Remake of MAPPING MY COMMUNITY (EsP Q3) ODL 19- DYSPROSIUM by Benedict John Castuciano

Castuciano, Benedict John T. - Modyul 9: Katarungang Panlipunan Activity Code: Q3 LAS 1 MELC 33 Sa Aming Tahanan sa The Legian 1, Imus, Cavite, Philippines.
Ang aming mga kapitbahay ay nirerespeto at isinaalang palagi ang aming mga karapatan  katulad nalang kapag sila ay paparada sa harap ng aming tahanan ay nagpapaalam muna sila bago nila gawin iyon at  kapag sila ay nagpapatugtog ng  videoke o galing sa mga tahanan nila ay sinisigurado nila na hindi masayadong malakas ito at hindi aabot ng gabing-gabi ang pagpapatugtog nito upang hindi makastorbo sa iba. Isa pa ay palagi sila namimigay ng mga pagkain sa amin at sa mga kapwa kapitbahay dito kapag may handaan, pasko, bagong taon o kapag may malaki pangyayari naganap dito. At ang huli ay palaging handa ang aming mga kapitbahay upang tulungan kami kapag may kailangan kami sa kanila at palaging hindi sila nagaantay ng kapalit kahit pilitin mo pa ibigay sa kanila ang pera o kahit anumang bagay na ibibigay sa kanila kapag tinulungan ka, kukuhanin lang nila iyon kapag pinilit namin sila.

Kaya dahil doon isinaalang-alang at nirerespeto ko din ang mga karapatan ng aming mga kapitbahay, katulad noong bumisita ang aking mga tropa sa bahay at nanood ng sine doon, iniiwasan ko palagi na maging maingay ang tunog ng T.V at lalo na iniiwasan ko ang kaingayan namin upang walang maistorbong kapitbahay sa amin mula sa kanilang mga gingawa at masira pa ang kanilang araw. Tumutulong ako sa kanila kapag may kailangan sila at hindi nag-aantay ng kapalit mula sa kanila dahil maganda sa kalooban ang tumulong ng kusa kaysa sa nagaantay ng kapalit. Katulad noong nagpapatulong ang aming kapitbahay na magpabuhat ng isang mabigat na bagay papunta sa kanilang tahanan dahil nahihirapan sila, kusa akong sumama sa aking ama para tulungan sila upang makapag pahinga na ang aming mga kapitbahay at wala ng aalahanin pa sila, hindi ako nagaantay ng kapalit mula sa kanila kahit ibigay pa nila sa akin kaso nakakahiya naman kung pinipilit na nila ibigay sayo kaya kinikuha ko nalang din. At higit sila ipinamimigay namin ang mga pagkain namin sa aming mga kapitbahay dahil ayaw namin ito masayang,lalo na kapag pasko, bagong taon o kapag may mahalagang nangyari sa aming pamilya upang masuklian naman ang kanilang kabaitan, pagiging matulungin at mapagbigay dito sa aming pamilya.

Malaki ang maitutulong nito sa aming pamilya dahil magiging komportable kami sa aming kapaligiran, makakaramdam kami ng  ngkaligtasan sa aming sariling buhay malayo sa tsismis at makapamuhay ng maayos para sa araw-araw na malayo sa gulo at diskriminasyon.
Sa mga paraang ito ay naipapakita ko sa aming kapitbahay na ginagalang, nirerespeto, at napapakita namin ang pagpapahalaga sa mga ginawa nila sa aming pamilya upang makabuo ng isang mabuting relasyon, maiwasan ang gulo at makabuo ng isang komunidad dito na masaya, ligtas, matulungin, malayo sa kaguluhan at malayo sa masamang impluwensiya at bisyo.