My E-Portfolio for 1st-4th Grading period by Kent Jasper A. Yabo

SEATWORK #1
August 9, 2024 nang isinagawa namin ang seatwork #1. İto ay patungkol sa pagbuo ng tulang may malayang taludturan na may temang paano pangangalagaan ang kalikasan. Simula palang noon, ay alam ko sa sarili ko na hindi ko hilig ang pagbuo ng isang tula, dahil limitado lamang ang kaalaman ko rito at kakaunti o hindi gaano kalawak ang aking bokabularyo. Kaya't nang malaman-laman ko na kami pala ay bubuo ng tula ay kinabahan ako, sapagkat alam kong ma-cha-challenge ako sa pagbuo nito. Nang nagsimula na kami sa paggawa ay inuna ko muna ang pag-de-design dahil kasama iyon sa mamarkahan. Nang matapos ay sinunod ko kaagad ang pagbuo ng tula, naka ilang punit, paglukot, at pagsira ng papel ako dahil nahihirapan talaga ako at pakiramdam ko'y mali ang lahat ng gawa ko. Pero mabuti na lamang at sa may halos isa't kalahating oras kami para matapos ang pagbuo nito, kaya di ako nakaramdam ng kaba na baka ay malapit na ang oras nang pasahan. Dahil nga sa nahihirapan ako ay isinusulat ko muna sa scratch paper ang mga ideya at masisining na salita na maaari kong mailagay sa tula at sa huli ay pagsasama-samahin ko na lamang ito, at gumana nga! Tuwang-tuwa ako nang matapos ko ang isang saknong, para saakin ay isa na ito sa achievement ko ngayong taon, sapagkat nakabuo ako tula. Pero di pa ako tapos kaya't pinagpatuloy ko na agad ang paggawa. Medyo nadalian na ako sa pagbuo ng tula sa ikalawang saknong, mabuti na lamang at malayang taludturan ito kung hindi ay baka mahiraoan talaga ako ng sobra-sobra. Katulad ng ginawa ko sa unang saknong ay isinulat ko muna ang aking mga ideya bago ito pagsama-samahin, pero syempre dapat may kaugnayan parin ito sa tema at sa unang saknong. Nang matapos ang ikalawang saknong ay tuwang-tuwa nanaman ako dahil malapit na akong matapos, isang saknong na lamang ang bubuuhin ko. Nang dumating na ang oras sa pagbuo ko ng ikatlong saknong ay napaisip ako ng malalim sapagkat, ubos na ang ideya na naiisip ko, wala ng pumapasok sa utak ko, kung may pumapasok naman ay hindi naman naaayon sa tema. Sa oras na iyan ay naiiyak na ako pero patago lamang, dahil ayokong hindi ako makapag pasa sa oras na iyon, dagdag pressure pa ang mabilis na paglipas ng oras, ilang minuto na lamang ay pasahan na. Dahil jan ay nag brain-storm ako ng mga ideya at kalauna'y nakabuo na ng ikatlong saknong tuwang-tuwa nanaman ako dahil tapos na rin sa wakas, at dahil may natitira pa sa oras ay dinagdagan kopa ang disenyo ng gawa ko at pagtapos ay ipinasa na. Ng dahil sa aktibidad na ito ay natuto ako kahit unti lamang sa pagbuo ng isang tula na may malayang taludturan. Dahil sa pressure na nararamdaman ko ay na-enjoy ko ang paggawa nito, kaya naman ay kung may ganitong aktibidad uli ay masaya kong gagawin ito habang na-pe-pressure.

Quiz #1
September 11, 2024. İsinagawa namin ang unang maiksing pagsusulit. Tungkol sa pag-uulat ng pangakat isa patungkol sa Sistemang pang-ekonomiya. Noong unang araw ng kanilang pag-uulat ay parang hindi pa sila handa lahat, siguro ay dahil ito sa unti lamang ang oras ng preperasyon nila kumpara sa ibang grupo. Wala o kakaunti lamang ang naintindihan ko sa pag-uulat nila. Dahil mahina ang kanilang boses, utal-utal at napakahaba ng nakalagay sa ppt nila na hindi naman lahat mahalaga, dapat ay i-summarize mona nila para madaling maintindihan namin. Pari ang pagpapaliwanag nila ay hindi ko maintindihan. Mabuti na lamang at andiyan si Ma'am para tulungan sila pati ang ibang grupo na mas ipaliwanag pa ang ulat sa paraang lahat kami ay makakaintindi... Dahil nga sa unti lang ang naintindihan ko ay pagkauwing-pagkauwi ay inaral ko report nila mula lang rin sa ppt nila dahil sinabe ni Ma'am na may quiz kami pagtapos ng pag-uulat ng pangkat 1. Sa ikalawang araw ay wala nanaman akong natutuhan buti nalamang ay andiyan uli si maam para mag-discuss. Sa unang bahagi ng quiz ay madali lamang. İsusulat lamang kung ME kung Market economy, CE kung command economy, TE kung traditional economy at MXE kung mixed economy. Nadalian ako rito dahil ito talaga ang inaral ko ng masinsinan, kaya naman ay nakakuha akonng siyam na puntos. sa ikalawang bahagi, unang katanungan ay nakalimutan ko ang kasagutan, may pumapasok naman sa isip ko pero malayo sa pinaka-tumpak na kasagutan kaya mababa lang nakuha ko. Sa ikalawang katanungan sa ikalawang bahagi ay madali lang dahil ito ay subjective na katanungan. Dahil sa naging iskor ko ay pagbubutihin kopa ang pag-aaral ko, at iintindihan kopa lalo ang mga report ng saganon ay makakuha ng mataas na marka. Pero nais kolang idagdag ang nakuha ko pong iskor ay 9, 3 at 2, Kapag in-add ay 14 na puntos, kaya nagtataka ako bakit 12 lamang ang nakalgay. Sana mabigyan po ng pansin ang hinaing ko.

Lagumang Pagsusulit sa Ekonomiks
Lagumang pagsusulit. Nalalapit na ang Periodical kaya naman ay magkakaroon na naman ng maraming lagumang pagsusulit. Sa araw na ito ay isinagawa namin ang Unang Lagumang Pagsusulit sa ekonomiks. Medyo kinakabahan ako sapagkat baka ako ay bumagsak, kahit na nag-review naman ako bago ang araw ng pagsusulit. Habang sumasagot ng pagsusulit ay Medyo nalilito ako sapagkat halos karamihan sa choices ay tama lahat ng sagot, kaya kinakailangan ng malalim na pagbabasa para makuha ang pinaka-tamang kasagutan. Dahil lamang ako natapos sapagkat, nadalian ako rito, kaht na nagkalito-lito na ako sa pagsagot kanina. Kampante ako sa sarili ko na makakaabot ako sa pasadong iskor. At dumating na nga ang araw ng pag-che-check ng laguman, hindi koba alam pero kinakabahan talaga ako, kasi nahihirapan ako sa topic na ekonomiks, dahil nasanay ako na puro history lang ang AP na siyang kinagiliwan ko naman. Habang nag-che-check ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko kesyo mababa iskor ko o kaya naman ay bagsak ako, pero nagtiwala ako sa sarili ko dahil nag-review ako kahit papaano. Pagtapos ma-chekan ay tinatawag na isa-isa ang mga iskor na nakuha... At ayun na nga bakakuha ako ng 20/30 masaya nako nito dahil pasado naman ako at, okay lang dahil nag-a-adjust pa'ko sa topic ng ekonomiks. Nabanggit nga ni Ma'am na may math na daw ang ekonomiks sa second quarter kaya naman ay natuwa ako dahil mahilig po ako sa math sobra, kaya naman ay hindi nako makapag hintay na magsimula ang talakayan para sa ikalawang markahan.

Gawaing Upuan #1
"Kinakabahan ako" iyan lang ang tanging pumapasok sa aking isipan, dahil ako'y hindi nakapag-review. Noong araw na iyon tanda ko pang natataranta ako dahil nakalimutan kong bumili ng graphing paper at ruler bago pumasok, at naalala ko lang ito noong Science period na, at pagkatapos noon ay AP na kaya nagwi-wish ako na sana maagang magpalabas si Sir. Para ako'y makabili sa Retail, at mabuti na lamang ay nagkatotoo maagang nagpalabas si sir kaya naman ay agad-agad din akong bumaba para bumili habang wala pang AP time, kasama ko ang mga kamag-aral ko ring bibili kasi nakalimutan ring magdala. Pagtapos ay umakyat agad kami dahil 3minutes nalang AP time na at baka kami ay ma-late. Pag punta sa room ay habang wala pa si Ma'am nag-review muna ako sa computation at pag-graph dahil nga sa kulang ang oras hindi ko ito natapos, pagtapos nang review ay confident ako sa sarili ko na mataas ang gradong makukuha ko sa Computaion, graphing at schedule pero sa salik ay hindi ako sigurado dahil hindi ko ito nabasa, kaya't ako'y kinakabahan. Pagtapos magpaliwanag ni Ma'am ng instructions ay sinimulan ko na agad ang pagsasagot, sa computation ay madali lang dahil simpleng substitution lang naman ang gagawin at simple math computation lang naman, pero naka dalawang ulit ata ako dahil puro ako bura sa papel. Sa may Demand Schedule naman ay nalito ako rito, dahil nakalimutan ko kung saan ilalagay ang punto A hanggang E, kaya't ginawa ko muna itong blanko dahil ayokong mag bura at ginawa ko na lamang ang graphing para malaman ko kung saan ba talaga ang punto A hanggang E sa demand schedule. Madali lang ang graphing kaya saglit ko lang ito tinapos, pagtapos ng graphing ay naalala ko na uli kung paano ang paglalagay ng punto kaya sinagutan ko na iyong nasa schedule. Pagkatapos noon ay may limang minuto nalang ang natitira at wala pa akong nasisimulan sa salik ng Demand, kaya't nag brain-storming muna ako dahil katulad ng sinave ko kanina ay hindi ko na-review ang salik. Panlasa lamang ang naaalala ko, mabuti na lamang at may narining ako sa likod ko na nag-uusap at narinig ko iyong ekspektasyon kaya't nagmamadali akong magsagot dahil kapos na nga sa oras. Mabuti na lamang at natapos ko siya sa itinakdang oras. Matagal rin bago naibalik ang papel namin pero ng naibalik na ang mga papel ay hinahanap ko kaagad ang aking papel at nagulat ako dahil mataas ang nakuha kong iskor, at ang nas nakakagulat ay ako daw ang nakakuha ng may pinakamataas na iskor, kaya't tuwang-tuwa ako dahil kahit na nag brain-storm at saglitang review ay nakakuha pa rin ako ng ganoong iskor para sa ikaunang gawaing upuan.

GAWAİNG UPUAN #2
Gawaing upuan na naman, sasabak ulit nang walang ka-review-review. Ngayon ay patungkol naman sa supply ang aming sasagutan, may naintindihan ako sa report ng group 2 kaya naman kampante akong makakakuha ako ng mataas na iskor. May naintindihan ako hindi dahil magaling sila mag-report, pero dahil nagbasa ako ng module bago sila mag-report kaya alam ko na ang lahat ng patungkol sa supply. Muli, mayroon na namang pagso-solve, at madali lang naman siya dahil substitution at addition lang ang gagawin at kayang-kaya ko iyon. Sa graphing naman mas madali ito o kumbaga mas hindi siya nakakalito, kasi nga mayroong direktang relasyon ang presyo at supply, kaya hindi na ako malilito rito. Dahil nga sa noong nakaraang gawaing upuan ay ang tanging mali ko lamang ay yung sa salim ng demand, ay ngayon sinigurado ko talaga na maaral o ma-review ko yung salik ng supply kahit wag na iyong iba, dahil common sense lang naman iyon. Dumating na nga uli ang araw ng ikalawang gawaing upuan, nakalimutan ko na naman ang aking ruler at graphing paper. Hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan napunta nga graphing paper ko, dahil noong unang gawaing upuan ay marami na akong binili para sa susunod ay may magagamit pa ako. Hindi ko naman nagamit lahat kaya palaisipan pa rin saakin kung nasasaan ang mga iyon. Mabuti na lamang at pinahiram ako ng isa kong kamag-aral ng ruler para may magamit ako. Habang nagsasagot ay nadalian ako sobra, pero hinay-hinay pa rin ako sa pagsagot dahil ayoko na may maraming bura o marumi tignan ang papel ko. Tumitingin pa rin ako sa relo ng kamag-aral ko dahil baka sa paghihinay-hinay ko ay hindi ko namalayang ubos na pala ang oras. Nagkaroon ako ng bura kahit na dahan-dahan lang ako sa pagsagot kaya umulit ako sa pagkakatanda ko, pero ayos lang kasi mahaba pa naman ang oras kayang-kaya ko iyong tapusin. Mabuti na lamang at wala ng salik ng supply, ngayon ay talagang kampante na akong makakuha ng mataas na iskor sa aktibidad na ito. Kaso ayon na nga, pagdating sa ika-huling bahagi ng gawain, ay nalito ako sobra, dahil hindi ko alan ang pinagkaiba ng kanan sa kaliwa kaya nalito ako, mabuti sana kung salita lang ang ilalagay ay tiyak hindi ako malilito... Pero naalala ko may halimbawa nga pala sa pisara, dahil ipinaliwanag ni Ma'am ang instructions bago magsimula, kaya naman ay may naisagot ako sa dulong bahagi at taas-noo kong pinasa ang aking gawa dahil panigurado akong makakakuha ako ng nataas na marka. Dumating na nga ang araw na ipinamimigay na ang gawain, hindi na ako makapag-hintay na makita ang papel ko, habang pinamimigay ang papel ay sinisilip ko ang papel ng nga iba kong kaklase para malaman ko kung tama ba ako don sa dulong parte, at tama naman siya sa pagkakaalala ko, kaya nung naibalik o nabigay na ang papel ko ay tuwang-tuwa ako at nagtitili dahil ngayon pa lang ako nakakuha ng perpektong puntos simula unang markahan. Simula noong nakakuha ako ng perfect ay ipinangako ko na ipe-perfect ko rin ang iba pang activity (update: wala nang sumunod na activity)

Masaya talaga ako sobra noong araw na iyon, sana maipagpatuloy ko ito sa susunod na markahan para maipakita ang aking interes sa sipnayan.

SUMMATİVE TEST
Malapit ng matapos ang ikalawang markahan, dadating na naman ang tibatawag kong "hell week" kung saan lahat ng pinapagawa sa iba't ibang assignatura ay pare-pareho o sabay-sabay ang pasahan. Kasama jan ang project, ibang mga written works mga PETA's at syempre ang summative test na nagsisilbing batayan ng aming natutuhan sa bawat markahan, at nagsisilbi ring reviewer namin sa paparating na periodical exam sa December 6 at 7. Alam ko na paparating na ang summative sa Ekonomiks, pero nanatili akong kalmado at hindi ako nakapag-review, hindi dahil sa ayaw ko pero dahil nga hell week ay sunod-sunod ang mga PETA namin sa iba't-ibang subject tulad na lamang sa MAPEH ang social dance, ilang linggo namin itong pinaghandaan, tatlong sunod-sunod na sabado simula noong November ay nagpa-practice kami para maging maayos ang kalalabasan ng aming presentasyon, at sa kabutihang palad ay maayos naman ang kinalabasan at nakakuha kaming lahat ng marka. Natanggalan rin ng isang tinik, pero mayroon pang iba, sa English naman ay pinagawa kami ng singing presentation about Christmas, dalawang araw rin namin itong pinaghirapan, kaya pagod na pagod ang aking katawan dahil sa sunod-sunod na pagpa-practice makakuha lang ng mataas na marka, at syempre sa AP iyong tatlong performance task nagpractice rin kami lalo na sa kanta, dahil nahihirapan kaming magbuo ng isang kanta dahil hindi namin matugma sa tono ng kanta. Dahil sa mga ito hindi na ako nakapag-review sa lahat ng assignatura, pero syempre hindi ibig sabihin non ay makakauha na ako ng mababang marka. May natutuhan naman ako sa mga guro ko kaya kampante akong makakapasa. Dito nga sa Ekonomiks ay nadalian ako, kumpara sa unang markahan, nalito lang ako sa pinagkaibahan ng normal goods, inferior good, superior goods at iba pa. Dahil nga madalian ako kampante ako na makakapasa, pero di ako nage-expect na makakuha ng mataas na marka. Dumating na nga ang araw ng checking at kinakabahan ako dahil nakita ko iyong papel ng iba kong kaklaseng matatalino na mababa ang marka. Pero noong announcing na ng iskor ay nalaman kong akobpala ang nakakuha ng pinakamataas na iskor sa klase, kaya natutuwa ako sa kaloob-looban ko, pero hindi ko ipinapakita dahil baka sabihing oa ako. Sana maipagpatuloy ko pa ang mga sunod-sunod kong matatas na iskor sa ekonomiks at iba pang assignatura.

PERFORMANCE DAY
Performance na! Ngayong araw ay excited akong mag-perform sa harap, dahil pinaghandaan ko talaga ang araw na ito, aking ginawa ang lahat ng aking makakaya para maging maayos ang kalalabasan ng aming performance. Lahat ng props at kasuotan ay matagal naming pinaghandaan at pinag-usapan. Ang pagiging malikhain talaga ang ginawan o binigyan ko ng pokus sa aming performance dahil dito, maipapakita namin ang aming kakayahan, hindi lamang sa iq pati narin ang eq namin. Dito halos lahat ay ako ang gumawa pero sa props ay pinagawa ko sa iba para makapagsagawa ako ng maayos na kanta, acroustic at poem. Gusto ko talaga ang ganitong klase ng pagkatuto, yung hindi mo kailangang magbasa ng maraming babasahin para matuto bagkus, ay makakatuto ka sa malikhaing pamamaraan. Sa pagpa-practice nahirpan ako dahil, ang mga kamag-aral ko ay palaging nahuhuli sa practice at ang iba naman ay lumiliban sa practice. Kaya't na-challenge talaga ang pasensiya kong napakaiksi sa mga kagrupo ko. Sa kanta pa lamang ay natatagalan na kami dahil hindi nila kinakabisado agad ang kantang ibinigay o i-sinend ko sa gc, nalulungkot ako dahil halos ta-tatlo lang kaming kumakanta sa unang practice, pero mabuti na lamang at mabilis nilang nakuha ang mga steps na nabuo naming magka-kagrupo, paubos na ang oras namin noon pero nakakalahayi na namin ang steps, kaya't pinaaalahanan ko na lamang sila na kabisaduhin ang kanta at acroustic, habang walang klase sa ibang assignatura sa araw na iyon ay gumagawa na ako ng props at nag-iisip na rin ng iba pang pasabog na mapapa-wow ang aking kaklase pag nakita. Sabikalawang araw ng practice ay marami na naman ang na-late, nakakainis, pero ano'ng nagagawa ko? alangan naman sunduin ko sila sa bahay nila? Nakakailang remind na ako sa group chat naminz pero wala talaga silang dala. Pero mabuti na lamang at kabisado na nila ang kanta kaya mabilis lang kaming nakagawa ng mga steps, at natapis nga agad namin sa ikalawabg araw pa lamang, pero ang problema lamang namin ay yung boses, oo, kabisado nga, pero, ang boses namin ay hindi nagtutugma at pangit pakinggan, kaya alam ko, o nalaman ko ang bibigyan ko ng pokus sa ikatlong practice, sa ikatlong practice ay natapos na namin ang lahat ng mga props, kaya naman ay sinimilan muna namin sa acroustic na kung saan ako ang gumawa, sa ikatlong pagkakataon ay marami na namang late, last practice na nga ayaw pa nilang magsipunta ng maaga, pero nung nakompleto ay nanermon muna ako, bago magsimula sa acroustic, mabilis lang namin itong natapos dahil sertosi na ang practice namin dahil mamaya na ang performance namin, ang kakulangan lang namin ay di kami nagsasabay-sabay. Pagkatapos ay sinimulan na namin muli ang pagpraktis sa kanta, mabilis lang rin namin tong natapos dahil boses lang naman ang aayusin. Sa spoken poetry ay ipinaubaya ko na lahat kay Kathleen, ako na lamang ang gunagawa ng script niya. Kami na ang magpeperform at kinakabahan talaga ako sa puntong iyon, habang nagpeperform sa sayaw ay natutuwa ako dahil maganda tignan at sabay-sabay kami, naayos na rin ang boses kahit papaano. Para naman sa acroustic ay sa simula ay maayos pero biglang may nabulol at siyang nagpasira sa performance namin, pero okay lang dahil at least ginawa niya ang best niya na mairaos ang naatas na gawain o letra, pagdating sa spoken poetry ay kahit na nabubulol so Kathleen ay matagumpay niya paring natalis ang kaniyan performance and i'm very pleased with that, kahit na nabulol ay natapis pa rin ang performance... Sa kabuuan nakakuha kami ng 97 points which is okay na para saakin, dahil alam ko naman na may mga pagkakamali kami, kaya naman ay proud na proud ako sa kagrupo ko, dahil nairaos na rin namin ang tatlong performance task sa AP

paikot na daloy ng ekonomiya

Unang gawaing upuan. Noong araw na ito ay marami akong ganap dahil kabilang ako sa mathematics club ng paaralan at may event kami sa mismong araw na ito, kabilang ako sa magfa-facilitate dapat pero nagpa-excuse muna ako kasi gusto ko na wala akong acitivity na maiiwan, at ayoko ring maghabol, gusto ko ay sabay ako sa mga kamag-aral ko na sumagot. Hindi na ako nag-review nung araw na ito kasi kami naman ang nag-report nung topic ng gawaing upuan, at naintindihan at inaral ko yun ng paulit-ulit pati yung report ng mga kagrupo ko kaya naman ay hindi ako kinakabahan dahil alam ko naman iyon at kabisado ko ang lahat ng formula. Pero, may nakalimutan ako. Hindi ko pala nadala yung calculator ko kaya doon pa lamang ako kinabahan kasi baka masyadong time consuming kung mano-mano at baka hindi ko matapos ang gawain. Nang binibigay na ang answer sheet, unang tingin ko palang ay alam ko nang madasalian ako dahil hindi naman gaano kalakiham ang number, at ang formula at given ay ibinigay na ang gagawin nalang namin ay magso-solve at magco-compute. Habang nagsasagot ay minamadali ko ito kasi babalik pa ako sa event ng math club, at dahil kulang ang mga officers na andun. Ang mga tanong ay medyo madali pero nakakalito yung mga given kasi may mga naiibang letra kaya nag-aalinlangan akong ilagay ang final answer ko. Pero nalagpasan ko naman yung kalituhan kong iyon, sa essay part lang ako talaga natagalan dahil gusto kong mahaba ang sagot ko, lahat nalang ng pumapasok sa isipan ko isinusulat ko doon, hindi ko alam kung tama pa ba iyon kasi nagmamadali na talaga akong bumaba. Nung natapis ko ito ay pinasa ko na agad at sabay takbi pababa. Habang nagbabantay don ay iniisip ko na agad yung magiging score ko sa gawaing upuan na iyon, pero alam ko naman na mataas makukuha ko kasi yung mga pinagso-solve ko naman ay sa tingin ko'y tama. At tama nga ako mataas naman ang nakuha kong iskor, happy ako kasingusto ko palaging matataas ang mga iskor ko, mataas na nga sa reporting mataas pa sa gawaing upuan ang goal ko, sulit yung pagmamasali ko kasi mataas pa rin naman pala ang score, gusto ko ay lahat ng gawaing upuan puro math nalang kasi magaling ako sa math at favorite ko yon kaya kapag may math sa ap ay nakukuha ko agad at magaling ako magkabisado ng mga formula. Sana sa ikaapat na markahan ay nay mga math pa rin.

Kinakabahan ako. Yan na lamang ang pumasok sa isipan ko noong bago kami mag-test sa unang summative. Kinakabahan ako hindi dahil hindi ako nakapag-aral bagkus ay baka hindi pansapat yung inaral ko para makakuha ng mataas na marka. Bago pa ako pumasok ay nagreview ako ng report ng ikaapat na grupo kasi alam ko naman na ang report o lesson namin. Medyo hindi ko gets yung sa group 4 kasi excused ako non ng isang araw kung tama pagkakaalala ko, at yung araw na iyon ay report ng group 4, kaya di ko alam ang topic nila at pati na rin yung computations. Pero natapos ko naman yung pagre-review ko sa araw mismo na iyon kaya confident akong mataas ang iskor ko. Habang nagte-test ay medyo nalilito ako sa harap na part, pero iniskip ko muna yung mga tanong na iyon at binabasa ko muna ang tanong sinula sa una hanggang dulo para malaman ko kung ano ang madali, at yun ang uunahin ko. At yung tanong na nalikito ako ay nakita ko yung sagot sa likod na parte ng test kaya helpful talaga ang pags-scan muna ng test bago mag sagot. Nadalian ako doon sa test pati na rin ang computations kasi common sense lang ang computations kahit di ka magsulat o mag-solve malalaman mo agad ang sagot kasi obvious naman. Saglit ko lang natapis yung test dahil nga nadalian ako. Nung inaanounce na ang score ay tuwang-tuwa ako dahil isa ako sa mga highwat scorer at sinabi ko na ito dati na gusto ko lahat ng mga gawain ay matataas ang iskor ko kaya ngayon ay feeling ko natutupad ko na ito lahat

Sa ikalawa at huling summative test, ay dito ako kinakabahan kasi hindi pa tapos ang report o lesson ng group 2 kaya baka mababa ang makuha ko dirong marka. Bago na naman mag test ay nag-review ulit ako, palagi ko naman iyong ginagawa, saglit lang ako nag-review dahil gets ko lahat ng nga lessons nila. Habang nag tetest ay nagulat ako, kasi same lang yung ibang tanong sa una naming summative test, buti na lamang at nabasa ko yun bago mag-test kaya naalala ko yung mga sagot sa tanong na yun. Kaso sa report talaga ng group 4 yung hindi pa nila natatapos, doon ako nahirapan kasi wala akong kaalam-alam sa irereport nila, nagtatanong ako sa kanila kung ano ba report nila tas di naman nila sinasabi kaya wala akong alam. Pero feeling ko mataas pa rin ang marka ko kasi mas marami pa rin sa mga tanong ang nasagutan ko keysa sa hindi ko nasagutan. Saglit ko lang rin natapis yung test, nag mamanifest nalang talaga ako na sana ay makakuha pa rin ako ng mataas na marka kahit hindi ko alam yung iba doon. At nung nagche-check sila ay wala ako doon dahil excused na naman ako dahil may laban kami para sa math sa sabado ng linggong iyon. Kinabukasan ko lang nalaman mula sa nga kaklase ko na isa raw ako sa highest at kinikilig ako doon, kasi hindi ko talaga siya ineexpect

Sa mahabang pagsusulit na ito akala ko ang 'common sense' ay sapat na. Sa pagkakatanda ko hindi pa tapos ang pag-uulat namin nung araw na nag mahabang pagsusulit kami, kaya naman ay ngarag pa ang utak ko sa pagkakabisa ng aking parte dahil 6 parts ang report ko doon, at hindi ko rin naman maibigay sa iba ko pang kagrupo yung ibang parte ko kasi meron na silang lahat na tig-3 at alam ko na kapag sumobra pa doon ay mahihirapan sila, kaya sinarili ko nalang yun. Dahil nga sa reporting ay sabi ko talaga sa sarili ko na "common sense na lang yan wag na mag-review, katamad" Kasi nung nag-report ang ikaapat na pangkat ay sobrang bilis at madali lang talaga siya, kaya ang inaasahan ko ay madali lang rin yung test, kaso may nakalimutan ako. Nakalimutan ko na hindi ko pala gamay o gets masyado yung iba't ibang pagpapakahulugan sa pagsulong at pag-unlad, kaya kinabahan ako slight lang. Kasi nung tinuturo yung kahulugan nun ay parang magkapareho lang talaga yung meaning at nakakahiya namang magtanong kasi parang na-gets nilang lahat yung aralin. Pero yung report naman namin is gets ko o inaral ko yun para kapag Q&A na hindi kami magisa. Dahil nga sa naaral ko yung repirt namin ay panatag pa rin loob ko na makakakuha ako ng at least 30 na score kasi nga yung report ng pangkat apat at saamin ay madali lang naman. So habang nagsasagot na kami ay mabilis ko lang itong natapos yung first part tungkol sa pagsulong at pag-unlad kasi madali lang siya at ramdam ko na unti lang ang mali ko dun, sumunod ay yung sa likod madali lang rin siya tungkol sa report ng ika-apat na pangkat yung agrikultura and yung mga subsector, Sa sobrang dali nun ay 1 lang mali ko sa page na yun, at doon na sa last part, doon ako nahirapan kasi nakakalito talaga siya. Halos lahat ng choices ay puwedeng maisagot sa lahat ng tanong kaya kailangan talagang basahin ng may super malalim na pag-unawa kasi kung hindi ay baka wala kang masagot. Ang naiisip ko na lamang ay sana matapos na yung reporting namin para mabawasan na paghihirap namin kasi may sunod-sunod pa kaming demo next week ito ay yung English, Filipino at Mapeh. Dahil nga sa demo ay inaasahan kona na madadagdagan ang mga gagawin namin sa susunod na linggo, pero looking at the brighter side alam ko na pag natapos na ang hell week ay pwede na kaming mag pahinga kasi malapit na matapos ang panuruang taon 2024-2025, excited na ako lalo na kung may recognition tas aakyat sa stage, gusto ko uli na maranasan yun kasi last year sa classroom lang and ayaw ko nun. So nung nalaman ko na yung iskor ko ay shocked ako (kahit na halata naman) kasi isa pa rin ako sa mga matataas ang iskor sa klase. So sabi ko talaga na sumakses ako! Hindi ko na gagawing common sense na lang yung pre-final kasi i found out malaking part ng grade yun so iiwas na ako sa hula-hula na yan.

Madali. Yan ang bukambibig ko pagkatapos ng test sa mga nagtatanong saakin kung kumusta ang test. Sa araw na ito ay halos lahat ng assignatura ay nag diagnostic test kami, at nakakapagod yung sa mata at sa utak kasi straight 6 houra ka ba namang nagbabasa at nag-iisip lalo na sa math magsosolve ka pa dun kaya pagod na pagod ako pagka-uwi. Para hindi mapagod ay hinuhulaan na lang namin yung ibang diagnostic test na mahihiral like math, pero yung mga madadali ay syemprw sinasagutan ko yan ng matjno like english fil at AP. Habang binabasa ko nga yung mga question sa AP parang ang dali, yun pala kaya ko nasabi yun kasi wala ng math sa wakaasss. Kasi di ko alam kung paano ko kakayanin yun kung may math uli yung AP kasi ang science sa 4th quarter ay physics so maraming kakabisaduhing formula doon at mas mahirap pa yun sa mismong math namin para saakin kaya big thanks kasi walamg math ang AP. So habang nagsasagot nga nadadalian lang ako doon masakit lang talaga sa mata kasi panay tingin sa tv. Happy rin ako sa score ko kasi 2nd to the highest ako if i'm not mistaken, and di ko ineexpect yun kasi diagnostic pa lang 2nd to the highest na, pano pa kaya sa periodical syempre mas gagalingan ko pa don.