Class blog by ISO23 LOPEZ, Luigi Rafael D.

23ISO Luigi Lopez-Tabing Ilog o Itabi Ang Kaibigan???
Mula sa dulang napanood ko ito ang mga napansin ko. Ang entablado ay isang kalahating bilog na may mga kagamitan katulad ng isang maliit na entablado na nasa gitna,  isang rampa mula sa mga nanonood papasok ng “main stage” na makikita sa pasilyo ng teatro, at sa gilid may isang puno na ginawang isang lugar na karamihan sa mga pangunahing kaganapan ay nangyari. Ito ay nakatulong upang makita nang kahit na sinong manonood ang mga aktor sa entablado. Ang tagpuan ng dula ay sa isang barangay na nakalimutan ko na ang pangalan pero dito ang mga magkakaibigan nakilala ang isa’t isa sa eskuwelahan. Ang nga props na ginamit ay nakatulong rin upang maging mas realistiko ang mga kaganapan sa dula. Para sa akin, nagamit nila nang husto at wasto ang mga props. Naging instrumento ang mga ito upang bigyang diin ang kanilang mga kilos at galaw.

Ang mga kasuotan ay gumamit ng “modern” na mga damit o istyle mula sa kasalukuyang panahon. Ito ay nasabi ko dahil ang ilang mga karakter ay nakasuot ng mga damit o istyle na nakikita kong suot ng mga kaklase at kaibigan ko. Ito ay nakatulong para bigyan ang mga nanonood ng mga hudyat o pahiwatig kung anong panahon ang setting ng dula.

Ang mga ilaw ay may iba’t ibang kulay sa iba’t ibang eksena. Sa aking palagay, ginawa ito para makatulong sa paglagay ng mga madla at ng eksena sa isang “mood” katulad ng katuwaan o kalungkutan. Ito rin ay para makita ng nanonood ang mukha at mga facial expressions ng mga karakter. Baka ito rin ay maaaring maging isang “queue” sa mga aktor para alam nila kung kailan kailangan nilang isimulan ang susunod na eksena.

Ang mga blockings ay nakatulong para makita ng lahat ng mga nanoond ang mga mukha at ang mga ekspresyon ng mukha ng mga karakter sa dula sa iba’t ibang anggulo ng teatro ng malinaw. Ang mga aktor ay gumalaw ng mabagal at mabilis rin depende sa sitwasyon. Napansin ko rin na may mga “tape” na umiilaw sa dilim sa entablado bilang mga marker kung saan pupunta ang mga karakter at lalagyan ng mga props.

Sa tingin ko, naging epektibo ang naging desisyon, pagkukuwento, at paglalapat ng pagkamalikhain ng direktor. Naging epektibo ang pagbibigay ng mensahe ng direktor sa dulang ito para sa mga nanonood dahil ginawa niya ito sa isang simple ngunit mahusay na paraan. Ang mga kantang ginamit nila ay epektibo dahil ito ay nakakapag palabas ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang mga linya at ang tono na bumagay sa mga eksena. Naisip ko rin na epektibo ang mga napiling aktor para sa dula dahil perpekto sila sa kanilang mga tunkulin na ibinigay sa kanila. Talagang inembrace nila ang kanilang tungkulin at pinahusay ito para maging perpekto ang mga eksena sa dula. Ang mga aktor na ito ay may mga personalidad na naging bagay sa mga tungkuling ibinigay sa kanila rin. Sa wakas, sa tingin ko ay maganda ang itsura ng entablado ngunit may ilang mga isyu mula sa ibang anggulo. Noong nanood ako ng dula, nakaupo ako sa may malapit sa sulok at hind ko nakita lahat ng mga anggulo sa entablado kapag ang eksena ay nasa isang “blind spot” ng entablado pero ayos lang to dahil talagang natuwa ako sa aking napanood. Akala ko na makaktulog ako sa dula, sa halip nagrereact ako sa lahat ng mangyayari na nakakatuwa, nakakalungkot, at iba pa. Dahil nandoon din ang aking pamilya, kaming lahat ay natuwa at naging masaya sa aming nakita.

Mairerekomenda ko ang dulang ito sa iba. Ang dulang ito ay nagtuturo sa mga tao sa kasalukuyan na magkaroon ng kamalayan sa mga sitwasyong nangyayari at naapektuhan ang iba. Ito ay isang importanteng paksang dapat malaman ng lahat. Ang mga halimbawa ng mga ito ay depresyon, pananakit sa sarili, pambubully, at iba pa. Ang mga problemang ito ay nakakasira sa kalusugan kaisipan ng mga tao. Kapag naranasan mo rin ito kailangan mong kumonsulta sa iyong mga kaibigan, pamilya, at kung sino man ang pinagkakatiwalaan mo dahil sila ay makatututulong sa inyo. Ang dulang ito ay nagtuturo rin na ang mga taong pinagkakatiwalaan mo ay palaging susuportahan at tutulungan ka sa lahat ng bagay.

Bilang isang aktor sa PALIG, mayroon akong mga makakukuha sa dulang ito para mas maging maganda ang “performance” ko at ang aking mga kagrupo sa dulang In Absentia. Ang natutunan ko mula sa dula, ay kailangan kong humarap sa mga madla palagi para makita nila ang mga ekspresyon ng aking mukha. Kailangan ko rin maging marunong sa pag-adlib at kung kailangang gawing o gamitin ito para mas pagandahin ang aming “performance”. Kailanging ko rin ito para maisave ang mga eksena kapag mayroong mga nakalimutan na linya sa dula.

Ang Tabing Ilog ay napapektuhan ako bilang Ateneista at kabataan dahil ito dulang ito ay itinuro sa akin na kailangan kong bigyang halaga ang aking mga kaibigan. Ito ay dahil ang aking mga kaibigan ay ang mga taong kasama ko araw-araw. Hinulma nila ako sa pagkatao ko ngayon dahil sa kanilang mga itinuro sa akin. Sila rin ay ang mga taong susuporta sa akin sa anumang sitwasyon na nangyayari sa buhay ko. Kahit minsan nag-aaway kaming mga kaibigan, sila parin ang aking mga kapatid.

-Luigi Lopez, 9ISO