MMA 11-B- DUGTUNGANG SALAYSAY by Cecilia L. Bacares

MMA 11-B-DUGTUNGANG SALAYSAY
DUGTUNGAN  ANG UNANG NAIBIGAY NA PANGYAYARI HANGGANG UMABOT SA IKA-15 SEQUENCE. MAAARING LAGYAN NG DAYALOGO O USAPAN, DAGDAGAN ANG MGA TAUHAN AT BAGUHIN ANG TAGPUAN .
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

1. bUMUO NG ISANG nARATIBO , iSANG KWENTONG IIKOT SA KASALUKUYANG ISYU NG LIPUNAN. ITO AY GAWAING INDIBIDWAL

Neo Hombrebueno
#2 LUMALABO ANG KANYANG PANINGIN NUNG PINASOK SYA LOOB NG ICU SABI NG KANYANG KASINTAHAN NUNG SIYA AY PUMAPASOK "LUMABAN KA LNG MAHAL!"

#3 DALING HINALA NG MGA NURSE ANG KANYANG KASINTAHAN AT ANG PAMILYA DAHIL KAILANGAN NG MGA DOKTOR TIGNAN ANO ANG NANGYAYARI SAKANYA

#4 NAGTANONG ANG MGA DOKTOR KUNG ANO ANG NARARAMDAMAN NYA PERO HINDI MARINIG NG LALAKI KUNG ANO ANG SINASABI NG DOKTOR DAHIL HINDI NIYA NA KINAYA

#5 TUMINGIN ANG LALAKI SA ILAW SA TAAS AT SIYA AY BUMIGAY LAMANG AT BIGLANG SUMILAW ANG ILAW NA NASA HARAP NYA

#6 BIGLANG NAKAGISING SYA AT HINDI NYA NA NARARAMDAMAN ANG SAKIT SA ANO ANG NANGYARI SAKANYA PERO TUMINGNIN SYA SA PALIGID AT ALAM NYA NA HINDI NA ITO ANG HOSPITAL AT PARANG LANGIT ANG KANYANG NAKIKITA SABI NYA SA SARILI "ANO NGA BA ANG NANGYARI SAAKIN AT BAKIT AKO NAANDITO? WALA SYANG MAALALA SA ANO ANG NANGYARI

#7 MERON SYANG NAKITANG KUTIS ANGHEL NA MAGANDANG BABAE  PERO WALANG PAKPAK KUNDI ISANG MAGANDANG MAHABANG DAMIT LAMANG TINANONG NYA SA BABAE KUNG NASAN BA SIYA SABI NG BABAE "NAKIKITA KO NA BAGO KA LAMANG DITO MAGANDANG ARAW! AKO NGA PALA SI HELENA AT IKAW AY NASA ELYSIUM AT SINO KA BA AT BAKIT IKAW AY NAANDITO?

#8 SABI NG LALAKI HINDI KO ALAM, HINDO KO MAALALA KUNG SINO AKO AT BAKIT AKO NAANDITO ANG AKING NAALALA LAMANG AY AKO AY NASA HOSPITAL AT PAGKAGISING KO NAANDITO NA AKO, SABI NI HELENA "HUWAG KA MAGALALA IDADALA KITA SA PARTE NG ELYSIUM  NA PARA MAKUHA MO ANG MGA SAGOT SA KATANUNGAN MO, SI HELENA AY NAGLAKAD AT ANG LALAKI AY SUMUNOD

#9 SILA AY PUMUNTA SA DESTINASYON NA GUSTO NILA AT SABI NI HELENA "NANDITO NA TAYO! ITO ANG AKING BAHAY" SILA AY PUMASOK SA BAHAY  SABI NG LALAKI BAKIT TAYO NASA BAHAY MO? DIBA GUSTO MO MALAMAN ANG KUNG ANO PANGALAM MO AT BAKIT KA NAANDITO? ITO ANG IYONG MGA KASAGUTAN, NAGLABAS NG ISANG MALAKING TV SI HELENA AT NILAGAY NI HELENA ANF ISANG TEKNELOHIYA NA HELMET SA ULO NG LALAKI AT NAGSIMULA ANG ISANG BIDYO NA MAGANDA AT ANG BIDYO NA YOON AY PAANO NAGSIMULA ANG KANYANG BUHAY

#10  ANG BIDYO NA YOON KUNG PAANO SYA PINANGANAK AT PAANO MASAYA ANG PAMILYA NYA NUNG SIYA DUMATING KUNG PAANO NYA NASABI ANG MGA UNANG SALITA NUNG NANGGOL SYA, KUNG SAAN SYA NAGARAL AT PAANO SYA NAKATAPOS NG PAGAARAL, KUNG PAANO MO NAKUWA ANG UNANG TRABAHO MO AT UNANG PERA NAKUWA NYA SA TRABAHO NA YUN  PAANO MAG MAHAL AT PAANO MO NAKUWA ANG KANYANG KASINTAHAN SABI NG LALAKI SO AKO PALA SI AION 17 YEARS OLD ANG GANDA PALA NG AKING BUHAY SO PATAY NA PALA AKO? PERO PAANO AKO NAMATAY? SABI NI HELENA "HINDI KA PA PATAY AION" SABI NI AION " BAKIT AKO NAANDITO?

#11 DI KO PA PALA NAPAKITA KUNG PAANO KA NAPAPUNTA DITO NO? SABI NI HELENA SABI NI AION PAANO NGA BA AKO NAPAPUNTA DITO? SABI NI HELENA "WELL NUNG BINABASA KO ANG INFO MO SA LIBRO NA ITO ANG NAKALAGAY AY TUMALON KA SA TULAY" SABI NI AION BAKIT AKO TUMATALON SA TULAY? ANG GANDA NAMAN NG BUHAY KO BAKIT AKO NAGPAPAKAMATAY? SABI NI HELENA WELL ITONG TEKNOLOHIYA AY NAGPAPAKITA LAMANG KUNG ANO ANG GUSTO MO MAKITA" PINAKITA NI HELENA KUNG ANO ANG MGA HINDI GUSTO MAKITA NI AION

#12 ANG LUMABAS SA SCREEN AY KUNG PAANO SYA HINDI MASAYA SA BUHAY NIYA DATI MAYAMAN NGA ANG PAMILYA NILA PERO HINDI SILA NAGKIKITA NUNG BATA SIYA, LAGI NAGAAWAY ANG KANYANG MAGULANG AT LAGI PINAPAPILI SYA NUNG BATA SYA KUNG KANINO SYA SASAMA DAHIL NAGHIWALAY NA ANG KANYANG PAMILYA, NAGTAPOS SIYA SA PAARALAN PERO SO KURSO NA HINDI NIYA GUSTO PUMUNTA SIYA SA TRABAHO NA HINDI NYA GINUSTO DAHIL YOON ANG GUSTO NG TATAY PARA SAKANYA NA MAGING BUSINESS MAN, GUSTO NIYA MAG PURSUE NG ARTS PERO HINDI YOON ANG GUSTO NG TATAY NIYA.

#13 AT ANG UNA NIYANG MINAMAHAL NA BABAE, ANG NANAY NIYA ANG TAO NAG PANGANAK SAKANYA AT ANG BABAENG NAGMAHAL AT NAG ALAGA SAKANYA AY WALA NG MAALALA DAHIL ANG NANAY NIYA AY NAGKASAKIT, NAGKAROON NG AMNESIA ANG NANAY NYA AT NAKALIMUTAN NIYA ANG LAHAT LUHA AT SAKIT ANG DUMATING SAKANYA AT DUMATING SA PUNTO NA AYAW NA NYA MABUHAY.

#14 SABI NI HELENA "TAMA NA YAN AT MASAKTAN KA PA PERO OKAY LANG YAN AION" SABI NI AION " BAKIT?" SABI NI HELENA " DAHIL NAANDITO KA NA AION SA ELYSIUM ANG LUGAR NA WALANG SAKIT AT MANANATILING MASAYA MATUTUPAD MO NA ANG HINIHILING MO AT PWEDE MO NA GAWIN ANG GUSTO MO GAWIN SA BUHAY" SABI NI AION " MASAYA NGA ANG BUHAY DITO WALANG KORUPSYON WALANG SAKIT MAKUKUWA KO NA ANG MGA GUSTO KO PERO PAANO SILA? PAANO ANG AKING KASINTAHAN AT AKING PAMILYA?

#15 SABI NI HELENA KAY AION "ITO ANG AKING PANGALAWANG OPSYON MERON KA PANG PANGALAWANG PAGKAKATAON BUMALIK SA DAIGDIG PERO PAG PINILI MO ANG ELYSIUM HINDI MO NA SILA MAKIKITA. ANO NGA BA ANG PIPILIIN NI AION?

ITO ANG PROBLEMA SA ATING BANSA HINDI MAGANDA ANG ATING MENTAL HEALTH CARE SYSTEM NA  DUMADATING SA PUNTO NA DI NA NILA KINAKAYA AT NAGKAKAROON NA NG DEPRESYON O SAKIT ANG MGA TAO HINDI LNG MGA MATATANDA KUNDI MGA BATA RIN KAHIT ANO ANG BUHAY MO MAYAMAN O MAHIRAP, LALAKI KA MAN O BABAE MAGKAKAROON KA PARIN KASI MAHIRAP MAIWASAN YAN.

𝓡𝓲𝓿𝓮𝓻𝓪, 𝓒𝓱𝓮𝓻𝓲𝓼𝓮
#1

Isang lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.

#2 - Kasawian sa Gamutan

Napabuntong hininga ang matandang lalaking nakahiga. Nauulinigan niya ang sigaw ng kanyang anak at asawa hanggang sa unti-unti na lang siyang nawalan ng malay.

“Itay!”

Hagulgol ng isang bata habang nakakapit ng mahigpit sa malamig na bakal ng stretcher. Sasama sana siya sa loob ng ICU subalit siya ay pinigilan ng isang nars,

"Ineng, isa lang ang pwede sa ICU, bawal pati ang mga minor de edad."

Siya ay pinaupo sa waiting room ng ospital. Ang ilaw doon ay kumikislap-kislap na parang minumulto ito. Napapaligiran si Maria ng mga kulay-abong dingding. Napuno ng takot ang bata sa mapanglaw na kapaligiran. Pakiramdam niya siya ay nasa loob ng isang nakakatakot na pelikula. Ngunit imbis na mga multo ang gumagala sa mga pasilyo, mga healthcare workers ang kanyang nakita. Doon niya namasdan na maraming nars at doktor ang apurado sa paggagamot ng mga pasyente. Binalikan siya ng nars at sinabihan siya tungkol sa kalagayan ng kanyang ama. Nalaman ng dalagita na ang kanyang itay ay mayroong Covid-19. Hindi pala ito ubo lamang. Ang babae ay pina-swab test muna kung siya ay nahawa din ng coronavirus. Lumabas naman na negatibo ang kanyang resulta. Nakahinga ng maluwag kahit papaano ang batang babae. Pinauwi muna ang dalagita sa kanyang bahay, baka raw kasi mahawa siya ng mga pasyente sa ospital. Madami na rin ang kaso ng coronavirus sa lugar na iyon.

#3 - Mag-isa sa Bahay

Nang makarating sa bahay, naligo agad ang dalagita para masiguradong walang bacteria ang mananatili sa kanyang katawan. Nagsipilyo siya bago siya pumasok sa kanyang kwarto. Nagdasal ng taimitm si Maria para gumaling ang kanyang ama. Nang matapos na siya sa pagdadasal, napatulala siya sa kadiliman ng kanyang kwarto. Saka lang niya napagtanto ang kinahinatnan ng kanyang ama. Nag-alala siya kung maipapagamot nila ang kanyang itay. Simula nang napilitang mawalan ng trabaho ang kanyang ama gawa ng pandemya, wala na rin siyang health insurance dahil hindi na siya nagtratrabaho. Makakahingi kaya sila ng donasyon? Paano na kaya gagaling ang kanyang ama? Nagtiwala na lang si Maria sa Diyos. Sana'y masagot ng Panginoon ang kanyang hinihiling.

#4 - Pamimili sa Palengke

“BEEP. BEEP. BEEP.”

Bumangon si Maria sa nakakarinding tunog ng kanyang alarm. Tiningnan niya ang oras. Alas otso na ng umaga. Mamayang alas dose pa ang kanyang online class kaya maaari pa siyang mamalengke para magluto ng kanyang kakainin.

Lumabas ng bahay si Maria na nakasuot ng facemask. Habang naglalakad siya sa daan pinansin siya ng isang tambay sa kanto.
"Mestizang maganda!"
Nangilabot si Maria ng narinig niya iyon. Nandiri siya sa pagkabastos ng lalaki kaya't dali-dali siya sa kanyang paglalakad hanggang sa makasakay ng traysikel.

Bumili siya ng mga masustansiyang sangkap tulad ng mga gulay para sa kanyang kakainin mamaya. Panlaban niya na rin ito para maiwasan na mahawa sa coronavirus. Habang bumibili siya ng pagkain, naalala ni Maria ang kanyang itay. Nakakain na kaya sila ni inay?

#5 - Koneksyon sa Klase

Nang matapos magluto at kumain ng almusal ni Maria, kinamusta niya ang kanyang magulang sa paraan ng pagtext. Hinintay niya ang kanilang sagot hanggang sa nagsimula na ang kanyang online class. Papasok na siya sa klase ngunit wala pa rin siyang naririnig na balita mula sa kanyang mga magulang.

Join the meeting?
✓ yes        ✕ no

Pinindot ni Maria ang "yes" button para makasali sa klase. Nang makasali na siya sa virtual room ng klase, paputol-putol ang kanyang koneksyon dito. Hindi niya maintindihan ang kanyang guro dahil ang audio nito ay nawawala-wala. Nang matapos na ang oras para sa subject na iyon, halos walang naintindihan si Maria. Nagbayad naman sila para sa Wi-Fi ngunit lagi na lang siyang nadidisconnect. Naisipan niya na tanunging nalang ang kanyang mga kaklase tungkol sa subject na iyon at mag-aral mag-isa na lamang.

#6 - Balita Mula sa Ina

Nakatanggap na rin ng sagot si Maria mula sa kanyang ina. Medyo umayos naman daw ang pakiramdam ng kanyang ama. Makakauwi na ang kanyang nanay mamaya dahil lumabas na negatibo ang swab test sa kanya. Maiiwan ang kanyang ama sa ospital para siya ay magamot habang naka-quarantine doon. Nag-aalinlangan ang ina dahil sa laki ng babayarin sa ospital.

#7 - Saan Kukuha ng Pera?
Sa pagkakaalam ni Maria wala siyang mahihingan ng donasyon sa kanilang lugar. Inisip niya na humingi na lamang ng pera sa kanyang mga kaibigan at sa kanyang mga kamag-anak. Nakakuha naman siya ng pera sa kanila ngunit kakaunti lamang ang mababayaran nito sa malaking bayarin sa ospital. Hindi rin naman makakapagtrabaho si Maria at wala pa siyang labing-walong taon. May trabaho ang kanyang nanay ngunit nabawasan ang sweldo nito dahil sa pandemya. Habang iniisip ni Maria kung ano ang pwede niyang gawin para mabayaran ang paggamot sa kanyang ama, sinimulan niya ang pagluluto para sa hapunan.

#7 - Ang Pagbalik ni Nanay
"Tok-tok-tok!"
Kumatok ang ina sa kanilang pintuan at pinapasok siya ni Maria. Yayakapin sana siya ni Maria ngunit pinagbawalan siya ito dahil kakagaling lang niya sa ospital. Naligo din muna ang ina bago sumabay kay Maria sa kanilang hapunan.

#8 - Hapunan ng Mag-Ina
Habang sila ay kumakain, kinamusta ni Maria ang kalagayan ng kanyang ama.
"Medyo nakakahinga na siya ng maayos naman."
Tinanong na rin ni Maria kung saan sila kukuha ng pera para sa hospital bills ng kanyang ama. Sinabi din ni Maria na nakahingi siya ng perang pambayad mula sa kanilang mga kamag-anak at ang kanyang mga kaibigan.
"Naku, sana hindi mo na sila inabala. Nakakahiya naman. Mababayaran ko rin naman iyon at magkakasweldo na ako ngayong buwan."
"Kaso, Inay," nag-aalalang wika ng anak. "Kakasya po ba sweldo niyo pambayad sa panggamot kay Itay?"
"Mahahanapan ko rin yan ng paraan, anak. Huwag ka nang mag-alala at intindihin mo na lamang ang iyong pag-aaral."
Sasabihin sana ni Maria na wala siyang matutunan sa klase dahil sa bagal ng kanilang Wi-Fi at magpalit na lamang sila ng internet provider ngunit baka dumagdag ito sa gastusin nila. Saka na lamang niya ito ibabalita sa kanyang ina.

#9 - Ang Pagsisisi
Nang matapos silang kumain, naghugas na ng mga pinggan si Maria. Napaisip siya sa pagpunta nila ng Baguio nung nakaraang buwan. Hindi kaya nagkaroon ng CoVid-19 ang kanyang ama dahil doon? Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari, sana pinigilan niya ang kanilang pagpapasyal doon. Napansin niya rin sa kanilang pamamasyal na iilan ang hindi nakasuot ng face mask.

#10 - Pag-aalala
Kinabukasan, alalang-alala pa rin si Maria para sa kanyang itay.  Pero minabuti nyang magdasal na lang muli upang maski papaano ay gumaan din ang kanyang pakiramdam. Alam naman nyang hindi sila papabayaan ng Poong Maykapal.

#11 - Tawag Mula sa Isang Anghel
Naudlot ang pagmumuni-muni ni Maria nang siya ay tawagan ng kanyang kaibigan. "Hello!", sabi sa kabilang linya.
"O, napatawag ka, Beatrice?", sagot ni Maria.
"Kukumustahin ko lang sana ang kalagayan ng iyong tatay. Nga pala, meron akong ninong na nagtatrabaho sa PCSO,  kung gusto ninyo ng tulong, pwede ko syang tawagan upang kayo ay kanyang matulungan. Ite-text ko sayo ang mga requirements, tapos, sabihan mo si tita pag nakumpleto na nya mga documents, ibigay nya sakin para ako na mismo ang magbigay sa ninong ko.", ang masiglang pagsalaysay ng kaibigan nya.
"Maraming salamat, Beatrice. Isa kang hulog ng langit", halos maluha luhang pasasalamat ni Maria.

#12 - Ang Magandang Balita
Nalulugod na ibinalita ni Maria sa kanyang ina ang binanggit ng kanyang kaibigan na makakatulong upang maski papaano ay makabawas sa karampatang bayad sa ospital.  Natuwa ang kanyang ina at agad agad na inasikaso ang mga requirements na kailangan.

#13 - Wala Nang Bayarin
Makalipas ang halos apat na araw, naproseso na ang mga dokumento at nabayaran na rin nila ang mga bayarin sa ospital. Kitang kita sa mukha ng kanyang ina na para itong nabunutan ng tinik at umaliwalas ang dati'y kunot noo nitong mukha.

#14 - Ang Paglaya ng Ama
Matapos ang halos tatlong linggo ay na nakakulong sa ospital ang ama, ito ay nakabangon na rin mula sa kanyang sakit. Maaari na siyang bumalik sa kanilang tahanan pauwi sa kanyang pinakamamahal na pamilya.

#15 - Ang Muling Pagsasama ng Buong Pamilya
Nagulat ang ama ng masalubong siya ng isang masigabong pagbati mula sa kanyang asawa at anak. Kumikinang-kinang ang mga mata ng ama sa kanyang nakita. Ang kanilang bahay ay napapalibutan ng mga lobo at iba't ibang makukulay na dekorasyon.
"Maligayang pagbalik, mahal!" bati ng kanyang asawa.
"Na-miss po namin kayo ng sobra-sobra, Itay!" wika naman ng kanyang anak.
Nakahanda sa la mesa ang mga paboritong pagkain ng kanyang ama. Nakakatakam ang amoy mula sa mga ulam. Bago sila kumain, nagdasal ang pamilya. Nagpasalamat sila sa Panginoon at naging maayos na ulit ang kalagayan ng ama ni Maria. Nagpasalamat din sila na nabayaran ang pampagamot sa kanya at sa masarap na pagkaing nakahain sa la mesa. Nang matapos silang magdasal, sabay sabay silang nanalangin ng "Amen". Masayang kumain muli ang pamilya. Nasagot ng Panginoon ang kanilang mga panalangin, at natikman nila ulit ang matamis na pagsasama ng isang nagmamahal na pamilya.

ISAYA KIM
1 # Isang lalaki sa isang usungan na may oxygen ang mabilis na napasok sa ICU ng ospital.
2 # Walang malay ang lalaki habang nakahiga sa kama. At sa tabi niya, isang babaeng nakahiga ay nakayuko.
3 # Ang babae ay anak na babae ng kanyang ama. Ang anak na babae ay umiiyak at nagdarasal na magising ang kanyang ama.
4 # Ang aking ama ay kailangang sumailalim sa paggamot dahil mayroong isang pagkabigla at mga labi sa kanyang tiyan at ulo sa isang aksidente sa kotse.
5 # Biglang, binuksan ng doktor ang pintuan at pumasok. "Kailangan kong pumunta para sa operasyon." Sinabi ng doktor, at pumasok ang mga nars at inilagay si Itay sa operating room.
6 # Si ama ay pumasok sa operating room, at kung nag-aalala ang anak na babae sa kanya, naghintay siya hanggang matapos ang operasyon. "Dapat tratuhin ng mabuti si tatay .."
7 # Samantala, isang kagyat na bagay ang nangyari sa operating room. Ang unang nars na tumutulong sa tabi ay hindi sinasadyang gumupit ng isang daluyan ng dugo.
8 # Ang nars na nanonood ay nanginginig at balisa. Pagkatapos sinabi ng doktor, "Huwag manginig! At ituon at i-save ang pasyente na ito!"
9 # Ang nars ay nagtrabaho kasama ng doktor upang muling magkabit ang mga daluyan ng dugo upang mabawi ang pagkakamali. Pagkatapos, patungo sa katiyakan, sa oras na ito ay dumating ang isang pag-aresto sa puso. This time, may mas mahirap pang nangyari. “Naku, ganito ang pagkamatay ng pasyente. Kahit na makita ko ang aking anak doon, kailangan kong i-save ito ”. Sinabi ng doktor sa mga nars.
10 # Ginawa ng doktor ang puso ng pasyente na tumibok sa isang defibrillator at mas mababa sa 10 minuto. Pagkatapos, pagkatapos muling isara ang tiyan, umalis siya sa operating room at nakasalubong ang anak na babae ng kanyang ama. "Tagapangalaga, nagawa ng mabuti ang aking ama, hindi mo na kailangang magalala tungkol dito ngayon.". Sinabi ng doktor.
11 # Ang anak na babae ay umiyak at sinabi sa doktor. "Maraming maraming salamat po". Pagkakita sa doktor, ipinagmalaki ang aking puso. At makalipas ang ilang araw, binuksan ni Itay ang kanyang mga mata sa intensive care unit.
12 # Ang aking ama ay tumatawa sa natutulog na anak na babae sa tabi niya. At ngumiti ang anak na babae at niyakap ang kanyang ama. "Hindi na masasaktan si tatay." Tumayo ang anak na babae at kausap.
13 # Ibinigay ng anak na babae sa kanyang ama ang palumpon na itinago niya at hiniling na mapalabas siya sa ospital. At makalipas ang ilang linggo, ang buong pamilya ay bumisita sa amin para sa anibersaryo ng paglabas. "Binabati kita sa paglabas mo!" Sinabi ng buong pamilya.
14 # Pagkalabas ng ospital, nagtipon ang buong pamilya upang maghapunan. Maraming mga pinggan sa mesa at meryenda sa gilid.
15 # Matapos ang lahat kumain, lahat kami ay nagtipon-tipon para sa isang serbisyo sa pagsamba at nagpasalamat sa Panginoon. “Lord, salamat sa paglutas ng aming malaking problema. Amen. ".

Patricia Vivas
#1 Isang lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng Hospital.

#2 Agad hinarangan ng mga nurs ang bata at pinaupo sa tabi. Hindi maalis ng bata ang kaniyang mata sa kwarto kung saan naroroon ang kanyang ama.
Ibat iba ang kaniyang naiisip at kaniya agad itong ibinalin sa mga taong nagdadaan. Siya ay napa isip kung bakit hangang ngayon ay wala pa din doctor na pumapasok sa kwarto ng kaniyang ama.

#3
Nang bumukas ang pinto kung nasaan ang kaniyang ama agad siyang napatayo at sinubukan sumilip para makita ang kalagayan ng kaniyan ama ngunit agad itong sinarado ng nurs.
agad nagatanong ang bata kung bakit walang doctor ang pumasok para tignan ang kaniyang ama na agad sinagot ng nurs. "Sa dami ng pasyente na naka admitt ngayon ay hinid lahat natutugunan ng mga doctor ngunit wag kang mag alala dahil
stable na naman ang kalagayan ng iyong ama." at agad hinawakan ng nurs ang balikat ng bata bago siya umalis.

#3
Nakita ng isang Doctor na kakatapos lang ng isang operasyon na dapat ay pauwi na. Hindi maalis sa kanyang kaisipan ang ang hindi ma ipinta na muka ng isang bata nung narinig niya ang sinabi ng nurse.
Agad niyang tinanong ang detalye ng pasyente na kaugnay sa bata. At kaniya itong nilapitan.
"Wag ka magalala, Magiging okay din ang lahat." Naka ngiti na sinabi ng Doctor sa isang bata bago siya pumasok sa ICU.

#4
Labis na nawala ang kaba ng bata nung marinig niya ang sinabi ng isang lalaki na naka puti. Ang bata ay umupo sa isang tabi at maiging nag dasal habang naghihintay sa kaniyang ama.

#5
Nakalipas ang ilang oras ay nag bukas muli ang pinto at lumabas ang Doctor. Nagulat ang bata at agad itong tumakbo para tanungin ang kalagayan ng kaniyang ama.
Sinalubong ng ngiti ng Doctor ang bata at maya maya ay nilabas na ang kaniyang ama na ililipat sa isang kwarto.

#6
"Doc kamusta na po ang aking tatay?" Biglang tanong ng isang bata.
ligtas na ang iyong ama at kaylangan na lamang niya magpahinga at mga tatlong araw mula ngayon ay pwede na siyang makalabas. Sabi ng Doctor.
Labis ang saya ng bata dahil sa sinabi ng doctor sa kanya. Maraming salamat po Doc!" Sabi ng bata at agad nagtungo sa kwarto ng kanyang ama.
"Maraming salamat po ulit" sabi ng bata bago ito pumasok sa kwarto.
Masaya sa pakiramdam ang makapagligtas ng buhay ng isang tao, nakakawala ng pagod. Bulong ng Doctor sa kaniyang sarili.

#7
Pag pasok ng bata sa kwarto ay nakita niya ang kaniyang nakahiga at nakapikit ang mata. Agad kumuha ng upuan ang bata at umupo sa tabi ng kaniyang ama.
Dahan dahan hinwakan ng bata ang kamay ng kaniyang ama at pabulong na nagpasalamat sa panginoon.

#8
Binuksan ng nurse ang kurtina ng bintana  at ito ay agad nagbigay liwanag sa kwarto. Nagising ang bata at sa kaniyang pag dilat ay nakita niya ang kaniyang ama
na naka ngiti sa kaniya.
"Anak,Labis kita pinagalala" at kaniyang hinawakan ang pisngi ng bata upang punasan ang luha ng bata.

#9
Makalipas ang ilang araw ay pwede na maka labas ang kaniyang ama at dahan dahan ito inalalayan ng bata. Papalabas at nakasalubong ng bata ang Doctor na tumulung sa kaniyang ama.
Ang Doctor ay nguniti at dahan dahan din umalalay sa ama ng bata papalabas ng Hospital.
Pag dating sa labas ay agad nag patawag ng taxi ang Doctor dahan dahan inalalayan ang Ama at Bata sa loob.

#10
"Doc, Maraming salamat po sa lahat" saad ng bata
Ngumiti lang ang Doctor at kaniyang inabot ang bayad sa Taxi Driver at tumabi.
Habang papaandar ang taxi ay di maalis ang ngiti sa mukha ng Doctor.

#11
"Ama, Gusto ko maging Doctor pag laki ko" nagulat ang ama sa sinabi ng Anak pero sinagot niya ito ng Pangiti.
Hindi maalis ang ngiti ng bata at ang kaniyang ama habang nakatingin sa nagdadaang mga puno sa labas.

#12
Pag dating sa bahay ay agad inasikaso ng bata ang higaan ng kaniyang ama para ito ay makapag pahinga pa.
Naghanda din ito ng makakain para tuluyang lumakas at gumaling ang kaniyang ama.
Habang naghahanda ang bata ng kanilang hapunan ay malayo naka tingin ang ama sa liwanag na sikat ng araw sa labas na nagbibigay ng bagong bukas at pag asa.

#13
Makalipas ang ilang araw at tuluyan ng gumaling ang Ama. Kaniyang ginising ang kaniyang anak at niyaya maglako uli ng kakanin.
Nagulat ang bata ng sila ay maka rating sa Hospital kung saan dinala ang kaniyang ama noon. "Gusto ko sana maibalik kahit papaano ang tulong na ibinigay sa atin noon"
sabi ng ama sa kaniyang anak. Agad sumangayon ang bata at sila ay pumasok sa hospital upang mamahagi ng pagkain sa mga Doctor at nurse.

#14
Araw araw ay ito na ang naging gawain ng mag ama.
"Lahat ng nangyayari ay may dahilan" Pangiti na sinabi ng ama habang sila ay pauuwi.
Napalingon ang bata sa kaniyang ama at napaisip sa sinabi nito.

#15
"Lahat ng nangyayari ay may dahilan" bulong na binigkas ng binata bago pumasok sa hospital.
"Good Morning Doc!" Napalingon ang Binata at kaniya din ito binati bago pumasok sa kaniayang Opisina.

Julia Isobel F. Encarnacion
#1 Isang lalaking nasa stretcher na may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng ospital.

#2 Ngunit pagkatapos siyang idinala, may nagsabing nurse na kailangan pa niya daw muna maghintay ng kaunti para sa isang doktor.

#3 Hindi niya alam na maraming pasyente ngayon, at okupado ang halos lahat ng maaring makatulong sa paggagamot at pag-aalaga.

#4 Noong ang lalaki ay iniwanan, kanyang napansin na hindi mabuti ang kondisyon ng lugar. Walang maayos na harang ang kanyang kama sa mga iba.

#5 Halos isang oras ang lumipas, bago dumating ang isang doktor para tignan niya ang naging allergic reaction ng lalaki.

#6 Hindi pa pinauwi ang lalaki para gumaling siya.

#7 Kinabukasan, lumala ang kalagayan ng lalaki kaya hindi siya tumuloy sa paguwi.

#8 Kanyang hiniling sa nurse na sabihan ang kanyang pamilya tungkol sa kanya, dahil sa takot nang malaman niya sa doktor na hindi raw epekto ng kanyang allergy ang mas malala na kalagayan.

#9 Hindi agad makakarating ang pamilya ng lalaki dahil sila ay hindi nakatira sa Metro Manila.

#10 Napunta sa surgery ang lalaki, at doon din siyang nawalan ng buhay.

#11 Hindi nakaabot ang kanyang mga magulang at mga kapatid sa ospital sa tamang oras, kaya hindi sila nakapagpaalam sa kanya.

#12 Ang doktor ay nagsabi na ang Cause of Death ay epekto ng COVID-19, at itinanong sa pamilya kung may pinuntahan ang lalaki ng mga nakalipas na linggo.

#13 Ang sabi ng pamilya ay ngayon nga lamanga siya nakalabas dahil na ubusan siya ng anti-allergen at hindi makapagpagamot sa sarili niya.

#14 Ang pamilya ay nagtataka kung bakit naawa ang lalaki, at dahil sa kanilang kalungkutan ay hindi nila alam kung paanong reaksyon nila sa sitwasyon at kamatayan.

#15 Ang pamilya ay nanatili pang mas matagal sa ospital para gawin ang paperwork, walang kaalaman na ang mismong sanhi ng kamatayan ng kanilang mahal ay ang nagtratrabaho ng walang katapusan.

Paul Peralta
1. Isang lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.
2. Hinang hina na ang lalaki habang nakahawak ng kamay sa kanyang nanay na walang tigil sa kakaiyak.
3. Ang nanay ay nagdadasal na asikasuhin na ang kanyang anak dahil mayroon din palang sakit sa puso ang anak, habang ang tatay ay nasa labas at naghahanap padin ng pwede malipatan na hospital para ma asikaso agad ang anak.
4. Habang naghihintay ang mag ina, napansin ng ina na wala padin kumikilos lalo sa mga nag aagaw buhay na at yung iba ay wala pading oxygen tank dahil sa kakulangan ng kagamitan.
5. Sumugod na ang ina sa mga nurse para humingi ng tulong pero ni isa ay lumapit sa kanya. Nakahanap na ang ama ng pribadong hospital na mas maaasikaso ang anak kaya't agad neto tinangal ang oxygen tank na naka kabit sa anak at binuhat papuntang sasakyan.
6. Habang papunta na sa pribadong hospital ang pamilya, napansin nila na namumutla na ang anak at tila nahihilo na.
7. Nakarating na ang pamilya sa pribadong hospital at agad ng binuhat ng ama ang anak sa icu, kinabitan agad ito ng oxygen tank ng mga nurse na nagaasikaso doon.
8. Dumating na ang doctor at agad tinignan ang lagay ng batang lalaki, sa unang tingin palang ng doctor alam na niya na hindi maganda ang lagay ng bata kaya't inasikaso agad niya ang mga dapat gawin.
9. pinaalis ang mag asawa sa kwarto ng kanilang anak dahil hindi pwede makita ang mga gagawin nila dito. Kinausap muna ng mag asawa ang anak na maging matatag lang at nandito lang kami para sayo habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ng anak.
10. Hindi mapakali ang mag asawa sa kakahintay kung magiging maayos paba ang kanilang anak, nagpunta muna ang ama sa tindahan para bumili ng tubig para sa ina dahil mukhang pagod nadin ito sa kakaiyak.
11. Ilang oras na ang nakalipas biglang lumabas ang doctor sa ER na may lungkot sa mukha at sinabi ang masamang balita sa mag asawa, grabe ang pagdadalamhati ng ina ng marinig ang balita na wala na ang kanyang anak.
12. Agad agad nilang pinasok ang kwarto ng kanilang anak na wala ng buhay, niyakap ng ina ang kanyang anak at nag babakasali pa na natutulog lang ito.
13. Hindi padin matanggap ng mag asawa na kanilang iisang anak ay wala na, lumapit ang doctor sa kanila ang sinabing '' Lumaban ang anak niyo hanggang sa dulo''. ng malaman ito ng mag asawa tila napatigil sila sa iyak at ngumiti dahil alam naman nila na naging matatag ang anak hanggang dulo.
14. Pinagdasal nalang ng mag asawa ang kanilang anak na sana'y ligtas siya kung asan siya man ngayon at hindi na niya mararanasan ung sakit na naranasan niya dito sa mundo, sa huling sandali niyakap ulit ng mag asawa ang kanilang anak.
15. Malungkot man ang mag asawa pero alam nila namasaya ang kanilang anak at hindi nagdudusa sa sakit. Hindi habang buhay ang nandito tayo sa mundo kaya habang nabubuhay kapa sulitin mo na ito kasama ang pamilya at gumawa ng mga mabubuting bagay na ikakaunlad ng mundo natin.

Kirsten Fallaria
#1. Isang lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.

#2. Mabilis na sumunod ang kaniyang pamilya ngunit sila ay hinarangan dahil hindi sila pwedeng pumasok sa ospital.

#3. Hindi sila naghintay ng matagal nang nilabas ulit ang lalaki na nasa stretcher. Nagulat ang pamilya dahil ang akala nila ay maaadmit na ang kanilang kamag-anak sa emergency room.

#4. “Pasensiya na po, punong puno na ang emergency room at ang iba pang facilities ng ospital.” Nalulungkot na sinabi ng nurse. “Paano na tatay namin?!” Iyak ng isang anak ng lalaki sa nasa stretcher na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng atensyon.

#5. Walang ibang mapagpilian, inilagay nalang ang lalaki sa isang pwesto ng labas ng hospital at dinala sa labas ang kaniyang kailangan. Sa labas nalang nila tutulungan ang lalaki dahil nasa panganib na ito.

#6. Gumaan ang pakiramdam ng pamilya ng kaunti. Kahit na nasa labas nalang sila ng ospital, sapat na sakanilang makitang nasa mas mabuting kondisyon ang kanilang kamag-anak.

#7. Umalis na ang mga doktors at nurse dahil kailangan na nilang umintindi sa ibang mga pasyente. Nanatili ang pamilya sa tabi ng lalaki para bantayin siya, hanggan sa dumating sa punto na doon na sila natulog.

#8. Sa ikalawang araw ay wala pa ring available na space para sa kanila sa loob ng hospital. Nag-aalala na sila dahil naiinitan na ang lalaki, at lahat sila ay nasa panganib na mahawa sa CoVid Virus.

#9. May makikitang ibang pamilya na hindi din ma-accomodate ng ospital tulad ng pamilyang ito. Nalulungkot silang makita na parehas din ang paghihirap na dinadaranas ng ibang tao dito.

#10. Inisip ng pamilya na malabo nang mapapapasok ang kanilang kamag-anak na lalaki sa loob, kaya inalagaan nalang nila ito sa puwesto na inilagay sila noong una pa.

#11. Nangamba sila dahil akala nila stable na ang kondisyon ng lalaki, ngunit inaatake nanaman siya ng sakit. Dali-daling tinawag nila ang mga nurse para iasikaso ang lalaking iyon.

#12. Dahil sa kulang ng kagamitan at tauhan, natagalan silang makakuha ng nurse at doktor na pwedeng tumulong sa kanila. Hindi tumigil ang pagaatake ng masamang pakiramdam ng lalaki.

#13. Agad agad inintindi ng mga tauhan ang lalaki. Hindi nila alam kung kakayanin pa ng lalaki ang itong sakit na ito. Sama-samang nagdasal ang pamilya para gumaling ang kanilang kamag-anak.

#14. Biglang tumigil ang mga nurse at doktor sa pagintindi sa pasyente nilang lalaki. Tumingin sila sa pamilya at tumango na parang ang sinasabi ay “Wala na.”

#15. Tumakbo ang anak ng lalaki at umiyak nung nakita niyang hindi na humihinga ang kaniyang tatay. Umiyak siya ng sobrang lakas at sumigaw, “Bakit nangyari ito sainyo, Itay? Hindi ito kasalanan namin, hindi ito kasalanan nila. Hindi kasalanan mo ito, Itay, bakit ka nila pinahirapan? Sino, Itay?! Sino ang may kasalanan?!”

Elicia Dancalan
#1 Isang lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen and mabilis na ipinasok sa ICU ng ospital.

#2 Mga mata niya'y nagpipilit na manatiling bukas, at ang mga salitang ito ay mahinang binigkas ng kanyang maputlang mga labi: "Yung anak ko.."

#3 Kahit na ang buong katawan niya ay namanhid sa sobrang sakit, wala siyang ibang maisip kundi ang pagtakbo ng kanyang anak sa gitna ng kalsada at ang malakas na pagbusina ng sasakyan habang ito’y papalapit na sa bata, na walang kamalay-malay sa nangyayaring trahedya.

#4 Umikot ang kanyang mata, tila’y may hinahanap na kahit naharangan na ang kanyang paningin ng mga nakapalibot na doktor at nurs ay hindi pa rin natigil sa paghahanap.

#5 Nang nakita niya ang maliit na bata na mahigpit na nakahawak sa gilid ng stretcher na kanyang hinihigaan ay natahimik na rin ang kanyang damdamin at tumigil ang malakas na pagkutob sa kanyang dibdib. Nginitian niya ito na para bang sinasabi na, “Okay lang si Tatay, wag kang mag-alala.” at hindi na niya napigilan ang bigat sa kanyang mata at napapikit na rin.

#6 Walang magawa ang bata kundi umiyak nang umiyak, at mas lumakas pa ang kanyang mga sigaw nang makita ang kanyang tatay na napuno ng mga sugat at walang malay na ipinisok sa ICU. Sinubukan niya itong habulin ngunit hinarangan siya ng mga nars.

#7 Biglaang may tumakbo papasok na isang babae, ang mukha puno ng takot at kaba. Halata na nagmadali siyang pumunta ng ospital dahil sa kanyang hitsura. Agad niyang nilapitan ang maliit na bata nang makita ito at kinailangan pigilan ang mga luha na nagbabantang bumagsak nang makita niya ang mukha nito na basang-basa sa luha.

#8 "Anak, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya habang pinupunasan ang mukha ng bata. Agad nitong niyakap ang kaniyang ina nang sobrang higpit, niyakap naman siya pabalik at hinayaan ito na umiyak sa kaniyang balikat. Pagkatapos ng ilang sandali, bumitaw ang ina at tinignan nang maigi ang kanyang anak. "Wala ka namang sugat- Hala! May gasgas ka.. hindi ba masakit?" Halos sigaw niya nang makita ang sugat sa tuhod ng bata. Agad naman itong tumanggi na kinalungkot ng kanyang ina, dahil alam niyang sinasabi lamang ito para hindi siya mag-alala.

#9  "Asan si Tatay?" Tinuro ng bata ang ICU at agad na nilapitan ng nanay ang nakabantay na tauhan upang malaman ang sitwasyon ng kanyang asawa.

#10  "Ikaw po ba yung misis ng pasyente?" Tanong ng isa sa mga nars. Tumango siya, at hindi niya nalimutan ang malungkot na ngiti na binigay sa kanya nito. "Ayon po sa pulis, niligtas po ng asawa niyo yung anak niyo. Tumakbo kasi sa gitna ng kalsada, hindi niya nakita yung papalapit na sasakyan. Tapos lasing pa po yung driver... kaya ganyan yung nangyari." Naluha nalang ang ina sa kanyang narinig, at hindi na rin niya napiligan ito sa mga susunod na sinabi ng nars. "Sabi po ng doktor na... malaki po yung pinsala na nangyari sa 'lower body' niya. May posibilidad po na ma-'paralyze' ito, at hindi niya na po magagamit o mararamdaman yung mga paa niya."

#11 Kinailangan operahan ang lalaki at pagkatapos ng ilang araw, nagising na rin siya. Binati siya ng kanyang asawa at anak na tuwang-tuwa sa kanyang paggising. Pinaliwanag ng babae ang kondisyon ng kanyang asawa. Imbis na malungkot o maiyak, kalmado siyang ngumiti at sinabi, "Okay lang, basta ligtas yung anak natin. Wala lang to."

#12 Lumingon siya sa bata na nakayuko sa kanyang tabi, ang ulo nakababa na tila'y parang nagtatago. Tumawa nalang nang mahina ang ama sa kanyang nakita. "Hindi mo ba yayakapin si Tatay?" Tumingin na rin sa kaniya ang bata at agad na siyang niyakap.

#13 "Anak, sorry ah. Hindi na tayo makakapaglaro ng basketball. Hindi ka na rin makakarga o mabubuhat ni Tatay." Humigpit ang yakap sa kanya ng kanyang anak bago nito sumagot, "Magiging magaling na doktor ako, Tatay. Pagagalingin kita para makapaglaro ulit tayo." Ngumiti nalang dito ang mag-asawa.

#14 Ilang taon ang nakalipas, ang maliit na bata ay naging isang estudyante sa kolehiyo. Tulad ng kanyang pangako sa kanyang ama, kumuha siya ng kurso sa medisina at nag-aral nang mabuti. Hindi naging madali ang buhay ng pamilya, ngunit dahil nagpakatatag at nagtulungan sila, nalagpasan din nila ito.

#15 At sa wakas, dumating na rin ang araw ng pagtatapos ng anak. Hawak ang kanyang diploma, tumingin siya sa kanyang ama at binigyan ng napakasayang ngiti. "Tay, mapapagaling na kita."

POKUS: (1) Filipino family ties (2) Irresponsible driving