Délicieux by Pinkey Roble

Naaalala ko noon kung paano gawan ng "panibagong recipe" ng ina ko ang sardinas para lamang hindi kami magsawa sa kaka-ulam nito. Masarap at pang-masa ang halaga nito kaya naman ito ang kadalasang takbuhan kapag kinapos na sa pera. Sa mga panahong yun, naaalala ko pa na masaya at kontento na kami sa ulam na iyon dahil tinitignan namin ito bilang isang "mahal" na na ulam.

Noon, akala ko na isa itong orihinal na "recipe" ng aking ina ngunit ngayon ay nalaman ko na na kadalasan rin pala itong ulam sa maraming pamilya sa Pilipinas. Sa mga nagdaang taon ay naging isa sa mga paborito ko na ito at palagi ko pang iminumungkahi kapag tinatanong kung ano ang gustong ulamin sa araw na iyon.

Ang sardinas ay isang de-latang ulam na pangmasa ang halaga. Kadalasan itong takbuhan kapag wala ng ibang ulam o 'di kaya'y paborito lang talaga ito ng mga tao. Ngunit mas pinasarap pa ito noong hinaluan na ito ng itlog, na ang halaga'y sobrang abot kaya lang talaga. Bukod sa mura lang ito ay nakakapagpawi pa ito ng gutom para sa pamilyang may lima hanggang anim na miyembro. Napakadali pa nitong lutuin! Perpekto para sa mga pamilyang nagtitipid o 'di kaya'y sa mga taong gustong umulam naman ng bago.

Kung gusto mong lutuin ito ay sundin lamang ito. Unang-una, kailangan mong ihanda ang mga sangkap. Ang mga sangkap ay ang sumusunod:

• 1 1/2 kutsaritang mantika
• 1 sibuyas (tinadtad na)
• 2 "cloves" ng bawang (tinadtad na)
• 1 lata ng sardinas
• 2 itlog
• asin

Sunod ay ihanda na ang mga kinakailangan na kagamitan kagaya ng kawali, plato, sandok na pangprito at iba pa. Kapag handa na ang mga iyan ay puwede ka nang magsimula sa pagluto. Mabilis at madali lang ang proseso! Gawin lamang ang mga hakbang na ito:

Una, ilagay sa isang mangkok ang sardinas at ang itlog. Lagyan rin ito ng asin para sa pandagdag na lasa. Paghaluin ito nang maigi.
Pangalawa, painitin ang kawali. Kapag uminit na ito, ilagay ang mantika at igisa ang tinadtad na sibuyas at bawang.
Pangatlo, ilagay ang hinalo na sardinas at itlog sa kawali at paghaluin ulit hanggang sa maluto ito. Maaaring tignan ang pagkakaluto ng itlog upang makasigurado na hindi ito nasobrahan.

At ayan na, may ulam ka na agad! Maaari pa itong ihain kapares ang pandesal o 'di kaya'y kanin. Sa ginisang sardinas na may itlog, masarap na, nakakapawi gutom pa!

Recipe
Ingredients:

• 1 1/2 kutsaritang mantika
• 1 sibuyas (tinadtad na)
• 2 "cloves" ng bawang (tinadtad na)
• 1 lata ng sardinas
• 2 itlog
• asin

Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Ilagay sa isang mangkok ang sardinas at ang itlog. Lagyan rin ito ng asin para sa pandagdag na lasa. Paghaluin ito nang maigi.
2. Painitin ang kawali. Kapag uminit na ito, ilagay ang mantika at igisa ang tinadtad na sibuyas at bawang.
3. Ilagay ang hinalo na sardinas at itlog sa kawali at paghaluin ulit hanggang sa maluto ito. Maaaring tignan ang pagkakaluto ng itlog upang makasigurado na hindi ito nasobrahan.

Nutrisyong Makukuha Dito:

Calories: 316kcal
Carbohydrates: 4g
Protein: 31g
Fat: 19g
Saturated Fat: 5g
Cholesterol: 274mg
Sodium: 586mg
Potassium: 580mg
Fiber: 1g
Sugar: 2g
Vitamin A: 549IU
Vitamin C: 7mg
Calcium: 436mg
Iron: 4mg

Naghahanap ka ba ng ulam na masustansya, masarap, madaling lutuin at abot kaya lang ang magagastos mo? Ginisang Kangkong ang sagot diyan!

Ang ginisang kangkong ay isang ulam sa Pilipinas na tampok ang masustansyang gulay na kangkong. Isa itong perpektong ulam para sa mga gusto munang mag-gulay ngunit hanap ay masarap pa rin. Kalimitan ay marami, lalo na ang mga bata, ang ayaw kumain ng gulay dahil hindi daw ito masarap. Ngunit sa ulam na ito, siguradong mapapa-hiling pa ito ng pangalawang plato ng kanin!

Naalala ko noon, gustong-gusto ng ina namin na masustansya ang kinakain namin parati. Ngunit dahil medyo kapos sa pera ay naghanap siya ng paraan upang gawing masarap ang gulay habang pinapanatili na abot-kamay parin ang magagastos rito. May kangkungan ang kapitbahay namin kaya nakaka-libre kami sa kangkong noon at ang nagagstos na lamang ay para sa mga pampalasa.

Hindi komplikado ang pagluto nito at madali lang hanapin ang mga sangkap ng ulam na ito. Kung gusto mong ihain ito sa iyong sarili o sa iyong pamilya, narito ang kailangan mong gawin.

Una ay ihanda ang mga sangkap. Ito ang mga sumusunod:

• 2 kutsaritang mantika
• 1 sibuyas (hiniwa na)
• 2 "cloves" ng bawang (tinadtad na)
• 3 maliliit na kamatis
• isang mangkok ng kangkong (dahon at tangkay lang)
• asin
• patis
• 1/4 kilo ng baboy (hiniwa ng pakubo [cube])

Pagkatapos maihanda ay magpatuloy na para sa pagluluto. Gawin ang mga sumusunod:

Una, painitin ang mantika sa isang kawali. Kapag uminit na, ilagay ang sibuyas, bawang at kamatis at gisahin. Hintayin sa lumambot ang mga ito.
Pangalawa, idagdag ang baboy at hintayin na magkulay kayumanggi ito o kung luto na.
Pangatlo, ilagay ang tangkay at dahon ng kangkong at gisahin kasama ang mga sangkap kanina.
Panghuli, lagyan ng patis (sakto lang) at konting asin para sa pampalasa. Haluin ulit ng mabuti at hintayin hanggang sa maluto.

Kung kapos naman sa pera at hindi kaya ang baboy, puwedeng dagdagan na lamang ito ng chicharon kagaya nang ginawa ng ina ko noon. Ngunit nasa saiyo na talaga iyon kung lalagyan mo pa ng dagdag na sangkap kagaya ng baboy.

At ayan na, may ginisang kangkong ka na!

Recipe
Ingredients:

• 2 kutsaritang mantika
• 1 sibuyas (hiniwa na)
• 2 "cloves" ng bawang (tinadtad na)
• 3 maliliit na kamatis
• isang mangkok ng kangkong (dahon at tangkay lang)
• asin
• patis
• 1/4 kilo ng baboy (hiniwa ng pakubo [cube])

Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Painitin ang mantika sa isang kawali. Kapag uminit na, ilagay ang sibuyas, bawang at kamatis at gisahin. Hintayin sa lumambot ang mga ito.
2. Idagdag ang baboy at hintayin na magkulay kayumanggi ito o kung luto na.
3. Ilagay ang tangkay at dahon ng kangkong at gisahin kasama ang mga sangkap kanina.
4. Lagyan ng patis (sakto lang) at konting asin para sa pampalasa. Haluin ulit ng mabuti at hintayin hanggang sa maluto.

Nutrisyong Makukuha Dito:

Calories: 169kcal
Carbohydrates: 8g
Protein: 4g
Fat: 14g
Saturated Fat: 1g
Trans Fat: 1g
Sodium: 1106mg
Potassium: 190mg
Fiber: 1g
Sugar: 2g
Vitamin A: 1178IU
Vitamin C: 16mg
Calcium: 45mg
Iron: 1mg

Sa mga nagdaang araw ay talaga namang sobrang init! Dahil nga dito ay hindi ako halos lumalabas sa bahay at nagtatambay na lamang sa kwarto upang magpalamig gamit ang "electric fan". Sa mga ganitong araw ay nakakaakit nga naman kumain ng mga malalamig. Dito sa Pilipinas, tampok sa mga naninirahan dito ang pambansang "summer treat" o pangpawi ng init sa katawan, ang Halo-halo.

Ang Halo-halo ay isang uri ng "desert" na may pinagsama-samang mga matatamis na sangkap na kadalasan hinahanda sa isang baso. Bukod sa sarap nito ay tiyak na mahahalina ka rin sa makulay nitong anyo.

Naaalala ko noong ako'y bata pa, kada pagkatapos maglaro ay bumibili kami ng halo-halo sa malapit na tindahan sa aming palaruan. Ramdam ko pa ang ginhawang hatid nito sa akin pagkatapos ng ilang oras na pagbibilad sa init. Ang mga sangkap nito, kahit na minsan ay konti lang dahil napaparami ang yelo, ay nakakahatid ng kasiyahan sa akin.

Marami na ang naging bersiyon ng halo-halo. May mga tinatawag na pang-masa na kadalasang itinitinda sa tabi-tabi at mayroon rin naman yung itinitinda sa mga "restaurant" at iba pang mga malalaking tindahan. Kadalasan pa ay iba-iba ang ang sangkap ng halo-halo; nagdedepende talaga ito sa lugar.

Ngunit puwedeng-puwede itong gawin talaga sa bahay. Pupuwede rin na maglagay ka ng bagong sangkap na angkop sa iyong panlasa ngunit kung gusto mong gawin ang tipikal na halo-halo ay ito ang recipe na para sa iyo.

Una mong dapat gawin ay hanapin ang mga sangkap ng halo-halo. Kadalasan sa mga sangkap na ginagamit rito ay ang mga sumusunod:

• 1 tasa ng dinurog na yelo
• 1/4 tasa ng "fresh" or "evaporated" milk
• 1 kutsaritang asukal
• 1 kutsaritang minatamis na saging
• 1 kutsaritang minatamis na kamote
• 1 kutsaritang minatamis na langka
• 1 kutsaritang "coconut strips"
• 1 kutsaritang nata de coco
• 1 kutsaritang sago
• 1 kutsaritang leche plan (topping)
• 1 kutsaritang ube ice cream (topping)

Madali lang rin ang paggawa ng halo-halo. Gawin lamang ang mga sumusunod.

Una, ilagay sa isang baso ang mga napiling sangkap. Isang kutsarita sa bawat sangkap lamang.
Pangalawa, kung gusto mo ng mas matamis pa, lagyan ito ng isang kutsaritang asukal. Ngumit matamis na naman ang mga sangkap kaya hindi na talaga ito kailangan.
Pangatlo, lagyan ng dinurog na yelo ng baso hanggang sa pinakaibabaw ng baso. Itulak ito paibaba at dagdagan (depende sa gusto mo).
Pang-apat, lagyan ito ng iyong napiling gatas (evaporated o fresh).
Panglima, ilagay ang mga napiling "toppings".
Panghuli, lagyan ng kutsarang ipanghahalo sa mga sangkap sa baso.

At ayan na, may halo-halo ka na! Tandaan, kapag mainit, sa halo-halo kumapit!

Recipe
Ingredients:

• 1 tasa ng dinurog na yelo
• 1/4 tasa ng "fresh" or "evaporated" milk
• 1 kutsaritang asukal
• 1 kutsaritang minatamis na saging
• 1 kutsaritang minatamis na kamote
• 1 kutsaritang minatamis na langka
• 1 kutsaritang "coconut strips"
• 1 kutsaritang nata de coco
• 1 kutsaritang sago
• 1 kutsaritang leche plan (topping)
• 1 kutsaritang ube ice cream (topping)

Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Ilagay sa isang baso ang mga napiling sangkap. Isang kutsarita sa bawat sangkap lamang.
2. Kung gusto mo ng mas matamis pa, lagyan ito ng isang kutsaritang asukal. Ngumit matamis na naman ang mga sangkap kaya hindi na talaga ito kailangan.
3. Lagyan ng dinurog na yelo ng baso hanggang sa pinakaibabaw ng baso. Itulak ito paibaba at dagdagan (depende sa gusto mo).
4. Lagyan ito ng iyong napiling gatas (evaporated o fresh).
5. Ilagay ang mga napiling "toppings".
6. Lagyan ng kutsarang ipanghahalo sa mga sangkap sa baso.

Nutrisyong Makukuha Dito:

Calories: 195 kcal
Carbohydrates: 14g
Protein: 3g
Fat: 8g
Saturated Fat: 1g
Cholesterol: 24mg
Sodium: 110mg
Potassium: 267mg
Sugar: 12g
Vitamin A: 800IU
Calcium: 69mg

Ang lumpia Ingles: spring rolls ay isang pagkaing unang pinasikat ng mga Tsino na sinahugan ng mga hiniwa-hiwang karne, gulay, hipon, at ibang mga lamang-dagat, na binalot sa pambalot na yari mula sa harina ng bigas. Sa Pilipinas, kapag may okasyon hindi mawawala ang lumpia dahil paborito ito ng lahat. May iba't-ibang klase ang lumpia: lumpiyang shanghai, lumpiyang ubod, lumpiyang sariwa, at lumpiyang gulay.

Naalala ko pa noon, tuwing may kaarawan o piyesta ay papagi akong ginaganahan kapag may nakikita akong lumpia. Ngunit pag may okasyon sa amin noon, naalala ko na hindi kami nakakapagluto nito dahil medyo may kamahalan ang ingredients lalo na ang giniling na baboy. Ngunit sa kagustuhan kong gumawa nito, nakaisip ako na pwede rin namang puro gulay ang isahug ko.

Napakadali lang pala gawin nito at hindi rin masyadong magastos. Kung gusto mong ipaghanda ang iyong pamilya, narito ang dapat mong gawin:

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• Togue

• Carrot

• Singkamas

• Repolyo

• Sibuyas

• Bawang

• Lumpia wrapper

• Asin

• Paminta

Paraan ng pagluluto:

Una, Igisa ang bawang at sibuyas. Pangalawa, Ilagay ang lahat ng natirang gulay. Pangatlo, Iluto ang mga gulay nang limang minuto, itabi, at palamigin. Pang-apat, Ibalot sa lumpia wrapper ang gulay at para sa pinakahuling hakbang, iprito hanggang maging golden brown. Maaari nang ihain ang lumpiang togue. Napakadali lang!

Recipe
Mga Sangkap:

o   250 grams Bean sprout o Toge

o   1 medium Singkamas (Hiwain na parang palito ng posporo)

o   1 medium Carrots (Hiwain na parang palito ng posporo)

o   3 cloves minced garlic

o   1 medium size onion chopped

o   1 tsp. maggie magic sarap

o   2 tbsp. Oyster sauce

o   1 egg beaten

o   Salt and pepper to taste

o   20 pcs. Lumpia wrapper

Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.

2. Ilagay ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta. Hayaan hanggang sa maluto ang giniling.

3. Ilagay ang oyster sauce at maggie magic sarap.

4. Ilagay ang carrots at singkamas. Hayaan ng mga 1 minuto. Halu-haluin

5. Huling ilagay ang toge o bean sprout at parsley. Halu-haluin at ilagay na din ang sesame oil.

6. Palamigin muna ang ginisang gulay.

7. Balutin ang nilutong gulay sa lumpia wrapper at lagyan ng binating itlog ang gilid ng lumpia wrapper para dumikit at hindi bumuka ang balat.

8. I-prito ang mga ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Dapat lubog sa mantika ang lumpiang piniprito para pantay ang kulay nito.

9. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maaslis ang extrang mantika.

Ihain kasama ang sawsawang suka na may sili, kaunting asin at asukal.

Nutrisyong Makukuha Dito:

Carbs-10 g

Dietary Fiber-1 g

Protein-3 g

Sodium-850 mg

Vitamin A-89 %

Vitamin C-12 %

Calcium-1 %

Iron-5 %

Ang Pancit Bihon ay paborito ng lahat, madali itong gawin at hindi ito masyadong magastos.

Sa tuwing may salo-salo o handaan, hindi nawawala ang pansit. Isa nga naman ito sa sinasabing kailangang ihanda kapag may birthday dahil pampahaba ito ng buhay. Kaya naman, sa tuwing may birthday o handaan, hindi ito puwedeng mawala sa lamesa. Ngunit hindi lamang swak ang pansit na pang handa sa birthday o salo-salo dahil puwedeng-puwede rin itong pang merienda. Hindi rin nakasasawa ang lasa nito dahil sa rami ng klase o paraan ng pagluluto. Nakabubusog din ito. At lalong lumalabas ang linamnam nito kapag may kapares na tinapay.

Maraming klase o paraan ng pagluluto ng pansit na kinaiibigan ng maraming Pinoy. May iba’t ibang panlasa nga naman tayo at dahil diyan, marami ring klase ng bersiyon ang nabubuo o nadidiskubre. At ilan sa mga klase ng pansit o pagluluto na pinagluluto ko ay ang Pancit Bihon. Isa sa kinahihiligan ng marami ang pansit bihon. Isa nga naman ito sa popular na klase ng pansit. Sa lahat ng klase o paraan ng pagluluto ng pansit, isa ito sa madalas kong niluluto. Hindi nga naman ito gugugol ng matagal. Nasa sa iyo rin kung aalatan mo ang timpla nito o hindi.

Napakadali lang pala gawin nito at hindi rin masyadong magastos. Kung gusto mong ipaghanda ang iyong pamilya, narito ang dapat mong gawin:

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

Noodles (Bihon)

Vegetable Oil, Pang-Gisa

Chicken O Baboy Na Nakahiwa Nang Manipis O Chicharon

Fish Balls, Naka-Slice Ng Manipis

Onion, Naka-Chop

Garlic, Tinadtad

Carrots, Naka-Slice Ng Manipis

Cabbage, Naka-Shred

Soy Sauce

Green Onions, Naka-Chop

Paraan ng pagluluto:

Ibabad ang pansit bihon sa malamig na tubig sa loob nang 30 minuto at saka salain nang mabuti.

Punasan ang kawali, at saka magdagdag ng mantika kung kailangan. Lutuin ang hiwa-hiwang fish ball. Itabi sandali.

Sa isang malaking kawali, painitin ang mantika. Idagdag ang manok, habang hinahalo sa loob nang 3-5 minuto o hanggang sa maging kulay brown ito. Itabi sandali.

Gamit ang parehong kawali, lutuin ang sibuyas at bawang. Idagdag ang carrot, at saka lutuin, idagdag ang repolyo. Ibalik ang karneng manok, at fish balls sa kawali. Lutuin ang gulay sa pamamagitan ng pag-toss habang hinahalo, hanggang sa maging malambot pero malutong pa rin ang gulay.

Idagdag ang bihon. Magbuhos ng tubig nang paunti-unti. Idagdag din ang toyo. Marahan itong i-toss at haluin; magdagdan ng tubig kung kailangan, hanggang sa tumaba ang pancit bihon kung saan sakto ang tekstura sa pagtikim, at ang tubig ay nasipsip. Timplahan ng asin at paminta. Paibabawan ng hiwa-hiwang murang sibuyas o green onion, at ihain kasama ng calamansi.

Recipe
Mga Sangkap:

1/2 kilo Pancit bihon or rice noodles

1/4 kilo Canton or Egg noodles

2 whole Chicken Breast (pakuluan at himayin - itabi yung pinaglagaan)

5 pcs. Atay ng Manok (pakuluan at hiwain ng maliliit - itabi yung pinaglagaan)

1 large Carrots cut into strips

200 grams Baguio beans cut into 1 inch ling

1 cup Soy sauce

2 pcs. Chicken Cubes

1 tsp. Ground Black pepper

1 head Minced Garlic

1 large Red Onion sliced

salt to taste

Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kawali (yung medyo malaki), igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluin.

2. Sunod na ilagay ang carrots at baguio beans. Timplahan ng konting asin, paminta at toyo. Hayaan na maluto ng bahagya.

3. Sunod na ilagay ang hinimay na manok at atay. Halu-haluin.

4. Kumuha ng kalhati sa iginisang gulay at manok. Ito ang gagamiting pang-toppings.

5. Ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng manok at atay. Ilagay na din ang toyo at chicken cubes. Hintaying kumulo.

Note: Tantyahan lang anag sabaw na kinakailangan. Kung dry ang bihon na lulutuin dagdagan ng sabaw. Kung hindi naman, konti lang ang isabaw dito.

6. Tikman ang sabaw kung tama na ang lasa. I-adjust.

7. Unang ilagay ang bihon. Haluing mabuti.

8. Sunod na ilagay ang canton noodles. Haluing muli hanggang sa maluto na pareho ang bihon at canton.

9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang pang-toppings at ang ginayat na kinchay.

Ihain habang mainit pa.

Nutrisyong Makukuha Dito:

Calcium-60 mg

Iron-1.3 mg

Potassium-523 mg

Sodium-890 mg

Vitamin A-1335 mcg

Vitamin C-16.2 mg