HUMSS 6AM by Ms. Ange

Pagpapalakas ng Umiiral na Batas, Susi sa Mas Disiplinadong Lipunan
para sa'kin wala na 'kong nais baguhin sa mga batas na ipa-tupad ngunit gusto ko itong mas patibayin at bigyan ng pansin, dahil marami pa ring pilipino na matitigas ang ulo na hindi kaya sumunod sa mga batas na meron tayo. Tulad ng Batas Pangkapaligiran, maraming tao pa rin ang hindi nagagawa 'yan sapagkat karamihan sa mga pilipino ay mas pinipiling itapon nalang yung mga bagay na pwede pa, kesa sa i-recycle para magamit pa. Kaya para sa'kin wala nakong nais baguhin sa ating mga batas dahil ito ay pinag aralan na ng matataas sa'tin, ngunit maraming pilipino lang ang hindi nagagampanan at nasusunod ito. Ang nais ko lamang ay mas patibayin ito ng Senado upang sa ganon ay matutong sumunod ang mga Pilipinong matitigas ang ulo.

Enriquez, Joy Ann Lorraine

#BATAS NA PATAS PARA MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS
"Ang Aking Batas para sa mga Batang Lansangan"

Bilang isang batang mag-aaral, nais kong magsulong ng isang batas na magpoprotekta sa mga batang lansangan. Dapat magkaroon sila ng ligtas na tirahan at edukasyon. Marami sa kanila ang nawawala sa pangangalaga ng kanilang mga magulang at napipilitang magtrabaho sa kalsada. Kung ako'y magiging politiko balang araw, isusulong ko ang isang batas na magbibigay sa kanila ng mga pasilidad tulad ng mga paaralan at tahanan na may pangangalaga. Dapat ay may sapat na suporta mula sa gobyerno at mga non-government organizations upang matulungan ang mga batang ito na makapagtapos at magkaroon ng mas maliwanag na bukas.

Responsableng paggamit ng Artificial Intelligence o AI (AI Accountability Act)
Unti-unti ng lumalago ang kakayahan ng Artificial Intelligence o AI. Maging ang paggamit nito ay mabilis na lumalago. Kadalasan itong ginagamit sa mga trabaho at edukasyon para sa paggawa ng mga gawain o di kaya ay mag tanong ng mga tanungin para sa karagdagang kaalaman dahil dito ay kinatuwa ng maraming tao ang paggamit nito dahil sa malaking tulong na ibinibigay nito. Ngunit kung sumosobra ay nagiging mali. Sa pagdaan ng araw kasabay din nito ang pag evolve ng AI katulad ng kamangha-mangha nitong mga kakayahan katulad ng paggaya ng boses, pagpapalit ng mukha, at paglikha ng mga litrato at bidyo base sa imahinasyon at kagustuhan. Kaya naman nagagamit din ito sa mga gawain ng pandadaya sa paaralan o trabaho, panloloko, cybercrime, at mga di kaaya-aya o maseselan na biswal. Samakatuwid, kung may kakayahan akong magpatupad ng batas ang nais ko na ipatupad ay ang AI Accountability Act na nagtataguyod ng batas na dapat maging responsable sa paggamit ng AI at paggamit lamang nito sa kung ano ang tama at mabuti. Kaya naman, may pananagutan sa bawat paggamit ng AI. Ang batas na ito ay striktong ipagbabawal ang mga maselan, at di ayon sa batas na paggamit ng AI, hindi na ito pwede gamitin upang mandaya, manloko, at iba pa na ikakasira ng bawat isa.

BAUTISTA, Bilward Woody
kung may batas akong gustong ipatupad, ito ay “fair wage and work standards act”, na nagtitiyak na ang mga trabahong may may mataas na pamantayan/standards ay may sapat na sahod na akma sa hirap at responsibilidad ng trabaho. Maraming pilipino ang nagtatrahaho nang labis, sumusunod sa matataas na kwalipikasyon, ngunit mababa parin ang kita. Ang batas na ito ay magtatakda ng “minimum salary adjustment batay sa skill level at job difficulty” upang maprotektahan ang mga manggagawa laban sa underpayment. Bukod dito, kailangang pagigtingin ang “labor inspections” upang matiyak na sumusunod ang mga kumpanya sa makatarungang benepisyo.

#BATAS NA PATAS
Ang batas na nais kong ipatupad ay ang muling pagpapataw ng Death Penalty para sa mga tao na napatunayang may sala sa malulupit na krimen tulad ng panggagahasa, massacre, at iba pang krimeng karumal-dumal. Sa aking pananaw, ang pagbabalik ng parusang kamatayan ay magsisilbing isang matinding babala sa mga nais gumawa ng mga karumal-dumal na krimen. Ito ay isang hakbang upang protektahan ang mga inosenteng mamamayan at magbigay ng katarungan sa mga biktima at kanilang pamilya. Gayunpaman, kailangan ng maingat na pagsusuri at tamang sistema ng hustisya upang matiyak ang tamang pag-audit sa mga kaso at maiwasan ang maling pagpaparusa.

MABINI,MONICALYN D
Isa sa mga batas na nais kong baguhin ay ang R.A. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act. Bagama’t may ganitong batas, marami pa ring hindi sumusunod, lalo na sa tamang pagtatapon ng basura. Nais kong magkaroon ng mas mahigpit na pagpapatupad nito, tulad ng mas mataas na multa para sa mga lumalabag at mas epektibong programa sa segregation. Mahalaga ito upang mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran at maiwasan ang pagbaha. Bukod dito, dapat palakasin ang kampanya sa edukasyon tungkol sa tamang waste management. Ang disiplina sa basura ay daan tungo sa mas malinis at maunlad na bansa.

Pacete, Anna Bea
Batas na patas: Mahigpit na Anti-Corruption Laws

Ang corruption ay isang malalang problema dito sa ating bansa na kung saan nagpapahirap sa mga mamamayan. Nais kong itulak ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa katiwalian, tulad ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Dapat magkaroon ng mas mabilis na proseso sa pag-aakusa at pagpaparusa sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Mahalagang magkaroon ng higit na transparency sa mga proyekto at paggamit ng pondo ng bayan, at gawing mas mahirap para sa mga opisyales na magtamasa ng mga iligal na benepisyo. Sa ganitong paraan, matutulungan natin ang bansa na bumangon mula sa mga epekto ng katiwalian.

Batas para sa lahat
Mangalus, Chris Jamie E.

Nais kong baguhin na batas ay ang mas pag bibigay pansin sa mga aso't pusa na gala, dahil maraming aso't pusa na namamatay lamang sa gilid ng kalsada sa ating bansa at napansin ko rin na iilan lang ang nagbibigay pansin sa mga hayop sa ating bansa. Ang nais ko naman ipatupad na batas sa aming komunidad ay ang edukasyon para sa lahat lalo na sa mahihirap o kapus palad, sa aming komunidad ay maraming hindi nakakapag aral dahil sa problema sa pera. Nais ko rin na isulong ang pag baba ng presyo sa mga pangunahing pangangalaingan lalo na ang bigas at pagkain, gusto ko rin mag pa tupad ng batas na tulungan ang mga taong na sa bundok o ang mga aeta dahil sila ay kapos ng atensyon at iilan lamang ang nagbibigay pansin sakanila at kadalasan ay ang mga taong wala pa sa pusisyon ang tumutulong sakanila. Nais kong bigyang pansin ang mga bagay sa ating bansa na hindi tinututukan ng atensyon ng ating mga namamahala dahil ang sambayanan lalo na ang mga mahihirap ay may karapatan na bigyang pansin at makapag

aral.

Pandili,Micheal Jhon
#BATAS

Carpio, Franz Ritchel C.

Easy Qualification for national positions:

Tama bang ganito lamang kadali ang mga Qualification para sa pagtakbo sa gobyerno o paglingkod sa ating bayan?

Kaya tayo nabubulag ng mga taong wala naman talagang galing  pagdating sa pagpapatakbo sa ating bayan, bakit natin sila iboboto? Dahil artista sila? O Dahil Action Star? O di kaya ay nabubulag lang nila tayo na ang gusto lang nilang ipakita satin ay ang mga “MAGAGANDA” nilang ginagawa pero ano ba yung maganda talaga nilang ginawa? Bigyan natin pansin ang may mga tunay na prensipyo sa ating bayan wag na tayo magbulagbulagan para ito sa ating hinaharap.

Ledonio, leslie jane

BATAS PARA SA LAHAT: Isa sa mga batas na nais kong baguhin ay ang tungkol sa minimum wage. Sa kasalukuyan, indi pantay ang sahod sa iba't ibang rehiyon ng bansa, at maraming manggagawa ang hindi sapat ang kinikita para matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Mas mainam kung magkakaroon ng nationwide living wage law na titiyak na sapat ang kita ng bawat manggagawa batay sa cost of living sa kanilang lugar.

Kalusugan at Kalikasan
Kung ako man ay magkakaroon ng sariling komunidad, magpapatupad ako ng isang batas na makakatulong sa lahat ng kasapi nito. Ang batas na ito ay para sa kapaligiran o kalikasan.  Agriculture Care Act, na nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan, naniniwala ako na ang pagkakaroon ng maayos at malinis na kapaligiran ay makakatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Kinakailangan din na maitupad ito dahil pansin ko na ito ang kulang na batas sa atin, mahalaga para sa akin ang magkaroon ng kalinga sa paligid dahil dito tayo namumuhay. Maayos na kapaligiran tungo sa malawak na kaisipan, masiglang pangangatawan at maayos na kabuhayan.

Cathlenne Oyos

Batas na patas: Nais kong ipatupad ang mas mahigpit na regulasyon laban sa environmental degradation, lalo na sa illegal logging, mining, at plastic waste pollution. Maraming likas na yaman sa ating bansa ang nasisira dahil sa kapabayaan at kakulangan ng epektibong batas na nagpoprotekta sa kalikasan. Dapat magkaroon ng mas mataas na parusa sa mga kumpanyang lumalabag sa environmental laws at mas mahigpit na monitoring sa kanilang mga operasyon. Bukod dito, kailangang palakasin ang enforcement agencies upang masigurong nasusunod ang mga batas pangkalikasan. Mahalaga rin ang pagpapalakas ng environmental awareness sa publiko upang makiisa sila sa pangangalaga ng ating likas na yaman.

Free Menstrual Products For Women Act.
Ang "Free Menstrual Products For Women Act" ay isang batas na naglalayong magbigay ng libreng mga produkto (tulad ng sanitary pads, tampons, birth control pills, abortion pills, atbp.) sa lahat ng kababaihan.

Tinitiyak nito na ang mga kababaihan ay magkakaroon ng access sa mga produktong ito. Ito ay isang karapatan bilang isang babae na magkaroon ng pagkakataon na magka access sa mga bagay na ito. Hindi lahat ng mga kababaihan ay may kakayahang bumili ng mga produktong ito. Kaya sa aking palagay, mahalaga na mabigyan ng pantay-pantay na pangangailangan ang bawat babae sa mundo.

Nakasaad din dito ang pagpapayag ng “Abortion”. Mahalagang magkaroon ng karapatan ang bawat kababaihan sa kanilang katawan. Ito ay makatutulong sa mga naging biktima ng panggagahasa at iba pa. Malakas kong pinaglalaban ang mga karapatan na ito dahil bilang isang babae, mahalaga na ako magkaroon ng karapatan at kakayahan na gawin kung ano man ang nais kong gawin sa aking katawan.

Ang "Free Menstrual Products For Women Act" ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagtataguyod ng kalusugan, dignidad, at pagkakapantay-pantay ng mga ka

babaihan.

Bilang isang pilipino, nais kong maitama ang mga batas sa Pilipinas na nagpapabayaan sa karapatan ng mga manggagawa.  Kadalasan, ang mga manggagawa ay nasa mapanganib na sitwasyon at kulang sa sapat na sweldo.  Nais ko ring magkaroon ng pantay na oportunidad sa edukasyon at kalusugan para sa lahat ng pilipino.

BATAS NA PATAS
Ang aking gustong baguhin na batas ay ang pag tanggal ng ayuda sa mga mamamayan dahil mas lalong humihirap ang mga pilipino dahil hindi na sila nagtatrabaho at umaasa nalang sa ayuda ng gobyerno👎

Batas para sa pantay-pantay na pagtanggap sa edukasyon at pag-aaral ng mga LGBTQIA+
Nais ko itong bigyan pansin dahil mayroon akong nakikitang ibang paaralan na patuloy ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga kasarian kaya naman nais ko na ipatupad ang programa sa pagkakaroon ng gender equality sa bawat paaralan at unibersidad at malimit o alisin ang mga stereotype at biases hinggil sa kasarian sa lahat ng larangan ng pag aaral. Ang batas na ito ay nais na magpalaganap ng pagkakaroon ng pantay pantay na pagtingin sa mga tao lalo na sa mga kasarian dahil kung wala ito ay patuloy na magkakaroon ng diskriminasyon sa ating bansa o hindi mababawasan ang patuloy na pagusbong nito.

BATAS NG DRUG TESTING
Ang batas na nais kong ipatupad sa ating bansa ay batas para sa mga tatakbo sa posisyon ng gobyerno. Ito ay tinatawag na drug testing‚ kung saan sinusuri ang ihi ng isang tao kung ito ba ay gumamit ng ilegal na gamot tulad na lamang ng marijuana. Maari ding gamitin sa pagsusuri ang kanilang buhok, dugo, laway, at pawis ng isang tao kung maaari. Nais ko itong ipatupad upang matiyak na ang mga kandidato ay hindi nagtataglay ng mga katangiang maaaring makaapekto sa paglilingkod nila sa publiko. Sa paraang ito, maaari silang maging kwalipikado na magsilbi sa ating bansa at ang ating mamamayan ay maaaring magbigay tiwala sa kanila.

Evangeline Maglay (Anti-Discrimination Law)
kung may nais man akong ipatupad o pagpalawakin pa ito ay ang Anti-Discrimination law, isang batas na naglalayong protektahan ang mga tao laban sa diskriminasyon batay sa kanilang lahi, relihiyon, kasarian, edad, kalagayan sa buhay at iba pa.

Bilang babae tayo ay kadalasang nadidiscrimination dahil sa ating kasarian sa larangan ng trabaho, edukasyon, at iba pang larangan. Sa sobrang deskriminasyon ay nakaka-apekto na ito sa ating mental health. Sa ilalim ng batas na ito natutulungan ang mga kababaihan na makakuha ng pantay na karapatan sa mga kalalakihan at oportunidad. Ipinagbabawal ng batas na ito ang mga gawain na pang aabuso o seksuwal na panghihimasok, deskriminasyon sa trabaho, edukasyon at trabaho at maraming pang iba.

Ang batas na ito ay nagpapataw ng parusa sa mga lumalabag sa mga regulasyong nito, at tumututok sa pag papalaganap ng kaalaman tungkol sa karapatan ng kababaihan upang mapigilan ang diskriminasyon.

Mas mahigpit na regulasyon laban sa cyberbullying
Sa modernong panahon, ang internet ay naging pangunahing sangkap sa ating araw-araw na buhay. Gamitin ito upang mapabilis ang komunikasyon, edukasyon, at trabaho. Ngunit habang ang teknolohiya ay lumalaki, dumadami ang nabiktima ng matinding cyber bullying, lalo na sa mga kabataan. Bagaman may batas na kagaya ng Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Law of 2013, sa kasalukuyan, ang batas ay nakatuon upang protektahan ang mga bata mula sa mga insidental na pangde-bully o pamimiryenda at hindi mag provides sapat ang proteksyon mula sa bullying, panunuya, at panggagahasa ay nangyayari sa online o sa social media. Kaya dahil dito, ipinahihayag ko ang higit pang mas mahigpit na regulasyon sa cyber bullying. ipah hahayag ang mga parusa sa mga kriminal.

Anti-Corruption Law
Anti–Corruption Law

Nararapat dito na mahigpit na imbestigahin ang mga tatakbo sa senado kung sila ay walang criminal record bago mabigyan ng pagkakataon upang tumakbo rito. Ito ay mahalaga para sa ating gobyerno upang maiwasan ang corruption sa loob ng pamahalaan.

kailangan ang mahigpit na pagtingin sa kanilang credentials upang masigurado na ang tatakbo ng ating bansa ay malinis at edukado.

Pang una, dapat sila ay nakapagtapos ng pag-aaral may Latin Honors o mas mataas pang pagkilala sa larangan ng Political Science at sa iba pang larangan na makatutulong sa sa ating pamahalaan. Bukod pa rito, dapat na makikita ang kanyang makahulugan na paglilingkod sa ating bayan.

Kasunod nito, dapat sila ay walang criminal record. Maliit man o malaki ang kanyang kaso, kung siya ay lumabag sa batas, hindi sila nararapat na umupo at mamuno ng ating bansa.

Ito ay aking naisip dahil ito ang isa sa mga pangunahing diskurso na nagaganap ngayon sa pilipinas. Hindi na dapat ito pag-awayan sapagkat ang isang tunay na tagapaglingkod ng ating inang bayan at nararapat lamang na hindi kurap, may pinag-aralan, at namumuno ng ating bansa habang nakikita ang ating mga isyu gamit ang mata ng mga mamamayan.

Distor, Alejah Claire
Ang batas ng Pilipinas na nais kong baguhin o batas na gusto kong ipatupad sa ating komunidad o bansa ay baguhin ang sistema ng sahod sa Pilipinas—ipasa ang batas na magtatakda ng living wage imbes na minimum wage. Maraming manggagawa ang hindi sapat ang kinikita para mabuhay nang disente, kaya kailangang tiyakin na ang sahod ay tugma sa tunay na gastusin sa araw-araw.

Cruz, Jaigne Denise

Anti-corruption: Nais kong palakasin ang batas laban sa korapsyon marahil malaki ang epekto nito sa ekonomiya, lipunan, at sa tiwala ng tao sa sistema ng ating gobyerno. Sa paraang paglaganap ng transparency o imbestigasyon hinggil sa paggastos ng pamahalaan, gaya ng real-time na badyet, mga proyekto, at kung saan napupunta ang pera ng sambayanan.

Hindi lang ito tungkulin kung hindi karapatan nating mga mamamayan na malaman ang mga impormasyong ito upang matiyak na ang pondo ay ginagamit sa tama, at sa kapakanan ng mamamayan at hindi sa kanilang personal na interes. Kapag ito ay napalakas, mababawasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nakaupo sa gobyerno. Bukod dito, mas magkaroon sila ng pananagutan at transparency at maaring makuha nila ang tiwala ng mamamayan kung paigtingin ang Anti-Corruption Law.

Pagbabago ng batas tungo sa Kaginhawaan ng Lahat
Ang Family Code of the Philippines (Executive Order No. 209, s. 1987) ay ang batas na nagtatakda ng mga patakaran sa pag-aasawa, relasyon ng mag-asawa, karapatan ng mga magulang at anak, paghihiwalay, at pagmamay-ari ng ari-arian sa loob ng pamilya. Nilagdaan ito ni Pangulong Corazon Aquino noong Hulyo 6, 1987 upang mapanatili ang katatagan ng pamilyang Pilipino. Ang batas na ito ay isa sa mga batas na nararapat baguhin dahil binubuo ito ng ilang mga negatibong epekto.

Nararapat itong baguhin sapagkat hindi pinahihintulutan ng batas na ito ang pagkakaroon ng aborsiyo na nagiging dahilan upang maipit ang napakaraming mamamayang may asawa sa isang mapang-abusong relasyon. Pagdating naman sa paggagawad ng parusa sa mga kasong kagaya ng adultery, sinasabing mas mabigat pa ang parusa ng kababaihan kaysa sa kalalakihan na nagpapatunay na hindi pantay ang pagtingin ng batas na ito sa kasarian sa bansa. Pinapahirapan din nito ang pagproproseso ng pag-aampon kaya naman mas lalong dumadami ang mga batang pinoy na lumalaki nang walang magulang at hindi napupunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang batas din na ito ay  nagdudulot ng mga problema sa hatian ng mana ng mga magkakapamilya na nagbibigay lumot at kasiraan sa kanilang pagsasama.

Tinatawag itong family code, ngunit bakit hindi nagagawang masaklaw nito ang tunay na pangangailangan ng isang masayang pamilya?

Ang pagbabago sa batas na ito ay makakatulong upang maaprubahan ang diborsiyo na hinihiling ng mga mamamayang naiipit sa hindi makatarungang relasyon. Mas mabibigyan din nang balanseng parusa ang lahat at mas mapapadali ang pag-aampon sa mga bata na magbibigay kaligahayan at kaginhawaan sa mga bata at nais maging magulang. At higit sa lahat, magagawa rin nitong mabigyang pantay at tamang paghahati ng ari-arian ng magkakapamilya na siyang magbibigay ng kapapayaan sa relasyon ng magkaka-anak.

Balanseng parusa, pagmamahal, at aruga ang matatamo kung mababago ang batas na hindi naisasalang-alang ang tunay na kalagayan ng mga pamilyang Filipino.

Solmayor, Kyle Vincent L.
Nais kong magpatupad ng batas na naghihigpit sa kwalipikasyon upang tumakbo ng posisyon sa gobyerno. Sa kasalukuyang panahon karamihan ng mga politiko ay galing sa iisang pamilya. Dahil dito tumataas ang mga kaso ng corruption na nag bubunga ng kahirapan sa mga mamamayang Pilipino.

Bukod pa sa mga political dynasty marami ding mga artista ang naghahangad na magkaroon ng posisyon sa gobyerno kahit hindi sila kwalipikado. Ginagamit nila ang kanilang impluwensya bilang artista upang sila ang iboto ng mga mamamayan. Dahil sa kakulangan nila ng kaalaman at kakayahan na maglingkod sa bayan.

Dahil dito, nais ko na ipatupad ang batas na nagbabawal sa mga galing sa iisang pamilya na tumakbo ng posisyon kapag mayroon na syang kapamilya sa gobyerno. Nais ko rin itaas ang kwalipikasyon ng pagtakbo sa senado na kinakailangan nilang magkaaron ng karanasan sa paglilingkod sa bayan at may kaalaman na sa mga batas at konstitusyon ng Pilipinas

MAGLAPIT GABRIEL
Kung ako ay may kakayahang magtakda ng batas, nais kong magpatupad ng mas mahigpit na batas laban sa diskriminasyon sa Pilipinas. Bagamat may mga umiiral na batas tulad ng Anti-Discrimination Act, marami pa rin ang hindi nakakaranas ng tamang proteksyon, lalo na ang mga miyembro ng mga marginalized na sektor tulad ng mga LGBTQIA+ at mga taong may kapansanan. Mahalaga ang isang komprehensibong batas na magsusulong ng pantay-pantay na karapatan at proteksyon sa lahat ng tao, anuman ang kanilang relihiyon, lahi, kasarian, o kalagayan sa buhay.

Bukod dito, nais ko ring suportahan ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas ukol sa pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa usapin ng illegal logging at mining. Marami sa ating kalikasan ang nauubos, kaya’t importante na magtakda tayo ng mga polisiya na magpoprotekta sa ating mga likas na yaman upang mapanatili ang balanse ng ating ekosistema.

BATAS NA GAWING LEGAL ANG ABORSYON.
Ang batas na nais kong baguhin ay ang aborsyon. Dahil naniniwala akong hindi krimen ang pagpapalaglag ng fetus, alam kong sa ibang mata ng tao ito ay mali, pero para sa akin hindi. Dahil wala tayong karapatan para magdesisyon kung ano ang dapat gawin ng babae sa katawan nila at kung anong gustong gawin nila sa buhay nila. Paano naman ang mga biktima ng panggagahasa? Kailangan ba nilang buhayin pa rin ang sanggol na hindi naman nila ginusto? Kailangan ba nilang buhayin ang bata na walang ama? Paano naman ang mga mahihirap na nagkamali at hindi nag-ingat? Paano kung desisyon nilang ipalaglag ang bata? Wala tayong karapatan para diktahan sila sa mga gusto nilang gawin. Alam kong nagkamali sila at kasalanan nila iyon, pero mas magandang desisyon iyon kaysa mabuhay sa kahirapan at habang buhay mag-suffer ang bata. Mas pipiliin ko pang mawala kaysa mabuhay ng ganoong buhay. Kaya kailangan na nating gawing legal ang aborsyon!

Karapatang pantao at sa edukasyon, gusto ko bigyan ang mga tao ng karapatang makapag-aral at magkaroon din ng sariling pamilya na sumusuporta sa kanila lalo na sa kanilang mga edukasyon, lahat ng mga estudyante ay magkakaroon din ng karapatan aralin ang kanilang gustong kurso nakukunin na hindi tumataas ang tuition netoh dahil lahat ng mga tao ay may karapatan makapag-aral at makapagtapos sa kurso na gusto nila.

#PAG-IINGAT SA BAWAT ISA.
Nais kong mas pahigpitan pa ang curfew upang mabawasan ang mga krimen sa gabi lalo na sa mga menor de edad dahil sa ngayon mas lalong rumarami ang matitigas na ulo ng mga kabataan kahit ang ibang mga magulang ay hinahayaang nasa labas pa rin ang kanilang mga anak ng dis-oras ng gabi. Nais kong maging ligtas ang mga kabataan, mas mainam na maging mahigpit na lang sa bawat lugar kaysa magkaroon ng karumaldumal na karanasan. Gusto kong ipahatid sa mga kabataan na maging handa sa ano mang oras sapagkat nasa tabi tabi lang ang masasamang tao at hindi natin alam kung kailan darating ang kapahamakan kaya palaging mag-iingat.

BATAS NA PATAS (PAGPAPATUPAD NG DIVORCE SA PILIPINAS)
Para sa akin, mahalaga ang pagpapatupad ng divorce sa Pilipinas upang bigyan ng proteksyon ang mga biktima ng pang-aabuso sa loob ng kasal. Sa mga relasyon na hindi na healthy at puno ng tensyon, ang divorce ay magbibigay ng legal na paraan para makalabas at makapagsimula ng bagong buhay. Makakatulong din ito sa mental health ng mga mag-asawa na nagdurusa sa stress at depresyon. Para sa mga anak, mas makikinabang sila sa isang environment na mas peaceful at mas maayos. Ang divorce ay magbibigay daan para sa mas makatarungan at mas maayos na solusyon sa mga hindi na gumaganang kasal.

Batas na mas mahigpit na laban sa single-use plastics
Ang nais kong ipatupad na batas sa ating bansa ay ang mas mahigpit na laban sa single-use plastics dahil isa ito sa mga pangunahing sanhi ng polusyon sa ating kapaligiran. Lahat tayo ay halos napapalibutan na ng kagamitan na gawa sa plastic. Tulad na lamang ng plastic bags, straws, at sachets ng kung ano-ano, ay ang madalas na itinatapon sa hindi tamang lagayan at napupunta na lamang sa mga ilog at dagat na masama sa ating kalikasan.

Sapagkat, ano nga ba ang maaaring lamanin ng batas na ito?

Ang maaaring lamanin ng batas na ito ay ang pagbabawal gumamit ng plastics sa mga negosyo, paglalagay ng multa o parusa sa mga lalabag, at ang huli ay ang pagtuturo ng paggamit at pagbibigay ng reusable containers at eco-friendly bag. Ito ay ilan lamang sa mga maaaring gawin na nakapaloob sa batas, pwede pang magdagdag nito sa kasalukuyan. Ngunit, kahit sa simpleng gawain sa batas na ito ay maaari na itong ipatupad dahil makakatulong ito sa pagtigil ng polusyon at, pagpapabuti at pagprotekta sa kalusugan at kalidad ng mga mamamayan.

PATAS NA PAG-TRATO SA MGA TAONG MIYEMBRO NG LGBTQIA+ COMMUNITY
Dahil sa pagbabago ng panahon at pananaw ng bawat tao, nagkakaroon rin tayo ng pagbabago sa ating ninanais para sa ating mga sarili. Nais kong maisulong ang batas na patas na pag-trato sa bawat miyembro sa lahat ng aspekto ng LGBTQIA+ Community, sa kadahilanang bukod sa parte ako nito (bilang isang Non-binary Lesbian) mga tao lang rin naman ang mga miyembro nito na may ibang gusto para sa kanilang kabubuti.

Naniniwala ako na hanggat sa hindi ka naman nakakasakit ng ibang tao ay dapat mong ipakita ang 'yong ninanais na may respeto at pagpapahalaga rin sa sarili. Sa panahong kasalukuyan, naririyan pa rin ang mga 'homophobes' na tumututol sa ma ganitong kasarian, dahil nga dito ay gumagamit na rin sila ng pananakit upang patigilin o alisin ang pagiging tunay na sila.

dapat sa ipasa na ang SOGIE Equality Bill dahil hindi lamang miyembro ng LGBTQIA+ (kilala rin bilang 'Anti-Discrimination Law') ang makakatanggap nito ngunit pati rin ang lahat dahil ito'y kasali sa human rights. Dapat rin na maipasa ito upang malaya naming maipakita ang aming tunay na sarili sa buong mundo bilang kami na hindi lamang nagtatago sa kuwarto, sa likod ng mga tao, at lalo na sa dilim.

"We deserve to be seen and heard, we are people too!" (Karapat dapat tayong makita at marinig, tao rin tayo)

#Batas para sa lahat
Maniego, Josh Hardy G.

EDUKASYON AT KALIKASAN.

• NAIS BAGUHIN•

Isa sa mga batas na nais kong baguhin ay ang K-12 education system. Bagaman layunin nitong pagbutihin ang kalidad ng edukasyon, marami pa rin ang nahihirapan dito, lalo na ang mga mag-aaral mula sa mahihirap na pamilya. Ang dagdag na dalawang taon ay nagdudulot ng karagdagang gastos at hirap sa mga magulang at stress sa mga estudyante. Nais kong baguhin ang sistemang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming suporta, tulad ng libreng school supplies, dagdag na scholarship, at mas mataas na sahod para sa mga guro upang masigurado ang dekalidad na edukasyon nang hindi pabigat sa mga Pilipino.

• NAIS NA IPATUPAD•

Isang batas na nais kong ipatupad sa Pilipinas ay ang pagkakaroon ng mas mahigpit na regulasyon laban sa paggamit ng plastic,  Ang batas na ito ay maglalayong bawasan ang polusyon sa kalikasan at protektahan ang ating mga karagatang mayaman sa buhay, Ipinagbabawal nito ang paggamit ng single-use plastics sa mga pamilihan, restoran, at iba pang establisyimento, at magsasagawa ng mga kampanya upang itaguyod ang paggamit ng alternatibong materyales tulad ng mga reusable bag at eco-friendly packaging, Ang ganitong hakbang ay makikinabang hindi lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Anti-Poverty Law
Isa sa mga batas na nais kong baguhin ay ang Anti-Poverty Law upang ito ay mas maging epektibo sa tunay na pagtulong sa mahihirap. Bagaman may mga programa na para sa kanila, madalas ay hindi sapat o hindi nakararating sa tunay na nangangailangan. Dapat mas pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng permanenteng trabaho, disenteng pabahay, at libreng edukasyon hanggang kolehiyo. Kung maipapatupad ito nang maayos, mas maraming Pilipino ang makakaahon sa kahirapan at magiging produktibong bahagi ng lipunan. Ang pagbabago ng batas na ito ay makakatulong sa mas patas at maunlad na kinabukasan para sa lahat.

# BATAS

NA MAG KAROON NG MAS MABIGAR NA PARUSA PARA SA MGA NAMBU-BULLY( Sa panahon ngayon marami ang gumagamit ng social media at maraming kabataan ang nabibiktima ng pang-aapi online Sa pamamagaitan ng batas na ito magkakaroon ng mas mabigat ba PARUSA sa mga NAMBU-BULLY sa internet upang maprotektahan ang mental at emesyonal na kalusugan ng bawat mamamayan lalo na ng kabataan mahalaga na magkaroon ng ligtas sa online upang paiwasan ang anxiety,depresyon at iba pang epektibong ng cyberbullying # NA MAG KAROON NG MAS MABIGAR NA PARUSA PARA SA MGA NAMBU-BULLY( Sa panahon ngayon marami ang gumagamit ng social media at maraming kabataan ang nabibiktima ng pang-aapi online Sa pamamagaitan ng batas na ito magkakaroon ng mas mabigat ba PARUSA sa mga NAMBU-BULLY sa internet upang maprotektahan ang mental at emesyonal na kalusugan ng bawat mamamayan lalo na ng kabataan mahalaga na magkaroon ng ligtas sa online upang paiwasan ang anxiety,depresyon at iba pang epektibong ng cyberbullying

BATAS PARA SA MGA BATANG DI MAKAPAG ARAL
OCAMPO, ivory jane L.

11-humss 6am💗

#BATAS SA PAG A ARAL

BATAS : Pagkapantay- pantay ng mga tao at edukasyon para sa mga bata at matatanda sa malalayong lugar na walang paaralan.

PALIWANAG : gusto ko itong ipatupad dahil : una pagkapantay-pantay ng mga tao ,dahil marami sa atin ang yumayaman dahil sa "koraption" o pandaraya o hindi patas sa mga bagay at marami ang natatapakan dahil doon .Ito rin ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa.

BATAS : Bigyang galang ang mga matatanda o maging ang mga bata .

PALIWANAG: Bigyang galang ang mga matatanda maging ang mga bata sapagkat lahat halos ng mga bata maging matatanda ay nawawalan na nga respeto at galing sa kanilang mga sarili.

BATAS : ang pag may nagkasala o nakapatay ng tao ay dapat masentensyahan ng kamatayan tulad ng ginagawa ng ibang bansa sa mga OFW`s na nag papakahirap magtrabaho para sa kani-kanilang mga pamilya.

PALIWANAG:Kaya gusto ko itong mangyari para naman magkaroon naman ng kaayusan at kapayapaan ang ating bansa at para naman matakot ang mga gumagawa ng mga masasamaang mga tao sa ating bansa at para narin maging patasrin.

BATAS : batas na gusto kong ipatupad ay ang mga bayarin sa ibat-ibang mga paaralan.

PALIWANAG: Dahil hindi nakapag aral ang mga ibang bata na hIndi kayang pag aralin ng kanilang mga magulang .Kaya naman gusto kong ipatupad sa paaralan ang sapat lamang na mga bayarin sa paaralan para sa mga magulang na nag hihirap.

BATAS PARA SA PAG KAKAPANTAY PANTAY KARAPATAN
Ang Batas ng Pagkakapantay Pantay ng Karapatan ay isang mahalagang batas na naglalayong itaguyod at protektahan ang mga karapatan ng lahat ng tao, anuman ang kanilang lahi, kulay, relihiyon, kasarian, o iba pang katangian. Layunin nitong alisin ang diskriminasyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay, kabilang ang trabaho, edukasyon, at serbisyong pampubliko. Ang batas na ito ay nagbibigay-diin sa pagkakapantay-pantay at nagsusulong ng pantay na pagkakataon para sa lahat. Sa ilalim nito, ipinagbabawal ang anumang anyo ng diskriminasyon at nagbibigay ito ng mga mekanismo para sa pag-uusig sa mga paglabag.

GULLES, MIKAELA
Kung ito ay nasa akin, ipapatupad ko ang parusa para sa mga rapist. Ang anumang anyo ng panggagahasa ay itinuturing na sekswal na pag-atake, at hindi dapat maging isang maskara upang mapahiya ang sinumang dumaan sa mga kaganapang ito. Shaming isang tao para sa kung ano ang kanilang suot, kung ano ang kanilang sinasabi ay hindi dapat sa lahat ng agarang tugon ng isang tao pagkatapos ng paghahanap ng isang peer ay binuksan up sa kanila. Ang mga rapist ay hindi dapat lumakad sa lupa matapos na makiusap na hindi nagkasala. Walang sinuman ang dapat dumaan sa gayong traumatikong kaganapan, sa lahat. 3 sa 4 na tao ang maaaring maging biktima ng mga pag-atake na ito, at ang mga istatistika na iyon ay dapat na may kinalaman sa sapat. Ang panggagahasa ay hindi dapat maskara bilang isang paraan upang subukan at patunayan ang hindi kanais-nais na mga saloobin tungkol sa pagkontrol sa isang taong mahina, at mahina kaysa sa kanila. Kaya kung may sasabihin ako dito, ipapatupad ko ang parusa para sa mga rapist.

Fabula
PANTAY PANTAY NA PAG TRATO SA MGA PARTE NG LGBTQIA+

Nais kong ipatupad ang batas na ito upang matiyak ang pantay na karapatan at proteksyon para sa LGBTQIA+ na komunidad.  Ang isang komprehensibong anti-diskriminasyon na batas ay susi sa pagsugpo sa diskriminasyon sa trabaho, edukasyon, at iba pang aspeto ng buhay.  Kasama rito ang pagkilala sa same-sex marriage, pagpapahintulot sa adoption ng mga LGBTQIA+ couples, at pagpapatupad ng gender recognition law.  Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang magbibigay ng legal na proteksyon kundi magtataguyod din ng paggalang at pagtanggap sa lipunan.  Ang pag-alis ng diskriminasyon ay magpapabuti sa kalusugan at kagalingan ng mga miyembro ng komunidad,  mapapaunlad ang ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang buong pakikilahok, at magbubunga ng isang mas makatarungan at pantay na lipunan para sa lahat. Ang pagkakaisa at pag-unawa ay pundasyon ng isang mas malakas at mas maunlad na bansa.

#BATAS

Batas na nais kong ipatupad sa pilipinas
Ang batas na nais kong ipatupad sa pilipinas ay ang pagkakaroon ng karapatan ng mga LGBTQ+ dahil sila ay karapat-dapat lamang din resputihin at bigyan ng karapatan kagaya ng isang normal na kasarian

ps. di ko po magamit NTC account ko-Kristian Villasoto

Gapuz, Farris Arian A.
Bilang isang estudyante, madalas kong napapansin ang malaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap sa ating komunidad at bansa. Hindi lamang ito tungkol sa pera, kundi pati na rin sa pagtrato at respeto sa kapwa. Madalas ang mga mayayaman ay nakikita ang mga mahihirap bilang mababang uri na walang karapatan at boses. Ito ay isang bagay na labis kong ikinababahala, at naniniwala akong kailangan itong baguhin.

Kung ako ang papipiliin, ang batas na nais kong baguhin o ipatupad ay ang isang batas na magbibigay ng mas pantay na pagtrato at proteksyon sa mga mahihirap laban sa pang-aabuso ng mga mayayaman. Ito ang batas na aking nais maidagdag, una magkaroon ng mas mahigpit na mga parusa sa mga mayayaman na umaabuso sa kanilang kapangyarihan at yaman upang manloko, manlamang, o manakit ng mga mahihirap. At pagpapatupad ng tamang pasahod, pagbibigay ng tamang benepisyo sa mga nagtatrabaho, lalo na sa mga mahihirap na manggagawa. Naniniwala ako na ang pagpapatupad ng ganitong batas ay makakatulong upang mabawasan ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at upang maitaguyod ang isang mas makatarungan at pantay na lipunan. Hindi ito madali, ngunit kung sama-sama tayong magsisikap, maaari nating makamit ang pagbabago.

Ang pagbabago ng pagtrato sa mga mahihirap ay hindi lamang tungkol sa batas. Ito ay tungkol din sa pagbabago ng ating mga pananaw at pag-uugali. Kailangan nating matutunan na tingnan ang bawat tao bilang kapwa natin, na may karapatan sa dignidad at respeto.

Sa huli, ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili. Kung lahat tayo ay magsisikap na maging mas mabait at makatarungan sa ating pakikitungo sa iba, makakatulong tayo sa pagbuo ng isang mas magandang kinabukasan para sa ating komunidad at bansa.

BACULI, JOHN MATTHEW S.
Isang batas na nais kong ipatupad ay mas mahigpit na parusa sa korapsyon upang matigil ang pag-abuso ng mga opisyal sa kaban ng bayan. Dapat magkaroon ng mabilis na paglilitis, mas mabigat na sentensiya, at habambuhay na diskwalipikasyon sa gobyerno para sa mga napatunayang tiwali. Bukod dito, kailangang palakasin ang suporta sa renewable energy upang mabawasan ang polusyon at pagdepende sa fossil fuels. Kung mas marami tayong solar at wind energy projects, mas bababa ang singil sa kuryente at magiging mas ligtas ang kalikasan. Ang mga pagbabagong ito ay makakatulong sa mas maunlad, malinis, at tapat na Pilipinas.

De Rama, Rowell Adrian G.
Ang nais kong baguhin na batas ay may kinalaman sa proteksyon ng mga karapatan ng mga manggagawa. Sa tingin ko ay kailangan ng mas mahigpit na batas upang matiyak na ang mga manggagawa ay binabayaran ng patas at may maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.  Maraming manggagawa ang nagdurusa sa mababang sahod at mapanganib na mga kondisyon sa pagtatrabaho, at kailangan natin ng mas mahigpit na batas upang maprotektahan sila.

Sa kabilang banda, nais ko ring ipatupad ang mga batas na magtataguyod ng mas malawak na access sa edukasyon at healthcare.  Ang edukasyon at healthcare ay mahalagang karapatan ng bawat mamamayan, at kailangan natin ng mas mahusay na sistema upang matiyak na ang lahat ay may access dito.  Maraming Pilipino ang walang access sa maayos na edukasyon at healthcare dahil sa kahirapan, at kailangan natin ng mga programa upang matulungan sila.