Angalo by Kian Gualvez Autajay

NILALAMAN
Trivia :

Alam mo ba? Sina Angalo at ang kanyang asawang si Aran ay mga higanteng tumulong sa pagbuo ng mundong tinitirahan natin ngayon. Sila ang gumawa ng mga bundok, karagatan, kalangitan, pati na rin ng araw, buwan, at mga bituin. Isang araw, nakakita sila ng kakaibang liwanag mula sa langit na nagsabi sa kanila na ipagpatuloy ang pagpapaganda at pag-aalaga sa mundo. Lumilipas ang panahon, nawala na sina Angalo at Aran, ngunit ipinagpatuloy ng mga tao ang pangangalaga sa kanilang nilikha.

Sinasabing nabuhay ang mga higanteng ito libu-libong taon na ang nakalipas, ngunit patuloy pa ring kinukuwento ng mga Ilokano ang kanilang alamat. Ang kanilang mga kweba, higanteng mga yapak, at iba pang palatandaan ng kanilang presensya ay matatagpuan pa rin sa rehiyon. May ilan pang nagsasabi na ang espiritu ni Angalo ay nagpaparamdam pa rin sa mga lugar tulad ng Banawang Gap.

Alam niyo ba si Angolo ay medyo tamad? Ayon sa ilang bersyon ng alamat, si Diyos Angalo ay tinawag na tamad hindi dahil sa ayaw niyang kumilos, kundi dahil sa kanyang napakalaking laki at kapangyarihan, kaya’t kaunting galaw lamang ay sapat na upang makagawa ng malalaking bagay kaya hindi niya kailangang magpagod. Sa halip na magmadali, siya’y tila nagpapakadalang-hakbang sa kanyang paglalakad, kaya’t iniisip ng ilan na siya’y tamad, ngunit ang totoo, siya’y mapanuri at maalalahanin, ginagamitan ng pag-iisip ang bawat kilos, sapagkat ang bawat yapak niya’y may kakayahang lumikha o magbago ng kalikasan.

Ano ang dahilan sa pag lakbay ni Angolo ibat ibang lugar? Ayon sa alamat, si Diyos Angalo ay naglakad sa malalayong lugar mula bundok patungong bundok sa paghahanap niya sa langit. Dahil sa kanyang higanteng laki, bawat hakbang niya ay nag-iiwan ng bakas sa kalikasan, tulad ng bundok at talon. Hindi sinabi kung bakit niya hinahanap ang langit, pero ipinapakita nito ang kanyang pagnanais na tuklasin o abutin ang isang bagay na higit pa sa mundo.

NILALAMAN
MGA KASAPI:

Kian Autajay

Klea Perez

Samuel Hacbang

Mikeizy Mortiz

Juan Reyes

Gwen Alpasan

LIDER:

Kian Autajay

KAPANGKAT:

CLGB 6

Mga Sanggunian:

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Angalo

https://www.miscellanymedia.online/text-ilocano-origins-meet-aran-and-angalo

https://www.scribd.com/document/719836784/Angalo-and-Aran-WPS-Office#:~:text=In%20the%20early%20years%20of,Water%20need

https://www.aswangproject.com/angngalo-aran/

NILALAMAN
Si Angalo ay isang maalamat na higante mula sa mitolohiyang Ilokano, na ang pinagmulan ay matutunton pa bago dumating ang mga Kastila sa rehiyon ng Ilocos sa Pilipinas. Siya ang itinuturing unang tao at anak ng diyos ng pagtatayo. Sa pamamagitan ng kanyang mga gawa, hinubog ni Angalo ang ating kapaligiran. Siya ang gumawa at nagbigay buhay sa mga burol at kabundukan ng Luzon. Siya rin ang bumuo sa malalawak na karagatan at naglagay sa kani kanilang tamang pwesto ng langit, araw, buwan, at mga bituin. Si Angalo ang itinuturing nagbigay porma sa mundo ayon sa mitolohiyang Ilokano. Pinaniniwalaan ng mga ninuno nating Ilocano na ang tunog ng kulog ay ang boses ni Angalo. Ang lindol naman ay ang kanyang paggalaw.

NILALAMAN
1.	Higanteng Lakas at Laki – Kayang abutin ni Angalo ang kalangitan, at isang hakbang lang ay makakatawid siya ng mga bundok at ilog. Sinasabi ang kanyang mga yapak ay nag-iwan ng marka sa lupa. Isang halimbawa ay ang ang bato ni Angalo sa Ilocos ay sinasabing bakas ng kanyang paa.

2. Paglikha ng Kalikasan  – Sinasabing nakatulong siya sa paglikha ng ilang anyong-lupa tulad ng mga bundok o lambak, mga talon, at ang ating hugis ng mundo

NILALAMAN
Si Aran ay kinikilalang unang babae sa mundo sa paniniwala ng mga Ilokano. Siya ang asawa o kapareha ni Angalo, ang higanteng tagapaglikha. Tinutukoy rin sila ang “Adam and Eve of the Ilokanos” Magkasama sila ni Angolo naglakbay at nagtulungan upang hubugin ang mundo, kasama na ang paglikha ng langit, lupa, mga bundok, ilog, at iba pa.

NILALAMAN - Buod
Si Angalo ay isang higante sa mitolohiyang Ilokano na itinuturing unang tao at anak ng diyos ng pagtatayo. Bago pa man dumating ang mga Kastila, pinaniniwalaan na siya ang lumikha ng kapaligiran, kabilang ang mga bundok, burol, karagatan, at kalangitan. Siya ang nag-ayos ng posisyon ng araw, buwan, at mga bituin. Ayon sa paniniwala, ang kulog ay kanyang tinig at ang lindol ay dulot ng kanyang paggalaw. Siya'y kilala sa kanyang higanteng laki at lakas na kaya niyang abutin ang langit at tumawid sa mga bundok at ilog sa iisang hakbang. Ayon sa alamat, iniwan niya ang mga bakas ng kanyang paa sa lupa, tulad ng bato ni Angalo sa Ilocos. Tinawag siyang "tamad" sa ilang bersyon ng kwento, hindi dahil sa katamaran kundi dahil sa laki ng kanyang katawan, na sapat na ang kaunting galaw upang makagawa ng malalaking bagay. Naglakbay siya sa malalayong lugar mula bundok patungong bundok sa paghahanap niya sa langit.

Si Aran naman ay itinuturing na unang babae sa mundo at asawa ni Angalo. Sila ay tinuturing na katumbas ng “Adam and Eve” sa mitolohiyang Ilokano. Magkasama nilang hinubog ang mundo, kabilang ang kalangitan, kalupaan, bundok, at mga ilog. Sa kanilang pagsasama, sila ang mga pangunahing nilalang na responsable sa pagbuo ng kalikasan. Ang kanilang alamat ay bahagi ng sinaunang paniniwala ng mga Ilokano. Lumilipas ang panahon, nawala na sina Angalo at Aran, ngunit ipinagpatuloy ng mga tao ang pangangalaga sa kanilang nilikha. May nagsasabi rin na ang espiritu ni Angalo ay nagpaparamdam pa rin sa mga lugar tulad ng Banawang Gap.

Hanggang ngayon, nananatiling buhay ang alamat nina Angalo at Aran sa puso ng mga Ilokano, isang paalala ng kanilang pinagmulan, pananampalataya, at pagpapahalaga sa kalikasan.