PANGKATANG GAWAIN # 4 - Digital Collage: “Mga Gabay sa Aking Pagpapasya” by Ludilyn Royo

MAABILIDAD - PANGKAT #3
Kurt Slash G. Orsolino- (Pamilya) Napili ko po ang pamilya dahil sila ang tumutulong sa akin sa paggawa ng desisyon kasi sila talaga 'yung mga taong nakakakilala sa'kin nang totoo. Alam nila 'yung mga pinagdadaanan ko, ugali ko, at kung ano 'yung makakabuti sa'kin. Hindi sila perpekto, pero alam kong genuine ang concern nila at gusto lang nila 'yung best para sa akin. Minsan, hirap akong magdesisyon mag-isa lalo na pag malaki 'yung obligasyon na kailangan kong kunin, kaya malaking tulong 'pag may napagsasabihan ako na alam kong hindi ako huhusgahan.

‎Kirsten B. Magbanua -

‎(Kaibigan) Sabi nila, kailangan ko lang daw ng isang kaibigan na makikinig sa akin. Pero biniyayaan ako ng Panginoon ng limang mabubuting tao. Sa katagalan, nakilala ko sila at nakilala rin nila kung sino talaga si Kirsten, hanggang sa lumalim nang lumalim ang tiwala at samahan namin. Dumating na rin sa punto na kakailanganin ko rin pala ang gabay at payo nila para makapagdesisyon ako sa mga bagay na wala akong lakas na sabihin sa aking pamilya. Sinuportahan at tinanggap nila ako sa bawat desisyon na aking nagawa, kahit mahirap at mabigat ang pagpapasya kahit papaano ay gumaan at naging panatag ang loob dahil sa gabay nila.

Anne Somido -

‎(Pamilya) Napili ko po ang aking pamilya, dahil sila ang tumutulong saakin na magpasya. Humihingi ako ng gabay at opinion nila bago ako tuluyang magpasya, kasi alam ko sa sarili ko na kailangan ko pa rin ng gabay ng aking pamilya, dahil ang pagpapasya ay isang malaking bagay na maaaring makaapekto saating buhay. Dahil kung hindi natin pag-iisipan ng mabuting ang pagpapasya, maaari natin itong pagsisihan sa huli.

‎Lester Buño -

‎(Magulang) Sila po ang napili ko dahil kahit anong problema at paghihirap na dinaranas nila ay hindi parin sila sumusuko, sinusubukan pa rin nilang mahalin ang isa't-isa para lang sa ikinabubuti naming nga magkakapatid. Binibigyan nila kami ng matitirahan, makakakain, at mga iba pang mga pangangailangan namin.

Marklee Doromal -

(Kaibigan) Sila ang aking napili dahil isa sila sa aking mga pinagkakatiwalaan at nakakaintindi sa akin. Malaki rin ang papel nila sa bawat pasyang aking isasagawa, kapag may mali akong nagawa o nasabi ay agad nila itong pinapa-alam sa akin kaysa makarating sa iba. Dagdag pa rito, sila ang aking sandalan kapag mayroon akong hinaharap na pagsubok.

10-MAABILIDAD (GROUP 5)
PASSION

dahil isa ang mga kaibigan sa pwedeng maka tulong sayo na maging masaya at kalmado para maka gawa ng tamang desisyon

drawing dahil nag papakalma po ito ng aking utak

hobbies ko mag billiards dahil ito ay nakaka tuwa lalo na pag nakikipag laro ako sa aking mga kaibigan

TORIO

Bilang isang estudyante, paalala ito na may layunin si Lord para sa akin. Kahit mahirap minsan, alam kong may direksyon ang buhay ko at hindi ako nag-iisa.

LIM

Bilang isang estudyante,ito ay nag bibigay sakin nang lakas dahil minsa nawawalan tayo nang pag-asa pag akala natin tapos na wala na tayong magagawa pero pag naniwala tayo sa panginoon mas alam natin na meron parin pag-asa na alam natin na hindi pa tapos meron pa tayong magagawa.

HIANGAN

pamilya-ang pinili ko dahil sila ang laging sumusuporta at nagbibigay payo sa akin, lalo na pagdating sa pag-aaral at sa hinaharap.

PANIGBATAN

pamilya at ang aking tungkulin sa loob ng aming relihiyon. ang aking pamilya ang aking sandalan sa tuwing ako ay may kailangan at problema at tumutulong din sa aking pag-aaral. ako ay isang may tungkulin na nakakapag lakas sa akin sa pang araw-araw at dito ko napapakita ang pananalig at pananampalataya ko sa Diyos.

CABUBAS

Pamilya ang aking pinili dahil ito ang mga taong aking maasahan, kaagapay at nakakasama sa hirap at ginhawa ng buhay. Sila rin ang gumagabay sa akin hanggang sa matuto akong tumayo sa sarili kong paa at walang sawa akong minamahal. Sila ang nakatutulong sa aking pagpapasya  dahil kapag ako ay may problema ay kanila akong dinadamayan at sila ang unang laging nakakaunawa sa lahat ng aking ginagawa.

ROLDAN

Ang mga kaibigan ko ang nakakatulong sa pagdedesisyon o pasya ko, dahil naiiba ang pananaw nila at sinusuportahan nila ako.  Kilala nila ako kaya mas maganda ang payo nila sa akin. At dahil mahal nila ako, nagiging matapang ako sa pagpili ng mga magiging pasya ko.

PAKIDING

Ang larawang ito ay naglalarawan ng masayang mga alaala kasama ang aking mga kaibigan. Likas at kusang-luwal ang aming mga ekspresyon, puno ng tawanan at tunay na saya. Napakahalaga nila sa akin dahil sila ang nagbibigay sigla sa aking araw-araw sa paaralan.

BAÑEZ

Ang mga tumutulong saakin upang akong makapagpasya ay ang ice cream at ang aking kaibigan na si Princess Velynda Garcia. Ang aking kaibigan ang tumutulong saakin upang tignan ang mga pasiya bilang positibo at binibigyan niya ako ng malalim na mga tanong upang maging mulat at sariwa sa aking isipan ang mga tamang pasya na gawin. Ang ice cream naman ang nakapagpapawala ng aking tensyon sa pagpapasya sapagkat ang matamis at malamig na lasa nito ang nagbibigay saakin ng kapayapaan upang makapagisip ng malinaw at pulido.

GABRIEL T. ROSAL

• Puso: Sa pamamagitan ng aking puso, nakagagawa ako ng desisyong ikabubuti ko at ng mga taong nasa aking paligid.

JOSHUA NOROÑA

• Talata ng Bibliya

2 chronicles 15:7

"But you, be strong and do not give up, for your work will be rewarded."

- Ito ay isa sa aking pinanghahawakang talata ng Bibliya. Ipinapakita at ipinadarama nito ang importansya ng pagtitiwala sa ating Panginoong pangako o purpose sa atin, maski sa mga panahong tayo ay pinanghihinaan ng loob sa pagdedesisyon. Ipinapaalala ng verse na ito na ang ating mga pagsisikap at desisyon ay hindi mauuwi sa wala sa pamamagitan Niya.

MIGUEL T. ROSAL

• Pamilya: ‎Sa pagmamahalan ng pamilya, gagaan ang bigat na iyong dinadala at hindi ka mag-iisa sa iyong pagpapasiya.

DAIZY MAE MAGTANGOB

• Talata ng Bibliya:

PROVERBS 16:3

"Commit to the Lord whatever you do, and your plans will succeed."

- Ang salitang nasa Bibliya na ito ang tumatak sa aking puso’t isipan sa pagdedesisyon. Binibigyang diin nito ang kahalagahan ng pagmumungkahi at pagsuko natin ng ating mga desisyon sa ating Panginoon. Sa pamamagitan ng mga aksyong nakasentro sa Kaniya, bibigyan Niya tayo ng lakas at gabay sa kahit anong bagay upang makamit iyon. Hindi lamang tungkol  sa ating pagsisikap ang tagumpay na ating makakamit sa pagdedesisyon — bagkus kasama na rito ang koneksyon at pakikinig sa Kaniya.

MAYMAY SALIGUMBA

• Matalik na Kaibigan: Ang matalik kong kaibigan ay tinuturing ko bilang isang aking pamilya sapagkat palagi siya nasa aking tabi upang tulungan at samahan ako sa aking pagpapasya.

• Kapatid: Kaming dalawa ay magkapatid at magkasangga sa buhay. ang kapatid ko ay isa sa mga napagsasabihan ko ng aking problema at siya rin ay gumagabay sa akin sa tuwing ako ay gagawa ng pagpapasya.

MISHA B. UNO

• SSLG Family: Sa isang pamilyang aking pinahalagahan at pinapahalagahan pa rin hanggang ngayon sa aking puso. Para sa akin, sila ang naging gabay rin sa aking pagpapasya noong kami ay nagsasama-sama. Sila ang dahilan kung bakit ang aking pagkatao ay lumago at ang dahilan sa kung bakit mas maayos na akong gumawa ng desisyon.

• God: Noon pa ma’y sa bahay ako nagdadasal at nananalangin sa Kaniya at hinihiling na gabayan ako sa kada landas na aking tatahakin. Ngunit ngayon, mayroon na akong Cornerstone Church na pinupuntahan upang maging mas malapit sa Kaniya, kay God na hindi ako pinabayaan sa mga desisyong ginagampanan ko — at hindi kailanman magkukulang sa pagbibigay sa akin ng klarong desisyon o calling sa iba’t ibang bagay. Dahil sa Kaniya at sa mga taong nakakasama ko kaya ako handang manatili.

• SSLG Family: Sa isang pamilyang aking pinahalagahan at pinapahalagahan pa rin hanggang ngayon sa aking puso — ang mga taong nagturo sa aking magbukas ng pinto sa puso. Para sa akin, sila ang naging gabay rin sa aking pagpapasya noong kami ay nagsasama-sama. Sila ang dahilan kung bakit ang aking pagkatao ay lumago at ang dahilan sa kung bakit mas maayos na akong gumawa ng desisyon.

ALTHEA NICOLE BACCAY

• Aking mga Kapatid: Nakakatulong sila sa aking mga pag-dedesisyon sa buhay sa pamamagitan ng pag-gabay saakin, sinasabi ko muna sakanila ang mga bagay-bagay at binibigyan nila ako ng gabay para sa pagdedesisyon.

LIOYD DANIEL CABANTING

• Pagkakaibigan: Para sa akin, ang isang malaking bagay na tumutulong sa akin na mapabuti ang aking kakayahan sa pagdedesisyon ay ang pagkakaroon ng masayang kalusugang pangkaisipan; nakakaapekto ito sa aking mga desisyon. Ang pagkakaroon ng kasama habang nagbibisikleta ay nakakaapekto sa pangkalahatang kalooban ko. Halimbawa, matapos umakyat ng matarik na burol, mayroon akong kasama na mapagsasabihan ko ng aking karanasan dahil pareho kaming umakyat ng parehong matarik na burol. Kahit mahirap, maaari naming pagtawanan ito na parang hindi naman ito isang malaking bagay. Sa kabilang banda, kung nag-iisa akong umakyat ng parehong matarik na burol, wala akong mapagsasabihan ng aking karanasan kaya kailangan kong tiisin ang pagod sa pag-akyat. Nakakaapekto ito sa aking mga desisyon. Sa unang sitwasyon, kaya ko pang magpatuloy dahil may mga kaibigan akong mapagsasabihan. Samantalang kung nag-iisa ako at walang kasama, maaari akong mahikayat na umuwi na lang. Kaya sa madaling salita, ang pagkakaroon ng mga kaibigan ay nakakapagpaangat ng moral at dahil dito, maaasahan mong magiging malinaw at matalino ang iyong mga desisyon.

10-MAABILIDAD-GROUP 2

Group 4
FRANCES GAUDENE MELENDRES:

• Kaibigan - akin silang inilagay dahil tuwing ako ay may gagawing desisyon, kinukonsulta ko muna sila kung ayos lang ba, may mali ba, at kung ano pa ang puwede kong gawin. In short, tinutulungan nila akong maging better person sa paraan ng mga suhestiyon nila.

• Quote - it's says that God’s timing is perfect—nagpapaliwanag na ayos lang ang mag-isip-isip, magnilay-nilay, at nagpahinga dahil hindi naman Siya nagmamadali, at may tamang oras para sa lahat.

KRIS ANGELUO W. PALATA

• Qoute/Bible Verse - ito ay nagsasabi na dapat tayong magtiwala sa Panginoon ng buong puso at isuko sa Kaniya ang lahat ng ating mga daan. Ipinapangako nito na tutuwid Niya ang ating mga landas. Kaya ito ang aking pinili dahil para sa akin, ang Diyos ang kasama ko sa mga desisyon na aking pinaplano upang magkaroon ng gabay sa landas na tatahakin ko.

MEKAELA R. ROGA

• Bible Verse - Sinasabi dito na magtiwala tayo sa karunungan ng Diyos. Ito ang aking napili dahil ang verse na ito ay nagpapa alala sa akin na mahalaga na ipagkatiwala ko sa Kaniya ang aking mga desisyon. Sa pamamagitan nito ay mas nakakapag pasya ako ng mas maayos, dahil hindi lamang ako dumedepende sa aking sariling kaalaman. Bagkus ay sinusubukan ko ring isaalang-alang ang kalooban Niya.

ALTHEIAH JERLYN LLANO

• Bible Verse - dahil naniniwala ako na lahat ng paghihirap na ating pinagdadaan ay may magandang kalalabasan. Nakatutulong ang bible verse na ito sa aking pagpapasya at motibasyon ko din ang bible verse na ito

JULIA MYKA DIONALDO

• Magulang/Nanay - pinili ko ay ang aking nanay, dahil siya ang laging gumagabay at nagbibigay payo sa akin tuwing ako ay may kailangan pagdesisyunan.

MARJELYN TIANGSON

• Kaibigan - pinili ko siya dahil sa kaniyang pagiging maaasahan at mapagmalasakit. Sa tuwing ako'y may problema o may kailangang itanong, palagi siyang nandiyan—handang makinig at tumulong. Hindi lamang siya nagbibigay ng sagot, kundi tinutulungan din niya akong magpasya nang maayos at mabuti. Sa kanyang gabay, natututo akong maging mas responsable at mas mapanuri sa aking mga desisyon.

MARIEL PALAMARA

• Pamilya - ito ang aking napili na ilagay dahil sila ang pangunahing mga tao na tumutulong sa aking makapagdesisyon Ng tama at wasto. Isa Sila sa aking inspirasyon na umunlad at maging matagumpay sa buhay.

• Kaibigan - ito ang aking napili dahil sila sa mga tumutulong sa akin na makapag-isip at solusyunan ang aking problema. Sila ang aking inspirasyon dahil isa sila sa mga taong tulay tungo sa aking pag-unlad sa buhay at sa aking sarili.

MARK LEMUEL JAMES B. MIRAÑA

• Kasintahan - Ang aking pinili ay ang aking kasintahan dahil sa tuwing kinakailangan ko ng kaniyang tulong sa pagpili ng mas magandang pagpapasiya ay akin siyang linalapitan. Ganoon din siya sa akin. Sa tuwing kinakailangan niya ng tulong ko para sa kaniyang pagpapasiya ay siya ko rin siyang tinutulungan. Sa madaling sabi, kaming dalawa ang aming linalapitan sa tuwing kinakailangan namin ang bawat isa ng tulong.

Princess Ria Mae P. Papa

Kaibigan- sila ang napili ko dahil sa tuwing ako'y nalulungkot o nahihirapan sa aking gagawing pagpapasya ay nandiyan sila upang ako ay patawanin at gabayan sa aking pagpapasya. Marami ang pasasalamat ko sa kanila dahil hindi ko man masabi ang aking mga problemang pinagdadaanan ay handa silang damayan at pagaanin ang loob ko.