Rebyu ng Dula :D by LWS06 CANSINO, Alec Jarvis V.

Masarap na Dula
May napanood akong dula noong nakaraang buwan na hindi talagang maalis sa isip ko na at ito angay “Langhap Sarap.” Sa simula, akala ko na hindi naman magiging espesyal ang karanasan ko sa dula, kaya sa isip ko lang ay gusto ko na itong matapos. Ngunit, nang matapos na akong mapanood ng dula, naisip ko na talagang magaling ang lahat ng aspekto sa dula. Sa aking palagay, ang ispektakulo ay naging mahalaga sa pagpaunawa ng mensahe sa madla dahil nagpapakita ang mga ito kung gaano talagang nangyari ang mga pangyayari sa kuwento. Nakita ko talaga sa boses ng mga aktor ang damdamin, lalo na kapag may mahalagang pangyayari kung saan may hindi sumasang-ayon o kung saan napagtanto ng isang tauhan sa kuwento na parang masarap pala ang “pagkain.” Gusto ko rin ang mga kasuotan nila, nakasuot sila ng mga barong at mga damit na may tradisyonal na disenyo at ang tagpuan sa madla at ang mga blockings ay malinis, maayos, at nakaupo ang mga senador sa isang organisadong linya kung saan malinaw ang kanilang mga katawan at ekspresyon. Ang kanilang pormal na kasuotan, at ang silid nila na sobrang maayos ay nagpakita sa akin na talagang mga senador sila sa isang silid ng talakayan. Nakita ko rin ng malinaw ang mga pangyayari at ang mga damdamin ng mga tauhan dahil mahusay rin ang mga blockings. Masasabi kong angkop ang ginamit na musika sa dula dahil maayos at tama ang pagsasa oras kung kailan ginamit nila halimbawa ang kalmada at mapayapang musika. Gumamit din ito ng ilaw na may konting dilim na nakatulong sa akin na maunawaan na maging seryoso ang usapan nila at na iyan ay isang silid ng talakayan. May naramdaman din akong maraming emosyon ng napanood ako ng dula na ito katulad ng gulat, takot, at sabik dahil parang totoo talaga ang ipinapakita sa madla. Epektiko rin ang naging desisyon ng direktor dahil ang kuwento, at ang bawat isang linya at aksyon ay mahalaga sa pagpapakita ng damdamin at ang mga intensyon ng mga tauhan. Ang lahat na ito ay nagbibigay buhay sa dula at ang mga ispektakulo ay sumusuporta dito dahil ang mga ito ay ipinapakita na parang talagang nakikita namin ang pangyayari na malapit tayo. May isang bahagi ng dula kung saan sumang-ayon ang unang senador kay senador Prospero, na sinabi na papatayin nila ang mga bata at gagawin pagkain, at sa tingin ko ay mahalaga ang bawat aspekto sa bahagi na ito dahil dapat ipinapakita sa mga nanonood na maging mas madilim ang daloy ng kwento.

Sa dalawang dula na ipinakita, may nakita akong pagkakapareho. Sa unang dula, ang mga senador ay sumasang ayon sa masamang plano na dapat patayin ang bata at kainin sila dahil sa kahirapan sa lipunan, at sa ikalawang dula, may nakita silang bangkay at ang mga bata ay pinag-uusapan ng masama tungkol sa bangkay, halimbawa sinasabi nila na adik siya, pero ang isang bata ay may ibang pananaw tungkol sa bangkay. Sa tingin ko, ang pagkakapareho ng dalawang dula ay kung paano mayroon isang tao na iminungkahi ng isang masamang bagay, at sumama ang ibang tao maliban sa isang tao na may malakas na pakiramdam ng hustisya. Samanta, ang pagkakaiba na nakita ko sa dalawang dula ay ang kapaligiran, sa unang dula, maayos at malinis ang silid at pormal at tradisyonal ng mga suot ng mga tauhan, pero sa ikalawang dula, nasa maruming tambakan na may maraming basura at bandalismo sila at ang mga tauhan ay nakasuot ng magulong pangbahay at tsinelas.

Mairerekomenda ko sa iba na panoorin ito dahil hindi lamang mahalaga ang mensahe na ipinadala ang dula sa amin, pero ang mismong kwento ay nakaikaintriga sa mga madla dahil sa magkakaibang opinyon na ipinakita ng mga tauhan sa solusyon sa isang mahirap na isyu. Ang lahat ng aspekto ng dula, katulad ng mga kasuotan nila, ang mga personalidad nila, at ang tagpuan, ay nagbibigay buhay sa dula dahil ang bawat aspekto ay pinag-isipan ng mabuti.