Kontemporaryong Isyu by Niña Mariquina

DOH tuloy sa pakikipag-usap sa COVID-19 vaccine developers
source: https://news.abs-cbn.com/news/09/06/20/doh-tuloy-sa-pakikipag-usap-sa-covid-19-vaccine-developers

Tungkol saan ang balita?
Ang balitang ito ay tungkol sa pagpupulong ng gobyerno sa mga developer ng bakuna laban sa COVID-19. Sinasabi rito na kahit wala pang nakasisimula ng clinical trials ng bakuna sa ating bansa ay patuloy pa rin ang ating gobyerno sa pakikipag-usap sa mga kompanyang nagde-develop nito katulad na lamang ng Pfizer. Ang Pfizer ay isa sa mga malalaking pharmaceutical companies abroad. Ngunit, hindi lamang sila sa Pfizer nakikipag-usap dahil kasama rin ang Russia at China rito.

Gaano kabago ang isyung ito sa lipunan?
Para sa akin, ang isyung ito ay napapanahon ngayon sa lipunan. Kaya nasabi ko na ito ay napapanahon ngayon dahil ito ay tungkol sa hinaharap natin na pandemya. Ilang buwan na rin ang nakalipas ngunit wala pa rin kongkretong plano at bakuna laban sa COVID-19 ang Pilipinas.

Ano ang kahalagahan nito sa bansa, lipunan, at mamamayan?
Ang kahalagahan ng balitang ito sa bansa, lipunan, at mamamayan ay upang malaman ng mga Pilipino kung may ginagawang aksyon ang gobyerno laban sa virus. Marami na ang mga nawawalan ng mga mahal nila sa buhay ngayon dahil sa pagkalat ng coronavirus. Kaya ito ay mahalaga para sa ating lahat dahil ang bakuna ay nakasalalay din sa libo-libong buhay at kalusugan ng mga Pilipino.

MAYNILA - Sunod-sunod ang pakikipag-usap ng gobyerno sa mga developer ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Bagaman wala pang nagsisimulang clinical trials ng bakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas, sinabi ng Department of Health na tuloy ang pakikipagpulong nila sa mga kompanyang nagde-develop nito.

"We have a meeting with Pfizer," sabi ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, na tinutukoy ang isa sa mga kompanya. Bukod sa Pfizer, nakikipag-usap din ang gobyerno sa mga gumagawa ng bakuna mula Russia at China.

Ang bakuna ng Pfizer ang isa sa 3 bakuna na pinag-aaralan ngayon sa United States. Tinawag itong "winner" ni US President Donald Trump matapos mapagkasunduan na bibigyan ng 100 milyong dose ng bakuna ang Amerika kung mapatutunayang epektibo ito.

Kaka-anunsiyo lang din ng Amerika na dapat maghanda na ang kanilang bansa para sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine simula Nobyembre 1. Kasama na dito ang paninigurado na mabilis makakakuha ng building permit para sa mga distribution site.

Samantala, sinabi ng DOH na aabutin pa ng ilang buwan ang clinical trials para sa Avigan—na hindi pa nagsisimula—at virgin coconut oil (VCO). Mga dokumento na lang ang kulang para sa pag-aaral ng anti-flu drug na Avigan mula Japan.

"We target to start this September. We are just now waiting for pending documents for processing," ani Vergeire. Patuloy naman ang usad ng clinical trials para sa VCO.

"Twelve months ang period nitong clinical trial sa PGH (Philippine General Hospital) na VCO. Ito 'yong titingnan 'yong safety and efficacy of virgin coconut oil as an adjunctive therapy for COVID-19," ani Vergeire

Mauunang matapos ang community-arm ng nasabing clinical trial na ginagawa ngayon sa Sta. Rosa, Laguna, kung saan tinitingnan kung puwedeng
para sa suspect at probable COVID-19 cases ang VCO.