Bookmarks by Arnelle Jean Quirante

Ang Aking Karanasan sa Pag aalaga ng Halaman
Simula ng ako'y nasa ikalawang baitang pa lamang ako ay mahilig na sa mga halaman. Halamang ornametal o halamang gulay. Hilig ko natalaga ang magtanim dulot din ito ng impluwensiya ng aking tiyahin na sobrang hilig sa tanim. Nakakatulong naman kasi sa ating kapaligiran at nakakatuwang pagmasdan ang mga alagaang halaman. Iba iba ang porma ng dahon, iba iba ang kulay. O kay gandang pagmasdan ang mga tanim na namumulaklak na siya ay paboritong dapuan ng mga paruparu at mga bubuyog. Katulad ng tao ang mga halaman ay kinakausap ko. Dapat magkaroon ng sapat  abuno at dinidiligan ito para ang mga ito ay mabilis lumago at magkaroon ng maramingy suhi. Hindi perpekto ang patatanim may namamatay na tanim at yun ay nakakalungkot kahit ginawa mo na lahat. Hindi mo alam kong saan ka nagkamali sa pag aalaga. Kung saan ka nagkulang o hindi paba sapat ang ginawa mo para ito ay lumago.

Gayunpaman nakakatulong din sa akin ang pagtatanim ng mga gulay sapagkat ang Nanay ko ay nag titinda ng nga kulay sa palengke. Dagdag tulong na din sa aming pang araw araw na pangkabuhayan. Masilan ang pag aalaga ng tanim ng gulay dahil madalas ito inaatake ng mge peste. Kaya sa tulong teknolohiya nakahanap ako ng "organic pesticide" ito ay halo sa suka at sili. Nakakatulong ito para mapatay ang mga peste na umaatake sa mga tanim. Ang MSG naman o mas kilalang vitsen ay mabisang fertilizer para sa nga halamang ornamental at tanim na gulay. Nakakatulong ito para mabilis tumubo at mas lumago at mabilis magkaroon ng suhi, malusog na bunga at maraming bunga sa tanim na gulay. Dapat sapat at hindi sumobra sa paglalagay ng MSG. Ang MSG o vitsen ay ihalo sa tubig sa 1.5 liters. Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong sa inang kalikasan at sana magsilbi akong inspirasyon sa iba upang maging mahilig din sa tanim.