko din sumali at magbenta ng mga gawa kong arts and crafts katulong at kasama ko  ang aking mommy at lola.  Ano mang pera na aking maiipon ay maari kong ibigay sa mga mahihirap at mga bata na nais makapag-aral.  Ako rin ay gagawa na liham sa aming mayor na pagpatuloy ang programang ito taon-taon dahil malaking tulong ito para sa mga kapos sa buhay at maliliit na negosyante.
At ngayong na sunod-sunod ang pagpapatayo at pagpapagawa ng mga imprastraktura tulad ng mga Macapagal Expressway,  Skyway, NAIX  dito sa Paranaque, mas naging maunlad at mabilis na naaangkat ang mga produkto upang kaagarang magamit ng mga mamamayan ng aming lungsod. Kaya naman tinawag kaming "The Mega City By The Bay"
Thumbs Up tayo sa KADIWA Program.

---Gavin Alexandra Riate Sienes ---

Napakaganda ng iyong suhestiyon Gavin. Good job! Keep it up!

Terrence Dhez Rhian Manglugay 3J
KAWALAN NG TRABAHO
SOLUSYON-PROGRAMANG PANG EDUKASYON
Ang problema ng kawalan ng trabaho o unemployment ay isang mahalagang isyung pang-ekonomiya na kinakaharap ng maraming lugar sa ating bansa. Ang pagpapaunlad ng edukasyon ay isa sa maraming solusyon upang maiwasan ito.

Pagpapaunlad ng Edukasyon at Training: Ang pagbibigay ng tamang edukasyon at training sa mga mamamayan ay mahalaga upang matugunan ang pangangailangan ng merkado sa trabaho. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga programa sa edukasyon at vocational training, maaari nating matiyak na ang mga mamamayan ay handa at may kasanayang kailangan ng mga employer.

Ang  mungkahing ito ay naglalayong hindi lamang mabawasan ang problema ng kawalan ng trabaho kundi pati na rin matiyak na ang mga mamamayan ay may kakayahang makipagsabayan sa mga pagbabagong pang-ekonomiya.

Zero Waste Project Bins
Ang suliranin sa basura ay isang malaking problema ng ating bansa. Nararapat na ito ay mabigyang pansin para matulungan ang ating kalikasan tulad ng pag reduce, recycle, refuse, reuse at rot.

Sa paraang ito, mababawasan ang masamang epekto ng basura sa ating kalikasan. Ang pag sesegrate ng mga basura  at pagtatapon sa tamang lugar ang isa sa epektibong solusyon para mapanatili natin ang kaayusan at kalinisan ng ating kapaligiran.

Kung malinis ang paligid, magiging maganda at maayos ang ating buhay. Maiiwasan nito ang pagbaha at ang mga tao ay makakaiwas din sa pagkakaroon ng sakit na epekto ng masamang dulot ng basura.

ANTON MIKAEL B. ALMEDA 3J
Halos lahat ng lugar ay may problema sa basura kung kaya dapat magkaroon ng programa para mabawasan ito.

Bilang isang estudyante mayroon tayong magagawa upang makatulong. Pwede natin isegregate ang ating mga basura at ibenta ang mga ito sa junk shops.

Kahit sa maliit na paraan na ito tayo ay makakatulong makabawas sa basura at magkakaroon pa tayo ng pera pangdagdag sa budget ng pamilya.

Sophia Isabelle Domantay 3J
Tuwing 6:30 ng hapon, nakasanayan na namin na manood ng balita sa telebisyon.  Paulit-ulit kong naririnig ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.  Nalulungkot ako kapag naririnig ko ang mga reklamo ng mga tao tungkol dito.  Halimbawa, marami ang namahalan noong naibalita na mataas na ang presyo ng sibuyas, luya, bawang at bigas. Nababanggit din ito ng aking mga magulang tuwing bumibili kami sa supermarket.

Malungkot isipin na dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na ng pagkain, mas kakaunti ang mabibili ng mga Pilipino mula sa kanilang pera. Kawawa dito kaming mga bata dahil kailangan namin ng masustansyang pagkain para lumaki kaming malusog at malakas.

Ang mga bata ay may magagawa upang mabigyan ng solusyon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito ay ilan sa mga gawain na nais kong gawin ngayong bakasyon na.  Ito ay ang mga sumusunod:

1.  Pagset-up ng mga community gardens at paghikayat na mag urban gardening ang bawat baranggay.

Ang pagtatanim ay isa sa mga gawain na pwedeng gawin ng buong pamilya at ng komunidad.  Bukod sa pagiging isang masaya at produktibong gawain, masarap at masustansya din ang mga prutas at gulay na pwede nating anihin sa urban gardening.

Dito sa siyudad, marami pang lugar na pwede naman pagtaniman ng mga gulay at prutas. Malaking tulong na magtanim ng mga gulay at prutas kasi makakatipid tayo ng pera. Mas gaganahan pa tayong kumain ng masustansyang pagkain na galing sa mga halaman na ating itinanim.

Maaaring gamitin ang mga abandonado o bakanteng lote na madalas na ginagawang tambakan ng basura.  Makakatulong ito na mapaganda ang ating kapaligiran at mabibigyan ng produktibong pagkakaabalahan ang mga miyembro ng komunidad.

2.  Turuan ang mga ka-baranggay kung paano makapagluluto ng masustansyang pagkain kahit na  tipid o maliit lamang ang budget.

Maliban sa pagtatanin sa community garden, mainam din na magbahagi at makipagpalitan ng mga recipe kung saan sangkap ang mga tanim sa hardin at kung paano ito lulutuin na marami ang makakakain.

3.  Mag-imbita ng mga "Wais Nanay" na magsagawa ng seminar kung paano mag budget at magbahagi ng kanilang "wais tips" sa pagbudget ng pera.

Kapag mataas ang presyo ng mga bilihin, dapat tayo ay magtipid ng pera. Kailangan turuan ang mga bata at matatanda ng tamang paggastos para madami pang mabiling pagkain o anumang pangangailangan mula sa limitadong budget. Kaming mga bata ay dapat ding matuto tungkol sa wastong paggamit ng pera para hindi namin magastos ang aming allowance sa mga bagay na walang katuturan.

4.  Makilahok sa mga Weekend Farmer's Market

Mayroong regular na Farmer's Market sa FTI, Taguig. Tuwing Sabado at Linggo, maaari kang magbenta ng mga pagkain, gulay, prutas, halaman, at kung anu-ano pa.  Ang mga sobrang gulay at prutas na inani mula sa aming community garden ay maaari naming ibenta dito at ang kikitain na salapi ay pwedeng gamitin sa pagbili ng punla, lupa, organic fertilizer, at kung ano pa na kailangan upang mapanatili ang ganda ng aming hardin.

Nia Ferzel Garcia Bautista 3J
Malaking problema ang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa maraming lugar sa bansa. Dahil sa pagtaas ng presyo, maraming tao ang nahihirapan pagkasyahin ang kanilang mga kinikita. Dahil dito, nag-isip ang pamahalaan ng Pasig na gumawa ng isang mobile palengke, ngunit natigil na ito.

Ang solusyon ko ay ipagpatuloy ang nasimulang programa ng aming alkalde, Mayor Vico Sotto. Ang mobile palengke ay isang proyekto na magdadala ng mga murang produkto sa bawat barangay ng lungsod. Imbes na mamasahe patungong palengke, ang mga produkto tulad ng prutas o gulay ay mabibili sa murang halaga at ito ay malapit pa sa kanilang mga komunidad.

Ang layun ng proyekto ay ang pag-kuha ng produkto direkta mula sa mga magsasaka. Pagkatapos, ito ay dadalhin ng mga "Mobile Palengke" direkta sa mga mamimili upang ito ay maipagbili sa mas murang halaga. Tapos, magdadagdag pa ng dalawa pang palengke sa dating lima para mas maraming tao makakabili ng murang produkto.

Miquela Anika B. Uy 3J
Ang proyektong ito ay “JRF Dagdag Puhunan Muntiprenuers”. Ang layunin nito ay mabigyang edukasyon ang mga mamamayan ng muntinlupa ng sapat na kaalaman sa pagnenegosyo. Marami ang mga batikan na sa pagnenegosyo ang nagbahagi ng kanilang kaalaman upang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan sa pagnenegosyo. Nagsagawa sila ng libreng seminar sa lahat ng nais lumahok at nagpaplano na magtayo ng negosyo tulad ng sari-sari store at carenderia. Mabibigyan nito ng pantay na oportunidad na umunlad ang kabuhayan. Binibigyan din nila ng dagdag na puhunan ang mga ito upang makapagsimula ng kabuhayan. Makakatulong din ang programang ito upang masolusyunan ang suliranin sa kakulangan ng trabaho at makakatulong din ito upang magkaroon ng dagdag na kita ang pamilya sa muntinlupa. Mapapataas din nito ang kita ng lungsod na maaaring maitulong sa iba pang proyekto ng lungsod upang lalong umunlad ang lungsod. Isang paraan din ito upang lubos na maipakita ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan.

Alfonso - 3J
Mula sa tulong ng Makati Business Council at Department of Trade and Industry sa tulong ng aking mga magulang, upang maabot ang aking gustong programa.  Hinihikayat ang mga negosyante magtayo ng mga bagong negosyo upang madagdagan ang trabaho sa aming lugar.. Sa tulong nila mapapadali ang pag paparehistro ng mga bagong negosyo , pagbibigay priority na mailabas ang anumang gawaing administrasyon upang masimulan ang nais na negosyo kasama ang supportang pinansyal sa maliliit na negosyante.   Sa paraan na ito , madadagdagan ang pangagailangan ng mga trabahador , na isang solusyon sa ating problema sa ating lugar.

Farm2Food - Theo
Ito ay isang program na nagbibigay ng transportasyon para sa mga produktong galing sa iba't ibang farm papuntang Farm2Food stations sa lungsod ng Maynila.

Ito ang magsisilbing koneksyon ng mga magsasaka sa probinsya para maibenta ang kanilang produkto derecho sa mamimili. Hindi na sila dadaan sa traders na syang bumibili ng produkto ng mura at binibenta ng mahal.

Dahil dito, sana maging affordable ang ating mga pagkain at fresh na galing sa mga farms.

Improper Waste Disposal: Paglutas sa Waste Crisis sa Lungsod ng Parañaque sa Pamamagitan ng PHilippine Alliance of Recycling and Material Sustainability (PARMS)
Ang Lungsod ng Parañaque ay kilala sa mataas na produksyon ng iba't ibang pagkaing dagat dahil ito ay isang coastal area, partikular ang mga tahong at talaba. Gayunpaman, kahit na ang lungsod ay may sapat na mapagkukunan ng pangingisda, ang dami ng basura sa mga lawa at palaisdaan ay katumbas o higit pa sa mga nahuhuling isda. Ang lungsod ang may pinaka-malaking tonelada ng basura sa Southern District ng Metro Manila na mayroong 634.63 tons. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), "Ang pagsuri sa kalidad ng tubig sa tatlong (3) lugar ng sampling ng BFAR ay nagpapakita ng mahinang antas ng dissolved oxygen at mas mataas na antas ng ammonia (uri ng gas) at phosphate (uri ng acid) kaysa sa standard nito." Sa madaling salita, ang sobrang ammonia at phosphate na nanggagaling sa mga agrikultural, domestic, and industrial wastes ay maaring makapinsala sa kalidad ng tubig, na posibleng humantong sa pagkamatay ng mga isda. Dahil dito, napagkasunduan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque at ng PHillipine Alliance of Recycling and Material Sustainaility (PARMS) sa pakikipagtulungan nito sa sustainable transformation ng mga basura. Ang PARMS ay lilikha ng mga produktong plastik na naka ayon sa mga pangunahing pangangailangan ng lungsod. Ang mga produktong na ito ay hindi limitado sa mga upuan sa silid-aralan, parking bumpers, tiles, eco-bricks, at mga produkto na maaring makatulong rin sa pangingisda. Bukod pa rito, makakapagsimula ang local na pamahalaan ng isang intensibong waste recovery program for upcycling, na ipatutupad sa sandaling maglabas sila ng ordinansa. Sa programang ito, maaring mabawasan ang tonelada ng basura sa Parañaque at maaring magamit rin ng ibang mga lungsod. Ang kagandahan nito ay hindi lamang mababawasan ang basura sa siyudad, tataas ang produktibidad ng  pangingisda na magiging daan sa pag-lago ng ekonomiya ng lungsod.

Deusel Abrael L. Dela Rosa
Ang Philippine Development Plan o PDP para sa taóng 2023 hanggang 2028. Ang planong ito ang gabay ng ating pamahalaan sa pagkamit ng hinahangad na kaunlaran sa ating bansa. Sa dokumentong ito inilalatag ng mga economic managers ng ating pamahalaan ang mga target at istratehiya upang maisakatuparan ang mga ito hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Marcos sa 2023. Ang PDP ang magsisilbing batayán ng lahat ng ahensiya ng gobyerno sa pagbubuo nila ng kani-kanilang mga patakaran, programa, at proyekto.
Gaya sa mga nakaraang PDP, matingkad sa kasalukuyang plano ang patuloy na pagtugon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtiyak na ang pag-angat ng ekonomiya ay napakikinabangan ng lahat. Ito ang tinatawag nating “inclusive growth”. Kasabay nito ang pagpupursiging ibaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Nakalagay din sa plano ang layuning itaas ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno at lipunan; pag-ibayuhin ang kakayahan ng mga komunidad na tumugon sa sakuna; at pag-alabin ang hangarin ng mga Pilipinong isulong ang pagbabago.
Upang makamit ang mga layuning ito, inisa-isa ng PDP ang mga istratehiyang gagamitin ng pamahalaan at ang mga ito ay may ginrupo sa tatlong kategorya: malasakit, pagbabago, at patuloy na pag-unlad. Nakapaloob sa kategorya ng “malasakit” ang mga istratehiyang magpapatatag sa mga bagay na nag-uugnay sa ating mga Pilipino. Halimbawa nito ang pagpapahusay sa mga pampublikong tanggapang nakatuon sa pangangailangan ng taumbayan. Ang mga ito ay dapat na maging mabilis at patas na paghahatid ng katarungan. Dapat din nilang itinataas ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa mayaman nating kultura. Sa ikalawang kategorya naman, binibigyang-diin ang mga istratehiyang ipadarama sa mga ordinaryong Pilipino ang “pagbabago”. Hangad ng mga istratehiyang ito na iangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda. Pahuhusayin din ng pamahalaan ang mga programang pangkalusugan at pang-edukasyon, kasabay ng pagtataguyod ng karapatan ng mga nasa laylayan ng lipunan. Samanatala, nakatuon naman ang huling kategoryang “patuloy na pag-unlad” sa istratehiyang magpapaigting ng tinatawag na science, technology and innovation, kaakibat ang mga hakbang na gagabay sa mga pamilyang Pilipinong tiyaking akma ang kanilang kakayanan upang tugunan ang mga pangangailangan ng bawat miyembro.
Maganda sa pandinig ang nilalaman ng Philippine Development Plan at hangad nating makamit ng pamahalaan ang mga mabubuting layunin nito. Bagama’t malaking bahagi sa katuparan ng mga ito ay nakasalalay sa mga ahensya ng gobyerno, malaki rin ang hinihingi nito sa ating mga mamamayan, sa taumbayan. Katulad ng sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang taumbayan ang nagbibigay kapangyarihan sa pamahalaan kaya’t taumbayan din ang nararapat na magtamasa sa mga serbisyo at produkto ng pamahalaan. Dahil dito, masugid tayong hinihimok ng ating Simbahan na makilahok at mag-ambag hindi lamang sa mga pampulitikang usapin at gawain, kundi maging sa mga aspeto ng pamamahala na may kaugnayan sa ekonomiya, kultura, at buong lipunan.
Tungkulin nating makilahok sa buhay ng ating lipunan, kaya’t dapat natin itong tupdin nang may pananagutan at nang may pagtanaw sa kabutihan ng lahat. Hindi natin makakamit ang kabutihang hatid ng demokrasya kung walang aktibo at responsableng pakikilahok ang mga mamayanan. Maaari itong magsimula sa pagbabantay at paninigurong hindi mananatiling nasa papel ang magagandang plano sa PDP. Ngunit bilang mga Kristiyano, samahan natin ang pakikilahok ng pagsusuri at pagkilatis kung ang mga hakbang na gagawin ng mga namumuno sa atin ay makatao at maka-Diyos. Mga Kapanalig, ang aktibo at mapanuring taumbayan ang susi sa kaunlaran.
Sumainyo ang katotohanan.

Marc Lucas A. Fajardo CN9
“Ang pangunahing suliranin na gusto naming solusyunan ay ang pagbaha na nararanasan ng milyon-milyong Pilipino sa loob at labas ng Metro Manila. Ito ay dala ng mga problemang matagal nang hindi nagagawan ng solusyon. Hindi pagpapaganda ang dapat maging prioridad kundi ang paglilinis nito na siyang daan para mapaganda ito,”wika ni SMC president Ramon Ang.

“Sa paglilinis at pagpapalalim ng Ilog Pasig ay magpapataas ng kapasidad nito bilang daanan ng tubig baha galing sa Marikina River na kadalasang napupunta sa Laguna Lake sa pamamagitan ng Manggahan Floodway. Sa pamamagitan ng paglilinis ay maaaring mabawasan ang pagbahang nararanasan ng Marikina at maging ng mga lungsod at bayan sa Laguna tulad ng Calamba, San Pedro, Biñan, Sta. Cruz at Pila, sa Laguna tulad nung naranasan yung Bagyong Ulysses,” wika ni Ang.

Bilang mag-aaral, makakatulong ako sa aking maliit na paraan sa pamamagitan ng paglilinis ng aking kapaligiran.  Sisiguraduhin ko na maayos ko din na nasusunod ang tamang pagtatapon ng basura. Uugaliin ko din na mag-recycle at maging aktibo sa pagsali sa mga programa na tinataguyod ng aming barangay para sa kalinisan.

Alexa Noelle B Lopez 3J
Eco Ikot Center

Ang tamang pag bubukod o pag hihiwalay ng mga basura gaya ng nabubulok at di mabubulok ay nakakatulong sa lutas ng problema sa basura ang mga plastic na bote
ito ay maaring dalin sa mga eco ikot center
at mabigyan ka ng mga merch gaya
ng tote bags, tumblers at marami pa
iba.
Panatiliing malinis ang ating papaligiran sa pamamagitan ng pag wawalis sa bakuran
maaari natin ibaon sa lupa ang mga tuyong dohon at bulaklak o balat ng prutas upang maging compost. Ugaliin natin mag reuse,
reduse  at recycle. Mag recyle tayo ng
mga plasic na bote, mga lumang damit'
at mga babagsain. Isang halimbawa ng pag rerecyle ay ang mga tetra packs, foil ay
maaring gawin eco bags at pagkakakitaan. Maari natin ireduce o mag tipid ng
tubig, kuryente ganun din ang mga tetra packs juice.

Viktoria C. Calauad
Ang maruming tubig sa ating mga ilog ay may malaking epekto
Hindi lamang sa mga kalusugan ng mga tao kung hindi pati ang mga buhay naninirahan sa paligid ng  ilog, katulad ng mga isda na is ang pangunahing pagkain ng mga tao. Isa sa mga sanhe ng polish on ay ang pagtapon ng basura kung saan saan.Ang mga nakatira din sa paligid ng ilog ay isa sa mga nagdudulot ng madumi at mabahong tubig dahil ginagawa nila itong palikuran.
Isang solusyon na ma gagawa natin ay ang pagrecycle ng mga plastic bote sa paligiran. Maaari din natingipagbawal ang partita ng mga squatters sa paligid ng mga ilog para mapanatiki ang kalinisan nito

Kayden Dash Civil 3J
Taguig Community Center (Parke)
ay isa sa mga bagong parke na nasa brgy Bagumbayan Taguig. Ito ay isa sa mga programa na ang layunin ay i-promote ang lugar bilang isang pasyalan para sa mamamayan ng Taguig. Ang parke ay isang food park, Basketball court, Fitness center at pampublikong pamilihan kung saan makakabili ng prutas, gulay, karne at iba't ibang wet and dry na produkto.

Ang Community center ay isang bagay na makakatulong sa pag-unlad ng aking lungsod lalo sa pahanong ngayon na nagtataasan (inflation rate) ang mga bilihin. Ito ay nagbibigay ng opportunidad sa mga mamamayan ng Taguig na magkaroon ng trabaho sa pamamagitan ng pagtitinda sa loob ng parke. Ito rin ay makakatulong sa mga mamamayan upang makamenos gastos sa transportasyon dahil ang mga community center ay mas napapalapit sa kanilang mga tahanan.

Bilang isang batang mamamayan ng Taguig hihikyatin ko ang aking magulang at kamaganak upang laging bumisita doon upang mamili at kumain.

Maraming salamat po

Makati City ilog. Dapat hinde mag tapon ng mga basura sa mga ilog at dagat.Ito ay Ma apektado sa mga tao sa mga Makati City.Ang sulosyon para hinde tayo ma apektado nito.1 wag mag tapon sa mga basura sa mga ilog at dagat kasi paano tayo mag swimming.2 Tell your friends or your family tao stop throwing trash in the Ilog or dagat kung sila ay nag liliter.
Ako si Elle Jane Labid Makati City ilog.

'Halina Ka-Klase' education program
Zander Gavyn Chan

Ang program ang ‘Halina Ka-Klase’ ay isang programang pang-edukasyon, na naglalayong pahusayin ang pangunahing edukasyon ng mga bata sa Pilipinas. Higit pa, ang mga pampubliko at pribadong paaralan ay ituturo tungkol sa mga isyung panlipunan tulad ng financial literacy, pangangalaga sa kapaligiran, at marami pang iba.

Maraming  bata ang matutulungan dahil sa programa na ‘Halina ka-klase’ dahil ang programa na ito ay naka pokus sa mga bata na may edad na anim na taong gulang pataas.

Jeanne Kate S. Baure 3J
Ang programang ito ay naglalayon na pakainin ng masusustansya ang mga batang nasa elementarya sa lungsod ng Paranaque.Karamihan sa mga bata ay walang almusal pagpasok kaya nahihirapan sila mag aral ng mabuti.Dahil dito ang dep ed ay nagkaroon ng proyektong ito kung saan tuwing recess time ng mga bata pinapakain sila ng pagkain na may malunggay at iodized salt lalong lalo na sa mga batang may mababang timbang.Sa pamamagitan nito nabibigyan ng tamang nutrisyon ang mga bata sa kanilang paglaki at magkaroon na malusog na pag iisip para makapag aral ng mabuti.Salamat sa ating gobyerno sa napakagandang programang ito dahil malaking tulong ito sa mga batang salat sa buhay.

Ava Marie R. Codog 3-j
Feeding Program
binibigyan ng pamahalaan ng Las  Piñas City ang mga mag aaral ng pampublikong eskwelahan pagkapasok s mga klase upang sa ganoon sila ay  mabigyan ng tamang pagkain at nutrition bago pumasok

Torin Cade Mohammad 3J
Microfinace para sa Paranaquenos

Layunin ng programang ito ang mabigyan ng kapital o serbisyong pagbabangko ang mga indibidwal or grupong mababa ang kita na hirap makakamit ng serbisyong pinansyal. Maraming mga Paranaquenos ang gustong magsimula ng sarili nilang negosyo ngunit walang kapital o sapat na pera. Karamihan sa mga ito ay mga nawalan ng trabaho noong nagsimula ang pandemya na hanggang ngayon ay hirap pa rin makahanap ng trabaho. Kaya naisip na magsimula na lamang ng maliit na negosyo tulad ng sari-sari store, pagbebenta ng bananaque, manga, isaw at iba pa. Hangarin nila na maging tagumpay ang negosyo at mapalago ito upang makatulong sa pagunlad nila at ng kanilang pamilya.

MAKATI LINGKOD BAYAN CARAVAN - by Candice Helena F. Vinas
Patuloy pa rin ang programang Makati Lingkod Bayan sa Lungsod ng Makati kung saan dito ay may mga nagbibigay ng libreng health services at civil registration services sa Makatizens.

Mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tangghali o limang oras ang nabanggit na caravan na nation naman na Sabado gaganapin kaya hinihikayat ang mga residente ng sa bawat barangay na pumunta at makilahok sa ibibigay na serbisyo ng mga tauhan ng city hall.

Kabilang sa health services ay ang mga sumusunod blood typing, ECG (heart Screening), FBS (Blood Sugar Screening), Free Medicine (Plant Drugstore), Medical at X-Ray. Mainam na may libreng check up at gamot para sa mga tao dahil karamihan ay kapos o kaya'y walang kakayahan na magbayad sa Ospital.

Sa Social Welfare Services naman ay ang pagproseso ng yellow card (health card ng mga residente), white card, blue card, solo parent ID at iba pa.

Ang Civil Registration Services naman ay para sa late registration (birth) at birth certificate authentication at iba pa. Ang programang ito ay makatutulong sa mga mamamayan lalo na sa mga matatanda sapagkat hindi na nila kailangang bumyahe pa para lang asekasuhin ang mga dokumento.

Kasama rin sa other services ang pet vaccination and microchipping, legal aid, job fair, PAG-IBIG Fund, OFW Help Desk, Barangay Clearance, Meralco, Maynilad at Manila Water.

Iba talaga ang Makati City pagdating sa serbisyong kanilang ibinibigay sa kanilang Makatizen. Kumbaga andiyan na lahat at ang sabi nga kung ang iyong anak ay hindi nag-aaral ay kasalanan na ito ng magulang dahil libre rin ang sapatos, bag, notebook at ang planong libreng baon sa mga kabataan.

Nariyan din sa Makati City ang University of Makati (UMAK) kung saan napakababa ng tuition fee at ang mga propesor at propesora ay magagaling.

Kaya naman ang ilang mga siyudad o karamihan sa 17 cities and one municipality sa Metro Manila ay pilit na ginagaya ang mga serbisyong ibinibigay ng Makati City dahil kumbaga ang mga ito ay modelong gawain na dapat lamang pamarisan.

Ang lahat ng mga innovation na ito naman ay pinasimulan ng long time mayor at dating Vice President Jejomar Binay, ama ni Mayor Abby na siyang nagtuloy at nagdaragdag pa ng nararapat na programa para sa Makatizen.

Kendra Loreen L. Ilagan
Dahil mataas pa rin ang kahirapan sa ating bansa at marami pa rin sa ating mga kabataan ang hindi nakapapag-aral dulot ng kahirapan, inilunsad ni Mayor Eric Olivarez ang prayoridad na proyekto na magtayo ng child development center para sa mga batang gustong makapag-aral.

Ayon sa punong lungsod, ang nasabing pasilidad ay isa lamang sa 16 child development centers sa Barangay BF Homes, at ito ay kabilang din sa 135 centers ng lungsod ng Parañaque.

Ang pagsasaayos ng mga child development centers ay isa sa mga programang handog ni Mayor Eric upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa lungsod ng Parañaque.

Kabilang din sa kaniyang programa ay ang pagpapaayos at pagtatayo ng mga karagdagang gusali sa mga paaralan, pamamahagi ng monthly allowance sa mga mag-aaral sa kindergarten hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan, at pagkakaloob ng College Educational Financial Assistance Program.

Bukod sa pagiging registered nurse ay isa ring guro si Mayor Eric, kung kaya’t isa sa kaniyang adbokasiya ay ang maisulong ang magandang kalidad ng edukasyon sa lungsod ng Parañaque.

Christalle Jannie L. Abogado
Inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon nitong Miyerkules na nagbigay ito ng libreng livelihood programs sa may 100 residente sa lungsod.

Ang libreng pagsasanay, na isinagawa sa Barangay Panghulo para sa mga benepisyaryo ng Angat Dunong Serbisyo Program, ay naging posible sa pamamagitan ng Community and Urban Poor Office (CUPAO) benepisyaryo ng Angat Dunong Serbisyo Program, at inisyatiba ni Mayor Jeannie Sandoval at dating Representative Federico Ricky Sandoval II.
Ang mga indibidwal ay sumailalim sa pagsasanay sa paglilinis ng aircon, pagkukumpuni ng mga electrical appliances, basic haircut, manicure at pedicure, at foot spa, bukod sa iba pang kurso.
Hinikayat din ni Sandoval ang mga solo parents, persons with disabilities (PWDs), at senior citizens na mag-enrol sa mga kursong pinasimulan ng lokal na pamahalaan.

Malaki ang maitutulong nito sa mga naghahanap ng trabaho at mga gustong magtayio ng sarili nilang negosyo lalong lalo na sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.