Iilang Pahina by Maria Angelica Gabasa

Mamahalin Ka sa Tag-araw at Tag-ulan
May mga pagkakataong hindi makikiayon sa atin ang panahon. Uulan nang pagkalakas-lakas. Iihip ang napakalamig na hangin. Maninindak ang kulog at kidlat. Ngunit gano'n pa man, huwag mo sanang kalilimutang nasa tabi mo lamang ako. Handang pasilungin ka sa payong na aking dala kung sakaling tangayin man ng hangin ang sa iyo. Huwag kang mangamba sapagkat hindi ako mag-aatubiling yakapin ka papunta sa aking mga bisig kung sakali mang hindi mo na kaya ang lamig. 'Wag ka ring matakot sa kulog at kidlat dahil hahawakan ko ang iyong mga kamay hanggang sa kumalma na ang napakabilis na pintig ng iyong puso. At kung tangayin uli ng hangin ang payong na sinisilungan nating dalawa, huwag kang mawalan ng pag-asa. Dahil pareho mang kaliwa ang ating mga paa, tuturuan natin ang ating mga sarili at ang isa't isa na sumayaw--sumayaw sa ilalim ng ulan, kahit na nakabibingi na ang kulog at nakakatakot na ang kidlat. Sasayaw tayong dalawang hindi na alintana ang masamang panahon. Sasayaw tayong dalawa hanggang sa tumila na ang napakalakas na unos. Sasayaw tayong dalawa hanggang sa  magpakita nang muli ang araw.

Pagsusulit
Sa bawat pagsusulit na ibinibigay sa iyo ng buhay, palagi't palaging may aral itong ipagkakaloob sa 'yo. Aral na tiyak na iyong magagamit sa iyong paglalakbay. At kung sakali mang napagod ka na kahahanap ng sagot, kung ika'y naiinis at nababagot na, kung araw-araw at gabi-gabi kang dinadalaw ng pangamba sapagkat nagamit mo na ang lahat ng pormyulang iyong alam ngunit hindi pa rin tama ang nakukuha mong sagot, magpahinga ka muna. Hindi mo pa man gamay ang mga bagay-bagay, hindi mo pa man abot ang tadhanang iyong nais, ngunit malayo-layo na rin ang iyong narating. Kaya magpahinga ka lang muna. Mag-ipon ka ng lakas. Ihanda mo ang iyong puso at isipan. Para sa iyong pagbabalik, gaano man kakomplikado at kahirap ang madatnan mong pagsusulit, hindi ka na masisindak. Bagkus ay malugod mo itong sasagutan. Sapagkat batid mong sa pagkakataong ito, mas handa ka na.

Amor Verdadero
Noon, palagi akong napapaisip kung ano kaya ang pakiramdam ng magmahal nang buo at walang pag-aalinlangan, kung ano kaya ang pakiramdam ng magmahal at mahalin pabalik. Hanggang ngayon, pumapasok pa rin ang mga katanungang ito sa aking isipan, ngunit sa pagkakataong ito, napapangiti na lamang ako habang naaalala ka--ang iyong lambing, ang iyong mga yakap at halik, ang iyong tawa at pagngiti, ang paraan kung papaano ka mag-isip, makinig sa paborito mong musika, kumanta, sumayaw, kumain...lahat. Lahat ng tungkol sa 'yo ay naiisip ko sa tuwing napapadaan sa aking isipan ang pagmamahal na buo at walang pag-aalinlangan, ang magmahal at mahalin pabalik.