(Pongracz- Bilang 1 - 9 sa Klase) - Estadong Nasyon: Pagtatayang Mamarkahan at Itatala by Joseph Jay V. Hernando

Russia

Great Britain, United Kingdom

France

Pangalan ng mga Kasapi:
1 - Andrei Angelo L. Ada
2 - Christian Agulan
3 -
4 - Lucas Ethan A. Baking
5 - Gabriel Joaquin Balingbing
6 - Francisco J. Basas
7 - Shealtiel Joaquin O. Blanca
8 - Victor Cyril Angelo Cajucom
(9) - Romuel Mitchell Castro
(10) -

Isang sagot lamang para sa buong malaking pangkat at isusulat lugar/espasyong inilaan sa ibaba.

3 - Batay sa ating mga natalakay, magbigay ng isang paglalahat ukol sa kahalagahan ng Gitnang Panahon sa paglabas ng mga estadong nasyon. Mamarkahan ito batay sa kung isa talagang paglalahat at nababagay ito sa araling tinalakay. (6 puntos)

Sa Gitnang Panahon, maraming lugar sa Europa ang wala pang organisadong pamahalaan o gobyerno na maaaring mamuno sa bansa kaya naman nagkakaroon ng iba't ibang uri ng kaguluhan noon. Dagdag pa rito, nawalan ng Civilis o maayos na pakikitungo sa iba ang mga mamamayan at tao sapagkat marami silang bagay na hindi pinagkasunduan tulad ng relihiyon, lahi at iba pa. Dahil dito, nagkaroon ng mga digmaan sa pagitan ng iba't ibang probinsya. Dito unang pumapasok ang paggamit ng mga pamamaraan sa pagtayo at pagsulong ng isang estadong nasyon. Upang mapalawak ang lupain ng isang lugar, kailangan nilang sakupin ang iba pang teritoryo kaya naman upang makamit ito, pinahina nila ang kanilang oposisyon sa pamamagitan ng pandirigma. Habang lumawak ang lupain ng bawat bansa, unti-unting nabuo ang mga estadong nasyon gamit ang iba't ibang pamamaraan. Sa pangkalahatan, naging mahalaga ang Gitnang Panahon sa paglabas ng mga estadong nasyon sapagkat dito unang ginamit ang mga konsepto ng pagtatayo at pagsusulong ng estadong nasyon.

Spain

Spain
Bansang Itinalaga: Espanya

Buong Pangalan ng mga Sumagot:

1 – Andrei Angelo L. Ada

2 – Francisco J. Basas

(3) –

1 – Pumili ng tatlo sa mga pamamaraan na ginamit sa pagtatatag ng mga estadong nasyon na tinalakay natin. Sa bawat isa sa tatlong pamamaraang pinili ninyo, magbigay ng isang ispesipikong pangyayaring naganap sa estadong nasyong naitalaga sa inyo na magsisilbing halimbawa ng pamamaraang ito. Mamarkahan ito batay sa pagiging tama at ispesipiko ng bawat halimbawang pangyayaring ibinigay ninyo. (6 puntos)

-Pagsusulong ng iisang relihiyon: Makikita ang paggusto ng Relihiyong Katoliko para sa buong Espanya na hanggan ngayon ay napapansin natin. Dahil sa 'Battle of Covadonga' kung saan nanalo ang mga Katoliko, magsisimula ang Reconquista, at mawawala na ang Relihiyong Islam sa Espanya.
-Pagpapahina ng oposisyon: Sa buong kasaysayan ng Espanya, ang daming labanan ay naganap upang maging mas malakas ang isang bansa o para matanggal ang isang bansa na isang malakas na kalaban para sa isang bansa. Sa kasaysayan ng Espanya maraming okasyon kung saan natalo ang mga Espanya, at ang bansa na nanalo ay mananakop sa Espanya tulad ng okasyon na na nananakop ng mga Islam ang Espanya.
-Pagsasama ng mga lupaing kontrolado ng monarko: Makikita natin ang paglawak ng Espanya noon ang kaharian Castile at Aragon ay sumama. Dahil nagsama sila, marami silang nagawa tulad ng pagtapos ng Reconquista o ang kilusan upang wakasan ang pamamahala ng Muslim sa Liberia.

2 – Batay sa kasaysayan ng estadong nasyong itinalaga sa maliit na pangkat ninyo, anong aral ang maaaring mapulot na magagamit natin sa Pilipinas upang mapatatag at mapalakas ang ating sariling estadong nasyon? Ipaliwanag. Mamarkahan ito batay sa lalim at lawak ng inyong paliwanag at sa pagiging nababagay ng patunay na naibigay ninyo. (6 puntos)

Isang paraan na maaaring mapatatag at mapalakas ang ating sariling estadong nasyon ay ang ideya ng pagsulong ng iisang relihiyon. Makakatulong ang ideya ng pagkakaroon ng parehong paniniwala para sa lahat sapagkat magiging mas organisado ang ating mga kaisipan. Bukod pa rito, magiging mas united o buo tayo bilang isang bansa at mapapalakas nito ang ating relasyon sa kapwa. Ngunit, dapat irespeto pa natin ang iba pang relihiyon dahil ang bawat isa ay may kalayaan na pumili ng kanilang mga paniniwala, at maaaring magsimula ng mga away kung hindi natin irespeto ang ibang relihiyon.

France
Bansang Itinalaga:

Buong Pangalan ng mga Sumagot:

1 – Lucas Ethan A. Baking

2 – Shealtiel Joaquin O. Blanca

(3) –

1 – Pumili ng tatlo sa mga pamamaraan na ginamit sa pagtatatag ng mga estadong nasyon na tinalakay natin. Sa bawat isa sa tatlong pamamaraang pinili ninyo, magbigay ng isang ispesipikong pangyayaring naganap sa estadong nasyong naitalaga sa inyo na magsisilbing halimbawa ng pamamaraang ito. Mamarkahan ito batay sa pagiging tama at ispesipiko ng bawat halimbawang pangyayaring ibinigay ninyo. (6 puntos)

Ang unang paraan ng pagtatag ng isang estado nasyon na ginamit ni Clovis I ay ang pagpapahina ng oposisyon. Bago pa man nagkaroon ng monarko ang Pransiya, pinamunuan ang mga Frank ni Clovis I, na ang layunin ay maipagkaisahin ang kanyang grupo sa iba pang grupong Frank. Dahil dito, ipinatay niya ang mga lider ng mga grupo upang masigurado niyang makukuha niya ang mga lupaing ninanais niya. Pagkatapos niyang gawin ito, sinikap naman niyang angkinin ang lupa ng kanyang karibal, ang mga tribung Aleman kaya naman naganap ang labanan nila sa Digmaan ng Tolbiac kung saan pinatay ang lider ng kanilang kalaban at tinalo nila ang mga Aleman. Sa labanang ito, ginamit ni Clovis I ang paraan ng pagpapahina ng oposisyon upang makuha ang kanilang teritoryo. Sa huli, nagkaroon ng isang pangyayari noong taong 1572 kung saan iniutos ni Reyna Catherine de' Medici na patayin ang mga Huguenot, mga grupo ng Protestante dahil noon, Katolisismo ang naging pangunahing relihiyon ng bansa. Dagdag pa rito, nagkaroon din ng kaguluhan sa mga daan na sinimulan ng mga taong Katoliko mismo. Matatandaan ang pangyayaring ito bilang "St. Bartholomew's Day massacre", isang paraan ng pagsulong ng iisang relihyon sa bansa na nagsilbing isang mahalagang punto rin sa Digmaang Pranses ng Relihyon.

2 – Batay sa kasaysayan ng estadong nasyong itinalaga sa maliit na pangkat ninyo, anong aral ang maaaring mapulot na magagamit natin sa Pilipinas upang mapatatag at mapalakas ang ating sariling estadong nasyon? Ipaliwanag. Mamarkahan ito batay sa lalim at lawak ng inyong paliwanag at sa pagiging nababagay ng patunay na naibigay ninyo. (6 puntos)

Isang aral na napulot namin mula sa pagtalakay ng kasaysayan ng Pransiya ay totoo ngang mahirap buoin ang isang estadong nasyon sapagkat kahit na ginamit ang lahat ng mga pamamaraan upang itatag ang isang estadong nasyon, hindi ito maitatayo kung hindi nagkakaisa ang mga tao nito. Ayon sa literal na kahulugan ng estadong nasyon, binubuo ito ng estado, ang pamahalaan at ng nasyon, ang pangkat ng mga taong may nag-iisang katangian at kasaysayan at kung hindi magkaisa ang isa sa dalawa, halos imposible nang pagsamahin ang buong bansa. Nangyari ito sa isang punto ng kasaysayan ng Pransiya kung saan nagkaroon ng kaguluhan dahil sa pagkakaroon ng ibang relihiyon maliban sa Katolisismo kaya naman kinailangan ng pamahalaan na
bigyan ang mga tao ng kalayaang gawin ang mga ninanais nilang gawin. Kung magkaroon man ng problema ang ating bansa, ang dapat unahin gawin ng gobyerno ay pagka-isahin ang mga tao sapagkat kung hindi nila ito magagawa, mas mahihirapan sila.

Great Britain, United Kingdom
Bansang Itinalaga:

Buong Pangalan ng mga Sumagot:

1 –  Christian Agulan

2 – Victor Cyril Cajucom

3 - Romuel Mitchell Castro

1 – Pumili ng tatlo sa mga pamamaraan na ginamit sa pagtatatag ng mga estadong nasyon na tinalakay natin. Sa bawat isa sa tatlong pamamaraang pinili ninyo, magbigay ng isang ispesipikong pangyayaring naganap sa estadong nasyong naitalaga sa inyo na magsisilbing halimbawa ng pamamaraang ito. Mamarkahan ito batay sa pagiging tama at ispesipiko ng bawat halimbawang pangyayaring ibinigay ninyo. (6 puntos)

Ang pagpapahina ng oposisyon, ang pagsasama ng mga lupaing kontrolado ang monarko, at ang pagsusulong ng iisang relihiyon ay ang tatlong pamamaraan na ginagamit sa pagtatag ng estadong nasyon na makikita sa kasaysayan ng Great Britian. Makikita ang pagpapahina ng oposisyon dahil nagkaroon ng malaking digmaan ng isang daang taon. Ang digmaang ito ay nagpahina ng oposisyon ng Pranses dahil sa kapangyarihan nila bilang isang nasyon. Nagkaroon naman ng  pagsasama ng mga lupain.

2 – Batay sa kasaysayan ng estadong nasyong itinalaga sa maliit na pangkat ninyo, anong aral ang maaaring mapulot na magagamit natin sa Pilipinas upang mapatatag at mapalakas ang ating sariling estadong nasyon? Ipaliwanag. Mamarkahan ito batay sa lalim at lawak ng inyong paliwanag at sa pagiging nababagay ng patunay na naibigay ninyo. (6 puntos)

Ang isang madaling paraan upang hindi bumaba ang lakas ng isang estadong nasyon ay ang hindi nakikipagdigmaan sa isa't isa. Oo, maraming benepisyo kapag nakakuha ng lupa, pero mawawala mo rin iyon at mas bababa ang reputasyon at mapagkukunan mo. Ang isang halimbawa nito ay ang ginawa ng mga dating Hari ng Great Britain, maraming nawalang yaman, buhay, at mga Hari sa digmaan. Makakatulong itong paraan na ito sa Pilipinas dahil walang yaman at buhay ang mawawala kapag hindi tayo nakipagdigmaan.

Russia
Bansang Itinalaga: Russia

Buong Pangalan ng mga Sumagot: Gabriel Joaquin . Balingbing

1 – Pumili ng tatlo sa mga pamamaraan na ginamit sa pagtatatag ng mga estadong nasyon na tinalakay natin. Sa bawat isa sa tatlong pamamaraang pinili ninyo, magbigay ng isang ispesipikong pangyayaring naganap sa estadong nasyong naitalaga sa inyo na magsisilbing halimbawa ng pamamaraang ito. Mamarkahan ito batay sa pagiging tama at ispesipiko ng bawat halimbawang pangyayaring ibinigay ninyo. (6 puntos)

1a.) Madalas na ninanais ng mga namamahala sa estadong nasyon ang pagkakaisa ng mga nasasakupan kaya nga kinakalaban ang posibleng maging banta (threat) dito tulad ng mga kasapi ng ibang relihiyon, lahi (ethnicity/race), tribo, pangkat pulitikal  o kahit wika.

Mga patunay:
Nakaranas ng supresyon ang mga Hudeo noong panahon ni Catherine Magno. Nagkaroon kasi ng partisyon ang Poland. Nahati-hati ito sa mga lider ng mga nangungunang bansa sa Europa. Nanggaling ang ideya na hatiin ang Poland kay Frederick Magno. Ngunit si Catherine Magno ang nanguna dito. Dahil sa aneksasyon sa mga parte ng Poland, nakuha ng Russia ang isang malaking populasyon ng mga Hudeyo. May inilabas na pasiya ang Tsarina na tinatawag na "Pale of Settlement." Ayon sa pasiyang ito, may nakalaang teritoryo kung saan maaari tumira ang mga Hudeo. Ginawa ito para maiwasan ang kompetisyon sa pagitan ng mga mangangalakal na Hudeo at Taga-Russia. Dahil dito, halos nahiwalay ang mga Hudeyo sa mga nangyayari sa "Pangunahing lupa ng  Russia o Mainland Russia."

1b.) Pagpapahina ng oposisyon

Patunay: Nakipaglaban ang Russia sa Imperyong Bizantino at Persiya sa pamumuno ni Nicholas I, na tinawag na "Gendarme ng Europa o Pulis ng Europa." Kinalaban niya ang Imperyong Bizantino at Persiya. Nanalo siya at nakakuha siya ng mgas malakas na panghahawakan sa Itim na Dagat. Pinahina niya rin ang liberalismo sa Europa sa pamamagitan ng mabilis na paglaban sa mga tagasuporta nito, kaya siya tinawag na "Gendarme ng Europa."

1c.) Pagpapalakas ng iisang monarko  at Pagsusulong ng iisang relihiyon

Patunay:  Ortodoksiya, Awtokrasya, at Nasyonalismo. Ito ang naging bansag ng pamumuno ni Tsar Nicholas I. Ayon sa bidyo na aking pinanood, mahuhulog sa tatlong ideya ang buhay ng mga tao sa Russia. Ang Ortodoksiyang Kristiyanismo ay ang dominanteng relihiyon ng Russia. Ang mga mananampalatayang Orthodokso ay tinatanggihan ang pagkakamali ng papa at isinasaalang-alang din ang kanilang sariling mga patriyarka, bilang tao at sa gayon ay napapailalim sa pagkakamali. Sa ganitong paraan, pareho sila sa mga Protestante, na tumatanggi din sa anumang ideya ng pagiging pangunahing papa. (https://www.dw.com/en/what-is-the-orthodox-church/a-45973747). Awtokrasya, ito ay ang ay isang sistema ng pamahalaan kung saan ang kataas-taasang kapangyarihan ay hawak ng iisang tao lamang o ng awtokrato (https://tl.unionpedia.org/Awtokrasya), sa Russia, ito ay ang Tsar.

2 – Batay sa kasaysayan ng estadong nasyong itinalaga sa maliit na pangkat ninyo, anong aral ang maaaring mapulot na magagamit natin sa Pilipinas upang mapatatag at mapalakas ang ating sariling estadong nasyon? Ipaliwanag. Mamarkahan ito batay sa lalim at lawak ng inyong paliwanag at sa pagiging nababagay ng patunay na naibigay ninyo. (6 puntos)

2.) May dalawa akong natutunang aral sa kasaysayan ng Russia. Una, ang expansyon ng teritoryo ay parehong nakakatulong at nakasasama. Nakakatulong ang expansyon ng teritoryo sa pagkuha ng mga materyales. Kung lumawak ang teritoryong sakop ng isang bansa, mas marami siyang mapagkukunan at makukuha ng/na  materyales tulad ng bakal, tela at pagkain na maaaring gamitin ng mga sibilyan at militar. Dumami din ang mga potensyal na manggagawa ng mga bagay na esensyal sa estadong nasyon.

Makakatulong ito sa Pilipinas dahil kailangan natin ng mga materyales lalo na ngayon. Solusyon  ang pagkukunan ng pagkain sa kagutumang nararanasan ng mga tao ngayon. Ang bato na makukuha ay maaaring gamitin sa pagpapatayo ng mga gusali. Ang bakal ay maaaring gamitin sa pagpapalakas ng ating hukbong sandatahan na maaaring ipagtanggol ang mga tao.

Maaari ding makasama ang pagpapalawak ng teritoryo. Kung lumaki ng grabe ang inyong teritoryo, madali itong maging watak-watak. Patunay rito ay ang kaharian ni Alejandro Magno. Ang kanyang kaharian ay binubuo ng mga bansang Anatolia, Syria, Phoenicia, Judea, Gaza, Egypt, Mesopotamia, Persia at Bactria, at pinalawak niya ang mga hangganan ng kanyang sariling imperyo hanggang sa Taxila, India (Pakistan na ngayon). Ngunit, sa kanyang kamatayan nasira ito/nahati-hati ito sa mga pinuno.

Isa pang problema ng expansyon ng Teritoryo ay ang kinakailangan ng maraming mga magagaling na sundalo upang makamit ito. Maaaring mahatak tayo sa gera kung tayo ay magpapalawak ng expansyon.

Natutunan ko rin sa Kasaysayan ng Russia na totoo ang kasabihang "SIC SEMPER TYRANNIS" o "ITO ANG NANGYAYARI SA MGA MALUPIT NA PINUNO." Ibig nitong ipahayag na masasama lamang ang mga nangyayari sa mga pinunong malupit.  Nang pinalawak ng Russia ang kanilang teritoryo, mas marami ang mga nagnais ng kalayaan mula sa kamay ng mga Ruso at ninais nilang patayin ang Tsar. Kung nangyari man ito sa Pilipinas, Siguradong mahuhulog ang ating bansa sa isang Digmaan kalaban ang mga kapwa Pilipino, at sigurado ako na magkakaroon nanaman ng isang Julio Cezar, Pompeyus Magnus, Octavian Augustus Cerzar Divius Fillius, at Brutus. Ang panggatong sa apoy na ito ay
ang paghihimagsik sa mga malupit ay pagsunod sa diyos.