PAGSULAT NG SANAYSAY by Andrea Yumul

COVID-19
Ano nga ba ang COVID-19 na ito? Saan ba nagmula ito?Paano ba natin haharapin ang pandemyang ito?
Isa sa pinaka mainit o sikat na usapin ngayon sa ating bansa ay ang paglaganap ng nakakamatay na sakit na kung tawagin ay COVID-19. Ito ay isang nakahahahawang sakit na galing sa Wuhan China noong 2019. Ito ay isang uri ng virus na na nagdudulot ng ibat ibang klaseng sakit, mula sa karaniwang pag ubo. sipon, lagnat, o kahirapan sa paghinga ng tao. Maraming mga tao ang naghirap na harapin ito, pinaniniwalaan ko na hindi lamang ang mga taong nag positibo ang pagtuunan ng pansin kung hindi pati narin ang mga taong nagpapakahirap para magamot sila. Sila ay ang tinawag natin na "medical frontliners".

Marami pa ring mga tao o Pilipino na pilit pa rin kinakaya o lumalaban sa pagsubok na kinakaharap natin ngayon. Sa Pilipinas ay tuloy-tuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19, batay sa aking napanod na balita ay halos 347 libong mga tao ang kabuoang kaso ng COVID-19 at mahigit 6 na libo ang mga namatay dahil dito. Dahil sa pandemyang ito maraming mga bagay ang nagbago o nagbigay ng hamon para para harapin ito. Tulad na lamang ng kung tawagin ay "new normal" , isa itong sitwasyon na nagpabago sa maraming tao. Sa paningin ko ay nahirapan talaga ang mga tao na mag-adjust sa ganitong sitwadyon. Isa na dito ang mga taong nagta-trabaho sa ibat-ibang mga lugar o kumpanya, bilang dumarami pa rin ang mga nahahawa sa sakit ay napagdesisyunan nilang mag work from home para na rin hindi na makadagdag pa sa nahahawa at para rin maging ligtas ang mga tao. Isa pang halimbawa ng new normal situation ay ang edukasyon ng mga estudyante sa taong ito. Ang mga estudyante ay nag umpisang mag-aral sa bahay na kung tawagin ay "online class" at ang iba naman ay piniling mag modyul. Sa sitwasyong ito marami pa ring mga estudyante ang hindi nakapag-aral dahil wala sila sapat na gadgets o wifi para makipag sabayan sa online class, ang iba naman ay tumatawid pa ng bundok o naghahanap pa ng signal para lang maka sabay sila sa bagong sitwasyon ng pag-aaral. Inaakala ng iba na madali ang pag-aaral sa ganitong pagbabago, hindi nila alam kung gaano ito kahirap pero kailangan parin nating kayanin dahil masasayang lang ang isang taon na pag-aral. Marami ring mga bata ang naiistress o nagkakaroon ng anxiety at depression, ang iba pa ay nagpapakamatay dahil hindi makayanan. Hindi lamang ang mga taong nagpositibo sa sakit ang dapat nating pagtuonan ng pansin, maging ang mga medical frontliners na pinipilit lumalaban o tumayo araw-araw para sa buong bayan. Ibinibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan o sagipin ang buhay ng mga pasyente na nag positibo sa pandemya, dahil kahit kailan ay hindi naging madali sa kanila ang pag aaral sa medisina kaya ito ay nagpahirap pa sa kanila. Hindi na nila magawang umuwi sa kani-kanilang mga pamily, isa sila sa mga taong madaling mahawaan ng sakit  dahil sila ang mga tutok sa pagpapagaling ng mga taong nag positibo. Hindi narin nila magawang makakain ng wasto dahil sa walang katapusang paglilingkod sa mga pasyente. Maraming mga frontliners ang mga namatay na dahil sa pagod na kanilang nararamdaman sa walang pagtigil na pagtatrabaho para makasagip ng buhay ng tao, pagsusuot ng PPE ay nagpahirap din sa kanila dahil bukod sa pagod sila ay nakakaramdam pa sila ng init dahil sa pagkabalot ng kanilang buong katawan. Sa tingin ng maraming tao ay ang mga frontliners ang naging sandigan ng bayan dahil binubuwis nila ang kanilang buhay upang makatulong sa mga mamamayan. Kaya sila dapat ang kailangang pakinggan. Sila ang pinaka nangngailangan ng suporta galing sa ating mga mamamayan, at lalong-lalo na sa gobyerno.

Hindi natin kailangang maging frontliner o health worker upang magawa ang ating mga tungkulin bilang isang mamamayan sa pagligtas ng ating buhay ngayong may pandemya. Ang kailangan lang natin gawin ay ang pagpapanatili sa bahay upang hindi mahawaan ng nakakamatay na sakit. Ngunit marami pa ring mga tao ang hindi sumusunod sa protokol na ibinaba ng gobyerno. Sa ganang akin, kailangang disiplinahin ang mga taong hindi sumusunod sa mga batas, dahil meron at meron pa ring mga tao ang hindi magawang mag masks sa mga pampublikong lugar at dikit-dikit pa rin ang ginagawa ng mga tao. Sa isang banda ay mabuti na ngang nakukulong o nagmumulta ang hindi sumusunodsa mga protokol nang sa gayo'y matuto at madisiplina sila sa kanilang pagkakamaling ginagawa. Kailangan nating panatilihing magsuot ng face masks sa tamang paraan, pagsosocial-distancing, at pagpapanatili ng kalinisan sa katawan  o proper hygiene.  Iwasang hawakan ang iyong ilong, mata , o bibig kiung hindi malinis ang iyong mga kamay, at iwasang pumunta sa mga matataong lugar dahil posibleng dito tayo makakakuha ng virus. Alinsunod sa ating gobyerno ay kailangan pa rin nating manatili sa ating bahay hanggat kinakailangan dahil kahit sa isang maling galaw mo lang ay maaari kang makaapekto sa buhay ng tao. Kailangan din nating maging mapanuri tungkol sa mga impormasyon na ibinababa ng WHO at ng gobyerno kung tama ba ito ang mga ito. Sa paraang ito ay makakatulong ka na maiwasan ang patuloy na paglalaganap ng  pandemya, kailangan nating magtulong-tulong bilang isang Pilipino upang masugpo natin ang sakit na ito. Ang kailangan lang nating gawin ay maging matatag sa kahit anong oras, magtiwala, at laging mag dasal sa Panginoon.

RUBRIK
8, dahil nasuri ko ng maayos ang aking tema kung ang mga impormasyon ba ay akma sa tema. At nailathala ko ng maayos ang aking napiling tema

7, dahil napagsunod-sunod ko ang aking sanaysay simula sa panimula, gitna, at wakas. Magkakaugnay ang aking ginawang mga ideya mula umpisa hanggang dulo.

5, dahil nasunod ko ang ibinigay na mekaniks na maglagay  ng  mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto at pananaw.