FOOD BLOG | MGA NATATANGING PAGKAIN SA REHIYON 7 by YRA MARIE AMBRAD

Ang Pilipinas ay inilarawan bilang isang arkipelago dahil ito ay binubuo ng napakaraming isla. Sa kabuuan, mayroong labing-pito itong pinagsama-samang rehiyon na kung saan, nagtataglay ito ng mga natatanging kultura, at kabilang dito ang kanilang mga ipinagmamalaking pagkain (Bravo et al., 2020). Karamihan sa mga lugar na ito ay posibleng pamilyar at maaaring bago sa iyong panlasa.

Sa ngayon, nakapokus tayo sa lupa na aming pinanggalingan - ang ikapitong rehiyon. Kaya hayaan mo kaming ipakikilala ang mga kakaiba at tiyak na tinatangkilik naming pagkain! Para ito ay mas makilala, kami ang magsisilbi ninyong gabay sa ating gagawing birtwal na paglalakbay!  Kaya, sama-sama natin itong lakbayin na may twist! Oo, tama ang nabasa mo.  Syempre!  hindi namin kakalimutang gawin itong makabuluhan at kawili-wili. Kaya ang mekaniks nito, ikaw ay mag-scroll pababa at titigil sandali kapag nakakita ng larawan. Pagkatapos nito, subukan mong hulaan ang pangalan ng ulam o anumang katulad nito, bago ka magpatuloy. Ano pa ang silbi ng ating paggagala kung hindi naman natin ito masusulit diba? Kaya i-fasten na ang iyong seatbelt dahil handa nang lumipad ang ating eroplano!

KALAMAY | BOHOL

Bagong biyak na buko ang sarap nito, Nestfruta Buko why not? (tok tok) Coconut! Ah, ah, ah, hindi ito buko, napakanta ka ba? Ito ay tinatawag naming kalamay.  Sa hindi nakakapamilyar, hindi yong bao ang kalamay kundi iyong nasa loob nito. Ang pangalan ay hango sa salitang asukal dahil sa matamis nitong lasa. Maihahalintulad ang laman nito sa isang latik. Kung nakakapamilyar ka sa sahog na inilalagay sa ibabaw ng biko, yan ang hitsura nito. Subalit, ang kalamay ay mas malagkit dahil ito ay hinahaluan ng giniling na mais at malagkit na bigas (Panlasang Pinoy).

Pero lingid sa iyong kaalaman, maari din naman itong ilagay sa plastik na lalagyan. Mapapansin kasi sa halimbawa na bao ang nasa larawan, inkaso na hindi mo alam, ito ay nagsisilbing lalagyan lamang. Kaya masasabing hindi lang laman ang nagdala nito, kundi ang kakaiba nitong lalagyang bao. Sa pamamagitan nito, naipapakita ang pagkamalasakit sa kalikasan.

KINILAW BINISAYA NGA KULABUTAN | SIQUIJOR

Ilang puntos na ba ang iyong natala? Marami na ba? Maiba naman tayo sa Siquijor. Maraming mga tao mula sa ibang mga rehiyon ang palaging nag-iisip na ang Siquijor ay isang lugar laganap ang mga tradisyunal na gawain kagaya ng pagpapagaling at iba pang katutubong paniniwala. Bukod doon ang mga magagandang dagat at masaganang pagkaing-dagat. At kilala duon ang paggawa at pagkain tinatawag naming "kinilaw"  na nangangahulugang hilaw na isda o karne na nakalaang kainin nang hilaw (Around Philippines).

May isang ulam sa lugar na tinatawag na Kulabutan, ito ay isang uri ng higanteng pusit na tinadtad at ibinababad sa asin at suka. Ang paghahanda ng Kulabutang kinilaw ay nangangailangan lamang ng kaunting oras at sangkap at hindi naman ganoon kamahal ang paghahanda nito. Maaari kang magdagdag ng mga pampalasa tulad ng mga kamatis, at sibuyas upang gawing mas kaakit-akit at malasa ang iyong ulam. Ang kinilaw, isang medyo matamis, maasim, at hilaw na pampagana na inihanda sa bawat sulok ng bansa at malapit na rin sa panlasa ng mga Pilipino lalo na iyong mga naninirahan malapit sa dagat. Maari mo itong subukan! Kung naninibago ka? Huwag kang mag-alala, dahil base sa aming karanasan ito ay ligtas kainin. Masarap na, swak pa sa bulsa!

LECHON DE CEBU | CEBU CITY

Nahulaan mo ba? Ito ay lechon o isang inihaw na buong baboy. Kung titignan natin ulit ang larawan, ito ay natadtad na at kapansin-pansin ang malulutong nitong balat. Para sa iyong kaalaman, ang unang lechon ay ginawa sa Cebu noong 1920s, at ang mga kauna-unahang lechoneros ay nagmula sa Talisay, Cebu. Masasabi mong ito ang dahilan kung bakit ang pagbanggit lamang ng salitang "lechon" ay laging nakadirekta sa Cebu – dahil ito ang tahanan ng mga napakasarap na Letson (Proudly Filipino, 2020). At hindi ito maipagtatanggi!

Ang lechon namin ay mas kumplikado kumpara sa iba at tiyak na masarap! Bago ito lutuin, nagkakaroon muna ng pag-alis ng mga lamang-loob at pinapalitan ito ng iba't-ibang masasaganang panlasa at pambango kagaya ng tanglad, sibuyas na dahon, laurel, paminta, bawang at asin at iba pa. Kilala talaga ang Cebu lechon bilang malutong na ginintuang pulang balat nito at malambot, makatas at masarap na karne. Kaya kapag nagkataon na ikaw ay personal na makabisita dito sa Cebu, huwag mong palampasin ang pagkakataon na makatikim ng nakakatakam naming Lechon!

HUMBA | CEBU

Kumusta ang hula mo? Tama ba? Kung hindi, huwag mag-alala, meron pang ibang pagkaing nakasunod. Maiba, ito nga pala ang humba na kilala bilang bersyon ng sinabawang adobong baboy naming mga Cebuano. Ito ay napakapopular at pinaniniwalaan din na ipinakilala ng mga dayuhang Instsik at hinango pa ang pangalan sa salitang Chinese Hong-ba (din Hong-Shao-Rou o Red Braised Pork Belly) na kalaunan nama'y naging kasanayan na ng mga Bisaya. Pinalitan ito na mga iilang sangkap kagaya ng Shaoxing wine at iba pang pampalasa na madaling mahanap sa lugar. Inalis din ang luya at sa halip, pinalitan ng tawsi (Panlasang Pinoy).

Kung ito ay titikman, malalasahan mo ang kumbinasyon ng asim at tamis na may kaunting alat. Masasabaing, tiyak na ikaw ay mapapasabak hindi lang katakamtakam nitong hitsura kundi pati na rin sa bango. At mapapasabing, "Amoy palang, ulam na!"

TUSLOB BUWA | CEBU CITY

Kaya pa ba? Kung ikaw ay isang Cebuano, hindi na ito bago sa iyo. Isa ito ngayon sa mga patok na pagkain sa Cebu. Ang pangalan ay nagmula sa salitang "tuslob" (sawsaw) at "buwa" (bula mula sa pagkulo ng mga pinaghalong sangkap). Ito ay maaaring kainin sa pamamagitan ng pagsasaw ng puso sa mga bula na nabuo mula sa paggisa ng utak ng baboy, kasama ng atay at iba pang pampalasa (MyCepu.Ph).

Dito sa amin, maraming nagtitinda nito. Dati, mainam paring ipinagbabawal ang mga pagtitipon, kaya ang iba umuorder nalang online, katulad ng ginawa ko noon. Nang medyo lumuwag-luwag na, ito na ang kadalasang dinadayo ng mga tao. Ang pagkain nito ay nangangailangan ng napakaraming kanin dahil sa taglay nitong alat na nagpapatakam sa mga kumakain. Maliban sa patok, ito rin ay napakamura at mapagsasaluhan na ng apat hanggang limang tao sa halagang 80-120 pesos lang! Masarap na nga sa pagpapaliwanag palang, paano na kaya kung personal itong malalasahan. Kaya ikinagagalak naming ipakilala, ang pagkaing patok sa masa! Ang nagbubukod-tanging "Tuslob Buwa!"

At dito na magtatapos ang ating paglalakbay! Aasahan ka namin ulit sa mga darating pang “DelicaGala” ka-Sosyo! Kami ang inyong lingkod - Christian Roldan at Yra Marie Ambrad, na nag-aanunsyong maari ng tanggalin ang seatbelt at malaya ng makapaglibot-libot sa ating birtwal na cabin. Kung mayroon kapang nalalamang kakaibang pagkain sa iyong lugar, maari kang mag komento sa ibaba at maibahagi ang iyong karanasan patungkol sa pagkaing iyan.

Mga Sanggunian:

A glimpse of Siquijodnon cuisine. Around The Philippines. (1970, January 1). Retrieved June 7, 2022, from http://www.aroundphilippines.com/2017/08/siquijodnon-cuisine-siquijor-philippines.html?m=1

Bravo, L. C., Roque, V. J. G., Brett, J., Jackson, M. L. A., Schlinkmann, K. M., Razum, O., Werber, D., Orlos, Z., Kardos, L., Misak, O., Várkonyi, I., Marshall, K. E. H., Mody, R. K., Johnson, S. D., Gould, L. H., Ceccarelli, G., Spagnolello, O., Borrazzo, C., Bertazzoni, G., … Goldstein, E. (2020, December 4). Figure 1. map of the Philippines showing the administrative 17 regions… ResearchGate. Retrieved June 07, 2022, from https://www.researchgate.net/figure/Map-of-the-Philippines-showing-the-administrative-17-regions-19-20-The-Republic-of-the_fig1_267872402.

Filipino, P. (2022, June 6). Why cebu lechon is the best in the Philipppines. PROUDLY FILIPINO. Retrieved June 7, 2022, from https://proudlyfilipino.com/15657/11-reasons-why-cebu-lechon-is-the-best-lechon-in-the-world/

Manalo, B. L., Manalo, L., Manalo, A. L., Author: says, A. J. C., Canabuan, A. J., says, T., Teresita, says, L. M., says, M. M., Mirasol, M., says, N. B., Balambao, N., says, R. B., & Banas, R. (2021, March 3). Humba. Kawaling Pinoy. Retrieved June 7, 2022, from https://www.kawalingpinoy.com/humba/

Merano, A. V., Author, Merano, V., says, S., Shari, & says, V. M. (n.d.). How to cook humba (Bisaya version). Panlasang Pinoy. Retrieved June 7, 2022, from https://panlasangpinoy.com/how-to-cook-humba-bisaya-version/

Merano, A. V., Author, Merano, V., Says, M. A. S., Samson, M. A., says, B., Bondgirl, Says, N., Nancy, Says, G. S., Sunglao, G., says, V. M., says, N., Nikka, Says, J., & Jackie. (n.d.). Kalamay Hati Recipe. Panlasang Pinoy. Retrieved June 7, 2022, from https://panlasangpinoy.com/kalamay-hati-recipe/

Partners, M. C. (2015, August 12). Cebuano street food Tuslob Buwa in Doon Po sa Amin Video. MyCebu.ph: Re/Discover Cebu. Retrieved June 7, 2022, from https://mycebu.ph/article/doon-po-sa-amin-tuslob-buwa/amp/

Siquijor. Flyeast. (2020, March 11). Retrieved June 7, 2022, from https://thephilippinestravel.com/tourist-spots/siquijor/

TasteAtlas. (n.d.). Lechon Cebu Authentic Recipe. TasteAtlas. Retrieved June 7, 2022, from https://www.tasteatlas.com/lechon/recipe/lechon-cebu