Mabuti at Mapanagutang Pagboto by DANIELA ELE

Pakikilahok na Pampolitika
Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mamamayan. Bilang mamamayan, may karapatan tayong makilahok sa mga usaping panlipunan at pampamahalaan. Ang politika ay mula sa salitang Griyego na nangangahulugang pamamahala sa lungsod, habang ang pakikilahok ay nangangahulugang pagiging bahagi o pagsali. Ang politikal na pakikilahok ay tumutukoy sa mga gawain ng mamamayan kaugnay sa pamamalakad ng bansa. May dalawang uri ng pakikilahok sa demokrasya:

Tuwiran – direktang pagsali ng mamamayan sa mga desisyon, tulad ng pagdalo sa asembleya.

Di-tuwiran – ang mamamayan ay nagpapahayag ng saloobin sa pamamagitan ng mga halal na kinatawan, gaya ng pagboto.

Mga Paraan ng Pakikilahok
Ang malayang pamamahayag at mapayapang pagtitipon ay karapatan ng bawat Pilipino ayon sa Artikulo III ng 1987 Saligang Batas. Hindi ito limitado sa mga mamamahayag kundi para sa lahat ng mamamayan upang malayang maipahayag ang saloobin at opinyon. Mahalaga ang papel ng media sa pagpapalaganap ng katotohanan at pagbabantay sa mga gawain ng pamahalaan upang maiwasan ang pang-aabuso at mapanatili ang transparency. May dalawang pangunahing tungkulin ang media:

Magpaalam – tungkulin ng media na ipahayag sa madla ang mga nararamdaman, nakikita, at naiisip ng mga tao.

Mag-impluwensiya – tungkulin ng media na magbigay nang sapat na impormasyon sa mga mamamayan upang sila ay makabuo ng sariling opinyon tungkol sa iba’t ibang isyu na kinahaharap ng ating lipunan.

Bilang bahagi ng politikal na pakikilahok, karapatan din ng mamamayan ang lumahok sa mapayapang pagtitipon upang maipahayag ang mga hinaing sa pamahalaan.

Definition:
Bilang mga mamamayan ng ating bansa, tungkulin natin na makibahagi sa pamamahala maging ito man ay tuwiran o sa pamamagitan ng pagpili ng ating kinatawan. Dahil umiiral ang demokrasysa sa ating bansa laging nangingibabaw ang kagustuhan ng mga nakararami lalong lalo na sa pagpili kung sino ang mga mamumuno. Nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ang karapatan sa paghalal at maihalal sa isang posisyon. Ang karapatan sa pagboto ay nangangahulugan nang pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamalakad ng ating bansa.

Iba’t ibang uri ng pagboto:
a. Eleksyon - ay isang pormal na proseso ng pagpili ng mga mamamayan ng mga opisyal na sa tingin nila ay may kakayahan na mamuno at mapagkakatiwalaan nila.

b. Plebesito - ay paraan ng pagboto ng mga mamamayan sa bansa o isang distrito ng kanilang pangsang-ayon o pagtutol sa isang panukala, halimbawa ay ang pagbabago o pagrerebisa ng Saligang Batas.

c. Recall - ay paraan ng pagboto kung saan ang isang nanalong kandidato sa isang eleksyon ay matatanggal sa kanyang puwesto bago pa man matapos ang kanyang termino. Nagkakaroon lamang ng recall kung may petisyon mula sa mga kuwalipikadong botante.

d. Initiative - ay proseso na kung saan ang mga mamamayan ay nabibigyan ng pagkakataon upang magmungkahi ng batas.

e. Referendum - ay pagboto ng tao laban o pabor sa isang panlipunang isyu.

Sino-sino ang maaaring bomoto?
Batay sa Artikulo V ng Saligang Batas, ang mga maaring bumoto ay:

1. mamamayan ng Pilipinas;

2. may edad na labinwalong taong gulang sa araw ng eleksyon;

3. residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon; at

4. residente sa lugar ng pinili niyang bumoto sa loob ng anim na buwan sa petsang itinakda sa pagdaraos ng eleksyon.

Dahil ang pagboto ay isang karapatan at isang pribilehiyo, mayroon ding mga indibidwal na hindi maaring bumoto kahit nasa kanya pa ang mga kuwalipikasyon.

Sino-sino naman ang hindi maaaring bumoto?
1. Mga taong napatawan ng pinal na sentensiya na may kaakibat na pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon at hindi napagkalooban ng “pardon” o napabilang sa programang amnestiya ng Pangulo na magpapabalewala sa desisyon ng Korte.

2. Kung siya ay napatawan ng pinal na kaparusahan ng isang Korte o Tribunal sa pagsasagawa ng anomang krimen na may kaugnayan sa pagtataksil sa pamahalaan tulad ng rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at fire-arms law o anomang krimeng may kinalaman sa pagbabanta sa seguridad ng bansa.

3. Kung napatunayan na siya ay wala sa katinuan ng pag-iisip sa pamamagitan ng mga pamamaraang isinagawa ng mga eksperto sa kaugnay na larangan.