LAHAD TUHAN-BASA (ABM) by ANGELICA MAY SIXTO

MAPAGPALANG ARAW!
Maligayang pagdating sa "LAHAD TUHAN-BASA". Sa bahaging ito, inaanyayahan ko kayong maglahad ng ilang impormasyon ukol sa inyong huling nabasang aklat o anumang babasahin. Maaari rin naman ang babasahin na siyang pinakapaborito ninyong basahin.

Ilahad ito gamit ang pormat:

Pamagat ng babasahin:
Deskripsyon ng babasahin:
Maikling buod (3-5 pangungusap):
Ano ang iyong natutuhan sa babasahing ito?

Ilagay ang inyong inisyal na pangalan at apelyido. (Hal. A.M. Sixto)

LAHAD TUHAN-BASA
Pamagat ng babasahin:  He left you but he promised to save you from your abusive parents

Deskripsyon ng babasahin: Angela isang taong naghahangad na makalaya sa mga kamay ng kaniyang magulang dahil sya ay inaabuso ng mga ito, siya ay may isang kaibigan ang pangalan ay Jk at na ngako ito kay Angela na ililigtas sya nito sa kamay ng kaniyang mapang-abusong mga magulang. Ngunit bigla na lang na laman ni Angela na naka alis na ito ng bansa at iniwan siya, galit at sakit ang naramdaman niya ng panahon na iyon. Naka balik na si Jk ng bansa at agad nitong hinanap si Angela upang mag paliwanag sa kaniyang nagawang pag-iwan sa kaniya  ng makita niya si Angela sa park at naka upo sa bench, pinuntahan niya ito at kinausap nag paliwanag kung bakit sya umalis ng bansa hindi agad sya pinatawad ni Angela at na laman nadin ni Jk na gumawa na ng paraan si Angela para mahuli ng mga pulis ang kaniyang mapang-abusong mga magulang.

Ano ang inyong natutunan sa babasahing ito?
- Ang natutunan ko sa babasahing ito hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan nating umasa sa sinasabi ng ibang tao o sa mga kanilang pangako sa atin kasi sabi nga "Promise are meant to be broken"  kaya din naman nating mga babae ipagtanggol ang ating sarili at kung maari huwag nating hayang maabuso ng ibang tao o kahit kadugo man 'yan dahil hindi natin deserve na mali ang pagtrato sa atin . At lalo na sa lahat ng kwento hindi natin kailangan ng leading man dahil  kaya din naman nating alagaan at mahalin ang ating sarili higit pa sa pagmamahal at pag-aalaga nila. ( Dito na lamang din patungo pakinggan mona rin ang bagong kanta ni miley cyrus na "Flowers" )

A.C. Espina

LAHAD TUHAN-BASA
Pamagat ng babasahin: El Filibusterismo

Deskripsyon ng babasahin: Ang El Filibusterismo ang pangalawang libro na isinulat ni Jose Rizal na tungkol sa pananakop ng mga Espanyol. Ang nobelang ito ang karugtong ng Noli Me Tangere.

Maikling buod (3-5 pangungusap): Dahil sa mga prayle ay pinaghiwalay ng tadhana ang magkasintahan na si Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Sa galit ni Simoun (Crisostomo Ibarra) ay gusto niya magkaroon ng rebolusyon upang maitakas si Maria Clara sa kumbento. Magagawa niya lang ito dahil sa tulong ni Basilyo at Kabesang Tales na may galit rin sa mga kastila. Lahat ng kanyang mga plano ay hindi gumana at hanggang sa kanyang kamatayan ay dinala niya parin ang galit niya sa mga kastila.

Ano ang iyong natutuhan sa babasahing ito?

Ang natutunan ko sa nobelang ito ay kahit anong masamang plano na iyong gagawin ay hindi mananaig katulad na lamang ng mga plano ni Simoun na onting onti nasisira.

K.A. Dalawampu

LAHAD TUHAN-BASA
Pamagat ng babasahin: I Love You Since 1892

Deskripsyon ng babasahin: Ang I Love You Since 1892 o mas pinaikling pamagat na ILYS 1892 ay isinulat ni Binibining Mia. Ang librong ito ay sumikat sa aplikasyon na tinatawag na "wattpad" dahil sa natatangi nitong paksa at mga aral na nakasukbit sa bawat pahina ng aklat na ito. Ang nobelang ito ay naglalahad at nahahango sa iba't ibang pangyayari sa Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Inilarawan ang mga pangyayaring iyon sa malikhaing paraan gamit ang imahinasyon ng may akda. Ang kwentong ito ay umiikot sa isang dalaga na nagmula sa taong 2016 na napadpad sa taong 1892 dahil sa isang misyon na mabago ang kapalaran ng binata. Ngunit sa kanyang pagbalik sa panahong iyon nakilala niya ang ginoong kanyang naging kasintahan sa loob lamang ng maikling panahon dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari na nag hudyat sa kanila para lisanin ang puso ng isa't isa. Sa dulo ng istorya nagawa niya ang kanyang misyon at ligtas na nakauwi sa panahon na kanyang kinabibilangan ngunit naiwan ang kabiak ng kanyang puso sa taong 1892 at hindi na tuluyan pang nakabalik.

Ano ang iyong natutunan sa babasahing ito?
-Mula ng mabasa ko and aklat na ito  tila nabuksan ang aking isipan hindi lamang sa larangan ng wagas na pag ibig kung hindi ipinakita rin dito ng mga tauhan ang pagmamahal sa bayan na dapat ay ginagawa natin ngayon sa kasalukuyan.  Nawa'y isapuso nating lahat ang kabayanihan at kadakilaan hindi lamang ng mga kilala nating bayani ngayon kung hindi pati na rin ang mga ordinaryong mamamayang Pilipino noon na lumaban at nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan.

L.A Villanueva

LAHAD TUHAN-BASA
Pamagat ng babasahin:
Chasing The Sun

Deskripsyon ng babasahin:

Si Solene Clemente ay isang tipikal na mag-aaral ng Civil Engineering na nagpupumilit na tiisin ang kanyang pag-aaral. Kung pwede ngang i-bake na lang ang napakaraming itlog sa test papers niya, ginawa niya na. Sa murang edad, naranasan niya ang malupit na katotohanan ng kahirapan sa buhay, pang-aabuso, at isang sirang pamilya.

Ngunit, bilang isang taong nakikita ang maliwanag na bahagi ng lahat, alam niyang magagawa niya ito kasama lamang ang kanyang ina at matalik na kaibigan, si Duke Laurence Sanders, na lihim niyang minamahal.

Kahit naghihirap pa, basta kasama niya ang ina, kaya niya. Kahit pa madalas niyang hindi maintindihan ang mga lessons, ayos lang kasi may Duke naman na tuturuan siya. Na kahit gaano kalupit ang tadhana, patuloy siyang lumalaban sa buhay dahil may dalawang taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya. Masyado siyang naging dependent sa pagmamahal na maibibigay nila.

Ngunit hindi niya alam, tulad ng araw na kanyang sinasamba, siya ay nakatakdang mag-isa.

Ano ang iyong natutuhan sa babasahing ito?

Ang natutunan ko sa kwento ay ang pag-ibig, pangarap, pamilya at pagpapatawad. Alam kong alam na ninyo ito ngunit, sa totoo lang, Gaano man kahirap ang isang tao, at the end of the day, lahat ay nangangailangan ng tulong. Isa pa, ang iyong buhay ay maaaring hindi aayon sa iyong plano ngunit hindi ibig sabihin na nabigo ka. Ikaw ay para sa isang bagay na mas malaki at mas malalim.

Laging piliin ang kaligayahan nang hindi sinasaktan ang sinuman sa proseso.

M. Velasco

LAHAD TUHAN-BASA
Pamagat ng babasahin: Embrace your assets by Alluringli

Deskripsyon ng babasahin:
Embrace your assets ay unang isinulat ni Alluringli noong July 23, 2020 at ang kategorya nito ay piksiyon. Ang kwentong ito ay tumutungkol sa insecurities at walang humpay na pangungumpara sa dalawang indibidwal.

Maikiling bukod:
Palaging ikinukumpara si Pauletta sa kanyang pinsan na si Mila dahil isa siyang modelo at matalino, kaya sa tuwing katabi ni Pauletta si Mila, pakiramdam niya ay mas maliit siya at hindi gaanong makapangyarihan kaysa sa kanyang sarili. Wala rin siyang kaibigan dahil ang itinuturing niyang kaibigan noon ay minamaltrato at pinagsalitaan siya ng masama. Nalaman din ni Pauletta na ang mga lalaking lumalapit sa kanya noon ay interesado lamang na mapalapit sa kanyang pinsang si Mila. Kahit ang kanyang ina na inaasahan niyang tutulong sa kanya ay binalewala lang siya. Nawawalan siya ng tiwala sa sarili hanggang sa dumating si Gio sa buhay niya. Noong una, akala ni Pauletta ay interesado lang si Gio sa kanya dahil sa pinsan niyang si Mila, pero hindi pala, mahal talaga siya ni Gio.

Ano ang iyong natutuhan sa babasahing ito?
- Aking napagtanto na hindi natin kailangan magbago upang matugunan ang kanilang pamantayan ng kagandahan dahil ika nga sa lirikong kinanta ng One direction "Being the way that you are is enough" at maaring hindi natin makita ang kahalagahan ng ating sarili ngunit meron pa rin sa ating paligid na magpapahalaga nito.

M. Pomida

Hell University by Knight in Black
Isang tagong paaralan na hindi saklaw ng gobyerno. Kung saan legal ang pagpatay , maraming sikreto , at palaging may mali sa bawat kwento. Ang unibersidad ay may katagang oras na ika'y pumasok ay wala ng balikan pa. Wag hahayaang ang kuryosidad ang komotrol sa iyong sarili. May isang magkasintahang magkasamang hinarap ang panganib at pagsubok di lang sa unibersidad kundi sa kanilang pag-iibigan , ito ay nagngangalang Zein Shion at Ace Craige. Si Ace Craige , ang presidente at ang may pinaka mataas na position sa buong unibersidad o mas kilala bilang Supremo. Siya ay isang malamig na tao ,  kung iyong titignan ay para bang wala sa isip niya ang magmahal dahil sa madilim na nakaraan  . Si Zein Shion ay isang di hamak na baguhan lamang na nakapasok sa unibersidad dahil sa paglalakbay nilang magkakaibigan ng mapadpad sila sa unibersidad na ito . Si Zein ay may angking ganda , tapang nguni't malambot sa kaloob-looban na nagbuhay muli sa madilim na buhay ng isang Supremo. Ang unibersidad na ito lahat ay libre nguni't may kaisa isang patakaran na kung tawagin ay bloody night o madugong gabi . Mula alas shete ng gabi hanggang alas singko ng umaga ay legal lahat ng pagpatay . Ang unibersidad ay may dalawang grupong magkaaway  na kung tawagin ay Black Blood Gang  at Devil God Warrior. Unang nagkita si Zein at Ace ng maabutan ni Ace na pagala gala si Zein sa oras ng klase. Hinawakan nito ng mahigpit ang braso ni Zein kung saan nagmarka ito bilang tanda na mayroon na siyang unang banta na kung aabutin pa ng ikatlong banta ay maari kang dalhin sa tinatawag na Dark Hell Jail na pinaniniwalaang kapag nakapasok ka dito ay kamatayan mo ang nagaantay sayo . Kahit pa si Ace ang may pinaka mataas na posisyon ay may patakaran din dapat siyang sundin,  yun ay ang bawal niyang ipagtanggol ang kung sino mang lumabag sa patakaran ng unibersidad. Si Zein ay binalot ng kuryosidad habang tumatagal sa unibersidad na ito , ang kuryosidad na ito ay ang siyang nagtutulak sakanya sa kapahamakan , padalos dalos ito kung magdesisyon at kung minsan ay di takot mawalan ng buhay. Ang pagkakaroon ng posisyon ay ang magsasalba sa iyo sa kapahamakan dahil hindi maaring galawin ang sino mang may posisyon sa paaralan na ito at ang pagkuha ng posisyon ay naka-base sa taas ng iyong grado. Sa dinami-daming uhaw sa posisyon ay nakuha ito ni Zein Shion ng walang kahirap hirap , siya ay naging secretarya ng hell university. Umpisa ng maging sekretarya si Zein ay bihira na lamang niyang nakakasama ang kanyang mga kaibigan dahil ang lahat ng may posisyon sa unibersidad na ito ay bawal makisalamuha kahit kanino man . Lagi niyang nakakasama ang presidente ng paaralang ito na si Ace Craige o mas kilala bilang Supremo . Habang tumatagal ay nagiging malapit sila sa isa't - isa . Pinatawag ni Supremo si Zein dahil sa isang kasalanan na kung saan ay sinaktan niya ang isang taong kinakatakutan ng lahat na kung tawagin ay Queen Roxanne ito ay nobya ng pinuno ng Devil God Warrior , kaya siya ay hinatulan ng kaparusahan ni Supremo . Paglilinisin siya ng cafeteria sa loob ng isang linggo pag tapos ng kaniyang klase. Dumating na ang araw ng parusa ni Zein , sa hinaba haba ng oras ng paglilinis niya ng cafeteria nakaramdam ito ng pagod kaya hindi niya pinapansin ang Supremo na ipinagtaka nito at bilang pagsuyo ay tinulungan niyang maglinis si Zein at nagprisinta ang Supremo na ihatid na si Zein sa kanyang dormitoryo , pagkadating sa dormitoryo ay agad na nagpaalam ang isa't-isa na ikinagulat ni Zein ang pag ngiti ng isang misteryo at malamig na Ace Craige. Makalipas ang ilang linggo nag-anunsyo ang punong-guro ng paaralan na magkakaroon ng bloody week kung saan legal ang pagpatay kahit umaga o magdamag. Nangyari ang bloody week na maraming nalabag si Ace na batas bilang presidente para kay Zein Shion isa na dito ang paghiling ni Zein Shion na iligtas ang mag-ina sa kamatayan na siyang tinupad ng isang Supremo dahil hindi niya kayang makitang humahagulgol ang isang Zein Shion. Matapos ang pangyayari at  paglabag sa mga batas bilang presidente ay napagtanto ni Supremo na hindi na siya natatakot mawalan ng puwesto dahil sa isang babae . Maraming nalabag sa paaralan si Zein na kung ibang tao ang nakagawa ay posibleng itinapon na sa darl hell jail at mamatay na hindi mangyari-yari kay Zein dahil sa proteksyon at koneksyon ng Supremo. Si Zein ang pwedeng maging dahilan ng pagbagsak ni Ace sa pwesto . Nagkamabutihan ang dalawang magkasintahan nguni't ito ay patago dahil kapag ito'y nalaman ng sino man lalo na ng punong-guro ay maaari siyang ibagsak sa puwesto at alisan ng kapangyarihan. Habang lumalalim ang pag iibigan ng dalawa ay gusto ng ipagsigawan sa lahat ng isang Supremo ang kanilang pagmamahalan . Sa araw ng kaniyang kaarawan ay binabalak ni Supremo na sabihin na sa buong unibersidad ang kanilang pag-iibigan. Ngunit ng dumating ang kaniyang kaarawan ay dinukot si Zein ng isa sa mga gang ng unibersidad . Pinagbubugbog at sinaktan siya ng gang na ito at kinausap siya ng pinuno ng gang na kaya  dinukot siya sa kadahilanang ayaw nilang mawalan ng pwesto ang Supremo dahil sakanya , ikinuwento sakaniya lahat ng sakripisyo ni Supremo para sa kaniya na maraming beses ng muntik bumagsak si Supremo sa pwesto. Sa mga tinuwiran nilang ito kay Zein ay malaking kaisipan ang sumampal . Pinakawalan siya ng gang at binantaang wag na muling gagambalain ang Supremo. Ng makapunta ito sa pagdiriwang ay bakas sa muka ni Supremo ang saya ng makita si Zein , talagang nagbago ang dating walang imik na Supremo di tulad dati , nguni't iba ang pakay ni Zein sa pagpunta dito . Nakipaghiwalay siya kay Supremo na alam niyang napaka sakit nito dahil sa araw pa mismo ng kanyang kaarawan . Binantaan siya ni Supremo na kapag humakbang siya ng sampung beses palayo ay ibig sabihin hindi na siya mahal nito . Nguni't nagawa ito ni Zein dahil ayaw niyang dahil sakanya ay mawala lahat ng pinaghirapan ni Supremo . Kinabukasan ay naging tahimik ang mundo ni Zein pakiramdam niya ay mayroong kulang sa kanya , simula din noon ay hindi na niya nakikita si Supremo kahit sa silid nito. Nakaramdam siya ng pagkaulila sa kanyang minamahal na Supremo nguni't iniisip na lamang nito na para ito sa kapakanan ni Supremo. Nagkaroon ng pagtitipon ang buong magaaral sa isang silid , inanunsyo ng punong-guro na malapit na ang pagtatapos maaari na silang makalaya nguni't kailangan muna makompleto ang formula . Pagtapos silamg paamuyin ng isang usok at ikulong ay isa isang pinag-aralan ang kanilang dugo kung ito ba ang nawawalang formula ang formula na ito ay pwedeng makapagpa-buhay ng tao kaya ito'y pinag-interesan at pinatay ng punong-gurong ito ang dating may ari ng unibersidad at ang nakagawa ng formula ngunit sa kasamaang palad ay hindi nailista ang buong formula ng mamatay ang dating may ari nito. At doon nila umpisang itinago ang paaralang ito . Matapos ang lahat ay dugo ni Zein Shion ang tumugma sa nawawalang formula kaakibat nito ang pagpatay kay Zein dahil siya ang nawawalang formula . Habang nasa isang laboratoryo ang mga doktor , si Zein , at ang punong-guro ay bigla itong sumabog , at ito ay dahil kay Ace Craige ang supreme president ng hell university. Mabilis niyang itinakas si Zein sa laboratoryo at inilayo dito . Maraming rebelasyon ang nangyari . Ng magkaroon ng mlaay si Zein ay inamin lahat ni Ace at ng iba pang gang ang lahat ng sekreto . Ang dalawang grupo na Black Blood Gang at Devil God Warrior ay hindi talaga magkalaban pinalabas lamang nila ito lituhin ang punong-guro na si Madame Violet . Si Ace at ang pinuno ng Devil God Warrior ay magkapatid , sila ang anak ng dating scientist na pinatay ni Madame Violet . Palabas lamang nila lahat ng kaguluhan sa unibersidad . Ang dark hell jail ay hindi kamatayan ang nakaabang kung hindi lagusan palabas. At ang dahilan kung bakit ayaw nilang bumagsak ang Supremo ay dahil pwedeng ipalit sakanya ang anak ng punong-guro na pwedeng ikamatay nilang lahat dahil si Supremo ang kanilang proteksyon. Biglang nagsalita ang kapatid ni Ace na si Raze na kaya hindi siya mamatay matay dahil sa proteksyon ng dalawang gang dahil ayaw niyang may mangyaring masama kay Zein dahil ito ang kaligayahan ng kanyang kapatid .Pagtapos lahat ng rebelasyon ay naiwang tulala si Zein ng magtanong si Ace na kung may pagsisi ba ito sa pagpasok sa unibersidad na ito. Tinugunan ni Zein ng buong ngiti na wala siyang kahit anong pagsisisi dahil kung hindi siya nakapasok ng unibersidad ay wala siyang makikilalang isang Supremo na ibinigay lahat ng pagmamahal na hindi niya inaasahang matatanggap. Matapos lahat ng kaguluhan nakapasok narin ang pulis sa lihim na lagusan ang dark hell jail ay tuluyan ng nadakip ang mga pumatay sakanilang ama . At sa labas ng unibersidad na ito ay itinuloy nila ang kanilang pagmamahalan na kahit kamatayan ay hindi matinag ito.

Ang tunay na pagmamahal ay hindi natitinag ng kahit anong bagay . Ang tunay na pagmamahal ay hindi mapapalitan ng kahit ano mang mahahalagang bagay tulad ng kapangyarihan. Dahil ang tunay na kapangyarihan ay yung may paninindigan ka sa pagmamahal na iyong binibigay. Ang lahat ng madidilim na nakaraan ay muling liliwanag kung tayo ay matututong makalimot at buksan muli ang puso sa mga susunod na pagsubok .

C.C. Cayetano

LAHAD TUHAN-BASA
Pamagat ng babasahin: Breaking the Rules

Deskripsyon ng babasahin: Ang babasahing ito ay tungkol sa dalawang magkasintahan na nagkita sa paris. Pareho silang masaya sa kanilang relasyon ngunit isang araw ay
nakaranas ng isang pagsubok ang magkasintahan na nagkaron ng malaking epekto sakanila.

Si Phoenix ay isang sikat na artista sa pilipinas at si Elijah naman ay isang mag aaral sa kolehiyo. Si Phoenix ay pumunta sa isang selebrasyon para makatanggap ng karangalan, ngunit ang kanyang mga katrabaho ay naiinggit sakanya kaya sila ay nagplano na lasingin ito at ang kanyang katrabaho na babae upang pagbintangan si Phoenix na ginahasa nito ang kanyang katrabaho. Lahat ay nagalit kay Phoenix kahit pamilya at kaibigan man niya ay di naniniwala sakanya, pero si Elijah ay laging nasa tabi niya at naniniwala sakanya. Isang araw si Elijah ay kinidnap ng kanyang tatay nang hindi alam ni Phoenix kaya kala ni Phoenix ay iniwan na rin siya nito. Sa pag aakalang iniwan na siya ng lahat, napagdesisyonan niyang tapusin ang kanyang buhay gamit ang lubid. Nang nailagay na niya ang lubid sa kanyang leeg, narinig niya ang boses ni Elijah at sinubukan niyang tanggalin ang lubid sa kanyang leeg ngunit ito ay nabigo.

Ano ang iyong natutuhan sa babasahing ito?
-Natutuhan ko sa babasahing ito ay hindi dapat tayo humusga agad, huwag agad maniniwala sa mga nakikita natin sa social media o kahit san man dahil hindi natin alam ang totoong nangyari. Kailangan natin makinig sa parehas na panig at malaman ang katotohanan bago humusga. At ang isa pang natutunan ko rito ay kahit ano mang mangyari ay hindi tayo nag iisa. Kahit pa man sa tingin mo ay iniwan ka na ng lahat at walang naniniwala sayo, meron paring isang tao na di ka iiwan kailan man at laging nasa tabi mo kahit ano mang mangyari. At isa pa, may malaking epekto sa isang tao ang pagtitiwala at pakikinig sa kanila.

J. Panuelos

LAHAD TUHAN-BASA
Pamagat ng babasahin: Code Synéchise

Deskripsyon ng babasahin: Ang code synéchise ay isinulat noong hunyo, 17 2021
ito ay tungkol sa isang magkasintahan na hinarap ang mga pagsubok sa kanilang buhay at relasyon.

Maikling Buod: Si kio at sai ay nagkakilala sa kanilang unibersidad. noong una silang nagkakilala ay sadyang nasusungitan ni kio si sai. si kio at ang kanyang pamilya ay hindi magkasundo dahil iba ang gustong pangarap ni kio at ang gusto ng kanyang magulang para sakanya sya gusto nyang maging isang basketbolero ngunit ang gusto ng kanyang magulang para sa kanya ay maging isang doktor, si sai ay may problema sa kanyang pag aaral dahil sya na lang ang bumubuhay sa kanyang sarili dahil lumipat sya sa manila upang makapag-aral ng kolehiyo. nag tatrabaho rin sya tuwing gabi upang matustusan nya ang kanyang pag aaral, hanggang sa nagkakilala sila ni kio ang daming dumating na problema sakanila ngunit palagi nila itong inaayos. si kio ay palaging binubogbog ng kanyang ama dahil hindi nya sinusunod ang gusto ng kanyang magulang. si sai ay palagi lamang nasa tabi ni kio upang maramdaman nito na hindi sya nag-iisa. Hanggang sa hindi na kinaya ni kio ang kanyang problema dahil sa kanyang magulang nauwi ito sa pagpatay sa kanyang sarili tumalon ito sa dagat habang si sai ay naghahanda para sa kanilang anibersaryo. kasalanan ito ng kanyang magulang dahil nauwi sa depression ang nangyari kay kio, nabigyan naman ng hustisya at natupad ni sai ang kanyang pangarap na maging abogado.

Ano ang iyong natutunan sa babasahing ito?

Natutunan ko na hangga't maaga pa mahalin natin ang isa't isa. lalo na ang ating pamilya at palaging tanungin kung kamusta na ba sila dahil hindi natin alam kung ano na ang nangyayari sakanya. kagaya nung nangyari kay kio na may depression na pala, mas sundin natin ang gusto nating tahakin, hangga't maari rin ay huwag aabusuhin ang kabaitan ng ibang tao, huwag mananakit dahil lamang hindii nasusunod ang iyong gusto, ito lamang maraming salamat!

A. Diaz

Pamagat ng babasahin:Timing The Waves

Si Elora Chin Valencia ay lumaki sa isang nakakalason na pamilyang Kristiyano kung saan siya ay itinuring na itim na tupa. Araw-araw ay ipinaparamdam sa kanya ng mundo na wala siyang lugar sa sarili niyang tahanan. Siya ay isang pare-parehong dean's lister at isang masunuring anak na babae, na nag-iwan sa kanya ng pag-iisip kung ano ang kanyang nagawang mali na hindi pinansin bilang isang maliit na alikabok sa hangin. Pinaramdam nila sa kanya na isa lang siyang dumi, pinupuno ang bakanteng espasyo. Ang taong hindi magkakaroon ng sariling ligtas na lugar.

Pakiramdam ang lahat ng ito ay nag-ambag sa kanyang walang katapusang mga ideya ng pagpapakamatay.

Baka nga tama sila. Baka nga wala siyang halaga at kailanman ay hindi na sasaya.

Halos maniwala siya. Halos mahawakan niya ang ideyang iyon.

Not until she met the man in his BS Civil Engineering uniform and gorgeous grin, Troy Jefferson Dela Paz. Hinalikan niya ang kanyang noo, at natahimik ang kanyang maingay na pag-iisip. Huminahon ang kanyang mga demonyo. Ang kanyang mga kalaban ay natalo.

Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, napatunayan niyang mali ang kanyang pamilya na isang masayang Elora Chin ay posible. Siya ay minahal at inalagaan ng mabuti. Niyakap ni Troy ang kanyang matutulis na bahagi, hindi iniisip ang mga sugat na maaaring makuha niya. Ngunit ang tadhana ay maraming malupit na bagay na nakalaan para sa kanya.

Ngunit ang kapalaran ay maraming malupit na bagay na nakalaan para sa kanya.

Dahil noong inakala niyang narating na niya ang rurok ng kaligayahan, natagpuan niya ang sarili niyang nalulunod na mag-isa sa karagatang tinatawag niyang tahanan, mag-isa sa kahihiyan, mag-isa sa alon na hindi niya kayang paamuin.

Ang natutunan ko sa nobelang ito ay nakatuon sa mga indibidwal na tahimik na lumalaban sa kanilang mga laban. Kayong mga lalaki, hindi namin kailangang talunin ang iyong mga masasamang tao. Kailangan mo lang matutunan kung paano mamuhay sa itaas nila. Tandaan ang SELF-LOVE AY HINDI SELFISH.

M.D Rosas

LAHAD TUHAN-BASA
Pamagat ng babasahin: Whose Deduction Show?
-akosiibarra&shinichilaaaabs

Deskripsyon: Ang istorya na ito ay patungkol sa dalawang grupo ng mga istudyante na  inanyayahanan upang sumali sa isang sikat na patimpalak sa telebisyon para maglaban at ipakita ang galing sa pag iimbestiga at pag resolba ng mga kaso.

Buod: May dalawang grupo ng mga istudyante ang inanyayahanan upang maglaban sa isang sikat na patimpalak sa telebisyon kung saan ipapakita nila ang kakayahan sa pag resolba ng mga kaso. Pumunta sila sa mansyon kung saan isasagawa ang patimpalak, ang akala ng dalawang grupo ay bukas pa maguumpisa ang patimpalak pero nagulat sila ng Makita ang duguan at walang malay na tagapagsalita  sa isang kwarto, Akala nila nung una ay bahagi ito ng palabas pero nagulat sila ng makitang di na ito humihinga. Sinimulan nila ito imbestigahan katuwang ang mga pulis, isa- isa nila kinausap ang mga crew at ang direktor, writer at producer para malaman kung na saan sila ng mga oras na namatay ang tagapagsalita. Ang dalawang magkalaban na grupo ay nagtulong upang maresolba ang kaso. Nag kasundo ang dalawang lider ng grupo at sinabi sa lahat na Ang babaeng direktor ang pumatay. Lumabas ang writer at pumunta sa malupang lugar at may hinukay, palihim na sumunod ang dalawang lider at doon nila nilabas ang katotohanan na ang writer na yon ang totoong salarin. Sinubukan pa ng lalaki na sabihin na ang direktor ang may kasalanan pero pinaliwanag sakanya ng dalawang leader na malabong ang direktor ang may kasalanan dahil isa itong maliit na babae at 6ft ang tangkad ng biktima, kaya kung siya ang salarin maaaring bago pa nya mapatay ang biktima ay baka na nasaktan na siya ng biktima. Doon den inilabas ng isang leader ang ebidensya na hinahanap ng writer sa labas ng mansyon at iyon ay ang kapote na pag mamayari at ginamit ng salarin sa pagpatay sa tagapagsalita. Doon nila nalaman ang dahilan sa pag patay at yon ay dahil tinanggal sya sa isang proyekto at dahil sa galit niya ay nagawa nya iyon sa tagapagsalita.

Ang natutunan ko sa istorya na ito ay:

-kung pano maging mapanuri kahit sa mga maliit na detalye at maging mapag obserba sa paligid.
-matutong tumulong sa ibang tao kahit sa mga ka kompetensya para ma solusyonan ang isang problema.
-wag hahayaan ang sarili na mawalan ng kontrol dahil sa galit at makagawa ng masama.

P.M. MERCADO

LAHAD TUHAN-BASA
Pamagat ng babasahin: Wake up, Dreamers

Deskripsyon ng babasahin: Wake up, Dreamers na isinulat ni AnakniRizal, itong storyang ito ay tungkol sa magkakaibigang binubuo ng isang potograpo o retratista/litrarista, manunulat, musikero, artista, at manunula na nagsama para sa isang buod ng pelikula. Si Molly Lazuli ay isang kolehiyo na nangangarap maging isang manunulat ngunit siya ay hindi sinuportahan ng kaniyang mga magulang kaya ang kinuha niyang kurso sa kolehiyo ay engineering. Nang matapos siya sa kursong Humanities, siya ay nakipagkaibigan sa isang kaklase, si Cole Manzano, na kumumbinsi sa kaniya na makipagtulungan sa kanya sa paggawa ng isang malaking proyekto para sa kanilang finals at iyon ay ang documentary film. Sila ay nagsama upang mag-recruit ng ibang grupo isa rito ay si John Garnet Sucgang isang pintor na nagkataon ding may sikretong pagtingin kay Molly, Jasper Tupas isang aktor o artista at makata na parte ng LGBTQIA+, at para makumpleto ang barkada, Alexa isang moody na musikero. Sama-samang sinimulan ng grupo ang isang paglalakbay na hindi lamang nila ginawa ang isang dokumentaryo ng kanilang mga tagumoat at trahedya sa buhay, ngunit ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan, pagtanggap, at kung ano ang kinakailangan upang matupad ang kanilang mga pangarap.

Ano ang iyong natutuhan sa babasahing ito?
-ang aral na nakuha ko sa babasahing ito ay dapat na maging mabait tayo sa lahat dahil hindi tayo pare-parehas ng pinagdadaanan, hanggat hindi tayo nakakapinsala ng ibang tao gawin natin 'to. Isa rin sa natutunan ko rito ay turuan din natin ang iba na itrato ang sarili nila or sabihin sa kanila na tao rin sila, na hindi naman sila nakakapinsala ng ibang tao kung magpapakatotoo sila sa kanilang sarili. 'Wag din tayong matakot mabigo, kapag tayo ay sobrang takot mabigo ay parang hindi na rin tayo nabubuhay ng totoo. At ang pinakatumatak sa akin ay "para mapawi ang sakit, kalimutan ang nakaraan. Upang maiwasan ang pagkabalisa, huwag mag-alala tungkol sa hinaharap. At para maging masaya, mabuhay lang sa kasalukuyan" , itong storyang ito ay ipapamuka sa iyo na ang pangarap mo ay hindi patay, maipapamuka rin sa iyo ng storyang ito na dapat mong pahalagahan ang maraming bagay habang ikaw ay nabubuhay kumbaga pahalagahan mo ang iyong buhay at mabuhay kang naayon sa gusto mo dahil ayon sa storyang ito ay ang buhay mo ay napakaganda, ikaw ay magpakatotoo lang sa iyong sarili at lumaban ka para sa pangarap mo. "Lahat tayo ay may pinagkaiba, ngunit ang bagay na parehas tayo ay parehas tayong nangangarap at naniniwalang ang kasalukuyan ay nasa atin. "If I want to be something, I can achieve it if I belive in myself". Wake up, Dreamers na isinulat ni AnakniRizal
A.R. Castro

LAHAD TUHAN-BASA

Pamagat ng babasahin:
-The Spanish Love Deception

Deskripsyon ng babasahin: Ang "The Spanish Love Deception" ay isinulat ni Elena Armas.  Ito ay pinablished noong Pebrero 22, 2022. Ito ay tungkol sa isang dalaga na pumayag na makipag-date sa isang kasamahan sa opisina at dalhin siya sa kasal ng kanyang kapatid.

Maikling buod (3-5 pangungusap):
Si Catalina "Lina" Martin ay nakatira sa Spain. Kailangan niyang bumalik sa Spain para maging braids maid sa kanyang kapatid na babae at kinakailangan niya magdala ng Amerikanong boyfriend at ang nag iisang nagpiprisinta ay ang kanyang katrabaho sa New York city at tinatawag niya na Mr. Robot na si Aaron Blackford na isang star athlete sa Seattle. Kahit kumukulo ang dugo niya dito wala na siyang magagawa kase wala na siyang mapagpipiliaan at desperada na din siya kase papalapit na ang kasal ng kapatid niya. At napagtanto niya na ibang iba sa Aaron kapag nasa opisina sila.

Ano ang iyong natutuhan sa
babasahing ito?
- Huwag basta bastang i-judge ang isang tao sa kung ano ang nakikita natin sa kanila sa araw araw. Huwag manloloko ng tao kase ikaw lang din mahihirapan at maiipit sa sitwasyong iyong pinasokan.

Ilagay ang inyong inisyal na pangalan at apelyido.
- G. Maranan

Pamagat ng babasahin: Loving the sky

Deskripyon: Ang istoryang ito ay isinulat ni inksteady (Isang manunulat sa Wattpad) na naglalaman ng iba pang dahilan ng taong nagpapa-abort.

Buod: SI Reese Deborah at Rouge ay magkasintahan noong Sila ay mga menor de edad pa lamang at hindi nag iingat. Naghiwalay ang dalawa dahil sa pag papa abort ni Reese na kung San ay tutol SI Rouge. Nag pa abort SI Reese sa kadahilanang Bata pa sila at gusto pang matupad ang pareho nilang pangarap. Dahil sa kagustuhan nyang magkaayos sila at makabalik sa dati ay nag aral SI Reese sa ekwelahan kung San pumapsok Si Rouge, nag-kaayos sila ngunit dahil sa kasalanan Ng ama ni Reese sa pamilya ni rouge ay muli Silang pinaglayo Ng Tadhana. Inakala ni Reese na sya ay pinaghigantihan lang ni rouge at niloko, nagkaanak muling sila ngunit Hindi alam ni rouge hanggang sa Nakita nya Ang mag Ina sa Isang Isla, at Doon muling nag ka ayos.

Aral: Ang paging Isang Ina ay pinipili nat Hindi ipinipilit Lalo na kung ang Isa lang Ang may gusto, at wag maging sarado ang isip at palaging pakinggan ang ibang dahilan upang magkaintindihan.

F. M. PERAMO