Ang Aking Talaarawan by

Nobyembre 1, 2024
Sa araw na ito, pumunta kami sa San Jose Antique.  Maaga akong gumising at naligo.

Naghanhanda ako ng aking bag  at ang  mga gamit .  Dinala ko ang mga kendi, tsokolate at dinala ko rin ang aking pantalon at damit na hindi na kasya sa akin. Ito ay pa ara ipamigay ko sa aking mga pinsan. Umalis kami ng bahay at bumili muna ng mga bulaklak ang aking ina.

Ilang oras dumating na kami sa bahay namin sa San Jose, Antique. Nagmano ako sa aking lola , tita at tito. Naglabasan na rin  aking mga pinsan at naglaro kami. Kumain rin  kami ng almusal na niluto ng aking tita, itlog at pritong isda.  Pagkatapos ay pumunta kami sa sementerto kasama ang aking lola. Ilang minuto dumating na kami sa sementeryo na meron kami dalang mga bulaklak at kandila. Isa isa namin itong inilagay sa puntod ng aking tito daddy, sa aking mga lolo at lola na hindi ko na sila nakita na buhay pa. Nagdasal din kami para sa kanilang kapayapaan at kaluluwa.

Pagkatapos pumunta kami sa bahay ng kapatid ng aking nanay. Doon po kami kumain ng aming tanghalian. Masaya ako dahil nakalaro ko ng aking pinsan. Sa hapon umuwi na kami na may dalang ibat, ibang kakanin na binigay ng aking Tito at Tita. Nakarating kami sa aming bahay na pagod ngunit masaya dahil bumisita ako sa aking lola, Tito, Tita, sa aking mga pinsan at lalo sa puntod ng aking mga mahal sa buhay.

Nobyembre 2, 2024
Sa araw na ito, umaga akong gumising at naligo para bumalik sa paaralan.  Kumain ako ng masarap na almusal na niluto ng aking nanay. Pumunta ako sa paaralan bago 9:00 a.m. para sa pagsusuri namin sa Pisay. Ilang minuto din ay dumating na aking mga kaklase. Ang aming pagsusuri ay  hanggang 12:00 p.m..

Ang aming guro ay tumutukoy ng ingles. Nabigyan kami ng isang papel na pwede namin itong sagutin. Medyo na hirapan rin ako ngunit nasagot ko lahat ng mga tanong. Pagkatapos ng ingles tumukoy  naman ang amin guro sa matematika. Tinukoy niya ang mga pormula ng "Pythagorean Theorem", madaling intindihin ang mga pormulang  ito. Pagkatapos ng matematika  ay ang agham, sa paksa ito ay mahirap para sa akin at pag-aralan ito ng mabuti.

Pagkatapos ng aming pagsusuri , naglaro kami ng aking mga kaklase sa labas ng football. Napag-isipan rin namin na magpapicture kami sa loob ng aming silid-aralan kasi meron pa kaming konting oras at masaya kami sa aming larawan.  Sinundo na ako ng aking tito dahil tanghali na.

Nobyembre 3, 2024
Araw ng Linggo, pumunta kami sa simbahan para dumalo ng misa.  Dito meron kaming sunday school at tinukoy ng aming Pastora ang tungkol sa Tomb of Jesus. Nakinig ako ng mabuti dahil pagkatapos meron siyang ipapagawa sa amin. Ang ginawa namin ay iguhit kung ano natutunan namin sa aralin.

Sa araw din na ito ay nagyaya ang aking mga magulang na pumunta ng SM City kasi meron silang bibilhin at siyempre ako. Sa aming pag-ikot-ikot ay nagutom tuloy ako at  kumain kami sa aming paboritong Sbarro. Nag-order kami ng lasagna, ziti pasta, pepperoni pizza at roast chicken. Sobrang busog kami sa aming tanghalian.

Sa araw na ito, ako ay masaya dahil ako ay nakapasyal ulit. Salamat sa oras ng aking mga magulang na inilaan sa araw na ito.

Nobyembre 4, 2024
Ang araw na ito ay napagod ako dahil marami kaming ginawa sa aming paaralan. Malapit na kasi ang aming multicultural at sunod sunod rin ang aming praktis. Bandang alas sais na ako nauwi sa amin at hindi pa rin dumarating ang aking magulang galing sa trabaho. Ang ginawa ko muna ay nagpahinga ako.

Nang dumating na ang aking magulang, kumain kami ng aming hapunan. At habang kumakain ay napag-isipan ng aking ina na ilagay na ang aming Christmas Tree dahil malapit na pala ang pasko. Pagkatapos namin kumain ay nagpasya kami na kunin ang aming lumang Christmas Tree at iba't ibang dekorasyon. Nasasabik na ako at tinulungan ko na ang aking ina na maglagay ng mga dekorasyon. Ang kulay ng aming dekorasyon ay puti at pilak.

Masaya ako, na meron na dekorasyon ang aming Christmas Tree. Nawala ang aking pagod dahil sa maganda tingnan ang mga dekorasyon at ang kumukutitap na ilaw. Ang pagdiriwang ng pasko ay masaya at sama-sama ang bawat pamilya.