SA5: Rebyu ng Dula- Pinal na Rebisyon by ISO10 DAVID, Pio Tomas C. David

ISO10 DAVID Pio Tomas C.
Sa Langhap Sarap, nakatutulong ang mga kagamitan sa dula para gampanan kung anong uri ng tao/at bagay ang  tinutukoy na mga karakter sa dula, para mas maintindihan natin ang kuwento at tumutulong sa paglalarawan natin sa mga nangyayari sa lipunan.

Sa musika, makatutulong ito para ihanda ang mga manonood sa dula kung ano ang tema at bakit mahalaga ang dula na ito kahit medyo luma sila. Itinakda ng Langhap Sarap ang tonong medyo nakakatakot sa dula sa paggamit ng musika, para humanda tayo sa panunood. Nakakatulong ito sa pagpalit mula Langhap Sarap hanggang Tagu-taguan sa Tambakan.

Sa blockings, simple yung pormasyon, pero nakakatulong sa paglalarawan sa pag-iisip ng mga manonood ang pormasyon. Ang mga tauhan ay nakaupo sa isa’t isa at nakaharap ng entablado.  Nakakatulong sa manonood, para makita natin kung ano ang sinasabi nila at ang kanilang mga aksyon ay higit na malinaw panoorin..

Naging epektibo ang ginawa ng direktor sa dula, dahil pinakita niya ang isyu natin  sa bansa, ito ay ang korapsyon sa kaban ng gobyerno na isinasagawa ng mga politiko. Ipinakita nito ng Punong Senador, at si Ginoong Alvarez na ang kanilang plano ay patayin/sunogin ang kabataan, para mawala ang mga problema ng Pilipinas. Talagang masama at bulok ang mga iniisip ni Sir Alvarez at ang mga ibang politiko dahil halos lahat sang-ayon sa kanyang solusyon, maliban sa isa. Ipinapakita nito na konti ang malay sa mga masasamang ginagawa ng gobyerno at lumalaban sila para sa tama at katotohanan.

Para sa parehong dula, ang Langhap Sarap ay tungkol sa masamang planong na kainin ang kabataan na sumisimbolo ng positibong pag-asa at hinaharap, isama na dito ang patuloy na korapsyon ng mga politiko.. Ang Tagu-taguan ay tungkol sa mga magkakaibigan na nakitang patay ang “adik” sa droga at kung ano ang ang ginawa sa katawan niya. Para sa akin, ang pagkakapareho ng dalawang dula ay ipinakita ang katiwalian at pagsulong ng masamang gawain tulad ng pagnanakaw at korapsyon na nagtatago ng mga nasa kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakot at paglilang sa kaisipan ng masa. Ang pangalawa na  pagkakapareho ay ipinapakita nila ang korapsyon ng gobyerno at pulis sa Pilipinas. Ipinakita ng direktor at ng mga aktor gaanong kasama ang mga pulis at politiko, sa pagplaplano ng hindi tamang mga gawain para ipagpatuloy ang pagnanakaw at pagyurak nila sa kaisipan ng mamamayan.

Mairerekomenda ko ang Langhap Sarap sa iba, dahil maganda ang pag-arte/at emosyon ng mga aktor, ang pormasyon ng blockings at ang mensahe na ipinakita ng direktor upang mamulat ang mga manonood sa katotohanan at pagsira sa ating lipunan ng mga nasa kapangyarihan . Ang mensahe na gustong ipakita ng direktor ay ang katatakutan ang realidad ng bansa ngayon, dahil mas naging makasarili ang mga politiko/senador ngayon. Ginagawa nila yung mga bagay na makakabuti sa kanila lang, sa halip na makakabuti sa bayan. Ito ay ipinakita ng Langhap Sarap sa aksyon at katiwalian ng mga senador at ang kanilang hindi magandang  plano para maresolba  ang mga problema ng ekonomiya. Sa Tagu-taguan ng Tambakan, maire rekomenda ko rin ito, dahil ipinakita ang masamang epekto ng Tokhang Ni Duterte, dahil pinag papatay ng mga pulis mga kabataan na walang tamang proseso upang maghasik ng takot sa gobyernong tiwali at tumahimik ang mga gusto ng tuwid na landas.