Alvares - Bilang sa Klase: 33 - 40+ (Mga Sinaunang Kabihasnan sa Timog Silangang Asya) by Joseph Jay V. Hernando

Bagan, Myanmar (Burma)
Mga Pangalan ng Sumagot -
1 - Zachary S. Tobias
2 - Robin Villanueva

Patunay ng Civilis -
Isa sa mga pinakanatatanging katangian ng imperyo ng Bagan ay ang maayos na pagkakasundo at pagsasama ng dalawang paniniwala (union of faiths) ng Budismo at Nat. Kilala sila sa maayos na pagsasama ng mga tao, etnisidad at paniniwala upang magbigay daan sa pagpapalawak ng kanilang imperyo.

Patunay ng Civitas -
Nakilala ang imperyo ng Bagan bilang “City of A Thousand Temples” dahil sa kanilang magagarbo at kakaibang disenyo at arkitektura ng kanilang mga templo na may kakaiba at kulay ginto na “spires”. Dahil sa kagalingan nila sa paggawa ng mga gusali upang suportahan ang kanilang mamamayan, nakilala rin sila sa kanilang 11th Century Reservoir ng tubig upang maipamahagi ito sa iba’t ibang siyudad ng Bagan.

Patunay ng Civis -
Kilala ang mga mamamayan sa imperyo ng Bagan bilang isang komunidad ng mga manlililok ng palayok (community of potters). Ito ang tumulong sa kanila upang masuportahan lalo ang paglago ng Bagan sa aspekto ng irigasyon at agrikultura. Kilala rin sila bilang iisang pamayanang niniwala sa Budismo at Nat nang mapayapa at walang alitan.

Patunay ng Bihasa -
Nakilala ang imperyo ng Bagan sa mahusay na paggamit ng kanilang mga ilog at kanal upang gamitin ito sa irigasyon at agrikultura na nagbigay suporta sa pamumuhay at hanapbuhay ng kanilang mga mamamayan. Liban dito, kilala rin sila sa kanilang kagalingan sa paggawa ng tradisyunal na Burmese Lacquerware na mayroon katangi-tanging "ornate" na disenyo.

Patunay ng Kultura -
Isa sa mga naiibang pamamaraan nila ng pamumuhay ay ang konsepto ng “mindfulness” o pagiging malay. Ito ang naging gabay ng kanilang mga mamamayan lalo na ang mga monghe na nagpalaganap ng relihiyong Budismo. Liban dito, kilala rin sila sa kanilang tradisyunal na “Royal Elephant Dance” na nagbibigay buhay sa istorya ng paglaban at pagiging magkaibigan ng isang elepante at mamamayan ng Bagan. Isa pang katangi-tanging kultura nila ay ang kanilang tradisyunal na paraan ng pagsusulat na “Mon script”.

Ayutthaya, Thailand
Mga Pangalan ng Sumagot:
1 -  Rafael Sulit
2 -  ZJ Villa

Patunay ng Civilis -Palaging nakikipagkalakalan ang Tsina at Ayutthaya noong nagsimula ang Ayutthaya.

Patunay ng Civitas -Noong 1350 nagkarron sila ng epidemya. Ginabayan ni Uthong ang kanyang mga tao ng ilang araw. Noong nakarating sila sa isang ilog, nakita nila ang isang isla na puwede nila gawing kaharian.

Kultura- Foi Thong

Patunay ng Civis - Magaling sila mag diskarte para magkaroon sila ng gamit para sa kanila at magaling sila mag kalakalan.

Patunay ng Bihasa - Magaling sila mag kalakalan sa ibang bansa tulad ng Tsina, Middle East at iba pang bansa. Ilang daang taon na sila nakikipagkalakalan.

Patunay ng Kultura - Ang Ayutthaya ay isang lalawigan ng mga museo, templo, palasyo at makasaysayang lugar, karamihan sa paligid ng sinaunang lungsod ng Ayutthaya. Karamihan sa mga site ay nasa loob ng isang makatwirang distansya na nilakbay ng bawat isa upang ang karamihan ay maaaring saklaw ng mas mababa sa isang araw.

Angkor Wat, Krong Siem Reap, Cambodia
Mga Pangalan ng mga Sumagot:
1 -Reyes,Sam
2 - Silverio,Ethan

Patunay ng Civilis -Sila ay nakagawa ng isang daanan na dadalhin ka sa anim na lugar at ang iba sa mga lugar doon ay kung saan sila nakikipag barter sa ibang mga bansa o lungsod upang makakuha ng ibang mga producto.

Patunay ng Civitas - Noong 1181 nagkaroon sila ng bagong hari na pinangalanang Jayavarman Vll at napakarami niya pinagawa na mga gusali na mas marami pa daw kaysa sa kanyang mga hinalinhan at mas napalaki pa niya ang tritoryong nasasakop ng Emperyo ng Angkor..

Patunay ng Civis - Sa Cambodia matagal ng pamumuhay ng mga tao doon ay ang pangingisda dahil ang kanilang kabuhayyan ay umiikot sa katubigan at ang kanilang mga bahay ay matataas kasi madalas silang bahain dahil sa mga monsoon.

Patunay ng Bihasa - Magaling sila gumawa ng mga gusali at hindi lang iyon magaling din sila sa pag dedesenyo nito at ang ibs sa mga desenyo nila ay mayroong mga kuwento sinasabi o kaya naman mga mensaheng guston nilang iiparating

Patunay ng Kultura - Mayroon silang sayaw na tinatawag na "Upsara Dance" na nakabatay sa mas matandang sayaw at isang pambansang pagdiriwang na tinatawag na "Annual Dragon Boat Race" at ang ginagawa nila sa araw na ito ay magkarera ngunit ang mga ugat nito ay nagmula sa isang labanan halos isang daang taon na ang nakalipas, kaya't ang karamihan sa kanilang tradisyon naiimpluwensyahan ng iba't ibang mga bagay o ito ay batay lamang sa orihinal

Majapahit, Indonesia
Mga Pangalan ng Sumagot:
1. Keeyzan Samson
2. Heaven Yacat

Patunay ng Civilis - Bhinneka Tunggal Ika "Unity In Diversity".(national motto). Ito ang kanilang sinusunod na sistema  para sa magandang pakikitungo sa iba. Nakuha ito sa "Sutasoma" ang lumang manoiskript na  galing sa Majapahit Empire noon. Ito ay isang 700 taong tula na may ideya ng pagtangap kahit magkaiba kayo ng lahi o paniniwala sila ay may pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba.

Patunay ng Civitas - Isang “Paduraksa” na mula sa kapital ng Majapahit, Trowulan ay nadiskubre noong 1811. Ang kaharian ng Majapahit ay nagsimula noong ika-13 hanggang ika-16 na siglo. Kahit walang mga maringal at malaking istruktura na ginawa ang Majapahit, may mga labing nadiskubre ang mga arkeologo, tulad ng “Paduraksa” na ito. Ang “Paduraksa ay isang pasukan na gawa ng ladrilyo na may matayog na bubong. Ang strukturang ito ay sinasabing isang pasukan o lagusan papasok ng kapital ng Majapahit.
dagdag kaalaman sa civitas
-Kabisera ng Java sa lungsod ng Trowulan itinatag ni Haring Raden Wijaya. Nakuha noong 1331 ang silanggang Java at 1343 naman ang Bali sa pamumuno ni Heneral Gaja Mada.

Patunay ng Civis - Ang Majapahit ay isang kaharian na sentral sa pangangalakal ng pampalasa at pandarayuhan o paglipat ng tirahan ng mga tao mula sa ibang lugar. Kabilang sa mga dayuhang lumipat sa Majapahit ay ang mga Mongheng Buddhista, Tsinong Iskolar at iba pa. Dahil dito ang populasyon ng Majaphait ay binuo ng mga taong nagmula sa Tsina, Java, Sudan, at iba pa.
Iba pang patunay na Civis
- Si Haring Kertanegara siya ang nakalaban ng Hari ng Monggol na si Kublai Khan na nais sumakop sa Java. Si Prinsipe Raden Wijaya - kaunaunahang hari ng Majapahit at nagtayo ng kabisera sa Java. Si Heneral Gaja Mada - kilalalang lider-militar at punong ministro ng emperyo ng ikalabing-apat na siglo. Si Haring Hayam Wuruk - kilala at dakilang hari.

Patunay ng Bihasa - Sa isang arkeolohikong ekspidisyon may nadiskubreng mga palayok at arkitektura galing sa panahon ng Majapahit. May nadiskubre ring bahagi ng isang bahay. Ang mga palayok na nakita ay gawa ng porselena at mayroong din itong masalimuot na disensya. Dahil sa kanilang malawak na pangangalakal makikitang marami silang magandang dekorasyon at palayok na na galing sa iba’t ibang bansa. Bihasa rin sila sa paghahabi ng batik o tuban.

Patunay ng Kultura - Si Hayam Wuruk ay isang hari ng Majapahit na sinasabing nagpasikat sa tanghalang mula sa Java. Ang tanghalang Java ay mayroong mga sayawan at pagpapalabas gamit ng mga anino mula sa pagmamanyika. Isang tanyag na kuwento tungkol sa pag-ibig ni Prinsipeng Panji ang tampok sa Wayang Topeng o “masked dance.” Isa ito sa nagpaganda at nagpayaman sa kultura ng Majapahit Indonesia.Naging paraan din ng pamumuhay nila noon ang pakikipagkalakalan o pakikipagpalita ng mga produkto sa ibang kalapity lugar. Budismo at Hinduismo ay mga rehiyong nasa sinaunang kasaysayan din ng Majapahit Indonesia.